Behind the Spotlight (COMPLET...

By GoddesssXLove

95.9K 3.3K 491

Living under the spotlight is never easy. Your world become other people's world. With all the busy schedules... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2: Flashback Chapter
CHAPTER 3: Flashback Chapter
CHAPTER 4: Flashback Chapter
CHAPTER 5: Flashback Chapter
CHAPTER 6: Flashback Chapter
CHAPTER 7: Flashback Chapter
CHAPTER 8: Last Flashback Chapter
CHAPTER 9: Back to Reality
CHAPTER 10: Normal Day
CHAPTER 11: XO
CHAPTER 12: Something New
CHAPTER 13: The Neighbor
CHAPTER 14: Joy and Sweetness
CHAPTER 15: Speculations All Over
CHAPTER 16: Weird Feelings
CHAPTER 17: Awkward
CHAPTER 18: His Kindness - Challenge
CHAPTER 19: An Act of Kindness
CHAPTER 20: Getting to Know Him
CHAPTER 21: Kilig - What An Awkward Situation
CHAPTER 22: The FJ or Former Jowa
CHAPTER 23: Meet the Cerezos
CHAPTER 24: Is This Love?
CHAPTER 25: His Act
CHAPTER 26: The Heart Want What It Wants
CHAPTER 27: I Care
CHAPTER 28: Sweetest Song
CHAPTER 29: Dilemma
CHAPTER 30: Ferries Wheel
CHAPTER 31: Seloso
CHAPTER 32: Scream For Me
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 1)
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 2)
CHAPTER 34: Bring Me To Life
CHAPTER 35: To The Rescue
CHAPTER 36: Here I Am - Fight
CHAPTER 37: He Found Love
CHAPTER 38: Broken Hearted Girl
CHAPTER 39: Haunted
CHAPTER 40: Truth
CHAPTER 41: Burdens
CHAPTER 42: Paano Ba Ang Magmahal
CHAPTER 43: Played Love
CHAPTER 44: All is Well
CHAPTER 45: Crazy In Love
CHAPTER 47: Missing You
CHAPTER 48: Biggest Heart break
CHAPTER 49: Emotions
CHAPTER 50: Someone's Always Saying Goodbye - Finale
EPILOGUE
ABANGAN - NEW STORY

CHAPTER 46: Decisions

1.2K 51 3
By GoddesssXLove

CHAPTER 46

Jasmuel's P.O.V.

The passed days have been busy for me. The day after Jacob's graduation celebration ay sunod-sunod na ang pagiging busy ko. Nagkaroon ako ng biglaang guesting sa isang sitcom. Samahan mo pa ng mga biglaang pasok ng endorsements na ikinagulat ko dahil dumagsa sila. Siguro mga apat o lima na kumpanya. Salamat po sa tiwala. Hihi.

Ngayon may meeting naman ako sa management dahil ang alam ko, may binubuo silang konsyerto for me. Hindi ko pa alam kung solo, malalaman pa lang mamaya.

Naka-all white pa naman ako. White tuxedo, white tube bra at high waist fitted pants. Binrush up ko din ang hair na medyo wet look. Light lipstick na din at pusturang-pustura ako.

In short - Amor Powers!

Pumasok kami sa loob ng conference room at namangha ang mga taong nandoon. Nagulat siguro sila sa new look ko.

"Jas, I'm surprised with your new look huh. It suits you very much," Bati ni Sir Eric at bumeso ako.

"Blooming na blooming eh." Kantyaw ng kasama namin na isa pang concert producer.

"Ganyan talaga sir pag inlove." Si Tito Ogs na ang sumingit.

Nahiya tuloy ako sa kanila kasi kumantyaw na sila. "'Di naman po masyado. For a change lang po." Pumapabebe nanaman ako.

