So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 11 : Beat-up - Hug

23.1K 458 43
By Ytianity

This Chapter is dedicated to @BAKEKoNG_ 'cause he's so freaking awesome! Go read his work, it's interesting! And also, to @DyosangAnonymous kasi nabitin daw siya last chapter. Sana naman okay na sa kanya 'tong chapter na 'to. Hahaha. Yung song nga pala sa gilid, yun ang nagpapakalma sa akin, nagpapatulog saka nagpapasaya sakin. Wala lang, gusto ko lang i-share sa inyo. Sana magustuhan niyo rin! Enjoy reading!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Ngayon ko lang napagtanto na hindi nag-sorry sa akin si Karl kahapon ah? Inisahan niya ako! Inisahan niya ako! Naaaay! Baaakeeet?! Hirap talaga pag crush mo ang isang tao, ang daling bumigay! Hay.

Pero buti na lang at sinundo ako ni Jake kahapon at hinatid ako pauwi, nami-miss niya na daw si Mama eh.

Ewan ko ba sa nanay ko at gustong-gusto niyang nasa bahay si Jake. Pinipilit niya talagang may gusto sa akin si Jake, eh wala naman! Ambisyosa lang talaga minsan ang nanay ko.

"Allen, sunduin kita mamaya ha?" biglang tanong ng isang boses sa tabi ko. Ay, oo nga pala, magkasama kami ni Jake ngayon. Magkasabay ang break namin kaya sabay na kaming kumain.

"Okay. Pero wag mo na akong ihatid hanggang sa bahay ha? Mamaya mapag-trip-an ka na naman ni Mother at hindi ka na pauwiin." sabi ko sa kanya habang humihimay ng manok. Fried chicken ang in-order ko, kay Jake naman Porkchop.

Tumawa naman 'tong si Jake habang hinahampas-hampas ang mesa.

"Bakit? Gustong-gusto ako ni Mama para sa'yo 'no?" tanong niya.

"Aba'y natural! Tatlong taon ka kayang nakadikit sa akin na parang boyfriend ko! Tapos ngayon parehas pa tayo ng school na pinapasukan, iisipin niya talagang hinahabol mo ako!" sagot ko sa kanya pero naka-focus pa rin ako sa pagkain ko.

Tumawa na naman siya at hinampas-hampas na naman niya yung mesa. Natatakot akong matapon yung laman ng mga baso kaya hinawakan ko yung lamesa.

"Bakit hindi na lang natin seryosohin?" tanong niya na ikinagulat ko. Sino bang hindi, eh ngayon niya lang tinanong yung ganyan. Paglingon ko kay Jake ay nakangiti siya, nagbibiro lang pala 'tong hinayupak na 'to!

"Wag ka ngang magbiro, Jake. Hindi nakakatawa yun." seryoso kong sabi sa kanya at nakita kong nawala yung ngiti niya.

"Tingin mo ba nagbibiro ako?" tanong niya.

Yumuko naman ako para ipagpatuloy ang pagkain.

"Knowing you? OO!" sabi ko.

Narinig kong tumawa siya ng mahina, pero yung parang pilit.

"I love you, baby." sabi niya pero yung mahina lang.

"Love you, too." sagot ko tapos nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos namin sa pagkain ay lumabas na kami sa lugar na iyon.

Pabalik na kami ng school nang may tumawag sa cellphone ko.

KARL VINCENT'S POV

/Hello?/ bungad ni Allen sa kabilang linya.

Ewan ko ba kung bakit tinawagan ko siya. Parang nagkusa na lang yung mga kamay ko na gawin iyon.

/A-allen?/ shit! Bakit nauutal na naman ako?

/Oh? May problema ba?/ tanong niya.

/Ah, wala! Wala namang problema!/ sagot ko, hindi ko alam anong sasabihin ko.

/Oh, eh bakit napatawag ka?/ tanong niya.

Bakit nga ba? Hindi ko din alam eh. Kung yun kaya ang sabihin ko?

/Hindi ko alam eh. Bakit nga ba napatawag ako sa'yo?/ sabi ko pero pabiro lang.

/Leche! Ang lakas ng toyo mo! Ibababa ko na- Wait! Hoy, sandali lang! May kausap lang ako. 'To naman, masyadong seloso./ huh? Ako, seloso? Huh?

/Ano? Anong sinasabi mo?/ tanong ko sa kanya.

