WATCH THE STORY TRAILER ABOVE
---------------
Elle's POV
"Ethan, pwede akong mag-drive?" Tinitigan niya lang ako >.<
"Oo at hindi lang ang tatanggapin kong sagot. Jusko! Kailangan pa mantitig? Alam ko maganda ako."
*pak*
"ARAY! *pout*" Nak ng! Binatukan ako. -________-
"Sige na nga! San ba kasi tayo pupunta?" Lumabas siya ng kotse para lumipat dun sa upuan ko.
"You'll see." Lumipat ako dun sa driver seat then I smirked
Ethan's POV
After 1 hour...
Andito kami sa EKWCC. Anong gagawin namin dito? -_______-
"Anong gagawin natin dito?"
"Magpapakulay tayo ng buhok dito. Isa ka din e." Sarcastic niyang sagot
"Nagtatanong akong maayos. Psh."
"Nakita mo nang charity to, itatanong mo pa?" Inirapan niya lang ako
"ATE ELLEEEEEEEEE!" Nagsilabasan yung mga bata at niyakap si Elle
"Hoy! Lumayo kayo sa kanya. Layo layo!" Tinaboy ko sila kay Elle, baka mamaya magkasakit pa siya.
*pak*
"Sira ulo! Wag mo silang ganyanin." Ako pa masama. Kita mo to. =____=
"Tara na mga kids, pasok na tayo." Nakangiting sabi ni Elle tapos bigla siyang tumingin sakin ng masama sabay sabi ng "Be good or else.." Pinakita niya sakin yung kamao niya. Ang amazona talaga.
Pumasok na si Elle dun sa loob ng bahay, susunod na sana ako ng bigla akong may narinig na babaeng umiiyak...
Sinundan ko yung tunog hanggang sa makarating ako sa likod ng bahay.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dun sa bata
*iling iling*
"Wag ka ng umiyak." Inabot ko sa kanya yung panyo ko
Kinuha naman niya at pinunasan niya yung luha niya sabay sabi ng "Kuya, samahan mo ako."
"Saan?" Habang hinahaplos haplos ko pa yung buhok niya. Ang cute niya kasi, kamukha niya si Elle. Mukhang uhugin. HAHAHAHAHA! Shhh lang kayo kay Elle na sinabi ko yun ah? ^___~
"Dun po." Tinuro niya yung tindahan malapit dito sa charity
"Sige." Inalalayan ko siyang tumayo tapos sinamahan ko siya dun
"Ate, pabili po ng isang lollipop. Magkano po?" Ang cute ng batang to! Ang sarap iuwi. O.O
"5 pesos iha." Sagot nung tindera. Tinignan ko naman yung bata, mukhang kulang yung pera niya.
"Kuya kuya." Hinila-hila niya yung pants ko
"Oh?" Nakangiting tanong ko sa kanya
"May piso ka? *singhot* 4 pesos lang po kasi ito e." Pinakita niya sakin yung mga barya niya
"Ako nalang magbabayad."
"Ayaw ko po kuya." Bigla siyang nag-pout! Elle! Ikaw ba yan?! *o*
"Osige na, sige na." Kumapa ako ng barya sa pants ko, buti nalang may piso ako dito.
"Oh eto oh." Nagningning naman yung mata niya
"Salamat po!" Yung ngiti niya abot tenga. ^_______^
Pagkatapos nun, umupo siya sa swing sa may playground..
"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko
"Eilish po. (AY-lish)" Then ngumiti siya
"Ganda naman ng name mo, it suits for you." Kinurot ko ng mahina yung pisnge niya
"Thank you po." ^____^
"Bakit kaba umiiyak kanina?"
"Ako lang po kasi walang regalo e."
"Bakit? Birthday mo ba?"
"Hindi po."
"E sino?"
"EILISH!!!!!!! Pasok na." Tawag sa kanya nung madre
"Sige po kuya, kitakits nalang po tayo mamaya. Ba-bye po." Nag-wave pa siya ng hands
"Ba-bye." Pumasok nadin ako sa loob
Nagkakantahan sila ng Happy Birthday... Bakit? Sinong may birthday?
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY ATE ELLE." Ate Elle? Si Elle? Birthday ngayon? O.O
Lumabas ulit ako ng bahay at tinawagan si Rachel...