Eh kasi naman, simula nang maging kami ni Jacob nakaramdam ako ng maturity sa sarili ko. Medyo inayos ko ang sarili ko na mature-mature na ang peg ko. Ngayon, ipe-peg ko na si Amor Powers.

Naupo na ako sa tabi ni Sir Eric at napuno na ang long table na may nasa sampung tao.

"I believe we are all here now. Let's start our agenda." He started and lahat kami ay nagsimula nang makinig.

"It's been two years? Am I right? Two years na ang dumaan simula nang magsolo concert si Jas. And he also released a new album few months ago. All three singles are chart toppers mapa-radyo man o music channel. And his fans are waiting for a concert."

Sa dami nang dumaan sa life ko nakapag-release pala ako ng singles. Hahaha!

"And his last nationwide tour was a success also kaya mas nag-iinit ngayon ang mga fans niya. That is why I decided to produce his second major solo concert."

Yehey! Another concert! Napangiti na lang ako.

So, diniscuss na nila ang details. Pati na rin ang magiging musical director ang ay ang una kong nakatrabaho sa una kong concert. I also said what I want to achieve on the second concert.

Modern rave type ang sinabi ko. High technology at puro EDM music ang kakantahin ko. Pati styling, stage design. Lahat na tinapos namin ngayong araw. Natapos kami hapon na.

"I'm excited for this show." Sabi ni Sir Eric nang palabas na kami ng kwarto.

"Ako din po, sir. Sana nga malapit na pong mag-August para makapagperform na." Sagot ko naman kay Sir.

Tumigil kami sa paglalakad at tumingin si Sir sa akin.

"Okay lang ba kung i-guest natin si Keith sa concert mo? Kahit isang kanta lang?"

Natahimik ako. Nawala 'yung urge ko na sumagot agad. Napa-isip ako.

"Hindi ko pa po alam." Sumagot ako nang may mapait na ngiti at lumakad na kaming palabas.

Paglayo ni Sir Eric ay sumulpot ang pigura ng taong kanina'y napag-usapan namin. Hindi agad ako nakapag-reak. Nakatingin lang ako dito. Tuwing nakikita ko siya, kahit sa litrato man, nabubuhay ang galit sa puso ko.

Ang tagal niyang hindi nagpakita tapos ngayong masaya na ako, saka siya susulpot? Ang kapal ng mukha.

Nakalapit na pala siya sa akin at may nakatambad na bulaklak sa harapan ko. Hinawakan na lang ako ni Tito Ogs sa braso at umalis.

"Jas, pwede ba tayong mag-usap?" Nagsalita din ang gago. Mataray lang ang tingin ko sa kanya at pumasok sa loob ng kanina'y pinagmeetingan namin.

Padabog kong binuksan ang pinto at dumiretso sa may tapat ng glass wall ng kwarto. Doon lang ako nakatingin at naka-halukipkip. Naghihintay nang kung sino mang magsasalita. Narinig kong sumara na ang pinto at naramdaman kong lumapit na siya sa akin.

"Ba't nagpakita ka pa ulit? Pagkatapos mo kong iwanan ng basta-basta? Huh?"

"Alam kong mali ang ginawa ko. Alam kong nasaktan kita. At napaka-gago kong ginawa ko iyon sa'yo."

Tumulo ang mga luha ko at napapayukom na ang mga palad ko sa galit.

"Halos magpakamatay ako noon. Nawalan ako ng pag-asa sa buhay. Pakiramdam ko, na sa pangalawang pagkakataon, ginamit ako."

Hinarap ko siya. Namumula na rin ang mga mata niya't basa.

"Sagutin mo nga ako, minahal mo ba talaga ako? O isang palabas lang ang lahat ng iyon?"

Napayuko siya. Hindi kumibo. Mas lumakas ang tulo ng luha ko't napahawak sa mukha ko sa katotohanang ngayon ay isinampal na mismo sa harapan ko. Humagulgol ako. Umiiyak ako sa sobrang lungkot at galit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko't pinagsasampal ko siya.