/Hindi ikaw yun! Ito kasing si Jake eh, nag-iinarte! Sige, mamaya na lang kita kakausapin baka iwan ako ng lalaking yun eh. Nasa kanya pa naman yung bag ko. Sige na ha? Kita na lang tayo sa school. Pabalik naman na ako eh. Bye!/ nagmamadali niyang sabi at binaba na niya ang phone.

Si Jake. Magkasama na naman sila ni Jake. Ano bang meron sa lalaking yun at palagi siyang sinasamahan ni Allen? Oo magkaibigan sila since High School pero College na kami ngayon! Dapat makisalamuha naman siya sa ibang tao, hindi yung Jake lang na yun yung palaging kadikit niya!

"Hi, Karl." bati ni Michelle. 'Tong babaeng 'to parang si RR lang din eh. Parang linta kung makakapit sa mga lalaki.

"Bakit?" tanong ko sa kanya pero yung walang emosyon, baka mamaya lagyan niya ng meaning yung mga emosyon na ipakita ko eh.

"Wala lang. Tapos na ba kayong mag-lunch?" nakangiti niyang tanong.

Sasagot na sana ako ng 'oo' nang biglang pumunta sa harap ko si Jason.

"Hindi pa! Nagugutom na nga ako eh." nakangiti at halata ang excitement sa tono niya.

Napansin ko namang napangiti si Michelle pero yung pilit lang, yung parang ang awkward lang ng kaharap niya?

"Gusto niyo bang kumain?" tanong ni Michelle.

"Oo!" excited na sagot ni Jason.

"Okay lang." sagot ni Jomar.

Mga taong 'to! Kakakain lang namin sa canteen eh!

"Pass muna ako. Busog pa ako eh." sagot ko habang lumalakad palayo sa kanila. Yung dalawa na ang bahala kay Michelle, type naman nila yun eh! Hehehe.

Taimtim akong naglalakad sa mahabang pasilyo papunta sa building namin ng may mapansin ako sa field.

Si Jake. Masayang tumatakbo sa field na parang bata. Sa di kalayuan ay nandun naman si Allen, naglalakad lang siya pero naka-ekis yung kamay niya sa dibdib niya.

"Bilisan mo! Hindi ko ibabalik sa'yo ang bag mo!" narinig kong sigaw ni Jake kay Allen.

Si Allen naman ay nag-eyeroll lang at nagpatuloy sa paglakad.

Hindi ko namalayan na lumapit pala ako kay Jake hanggang sa magkabunggo kami. Ano bang nangyayari sa akin? Parang kusa na lang kumikilos katawan ko lately.

Nakita kong magkasalubong ang kilay ni Jake habang nakatingin sa akin.

"Problema mo p're?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw, ano problema mo? Gusto mo bang matikman yung ginawa mo sa akin sa mall?" tanong niya, obvious yung galit sa tono niya.

Nginitian ko lang siya dahilan para mag-angat siya ng kamao at ambahan ako ng suntok.

"Jake! Itigil mo yan! Tumigil ka!" sigaw ni Allen mula sa di kalayuan.

Pagtingin ko ay nakatayo si Allen sa malayo at magkasalubong din ang kilay. Dahan-dahan siyang lumapit sa pagitan namin at pinaglayo kami.

"Jake! Wag na wag mong gagawin yan dito sa loob ng school. Gusto mo bang ma-suspend?" sabi ni Allen kay Jake na nakakuyom pa rin ang kamao.

"Eh siya naman ang nagsimula eh." sabi ni Jake.

"Totoo ba?" tanong naman sa akin ni Allen.

Umiling naman ako.

"Tinanong ko lang naman siya kung ano problema niya eh, nabunggo niya kasi ako." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Tinanong ka lang naman pala eh. Wag kang masyadong hot!" sabi ni Allen sa kanya. Nakita kong ngumiti si Jake at hinawakan ang kamay ni Allen.

"You think I'm hot?" nakangiti niyang tanong kay Allen, yung para manyak na ngiti? Yuck!

"Jake! Wag ka ngang ganyan! May ibang tao! Mabuti kung tayong dalawa lang ang nandito eh." nakangiting sagot ni Allen. Ang bababoy naman ng dalawang 'to! Pero mukhang hindi naman ginagawa ni Allen YUN eh.

"At ikaw!" ako daw ba?

"Mag-sorry ka kay Jake!" utos niya sa akin.

"Ayoko! Bakit ako ang magso-sorry, eh wala naman akong kasalanan?!" sagot ko.

