So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 9 : Blush - Punch

24.2K 490 32
By Ytianity

Chapter 9 na! Dito niyo na mami-meet si Jakey-baby, though wala akong visual representation sa character niya. Hahaha. Vote or Comment! :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Bakit ba ako ang nag-offer na ihatid 'tong si Allen? Galit ako sa kanya diba? Pero kasi nung nakita kong ganun yung kalagayan niya, parang naawa ako.

"Mahirap sumakay ng ganito ang lagay ng panahon." sabi ni Allen.

Napaisip ako, kung ganun din naman pala, dapat akong makaisip ng paraan para mas makapagpahinga siya. Hmmm.

"Sa mall na lang kaya tayo pumunta? Pwede kang magpahinga dun. Magpatila na rin tayo ng ulan saka kita ihahatid sa inyo, okay?" suggestion ko.

Napalingon siya sakin na parang nagtatanong pero nag-iwas din agad.

"Teka, yung gamot mo ba nasa iyo?" tanong ko sa kanya. Parang napansin ko kasi na hawak yun ni Jomar kanina pero bilang nakatulala siya kanina ay hindi niya iyon nakuha.

"Fudge! Nalimutan ko sa kaibigan mo yung gamot!" sabi niya tapos tumalikod siya sakin paharap sa direksyon ng school.

Bago pa siya makahakbang ay hinawakan ko yung balikat niya. Naramdaman kong parang nagitla siya kaya binaba ko din agad yung kamay ko.

"Sorry. Wag mo nang balikan yun, ibibili na lang kita sa mall." sabi ko habang nakatalikod siya sakin. Nung lumingon siya ay nag-iwas agad ako ng tingin.

"'Lika na." aya ko sa kanya at nagsimula na ulit kaming lumakad. Tumawid kami kasi sa kabilang side pa yung papuntang mall eh.

Dahil sa maaga pa at medyo maulan, ay konti lang ang dumadaang jeep. Pero after 10 o 15 minutes ay nakasakay din kami. Sa may tarangkahan lang kami umupo para madali lang kaming makababa.

Sa biyahe, napansin kong nakatingin samin yung dalawang babae na katapat namin. Bulungan sila ng bulungan tapos ngingiti o kaya tatawa. Buwang ba 'tong mga 'to?

"Kuya, para na po dyan sa may City Hall lamang." biglang sabi nung isa sa nagbubulungang babae. Bumaba na rin kami kasi dun din ang destination namin.

Pinayungan ko si Allen kasi baka lumala ang sakit niya.

"Nababasa ka." mahina niyang sabi at napangiti na lang ako sa kanya.

"Okay lang yan. Basta wag ka lang mabasa." sabi ko at nakita kong namula yung pisngi niya.

Shoot! Bakit parang gusto kong pisilin yung mga pisngi niya? Ang cute niya kasi eh.

"Tuloy pa ba?" bigla niyang tanong, na mukhang may halo ng tono ng sarcasm.

"Huh? Oo! Sige na, lakad na." sabi ko na lang sa kanya, though medyo napahiya ako sa pag-space out sa harap niya.

10 pa ang bukas ng mall kaya pumila muna kami ni Allen, 9:40 pa lang kasi.

"Karl, may tubig ka ba dyan? Nauuhaw ako eh." mahinang sabi ni Allen.

"Wala eh. Teka, ibibili kita." sabi ko sa kanya. Hahakbang na ako ng bigla niyang hawakan yung braso ko.

Hindi ko malaman kung ano yung parang kuryente na dumaloy sa katawan ko pero nawala din agad iyon nung bumitaw siya sakin.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa mga mata ko. Muli ko na namang naramdaman yung feeling na nakatulala lang ako sa pagtitig lang sa kanya.

"Uhm." bungad niya.

"Ano yun?" tanong ko ng nakangiti. Inaantay ko yung sasabihin niya, para kasing may importante siyang sasabihin eh.

"Uhm... Wag malamig bilhin mo ha? Masakit sa lalamunan yun eh." mahina niyang sabi.

