Listen To My Heart

Per wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... Més

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 1 ♥ She's Officially Back

73.9K 1.1K 133
Per wistfulpromise

A/N: As promise here's the first chapter of LTMS book 2 :))) Thank u so much po sa mga naglike nung pics sa fb! Nag #1 sya sa LIKES! WOOOOHHHH! at dahil sa inyo yun Listeners! at sa ibang pang nagspread at naglike syempre XD How cool was that? ^O^)/ 

A big shout out for KristileneCamarillas! For creating this beautiful Fansign ♥ --->

Thank u so much dear!!! Really appreciated it ♥ Godbless! :)

THANK YOU SO MUCH LISTENERS!! 

ENJOY!!

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT! Tell me what you think! ;)

P.S. Pardon moi kung may makikita kayong smileys dito Listeners. (ermergherd jejedays) Napapapalo na lang ako sa aking noo. Hindi ko pa naeedit!! Hahahaha!! Pero later on sa mga susunod na mga chapters pramis wala na kayong gaanong makikitang smiley. I learned my lesson and hopefully as I write and write, I also improve my writing style. So tell me what you think! :D 

♥♥♥

Chapter 1

"Manong magkano po itong palamig nyo?"

"Limang piso lang po ma'am! Masarap yan!"

"Sige po manong. Pabili isa."

Inabot ko ang pera kay manong at masaya naman nya itong tinanggap bago inabot sa akin ang palamig na binili. Ginamit kong pamaypay ang isa kong kamay dahil sa init ngayong araw na ito. Hindi pa nga ganun kalayo ang nilalakad ko pero pinagpapawisan na ako. Buti na lang nakita kong may nagbebenta ng palamig habang naglalakad sa daan. 

"Salamat po." Mabilis kong ininom ang malamig na inumin at napangiti dahil narefresh na naman ang katawan ko. Grabe. Akala ko madedehydrate na ako kanina eh. 

"Tumutugtog po ba kayo ng instrument ma'am?" 

Tanong ni manong kaya napakunot noo ako. Itinuro nya ang casing ng violin na suot suot ko sa likod at napangiti sa reyalisasyon. Galing ako sa park at tumugtog ng violin kanina. Nagiging habit ko na nga eh. Pero syempre doon pa rin ako sa parte ng park kung saan walang gaanong tao.

"Opo manong." sagot ko. Muli nyang tiningnan ang nasa likod ko at biglang napakunot noo. Marahil nagtataka kung anong klaseng instrumento ang dala dala ko.

 

"Violin. Tumutugtog po ako ng violin."

 

"Wow. Ang sosyal nyo naman po ma'am. Ngayon lang po ako nakakilala ng tao sa personal na tumutugtog ng violin. Medjo madalang kasi ang ganyang instrumento sa Pilipinas. Mas  ano po kasi tayo sa gitara eh at paminsan minsan piano kung may pera. Pero violin? Mukhang may kaya kayo ma'am ah. Ang galing nyo po siguro noh?" Binigyan nya ako ng ngiti, puno ng paghanga sa kanyang mukha,

"Naku hindi naman ho." Sinuklian ko ang ngiti nya. Pakiramdam ko namumula ako dahil sa paghanga na pinapakita nya sa akin.

"Teka ma'am. Alam nyo po parang may kahawig kayo." 

Kinuha nya ang dyaryo malapit sa tabi nya at kunot noong hinahanap ang pahina na hinahanap nya. Napalunok ako bigla. Oh no please. Wag dito. Wag dito sa parke kung saan maraming tao. 

"A-ah eh manong salamat po sa palamig nyo ah. Aalis na po ako." Inayos ko ang suot na nasumbrero bago tumalikod at naglakad palayo.

"Ma'am! Teka po!" 

Lumingon ako kasi akala ko may nakalimutan ako. Pero ang paglingon pala na yun ay isang malaking pagkakamali. Napapalo na lang ako sa noo ko. Shonga Serene. Ang shonga mo! Tsk.  -.-

"Kayo po si Serene Lopez di ba ma'am?" Sigaw ni manong sapat na para marinig ng lahat ng nasa paligid. 

 "Serene Lopez?" Sabi ng isa sa mga babaeng naglalakad sa parke. 

"Di ba si Serene Lopez yung sikat na violinist at myembro ng sikat na Intricate Band??!" Lingon naman ng isang magtataho.