"Wala kang kasalanan?! Kung hindi mo siya sinuntok nung isang linggo, oo, wala kang kasalanan. Pero sinuntok mo siya diba? Nagdugo pa nga labi niya eh. Ngayon, mag-sorry ka sa kanya kundi ako ang susuntok sa'yo!" sabi niya. Ang haba! Pwede namang sabihin na mag-sorry ako dahil sinuntok ko si Jake. Ang dami pang sinabi. Pinagbantaan pa ako na ak-

"Tuloy pa ba? Kasi kung hindi, ihanda mo na yang mukha mo." biglang sabi ni Allen! Napaka-bayolente naman!

"Wait lang! Sisirain mo talaga mukha ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo, kaya mag-sorry ka na." utos niya. Nagmamadali!

"Pag nasira ang mukha ko, sino na magiging crush mo?" tanong ko, bigla lang pumasok sa isip ko eh.

Nakita kong napanganga siya sa pagkabigla at kasabay nun ay nag-blush siya. Ang cute!

"L-leche Karl! M-mag-mag-sorry ka na kasi eh!" nauutal niyang sabi.

"O sige, kahit labag sa loob ko, sorry na Jake." sabi ko. Makuntento na siya dyan, hindi naman ako dapat nagso-sorry eh.

"Yun na yun?! Wala man lang, 'I'm sorry kasi nasuntok ko yung gwapo mong mukha. Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote ko at nagawa ko yun. Hindi ko na uulitin yun. Sorry talaga!' ganun-ganun effect?" tanong ni Allen, with matching gestures pa.

"Sinabi mo bang mag-sorry ako with matching speech and feelings? Hindi naman diba? Ayun, nag-sorry na ako." cool kong sabi sa kanya.

Nakita kong napa-facepalm siya at nilamukos niya ang mukha niya.

"I guess pwede na yun, right, Jake?" tanong niya kay Jake.

Tumango naman si Jake at inakbayan si Allen. Tch, layuan mo nga kaibigan ko!

"Sa susunod na makita o malaman ko na nag-away kayo, ako mismo ang bubugbog sa inyo!" pagbabanta niya sa amin.

"Sa kama?" sabay namin tanong ni Jake. Ewan kung bakit ko nasabi yun! Nakakahiya!

Napa-aray na lang ako ng bigla akong kurutin ni Allen sa braso. Si Jake nama'y sinabunutan niya.

Napansin kong namumula siya habang sinasaktan niya kami ni Jake.

"Ang babastos niyo! Mga leche kayo!" sigaw niya sa amin habang patuloy pa rin siya sa pananakit sa amin.

Pero imbes na masaktan ako, ay napangiti na lang ako. Grabe talaga, ang saya ni Allen kasama!

ALLEN'S POV

Mga pesteng yawa! Binastos ako ng dalawang mokong!

Sa kama? Bubugbugin ko sila sa kama? Though hindi naman masamang pakinggan para sa mga tulad ko, ang bastos pa rin! Buti nga walang nakarinig eh, kundi mamamatay na ako sa kahihiyan! Sheeeeeeet!

"Page 31 na tayo, Allen. Pwede maglipat." biglang sabi ng prof ko na nasa tabi ko na pala! Pagtingin ko sa libro ko, nasa page 27 pa lang ako. Shit!

Nilipat ko agad yung libro at narinig kong bumungisngis si Karl sa harap ko. Alphabetical order kasi ang upo namin sa subject na 'to.

Hinampas ko yung likod niya kaya tumigil siya.

Yan pa! Simula nung magsimula yung klase, lingon ng lingon sa akin yan tapos ngingiti. Pag ginagawa niya yun, isa lang pumapasok sa isip ko, yung 'Sa kama?' line niya. Oo, aminin ko natuwa ako dun, pero alam ko namang hindi seryoso yun eh. Gusto niya lang talaga akong inisin.

"Okay, yung assignment niyo is on page 38-40. Sagutan niyo lahat ng exercises doon." paalala ng prof namin at saka lumabas.

Bigla na namang nagmeeting-meeting ang mga parrot. Hay.

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng biglang may tumamang papel sa batok ko. Paglingon ko ay mukhang wala namang bumato kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pagaayos ng gamit ko. Pero meron na namang bumato ng papel sa akin. Sa sobrang inis ko ay dinampot ko yung papel at pumunta sa likod.

"Sino nambato ng papel?" tanong ko sa dalawang lalaki na katabi ni B**chelle.

Mas matangkad sila sa akin, halata naman sa haba ng biyas nila eh. Mukha pang mga bully. Pero hindi ako natatakot sa mga katulad nila. Sanay akong humarap sa mga ganitong uri ng tao.

