Warren's POV
Parang binalibag ang buong katawan ko. Ang sakit. Nakakapagod. Nakakapagod ang practice namin. Pero ayos lang kasi masaya naman. Kapag kasi nasa loob na ako ng court iba na ang pakiramdam kaya wala na akong pakialam kahit na sakitan man ako ng katawan pagkatapos. Worth it naman ang lahat kaya ayos lang.
Nang makauwi ako ay ibinagsak ko agad ang bag na dala ko at humilata sa may sofa. Ah. Ayan. Kahit papaano mas nakakarelax 'to.
"Kanina ka pa?" tanong sa akin ni mama at saka kinuha ang bag ko. "Ginamit mo na ba lahat 'to? Ilalagay ko na sa laundry?"
"Opo. Thank you, Ma."
Pumikit ako at handa na umidlip nang bumalik si Mama, "Hinahanap ka nga pala ni Hailey kanina."
"Bakit daw po?"
"Baka naghahanap ng kasama? Nagpunta raw kasi siyang bookstore kanina tapos nang bumalik siya dito, hinanap niya kayo nila Nate at Piper pero wala ni isa sa inyo ang nandito."
"Naiinip lang po siguro 'yon," sagot ko kay Mama.
Bumalik na siya sa ginagawa niya. Umupo naman ako at nag-unat. Inikot ikot ko ang braso ko pati na rin ang paa ko. Tinanggal ko ang medyas ko at saka iyon inilagay sa mga lalabhan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makita niya akong palabas.
"Puntahan ko lang po si Hailey."
Tumango naman si Mama at saka sumenyas na parang pinapalayas ako ng bahay.
Nagpunta ako sa bahay nila pero ang sabi ni Tita Sab ay nag-ikot-ikot lang si Hailey sa may subdivision. Kaya kinuha ko ang bike ko saka nagpunta sa unang lugar na naisip ko kung saan posibleng nandoon din siya. Sa may playground sa gilid ng clubhouse.
Hindi nga ako nagkamali. Nandito nga si Hailey. Nakaupo siya sa swing at nakayuko habang hawak ang isang libro. Hindi naman siguro siya nagbabasa habang nagswiswing? Parang nakakahilo kung gagawin niya 'yon. Pero sabi nga nila, may mga weird na paraan ng pagbabasa ang mga readers. Baka isa na 'to sa sinasabi nilang kakaibang paraan.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa bakanteng swing. Napansin lang niya na nandoon ako nang tumunog na 'yung bakal sa inupuan ko.
"Warren," gulat niyang sabi kaya nginitian ko na lang siya. "Bakit ka nandito?"
"Nagpunta ka raw sa amin sabi ni Mama. Wala ka rin daw kasing kasama. Kawawa ka naman, ano? Ang loner mo?"
Nag make-face siya at saka ako inirapan, "Naiinip lang ako. For your information, hindi ako mag-isa. Kasama ko 'to, o." Itinaas at ipinakita niya ang libro niya sa akin.
Weird talaga nito. Weird.. but cute.
"May mga imaginary friends ka nga pala," biro ko sa kaniya kaya nakatanggap na naman ako ng death glare niya.
"Oo. Oo, friends ko 'tong mga fictional characters na 'to sa isip ko."
"Nabaliw na nga."
"Ang sama nito. In case hindi mo alam, may mga readers talagang nag-iisip na bestfriend nila ang isang fictional character. You know why? Kasi minsan sobrang perfect na ng mga characters na 'yon at maiisip mo na lang na ang cool siguro kung may makikilala kang kagaya nila sa totoong buhay. But since wala namang kagaya nila sa real life, iisipin mo na lang na 'yung character na 'yon mismo ang kaibigan mo. Hindi sila makakapunta sa reality kaya ikaw na lang ang tatalon sa fantasy."
Nakangiti siya habang nagkwekwento. Parang sobrang damang dama niya 'yung sinasabi niya. Para siyang nasa loob ng isang happy bubble.
"Ah. Mukhang mas masaya ka pala na maging kaibigan 'yang mga nasa libro, ano? Mukhang mas okay silang maging bestfriend. Kaya iiwanan mo ang realidad para lang pumunta diyan sa - "
"Grabe 'to," kunot noong sagot niya sa akin. Pinilit ko na hindi matawa sa naging reaksyon niya. Kunyari seryoso ako. Kunyari naiinggit talaga ako. "Seryoso ba 'to?"
Hindi ko siya sinagot at nag-swing lang.
"Huy, Warren! Hindi nga?"
"Parang ayon ang labas ng sinasabi mo, eh. Mas pipiliin mong magpunta sa mundo nila kasi perfect sila at masarap maging kaibigan. Parang sinabi mo na rin na okay lang sa 'yo na iwanan ang mga kaibigan mo dito makapunta lang sa mundo nila."
