So Into You (BxB)

Av Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... Mer

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 6 : Persistence - Annoyance

23.4K 492 39
Av Ytianity

This chapter feels so boring but I need to do it anyways. So, in advance, I am sorry for keeping your hopes up on this chapter. I'll do my best to improve the next coming chapters.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Bakit ba Huwebes ang P.E. namin? Punyemas naman oh?! P.E. ko ngayon tapos may pasok pa ako ng Biyernes. Eh puyat pa naman ako dahil tinawagan ako ni Koopa kagabi. Hard!

*FLASHBACK*

/Hello?/ bungad ni Koopa. Pang-8 tawag niya ata sakin 'to eh?!

/Bakit na naman?/ inaantok ko pang tanong.

/Na-istorbo ko ba pagtulog mo?/ malumanay niyang tanong.

/Ay hindi! Nagising lang ako kasi na-sense ko na tatawag ka!/ sarcastic kong sabi sa kanya.

/Sorry. Sige baba mo na, balik ka na sa pagtulog mo./ malungkot pero concerned niyang sabi.

Nakaka-awa naman yung boses niya.

/Wait!/ pigil ko sa kanya.

/Bakit? Sige, matulog ka na. May pasok pa tayo bukas./ malungkot niyang sabi.

Ay shet! Ito kahinaan ko eh. Yung mga nagpapaawang tao.

/Sige na. Mag-usap na tayo. Tutal at hindi rin naman agad ako makakabalik sa pagtulog eh./ sabi ko sa kanya, may halong sarcasm.

/Talaga?!/ excited niyang tanong.

/Oo na./ sabi ko tapos tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader.

/Pero hanggang isang oras lang ha?/ dugtong ko. Alas-onse na kasi, saka sabi ko diba pwede niya akong kausapin ngayong araw?

/Thank you./ sabi niya.

*END OF FLASHBACK*

Hay! Ang hirap talaga pag crush mo ang isang tao pero hindi mo masabi dahil takot ka sa rejection.

Makapasok na nga lang!

English ang first subject namin kasunod nun ang mahabang break namin, which was 3 hours, tapos P.E. na namin.

"Allen!" biglang tawag sakin ng isang babae sa hallway. Pababa na ako ng building para pumunta sa Gym.

Lumingon ako at nakita ko na may kumakaway sakin. Medyo malayo siya kaya hindi ko siya masyadong mamukhaan.

Hinahawi niya ang mga kapwa namin estudyante na naglalakad habang papalapit siya sakin.

"Allen! Buti naman at nagkita na tayo!" sabi ng babae nung makalapit na siya sakin.

Ang babae nga palang ito ay nagngangalang Rosalie, pero gustong-gusto niyang tinatawag siyang 'RR' para daw mas sexy pakinggan.

Nagkakilanlan kami ng personal nung 4th year high school na ako. Sikat siya sa school dahil sa ganda niya at, base sa mga nabalitaan ko, magaling din daw ito sa kama. Ewww lang!

Simula nung magkakilala kami ay hindi na ako tinantanan niyan!

Andyang, bigla niya akong hahalikan sa pisngi kapag wala sina Diane. O kaya, bigla-bigla siyang kakandong sakin kahit nasa harap kami ng maraming estudyante. O kaya ay bigla niya akong yayakapin pag nagkakasalubong kami sa hallway at ididiin niya sa katawan ko yung dalawang pakwan na palagi niyang dala-dala. Pero lahat yun syempre ay hindi umubra.

Ewan ko ba kung bakit ganyan yan sakin. Sabi ni Diane, may gusto daw sakin 'to. Eh nung sinabi ko naman na bakla ako, lalo niya pang pinangalandakan na may gusto talaga siya sakin! Pinamalita niya sa buong school na gagawin niya ulit akong straight at siya mismo ang manliligaw sakin!

Dahil dun ay hindi natahimik ang last year ko bilang high schooler, tapos ngayon nandito siya?

"Bakit nandito ka? Saka paano ka nakapasa ng entrance exam? Diba nga, hindi mo maipasa kahit 5-item quiz lang?" sarcastic pero monotonous kong tanong. Mukhang alam ko na isasagot nito.

Lumapit siya sakin tapos dinikit niya na naman yung katawan niya sa katawan ko. Gusto ko siyang itulak, kaso baka naman awayin ako ng mga lalaki dito. Sabihin pa, nananakit ako ng babaeng maganda at sexy. Tss.

"Connections, my dear Allen. I have connections, you know." nakangiti niyang bulong na mukhang hinaluan niya ng seduction. I knew it! Madami talagang galamay 'tong dilag na'to!

Wait! Straight english ba yung sinabi niya?

Bigla na lang akong napapalakpak ng marahan at nginitian siya.

