Lovelife? Ano 'Yun? ✔

By AegyoDayDreamer

31.3M 569K 57.9K

Journal ng babaeng walang lovelife... More

1: NLSB
2: Wala akong pake!
3: Boring
4: Nakakaturete!
5: Goal
6: Nag-aral o Naglandi?
7: Thank you!
8: First Section
9: First Day-ulit
10: Sitting Arrangement
11: Chismosa
12: Sheesh! Quiet!
13: Bad trip
14: Surprise Quiz
15: 3 Minutes
16: Friend?
17: Lunch Together
18: P.E.
19: Sorry
20: Long Quiz
21: Election Week
22: Flyers
23: Wrong Name
24: Secret!
25: Election Day
26: First Kiss
27: Breaking News
28: Missing You
29: Mel!!!
30: Ayoko na!
31: Bestfriend!!!
32: Santa Mel
33: Dear God
34: No Title
35: Paalam Na
36: Hi!
37: Wala lang
38: Hindi pa ako ready
39: Sorry at Suhol
40: Nanliligaw
41: Heartfelt
42: TAYO
43: Sign
44: 500
45: Yecats Sevetse
46: Notifications
47: Cute
48: End of the School?
49: Close
50: The Interview
51: G-Tec
52: The Friendly Ghost
53: Badminton
54: Weird
55: Nearsighted
56: Date
57: Record Breaking
58: Death Anniversary
59: 7B's
60: Suntukan
61: Band-aid
62: New Friend
63: PDB
64: Boy Friends
65: Red Alert
66: Bad Influence
67: Taguan
68: Unfriend
69: Alibi
70: Karma
71: It's Over
72: Anak ng Pasig!
73: Tomboy
74: Kiliti
75: Long Day
76: Abnormal
77: Moses
78: Kaaway
79: BFQ?
80: Red and Blue Corner
81: Boy's Talk
82: Ara's Best Friends
83: Count Me In
84: Unang Kilig Show
85: Aftershock
86: Barkada Ko
87: Kaibigan VS Ka-Ibigan
88: Date???
89: Muling Ibalik
90: I Love You...
91: 50 Facts About Deane
92: Heart
93: Group Study
94: Time Check
95: Alam Mo Ba...
96: Journal Ko!
97: Poker Face
98: Walang Halong Malisya
99: Sembreak
100: Sticky Notes
101: Sticky Guy
102: Madamot
103: Deep Inside
104: Isnabera
105: Questions & Answers
106: Since Last Year
107: Liam Torres
108: Sumpa
109: Tore
110: King Of Depression
111: Good Morning!
112: Safe
113: Dahil...
114: Little Secret
115: Piece Of Advice
116: Six Months
117: Celebration
118: Walang Makakapigil
119: Kusang Loob
120: Ikaw? Ako? Kami.
121: Stace
122: Hindi Sinasadya
123: Mga Balita
124: Deal
125: Bitag
126: Dalaw
127: Girl's Talk
128: Hindi Na Ako
129: Newest Addition
130: Stupid
131: Lovelife?
132: Iyak Na
133: Maagang Regalo
134: Trip Lang
135: Noche Buena!
136: Parusa
137: New Year's Resolution
138: INTENSE 'TO! PROMISE!
139: Ghost Writer
140: Suplado
141: Jam-packed!
142: Recess Date
143: Japan
144: Saling-pusa
145: Hindi Na
146: Huli Na 'To
147: Love
148: Foundation Week - Day 1
149: Foundation Week - Day 2
150: Foundation Week - Day 3
151: Foundation Week - Day 4
153: Lihim by Ymagesa
154: Buwan Ng Mga Puso
155: Bitter
156: Proposal
157: Apple Of The Eye
158: Nakaka...
159: Emergency
160: Prom Night
161: Nagtitipid
162: School Retreat - Day 1
163: School Retreat - Day 2
164: School Retreat - Last Day
165: Graduation
166: Despedida
167: A Letter To Deane Carrasco
168: Notes To Yecats
169: Reunion
170: Last Entry

152: Foundation Week - Last Day

180K 2.8K 1K
By AegyoDayDreamer


TIME CHECK: 7:30 AM

Last day na ng Foundation Week ngayon kaya sadyang inagahan ko ang pagpasok. After lunch pa naman ang shift ko pero gusto kong sulitin ang kasiyahan sa araw na ito. Isa pa, naisip kong ituloy 'yung naudlot na pagru-room-to-room namin ng mga kaibigan ko.