"Walang hiya ka! Hayup ka! Ginamit mo ko! Ginamit mo ko..."

"Patawarin mo ko, Jas. Patawarin mo ko Jas..." Pinipigilan niya ako. Yinakayakap. Hanggang sa mapaupo kami sa sahig habang patuloy ako sa pag-iyak.

Tumahan ako sa pag-iyak at mahigpit kong inalis ang mga braso niyang nakapulupot sa akin. Tumayo ako at tumindig at umalis.

Masaya ang puso ko. Pero hindi ko maalis ang poot na binigay sa akin ni Keith. Masakit. Napakasakit. Sinuot ko ang sunglasses ko't mabilis na naglakad.

After ng insidente namin ni Keith, may dalawa pa akong meeting. Kahit pa ang bigat ng loob ko, naitawid ko ng maayos ang araw ko. Pag-uwi ay doon ako dumiretso sa unit ni Jacob.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko siyang nanunuod ng TV na naka-long sleeves pa. Agad siyang napalingon sa akin. Tumabi ako sa kanya at inakbayan niya ako.

"How was your day?" Tanong niya.

"Kaliwa't kanang meeting. At nakipag-usap sa akin si Keith." Sagot ko sa kanya.

Naalarma siya. Narinig pangalan ni Keith eh. Tumingin siya sa akin.

"What happened? Did he hurt you?"

"Wala naman. Humingi lang naman siya ng sorry tapos hindi siya sumagot nu'ng tinanong ko siya kung minahal niya ba ako o for show lang ang relasyon namin dati." Kaswal ko lang na pagkakasabi habang nakikipag-text kay nanay.

"That man! Huwag na huwag lang siyang magpapakita sa akin. Mabubugbog ko ulit 'yun." Kahit hindi ko siya nakikita nararamdaman ko 'yung galit.

"Hayaan mo na siya."

Umalis siya sa pagkaka-akbay at tumayo.

"I have to tell you something but before that, ipagluluto ko muna ang pinakamamahal ko." Sabi niya at tumungo na sa kusina.

"Sarapan mo pogi ha!" Pahabol ko na sigaw at ako naman ang nanuod sa TV.

Thirty minutes after nakahanda na 'yung niluto niya. Nag-pasta siya kaya kumalam lalo sikmura ko. Kusa na akong naglakad sa kainan at naupo na.

Kumuha ako ng napakarami sa aking plato at nagsimulang kumain. Hindi ko na nga pinansin jowa ko eh na nasa tabi ko na pala.

"Onga pala, ano 'yung sasabihin mo?" Naalala ko bigla 'yung sinabi niya.

Kumuha siya ng kaunti sa plato siya at inikot sa tinidor ang pasta.

"My parents told me that they want me to go back to States to work. May kilala daw silang engineering company na madali nila akong maipapasok para magtrabaho."

Napatigil ako. Binagabag ako bigla. Kumurot ng kaunti ang puso ko. Nakakaramdam ako ng pang-iiwan. Pero ayokong isipin. Inalis ko sa isipan ko dahil nane-nega ako eh.

"But I also have a big offer in a big construction company here. I'm still undecided. Can you help me?"

Ibinaba ko ang tinidor at masinsinang tumingin sa kanya.

"Whatever you believe that will make you a better engineer, then go with it. I always believe that you are one good engineer kaya kahit saan ka magpunta, you will do great."

Ngumiti naman siya kaya ngumiti din ako at nagbalik sa pagkain.

"What if I choose to be with my family in the States?" He blurted out the question kaya tumigil ulit ako sa pag kain.

"Then be with."

"But I don't want to leave you."

"Handsome, pamilya mo sila. Jowa mo lang ako. I know you miss being with them. Ilang taon mo din sila hindi nakasama kaya siguro opportunity na 'yon na sila naman ang mapagtuunan mo ng oras mo."

