So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 13 : Visitation - Seduction

21.6K 461 66
By Ytianity

Sorry guys kung ngayon lang nakapag-update. Naging busy kasi ako sa pagpaplano ng isang surprise party for a friend eh. Tapos, nadurog pa ako nung malaman kong may boyfriend na yung crush ko! Boohoo! Tapos, magpapa-register sana kami ng friend ko sa Comelec kaso hindi natuloy kasi may sakit siya. At bilang hindi naman kami natuloy, ito, nag-update na lang ako. Enjoy reading.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Isang linggo na mula ng dumating si Daddy sa bahay. Pag-uwing pag-uwi ko nun ay nag-usap agad kami.

*FLASHBACK*

"I'm home!" bati ko ng makapasok na ako ng bahay.

"Anak!" biglang sigaw ni Mommy.

"Bakit, Mi? May problema ba?" worried kong tanong.

Ngumiti lang siya sa akin at lumingon sa likod. Sinundan ko naman ng tingin yung tinitigan niya at nakita ko roon ang isang lalaki na naka-formal attire at kamukhang-kamukha ko. Si Daddy.

Hindi ko namalayan na nakakuyom pala ang kamao ko ng hawakan na lang iyon bigla ni Mommy.

"Karl. Ang laki mo na ah? Ang gwapo mo pa! Mana ka nga sa akin." nakangiting tanong ng AMA ko.

"Oo nga eh, at hindi mo lahat nakita ang nangyari sa akin mula nang umalis ka." sabi ko, pinipigilan ko ang galit ko.

Lumapit siya sa akin at pinatong ang kanan niyang kamay sa kaliwa kong balikat.

"Anak, I'm sorry." sabi niya, nadinig ko ang sadness sa boses niya.

Hinawi ko yung kamay niya at tinitigan siya sa mata. Halos magkasing-taas lang pala kami.

"For all those years, Dad? Kahit isang araw sa isang taon, wala kang panahon? Umalis ka dito na para kang walang pamilyang iniwan tapos ngayon bigla kang babalik? And now, ang maririnig ko lang sa'yo, SORRY? Sorry? Anong inihihingi mo ng tawad? Yung biglaan mong pag-alis o yung hindi mo pagdalaw? Pero wag ka nang mag-alala, wala naman akong paki dun eh. Basta wala na lang pakialamanan, okay?" mahaba-haba kong sabi na puno ng galit.

"Anak, Karl, I'm sorry." sabi ni Daddy.

"Wala ka nung mga panahon na kailangang kailangan ko ng AMA. Nung mga panahon na ang pamilyang 'to ay halos gumuho na dahil walang HALIGI NG TAHANAN! Wala nang magagawa ang sorry mo ngayon Dad. Wala na." sabi ko. Narinig kong umiiyak na si Mommy sa may bandang likod kaya parang naiiyak na din ako, pero syempre pinigilan ko.

Nagulat na lang ako ng biglang yumakap sa akin. Si Daddy, niyakap niya ako.

"Alam kong galit ka sa akin, Karl. Pero kaya ako nawala ay dahil bigla akong kinailangan ng Lolo mo sa Amerika. Kaya naman hindi ako makadalaw ay kailangan kong masigurado na financially stable yun. Mahirap, oo, pero kailangan kong mag-sakripisyo dahil para din naman sa pamilya natin ito eh." mahina niyang sabi habang yakap-yakap niya ako.

Pilit ko siyang itinutulak habang nagsasalita siya pero hinihigpitan niya lang ang yakap niya. The next thing I knew ay sumuko ako sa pagtulak sa kanya at tumulo na ang luha ko.

"Alam kong kailangan mo ng gabay ng isang ama at hindi ko naibigay yun, I'm sorry for that, pero gusto kong malaman mo na kahit isang segundo ay hindi kayo nawaglit sa puso't isip ko." sabi pa niya. At dahil doon ay napahagulgol ako at nayakap siya.

Pinapatawad ko na si Daddy. Tama nga si Allen, may reason ang lahat ng bagay. At kahit anong gawin ko ay sa kapatawaran pa rin mauuwi ang lahat.