Rachel calling...
R: Oh bakit ka napatawag?
A: May tatanong lang sana ako.
R: Ano yun?
A: Birthday ba ni Elle ngayon?
R: Hindi, bukas pa. Nasa charity kayo ngayon?
A: Oo.
R: Sabi na nga ba e, ganyan kasi yan palagi. A day before birthday niya, pumupunta siya diyan sa charity na yan.
A: Ano bang meron sa charity na to?
R: Diba EKWCC name ng charity?
A: Oo
R: It stands for "Elle's Kids with Cancer Charity". Siya mismo nagpatayo niyan, sarili niyang ipon.
A: Ahh sige, salamat sa information.
*toot toot*
Kaya pala sabi niya kanina mabait siya ngayong araw nato tsaka kaya pala sobrang excited niya pumunta dito.... Bait naman pala ni Elle, may angelic genes din naman pla kahit papano. *O*
Pumasok na ulit ako sa loob at nilapitan si Elle...
"Bakit naman hindi mo sinabing sayo pala tong charity na to?"
"Hindi mo naman tinatanong e." Biglang lumapit sa kanya si Eilish
"Ate Elleeee!" Niyakap ni Eilish si Elle
"Hello Eilish. Bakit parang ngayon lang kita nakita? Ha?" Malambing na tanong ni Elle. Sana laging ganyan yung tono ng boses niya. -_______-
"Bumili po kasi kami ni Kuyang pogi neto." Nilabas niya yung lollipop na binili namin
"Pogi ba siya?" Tanong ni Elle kat Eilish tapos nag-pogi sign ako
"Opo." Sabi ni Eilish tapos lumapit siya sakin "Kuya, hintayin mo ako ha? Gusto ko pag laki ko ikaw yung maging prince charming ko." Sabi sakin ni Eilish
"Hahaha! Halika dito Eilish." Binuhat siya ni Elle tapos kinandong niya
"Ay ate, eto gift ko sayo." Inabot niya yung lollipop na binili namin kanina
"Thank you Eilish. Kiss mo ko." Kiniss naman ni Eilish si Elle sa cheeks. Anak ng! Inggit ako! >.<
"Ate. Kuya, alis po muna ako. Lalaro lang kami." Tinuro niya yung mga kalaro niya
"Sige." Nginitian siya ni Elle. Bagay talaga ni Elle yung nakangiti. ^______^
"Elle, tara. Labas muna tayo." Yaya ko sa kanya
"Tara." Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Bat ganun? Parang may kuryente. Ang bakla ko nanaman. -______-
Umupo kami dun sa bench sa may playground....
"Punta ka samin bukas." Yaya ko sa kanya
"Ha? Bakit?"
"Dadating kasi si Papa bukas, papakilala na kita. Pati nadin kay mama tsaka kay Kennedy."
"Kennedy?"
"Yeah, my little sister."
"LITTLE SISTER?! Kawawa naman siya. *pout*"
"Bakit naman?"
"Paniguradong lagi mo siyang sinusungitan." Nag-smirk pa siya
"Pano ko susungitan yun? E kaugali mo nga. Mautak pa. Parang mas matanda sakin kung magsalita." Pagrereklamo ko. Hindi ko pa nga siya nabibilhan ng bagong dress e. -_____-
"Tsaka, birthday mo pala bukas hindi mo man lang sinabi." Nag-iba yung itsura ng mukha niya. From this ^_______^ to this =_______=
"Boyfriend po kita. Dapat alam mo yun. *pout*"
"Opo. Sorry po." Kiniss ko siya sa cheeks. >///<
"HOY! CHANSING KA HA!" Sigaw niya sakin
"Hayaan mo na, minsan lang naman e." Niyakap ko siya habang nakapatong yung ulo niya sa balikat ko
*chuckle*
"Oh? Bat tumatawa ka?"
"Wala. Sarap kasi sa feeling ng ganto. Sana palagi nalang ganto. Sana wala nang dumating na problema no Ethan?"
"Sana nga." Kiniss ko siya sa noo
"Pagod kana?" Malambing na tanong ko sa kanya
*tango tango*
"Gusto mo na umuwi?"