TIME CHECK: 8:15 AM

Absent pa yata sina Kasper, Ara, Mina at Rose! Loko-loko 'yung apat na 'yun ha! Wala pa yata akong makakasama sa araw na 'to!

'Yung mga kaklase ko pa, nilagay ako sa hot seat at panay ang tanong at pa-chika tungkol sa nangyaring sagutan namin ni Amanda kahapon. Ang bilis talaga ng chismis!

Ang nakakapanibago lang, para bang natuwa pa sila sa ginawa ko. Tama lang daw na ipaglaban ko ang feelings ko. Isa pa, kami na nga raw kasi ang mas close ngayon ni Deane.

Ngunit isa pa sa ikinatutuwa ng mga classmates ko, normal na tao lang daw pala ako. Ngayon lang daw kasi nila nalaman na pwede raw pala akong sumigaw at magkagusto sa opposite sex. Nahiya naman din ako sa ka-weirduhan nila!


TIME CHECK: 9:50 AM

Hindi naman pala absent sina Kasper. Sadyang mga late lang kasi wala naman daw taga-check ng attendance!

Agad kong ikinwento sa kanila ang tungkol sa naging usapan namin ng mga classmates namin. Syempre, na-shock silang apat. Sunud-sunod na raw kasing himala ang nangyayari.

Una, 'yung pag-amin ko na may gusto ako kay Deane. Pangalawa, 'yung pag-stand up ko against Amanda. Pangatlo, 'yung pakiki-bonding ko na sa buong klase. Ano raw kaya ang susunod?

Ano nga kaya?


TIME CHECK: 11:30 AM

Lunch na. Sabay-sabay kaming kumain.


TIME CHECK: 12:45 PM

Nawawala na naman sina Kasper! Ang daya talaga nila, sumibat sa trabaho tapos hindi pa nila ako sinama! Ibang classmates ko tuloy ang sumalo sa mga dapat nilang trabaho.


TIME CHECK: 1:20 PM

Napadaan ulit si Liam sa room namin. Nang makita niyang nakabusangot ako dahil wala na naman ang mga kaibigan ko at hindi ko pa pwedeng iwan ang trabaho ko, siya na lang ang sumama sa akin.

LIAM: After nitong event, anong gagawin mo?

AKO: Hmmm... tutulong sa paglilinis.

LIAM: After mong tumulong maglinis?

AKO: Uuwi na siguro.

LIAM: Gusto mo sabay tayong mag-dinner.

AKO: (Napaisip)

LIAM: Hindi ka ba pwedeng gabihin? Last day naman na din ng Foundation Week. Tsaka pwede kitang ihatid pauwi sa inyo para—

AKO: Wait! Nag-iisip ako ng pwedeng kainan.

LIAM: (Natawa) Ibig sabihin, payag ka? Tuloy tayo mamaya?

AKO: (Tumango)

LIAM: (Mas nag-glow ang mukha)

AKO: Sabihan ko na rin sina Kasper.

LIAM: (Napakurap) Ka—kasama sila?

AKO: Oo. Para mas masaya.

LIAM: (Napakamot bigla ng ulo) Ano kasi, balak ko sana na libre ko.

AKO: Ang dami mo namang pera!

LIAM: Hindi! Sapat lang 'to. Ikaw lang ang kaya kong ilibre.

AKO: Bakit mo ako ililibre?

LIAM: Ako nag-aaya eh.

AKO: May point ka. Okay sige. Sa susunod na lang natin isama sina Kasper.

LIAM: Oo ba! (Ngumiti na ulit) Mga anong oras kita pwedeng hintayin?

AKO: 6 o'clock?

LIAM: Naka-set na 'to ah! Promise?

AKO: (Nakangiting tumango ulit) Oo na. Promise.


TIME CHECK: 2:15 PM

Sa halos isang oras na magkasama kami ni Liam, kung anu-ano na rin napag-usapan namin. Pero 'di rin nagtagal, kinailangan na niyang bumalik sa room nila dahil shift na niya ulit. Bago siya umalis, muli niyang pinaalala sa akin na susunduin niya ako ng 6 o'clock.