What the?! Yun lang? Akala ko sasabihin niya, 'Karl, ang gwapo mo.'. Kainis!

"Okay." monotonous ko na lang na sabi para hindi niya mahalata yung inis ko.

ALLEN'S POV

Tignan mo 'tong lalaking 'to! Bakit ba maya-maya na lang siyang naiinis? Parang pinaglihi siya sa inis kaya naging ugali na din niya yun. Irita!

"Ito na!" sabi niya sabay bigay, more like tinulak, niya sakin nung tubig. Bait! Note the sarcasm.

"Salamat ha?" sabi ko sa kanya pero inirapan ko siya.

Narinig kong nag-Tch siya tapos tinalikuran niya ako. Naku! Kung wala lang akong sakit ngayon, nakaldagan ko na 'to sa noo! Iniinis ako eh.

Para namang nagkaroon ng komosyon dahil nagsiksikan ang mga tao sa pagpila. Magbubukas na pala ang mall, kaya nagsisiksikan ang mga utaw!

Aray! May bumangga sa kaliwa ko.

Aray! Kaliwa na naman? Try niyo kaya sa kanan para pantay?

Aray ha? Namumuro na 'tong mga 'to ah?

"Dito ka nga." sabi ni Koopa sabay hila sa braso ko tapos pinwesto niya ako sa harap niya.

Sweet talaga nito! Kinikilig ako! Sana lang posibleng magkagusto yung mga ganitong tao sa mga katul--

"Mainit ka na naman. Saka namumula tenga mo ah?" sabi ni Koopa, na pumutol sa pakikipag-usap ko sa sarili ko.

Eh nandyan ka sa likod ko eh. Nakakakilig kaya na hinila mo ako papunta sa harap mo para lang hindi ako mabunggo ng mga nag-i-stampede na tao! Nakaka-boyfriend kaya ang peg mo! Hahaha.

After 5 minutes ng pakikipag-gitgitan sa mga uncivilized na tao, sabi kasing pumila ng maayos pero 'tong mga 'to akala mo mauubusan ng paninda sa mall, ay nakapasok na kami. Kumuha siya ng panyo sa bag niya at pinunasan niya yung mga nabasang parts sa katawan niya. Bilang hindi naman siya nakatingin ay tinitigan ko siya ng bongga.

"Ang gwapo talaga nito. Sana magka-boyfriend ako na kasing gwapo niya." bulong ko sa sarili ko.

Napansin kong napalingon siya sakin kaya nagitla ako. Narinig niya ba yung bulong ko? Imposible yun!

"'Lika na. Bibili na kita ng gamot." sabi niya tapos nauna na siyang bumaba. Ang excited kong crush, bow!

Matapos siyang makabili ng gamot ay pinainom na niya agad sakin yun. Excited talaga!

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya nang mainom ko na yung gamot.

"Gutom ka ba? Kakakain ko lang kasi eh." sabi ko naman.

Umiling siya tapos parang natulala.

"'Lika na." sabi niya. Fave line nya yan? Wala man lang, ''Lika na, punta na tayo sa ganito o kaya sa ganun.'. Okray!

"Hoy!" agaw atensyon naman pag-hoy niya!

Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa 4th floor, sa may cinema area. Don't tell me na gusto niyang manuod ng sine? Para naman kaming may relasyon sa ginagawa naming 'to!

"So, I was thinking na sa loob ka ng sinehan magpahinga. Is that okay to you? Makakatulog ka naman dun kahit maingay eh." sabi niya habang nakatingin sa movie list at nakatalikod sakin.

"Whatever floats your boat, babe." sabi ko pero napatakip ako ng bibig ng ma-realize ko yung sinabi ko. 'Babe'? Saan galing yun? Pesteng dila 'to, may sariling utak?!

"'Lika na. Pumila ka na dun. Bibili na ako ng ticket." sabi niya habang nakaturo sa Cinema 10.

Agad naman akong sumunod, baka magalit eh. Natawag ko ng 'Babe' eh.