Hindi na siyang muli nagsalita at kumain na lamang.

Sa totoo lang, masakit sa akin 'yung unang niyang binalita sa akin. Hindi tuloy ako maka-concentrate sa pagkain ko. Gumugulo nanaman ang utak ko.

Paano kung mas pinili niya ang Amerika? Masakit sa akin na malayo sa kanya. iiwan niya ako. Mamimiss ko siya. Ngayong iniisip ko pa lang naiiyak na ako, kung mangyari pa kaya.

***

It's a girls day with my besties Mel and Belle and another best friend from showbiz Patricia. Planned na 'tong bonding na ito with them dahil we need to catch up. Sarap na sarap kami sa pagpapa-footspa na treat ko sa kanila.

"Eh kasi naman, kahit na anong gawin ko, talagang maganda na talaga ako." Sabi ni Patricia. I'm so happy dahil comfortable na silang tatlo sa isa't-isa kaya nakakapag-chikahan na sila ng ganyan.

"Mas maganda 'tong dalawa, may mga jowa eh." Sabi naman ni Belle.

"Aba'y oo naman. 'Yung isa nga d'yan susunduin pagkatapos." Ani Pat.

"Dapat talaga hanapan ko na kayong dalawa ng mga lalake ano?" Sabi ko sa dalawa.

"Kurek ka d'yan bestie!" Nag-apir pa kaming dalawa.

And we shift our topic to Jacob's major decision-making. Sinabihan ko naman sila about it and they advised me to tell Jacob decided for himself. Sabi ko nga, para sa kinabukasan niya iyon.

"So kailan ang alis ni jowa?" Tanong ni Mel.

"Hindi ko alam. Hindi pa niya nasasabi sa akin kung ano ang final decision niya." Sagot ko na patay tono ang boses.

"Nalulungkot ka na naman. Sabi nga namin 'di ba, na nandito lang kaming tatlo kapag kailangan mo kami." Sabi ni Belle.

"We will be always be on your side. Isang text o tawag lang naman kami at nandyan na kami agad sa'yo." Segunda naman ni Patricia.

Mabuti na lamang at may mga supportive akong mga kaibigan. Kung wala, nako, baka nabaliw na ako kakaisip ng kung anu-ano.

Natapos kami ng isang oras doon sa nail spa at nag-late lunch pa sa isang Persian restaurant. After eating, lumabas na kami waiting for my sundo.

"Iba na talaga ikaw ngayon bestie, sinusundo na ng lalake." Kantyaw ni Belle.

"Sabi ni Lord, 'Jasmuel, pasisiyahin naman kita ngayon'. Kaya ayan..." Nakita ko na ang sundo ko. "Paparating na ang jowa ko."

Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan niya sa harapan namin at lumabas ng sasakyan. Naka-black long sleeves na nakataas ang sa braso, naka-tuck in sa black slacks niya at naka-leather shoes. Lumapit siya sa amin at humalik sa noo ko.

"Gandaaaa!" Kantyaw ng dalawa kong best friend.

"Ano ba, hindi pa ba kayo sanay?" Biro ko sa kanila.

"Over sa PDA? Hindi takot sa tsismis?" Biro naman ni Patricia.

"Hayaan mo sila. Pag-usapan nila ako hangga't gusto nila basta ako masaya ako." I declare at inakbayan ako ni Jacob.

"So, how was your day girls?" Tanong ni Jacob sa mga kasama ko.

"It was fun and well-bonded naman." Sagot ni Melissa.

Tumingin naman si Jacob sa akin.

"Masaya. Pero mas masaya pag makakapagpahinga na ako sa bahay. Tara na." Inaya ko na si boyfriend.

"Sabay na kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi na, dadating 'yun driver ko... Ay andyan na pala. Isasabay ko na 'tong dalawa." Mabuti naman at ihahatid na niya 'yung dalawa kong best friend.