TIME CHECK: 3:00 PM

Kaninang umaga, may naabutan akong isini-set-up na stage sa gymnasium. May gaganapin palang last program doon mula alas-kwatro hanggang alas-syete. Narinig ko sa ilang estudyante kanina, sa program din daw na iyon ia-announce 'yung winning section and room for this event. Malakas talaga pananalig ko na ang otaku expo ng section namin ang mananalo! Sana!


TIME CHECK: 4:05 PM

Nagsimula na ang program sa gymnasium kaya wala na ring masyadong customers. Ramdam ko na talaga ang pagtatapos ng Foundation Week at dahil dyan, makakapag-relax na ako.


TIME CHECK: 4:15 PM

Nagpakita na rin sa wakas sina Mina at Rose pero hindi nila kasama sina Kasper at Ara. Nagso-solo date pa yata 'yung dalawa.

At masaya na sana ako dahil may mga makakasama na ulit ako, kaso may pinipilit naman silang ipagawa sa akin.

MINA: Sige na naman, Stacey! Ikaw na lang mag-mascot para sa section natin!

ROSE: Oo nga! Kapag nanalo tayo, dapat may isang representative mula sa atin na ang nakasuot ng ganito para mas bongga!

AKO: (Naiiyak na) Pero bakit ako? Kayo na lang.

MINA: Mukha kaming suman noong sinukat namin 'to!

AKO: 'Yung iba nating classmates?

CLASSMATE 1: Oo nga! Kami na lang!

CLASSMATE 2: Gusto ko rin! I volunteer!

ROSE: 'Wag kayong ano dyan! Kay Stacey lang bagay 'to!

Gusto nilang ayusan ako at pagsuotin ng kimono para irepresent talaga ang Japan. Kahit na ang dami nang nagvo-volunteer sa mga classmates namin at kahit anong palag at pagmamakaawa ko, sa huli ay nasunod pa rin ang gusto nina Mina at Rose.

Hay! Nakakahiya talaga 'to!


TIME CHECK: 5:10 PM

Makalipas ang halos isang oras, tapos na nila akong ayusan. Kinakabahan pa akong tumingin sa salamin dahil baka mukha akong ewan pero noong lumabas na ako at nakita ko ang reaksyon ng iba pa naming mga classmates...

"Bagay na bagay nga sa kanya!"

"Ang ganda mo, Stacey!"

"Mukha ka na talagang Japanese!"

Kahit nahihiya naman sa natatanggap kong compliment, nang makita ko na ang repleksyon ko sa salamin ay na-amaze na lang din ako. Ang ganda nga ng ayos ko! Ang ganda ko!


TIME CHECK: 5:20 PM

Hindi na nila ako pinatulong sa paglilinis ng classroom namin. Masasayang daw ang pinaghirapan nina Mina at Rose kapag na-haggard ako.


TIME CHECK: 5:45 PM

Magkakasama na kaming nagpunta sa gymnasium. Malayo pa lang, naririnig na namin ang tugtugan at hiyawan ng mga tao. So may Battle of the Bands pala muna bago ang announcement ng winning section.


TIME CHECK: 5:50 PM

Sa sobrang dami ng tao, nahirapan kaming makipagsiksikan lalo na sa ayos ko. Buti na lang at magaling sumingit sina Mina at Rose. Nakahanap kami ng magandang pwesto kung saan maganda rin ang view namin sa stage.


TIME CHECK: 6:00 PM

Nagpaalam sa akin sina Mina at Rose na magsi-CR lang daw sila. Gusto ko sanang sumama pero baka mahirapan lang daw ako ulit sa paglalakad. Isa pa, kailangan may maiwan sa pwesto namin para hindi kami maagawan ng upuan.


TIME CHECK: 6:05 PM

Hindi pa rin bumabalik sina Mina at Rose. Saan na kaya nagsuot ang dalawang 'yun?


TIME CHECK: 6:10 PM

Ilang banda na ang natapos sa pagpi-perform at ngayon nga ay ina-announce na ng host ang huling bandang kasali sa competition.

"Let's give it up for the PC & JJ Band!"

Hindi magkamayaw ang sigawan at tilian ng mga tao nang magsi-akyatan na ang members ng bandang ito. Grabe naman ang gulat ko nang makitang mga kabarkada ko pala ang mga iyon! Tinuloy pala talaga nila ang pagsali sa Battle of the Bands at hindi man lang nila ako sinabihan!