KARL VINCENT'S POV

"Yes, sir?" tanong ng ticket saleslady.

"Dalawang ticket po for Resident Evil." sagot ko.

Kumuha siya ng dalawang ticket at inabutan ko siya ng 100 pesos. Nung inabot niya yung 50 pesos na sukli ay ngumiti siya sakin.

"Mahilig po kayo sa horror-thriller 'no?" bigla niyang tanong.

"Huh?" confused kong tanong. Ano sinasabi ni Ate?

"Kanina ko pa po kasi napansin na ang laki-laki nung ngiti niyo. Mula nung tumitingin kayo ng pelikula dun hanggang sa pumila kayo, ang laki-laki ng ngiti niyo." pagpapaliwanag niya.

Ah, so yun pala yung sinasabi niya. Hindi niya siguro napansin na kausap ko si Allen nun. At yung time na napangiti ako, ay nung tawagin niya akong 'Babe'. Hindi ko nga alam kung bakit eh, pero talagang napangiti ako. Nakakaloko na talaga 'tong sarili ko. Baliw na ba ako?

"Sir?" pagtawag pa nung babae.

"Ah, opo. Hilig ko po talagang manuod ng ganito eh." nakangiti ko na lang na sagot sa kanya.

"Sige po, good luck po sa kasama niyong manuod. Sana malakas loob niya." sabi niya sabay tawa ng mahina kaya natawa na lang din ako sa kanya.

Umalis na agad ako kasi baka daldalin pa ako ni ate.

Pagbalik ko kay Allen ay nakita kong nagtetext siya. Pumwesto naman ako sa likod niya, since siya ang nasa hulihan, at nabasa ko ang konting part nung text niya.

[... Sana nga eh. Ang gwapo niya kaya! Tapos maiinggit ka pag naging kami. XD] sabi dun sa nabasa kong text niya.

Hindi ko na tinignan kung sino katext niya since, sure ako na si Diane yun. Teka! Oo nga! Bakit hindi ko naisip na tanungin si Diane tungkol dun sa babaeng dikit ng dikit kay Allen? Ang tanga ko ha? Medyo tanga!

Tetext ko na sana si Diane ng mabunggo ko ng siko ko si Allen.

Napalingon siya ng salubong ang kilay niya pero nawala din agad yun at napalitan ng pagkagulat kasabay ng pamumula ng mukha niya tapos umiwas siya agad ng tingin.

Nagulat siya siguro nung makita niya ako, saka tinatanong na siguro niya sarili niya kung nabasa ko ba ang text niya. Well, part lang naman nakita ko eh.

Sa susunod ko na nga lang itetext si Diane, mamaya itext niya si Allen at sabihin niyang magkatext kami. Mabubuko pa na curious ako sa lovelife niya.

"Aga naman nating pumila. 11:15 pa yung showing ah? Eh 10:30 pa lang eh!" pagrereklamo niya pero nakatingin siya sa harap at hindi sakin.

"Ah, para makahanap agad tayo ng upuan para makapagpahinga ka agad." sagot ko. Tama naman diba?

Hindi na lang siya sumagot bagkus ay nagpatuloy na lang siya sa pagtetext.

Pagdating ng 10:55 ay nagsimula nang magpapasok ng mga viewers. Dahil maaga kaming nakapila ay agad kaming nakapasok. Pinili ko yung unang row ng upuan sa upper box ng sinehan, para madali siyang makababa in case na gusto niyang mag-CR.

Umupo ako sa dulo samantalang siya naman ay umupo sa kabilang side. Apat na upuan lang naman ang nasa row na yun kaya hindi masyadong malayo. Pero bakit kelangan pang magkalayo? Eh mapipilitan din naman siyang lumapit sakin pag napuno na ang sinehan eh. Saka Resident Evil 'to, ang laki kaya ng fanbase ng laro nito.

Nakita kong may lumapit na dalawang lalaki kay Allen. Kinausap siya ng mga ito at saka tinuro yung mga bakanteng upuan, mukhang tinatanong nila kung bakante pa yung dalawang upuan. Umiling naman si Allen kaya kumilos na yung dalawa para i-avail yung mga seats.

