Split Again

By JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... More

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 13

37.4K 1K 321
By JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 13


"Ano, Gene? Anong kotse gagamitin natin ngayon?" Tanong ni Alexa nang palabas na kami ng kwarto namin ni Raegan.

"Hindi ko alam."

"Bilis na! Magdecide ka na!"

"Eh bakit hindi ikaw ang pumili ng kotseng gagamitin natin?"

Tiningnan ako ni Alexa na parang may hindi ako naintindihan sa tanong niya. Inihanda ko ang sarili ko sa pagpapaliwanag niya. Kahapon pa siya nagddrama sa bahay nila Joanne at Roland. Hindi pa maubusan ng hugot.

"Kasi ikaw na ang bagong reyna ng pamamahay na 'to?"

"Di kita gets." Sagot ko naman sa kanya.

"Look," umakbay siya sa akin, "Raegan is your girlfriend and Raegan is the heir of Zeus and because of what happened to her family, siya na rin ang reyna ng bahay na 'to."

"Anong kinalaman nun sa pagpili ko ng kotseng gagamitin natin ngayon?"

"Kasi you're not exercising your rights as Raegan's girlfriend. You practically have the same powers as Raegan...Okay, mejo exaggerated but do you get my point now? Hinahayaan mo kasi na si Raegan ang palaging nasusunod. Kung saan kayo kumakain, san kayo pupunta, sino ang sasamahan."

"Unang una, hindi si Raegan ang palaging nasusunod kung saan namin pinipili kumain. Oo, palagi siyang gutom pero ako ang palaging tinatanong niya kung saan ko gusto kumain. Sinisigurado niyang nasasatisfy yung cravings ko kung meron man and kung wala akong gusto and hindi ko alam kung saan kakain, saka lang siya ang nagdedecide para sa amin. Pangalawa, never diniktahan ni Raegan kung saan ako pwede pumunta. Kung kaya niya, sasamahan niya ako, kung hindi naman, pinapahatid niya ako kay Manong Elmer. Ayaw niya akong mapahamak sa daan kaya ganon siya and lastly, never din diniktahan ni Raegan kung sino ang pwede kong makasama sa paglabas labas."

"But I still don't see you stepping up to fill the role of Raegan's girlfriend. Oo, mabait ka and everything like that, kaya ka nga namin gusto for Raegan eh. Pero you're going to join the Familia in the future and ang partner ng Heir of Zeus is supposed to be strong-willed. I still don't see that in you."

Tiningnan ko lang si Alexa, "panong strong willed ba ang gusto mo makita sa akin?"

"I dunno."

"Then how would you know na nakikita mo na sa akin yung gusto mong makita kung hindi mo yun alam?"

"Ewan ko. I'll just know it when I see it."

Napakunot ako ng noo. Okay, mejo naguluhan na ako doon.

"Yung totoo, Gene. Pinapapili kita ng kotse pero andito pa rin tayo." Singit ni Alexa. "Walang nangyayari sa usapan natin."

"Fine, gusto ko yung pick-up ngayon."

"Okidoks!" Saludo ni Alexa. "Utusan mo na si Manong Elmer."

"Utusan talaga? Di ba pwedeng pakiusapan?"

"Empleyado niyo sila. You can order them around if you like."

Natigilan ako sa sinabi ni Alexa at tiningnan ko siyang mabuti. Independent na tao siya kaya kung kaya niya, hindi siya nanghihingi ng tulong sa iba. Pero bakit ngayon naman parang hindi niya kaya kumilos hangga't walang katulong na gumagawa ng gawain niya para sa kanya.

"Alexa, paulit nga nung sinabi mo?"

"I said, empleyado niyo sila. You can order them around if you like. Show some authority, Gene! Girlfriend ka ng may-ari ng mansyon na 'to. Don't act as if you're just a visitor at hiyang hiya kang utusan yung mga katulong dito."

Nakita ko si Charlie na dumaan sa hallway kaya bago pa siya makalayo ay tinawag ko na ang pansin niya. Agad naman lumapit ang bagong head butler ng mansyon at nagbow sa amin ni Alexa.

"May kailangan po kayo, Lady Gene, Lady Alexa?"

Naaawkward ako sa pagtawag niya sa akin ng Lady Gene at sa pag-bow niya pero nakatingin sa akin si Alexa kaya pinanindigan ko na lang.

"Charlie, pakisabi naman kay Manong Elmer na ihanda yung pick up. Susunduin namin si Raegan sa airport."

"Masusunod po. May iba pa po ba kayong kailangan?"

"Yun lang."

Nagbow ulit si Charlie at umalis na para hanapin si Manong Elmer. Tumingin naman ako kay Alexa at nakitang satisfied naman siya sa ginawa ko.

"You forgot to mention na nagmamadali na tayo but I'm sure naman na mahahanda na ni Manong Elmer yung kotse in a few minutes." Sabi ni Alexa.

"Alexa, may napansin ako sa'yo." Pasimula ko.

"Ano yun?"

"Nagbago ka na simula noong bumalik ka galing Russia."

"Syempre nagbago ako! Nagpagupit na ako ng buhok oh." Tinuro niya yung maiksi niyang buhok.

"Hindi lang naman yung itsura mo yung nagbago eh."

"Eh di ano?"

"You seem more reckless now with the rules and you're not really as independent as you were before anymore. Hindi ko alam kung dahil lang ba nasa bahay tayo ni Raegan at puno ito ng mga kasambahay at noong nasa condo tayo ay tayo-tayo lang ang nagaasikaso sa sarili natin pero ayun nga, mejo iba ka na."

"What do you mean I'm more reckless with the rules? Gene, PolSci ako. I plan to go to law school after that. The rules or better yet, the law is what I live for."

"Well, can you tell me bakit nung isang araw you scared me by speeding the car? Dati pag nagddrive ka you make sure to stay within the speed limit."

"Well, duh. Pano kita matatakot kung di ko bibilisan?"

"That's not the point."

"Gene, naticketan ba tayo? Nahuli ba ako ng police officer o ng traffic enforcer? Hindi naman diba? So as long as hindi tayo nahuhuli, it's okay to break the rules sometimes."

"Just because no one's watching means you can't get caught."

Napailing na lang si Alexa. "Tara na nga."

"Galing umiwas."

Tumingin sa akin si Alexa. "Gene, that's the fun with studying the law. You get to see the loopholes and you try to use those loopholes to your advantage."

"Wow. I can imagine what kind of lawyer you'll be like in the future. Tatakbo ka ba sa senado?"

"Haha, nakakatawa." Sarkastiko niyang tawa.

Lumabas na kami ng mansyon at tama nga siya, nakahanda na si Manong Elmer at yung pick-up. Sumakay na kami at umalis papuntang airport.

Mahaba din ang ibinyahe namin dahil sa traffic pero hindi naman kami na-late sa airport. Kararating lang namin sa arrival area nang tumawag si Raegan para tanungin kung nasaan kami. Hindi pa ako nakakasagot noon nang makita ko siya sa hindi kalayuan. Dahil sa tangkad niya ay hindi na ako nahirapan na hanapin siya. Pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa tabi niya.

"What the hell?" Sabi ni Alexa nang makita si Raegan at ang katabi nito. Hinawakan niya ako sa braso at nagmadali kaming lumapit sa girlfriend ko.

"Raegan, what the hell are you doing with her?!" Bungad ni Alexa kay Raegan.

"Nakasabay ko siya sa flight." Tipid na sagot ni Raegan at agad na lumapit para yakapin ako. "Hey, Genesis. Namiss kita."

Tipid ang ngiting ibinigay ko sa kanya at sa totoo lang, di ko rin masyadong naramdaman yung yakap niya. Ang concern ko, bakit kasama ni Raegan si Mam Rina, bakit sila nagkasabay sa flight at anong ginawa ni Mam Rina sa Cebu?

"Hi, Gene, Alexa." Malapad ang ngiting iginawad sa amin ni Mam Rina, tila nangaasar.

"Anong ginawa mo sa Cebu?" Tanong ni Alexa.

"Namasyal, ano pa ba?" Sagot ni Mam Rina.

"Namasyal mag-isa? Wag mo nga akong niloloko, Katarina. Alam natin pareho na hindi mo kayang mamasyal sa Pilipinas mag-isa kasi takot kang may mangyari sayong masama sa daan." Banat ni Alexa.

"Alexa, that was years ago. Kaya ko nang mamasyal magisa ngayon."

"Oh really? Can you tell me where you went sa Cebu?"

"Tiningnan ko yung Magellan's cross saka yung simbahan nila dun."

Napangiti si Alexa. "Oh, talaga? Buti di ka nasunog noong pumasok ka ng basilica? Demonyo ka diba?"

"Immune na ako sa mga simbahan. Ang dami kong nabisitang mga simbahan sa Espanya eh." Bawi ni Mam Rina. "Ikaw, Alexa, when was the last time you went inside a church? I'm sure matagal na din kasi I don't see you having burn marks on your skin."

"Girls, please." Awat ni Raegan.

Humarap si Alexa kay Raegan. "Yung totoo, Raegan? Hindi ka ba sinusundan ng hindot na 'to?"

Nainsulto si Mam Rina sa word na ginamit ni Alexa at napailing na lang si Raegan. "Alexa, no. Hindi niya ako sinusundan. Nagkasabay lang talaga kami ng flight pabalik. Can we please go now? Nagugutom na ako."

"Roli, if you want pwede kita ipagluto ng paborito mo. Dun tayo sa bahay ko." Offer ni Mam Rina.

Napalingon si Raegan kay Mam Rina. "Again, Katarina, my name is Raegan and not Roli. Tigilan mo na yang pagtawag mo sa'kin niyan."

"Eh sa doon na ako nasanay eh!" Angal ni Mam Rina.

Napabuntong hininga na lang si Raegan. "Bahala ka."

"Ano, Roli. Ayaw mo bang ipagluto kita? I'm sure namiss mo na rin na ipinagluluto kita." Pangungumbinsi ni Mam Rina.

"Katarina, pwede ba? As if naman sasama kami sayo." Singit ni Alexa.

"I'm sorry, si Roli lang inimbitahan ko. Hindi kayo kasama."

"No thank you na lang, Katarina."

"Please, Roli? I'll cook your favorite."

"Do you even know what's my favorite?" Balik ni Raegan.

"Chicken curry?" Hindi siguradong sagot ni Mam Rina. Natawa na lang ako. Ang layo sa favorite ni Raegan.

"It seems that you weren't paying attention back then." Napangiti din si Raegan. "No, Katarina. Chicken curry is not my favorite. In fact, I don't even remember having chicken as my favorite."

Halatang hindi inaasahan ni Mam Rina yung sagot na yun ni Raegan. Sinubukan pa niyang magisip ng maisasagot pero tumalikod na kami at naglakad papalayo.

Tahimik lang kami sa biyahe pabalik. Si Raegan, medyo napagod sa biyahe kaya sa kalagitnaan ng traffic ay napapikit na lang at nakatulog.

Si Alexa, tahimik din, tila hinihintay na makarating kami sa mansyon.

Ako? Napapaisip ako sa mga posibleng dahilan kung bakit nasa Cebu din si Mam Rina noong panahong andun si Raegan. Wala naman akong maalalang conference or meeting na pupuntahan niya doon so personal at walang halong trabaho ang pagpunta niyang Cebu.

Lumiko ang pick up kaya napahilig si Raegan sa balikat ko. Napangiti pa ako kasi first time na siya mismo yung humilig sa balikat ko pero nawala din agad yun nang maalimpungatan siya at iniangat ang ulo. Ngumiti lang siya sa akin bago umayos ng pwesto para makatulog sa pagkakaupo niya. Hinawakan lang niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung madidismaya ako sa nangyari. Gusto ko kahit onti man lang matulungan ko si Raegan, maalalayan ko. Pero ang nangyayari palagi na lang ako yung sinusuportahan niya. Mula sa paghatid sundo, yung paninigurado na kumakain ako ng tama---teka. Mali na naman ako.

Hindi ako pipiliin ni Raegan kung wala naman akong magandang katangian o kung wala akong nagagawa para sa kanya. Palagi ko na lang pinagdududahan ang sarili ko. Kailangan kong tandaan na sa lahat ng taong naghahabol sa kanya, ako ang napili niya.

Pag nalaman na naman niyang nawawala na naman ang self confidence ko, malulungkot siya. Kaya bawal ko na ulit isipin na hindi ako karapat dapat bilang girlfriend niya.

Pero yung totoo, ano nga ba talagang ginawa ni Mam Rina sa Cebu? At bakit ang tipid ng sagot ni Raegan kanina? Sa flight lang ba talaga sila nagkita o nagkrus na ang landas nila sa Cebu? I wonder kung may makukuhang impormasyon si Leah tungkol kay Mam Rina pag tinanong ko siya. Magaling namang mang-hack yung babaeng yun. Pero naalala ko na naman yung pagaaway namin ni Raegan dahil sa pagpapa-hack na pinagawa namin ni Alexa kay Leah. Ayokong magaway ulit kami ni Raegan. I just need to ask her and trust her. After all, never nagsinungaling sa akin si Raegan.

Inabot pa kami ng kalahating oras bago nakabalik ng mansyon at dahil sa sobrang gutom ni Raegan, direcho na siya ng dining area kung saan nakahanda na ang dinner. Hinayaan na lang niya si Manong Elmer na dalhin ang bag niya sa kwarto namin. Sunod lang din naman kami ni Alexa sa kanya kasi pagod na talaga si Raegan.

Nang maiwan kaming tatlo sa dining room ay si Alexa na ang bumasag sa katahimikan.

"Hoy, Amazona. Magsalita ka."

"Ano namang sasabihin ko?"

"Paliwanag mo kung bakit magkasama kayo ni Katarina sa airport."

"Naipaliwanag ko na yan kanina. Nagkasabay kami sa eroplano. Nakatabi ko siya sa flight. Sumabay siya sa akin sa paglabas ko ng airport. The rest of it, nakita niyo naman."

"Teka, wala kang nabanggit kanina na nagkatabi kayo sa flight!"

"Well, now I just said it."

"Anong pinagusapan niyo?"

"She tried to bring up the past pero inaantok ako kaya nag-earphones lang ako at natulog."

"Sigurado ka?" Tanong pa ni Alexa.

"Please, Alexa. I don't really feel like talking about something that doesn't really matter anymore."

"Hindi ka ba pinagsamantalahan ni Katarina habang tulog ka?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Alexa. Pinagsamantalahan talaga?

"Ganun ba ako kalalim matulog para pagsamantalahan ng iba at hindi ko yun maramdaman?"

"Oo. Lalo na pag pagod na pagod ka, which I can see, you are."

Tiningnan siya ng masama ni Raegan. "What do you exactly mean with 'pinagsamantalahan'? Kasi as far as I can remember, I was sitting, wearing my seatbelt and my clothes are on when I woke up."

"Di ka ba niya hinalikan habang tulog ka? Hinawakan sa kung saang parte ng katawan mo?"

Natawa si Raegan. "Seryoso ka ba sa hinawakan part?"

"Kahit kamay mo lang hindi pwedeng mahawakan ng hindot na yun! Kahit dulo pa ng buhok mo."

"Ang OA mo, Alexa."

"Well, ganito ka kaya ka-OA sa boyfriends ko before."

"Well, I don't remember being such a pain in the ass, Alexa. I was protective of you and I understand if that might have come in as 'over acting' to you and in another time I might have jumped in with your jokes pero what you're doing right now is making my girlfriend uncomfortable and I don't like that."

Natigilan si Alexa at napatingin sa akin. "Di ka ba komportable sa pinaguusapan natin?"

"A-ako?"

"Natural, may iba pa ba kaming kasama dito na hindi ko nakikita?"

Sinamaan ko ng tingin si Alexa sa kapilosopohan niya. "Okay lang naman ako eh."

"Oh, okay naman pala siya eh." Direkta ni Alexa kay Raegan. "Anyway, you didn't answer my question."

Napabuntong hininga si Raegan. "Okay, fine. Katarina held my hand while I was sleeping but I took it away as soon as I felt it. After that, I turned my back away from her and I don't know if she attempted to do anything else other than that. Wala naman na akong naramdamang haplos from her or what."

Mejo naginit ang dugo ko sa paghawak ni Mam Rina sa kamay ng girlfriend ko. Girlfriend ko yan eh. Dapat ako lang humahawak sa kamay niya.

"Can we talk about something else now? I want to know why you thought of asking Leah for a favor." Pagiiba ni Raegan ng topic. "Bakit hinayaan mong i-hack niya yung laptop ni Genesis?"

Kumunot ang noo ni Alexa. "Hindi. Umiiwas ka sa topic natin eh! May iba pang ginawa si Katarina, ano?!"

Napangisi si Raegan. "Ako ba ang umiiwas o ikaw? Answer my question, Alexa."

"Tsk. Fine, I let Leah do that kasi I had a really bad feeling about your stay in Cebu."

"What do you mean?"

"I think I saw Katarina in the airport the same day you left for Cebu. But I'm not sure kung siya talaga yun kasi nakatalikod siya at naglalakad papalayo."

Napatingin ako kay Alexa. "Nakita mo rin siya?"

Napatingin si Raegan kay Alexa tapos sa akin naman. "Sure kayo? Kasi I don't remember seeing her in the airport or in the plane on the way to Cebu."

"Well, what about the girl you were with in Cebu? Yung umagaw ng cellphone mo, sino yun?" Tanong pa ni Alexa.

"I've already told Genesis I don't remember any girl with us that night. Ako lang yung babae sa grupo namin nila Mr. Reeves."

"Nakita din namin yung babae sa CCTV nung palabas na kayo ng restobar na pinuntahan niyo."

"Anong gusto mong palabasin, Alexa?"

"Hindi mo ba talaga maalala yung nangyari nung nakaraang gabi o ayaw mo lang makaalala?"

"What the fucking hell, Alexa! Sa harapan pa talaga ni Genesis mo yan sasabihin?!"

"Eh bakit galit ka?"

"Onting konsiderasyon naman para sa nararamdaman ni Genesis!" Sagot ni Raegan. "Kung siya nga hindi niya ako kinwestyon, who gives you the permission to do so?"

"Best friend mo lang naman ako at alam ko kung anong nangyari sa inyo ni Katarina!" Sagot ni Alexa, mataas na din ang boses. "Andun ako nung una mo siyang nakita at andun ako nung brokenhearted ka dahil sa bruhang yun. If Katarina was the girl who took your phone away from you when you were drunk and  she's the same girl we saw in the CCTV, then I want to be sure na hindi ka niya sinamahan hanggang hotel room mo para pagsamantalahan ka!"

Humingang malalim si Alexa at tiningnan lang ng seryoso si Raegan. "You can think so negatively of all my questions but everyone knows you're at your weakest when you're drunk. Raegan, may kung sinong babae ang kasama mo noong isang beses na nalasing ka and nobody was with you to look after you. Also, yung ex mong impokrita na naghahabol sayo is in the same place at the same time. We can't be sure kung yung babaeng yun at si Katarina ay iisa."

Tahimik lang si Raegan.

"Raegan, sige na. Kahit hindi mo na ako sagutin. Pero kung may naaalala ka, kahit konti nung gabing yun na kasama mo sila Mr. Reeves, kahit wag mo na sabihin sakin. Pero maawa ka sa girlfriend mo. Sabihin mo sakanya yung totoo kasi hindi mo alam kung gaano siya nagaalala sayo."

Nagkatinginan lang kaming tatlo, hindi sigurado kung may sasabihin hanggang sa mawalan na ng gana si Alexa at tumayo.

"Uuwi na ako."

"Sasha," Tawag ni Raegan.

"May sasabihin ka, Olympia?"

"Wala talaga akong maalala."

"Then talk to Leah and have her investigate what Katarina did in Cebu."

"I can't do that." Sagot ni Raegan. "You know that's illegal."

"Pag may gusto may paraan, pag ayaw may dahilan."

At tuluyan na ngang umalis si Alexa.

Napatingin na lang si Raegan sa plato niya, yung mga kamao niya namumuti na sa higpit ng hawak niya sa kutsara.

"Raegan?"

"I don't know what to do and what to tell you."

"Okay lang, Raegan. Alam ko namang nagsasabi ka ng totoo."

"But Katarina..."

"Gusto mo ba siyang paimbestigahan?"

"I don't know."

"Bakit?"

"I don't want to do anything with her anymore. Pero gusto ko din namang siguraduhin na hindi ko siya kasama noong lasing ako sa Cebu."

"Well, desisyon mo yan."

Tiningnan lang ako ni Raegan, yung mga brown niyang mata nasasaktan na naman.

Lumapit ako para halikan siya sa labi para lang pagaanin ang nararamdaman niya at nang tingnan ko muli ang mga mata niya, bigla itong nagdilim. Napaatras ako sa pagkakaalala ko kay Gan pero saglit lang ang pandidilim ng mga mata niya at bumalik din ito sa dati.

Biglang napangiwi si Raegan.

"Sky, okay ka lang?" Nagalala ako sa biglaang pagngiwi niya.

"My head suddenly hurts."

"Gusto mong gamot?"

"Hindi na. Itutulog ko na lang 'to."

Tapos na rin kami kumain kaya pumunta na kaming kwarto at naghanda sa pagtulog.

Nang mahiga kami ay tahimik lang si Raegan at for the first time since una kaming magkatabi matulog ay pumwesto siyang nakatalikod sa akin.

"Sky," Tawag ko sa kanya.

Umungol lang siya sa akin.

"Harap ka sakin."

Humarap nga siya sa akin at minasahe ko ang ulo niya. Nakapikit lang ang mga mata niya habang ginagawa ko yun pero hindi ko sure kung nakatulog na siya.

Nang mapagod ako ay pinagmasdan ko na lang muna siya. Pero hindi pa pala siya nakakatulog dahil bigla siyang dumilat at nakipagtitigan sa akin.

"Sky," Tawag niya sa akin.

"Yes, Sky?"

"I love you."

Napangiti ako sa biglaan niyang pagsabi noon. "I love you too."

Lumapit ako para bigyan siya ng goodnight kiss at para makatulog na din kami pero hinawakan niya ako sa batok nang palayo na ako at nilaliman yung halik namin.

"Sky," Nagulat na lang ako nang pumaibabaw na siya sa akin at yung mga halik niya naging mapusok, parang gutom na gutom.

Tumigil lang siya sa panggigigil sa labi ko nang saglit siyang lumayo para tulungan akong tanggalin yung tshirt na suot ko.

"Teka lang, Sky. Yung ulo mo?" Tanong ko habang busy siyang hinahalikan yung tenga ko pababa ng leeg ko. Ni hindi ko alam kung saan ko pa nakuha yung katinuan para tanungin siya noon.

"I'm fine." Garagal yung boses niya at bigla akong kinagat sa balikat. Napaungol lang ako sa ginawa niya, yung katawan ko parang kinuryente.

Mejo madiin ang pagkakahawak niya sa akin ngayon at kung nagiiwan ng marka ang bawat hawak niya sa katawan ko, burdado na ako. Pero kahit ganoon ay hindi ako nasasaktan kundi nakikiliti pa nga.

Nang hawakan ko si Raegan sa buhok para hilahin yung braid niya ay napansin kong nakalugay na pala siya. Bago pa ako makareact sa buhok niya kasi ayaw niyang naglulugay ay naramdaman ko na lang na pinasok na ako ni Raegan.

========================

Nagising ako nang maramdaman kong wala si Raegan sa tabi ko. Hinanap ko yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

3:13 AM

Napaupo ako para hanapin kung nasaan si Raegan at napansin na hubad pala akong nakatulog. Yung kumot lang ang nagtatakip sa katawan ko. Agad kong inabot yung damit ko na nasa paanan ng kama at sinuot yun.

Pagkasuot ko ng tshirt ko ay napansin ko na nakabukas yung terrace doors kaya lumapit ako doon para sana isara yun pero natigilan ako kasi may narinig akong pagsinghot sa kabilang side ng white curtains.

Kinabahan ako bigla pero nilakasan ko yung loob ko at dahan dahang sumilip sa kurtina. Nakita ko si Raegan na nakaupo sa balcony, nakatalikod sa akin at yung buhok niya nakatali na ulit. Hawak niya ang ulo niya sa mga kamay niya at suminghot ulit siya kaya alam ko nang umiiyak siya.

Pero bakit iiyak si Raegan?

"Sky?" Mahina kong tawag sa kanya.

Agad na nagpunas si Raegan ng mga luha niya at hinarap ako. "Sky!"

Mukha siyang naliligaw na diyosa sa liwanag ng buwan. Para siyang nagg-glow sa kadiliman.

"Okay ka lang?" Lumapit ako sa kanya at pinunasan yung mga luha niya.

Humilig si Raegan sa kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Pumikit siya. "No, I don't think so."

"Bakit? May masakit ba sayo?"

"Yes."

"Ano yun? Yung ulo mo ba? Gusto mo ba ng gamot? Ikukuha kita."

"Hindi lang yun, Sky. May problema ako."

"Ano yun?"

Humingang malalim si Raegan. "Please don't run away this time."

"Bakit? Raegan, ano yung problema mo?"

"I heard a voice...in my head."

Natigilan ako. Akala ko ba magaling na siya? Bakit bumalik na naman yung sakit niya? Akala ko ba tapos na kami dun. Akala ko ba pwede na kaming mamuhay ng tahimik? Pinoproblema na nga namin si Mam Rina tapos may daragdag na naman na split personality? Hindi ba kami pwedeng maging masaya?

"Si Gan ba? Si Rae?"

Umiling si Raegan.

Bagong split personality?!

"Sino yan?"

"Hindi ko kilala. Pero pamilyar yung boses niya. Pamilyar yung pakiramdam ko nung narinig ko siyang magsalita kanina."

"Kanina? Anong oras?"

"Kanina, bago tayo matulog. Habang...you know." Nahihiyang sabi ni Raegan.

"Anong sabi niya?"

"She was telling me what to do with you."

Napamaang ako. So, nakita nung bagong split personality yung ginagawa namin. At talagang tinuturuan niya si Raegan!

Naalala ko bigla yung pagtanggal niya ng braids niya. Hindi ginagawa yun ni Raegan. Ayaw niya ng nakalugay lang siya kasi naiirita siya pag napupunta sa mukha niya yung buhok niya. Pinakaayaw niya yung napupunta sa bibig niya yung buhok niya.

Teka, hindi kaya yun yung split personality niya?

"Nakalabas ba siya?"

Hindi makasagot si Raegan.

"Sky, tell me."

Sana hindi. Please, tell me no. Sayo lang ako, Raegan. Hindi ako pwedeng galawin ng kahit sino pang split personality mo. Ikaw lang dapat, Raegan. Please say no.

"I'm not sure." Tumulo yung luha ni Raegan. "I'm so sorry, Sky. Hindi ko alam kung paano siya ihahandle."

Parang bumagsak yung puso ko sa paahan ko.

"Sky, I'm so sorry." Nagmamakaawang sabi ni Raegan. "Please, don't leave me."

Sinubukan niya akong hawakan pero awtomatikong umiwas ako sa kanya.

"Sky..."

"W-wag mo muna akong hawakan."


*****************************

A/N:

Ano, itutuloy ko pa ba 'to? Baka naman ipapatay niyo ako sa mga susunod na chapters? HAHAHAHA

Sorry for the suuuuuuuuper late update. Sobrang busy ko kasi eh.

I haven't actually touched our laptop in a while kasi lumipat kami ni kuya sa 2nd house namin sa San Juan and naiwan lahat ng files ko sa Taguig. Nagbabalik lang ako sa Taguig kasi 1) pinapauwi ako ni Kuya, 2) Namimiss ko yung luto ni mommy and 3) naguguilty na ako kasi sobrang na-neglect ko na yun obligations ko as a writer.

Anyways, I'll try to update again as soon as possible, but for now, CIAO!




Continue Reading

You'll Also Like

710K 24.6K 42
Athena De Vera, a very famous Celebrity has decided to enroll to a Graduate School Program in order to fulfill what she wants in life. She met her Pr...
5.2K 91 27
University Series: 1st Year (COMPLETED) Meet Shey Santillian ang babaeng umibig noon at nasaktan, umibig sa kasalukuyan, pero mas nasaktan dahil sa n...
69.4K 3.5K 24
Elliott is an introvert-not a shy person, but a quiet one. She prefers to be alone and finds peace in solitude. Her stern demeanor and chilly gaze ar...
445K 6.2K 24
Dice and Madisson