"Nandito ba sya?! OH MY GAHD! Saan si Serene???! Saan??!" At sigaw ng isang fangirl na abala sa pagkukuto sa katabing bata. 

Nagsitinginan ang lahat sa direkyon ko. Oh no please. Wag dito please. No! ToT)

"Ayun!! WAAAAAHHH!! Sya nga!!! MISS SERENE!!!!" 

 Sa isang kisap mata. Napalibutan ako ng mga tao sa paligid ko. 

"WAAAAAAAAHHH! HINDI AKO MAKAPANIWALANG MAKIKITA KO SI SERENE LOPEZ NG PERSONAL!!!!"

"IDOL!!! PA-AUTHOGRAPH PLEASE!!"

"MISS SERENE PA-PICTURE NAMAN!!!!"

 


Hiyawan ng mga tao. Wala akong nagawa kundi yumuko at sinusubukang maglakad palayo. Ilang beses ko ng sinasabi na hindi ako si Serene (kahit totoo naman haha!) Na nagkakamali lang sila, na ibang tao ang tinutukoy nila. Na isa lamang akong parte ng mahika ni Poncio Pilato. Isang ilusyon, isang itim na mahika na naglalagay sa isipan nila ng-- (blah!) Pero sino nga bang baliw ang maniniwala sa akin? (kapwa baliw pa siguro pwede) Nang biglang natanggal ang sumbrero ko sa ulo dahil sa malakas na simoy ng hangin. Nagkalintikan na. 

"OH.MAY.GAHD! SYA NGAAAA!!!"

 


Tinalo ko pa ang isang human survivor para iligtas ang buhay nya sa nagdadagsaang zombies na humahabol sa akin--este mga fans pala na sa tingin palang ay para na akong kakainin ng buhay. 

Noong una konti lang ang mga taong humahabol sa akin pero di naglaon, sa bawat tao na madaanan ay nakikisali rin sila sa takbuhan. Pakiramdam ko tuloy habang tumatakbo ako para akong isang atleta ng hurdles at walang kahirap hirap na tinatalon ang bawat bagay na maaring makapagpahinto sa akin sa kakatakbo. Gusto ko sanang huminto at pagbigyan sila sa nais nila pero bad timing eh. Nangako kasi ako kanila Julian na maaga akong darating at sasaglit lang sandali sa park para magpahangin.

Dahil sa kasikatan ng banda namin sa Canada at matapos malantad ang tunay kong pagkatao na si Serene Lopez ang missing star ng Intricate Band na nawala sa music industry sa Canada ng halos mahigit dalawang taon-- nagulantang ang lahat sa pagbabalik ko. Mula sa Canada hanggang sa Pilipinas, dose-dosenang shows sa telebisyon ang nag-iimbita sa amin para magperform at para na rin  ma-interview. At ngayong araw na ito dapat hindi ako mala-late dahil may importante kaming live interview sa isang sikat na programa dito sa Pilipinas!

*kriiinngggg!!*kriiinnggg!*

Sinagot ko ang cellphone sa aking bulsa habang patuloy pa rin sa pagtakbo. 

"Serene!! Where are you?!!"

Halos ilayo ko ito sa aking tenga dahil sa sobrang lakas ng sigaw sa kabilang linya. Si Reece, kabanda ko. Tumingin ako sa paligid, walang ka ide-ideya kung nasaan na nga ba ako. Teka nasaan na nga ba ako? Kung tama man ang hinala ko. Siguradong masyado na itong malayo para sa direkyon na pupuntahan ko. Why did I even run in the opposite direction?! Pero wait... malapit na ata ako eh. Oo malapit na ata ako. Wahahahaha! Tama naman siguro itong nadaanan ko di ba? Diba diba?! *cross fingers!*

 

"Er... I'm almost there!" hehe. What a liar. Lagot na naman kasi ako kay Julian =.=

"Good. The interview will start in 20 minutes. You should be here by then ok?"

What?! 20 minutes???! Tumingin ako sa relo ko at nagulantang sa nakita ko. 20 minutes nga! At sa tingin ko kulang ang 20 minutes para makahabol ako sa pupuntahan ko. Lagot na.

"Waaaah!!! Dali si Serene habulin nyo!!"

"IDOL!!! WAIIIIT!!"

"Who's that?" takang tanong ni Reece sa kabilang linya. "Serene? Tell me the truth. Where exactly are you? Wait-- Are you in a public place?!"

"Ahm... hehe kinda." LOL. Wala na akong masabi.