Nanlaki ang mata niya at sa totoo lang, gusto ko ng matawa pero hangga't kaya ko pang pigilan, pipigilan ko pa rin.
"Wala naman akong sinabi na willing akong iwan ang mga kaibigan ko dito para sa mga fictional characters. Syempre minsan nakakatempt 'yon kaya lang mas pipiliin ko pa rin kayo. Kasi kayo ang totoo. At saka ano ba, Warren. Pagkatapos ba talaga ng lahat ng pinagdaanan natin ngayon mo pa - "
Napahinto siya sa pagsasalita at saka ako tiningnan ng masama, "Ang sama mo. Nang-goo-goodtime ka na naman, eh."
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko nang marealize niya na binibiro ko lang siya. Lumapit siya sa akin at saka hinawakan 'yung bakal sa swing para huminto 'yon at saka ako pinagpapalo gamit ang libro na dala niya.
Nang maging okay na siya ay bumalik na siya sa bakanteng swing at saka tiningnan 'yung librong pinamalo niya, "Bwisit ka! Tingnan mo tuloy. Nalukot na 'tong libro ko dahil sa 'yo."
"Sino ba nagsabing ipalo mo sa akin 'yan?" biro ko sa kaniya.
Sa totoo lang, sobra sobra ang pasasalamat ko dahil naging bestfriend ko 'tong si Hailey. Siya na ang best sa pinakabest. Sobra sobra na 'yan, ha.
Noong bata pa lang kami madalas kami na ang magkakampi. Sanggang dikit nga sabi nila. Siya pa ang laging tumutulong sa akin kapag may problema ako. Kesyo may hindi ako maintindihan sa klase, o kaya nabitin ako sa pagkain ko, o sa tuwing natatakot ako na mapagalitan nila mama kapag may nagagawa akong hindi maganda. Hindi niya ako iniiwan. Lagi 'yang nasa likod.
Pero hanggang ngayon naman ganoon pa rin si Hailey. Noong nagkaroon ako ng problema sa pagpili sa kanila at sa mga kagrupo ko, siya ang nandiyan para pagaanin ang loob ko. Maski kapag nasasaktan ako dahil kay Piper hindi niya pa rin ako iniiwan.
Sobrang swerte ko talaga sa kaniya. Sana hanggang dulo hindi siya magsawa na maging bestfriend ko.
"Hailey," tawag ko sa kaniya. "Salamat, ha?"
"Ha? Para saan?"
"Salamat kasi bestfriend kita.. bestfriend pa rin kita kahit ang dami ng nangyari."
Tumango siya at saka ako nginitian, "Kahit ano para sa bestfriend ko."
Nagkwekwentuhan pa kaming dalawa nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Hanggang sa unti-unti na nga itong lumalakas.
"Hala. Hala. Tara na."
Wala kaming dala parehas na payong. Tanging bike ko lang ang nandito. Mababasa 'tong si Hailey. Ano ba ang pwedeng ipanabing sa kaniya?
Tumatakbo na siya papunta sa may bike ko at tinatawag ako. Sumunod ako sa kaniya at tinanggal ang hoodie na suot ko saka ko 'yon ipinangtabing sa kaniya.
"Okay lang, Warren. Suotin mo na lang 'to. Galing ka pa sa practice 'di ba? Baka - "
"Sumakay ka na lang sa bike. Gamitin mo na 'yan. Baka mabasa ka pa pati 'yang librong hawak mo."
"Pero - "
"Dali, Hails. Mababasa ka pa."
Umangkas naman na siya agad sa bike kaya nagmadali na ako para maihatid ko agad siya sa kanila.
***
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm. May community service nga pala kami ngayon. Last na 'to. Pagkatapos talaga nito magpapahinga na ako. Ang bigat pa rin ng katawan ko. Malamang dahil 'to sa bugbog sa practice.
Naligo at kumain lang ako saka nagpunta sa bahay nila Nate. Ihahatid na kasi kami ni Tito Ice sa street na natapat sa amin para linisin. Magrereklamo pa sana ako sa parusang 'to kaya lang sabi ni Papa normal na raw 'tong ganitong klase ng parusa. Para lang daw kaming nag-e-NSTP. Ang kaibahan lang, parusa talaga 'tong sa amin.
Kumakati ang lalamunan ko kaya hindi ko mapigilan ang mapaubo. Pinapalo naman ng katabi kong si Hailey ang likod ko.
"Ayos ka lang?"
Nag-thumbs up ako bilang sagot at nagsimula nang maglinis.
Habang naglilinis, hindi ko mapigilan mapansin 'tong mga kasama ko. Pakiramdam ko may bago pero hindi ko alam kung ano.
