So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 4 : Sciences - Retaliation

25.2K 549 55
By Ytianity

Chapter 4's up guys! Enjoy reading!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

What a long and tiring day I had yesterday! Ang awkward nung aura after akong tanungin ni Diane tungkol kay Jakey-baby. Buti na nga lang at naka-isip si Koopa ng topic eh.

*FLASHBACK*

Silence, oh, silence, kailan ka kaya huhupa?

"Saan ba kayo grumaduate ni Allen?" biglang tanong ni Karl, thank God!

"Sa isang public school." sagot ni Diane.

Napa-facepalm ako sa sagot niya. Nakaka-bobo!

"What's the name of the school?" tanong uli ni Karl.

"Wag mo nang tanungin, nakakahiya lang." sabi ni Diane.

Hindi kaya! Sinungaling talaga 'tong babae nato! Kumpara naman sa ibang schools sa area namin, the best na yung amin! Maganda pa ang reputation!

"Ikaw na lang! Saan ka ba nag-aral ng high school?" tanong ni Diane kay Koopa.

"Sa UST." monotonous na sagot ni Koopa.

Wow! Yaman!

"Ang yaman! Shet! Pakasal na tayo!" sabi ni Diane tapos tumawa ng malakas.

Nakita ko namang namula si Karl. Bet niya ba si Diane? Mukhang makakapatay ako ng kaibigan ah? JK! Hahaha.

"Is that suppose to be a joke?" tanong ni Karl.

"Sineryoso mo yun?" naniningkit ang mata na tanong ni Diane.

"Oh, so it's a joke!" biglang sabi ni Karl. Hindi ba siya marunong maka-sense ng joke? Harujosko!

"Syempre naman! Hindi pwedeng maging tayo noh? Papatayin ako niyang si Allen for sure!" sabi ni Diane tapos ginamit niya pang panturo yung french fry.

Pinanlakihan ko siya ng mata kasi nakakahiya yung sinabi niya.

"Is that a joke, too?" tanong ni Koopa.

Agad akong lumingon kay Koopa at sinabing, "Yeah! Yeah, joke yun!" sabay pakawala ng pilit na tawa.

"Sino ba yung Jakey-baby na yun?" biglang tanong ni Karl at nasamid na naman ako. Ito namang si Diane, napabungisngis! Hinayupak!

"Si Jake? Kaklase din namin nung HS. Barkada din namin pero mas close sila ni Allen kasi parehas sila ng interes. Sa sobrang closeness nila, nakukuha nilang maglandian sa harap ng maraming tao." sabi ni Diane.

"Wala man lang nag-doubt sa kanila?" tanong ni Karl, mukhang interesado sa kwento 'tong lalaking 'to ah?

"Meron naman. Kaya lang, alam nilang hindi sila dapat nakikialam sa mga kaibigan ko." sabi ni Diane tapos kinuyom-kuyom niya pa yung kamao niya na para bang manununtok siya.

"At saka, wala naman silang inaagrabyadong tao eh. Pag landian nila, sila lang talaga. Minsan nga gusto kong sumali sa kanila kaso ayaw naman nila. Masagwa daw pag threesome." dugtong pa ni Diane tapos malungkot yung boses niya habang sinasabi niya yung huling pangungusap. Minsan talaga napaka-pervert nitong babaeng 'to! At saka ayaw namin ni Jake na may nakikisali sa "Boy's Talk" namin noh? Boys don't tell secrets, right?

"Eh bakit hindi na lang ligawan nitong JAKEY-BABY na 'to si Allen? Tutal nagla-'LANDIAN' din naman pala sila?" tanong ni Karl with matching bigay-diin sa Jakey-baby at sa landian. Sa sobrang tigas ng pagkaka-diin niya halos magkabukol ako, JOKE!

"Eh kasi naman ---" binato ko ng butil ng kanin si Diane kaya tumigil siya.

"Tama na nga yan! Masyado ka nang maraming nalalaman! Uuwi na kami. Salamat sa libre." sabi ko na lang kay Koopa, and with that ay tumayo na ako at hinila palabas si Diane.

*END OF FLASHBACK*

At ayun na nga! Buti na lang at umalis na kami dun agad-agad! Baka nagisa pa ako pag nagtagal pa ako dun nun.

Papasok na sana ako sa school, kasi Martes na, nang may mag-text sa akin.

|Hi! =^__^=| sabi sa text.

Hindi ko siya nireplyan. Hindi siya nagpakilala eh. At saka, WALA KASI AKONG LOAD!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep at pumasok na sa school.

Pagbaba ko ay may sumitsit sakin. Lumingon ako pero wala akong nakitang tao na nakatingin sakin. Creepy!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may biglang umakbay sakin.

"Hoy, bakla!" feeling close na tuwang-tuwang sabi ni Koopa.

"Oi, FC!" sagot ko.

Tinanggal niya yung akbay niya tapos nagkunot ng noo sa akin.

"Anong FC?" tanong niya.

"Feeling Close." sagot ko.

"Feeling Close? Hindi pa ba tayo close sa mga nalaman ko sa'yo kahapon?" tanong niya, may tono ng pagkagalit. Bakit galit?