"WHAT??!! Where are you then??!! Tell me so that I could send a car to get you!!"

"No it's ok. Everything... is under control."

May isang fan ang kulang na lang ay dambahin ako ng yakap buti na lang nakailag ako at nakatakbo palayo! 

"You sure?!" halata ang pagdududa sa boses nya.

"Yes." hingal kong sagot pagkaliko ko sa isang makipot na kanto. "20 minutes." sabi ko pa. "I'll be there in exactly 20 minutes." bago ko ibinaba ang phone.

Tumingin ako sa paligid at nakita na may tatlong daan na kailangan pagpilian kaya napahinto ako. Nakatakbo ako ng mabilis pero nakikita ko pa rin di kalayuan ang imahe ng mga tao na wala pa ring kapaguran sa kahahabol sa akin. Sigaw pa rin sila ng sigaw hanggang ngayon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa pumasok ako sa isang gusali para magtago. Buti na lang mabilis ako at hindi nakita na pumasok ako dito dahil kung hindi patay tayo. Nang hindi ako makita, umalis na sila palayo at sinimulang tumakbo sa ibang direksyon

HALLELUJAH! SUCCESS! \(^O^)/ 

Ngayon ang gagawin ko na lang ay tawagan si Niel para magpasundo kung saan lupalop man ng mundo ako napadpad--

"HOLDAP 'TO!! WALANG KIKILOS!! ITAAS ANG MGA KAMAY!!" 

Napahinto ako bigla habang itataas pa lang sana ang cellphone sa aking tenga. Sa sobrang gulat ng mga pangyayari na nangyayari sa harapan ko, wala akong nagawa kundi mapapako sa aking kinatatayuan at mapanganga.

"Hello? Serene ikaw ba yan?" sagot ng telepono sa kabilang linya. Pero dahil ata sa pagkagulat sa nangyayari sa paligid nakalimutan ko na rin na may tinatawagan pala ako sa telepono.

Lahat ng tao na nasa loob ay sinunod ang iniuutos ng mga lalaking ito at itinaas ang mga kamay. Halos lahat ay nagsidapaan sa sahig samantalang ako. Nganga pa rin at nakatayo hanggang ngayon. What the helling power??! (version ko ng 'what the hell') Nasaan ba ako?!

"Ilabas nyo lahat ng pera nyo! Hoy ikaw! Yang bag mo! Akin na!" 

May tatlong lalaking nakaitim at may suot na bandana sa mukha na nagtatago ng totoo nilang identity. May tig-isa silang hawak na baril na ginagamit nila bilang panakot sa lahat ng tao na narito. Sa sobrang kabusy-han nila sa ginagawa nila, ni hindi nga ata nila napansin na nandito lang ako sa tabi nakatayo at nanonood lang sa pinaggagawa nila. Tumingin ako sa orasan ko at nanlaki ang mga mata. 10 minutes!!  Meron na lang akong natitirang sampung minuto!!

"Serene? Are okay? Nasaan ka?"

Tumingin ako sa paligid at doon ko lang narealize na nasa loob pala ako ng isang bangko. At kung minalas malas ka nga naman, sa loob pa ako ng bangko napadpad kung saan may holdapan na nagaganap!

"Hoy Miss!! Anong ginagawa mo jan ha?! Diba sabi ko dapa! Gusto mo na talagang mamatay noh?!" galit na banta ni mamang holdaper

 

"Serene? Ano yung narinig ko?? Are you okay?? Where are you?! Answer the damn phone!!" sasagot pa sana ako kaso biglang hinablot ni manong holdaper ang cellpone palayo sa akin. Naririnig ko pa rin ang nag-aalalang boses ni Niel sa kabilang linya. 

Lumapit pa ang isang lalaki sa akin at matamang tinutukan ako ng baril sa ulo. Dahan dahan ng nililimas ng mga kasama nya ang laman ng bawat cashier sa loob pati na rin ang lahat ng pag-aari ng mga taong binibiktima nila. As much as I want to get out in here, hindi ko sila pwedeng iwan na lang ng basta basta. Lalo na't bukod sa akin, meron isang babae na halos mangiyak ngiyak na dahil inilayo palayo sa kanya ang anak na lalaki. Ayaw ata kasing ibigay nung bata ang hawak na ipod sa mga holdaper kaya tinutukan sila ng baril. Napailing na lang ako. Kailangan ko ng umaksyon. 