"Bakit?" confused niyang tanong.

"Straight ENGLISH? Wow! Nag-e-evolve ka na RR!" sabi ko, habang pina-pat ko ng mahina yung ulo niya, at nakita ko siyang nag-blush.

"Kailangan ko kasing patunayan sa'yo na karapat-dapat ako. At alam kong galit ka sa taong hindi man lang marunong bumuo ng matinong pangungusap sa Inggles." nakayuko niyang sabi na mukhang nahihiya.

"Buti naman alam mo. Pero kung ako sa'yo, wag ka nang umasa." sabi ko.

Bigla naman siyang nag-angat ng ulo at kumapit sa braso ko.

"Allen naman!" sabi niya.

"Male-late na ako sa P.E. ko, una na ako." sabi ko habang tinatangka kong tanggalin yung nakapulupot niyang kamay sa braso ko.

"Sasama ako. Wala naman na akong klase eh." sabi niya tapos niyakap niya pa ng mahigpit yung braso ko.

"Wag na. Baka mapagalitan pa ako ng prof ko dahil sa'yo eh." sabi ko habang tinutulak ko na yung mukha niya.

"Hin-di yan! A-akong ba-hala!" putol-putol niyang sabi dahil nga tinutulak ko siya.

"Bahala ka!" sabi ko na lang para hindi ako mairita lalo.

Lumuwag naman yung yakap niya sa braso ko, pero hindi niya iyon pinakawalan, at saka na kami pumasok sa Gym.

KARL VINCENT'S POV

"Par, ang saya mo ngayon ah? May bagong chicks ka?" nakangiti at nanunuksong tanong sakin ni Jason.

Nilingon ko siya saka ako umiling.

"Eh bakit ang saya mo ngayon?" tanong ni Jomar.

"Wala na kayo dun!" sagot ko.

Ayokong sabihin na si Allen yung dahilan ng ngiti ko ngayon, baka kasi isipin nilang nababakla ako at may gusto ako kay Allen. Imposible yun! Una, hindi ako bakla at pangalawa, hindi ako magiging bakla!

"Uy, par! Ang ganda nung babae oh! Kaso mukhang may syota eh." biglang sabi ni Jason kaya napabalikwas din ako ng tingin.

Maganda nga yung babae, sexy, hot! Walang lalaki ang hindi maglalaway sa ka-sexy-han niya. At napansin ko yun dahil halos lahat ng lalaki sa Gym ay siya ang tinititigan. Pero yung lalaking kasama niya hindi ko makita yung mukha. Nasa kabilang side kasi sila ng Gym tapos nakaharap siya sa pader.

Nakita kong dumiretso sila sa CR. Siguro may gagawin silang kababalaghan. Hmmm. Well, sino ba namang makakapagpigil sa babaeng yun diba? Ang swerte lang nung lalaki. Tsk tsk.

After, 10 minutes ay dumadating na yung iba kong kaklase. Mukhang mga galing pa 'tong mga 'to sa mall ah? Nagkukwentuhan ng tungkol sa movie eh.

Napalingon ako sa tabi ko ng marinig kong sumipol si Jomar at Jason.

"Hayop sa standards 'tong si Allen ah?! Tikas! Pogi mo, Allen!" sigaw ni Jason.

Si Allen? Asan? Parang wala naman dito sa bleachers.

"Asan si Allen, par?" tanong ko.

"Ayun oh!" nginuso ni Jomar yung direksyon ng CR.

Paglingon ko ay nakita ko si Allen na nagpupunas ng mukha. Kaharap niya yung hot na babae kanina at inaayos nito yung sleeve ng damit niya. Quickie? Nag-quickie sila? Akala ko ba bakla si Allen? Bakit nagawa niyang makipag-ano sa babae? Bakit parang wala lang sa kanya na ginawa niya yun kasama ang isang babae? Diba dapat lalaki ang kasama niya sa paggawa ng ganun? Bakla ba talaga siya, o bisexual? May girlfriend pala siya, bakit siya nagsinungaling sakin? Ahh! Ang gulo! Shet!

"Okay ka lang, par?" biglang tanong ni Jason at nakita ko yung bag ko na nasa sahig na ng Gym. Nakatingin din ang mga kaklase ko sakin.

"Okay lang ako." sagot ko.

"Eh bakit bigla mong hinagis yung bag mo?" tanong ni Jomar.

"Hinagis ko ba? Akala ko lumipad ng kusa eh." pagsisinungaling ko sabay pakawala ng pilit na tawa. Pero bilang kilala ako ng mga ito, ay pinaningkitan nila ako ng mata.

"Wala lang yun! Wag niyo nang alalahanin yun!" sabi ko na lang habang kinakaway-kaway yung kamay ko sa harap ng mukha nila.