"Sino bumato nito?" tanong ko uli sa kanila habang pinapakita yung mga nilamukos at binilog na papel.

"Ako, bakit?" maangas na tanong nung mas malaking lalaki.

Ah ikaw pala ha? Diniinan ko yung papel para mag-form ito ng isang bilog. Nung masigurado ko na yung sukat nun ay isinalaksak ko sa bibig nung lalaki yung papel.

Nagulat lahat ng natitira pang mga estudyante sa loob ng room. Si B**tchelle at yung isa pang lalaki ay napatayo sa pagkagulat. Akala niyo hindi ko kayang gawin 'to 'no?! Ha!

Tinanggal nung lalaki yun papel sa bibig niya at tumayo. Inambahan niya ako ng suntok pero hindi niya natuloy dahil pumagitna sa amin yung tatlong mokong, meaning sina Karl, Jomar at Jason.

"P're! Wag!" pigil ni Karl.

Hinawi ko siya at nilapitan yung lalaki. Lalong humigpit yung pagkuyom niya sa kamao niya pero hindi ako natatakot, may access ako sa parte sa pagitan ng hita niya eh. Ang dali lang tuhurin nun.

"Wag niyo akong guguluhin ha? Hindi porke't alam niyong bakla ako ay may karapatan na kayong tapak-tapakan ang pagkatao ko. Subukan niyo akong kantiin, papa-expel ko kayo dito!" pagbabanta ko sa kanilang dalawa.

Nakita kong binaba niya yung kamao niya at kinuha na lang niya yung bag niya. Tinabig niya ako bago siya umalis kasama nung isa.

Feeling contented, bumalik ako sa upuan ko at niligpit ang mga gamit ko.

Nagulat na lang ako ng bigla akong akbayan ni Karl. Si Jomar at Jason nama'y nakatayo sa harap ko. Ang awkward!

"Angas mo dun ah? Talagang inaway mo yung kaklase nating yun?" manghang-manghang tanong ni Karl.

"Kesa naman walang pumigil sa kanya diba?" monotonous kong sabi.

"Wooh! Lalaki pala si Allen eh. Ang tapang mo p're!" sigaw niya sa buong klase.

Nagtawanan naman ang iba tapos pinagtatatapik yung likod ko.

"Halika, kain tayo ng merienda. Treat ko, ang tapang mo kasi eh." nakangiti niyang sabi.

"Wag na, susunduin pa ako ni Jake eh. For sure, nag-aantay na sa akin yun sa lobby." sagot ko. Nakita ko pang nawala yung ngiti niya

"Si Jake? Mag-boyfriend na ba kayo?" tanong niya, medyo malungkot yung boses niya.

"Bakit? Nagseselos ka?" tanong ko sa kanya, pero pabiro lang.

"Ako, magseselos? Mabuti kung meron ka nung nasa mga babae, pagseselosan ko talaga kayo, kaso parehas tayo ng body parts eh." sabi niya tapos tumawa pa siya. Ang sakit! Pwede namang sabihin na hindi siya nagseselos, bakit kailangan pang ikumpara ang katawan ko sa babae? Saklap!

"Sige, una na ako." monotonous kong sabi.

Teka nga! Bakit ba ako nagpapa-apekto sa sinabi niya? Joke lang naman yung tanong ko eh, so parang joke na lang din yung sagot niya.

Kaya minsan ayokong nagsasalita o nagtatanong eh, ako din ang nasasaktan.

Pababa na ako ng building nang may tumawag sa pangalan ko. Si Karl. Problema na naman nito?

"Bakit?" tanong ko.

"Sorry, I didn't mean to offend you back there." bigla niyang sabi.

"Alam ko." sabi ko na lang when inside my head, pinapatay ko na sarili ko dahil sa pagiging judgmental!

"Good." nakangiti niyang sabi tapos ay niyakap niya ako.

Sheeeeeet! Niyakap ako ni Karl! Yung kaluluwa ko, pakitali po muna, baka lumutang eh!

"Sorry talaga." bulong niya pa sa akin habang nakayakap pa rin siya.

Talaga naman! Pakisukatan na nga po ako! 5'5" po ako! Gusto ko pong kulay, white and gold. Yung make-up ko po, mini-mini lang! Hay! Wooh! HEAVEN!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Vote, Comment or anything! You know what makes me happy. :))))

Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
125K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???
262K 5.4K 20
BOYXBOY GAY YAO BROMANCE-- Tahimik ang buhay ko. Simple lang,with my father I feel complete. Namatay si Mama habang pinapanganak ako kaya si Papa ang...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...