*END OF FLASHBACK*

Ngayon, nandito ako sa tapat ng bahay ni Allen. Balak kong magpasalamat sa kanya dahil sa payo niya. Maayos ang pamilya ko dahil sa kanya. As to how I got his address? Tanungin niyo na lang si Diane. Hahaha.

Nahirapan akong hanapin 'tong bahay niya. Ang haba kasi nung street eh, tapos sa kabilang dulo pa ako napadpad.

"Hi!" bati ng isang babae.

Nginitian ko lang siya.

Kakatok na sana ako sa pinto nang may biglang nagtanong.

"Sino ka?" tanong ng isang babae. Mas bata ata sa akin 'to eh.

ALLEN'S POV

"Kuya, may bisita ka. Babain mo na, baka sakmalin yun ng mga makakating alipores ng pinsan natin." sabi sa akin ng kapatid ko habang niyuyugyog ako.

Pwede namang tapikin lang ako para gumising eh. Perwisyo talaga!

Sino ba kasi 'tong bisita ko? Dumating talaga siya kung kailan gigising pa lang ako ha? At sa araw pa ng Linggo!

Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay naririnig ko na ang mga kinikilig na boses ng mga babae at ilang bakla.

"Hi, kuya! Ako ba hanap mo?" sabi ng isang babae. Kelandi.

"Kuya, lahian mo ako ng robot! Ako na bahala sa battery!" sigaw naman ni ipis-dagat na iyon.

Kilala ko ang mga boses na iyon. Mga alipores sila ng pinsan naming akala mo diyosa ng kagandahan kung magtaray dito.

Dahil sa inaantok pa ako ay nanlalata kong nilapitan ang pinto at pinihit ang doorknob. Dahan-dahan kong hinila iyon at napamura ako dahil sa sobrang liwanag! Ganito ba kaliwanag pag alas onse ng tanghali?

"Sino ka?" tanong ko sa lalaki habang nakalilim ang kanang kamay ko sa mata ko.

"Hi!" ang tanging nasabi niya pero ramdam ko yung pagngiti niya.

O-kay, corny nito, hindi sinagot yung tanong ko.

Umatras na lang ako ng bahagya para makita ko kung sino 'tong corny na taong 'to.

Hmm. Dr. Martens? Mayaman! Hmm. White pants? Hmmm. Blue-and-white striped V-neck shirt? Collarbone. Mapuputing ngipin. Cheekbone. Aviator shades. At gwapong mukha! Shit!

"KARL VINCENT ANACLETO, BAKIT KA NANDITO?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Binibisita ka. Masama ba?" nakangiti niyang sabi.

Tang nito oh! Gwapo talaga! Nakakabuhay ng dugo!

"Hoy, Allen! Mang-aagaw ka ng bowa!" biglang sigaw ni Paul, ang ipis-dagat na nagiging si Pauleen sa gabi, mula sa likod.

Tinitigan ko siya ng masama at tinaas ko sa kanya ang 'Middle Finger' ko. Ayun, isa-isa silang umalis!

"Buti naman at napaalis mo na sila. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na layuan nila ako eh." nakangiti pero pabulong niyang sabi sa akin.

"Eh di sana sinabi mo ng diretsahan!" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Lalabas namang bastos ako nun. Hindi bagay sa mukha ko." nakangiti niya pa ring sabi.

Lokohin mo lelang mo, Karl! Kinikilig ako eh.

"Ang cute mo pala pag bagong gising. Hehe." bigla niyang sabi.

Huh? Ano daw?

Napatingin naman ako sa baba. Boxer shorts na kulay blue at may print ng ulap-ulap. Sando na may butas na kasing laki ng palad ko sa may bandang pusod. At magulong buhok! Naputukan ng lintik!

Dali-dali akong bumalik sa loob at sinara ang pinto. Sumandal ako dun at natatarantang nag-isip kung ano ang dapat kong gawin.