"Hindi! Hindi porke't may nalaman ka tungkol sakin, o kaya nakilala mo bestfriend ko, magiging magkaibigan na tayo. Minsan may mga bagay, o tao, talaga na hindi itinakda na magsama. Tandaan mo yan." sabi ko, turning philosophical.

Ayoko munang makipag-usap sa kanya, nahihiya ako sa mga nangyari kahapon eh. Sana naman makuha niya yung hint na yun.

KARL VINCENT'S POV

Ang haba nung sinabi niya, nakaka-philosopher.

"Saang libro mo nabasa yan? Ang ganda ah? Sino author nyan?" pagbibiro ko, siguro naman it will enlighten the mood.

Pero mukhang mali ako. Tinulak niya ako palayo sa kanya tapos ay lumakad siya ng mabilis.

Wrong move yun ah? Tsk. So much for impressing a possible friend, Karl. Nice one. NICE ONE!

Naglakad na lang ako papuntang classroom nang may biglang kumapit sa braso ko. Si Michelle. Ayoko sa babaeng 'to. Siya yung tipo ng babae na bastusin at gagawin ang lahat para lang mapansin ng mga lalaki, gaya ngayon.

"Bakit, Michelle?" tanong ko sa kanya, pinipigilan kong mahaluan ng tono ng pagkainis yung boses ko.

Nakita kong dinikit niya yung dibdib niya sa braso ko. Nice move pero cheap.

"Sabay na tayong pumasok." sabi niya, trying to be seductive pero nagmukha lang siyang bibeng manganganak.

"Okay lang." sabi ko sabay ngiti. Hindi naman ako rude para tanggihan ko siya. Magsasabay lang naman kaming pumasok sa room eh.

Pagpanhik namin sa 4th floor ay nasalubong namin si Allen. Mukhang kagagaling lang sa CR.

"Hoy, bading!" biglang sigaw ni Michelle.

Napatingin naman sa kanya si Allen pero inirapan siya.

"Aba nagtataray pa! Maganda ka ba?" mataray na tanong ni Michelle.

"Kumpara naman sa ugali mo, talagang OO!" sagot ni Allen habang nakayuko at nagpupunas ng kamay.

Note to self: MAGALING MANGBASAG SI ALLEN!

Natawa naman ako sa sinabi niya at dahil dun ay tinitigan ako ni Michelle ng masama kaya tinikom ko ulit bibig ko.

Lumingon ulit siya kay Allen at tinaasan ng kilay.

"May araw ka din sakin, bakla!" pagbabanta ni Michelle.

"Sama mo pa gabi eh, pati nanay at tatay mo." sagot naman sa kanya ni Allen, nakataas din ang kilay niya at nakangisi.

Napabungisngis ako sa sinabi ni Allen pero si Michelle ay pumasok na papuntang room.

Nilapitan ko si Allen at inakbayan.

"Ang angas mo dun p're ah? Galing mong sumagot! Angas talaga! Wala akong masabi!" sabi ko sa kanya habang hinihigpitan ko yung pag-akbay ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang sikuhin yung tagiliran ko! Napangiwi tuloy yung gwapo kong mukha sa sobrang sakit ng ginawa niya!

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko tagiliran ko.

"FC ka na naman eh. Saka hindi ako makahinga, ang higpit ng sakal mo." sagot niya. Sorry naman ha? Natuwa lang p're!

"'Lika na pasok na tayo." aya niya. Wow, inaya niya ako? Close na ba kami nyan?

"Wag kang assumero, male-late na tayo kaya inaaya na kitang pumasok." sabi niya. Sayang naman, akala ko pa naman close na kami. Siguro kelangan ko pang mag-exert ng effort para maging close kami.

Algebra ang klase namin ngayon. Hindi naman sa pagmamayabang pero Math ang favorite subject ko. Palagi pa nga akong sinasali sa mga quiz bee noon eh.

"Okay class, may class president na ba kayo?" tanong ni Sir I-don't-know-his name.

"Waaalaaa paaa pooo!" nakaka-grade school na sagot ng mga kaklase ko.

"Oh sige, ako nga pala si Mr. Torres and I am your professor for College Algebra." introduction ni Sir Algebra.

Agad kong sinulat yung pangalan niya sa classcard ko tapos ay inabot ko ito kay Allen. Magkatabi ulit kami para masaya. Gusto kong marinig mambasag si Allen.

"Pasa mo sa harap! Hindi sa katabi. Tungaw ka na naman!" sabi sakin ni Allen. Ako ata mababasag dito ah?

Inabot ko na lang kay Jason yung classcard ko tapos ay kinuha ko yung binder ko sa bag ko. Pinalitan ko din yung ballpen na gamit ko. Mula sa MyGel na 0.3 ay pinalitan ko ito ng G-Tec na 0.3 din.

Nagsimula nang mag-lesson ang prof namin na ikinatuwa ko naman. Binigyan niya din kami ng seatwork para daw ma-apply namin yung tinuro niya.

Busy na ako sa pagso-solve nang marinig kong humampas ang ballpen ni Allen sa mesa.