"Isa! Dadapa ka ba o papasabugin ko ang ulo mo?!" 

Gusto kong matakot at tumakbo na lang palayo. But who am I kidding? Magagawa ko ba naman yun sa sitwasyong ganito?

"Sabi ko dapa! Lintek na babae 'to!!"

"Tss." Ngumisi ako ng pagkatamis tamis. "Make me."

 "Aba't talagang hinahamon mo ak--"

Siniko ko ng napakalakas sa dibdib ang lalaking may tutok sa akin ng baril. Hinawakan ko ang kanyang kamay na may hawak na baril at wala pang kisap mata, matinis na nagsilaglagan ang lahat ng bala nito sa sahig na ikinabigla nya bago ko sya sinipa ng napakalakas. Dahil lahat ng tao ay nakadapa sa sahig, ang mga mesa at upuan ang ginawa kong daan para makapunta roon sa lalaking may tutok ng baril sa mag-ina. Tumalon ako ng pagkataas taas bago sya sinipa at pinatumba ng walang kahirap hirap pagkalapag na pagkalapag ko lang rin sa sahig. Sumugod pa ang isa nyang kasama at walang pagdadalawang isip ko itong pinatumba. Nganga ang mga tao sa paligid dahil sa gulat. Samantalang ako ay napahipan na lang sa aking bangs na tumakip halos kalahati ng mukha ko. Inayos ko pa pababa ang sumbrero ko bago napangisi.  Ayos. Time to exit this place!! Kaya ang sumunod na ginawa ko ay... tumakbo! 

Gulat na gulat na lang akong sinundan ng tingin ng mga tao dahil sa mga pangyayari. Kahit si manong guard parang hindi makapaniwala sa nangyari. Sumaludo ako sa kanya palabas bago sinabing tawagin  na ang mga police para mahuli na yung mga holdaper na walang ng ulirat sa loob. At pagkalabas ko ng gusaling iyon, may humaharurot na kotseng huminto sa harapan ko. Bumukas bigla ang pinto nya na ikinagulat ko.

"SAKAY!!!" sigaw nya na malugod ko namang sinunod. Sa mabilis na harurot ng kotse, laking ngiti na lang ako napathumbs-up kay Niel na hindi lang isang guardian kundi isa rin sa pinakamatalik kong kaibigan.

Itatanong ko sana kung paano nya nalaman na nandito ako pero sa tingin ko pinaGPS na nya ang cellphone ko noong hindi ako sumagot at akalang nasa panganib na ang buhay ko. Boyscout yan eh, laging handa. 

"Napatrobol ka na naman?" may malaking ngisi sa mukha nya noong tumingin sya sa akin.

"Ano pa nga ba? Alam mo namang kadugtong na ng pangalan ko ang gulo di ba?" kunwaring kibit balikat ko. Wala pang sandali sabay kaming natawa.  

Umayos ako ng upuan at akmang aayusin rin ang seatbelt ng may nasipa akong dyaryo sa baba. Pinulot ko ito at napangiting binasa and headline nito sa unang pahina.

"SERENE LOPEZ, THE MISSING STAR OF THE INTRICATE BAND IS OFFICIALLY BACK."

♥♥♥

A/N: Sa mga hindi pa po nakakapabasa ng PROLOGUE ng LTMH check the link on my profile nakaprivate po kasi :) Dahil napaaga ako sa paguUD mula sa planong "May" eh ewan ko pa po kung kailan ang susunod na update. It can be next week or even next month haha! Hindi pa po ako regular na maguUD dahil may pasok pa rin ako sa school XD 

Pero nagpapasalamat po ako ulit salahat ng nagbasa ng book 1. MARAMING MARAMING SALAMAT PO TALAGA!!! Wala ang book 2 kundi dahil sa inyo ♥ I hope you'll support my second book like how you support my first book ♥

I LOVE YOU LISTENERS ♥ 

KEEP INSPIRING! 

AND SPREAD THE LOVE :)

PLEASE SUPPORT LISTEN TO MY SONG HERE https://www.facebook.com/WattyAwardsPhilippines Nakapasok po tayo sa Best Romance Category!! VOTE! VOTE! VOTE! :D 

-G.Jade

Continua llegint

You'll Also Like

1.2M 30.3K 88
COMPLETED Story Description: Accused and condemned as the murderer of Keizer's death, her late boyfriend, Denniese Imee Earl, who was considered as n...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
703K 38.3K 101
She's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon B...
5M 178K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.