The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 47: Cheesecake

370K 12.3K 6.2K
By iDangs




Nate's POV

"Guess what," salubong sa akin ni Piper nang buksan ko ang video call niya. Para pa siyang nag-aadik na nagtataas baba ng kilay.

"Tinatamad ako manghula."

Sumimangot siya at saka ako inirapan pero bigla rin ngumiti. Konti na lang talaga iisipin kong adik 'tong bestfriend ko. Hindi ko maintindihan kung naiinis ba o ano.

"Hailey took care of Warren." Magsasalita pa sana ako pero tinaas niya ang kamay niya para patahimikin ako. "I saw her kanina. It seems like kakagaling lang niya sa house nila Warren. Isn't it sweet?"

"Anong sweet doon? Bestfriend niya 'yon malamang aalagaan niya."

Sinamaan na naman niya ako ng tingin at umirap. Grabe. Bilib ako sa mabilis na pagpapalit niya ng emosyon. Astig.

"That's not the point," irap na naman niya. Hindi ba 'to napapagod? "Ikaw! Would you do the same if I'm sick?"

"Kung ubo at sipon lang naman, hindi na kailangan. Itutulog mo lang 'yon ayos na eh."

"Same here. So that's the point. Do you get it now?"

Anong point sinasabi nito? Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Piper. Ang gulo kausap.

"Seriously?" taas kilay niyang tanong. Umiling siya at saka napahawak sa noo niya, "Hay. I don't really understand kung paano kita naging bestfriend."

"Are you saying something?"

"Wala. Let's just sleep na lang kako. Night, Nate-y Nate! Mwa!"

"Goodnight, Pipes."

***

Nang medyo kumulimlim na ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Piper na nakaupo lang sa harap ng bahay nila habang nagbabasa at kumakain.

Tinawag ko siya at nang mapansin niya ako ay inilapag niya ang libro niya at ipinatong sa lamesa. Dinala naman niya ang platitong hawak niya at saka lumabas ng gate nila.

"Saan punta?" tanong niya at kumain ulit.

"Uhh.. dito na lang?" Tumango lang siya at nakatingin pa rin sa pagkain niya. "Pahingi nga."

Bastos kasi. Kain ng kain tapos ayaw alokin 'yung nasa harap niya.

"Nah. Hindi pwede," sagot niya at saka ulit kumain.

Sabi ko nga. Kapag talaga cheesecake ang kinakain nito umaandar ang pagkadamot niya.

Sinubukan kong agawin 'yung pagkain niya pero itataas ko pa lang ang kamay ko nakalayo na siya at hindi nagpaawat sa pagkain. Grabe ang kadamutan. Umaapaw.

Sinamaan ko siya ng tingin at pumasok sa bahay nila.

Inabutan ko si Tita Ayu na nasa sala habang pinapakain ng meryenda si Jarvis. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong binati at kinamusta.

"Si Piper ba hanap mo? Nasa labas siya, ha? Hindi mo napansin?"

"Nakita ko po pero hindi po siya ang pinunta ko dito."

"Ano 'yon?"

"May cheesecake pa po ba kayo? Ayaw mamigay ni Pipes."

Natawa si Tita Ayu sa naging tanong ko kaya napakunot ang noo namin ni Jarvis sa naging reaksyon niya. Hindi naman ako nagjoke.

"Sige, sandali lang. Kukuha kita."

"Thanks, tita," masayang sabi ko sa kaniya at saka ko tinanguan si Jarvis. "Hello, liit."

Tiningnan niya lang ako at bumalik na sa pagkain. Hindi man lang sumagot. Manang mana 'to sa kapatid niya.

Nang maibigay sa akin ni Tita Ayu ang pagkain ay agad ko 'yong sinunggaban. At pagkatapos ay hinugasan ko ang pinangkainan ko kahit pinipigilan ako ni Tita Ayu.

May natitirang hiya pa naman ako sa katawan.

Nang lumabas ako ay nasa may labas pa rin si Pipes at nakaupo sa may damuhan sa harap ng bahay nila.

"I knew it. Hihingi ka."

"Mang-inggit ka ba naman. Malamang hihingi ako."

Natawa siya at saka ako binelatan. Parang may naalala na naman siyang nakakatuwang bagay kaya kuminang ang mata niya at saka ako pinalo.

Bakit 'yung mga babae kailangan pa minsan mamalo kapag may naaalalang nakakatuwa o ano? Kung kami kayang lalaki ang mamalo. Pero joke lang.

"Nga pala, you didn't make kwento what happened between you and Tamara last time. Bigla na lang okay na ulit kayo. So.. what happened nga?"

"Ikaw ang may utang sa akin na kwento. Anong meron sa inyo ni Hunter? Nililigawan ka na ba no'n?"

"No. You tell me first. After no'n, saka ko sasabihin sa 'yo nangyari."

"Deal."