"You do realize, na kahit magpalit ka pa ng damit mo ngayon, hindi na maaalis yang 'bagong-gising image' mo sa utak ko, right?" nang-iinis niyang sabi.

Well, FOKYU! Naisip ko yun 'no? Pero mabuti nang manigurado. Ayaw kong madagdagan ang humiliation na matatanggap ko mula sa'yo!

Dali-dali akong umakyat sa taas at nagpalit ng damit. Red V-neck shirt at green cotton shorts. Merry Christmas ang peg! Nagsuklay na din ako at nag-toothbrush. Pag ikaw, Karl, may nakita ka pa sa ayos ko, humanda ka! Sasakmalin kita ... TO DEATH!

Bumalik ako sa may pinto at dahan-dahan iyong binuksan.

"Talagang nag-ayos ka pa para sa akin ha?" nakangisi niyang sabi.

Ah. Trip mo ko ha?

Pinapasok ko siya at sinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Eh may gwapo akong bisita eh." bulong ko sa kanya tapos kinindatan ko siya.

Two can play that game, dude! Hehehe.

Nakita ko namang ngumiti siya pero awkwardly. Hahaha. Napalunok pa siya! Hahaha. Uy, apektado! Hahaha.

"Upo ka muna dun sa sala. Ikukuha lang kita ng juice, okay?" seductive kong sabi sa kanya habang pinapalakad ko yung daliri ko sa braso niya. Naramdaman ko yung pagkagitla niya kaya natawa ako ng mahina.

Tumungo na siya sa sofa at ako naman, sa kusina.

KARL VINCENT'S POV

Tang ni Allen! Ano bang ginagawa niya? Bakit ganun siya bumulong? Tagos sa buto. Grabe yung kilabot ko nung binulungan niya ako! At the same time, parang uminit yung katawan ko. Hindi ko alam kung bakit, binulungan lang naman ako.

Tapos, nung dumikit yung daliri niya sa balat ko, parang kinilabutan ako. Hindi ko ma-explain kung ano yun pero nakakapanibago.

Dati kasi pag may gumagawa sa akin ng ganun, parang wala lang. Normal lang. Pero ngayon, nung si Allen ang gumawa nun, parang ... WEIRD.

"Kaaaarrl." pakanta niyang pagtawag sa pangalan ko. Ayan na naman, kinakabahan na naman ako.

Nilingon ko yung direksyon niya at nakita kong may dala siyang pitsel ng orange juice at dalawang baso.

Pinatong niya ang mga iyon sa maliit na mesa na katabi ng kinauupuan ko. Nagsalin siya ng juice sa isang baso at iniabot ito sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Medyo maayos na yung boses niya kumpara kanina pero halata pa rin yung nakakakilabot na tono.

Tumango na lang ako at lumagok nung juice. Powdered?! Wala ba silang fresh juice dyan? Tch.

Bumalik siya sa kusina at mukhang may niluto. Narinig ko kasi yung pag-sizzle ng mantika eh.

After ng mga, siguro, 6 or 8 minutes ay binalikan niya ako.

"Gusto mo manuod?" tanong niya.

"Ng sine?" tanong ko.

"Ay, oo, sine! Manuod tayo ng sine dito sa bahay namin! Invite na rin natin mga kamag-anak ko, may super laki kaming screen dito eh." sarcastic niyang sabi sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata. Malay ko bang hindi pala yun ang tinutukoy niya? Bitin kasi magtanong eh. Tch!

Bigla siyang yumukod at may hinila sa ilalim ng mesa na pinagpapatungan nung TV. Inabot niya sa akin yung box.

"Mamili ka ng gusto mong panuoring dyan." sabi niya tapos bumalik uli siya sa kusina.

Binuksan ko yung box at nakita kong puro DVD iyon. Kaso, puro pirated naman! Well, yung iba din naman naming DVD pirated eh. Hahaha.

Namimili na ako ng gusto kong panuorin nang bumalik uli siya. This time ay may dala siyang isang pinggan pero dahil nakatayo siya ay hindi ko nakita ang laman nun.