Si Kasper ang nakaupo sa harap ng drums, may sariling mikropono at bass guitar naman si Ara, back-up singers din sina Mina at Rose (kaya pala hindi na nila ako binalikan) at electric guitar naman ang hawak ni Deane.

May sariling fans club din sila na nakapwesto sa may gilid naman ng stage. Kaya pala mukhang may riot doon dahil sina Ate Jean, Kuya Terence at ilan pang kabarkada nila ang nandoon! Stage sister and friends lang! May winawagay pa silang tarpaulin ng PC & JJ na ang true meaning pala ay Potato Chips at Jungle Juice!


TIME CHECK: 6:13 PM

Naloloka na nae-excite na ako. Nagsimula nang mag-perform ang banda nila. Rock version at sarili pa nilang arrangement sa kanta ni Morissette Amon - 'Di Mapaliwanag.

Makaputol-litid ang pagbirit ni Ara kaya lalong dumagundong ang buong gymnasium. Maski ako'y napapatili at walang tigil na rin sa pagpalakpak. Ang galing nila!


TIME CHECK: 6:18 PM

Matapos ang first number nilang iyon, panandaliang nag-usap-usap ang grupo nila. Nang muli nilang ibalik ang tingin sa buong audience, inilipat na nila ang mic stand sa harap ni Deane. Siya na yata 'yung kakanta kaya puro sigawan at tilian na ng mga kababaihan ang naririnig ko.

Syempre, hindi nagpatalo si Ate Jean sa pagsigaw, "WOOOOH!!! KAPATID KO 'YAN!!! GO DEN-DEN!!!" At sinuportahan pa ito ng mga kaibigan niya hanggang sa ang lahat gumaya na ng, "DEN-DEN!!! DEN-DEN!!! DEN-DEN!!!"

Nahihiyang natawa si Deane ngunit humingi rin siya ng panandaliang katahimikan para sa isang mahalagang announcement.

"Ang susunod naming ipe-perform ay isang original song ng Ymagesa gawa ng kaibigan ng ate ko na si Kuya Terence."

"WOOOOH!!! AKO 'YUNG ATE NIYA!!!"

"OO NA!!! WALANG NANG-AAGAW SA KAPATID MO!!!"

"Ang kantang ito ay gusto ko rin sanang ide-dedicate sa isang taong mahalaga sa akin. Ang babaeng mahal ko... na 'di sinasadyang nasaktan ko rin."

Nang banggitin ni Deane ang mga salitang iyon, nabalot ng pagtataka ang lahat ng mga tao. Kumabog naman ang dibdib ko sa direksyon ko na tumitig si Deane.

"Sa babaeng naka-kimono dress para irepresent ang section nila..."

Ako lang naman 'yung babaeng naka-kimono kaya tinginan tuloy ang lahat sa sa akin!

"Makinig kang mabuti, babaeng mahilig sa potato chips at Jungle juice. Para sa'yo ang kakantahin naming 'Lihim', Stacey Esteves."


TIME CHECK: 6:19 PM

Nang magsimula na silang tumugtog, pakiramdam ko'y umiikot na lang ang mundo para sa akin. Nag-perform sila na para bang wala nang ibang audience kundi ako lang. Hindi pa inalis ni Deane ang tingin sa akin. 'Yung tinig niya, tumatagos sa puso ko.

Ngunit para dagdagan pa ang surpresa, noong nasa unang chorus na sila ng kanta ay naging pamilyar sa akin ang lyrics nito.

"Alam mo bang ako'y mayrong nililihim sa 'yo..."

Buti na lang talaga, palagi kong bitbit 'tong journal ko para id-ouble check ito.

Kasabay ng pag-flip ko sa bawat pahina ay ang mas tumitindi pa ang kabog sa puso ko. At kumpirmado. Ang entry #95 ay sinulat nga talaga ni Deane dahil 'yun mismo ang lyrics ng kinakanta niya ngayon!


TIME CHECK: 6:20 PM

Nasa kalagitnaan palang ng kanilang kanta, biglang may nangalabit sa akin. Nang lingunin ko, si Liam pala. Hindi kami masyadong magkarinigan kaya lumapit pa siya at naupo sa tabi ko.