Kwinento ko sa kaniya ang ginawa ko matapos nila akong iwan ni Hunter hanggang sa nagkwentuhan kami ni Tamara tungkol sa kung anu-ano.

Napapangiti siya sa kwento ko at parang napasimangot nang mabanggit ko na pakiramdam ni Tamara ay hindi siya masayang maging kaibigan.

"She's awesome kaya. Who wouldn't want her as a friend? Parang wala naman. Pero you know what.. I think you should bond with her more. You're so fun to be with kasi. Parang if she'll get closer to you, masasalin 'yung positive energy mo sa kaniya."

"E 'di ako naman nawalan," biro ko sa kaniya.

"Shut up. Sige, mahahawaan mo na lang. Kaya you should bond with her more."

"Gagawin ko naman talaga 'yan kasi nakakatuwa rin siyang kasama."

"Kahit binabara ka niya?"

"Kahit binabara niya ako."

Nginitian ako ni Pipes at saka tinapik tapik, "Nice, Nate."

"Ikaw? May ano sa inyo ni Hunter?"

Nagkibit-balikat siya at kwinento kung paano niya nalaman na nagtratrabaho si Hunter. Aksidente lang daw na nalaman niya 'yon at wala naman daw siyang karapatan ipagkalatan ang nalaman niya kaya sinikreto na lang niya hanggang sa puntong parang sikreto na rin niya ang sikreto ni Hunter.

"Bakit daw siya nagtratrabaho?"

"It's not my story to tell."

Alam niya nga ang sagot ayaw niya lang sabihin. At ayos lang naman sa akin 'yon.

"Umamin na ba sa 'yo si Guevarra?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong ko at saka umarte ulit ng normal. Parang wala lang sa kaniya, e halata namang nagulat siya sa tanong. Ayos talaga 'to.

Magsasalita sana siya pero itinikom ulit niya ang bibig niya. Hanggang sa naulit ulit at naulit pa. Halatang hindi niya alam sasabihin niya.

Pero dahil kilala ko 'to kasi nga bestfriend ko siya.. alam ko na ang sagot. I'm so great.

"Alam ko na sagot. Okay na. Pwede ka na huminga," biro ko sa kaniya at saka ko siya pinagtawanan. Ako ang nagbiro, ako ang tumawa. Ayos.

"Whatever," sagot niya. "Ah! Guess what!"

Uy. Halata naman 'tong si Pipes. Iniiba ang topic. Pero dahil kagabi pa siya sa guess what guess what niya.. sige na. Pagbibigyan ko na. Manghuhula na ako.

Magsasalita pa lang sana ako nang itaas niya ang kamay niya para pigilan ako, "Okay, nevermind. I know na you're not going to try."

Judgmental!

"Anyway.. I was about to visit Warren kasi kanina. Papunta na sana ako sa room niya kaya lang Tito Xander told me na in demand si Warren. First daw si Hailey, and then ako. Tapos.. tapos.. until now, Hailey's still with Warren."

Pinagpapalo na naman niya ako at mukhang kinikilig pa. Nakainom ba 'to?

"Hindi ko gets."

Napahinto siya at saka ako tiningnan na parang nagtatanong kung seryoso ba ako. Kaya tiningnan ko rin siya na nagsasabing 'oo, seryoso ako'.

"What I'm trying to say is - "

Napahinto siya nang mapatingin siya sa gawi nila Warren. Nagaya naman ako sa kaniya at tumingin din. Parang ewan na nakatayo si Hailey sa tapat ng bahay nila Warren. Wala naman siyang ginagawa. Nakatayo lang talaga. Konti na lang mapagkakamalan na siyang mannequin doon.

Kaya lang bigla na lang siyang umiling-iling at saka niya pinalo ang pisngi niya.

Isa pa 'to. Para rin 'tong may tama. Teka. Hindi kaya nag-inuman sila ni Piper kanina o kaya kagabi?

"What's with her? Tara, lapitan natin."

Lalapit na sana kami pero sabay kaming napahinto nang maglakad si Hailey. Nakayuko siya at dirediretsyong naglalakad.

"May sanib ba 'tong si Hails?" bulong ko kay Pipes at inilingan niya ako.

Dahan dahan kaming lumapit sa kaniya at saka namin siya ginulat. Napatalon siya ng kaunti at napahawak sa puso niya. Nang makita niyang pinagtatawanan na namin siya ni Pipes ay agad niya kaming pinagpapalo.

"Kasi naman," inis na sabi niya sa amin.

Anong problema ng mga kaibigan ko ngayong araw? Ang lalabo.

"Anong nangyari sa 'yo at para kang sinaniban?"

"Wala."

"Anong wala? Tingin mo maniniwala kami ni Pipes diyan sa wala mo?"

Napabuntong hininga si Hailey at saka kami nilagpasan. Umupo siya sa may inuupuan namin kanina ni Pipes at sumunod kami sa kaniya.

"This isn't good. This isn't good."