"Bakit ba naimbento pa ang Math?!" bulong niya, siguro kinakausap niya sarili niya.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Anong problema?" tanong ko.

"Wala." sagot niya habang nakatitig sa papel niya.

"Nahihirapan ka ba? Gusto mo tulungan kita?" pag-offer ko sa kanya.

"Hindi! Wag kang mag-alala, kaya ko 'to." sagot niya tapos dinampot niya uli yung ballpen niya at nagsimulang magsulat uli.

After 10 minutes ay natapos ko na yung seatwork. Wala na akong magawa kaya kinuha ko yung earphones ko at isinaksak iyon sa tenga ko.

ALLEN'S POV

HARD! Wala akong masagot sa seatwork na 'to! Bakit kasi na-imbento pa ang mga 'x' and 'y' na 'to eh? Pwede namang addition at subtraction lang ang matutunan ng tao eh.

"Kaya mo pa ba?" tanong ni Karl.

"Che!" sabi ko sa kanya. Ayoko kasi ng kinakaawaan ako, nagmumukha akong mahina.

Sinubukan kong sagutin yung number 1 pero walang ganap! Hindi ko talaga alam! Mukhang babagsak ako sa subject na 'to ah?

"Oh! Kopyahin mo na." biglang sabi ni Koopa kasabay ng pag-abot niya sakin nung papel niya.

"Ayoko. Kaya ko 'to." sabi ko sa kanya.

"Kaya mo? Eh bakit wala pang sagot yung Number 1?" mapang-inis niyang sabi.

Inirapan ko na lang siya pero kinuha ko pa rin yung papel niya. Sayang din ang biyaya 'no?

Kinopya ko yung mga sagot at solutions niya, tinignan ko pa nga kung paano niya nakuha yung sagot niya pero hindi ko ma-gets! Nakaka-bobo talaga to the highest level!

"Pass your papers!" biglang sigaw ng prof namin.

What?! Wait lang, Sir! Nasa number 2 pa lang ako!

"Pass your papers! 1. 2. 3." nagbilang pa talaga! Nape-pressure tuloy ako.

"Bilisan mo. Ipasa mo na lang papel ko ha?" sabi ni Koopa. Natural ipapasa ko 'to. Anong gusto mong gawin ko sa papel mo? Kainin?

Pagkatapos kong kopyahin yung number 2 ay pinasa ko na yung papel. Bahala na sa score. Sana lang tama yung mga sagot ni Koopa dun.

Oh, how I hate MATH! I freaking hate numbers!

"Exchange papers, sa kabilang row! Now!" huling tanda ko, prof ang nasa harap pero bakit ang BOSSY niya?

Nagpalitan na ng papel tapos chineckan namin. Yung chineckan ko naka-5 lang, kulang daw yung solution sabi ni Koopa. Naku, sana lang mas mataas score ko sa taong ito!

"Okay, ibalik niyo na yung papel sa may-ari." utos ng boss, este, prof namin.

Pagbalik na pagbalik ng papel ko ay natuwa ako! 6 ang nakuha ko! Mas mataas ako sa kaklase ko.

"Ilan ka?" tanong ni Koopa tapos sumisilip siya sa papel ko kaya tinakpan ko iyon.

"Isa lang, duh! Maka-categorize pa nga akong kalahati dahil sa nipis ko eh." sarcastic pero pabiro kong sagot. Ang saya pag nagiging sarcastic ka sa tao eh, nache-check mo yung humor at intelligence niya.

"Hindi yun! Yung score mo." sabi niya. Boring naman nito kausap, hindi marunong ng sarcasm.

"6. Salamat sa sagot mo." sabi ko.

"Wala yun. FRIEND kita eh." sabi niya habang nakangiti sa pagbanggit nung FRIEND.

"Agad-agad? Acquaintance muna!" sabi ko habang tinutupi yung seatwork ko.

"Oh edi acquaintance! At least may improvement na. Hindi na tayo basta mag-kaklase." nakangiti niyang sabi. Ano ba kasing meron at gustong-gusto niya akong maging kaibigan?

"Bahala ka." sabi ko na lang.

After ng Algeb namin ay sunod naman ang NatSci namin. Mas gusto ko ang Science kesa Math. Utang-uta na kasi ako sa paghahanap ng X ni Math eh. Paki ko ba sa relasyon nila diba?

"NatSci? Physical Science? Matter-matter na naman 'to. Ayoko neto eh." bulong ni Koopa pero bilang magkatabi kami ay narinig ko iyon.

"I'm Miss Hernandez. And welcome to your NatSci class. For this subject, we will be tackling Physical Science." bungad ng prof namin at narinig kong dumaing ng mahina si Karl.

Magaling ka sa Math ha? Tignan natin galing mo sa Science! Bwahahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Usap ulit tayo sa comment box? I love talking to people over the internet. :))))

Continue Reading

You'll Also Like

636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
1.8M 54.3K 81
Bagay na naiisip ko habang walang ginagawa. Storyang kathang isip lamang na pwedeng makaapekto sainyo. Sundan ang mala fairytale na buhay ni Anjo sa...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
706K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...