"Thank you best friend!" Pasasalamat ko sa kanya at yinakap.

"Sige bestie sabay na kami sa kanya. Ingat kayong dalawa." Yinakap ko naman ang dalawa at sumakay na sila sa sasakyan ni Patricia. Inantay ko nang mauna silang umalis tsaka kami umalis.

"Ba't naman ganyan ang outfit mo ngayon? Akala ko ba galing ka lang ng bahay?" Tanong ko kay Jacob na nagmamaneho.

"I went to a company earlier."

"So what happened?" Interesado kong tanong.

"I'll tell you later when we get home." Seryoso lang siyang nakatingin sa daan kaya hindi na ako sumagot at tumingin na lang din sa kalsada.

Buong biyahe hanggang sa makarating kami sa condo ay hindi makabasag pinggan ang katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa. Mula sa loob ng kotse, makalabas, sa loob ng elevator hanggang sa loob ng unit niya.

Umupo ako sa sofa niya. Tahimik na naghihintay sa pagsunod niya. Naka-cross legs akong naghihintay sa kanya hanggang sa maramdaman kong naupo na siya sa tabi ko.

Katahimikhan pa rin. At itong katahimikan na 'to ay sobrang nakakapagpakaba sa akin. Dahan-dahan ko siyang tinignan na siya namang malalim na nag-iisip.

"Nakapag-desisyon ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya agad ako sinagot. Humihinga siya ng malalim at napapahawak sa pagitan ng kanyang mga kilay. Ipinatong ang magkabilang braso sa mga hita at yumukod. Mabilis din siyang nag-angat ng tingin at diretso lamang direksyon na tinitignan niya.

"I'm moving to States."

Nagulat? Pero hindi ko pinahalata. Nalungkot? Oo, sobra. Napa-iwas ako ng tingin at sumandal sa sofa. Nagpipigil ng luha. Dahil ano mang oras pwedeng tumulo ito.

"Are you mad?"

"No. No I'm not mad. Bakit naman ako magagalit?" Bigla akong napatingin sa kanya at hindi pinahalata sa boses ang nararamdaman ko.

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya.

"I hope you're not mad with my decision. I just don't want to waste the opportunity to work in one of the big construction companies in the world. Sayang."

"I know. And all I want is the best for you. I'm so happy with your decision, handsome. Naniniwala ako na ito ang makakapagpabuti sa'yo at sa kinabukasan mo. At kung papalarin, sa kinabukasan nating dalawa." Ngumiti kong sabi.

Gumuhit na din ang ngiti sa labi niya at yinakap ako.

"I love you, beautiful. Thank you for always supporting me." Sabi niya habang nakayakap. Pero ako, gustong-gusto ko nang umiyak.

Humiwalay na siya at magkaharap naman na kami. I can see sadness in his eyes. Sigurado naman ako na malulungkot din siya sa paghihiwalay naming ito.

"Kailan na ang alis mo?" Tanong ko sa kanya.

"Next week." Sagot nito at hindi na ako nagpahabol pa ng tanong.

Nagpaalam na din ako dito na matutulog na't napagod buong araw. May commitment pa ako bukas kaya kailangan ko na din magpahinga. Pagpasok ko sa loob pa lang ng unit ay binuhos ko na ang mga kanina ko pang pinipigilang luha.

***

Papalapit nang papalapit sa airport ay binabalot na ako ng kaba at lungkot. Nagpahatid na kami kay Mang Ben bilang hindi naman kayang i-maneho ni Jacob ang kotse niya. Hindi niya ako maka-usap dahil nababalot ang utak ko ng kung anu-ano.

Hanggang sa makarating na kami sa airport. Nakapag-check in na siya at nakalabas na rin bitbit ang personal na niyang bag. Umupo kaming dalawa sa isa sa mga benches na tanging kaming dalawa lang ang nasa parting iyon ng airport.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at inakbayan niya ako. Doon, tumulo na ang mga luha ko.