Nagkapalitan kami ng tingin ni Pipes dahil sa inaasal at sinasabi nitong si Hailey. Anong hindi good? Gulo pala.

"What are you talking about?"

"Pwede ba tayong mag-sleepover?" tanong ni Hails kay Pipes.

Kahit parang naguguluhan ay tumango na lang siya.

***

Tinawagan ng dalawa si Tamara at pinasama sa sleepover para raw mas masaya. Nasa may kwarto kami ni Pipes at nag-uusap ng kung anu-ano. Hanggang sa inopen na nga ni Pipes ang tungkol sa nangyari kanina kay Hailey.

"What's with you kanina? Parang you're problematic?"

Napatahimik si Hailey at huminga ng malalim pagkatapos ay kinuha niya ang unan ni Pipes at niyakap.

"May problema nga ako."

"Ano?" tanong ni Tamara.

"Kasi inaalagaan ko kanina si Warren. Nagkasakit kasi siya last time noong naulanan kami. Medyo kasalanan ko rin kasi mas pinili niyang mabasa kaysa sa akin. Nakonsensya ako kaya inalagaan ko."

"I think I know where this is going. Go on."

"Tapos.. ano.. natutulog siya noong hapon. May lagnat pa rin siya kaya kumuha ako ng bimpo para ilagay sa noo niya. Tapos unconsciously, napatitig ako sa kaniya."

Napangisi si Tamara at pigil na pigil naman ang ngiti ni Pipes.

"Then I realized something.." Pumikit si Hailey at mas hinigpitan ang pagyakap sa unan, "I think I still like him."

Nagulat ako nang biglang tumili si Pipes at pinagpapalo ako ng unan. Napailing naman si Tamara pero mukhang nangingiti na rin samantalang namumula naman si Hailey.

Bigla na lang din kumanta si Piper, "'Cause it's 12:51.. and I thought my feelings were gone. But I'm lying on my bed, thinking of you again."

"Obvious naman. Ngayon mo lang napansin?" tanong naman ni Tamara sa kaniya.

"Hindi naman obvious," depensa ko kay Hailey.

"Slow ka lang kaya hindi mo napansin."

"Ngayon lang din naman napansin ni Hailey, ha? Eh 'di slow din siya?"

"Magkaiba 'yon."

"Parehas lang naman."

"Magkaiba nga!"

"Paano naging iba 'yon?"

"Kasi siya ang nakakaramdam. Madalas kasi kung sino pa ang nakakaramdam, siya pa ang mas huling nakakaalam ng nararamdaman niya."

Napakurap ako sa sinabi niya. Kailan pa naging expert 'tong si Tamara sa ganitong bagay?

"Uy, ikaw ha. Umamin ka nga. Based on experience ba 'yan?"

"Tingin mo may oras pa ako sa mga ganoong klase ng bagay?" irap niya sa akin. Sinaniban ata 'to ni Pipes.

"Cut it out, you two. Wait nga. This is a girl's night out. Why are you here, Nate?"

Nginitian ko lang sila at nagpa-cute pero halatang hindi umepekto dahil sa mga naging reaksyon nila. Parang mga nandidiri. Grabe 'tong mga 'to para pandirihan ang napakagwapo kong mukha.

"Dito na lang muna - "

"Hindi pwede. Uwi na, Nate."

"Pero - "

"One.."

"Fine. Fine. Uuwi na."

Sungit ng mga 'to.

Lumabas na ako ng kwarto ni Pipes pero ilang segundo lang ay bumalik ulit ako at sumilip sa may pinto.

"Papaalisin niyo na talaga ako? Hindi niyo ko ako mamimiss?"

"Hindi!" sabay sabay na sigaw nila sa akin.

Hindi man lang nagsinungaling ang mga 'to. Sana plinastic man lang nila ako kahit ilang segundo.

"Harsh. Sige na. Goodnight, girls!"

"Goodnight!"

Bitin naman ako sa inpormasyon. Ang daya talaga nila.

Ah! Alam ko na. Pasimple ko na lang bubuksan bintana ng kwarto ni Pipes. Baka sakaling marinig ko usapan nila.

Ang talino mo talaga, Nate! Ang pogi mo pa! Woo!

***

We'll be having a booksigning on August 30 sa Raffles, Makati (10-12pm). I'm with blue_maiden, iamkitin, kwentonijhingness, yamyam28, marielicious, simplychummy, sielalstreim and onneechan. Hope to see you there. :)

Next update: Thursday or Friday
Kung may itatanong ka sa isa sa kanila, ano ang itatanong mo and kanino? I'll tweet the answers. Point of view nila. Haha.


Continue Reading

You'll Also Like

113K 8.6K 76
And so? An epistolary.
14.2M 620K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
350K 753 2
THE PLAYBOY'S GIRL. Written by: jpinky18 All rights reserved. Copyright © 2016 -- He's a Heartbreaker. He always making fun the feelings of others. ...