"Alam mo namang nandito lang kami diba? Pag may problema ka, sabihin mo lang samin. Tutulungan ka namin." sabi ni Jason habang tinatapik-tapik yung kanang balikat ko.

Napangiti naman ako. Ito gusto ko sa mga kaibigan ko eh. Understanding.

Bigla namang bumalik ang paningin ko kina Allen at sa girlfriend niya. Nakita kong kinuha ni Allen yung panyo niya sa bulsa niya at inabot ito sa babae.

Niyakap nung babae yung panyo na para bang yun na yung pinaka-importanteng bagay na nakuha niya. Tss, babaw!

Lumakad na si Allen papunta sa bleachers na kinauupuan namin, yung babae naman ay umupo sa katabing bleacher na walang tao. Nakita kong nilabas nito yung cellphone niya at kinunan si Allen ng picture. PDA!

Umupo si Allen sa babang row, kami nina Jason ay nandito sa tuktok.

"Okay, class. I'm Mr. Ruiz, and I will be your Physical Education professor." bungad ng prof namin na mukhang nasa early 40s na.

Pinasa lang namin yung mga classcards tapos dinismiss na kami.

Napansin kong agad tumayo si Allen at dumiretso sa may entrance ng Gym. Hindi niya ba aantayin syota niya? Napaka-ungent-- Oh! Nakabuntot na pala sa kanya yung babae. Tss.

"Allen!" biglang sigaw ni Jason mula sa tabi ko.

Lumingon naman samin si Allen at tumango. Yun na yun? Hindi man lang kami ipapakilala sa girlfriend niya?

Agad na bumaba si Jason at kumaripas ng takbo papunta kina Allen. Sumunod na rin kami ni Jomar pero nandun lang ako sa likod ni Allen. Yung dalawa naman, pumunta pa talaga sa harap! Mga babaero talaga! Tsk tsk.

"Hi, miss! I'm Jason Mariano." sabi ni Jason ng nakangiti na parang manyak.

"And I'm Jomar Rosales." nakangiti ding sabi ni Jomar.

Nilahad nila yung mga kamay nila pero hindi iyon kinuha nung babae.

"And.... I'm busy!" pagtataray nung babae. Kahit na hindi ko nakikita mukha niya, ramdam kong nakataas ang kilay niya.

"Halika na, Hon. Uwi na tayo." biglang sabi nung babae tapos ay kumapit siya sa braso ni Allen.

Gusto kong tanungin si Allen tungkol sa babae at sa ginawa nila sa CR, kaso baka bugnutin na naman 'to ng SARCASM SPASM niya at mapagbuntunan ako ng galit. Besides, sabi naman niya kahapon wag akong feeling close sa kanya eh. Edi hindi ko siya kakausapin!

"Shet, Par! Biruin mo, bakla, nakakuha ng chicks? Dapat kumilos na tayo, baka maunahan tayo ng ibang bakla dyan!" seryosong pagbibiro ni Jason.

Tumawa naman si Jomar pero tahimik lang ako. Hindi naman nakakatawa yung joke niya eh. Saka napapaisip ako kung bakit nagsinungaling sakin si Allen. Argh! Hindi ako dapat magalit, pero parang inis na inis ako ngayon. Ayoko kasi ng pinagsisinungalingan ako! Grrr!

"Makakapatay ka nyan." biglang sabi ni Jason.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Mukha kang papatay dahil sa itsura mo ngayon. Galit ka ba?" biglang tanong ni Jomar.

Galit? Siguro nga, nagsinungaling si Allen sakin eh. Pinilit ko na lang na ngumiti sa harap nila para hindi na sila mag-alala pa.

ALLEN'S POV

"Aray naman!" sabi ni RR dahil kinurot ko siya nung makalabas kami ng Gym.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin? Wala naman akong ginagawa ah? Bukod sa, ang mahalin ka ng bonggang-bongga syempre!" maang-maangan at pumipick-up na sabi ng babaeng linta na ito.

"Bakit mo ako tinawag na 'Hon' sa harap ng mga lalaking yun?!" medyo iritable kong tanong sa kanya. Saka nakakahiya din kasi sinabi kong 'gay' ako pero may tumatawag sa akin ng 'Hon', at babae pa!

"Dahil love kita! Ayokong maagaw ka ng mga lalaking yun sakin." nakangiti niyang sagot habang niyayakap niya pa rin yung braso ko. Kulang na lang manipsip 'to ng dugo, lintang-linta na ang peg niya.

"Pag nadayo nga ako ng Batangas, bibilhan kita ng kape." sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.

"Para naman kabahan ka kahit 3 segundo lang! Nakakakilabot mga pinagsasasabi mo eh." sarcastic kong sabi sa kanya.