"Ayaw ko pa. Dito muna tayo. Pa-tulog lang muna ako dito sayo ng 5 minutes then I'm ok na." Yung pwesto namin ngayon, nakayakap ako sa may malapit sa braso niya tapos siya nakayakap sa may waist ko then yung ulo niya nasa may malapit sa dibdib ko.
"Elle." Tawag ko sa kanya
"Hmmm."
"Anong shampoo mo? Amoy lemon e." Ang sarap singhutin. O.O
"Secret, basta pinili ko yan para sayo."
"Elle."
"Hmmm."
"Naririnig mo ba yung heartbeat ko?"
*tango tango*
"Ang lakas nga e tsaka ang bilis." Sabi niya pa
"Ikaw lang ang nakakagawa niyan." Bigla siyang tumingin sakin then she gave me a sweet smile. >////<
After 5 minutes...
"Ate Elleeeee!" Tawag ni Eilish kay Elle kay bigla siyang nagising at napaayos ng upo.
"Bakit?" Tanong ni Elle habang nagkukuskos pa ng mata
"Pa-braid po ako. Sabi kasi nila sakin, bagay daw po sakin yung naka-braid." Sabi ni Eilish habang naka-super smile
"Sige. Halika dito." Tinabi naman ni Elle si Eilish sa kanya bale yung pwesto namin Eilish-Elle-Ethan Pogi ^____^V
"Elle, pano yan?" Ang galing kasi. Gusto kong gawin kay Elle
"Ganto oh. Sundan mo lang ako." Hinawakan ko yung buhok ni Elle at ginaya yung ginagawa niya kay Eilish.
"HOY ETHAN HERNANDEZ! Kapag yan nagkabuhol-buhol, ibubuhol ko yang large intestine mo." Pananakot sakin ni Elle
"OPO! Maganda naman yung ginagawa ko e. Mas maayos pa nga yung akin kesa sayo e." Pagmamayabang ko
"Kapal. Tsss."
Nung matapos na...
"Ate Elle, maganda na ba ako? Kamukha naba kita?" Nag-pose pa si Eilish. Ang cute cute talaga ng batang to. Ang sarap itupi sa apat at ubulsa. *o*
"Oo naman." Kinurot ni Elle yung pisnge ni Eilish
"Gusto mo maging Ate Elle ka ngayong araw?" Tanong ko kay Eilish at si Elle naman napa What-Do-You-Mean-Look
*tango tango* Nagliwanag yung mukha ni Eilish
"Hmmm. 7 pm palang naman e. Tara! Magiging daddy mo muna ako tapos si Elle naman magiging mommy mo for this day. Ok?" Sabi ko kay Eilish
"OKAAAAY!" Sabi ni Eilish sabay yakap sakin. Ang gaan kasi ng loob ko kay Eilish, hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga bata. Kung titignan mo si Eilish, hindi naman halatang may sakit siya. Kung tutuusin nga ang sigla sigla niya.
"Pano yung ibang bata, Ethan?" Bulong sakin ni Elle
"Ako bahala. Tara na?" Kinindatan ko siya.
Nakahawak yung kamay ko sa isang kamay ni Eilish at yung kamay naman ni Elle nakahawak dun sa kabilang kamay ni Eilish
Pagpasok naman namin ng kotse...
"San tayo pupunta?" Tanong sakin ni Elle
"Sa mall. Gagawin nating Elle si Eilish ngayon." Sabi ko
"O-okay." Nagtatakang tanong ni Elle. Si Eilish naka-kandong kay Elle, nanay na nanay ang dating ni Elle ngayon. HAHAHAHA!
Sa mall...
"Tara! Dun tayo." Tinuro ko yung kids store. Yung puro damit ng mga bata.
"Ikaw na mamili, Elle. Ikaw may alam ng style mo e." Utos ko sa kanya.
"Okay." Nag-thumbs up siya tapos hinawakan si Eilish habang ako umupo muna dun sa may couch sa loob ng store
Saleslady 1: Ang gwapo naman niyang tatay
Saleslady 2: Ang ganda nga din nung asawa niya e. Bagay na bagay sila
Saleslady 3: Tignan mo yung anak nila, ang cute. Kamukhang kamukha nila
Mga madadaldal na saleslady, maguusap na nga lang yung maririnig ko pa. -________-
Elle's POV
Kumuha ako ng white dress then white ribbon para sa buhok tsaka pink doll shoes..