"Are you crying?" Tanong nito at iniangat niya ang mukha ko.

He looked worried. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Hey, sabi ko walang iiyak eh. Ayokong malungkot bago ako umalis."

"Eh kasi naman handsome, hindi ko na kayang pigilin 'tong nararamdaman ko eh. Ayoko kitang umalis." Nagiging bata na ako.

"Sana sinabi mo agad para hindi na ako tumuloy."

"Eeeeh gusto ko kasi na maging maganda ang future mo eh."

"And it's for the both of us. Remember?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Kaya don't feel sad. Laging naman tayong mag-uusap at magtatawagan." At tumango-tango ako na parang bata.

"Kailan ba ang balik mo?" Tanong ko sa kanya.

Inalis niya ang mga hawak sa akin at saka umiwas ng tingin.

"Ayan ka na naman pogi eh. Umiiwas ka nanaman ng tingin." Nagmamaktol kong sabi.

"I still don't know yet." Seryoso nitong sagot.

We stayed for few hours hanggang sa tawagin na ang flight niya. Hinatid ko siya sa may entrance ng International flights nang magkahawak ang kamay. Habang papalapit ay lalong humihigpit ang hawak ko sa kanya.

Tumigil na kami sa tapat ng entrance at naluluha nanaman akong tumingin sa kanya.

"So this is it." Sabi niya. "Mamimiss kita."

"I will miss you too." Umiyak nanaman ako.

"Sabi ko walang iyakan 'di ba."

"Ehhh hindi ko mapigilan. Mamimiss kita. Mamimiss kita pag gising ko sa umaga. Mamimiss kita bago ako matulog sa gabi. Mamimiss ko mga yakap mo. Mga halik mo. 'Yung gwapong mukha mo. Lahat."

"And I will miss all of you, too." His tears are starting to form. "And I promise to be back. Will you wait for me to come back?"

Tumango ako. "Oo, hihintayin kita. Ikaw ba, hihintayin mo rin ba ako sa muli nating pagkikita?"

"I will."

"Promise?"

"Promise."

Muli, inanunsyo nanaman ang flight niya.

"I have to go baka maiwan na ako ng eroplano." Bibitaw na sana siya sa hawak ko pero lalo kong hinigpitan.

"Ehhhhh, pogi naman. Mamimiss kita."

"Mamimiss din kita." HInawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal ka ng pogi mo."

"Mahal na mahal din kita." Binigyan namin ang isa't isa ng madiin at hindi malilimutang halik sa labi na sana'y baunin niya hanggang sa ibang bansa.

Matapos ay isang mahigpit na mahigpit naman na yakap ang aming ginawa. Kumalas na kami at naglakad na siya papalayo.

Pilit na ngiti na lamang ang naibibigay ko sa kanya hanggang sa huling sulyap niya't kumaway bago pa ito maglaho sa paningin ko.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa pinagparkingan ng sasakyan. Doon sa loob ng kotse ay tulala na lamang akong nakatingin sa kawalan at patuloy na umiiyak.

Mamimiss ko talaga si pogi. Wala pang kasiguraduhan kung kalian pa ang pagkikita namin. Pero kampante ako sa sarili ko na hihintayin namin ang isa't isa. Basta, magiging masaya na lang ako para sa kanya dahil para sa kanya naman iyon. At pangarap niya rin iyon. Kaya sino ba naman ako para pumigil.

Hihintayin ko na lang siya sa muli niyang pagbabalik.

_______

Sana nagustuhan niyo. Pasensya kung medyo natagalan. :) At updated na rin yung Second Time Around. Sana basahin niyo.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 5.5K 56
Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a successful lawyer so he didn't think twi...
83K 4K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
618K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
29.2K 1.4K 51
Frank Matthew Fernandez is a vocalist in a famous band in their school. He's gay. Yes, he's in his last year in highschool when he realized that he's...