"Yan ang gusto ko sa 'Hon' ko eh! Magaling mag-joke!" sabi ni RR habang pinapatay na ang braso ko, higpit ng yakap eh.

Napa-eyeroll na lang ako at kinurot ko yung braso niya. Bumitaw siya sakin kaya kinuha ko agad yung time na yun para tumakbo at takasan siya.

Narinig kong tinawag niya yung pangalan ko pero napangiti lang ako. Hindi niya kasi ako mahahabol dahil sa lusog ng dibdib niya! Bwahahaha!

"Allen? Asan na yung girlfriend mo? Saka bakit nakakapit ka dyan sa puno?" biglang tanong ng isa kong kaklaseng babae, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Bumitaw ako sa puno at lumayo mula rito.

"Ah-eh, uwi na ako." sabi ko na lang tapos lumakad na ako.

"Allen!" biglang may tumawag na naman sakin.

Nilingon ko kung sino yung tumawag sakin at nakita ko si Jason na nakadukwang sa bintana ng sasakyan ni Koopa. Hindi niya ba alam na mapanganib yang ginagawa niya?

"Bakit?!" sungit-sungitan kong tanong sa kanya.

"Halika, sabay ka na sa amin!" pag-aya niya. Wow ha? Sasakyan niya yun!

Tinignan ko siya ng matalim pero hindi siya natinag.

"Wag ka namang ganyan! Nag-o-offer na nga ng kabutihan yung tao eh." lungkot-lungkutan niyang sabi.

Inisnab ko na lang sila at nagpatuloy na sa paglakad.

"Sige na, Allen! Sabay ka na." pamimilit pa ni Jason.

"Ayoko." sabi ko tapos binilisan ko yung lakad ko.

Tanga ba ako o ang tanga ko lang talaga? Naka-kotse sila kaya natural, mapapantayan nila bilis ko sa paglalakad!

"Sumakay ka na. Baka maiyak pa 'tong si Jason eh." cold na pagkakasabi ni Koopa. Anong meron at nawala yung masayahin at energetic niyang boses?

"Sige na, Allen!" pagpipilit pa ni Jason.

Dapat akong tumanggi, dapat akong tumanggi, dapat akong tumanggi.

"Dun ka sa likod." cold na pagkakasabi ni Koopa nung mabuksan ko yung pinto ng kotse niya.

Argh! Bakit ba walang kooperasyon ang utak at saka katawan ko?! Nyemas!

Binuksan ko yung pinto sa likod at umusog naman si Jason para magka-space for me. Napansin kong wala si Jomar, siguro may sariling sasakyan yun.

"So, girlfriend mo ba yun?" agad na tanong sakin ni Jason nang makaupo na ako at maisara ang pinto.

I knew it! Kaya pinipilit niya akong pasakayin dito! Para lang interogahin ako!

Binuksan ko ulit yung pinto pero hinila ni Jason yung damit ko.

"Oh sige na. Hindi na kita tatanungin. Pero pwede ko bang malaman pangalan niya?" mapilit talaga niyang tanong. I bet naglaway 'to kanina nung makita si RR. Tss.

"Ayaw niyang magpakilala. Hindi ba tinanggihan ka na niya kanina?" straight-to-the-point kong sabi sa kanya.

"Wow, possessive ka pala!" amused na sabi ni Jason. Inirapan ko na lang siya. Saktong bumagsak yung mata ko sa salamin sa harap at nagtaka ako.

Nakatingin sakin si Karl. Malungkot na parang may halo ng galit na ewan ko kung ano pang meron dun sa titig niya. Bakit kaya?

"Sa SM niyo na lang ako ibaba, may sakayan na dun." sabi ko na lang, kasi nabigatan ako sa atmosphere kahit na medyo nagjo-joke si Jason.

Bakit kaya ganun yung titig sa akin ni Koopa?

"Baba na." biglang sabi ni Koopa.

"Huh?" sabi ko, bakit niya ako pinabababa?

"Nasa SM na tayo kaya bumaba ka na." monotonous niyang sabi.

Ano bang problema nitong lalaking 'to? Nakakairita ha?

Agad ko na lang binuksan yung pinto at bumaba. Agad din niyang pinaandar yung kotse nang maisara ko yung pinto. Lakas ng toyo ng lalaking yun! Ano bang meron at ganun na lang bigla-bigla yung ugali niya? Topak!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Sorry talaga kung boring. Feeling ko tagos sa utak yung init ng panahon kaya ganito ang mga lumalabas na ideas sa utak ko eh. Tignan niyo na lang yung picture sa side para naman hindi kayo magalit sakin! :)))

Comment. ^__^v

Fortsett å les

You'll Also Like

310K 10.4K 46
Walang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
174K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
273K 9.4K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...