"Teka, pre!" pigil ko sa dalawa tapos sinitsitan ko si Allen. Lumingon naman siya sakin agad at tinitigan ko siya ng masama.

"Umupo ka dito." sabi, more like inutos, ko. Nakakainis kasi na hahayaan niyang umupo yung dalawa sa pagitan namin, eh kami 'tong magkasama. Tch.

Inirapan niya ako pero tumayo din siya. Umupo siya sa tabi ko pero hindi niya ako nilingon. Back to war na naman kami.

ALLEN'S POV

Ayokong tumabi sa kanya, hindi niya ba gets yun? Mamaya may makakita samin na kakilala namin na magkasama kami eh, tuksuhin pa kami. Ang sakit kaya sa bang nun!

Pero ayun siya! Pinaupo niya ako sa tabi niya na para bang ayaw niya talagang paupuin yung dalawa sa pagitan namin. Sarap talaga minsan pektusan nitong lalaking 'to eh.

Nang halos mapuno na ang sinehan ay nagsimulang mag-play ang teasers ng ibang pelikula. Yun na yung kinuha kong time para simulan na ang pagtulog ko. Sumandal ako at pinahinga ang ulo ko. Pero hindi pa pumipikit ang mata ko ay natabig ako nung lalaki na katabi ko, hindi si Karl ha?

Nilingon ko naman siya pero poker face lang, baka isipin niya galit ako tapos hindi naman pala niya sinasadya. Nung medyo nagpigil sila ng kilos ay sumandal ulit ako. Pero nagsimula na naman silang maglililikot. Ano ba 'to? Mga bata? Playground ba 'to?

"Kuya, wag po kayong malikot please?" pakiusap ko kay Kuya na nilingon naman ako at humingi ng sorry.

Sumandal na lang ulit ako at natulog na. Sana naman wag makulit 'to maya-maya.

Pero kapipikit ko lang nang may biglang sumigaw kasabay ng pagsisimula ng movie.

"I LOVE YOU, ALLEN!" yun yung isinigaw ng lalaki ata? Sino yun? Teka, bakit ko ba iniisip yun? Ako lang ba ang Allen sa Pilipinas? Tss.

Napansin ko namang kumilos yung nasa kabilang tabi ko. Nung lingunin ko ay nakita kong nakatingin siya sa taas, siguro hinahanap niya kung sino yung sumigaw. Since medyo madilim na sa loob ay mukhang sumuko na siya at umayos na lang ulit ng upo.

"Kilala mo ba yun?" bigla niyang tanong.

"Edi sana narinig mong minura ko siya!" sarcastic kong sagot sa kanya.

Napa-Tch na lang siya tapos nag-focus na lang sa screen. Toyo!

Ako naman ay bumalik na lang ulit sa pagpapahinga. Kung gagamitin ko lang naman pala ang lakas ko para mainis kay Koopa, mas mabuti pang magpahinga na lang ako.

KARL VINCENT'S POV

"Ui, dahan-dahan naman sa pagtabig sa kasama ko." saway ko sa lalaking katabi ni Allen. Ang likot-likot kasi eh, kanina pa natatabig si Allen, panglima na ata niya yan mula nung magsimula yung movie, buti nga hindi nagigising eh.

Nag-sorry naman siya at umayos ng upo. Hindi ko namalayan na napatitig na lang ako sa mukha ni Allen. Kahit madilim ay makikita mo pa rin yung facial features niya na naiilawan nung screen. Kahit puro sarcasm at pambabara naririnig ko sa taong 'to, mukha pa rin siyang mabait. Hindi ko lang alam kung bakit ang sungit nito sakin, eh nakikipagkaibigan lang naman ako.

Oh, biglang kumunot yung noo niya! Ano kayang iniisip niya?

"WAG MONG LAPITAN SI ALLEN!" biglang may sumigaw na naman. Kilala niya si Allen, I'm sure of that! Ano bang problema nun?