LIAM: Kanina pa kita hinahanap.

AKO: Huh? Bakit?

LIAM: Nakalimutan mo 'yung usapan nating dinner? Alas-sais, 'di ba?

AKO: Hala! Nawala sa isip ko! Sorry, Liam!

LIAM: Okay lang. (Halatang napilitan lang ngumiti ngunit napansin niya rin ang suot ko) Naka-kimono ka.

AKO: Pinilit ako nina Mina at Rose.

LIAM: Maganda. Bagay sa 'yo.

AKO: Salamat.

Gusto ko lang sana mag-focus sa performance nila Deane pero ngayong nandito si Liam, nahahati tuloy ang atensyon ko. Hindi ko naman siya pwedeng hindi pansinin dahil noong ako ang walang kasama kanina, siya ang nandoon. Isa pa, nakakaguilty na nakalimutan ko 'yung usapan namin kanina.

LIAM: Kasali pala mga kaibigan mo sa Battle of the Bands.

AKO: Oo nga eh.

LIAM: Ang galing nila.

AKO: Sobra.

LIAM: Um... ituloy na lang din natin ang dinner pagkatapos ng performance nila?

AKO: Huh? Ano eh...

LIAM: Tandaan mo, nag-promise ka sa akin.

Lalo akong naguluhan. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Liam kung pwedeng ipagpaliban na lang muna ang dinner. Na next time na lang siguro. Pero ang hirap namang biguin ni Liam! Alam ko malulungkot siya.

Gulung-gulo na ako pero nagkaroon pa ng commotion sa stage. Nasa instrumental part na sila ng kanta nang biglang bumaba ng stage si Deane. Hindi pa sila tapos mag-perform ngunit ipinasa niya ang mikropono at gitara kay Kuya Terence na parang bang sinasabing siya na ang magtuloy ng kanta.

Matapos 'nun ay nagtungo na rin sa direksyon ng audience si Deane—patungo sa direksyon kp.

Paglapit niya, agad akong napatayo. Walang kumawalang salita mula sa labi ko dahil sa gulat at idagdag pa na tahimik lang din siya ngunit nakakatunaw naman ang tingin. Walang anu-ano'y hinablot niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng gym, palayo sa mga tao.


TIME CHECK: 6:25 PM

Dinala ako ulit ni Deane sa may burol sa likod ng school building. Pareho kaming humihingal at naghahabol ng hininga dahil sa layo ng nilakad namin.

Noong unang segundo, pareho lang kaming tahimik pero mayamaya pa, niyakap niya ako para pagalitan. "Hindi ba sabi ko makinig kang mabuti sa performance namin? Para sa 'yo yun eh."

Hindi naman ako nakasagot. Hindi dahil sa wala akong masabi. Noong magharap na ulit kasi kami, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na titigan lang si Deane sa mga oras na iyon.

"Oy! Ano? Back to zero na naman ba tayo? Mag-salita ka naman, Yecats!"

Yecats. Namiss ko rin ang pagtawag niya sa akin 'nun. Namiss ko siya. At napapangiti na ako pero may naalala muna akong itanong, "I—ikaw 'yung nagsulat sa journal ko?"

"Ako nga. Pinulot ko 'yun noong nagkabungguan tayo pero wala akong binasang kahit na ano mula sa journal mo. Promise."

Napatango naman ako, "Naniniwala ako."

"Ako naman ang magtatanong. Totoo ba lahat ng mga sinabi mo kahapon doon sa kasal-kasalan?"

Napakurap ako ng ilang ulit sa tanong niya. Feeling ko pa umakyat lahat ng dugo sa mukha ko pero tiniis ko na lang. "Oo." Sabay yuko ako. "Natuloy ba 'yun?"

"Bakit gusto mong malaman?"

"Wala lang."

"Pwes, hindi ko sasabihin."

"E 'di wag."

"Tsk! Hindi! Hindi natuloy, okay? Pero bakit hindi mo sinabi sa akin 'yun noong una akong nagtapat sa'yo?"

"Kasi galit ka 'nun."

"Nawala sana 'yung galit ko kung sinabi mo lang!"

Napakurap na naman ako noong tumaas ang boses niya. Muli, mas pinili kong titigan lang siya...