"Eilish, try this." Inabot ko sa kanya yung mga damit tapos pumasok na siya sa dressing room
"Kaya mo na ba mag-isa Eilish?"
"Yes po. Malaki na ako." Sabi niya sakin
"Ok. Upo lang ako dun sa may couch ok?"
"Sige po."
After 10 minutes...
Lumapit samin si Eilish suot suot yung mga pinili ko.
"Ang ganda mo naman baby." Sabi ni Ethan. Talaga pinanindigan niya na.
"Kamukha ko na po ba si Mommy Elle?" Umikot ikot pa siya
"Oo naman, kamukha kita." Sabi ko
"Uhmm, miss. Kukunin na namin to. Susuotin niya na to ngayon." Sabi ni Ethan dun sa saleslady
"Ah sige po, plastic ko nalang po yung suot niya kanina." Kinuha niya naman yung mga damit ni Eilish kanina.
"Miss, pilian mo din ako ng 20 shirts for boys and 20 dresses for girls. Iba ibang design." O.O Seryoso siyang bibilhan niya lahat ng nasa charity?
"Seryoso ka?"
*tango tango*
"Wag kang maki-hati sa bayad. Minsan lang ako magpakabait. Pagbigyan mo na." Sabi niya sakin tapos ngumiti siya ng nakakaloko.
"Sa bagay, minsan nga lang..." Sabi ko sabay tawa tapos sinamaan niya lang ako ng tingin
"Sir, eto na po yung shirts and dresses." Sabi nung saleslady
"Osige, paki-plastic nadin yan. Kukunin ko na lahat yan. Magkano?" Napaka-suplado talaga neto pero mas ok na yun kesa naman chickboy siya.
"5,000 pesos po." Inabot ni Ethan yung credit card niya
Pagkatingin ko kay Eilish, wala siya sa tabi ko! Andito lang siya kanina ah?! O.O
Inikot ko yung buong store at nakita ko siya dun sa may mga hairclip na tinitignan yung clip na color pink na may design na strawberry.
"You want this?"
*iling iling* then nag-smile siya sakin sabay takbo kay Ethan.
"Tara na! Balik na tayo? 8 na oh. Isang oras din pala tayo dito." Sabi ni Ethan. Yung mukha ni Eilish biglang nalungkot
"Don't worry Eilish. Gagawin ulit natin to next time." Then piniggy back ride siya ni Ethan
Pagbalik dun sa charity...
"Oh ano Eilish? Naging masaya ka ba?" Tanong ni Ethan sa kanya. Aba! Nagiging close na sila ah. ^___^
"Opo."
"Osige na baby. Kiss mo na si Mommy tsaka si Daddy." Kiniss niya naman kami.
"Ah baby." Lumapit siya tsaka inabot ko sa kanya yung clip na tinitignan niya kanina
"Thank you poooo! Ba-bye!" Hinug niya ako tapos tumakbo na siya papasok ng bahay. Ang sarap sa feeling. *o*
"Teka lang Elle ha. Pasok ko lang tong mga binili natin." Sabi sakin ni Ethan
"Sige." Then I smiled at him. Hindi ko alam may pagka-anghel din pala yung dugo ni Ethan. HAHAHAHA!
After 5 minutes...
"Elle." Tawag niya sakin pagkabalik niya
"Oh?"
"Baby."
*pak*
"SIRA ULO!" Letcheng to!
"Bakit? Sabi ko, baby. Ang cute nung mga baby tsaka bata. Dumi ng isip mo, kababaeng tao."
"Pero kung...." Dagdag niya pa sabay ngiti ng nakakaloko
"Sige, subukan mo ituloy yan. Sisipain at gigilitan kita hanggang makarating ka sa ibang galaxy. Sige! Subukan mo." Pagbabanta ko sa kanya
"Eto naman! Joke lang. Halika nga dito." Bigla niya akong binack hug. >/////<
"I love you Elle." Sabi niya sakin. Medyo husky pa yung boses niya. Ang lambing ng boses! Jusko po! Kinikilig ako. Nako Elle! Ang harot harot mo!
"I love you too Ethan." Sabi ko sabay kiniss niya yung ulo ko.