Nung natapos na yung pelikula ay ginising ko na si Allen. Himala ngang hindi siya nagising, kahit na ang lakas ng sigaw ng mga tao, kanina eh.

"Tapos na?" tanong niya habang nag-uunat ng kamay.

"Ay, hindi! Pasimula pa lang!" sagot ko, na ikinangiti ko. I'm just giving him a dose of his own medicine!

Tinitigan niya naman ako ng masama pero ginantihan ko rin siya ng ganun tapos ay tumayo na siya at bumaba na. Pero bago pa niya maabot ang huling step nung hagdan ay may tumawag sa kanya.

"ALLEN! HOY!" sigaw ng isang lalaki mula sa itaas.

Tinignan naman siya ni Allen with wide eyes. Nabigla siguro siya sa nakita niya?

"Jake?" mahina niyang tanong pero narinig ko since malapit lang ako sa kanya.

Napatingin uli ako sa direksyon nung lalaki at nakita kong pababa na siya.

May itsura naman yung lalaki eh pero syempre mas pogi ako. Ako pa ba?

"Yo, Allen!" nakangiting bati nung lalaki habang nakataas ang kanang kamay at pinangkakamot ng batok yung kaliwa.

Nagulat ako ng hawiin ako ni Allen at lapitan niya iyon. Pero mas nagulat ako nung bigla niyang suntukin yung Jake sa sikmura. Shet! Nanununtok pala 'tong si Allen? Better keep that in mind.

"Shet, Allen! Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Jake nung medyo umayos na yung lagay niya.

"Para yan sa hindi mo pagsipot nung first day ng school. Saka para na rin yan sa hindi mo pag-reply sa mga text ko." galit na galit na sabi ni Allen.

"Allen, late enrollee kasi ako. Na-cut off ako nung initial enrollment. Saka nagpalit ako ng number eh, alam mo namang madami akong admirers diba?" sabi ni Jake. Ang yabang niya dun sa maraming admirers ha?

"Leche ka. Ang loner ko tuloy!" sabi ni Allen.

"Sorry na, okay?" tanong ni Jake.

Tumango naman si Allen tapos niyakap siya ni Jake. Hindi ba sila nahihiya? Tch.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Saka bakit nandito ka? Wala ka bang pasok ngayon?" sunod-sunod na tanong ni Allen, habang kumakawala sa yakap ni Jake.

"Wait lang naman, Baby. Ngayon mo lang ako nakita kasi kahapon lang ako nagsimulang pumasok. And oo, may pasok ako ngayon kaya lang tinatamad pa akong pumasok eh." nakangiting sagot ni Jake. Baby? Ibig sabihin, siya yung 'Jakey-baby' ni Allen? What the?!

Kinuha ni Allen bigla yung cellphone niya at binigay iyon kay Jake.

"Number mo? Pag nagpalit ka pa ng number, kukutusan kita." sabi ni Allen tapos umamba na parang kukutusan nga si Jake. Nagpipipindot naman yung lalaki tapos ay inabot na yung phone kay Allen.

"Teka, bakit nandito ka? May pasok ka rin ngayon ah? Don't tell me na nag-cutting ka?" tanong niya kay Allen.

"We've got permission to leave the school. Allen got sick and the Doctor said that he must rest. But since it was still raining earlier and it's hard to ride at that weather, we've decided to stay here and wait for the rain to stop." singit ko. Napa-English ako ng wala sa oras ah?

"May sakit ka? Bakit hindi mo agad sinabi? Halika na, ako na maghahatid sa'yo." sabi ni Jake tapos inakbayan niya si Allen. Oops pare, ako nga ang maghahatid eh.

"OR mo Jakey. Medyo ayos na ako, nakapagpahinga na ako eh. Medyo masakit nga lang ulo ko." sabi ni Allen. Nakita kong inakbayan siya nung Jake at nangiti naman si Allen. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Nakakadala.

"Ihahatid na kita pauwi. Hindi na ako papasok." sabi ni Jake.