"Okay na?" tanong niya.

"Wala ka bang horror dito? Kung hindi pambata, puro pambabae." sabi ko, totoo naman kasi eh.

"Pasensya na ha? Hindi kasi ako mahilig sa horror eh." taas-kilay niyang sabi sa akin.

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng pwede kong mapanuod ng biglang may maisip si Allen.

Dali-dali niyang inilapag yung pinggan niya sa mesa sa tabi ko at tumakbo paakyat. Nang tignan ko naman yung pinggan niya ay nagulat ako.

HALOS KALAHATI ATA NG ISINAING NILA, NASA PINGGAN NIYA! AT ANG ULAM NIYA, DALAWANG JUMBO HOTDOG LANG! ANO 'TO?! Bakit ang payat-payat ni Allen kung ganito naman pala siya kalakas kumain? Halimaw!

Narinig ko yung mga yabag ng paa ni Allen kaya nag-kunwari akong naghahanap pa rin ng papanuorin.

Bigla siyang huminto sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya. Kahit hinihingal siya ay nakangiti pa rin siya.

"Hindi 'to horror pero parang ganun na din, medyo nakakagulat kasi ibang eksena eh." nakangiti niyang sabi tapos may inilabas siya.

'The Walking Dead' yung TV series! Shit! Favorite ko 'to eh.

"Nanunuod ka nito?" nakangiti kong tanong sa kanya nung tignan ko maigi yung DVD na pirated copy.

"Ay, baka hindi! Dini-display ko lang yan." sarcastic niyang sabi.

"Sorry naman ha? Salang mo na!" excited kong sabi sa kanya.

Kinuha niya yung DVD sa akin at isinalang na nga ito. Season 1 ang papanuorin namin pero sabi niya ay kumpleto daw niya hanggang Season 3. Astig!

Nagsisimula na yung palabas ng kunin ni Allen yung pinggan niya at umupo sa tabi ko. Napalunok ako nang makita ko yung pinggan niya. Maubos niya kaya yun? Ang dami kaya! Kung ako kakain dun, mas mabuting hindi ko na kainin, baka abutin ako ng siyam-siyam sa pag-ubos nun!

Mula sa pinggan ay napatingin ako sa mukha niyang naka-focus sa TV.

Napansin kong hindi siya gaanong kaputian pero hindi naman siya masyadong tanned. Mula sa gilid ay mapapansin mong bagay sa kanya ang korte ng ilong niya. Yung labi niya, manipis na mamula-mula. At yung mga pisngi niya, parang ang sarap kurutin!

"Akala ko excited kang panuorin 'to. Pero ang gagawin mo lang pala is titigan ako. Masaya yan p're!" bigla niyang sabi pero naka-focus pa rin siya sa screen.

Nagitla ako dun at parang napahiya. Eh hindi ko naiwasan eh. Kasalanan ko bang nakakakuha ng atensyon yang mukha mo?

"Halimaw ka pala?" bigla kong nasabi. Ang dami talaga kasi nung kinakain niya.

Lumingon naman siya sa akin nang may pagkagulat sa mukha niya. Ayan na naman yung cute fish-stance niya.

"Ang kapal ng mukha mo ah? Ikaw 'tong halimaw dahil ang pangit mo!" namumula niyang sabi sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi at sa reaksyon niya.

"Ako pa halimaw ha? Tao pa ba ang kumakain ng ganyan karaming kanin?" taas-kilay kong tanong sa kanya habang nakangiti. Tinuro ko pa yung bandehado ng pagkain na na nakapatong sa hita niya.

"Tapos, tao pa ba yung kumakain habang nanunuod ng nakakadiring palabas?" patuloy ko pa.

Bumuka yung bibig niya pero sumara din agad. Timang lang?

"I guess, hindi na tao yun! HALIMAW na yun. Halimaw ka, Allen." pabiro kong sabi.

Nakita ko namang namula yung pisngi niya nung yumuko siya.