"Oh! Hindi ka na naman nagsasalita!"

"Ga—galit ka na naman eh."

"Hindi ako galit!"

"Bakit mo ako sinisigawan?"

"Kasi..." Napatigil siya sandali para abutin ang kamay ko. "Kasi kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka hindi ka ulit magsalita kapag inulit ko ngayon ang pagtatapat ko. Kaya magsalita ka. Kahit ano, basta lang magsalita ka."

Napatango naman ako.

"Wag lang tango. Magsalita ka sabi!"

"Oo na.. okay."

Nakakapanibago ang aggressiveness ni Deane pero aaminin ko, ito lang din naman ang hinihintay kong gawin niya.

"May dalawang dahilan ako kung bakit hindi kita maligawan. Una, dahil nirerespeto ko ang 7Bs mo. At pangalawa, dahil alam ko na magkakalayo tayo ng matagal kapag nagpunta na ako ng Canada. Pero gusto kong malaman mo na handa akong maghintay hanggang sa araw na magkita tayo ulit. Handa akong maghintay kung kailan handa ka na rin. Mahal kita, Yecats. Noon pa. Sobrang tagal na. At sigurado akong magtatagal pa. Kaya kung ganun rin ang nararamdaman mo sa akin, hiling ko lang na masabi mo rin sa akin ng harapan."

'Yan mismo ang mga sinabi niya. Pagkatapos niya kasing sabihin 'yun, dali-dali kong kinuha ulit ang journal ko para i-note ito agad. Ngunit nang muli ko nang tignan si Deane, nakayuko at nakaluhod na siya sa damuhan. 'Yung pose niya, parang natalo lang sa sugal.

"Sabi ko, magsalita ka, 'di ba? Inuna mo na naman pagsusulat sa journal mo. Ano ba naman, Yecats? Ano bang gagawin ko sa'yo?" Parang naiiyak na boses niya. "Hindi ko alam kung manhid ka o nanadya ka lang talaga."

Hindi ko naman napigilan na matawa. Sinulat ko ulit 'yung pagmamaktol niya pero matapos 'nun, may agad akong hinanap na pahina sa journal ko. Nang makita ko na ito, kinalabit ko na siya at iniharap ito sa kanya para mabasa niya ang 'Little Secret' ko sa entry #114.

Tahimik at ang matagal niya itong binasa. Pero mas lalo siyang nawalan ng imik nang matapos na niya ang entry na iyon.

Nagkatinginan ulit kami. May tears of joy nang tumutulo sa mga mata ko. At gaya ng gusto niya, sinabi ko na ito ng harapan...

"Oo, Deane. Matagal na rin kitang gusto. At tingin ko, mas magtatagal pa."

'Yung smile ni Deane noong sabihin ko 'yun ang mas nagpa-gwapo pa sa kanya. Palundag na akong yumakap sa kanya at wagas na tawa na lang din ang nagawa niya.

Tapos dumating na sina Kasper, Ate Jean at mga kabarkada nito. Kinilig at nagkagulo ulit sila nang maabutan nila ang eksenang namin ni Deane. Magkakakunchaba pala silang lahat sa planong ito.

Binalita nilang disqualified ang PC & JJ dahil sa hindi natapos na performance ni Deane at pagsalo ni Kuya Terence. Pero nanalo naman daw pala ang section kaya may reason pa rin to celebrate!

Bago naman umuwi, nakapag-share na ulit kami ni Deane ng potato chips but under the supervision of Ate Jean. At sa totoo lang, kahit hindi ko na isulat pa ng detalyado ang mga sumunod na nangyari, forever naman na itong nakatatak sa puso at isip ko.

THE END.







Ng Foundation Week.

May natitira pang pahina sa journal ko kaya tuloy lang ang pagsusulat. Tuloy lang ang buhay.





Continue Reading

You'll Also Like

195K 7.5K 32
Isang laro... Isang tanong... Isang sagot... Simple lang ang larong ito... kapag tumapat sa iyo ang bote, kailangan mo lang sagutin ang tanong sa lar...
9.5M 142K 59
Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero...
66.4K 3K 13
Isang babae ang mahilig sa music. Halos lahat ng bagay na kanyang ginagawa ay binibigyan niya ng karampatang musika. Lagi na lang siyang nabobroken h...
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...