"Pare don't worry, ako na maghahatid kay Allen. Pumasok ka na." sabi ko. Lumingon naman siya sakin at tinanggal yung pagkakaakbay niya kay Allen. Epal naman kasi eh. Ako na nga maghahatid eh.

"Oo nga. May pasok ka pa eh. Medyo umayos na pakipamdam ko, thanks to that guy." sabi ni Allen sabay turo sakin.

Napangiti naman ako. Buti naman at na-appreciate niya yung ginawa ko.

"Teka nga, boyfriend mo ba siya?" biglang tanong ni Jake kay Allen, habang nakaturo sakin.

"Huh? Hindi ah! Naman eh." nahihiyang sabi ni Allen. Ngayon pa nahiya eh kanina niya pa ako kasama pero hindi niya ako pinapansin.

"Eh ano mo siya? Manliligaw?" tanong nung Jake.

"Isa pa, Jake, kukutusan na kita! Kaklase ko yan." sabi ni Allen.

"Sige, sabi mo eh." nakatingin si Jake sakin habang sinasabi niya yan pero seryoso yung titig niya.

"So, how are you holding up? Mahirap ba sa course mo?" nakangiting tanong ni Allen kay Jake. Bakit pag ako kausap niya, hindi siya ngumingiti? Gwapo din naman ako ah?

"Sus, sinabi mo pa! Parang gusto ko na ngang mag-shift eh. May slot pa ba sa inyo?" tanong ni Jake.

Tumawa naman si Allen ng pagkalakas-lakas. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa. Parang napapangiti ka sa sobrang saya.

"Che! Try mo muna! Ang ganda na nga ng course mo eh. Engineering?" sabi ni Allen, though hindi ko na mapansin yung ngiti niya ay dinig ko pa rin yung kasiyahan sa tono niya.

"Ang hirap eh! Gusto ko kasama kita! Hindi ako makapag-isip pag wala ka eh." sabi ni Jake. Ito ba yung sinasabi ni Diane na 'Landian' nila? Nakaka-gigil! Sarap mangutos!

Tumawa naman si Allen at pinisil yung kanang pisngi ni Jake. Napangiwi si Jake pero ngumiti pa rin.

"Kain tayo? Gutom na ako eh." sabi ni Jake.

"Wag na. Kelangan ko pang magpahinga eh. Medyo masakit pa rin ulo ko." sabi ni Allen.

"Sige, hatid na lang kita. Nami-miss ko na si Mama eh." nakangiting sabi ni Jake tapos inakbayan niya ulit si Allen.

Kanina pa akbay ng akbay 'to ah? Hindi naman sila ni Allen ah? Bakit ganyan siya makaasta?

"Uy Jake! Marami ng nakatingin satin oh? Nakakahiya na." narinig kong sabi ni Allen na nung tignan ko ay yakap-yakap ni Jake at magkalapit na yung mukha nila. That does it!

"What th- Jake! Karl! Anong ginawa mo?!" biglang tanong ng gulat na gulat na si Allen.

Bakit? Ano bang nangyari? Last thing I knew, nagdilim paningin ko eh. Wait, bakit may dugo yung nguso ni Jake?

"ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT MO SINUNTOK SI JAKE?!" galit na galit at pasigaw na tanong ni Allen, now we're really getting the attention of everyone.

Lumapit si Allen kay Jake.

"Ayos ka lang?" tanong nito. Tumango naman si Jake.

"Halika na, umuwi na lang tayo. Baka ako na ang makasakit dito eh." sabi ni Allen tapos hinila niya si Jake. Sinundan ko na lang sila ng tingin hanggang sa mawala sila.

Ano bang ginawa ko? Hindi ko alam! Sorry, Allen! Sorry na talaga!

Continue Reading

You'll Also Like

574K 12.8K 33
BOYXBOY GAY YAOI ~ Si PRUE (Pru) ay isang simple at masayahing bading na nag iba ang takbo ng buhay at naging mala Roller Coaster ride mula ng may ma...
207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...
636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
273K 9.4K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...