Nagtutulungan si Nate at Tamara sa paglilinis sa isang tabi. Hinahawakan ni Nate 'yung trash bag at tinatapon naman ni Tamara doon 'yung mga naipon niyang kalat. Nang malinis na nilang dalawa 'yung isang side, itinaas ni Nate ang kamay niya at ang lawak pa ng ngiti niya. Sa pwesto ko naman ay napansin ko ang pag-apir ni Tamara sa kaniya.
Ayos, ha. Magkasundo na pala ang dalawang 'to. Mukhang ayos na sila.
Sa gilid naman nila ay nagwawalis si Hunter at Piper. Huminto si Piper para punasan 'yung noo niya at nang makita 'yun ni Hunter ay nilapitan niya si Pipes saka pinahiram ng bimpo niya. Tinanggal din niya 'yung sumbrerong suot ni Piper na humaharang na sa mukha niya at saka 'yon inayos ni Hunter.
"Warren, o."
Natigil ako sa pagtingin sa kanila nang lapitan ako ni Hailey at abutan ng isang bote ng tubig. Tinanggap ko naman 'yon at umupo sa gilid ng kalsada para magpahinga. Hindi rin nagtagal at tumabi sa amin ni Hailey 'yung iba.
"Masama ba pakiramdam mo?"
"Hindi naman. Ayos lang."
Tiningnan niya lang ako at halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko pero hindi ko na lang pinansin at nakipagkwentuhan kila Nate.
Ilang sandali pa ay natigil ang masayang kwentuhan namin nang may dumating. Si Elle kasama 'yung side kick niya.
"Wow. Like.. wow. Are you slacking ba? Don't tell me hinihintay niya pa ako before kayo kumilos? Seriously?"
Nagkatinginan kami ni Piper at natawa na lang ako nang nagmake-face siya saka umirap kay Elle.
"Hay. These good for nothing - "
"Okay! Uwian na!" sigaw ni Hailey at saka tumayo.
Sumunod naman kami sa kaniya pero huminto rin sa tapat ni Elle.
"It's a good thing dumating ka na my dearest Elle. And just so you know, kanina pa kami naglilinis dito," sabi sa kaniya ni Piper.
"And in case hindi mo napapansin, kayo na lang din ng alalay mo ang wala pa dito. Pati 'yung ibang rebels," gatong naman ni Tamara.
Inabot ni Nate kay Elle ang hawak niyang trash bag, "Ayan, ha. Nilinis na namin karamihan ng kalat dito. Konting konti na lang lilinisin niyo."
Paalis na sana kami ng subdivision nang humirit pa si Elle, "You can't leave us here! Once malaman 'to ng - "
"Actually pinadala ako ni miss dito para i-check ang gagawin niyo. Kanina pa sila naglilinis at ang dami na nang nalinis nila. Kayo na lang talaga ang kulang," depensa sa amin ng secretary ng nasa Prefect of Discipline.
"But - "
"Goodluck, Elle!" Pahabol pa ni Piper saka siya kinawayan.
Nagtatawanan kaming umalis sa lugar na 'yon. Ayan. Sa wakas tapos na ang parusa. Pwede na ulit kaming pumasok sa school. Pwede na rin akong magpahinga sa ngayon.
"Uuwi na ba tayo? Tara muna. Gala tayo," aya ni Nate at sumang-ayon naman ang lahat.
Kaya lang parang mas tumitindi ang ubo ko at napansin na nga 'yon ni Hailey, "Hindi ka ata okay, eh?" Sasagot pa lang sana ako pero hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ko pati na rin ang noo ko. "I knew it. May lagnat ka."
"Ano ka ba, Hailey. Ayos lang - "
"May lagnat si Warren? Sige, huwag na tayong tumuloy - "
"Isa ka pa, Nate. Ayos nga lang sabi - "
"Shut up, Warren. You're sick. Baka mas lumala 'yan if - "
"Tumuloy na kayo!" sigaw ni Hailey kaya napatahimik kaming lahat. "Sige na. Tumuloy na kayo. Ako na lang ang bahala kay Warren since nagkasakit naman siya dahil sa akin."
Mukhang nag-aalangan pa ang iba na umalis pero pinagtulakan ko na sila palayo. Pati nga si Hailey sinasama ko na sa kanila pero ayaw niya talaga. Ayoko naman kasing maging kontra sa pag-eenjoy nila.
"Ang kulit mo, Warren. Kung aalis kaming lahat tapos iiwan ka naming uuwi mag-isa, sa tingin mo ba matatahimik kami? Lalo na ako. Malamang nagkasakit ka kasi galing ka sa practice kahapon tapos nagpaulan ka pa. Mas inalala mo pa kasi ako."
"Hailey - "
"Okay na, Warren. Huwag ka ng kumontra. Ngayon hayaan mo naman ako na mag-alala para sa 'yo."
***
Next update: August 22 (Saturday) OR August 23 (Sunday)