"Pero okay lang sa akin na ganun ka. Eh yun ka eh. Hindi ko naman na mababago yun eh. Pero isa lang ang pwede kong gawin." nakangiti kong sabi sa kanya kaya nag-angat siya ng mukha.

"Ang tawagin kang HALIMAW! Yan na ang itatawag ko sa'yo." dugtong ko at biglang nagsalubong ang kilay niya.

"Ang sweet mo sa akin. Talagang ginawan mo pa ako ng nickname." sabi niya pero madiin yung bawat salita, halatang naiinis siya. Hahaha. Eh yun naman ang balak ko eh, ang inisin siya!

Nagpatuloy na lang siya sa pagkain at ako, sa panunuod.

Aba'y wala pang 15 minutes ay nagpapaabot siya ng juice. Pag-lingon ko sa kanya para iabot yung juice ay napanganga ako sa pagkagulat! Naubos na niya yung kanin! Pero yung hotdog, may kalahati pang natira! Grabe, nagkasya sa kanya yung ulam niya?! Hindi ko kaya yun. Naturingan pa namang ako yung straight at naglalaro ng kung anu-anong sport. Hehe.

"Oh, halimaw!" nakangiti kong sabi sa kanya sabay abot ng juice.

Magkasalubong na naman ang kilay niya nang lingunin niya ako. Hahaha. Ang cute niya mainis! Parang bata itsura niya.

Kinuha niya yung juice at tumitig sa TV. Ako naman, natulala na naman sa mukha niya habang may ginagawa siya sa pagkain niya.

ALLEN'S POV

Halimaw pala ah? Then, I'll make things awkward for you! Kasi nga, halimaw ako.

Yung natira kong hotdog ay tinanggal ko mula sa pagkakatusok sa tinidor. Tapos ay dinampot ko iyon at isinubo. Nakasanayan ko nang sipsipin ang hotdog kapag ubos na yung kanin ko. And since, alam kong nakatingin sa akin si Koopa at alam kong alam niya yung mga ganitong eksena, edi alam na, mamatay siya sa awkwardness! Mwahaha.

Oh! Umayos siya ng upo! Oh, nag-de kwatro! Hahaha. Hahaha. Konti pa. Hindi ka pa masyadong apektado eh!

Sinipsip ko ulit yung hotdog, this time, harder! Yung dinig yung bawat pag-sipsip. Hahaha. Ayun! Uminom siya ng juice! Hahaha.

"Tama na nga yan!" sigaw niya sa akin pero nakatingin siya sa TV. Ako naman, pa-inosente siyang nilingon.

"Bakit? Kumakain lang naman ako ah?" pa-inosente kong tanong.

"Ang baboy mo kumain! Maingay!" pasigaw pa rin niyang sabi.

"Eh sa ganun kami kumain eh. May magagawa ka ba? May problema ka ba dun?" tanong ko.

"W-wala naman." mahina niyang sagot.

"Eh bakit pinapagalitan mo ako?" tanong ko ulit habang nakangiti.

"Ang ingay mo kasing kumain! Hindi ako sanay ng ganun! Ang baboy." sagot niya.

"Yun lang ba? O baka may iba ka pang dahilan?" mapanukso kong tanong sa kanya.

Bigla naman siyang napalingon sa akin ng may pagkagulat sa kanyang mukha. Hahaha. Bakit nagulat? May iba talagang dahilan? Hahaha.

"W-w-wala! Wala! Kung anu-ano iniisip mo!" pasigaw at pailag niyang sagot.

Wow ha? Apektadong-apektado ka sa ginawa ko p're! Hahaha.

"O-kay! Sabi mo eh." sabi ko na lang tapos nanuod na ulit ako. Yung hotdog, sinubo ko na agad. Baka kasi pag pinagpatuloy ko pa yung ginagawa ko, may mangyari pa. Alam niyo naman yung mga ganitong stage sa buhay ng tao diba? Marupok, mapusok! Hahahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Vote or Comment. Mahirap pag BH ka ng todo-todo! :( </3

Continue Reading

You'll Also Like

273K 9.4K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...
309K 8.8K 37
[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story C...
207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...
636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx