So Into You (BxB)

Av Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... Mer

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 5 : Call - Anger

25.9K 527 60
Av Ytianity

Chapter 5's here, guys! Medyo wala akong tiwala sa ganda ng chapter na 'to, nabura kasi yung original kong ginawa eh. Hope y'all like this.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Hay, salamat naman at day-off namin ngayon. May pag-day-off? Baka nagtatrabaho? Hahaha.

O diba, baliw ako?

Wednesday ngayon at off namin sa school sa araw na ito. Makakapagpahinga ako mula sa studies, kahit first week pa lang, at kay Koopa.

Ngayong naalala ko siya, gusto ko tuloy manuntok ng gwapong mukha! Punyeta kasing lalaki yun! Hindi ako nilubayan sa NatSci class namin!

*FLASHBACK*

"So, gusto mo bang sumama sakin mamaya?" tanong niya sakin. Pang-walong beses niya na atang tanong yan eh.

"Ayoko." mabilis kong sagot, tulad ng mga nauna, habang kinokopya yung mga sinusulat sa whiteboard.

"Sa mall lang tayo promise. Kakain lang tayo. Corny kasi ng sched natin pag Tuesday eh. 10 to 1 tapos 1 to 2:30? Ano tingin nila sa mga estudyante? Robot?" paghihimutok niya. Seryoso ba itong tao nato? Sakin siya nagra-rant, as if namang maso-solusyonan ko yun noh?

"Shut up! Don't talk to me about that! Ako ba ang Dean?!" pasigaw na bulong ko sa kanya, kasi baka makuha ko yung atensyon ng buong klase eh, tapos nagsulat uli ako.

Yun lang at tumahimik naman siya. SALAMAT!

"Pero kung gusto mo sabihin mo lang sa akin ha? Gusto kitang kasama eh." pabulong niyang sabi sa akin nung naka-focus ako sa pagsusulat ng mga lectures. Jusko! Hindi Niyo po ba biniyayaan ng pang-unawa itong nilalang na nasa tabi ko ngayon?

Bigla akong napalingon sa kanya, nung ma-realize ko kung ano yung last sentence na sinabi niya, with a shocked yet nagba-blush na expression. Bigla niyang tinaas yung kamay niya at kinaway-kaway iyon sa harap ko na parang may itinatanggi.

"No, no, no! Hindi yun katulad ng iniisip mo! Gusto lang kitang kasama kasi you're fun to be with." sabi niya habang kinakaway-kaway pa rin yung kamay niya tapos nakita ko ring medyo nag-blush siya. Hay, kung pumapatol ka lang sa katulad ko baka ako pa ang nanligaw sa'yo. Tsk, tsk, buhay nga naman!

"You two back there. If you just listen to what I am saying, that would be great!" biglang sabi ng prof namin habang nakaturo yung whiteboard marker saming dalawa ni Koopa. At ngayon ay nakalingon lahat ng kaklase namin sa direksyon namin. Nakakahiya!

Nice first impression. At sa Science subject pa ah? Sa favorite subject ko pa! Tsk, tsk.

*END OF FLASHBACK*

Punyatera talaga yung Karl na yun! Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami mapapagalitan kahapon!

Wala naman akong magawa ngayon kaya napagdesisyunan ko na lang maglinis ng bahay namin. Feeling ko kasi tinutubuan na ng mga kabute yung kwarto ng dalawang babae sa pamilya namin. Ang mama ko at ang kapatid ko.

Yun pa namang kapatid ko, mas lalaki pa sakin kung magkalat ng gamit.

"Allen!" sigaw ng mama ko mula sa taas.

"Bakit, Ma?! May bagong species ng kabute dyan?" pabiro kong tanong.

"Mukhang magkakaroon nga, kung hindi ka pa aakyat dito at itatapon 'tong mga pinagkaka-kain ng ate mo!" sagot ng mama ko. Ganyan kami dito sa bahay, sagutan ng mga kabulastugan.

Dali-dali na akong umakyat sa taas at nakita ko sa sahig ng kwarto nila ang mga balat ng chichiriya. Yung iba nilalanggam na, yung iba naman nagkalat ang durog-durog na piraso. Babae ba talaga 'tong kapatid ko? Ang DIIIRRRTTTYYY!

"Gisingin mo na yang ate mo. Natuwa sa tulog yan ah? Diba may pasok siya?" sabi sakin ni mama. Oo nga, may pasok 'tong ate ko.

Maingat kong hinakbangan ang mga kalat at lumapit sa kama.

"Magluluto na ako ha? Gisingin mo yang bruhang yan! Alas-diyes pasok nyan, alas-nueve na!" sabi ni mama at saka bumaba.

"Hoy, ate." sabi ko habang tinutusok ang bagay na nababalot ng puting kumot.

Biglang gumalaw ang bagay! Isa ba itong tao? O kabute?

"Go away!" sabi ng bagay sa loob ng kumot. At English!

"Ate! Male-late ka na! 9 na kaya!" sabi ko habang hinihila yung kumot na nakabalot sa kanya.

"Ayokong pumasok!" sagot niya.

Anong ayaw pumasok? Hindi ka papasok? Edi hindi ka rin pwedeng matulog buong araw!

"ATE!" sigaw ko ng malakas na malakas na mukhang abot hanggang Mars.

Ayun, balikwas ng bangon ang prinsesa!

"KUYA naman! Alam mo namang ayokong marinig yung pagsigaw mo eh. Nakakasira ng eardrums!" sabi niya habang nilalamukos niya yung mukha niya at saka ginugulo yung buhok.

Ako ang panganay saming dalawa. Pero bilang mas pilosopo at mas mature yan sakin, tinawag ko na siyang 'Ate'.

Napangiti na lang ako sa itsura niya at hinila ko siya para tumayo na sa kama.

"Maligo ka na. Alas-nueve na!" utos ko sa kanya nung makatayo na siya.

"Oo na, boss!" sabi niya tapos lumakad siya palabas na parang zombie.

Finally, makakapaglinis na din! Go!

KARL VINCENT'S POV

9:00 pa lang? Bakit parang ang bagal ng oras? Kabagot! Ayoko namang mag-DoTA ngayon, wala akong kalaban. Ayoko namang maglaro ng PS3, paulit-ulit na lang nilalaro ko. Ganun din naman sa Xbox. Hay, ano bang magandang gawin? Mababaog ako sa sobrang boring eh.

"Vincent." bungad ni Manang Lita, our housekeeper.

"Bakit po manang?" tanong ko sa kanya habang naka-Indian sit ako sa sahig sa harap ng TV ko.

"Tumawag Daddy mo." sabi niya.

Himala, tumawag siya! Akala ko nalimutan na niyang may pamilya siya dito sa Pilipinas eh.

"Ano pong sabi?" monotonous kong tanong kay manang.

"Uuwi daw siya sa susunod na buwan." sagot ni manang.

"Ah okay." sabi ko na lang at saka lumabas si manang.

Uuwi siya? For what?! After all those years na iniwan niya kami ni Mommy sa ere, bigla siyang uuwi? The hell!

Ito ayaw ko pag si Daddy ang topic eh. Nauubos enerhiya ko sa built-up tension sa loob ng katawan ko. Gusto kong magwala, pero baka pagalitan pa ako ni Mommy pag nakabasag ako. Hay! I need to release this anger!

Out of reflex ay kinuha ko yung cellphone ko tapos binuksan ang contact list ko. Tatawagan ko sina Jason at Jomar para makipaglaro ng basketball sa kanila at nang mabawasan naman 'tong galit na nararamdaman ko.

/Hello, par?/ bungad ko kay Jason.

/Uhm, I think you're calling the wrong number. Who are you, by the way?/ tanong ng isang boses babae.

/Jason, wala ako sa mood makipag-biruan! Laro tayo ng basketball! May nakakainis kasing nangyari ngayon eh! Bilisan mo, sasaktan kita pag hindi ka pumunta ngayon!/ naiinis kong sabi kay Jason habang humihigpit yung hawak ko sa phone ko. Nadadagdagan inis ko habang tumatagal eh.

/Hindi ako si Jason./ sabi ni Jason.

/Punyeta par! I have no time for your pranks! Kung ayaw mong makipaglaro edi wag! Kung kailan kailangan ko ng kaibigan saka mo ako iiwan?/ medyo nagdadrama na ata ako ah? Kasi naman eh, kung kailan ko siya kailangan saka niya ako bibiru-biruin?

/Ang drama mo naman, kuya! FYI, hindi ako si Jason!/ sabi nung boses babae sa kabilang linya.

/Well, MISS, kung hindi ikaw si Jason, bakit mo hawak cellphone niya?/ naiinis ko nang naitanong. She's getting on my nerves na!

/Well, KUYA, hindi kasi cellphone nung Jason ang natawagan mo. Check mo muna kaya screen ng cellphone mo bago ka magsisi-sigaw na para bang pinagbagsakan ka ng langit at lupa./ sarcastic na sabi nung babae which I think is may point.

Nilayo ko sa tenga ko yung phone ko at marahang tiningnan ang screen nito.

A-L-L-E-N E-S-T-A-N-I-S-L-A-O !!!

Number ni Allen?! Eh alam ko number ni Jason napindot ko eh.

/ALLEN?! IKAW 'TO?! BAKIT BOSES BABAE KA?! ANG COOL NAMAN! ASTIG NG BOSES MO SA PHONE! HAHAHAHA./ excited, amused at tuwang-tuwa kong sabi sa kanya nang maidikit ko uli yung phone sa tenga ko.

/Shut up! Sino ka ba? Tatawag-tawag ka tapos bigla kang aarte na para bang magkakilala tayo./ sabi niya. Oo nga, nalimutan kong magpakilala! Akala ko kasi si Jason siya kanina eh.

/Oo nga pala, Allen. Si Karl Vincent 'to. Pero you can call me Karl na lang o kaya Vincent o kaya kahit na an--/ napahinto ako nang marinig ko yung 'Tss' niya.

/Ang daming sinabi! Oo na, kilala na kita. Ano bang rason at napatawag ka? Parang punong-puno ka ng galit ngayon ah? Sino kaaway mo?/ tanong niya. Galit? Puno daw ako ng galit ngayon? Ah, yung kaninang sinisigawan ko siya. Hahaha. Pero bakit ganun? Nung malaman kong siya yung kausap ko, parang nawala yung galit na nararamdaman ko?

/Ah, wala yun! Wag mo nang isipin yun!/ sabi ko na lang para hindi na siya magtanong pa.

/Okay. Bye! Bababa ko na ha?/ sabi niya tapos parang bigla akong nataranta na nalungkot.

/Wait! Pwede ba tayong magkita ngayon?/ tanong ko sa kanya.

/Ha? Bakeeet? Busy ako. Madami akong ginagawa ngayon eh./ sagot niya at nalungkot ako dun.

/Ah, okay. Sige, bye./ malungkot kong paalam sa kanya.

Ilalayo ko na sana yung phone sa tenga ko nang marinig kong tinawag niya yung pangalan ko.

/Bakit?/ excited kong tanong sa kanya.

/Alam kong malungkot ka ngayon at ayaw kong alamin kung ano yang dahilan mo dahil wala akong karapatan para gawin yun, pero kung gusto mo ng kausap, tawagan mo lang ako./ sabi niya at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ng pagkalaki-laki.

"Karl, baka naman mapunit yang mukha mo sa sobrang laki niyang ngiti mo." biglang sabi ni Mommy. Nandito pala siya, hindi ko namalayan!

/Sige, salamat ha?/ pabulong kong sabi kay Allen, nandyan si Mommy eh. Teka, bakit ako bumubulong?

/Ngayon lang 'to ha? Wag kang FC bukas sakin! Pepektusan kita! Saka ikaw ang tumawag sakin, wala akong load eh./ sabi niya na may halong pambabasag.

/Opo, boss! Salamat!/ sabi ko habang nakangiti at tumatango-tango. Ibinaba na niya agad yung linya kaya binagsak ko yung cellphone ko sa kama.

"Sino yun? Bagong girlfriend?" biglang tanong ni Mommy habang papalapit sakin.

Umupo siya sa tabi ko sa sahig.

"Hindi po. Kaibigan lang po." tipid kong sagot.

"Asus! Ngayon pa nag-sikreto ang Baby Boy ko!" biglang sabi niya tapos tinusok-tusok pa yung tagiliran ko. May kiliti ako dun eh!

"Mi naman eh! May kiliti ako dun eh!" sabi ko sa kanya tapos tinusok ko din yung tagiliran niya! May kiliti din siya dun eh. Hahaha.

At ayun, nagkilitian kami for 10 minutes nang biglang tumayo si Mommy.

"I need to go na. They're waiting for me." nakangiti niyang sabi habang inaayos yung damit niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"Be good ha? Tumulong ka kay Manang pag may oras ka." sabi niya tapos kiniss niya yung noo ko.

Ngumiti lang ulit ako tapos ay lumabas na siya, ng may ngiti sa mga labi niya.

Bigla tuloy akong napaisip ng makita ko yung ngiti ni Mommy. Will it still be the same pag umuwi na si Daddy dito? Sana naman.

ALLEN'S POV

"Ang tanga ko! Halatang may gusto ako sa kanya! Ano ka ba naman, Allen! Bakit ka nag-offer na kausapin ka niya kung kailan niya gusto? Ano ka, Call Center Agent? Hay!" inis na inis kong sabi sa sarili ko. Makapag-offer naman kasi 'tong utak ko eh. Tsk tsk.

Pero na-feel ko kasi talaga yung galit sa boses niya eh. Hindi lang basta sigaw yun.

"Anak! Ano na! Tuloy pa ba yang paglilinis mo dyan?" biglang tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto.

"Oo, Ma! Wag magmadali!" sigaw ko.

"Parang may kausap ka kanina. Sino yun?" tanong niya.

"Wala! Kaklase ko lang!" sabi ko na lang. Baka kasi pag sinabi kong 'crush' ko yung tumawag, baka kuyugin ako ng mga 'kinikilig questions' niya. Nakaka-inis pa naman yun!

After 3 hours ng paglilinis sa mala-gubat na kwarto ng mama at kapatid ko, ay natapos na ako.

"Allen! Kain na!" sigaw ni mama mula sa baba.

"Sandali lang, Ma! Bababa na!" sagot ko tapos dinampot ko yung tatlong plastic bags, yung stripes, saka ako bumaba.

"Ano yan! Ido-donate mo?" tanong ni mama.

"Mga balat ng chichiriya, dino-donate? Scratch paper, dino-donate? Basahan, dino-donate? Sira-sirang gamit, dino-donate? Ay oo, ido-donate ko 'tong mga basura na 'to." sarcastic kong sagot sa tanong niya.

"Sorry naman ha? Akala ko kasi, isa lang sa mga plastic na yan yung basura." nakangiting sagot ni mama.

Tumuloy na lang ako sa labas at nilagay sa gilid ng pinto ang mga basura. May dadampot niyan mamaya, wag kayong mag-alala.

Pumasok uli ako at dumiretso sa may lababo para maghugas ng kamay.

"Kumusta na nga pala school?" biglang tanong ni mama.

"Ayun, school pa rin." pabiro kong sagot.

"May kaibigan ka na dun?" tanong niya.

"Wala pa. Pero dun din naman nag-aaral si Jake eh." sagot ko habang pinupunas yung kamay ko sa short ko at lumalapit sa mesa.

"Sinong Jake? Yung kaklase mo nung high school?" tanong niya.

Tumango lang ako habang nagsasalin ng kanin sa pinggan ko, ADOWBOW ang ulam namin!

"Buti naman! Mabait yung batang yun, at gwapo pa! Gusto ko siya para sa'yo." kinikilig niyang sabi.

"Ma naman! We're just friends! Bestfriends!" sagot ko habang pinapaliguan ko ng sabaw yung kanin ko.

"Nagsa-suggest lang! Malay mo may gusto pala sa'yo yun." kinikilig niya pa ring sabi.

Hay, ito na naman siya. Mas kinikilig pa siya kesa sakin.

"Friends nga lang kami! Saka kung may gusto siya sakin, dapat noon pa lang sinabi na niya sakin." sabi ko habang pumipili ng baboy na uulamin.

"Ano ka ba? Ikaw ba, umamin ka sa crush mo?" bigla niyang tanong.

"No! Natatakot kasi ako sa rejection, at alam kong alam mo yun." sagot ko habang hinihimay ang baboy.

"Exactly! Malay mo takot lang din sa rejection si Jake!" sabi niya.

"Ma, ang taba ng utak mo! Ma-issue ka! Friends lang kami ni Jake at alam kong wala siyang gusto sakin." sabi ko.

"Hay naku! Tinanggap kong ganyan ka, pero ayaw mong tanggapin ang sarili mo?" sabi niya.

"Huh? Nakakain ka na naman ng aligue? Ikain mo na yan, baka gutom lang yan." sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at kumuha ng pinggan niya.

Iba talaga 'tong nanay ko, medyo pakilamers sa lovelife ko.

Susubo na sana ako ng may tumawag sakin. Dinig na dinig ko yung ringtone eh. WOLF by EXO.

Dali-dali kong kinuha yung phone mula sa taas at sinagot yun.

/Hello?/ bungad ko.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Who's an EXO fan here? I am, I am! I am currently loving their new album 'XOXO'. Been listening to the tracks everyday since its release. Awooo~

So what do you think about this chapter? Let me know what you think.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

150K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
I'm His Boyfriend Av Harry

Allmän skönlitteratur

310K 10.4K 46
Walang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!
207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...
273K 9.3K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...