So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 2 : Game - Text

33.4K 634 59
By Ytianity

Here's chapter 2 for you guys! SEHUN's on the side! Our Allen Estanislao! Look!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Eto ako ngayon, kasama si Allen na kumain ng lunch sa mall. Mamayang alas dos pa kasi yung basketball game namin eh, at gusto kong panuorin niya ako maglaro nun.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero parang ang gaan agad ng feeling ko sa kanya.

Para kasing ang sarap niya kasama at masaya siyang kausap.

"Oh, bayad ko." sabi sakin ni Allen sabay abot ng 100 pesos.

"Wag na. Libre ko na sa'yo yan. Inaya kita dito kaya dapat sagot ko ang gastos mo." sabi ko naman sa kanya habang tinutulak ko pabalik yung pera.

"Hindi. Ayoko namang magka-utang na loob 'no? Tanggapin mo na yan." monotonous niyang sabi.

Natawa ako sa kanya. Masyado siyang mapilit eh.

"Wag kang mag-alala, sagot ko nga ito kasi pinilit kitang isama dito. Wag ka nang makulit." nakangiti kong sabi sa kanya.

Napa-'Tss' siya kasabay nung pag-sneer. Tapos kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone niya at may tinext.

Nung ilapag niya yung cellphone sa lamesa ay sumubo na siya ng pagkain. Ang cute niya habang ngumunguya siya! Para talaga siyang bata.

Nakasuksok yung kutsara sa bibig niya habang tinitignan niya yung cellphone niya tapos bibitawan niya saglit yung phone tapos susubo ulit ng pagkain pero yung paningin niya naka-focus dun sa cellphone niya. I think I find that cute.

"Bakit?! May problema ba sa mukha ko?" tanong niya bigla sa akin.

"Ahh, wala! Wala naman!" mabilis kong sagot.

"Eh bakit parang kanina mo pa ako tinitignan saka bakit hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo?" tanong niya sakin tapos napatingin ako sa pagkain ko. Wala pa ngang bawas yung pagkain ko!

"Ah-eh, ah, uhm." nag-stutter ako sa harap niya? How is that possible? Eh tinanong niya lang naman ako. Tsk tsk.

"Ah, hayaan mo na nga! Pagkatapos nito uuwi na ako ha?" bigla niyang sabi tapos tinignan niya uli yung phone niya.

"Bakit naman? Hindi pa nga kita nadadala dun sa dapat nating puntahan eh." malungkot kong tanong sa kanya. Totoo naman kasi eh, gusto kong makita niya akong maglaro ng basketball pero uuwi pala siya after nito?

"Inaantok nga kasi ako eh. Tapos pinakain mo pa ako, so lalo akong aantukin." sarcastic niyang sagot sakin.

"Gosh! Ang cute naman nila kaso mga bakla eh." narinig kong bulong ng isang babae sa table na nasa likod ko.

"Oo nga eh. Pero bagay sila noh? Ang cute ng pair-up nila. Hindi katulad ng ibang gay couples na ang sagwa tignan." narinig kong sagot ng kasama niyang babae.

Well, hindi sila magaling magbulungan pero nabigyan nila ako ng idea.

"Babe?" bigla kong sabi kay Allen.

Wala akong paki kung marinig ng iba, basta ang purpose ko ay maisama si Allen sa basketball game namin.

ALLEN'S POV

"WHAT?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

Sino ba namang hindi magugulat diba? Tawagin ka ng isang napaka-gwapong lalaki ng 'Babe' out of nowhere, hindi ka magugulat?

Nakita kong tumawa siya nang masamid ako dahil sa sinabi niya. Ininom ko yung softdrinks ko pero samid na samid pa rin ako. Inabot niya yung kanya pero hindi ko agad yun kinuha, baka mamaya mag-assume yung mga tao sa paligid eh.

"Sa'yo na yan! Baka matuluyan ka pa pag hindi nawala yan. May pupuntahan pa naman tayo mamaya..." nakangiti niyang sabi. Swear, gustong-gusto ko nang kunin yung baso para isaboy sa mukha niya yung softdrinks pero dahil cute siya ay ininom ko na lang iyon.

"... Babe!" dugtong niya sa sinabi niya.

Pooshet naman! Swear to God, mabubuga ko ng tuluyan lahat ng nainom ko kung patuloy niyang sasabihin yun.

Nilapit ko yung upper body ko towards him tapos tinuro ko siya.

"Ikaw! Tumigil ka nga sa pagtawag sakin ng, yun, kasi nakakahiya!" pabulong kong sigaw sa kanya.

"Anong 'yun'? Yung 'Babe' ba?" nakangisi niyang sabi.

Pooshet naman talaga oh!? Inulit na nga niya, nilakasan pa niya! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

"Tumigil ka na, please?!" pabulong kong sigaw sa kanya.

"I'll do that. Kung sasama ka sa akin sa dapat talagang pupuntahan natin." sabi niya.

Bumalik ako ng ayos ng upo ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala naman akong magagawa, hindi ko naman sila mauutusan na tumigil na sila diba?

"Saan ba kasi yun? At saka bakit kasi dinala mo pa ako dito?" magkasunod kong tanong sa kanya.

"Basta. Malalaman mo din naman yun eh, mag-antay ka lang. At saka kaya kita dinala dito kasi nagugutom na ako, pasado tanghali na kaya." sagot niya naman sakin ng nakangiti.

"Bakit kasi hindi pa tayo ngayon pumunta? Nasasayang lang oras ko sa pag-aantay eh." sabi ko sa kanya.

"Eh alas dos pa kasi simula nun eh. Ayoko namang mag-antay sa initan 'no?" sagot niya naman sakin. Tama nga naman ang point niya.

Ang init naman kasi sa Pilipinas eh. Feeling ko nga nakahiwalay sa Earth ang Pilipinas eh, tapos mas malapit siya sa araw kaya ganito kainit dito.

"Bahala ka. Basta walang basagan ng trip ah?" sabi ko na lang sa kanya.

Pinipigil ko na lang ang sarili ko na kiligin dahil baka mailang siya sakin. First time lang na gwapong lalaki ang unang kumausap sakin ah? Normally kasi puro mga totally gay ang kumakausap sakin eh saka yung mga babaeng makakati.

Nung mag-1:30 na ay tumayo na kami at umalis sa mall. On the way papuntang parking lot ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Side to side kasi kaming naglalakad tapos siya ang energetic niya. Salita siya ng salita pero ako nakayuko lang at nakatahimik.

"Magsalita ka naman." sabi niya.

Umiling lang ako habang nakayuko. Nakakahiya kasi eh. Siguro iniisip nung mga tao na mag-boyfriend kami.

"Wag ka ngang feeling close!" pabulong kong sigaw sa kanya habang nakayuko pa rin.

"Okay, okay! Tatahimik na po. Masyado ka namang bugnutin!" sabi niya sakin tapos humakbang siya palayo.

"Oy! Saan ka pupunta? Dito tayo!" sigaw niya sakin habang kinakawayan niya ako. Nakatapat siya sa isang black na Lancer EX ata yun, wala akong masyadong alam sa mga sasakyan eh.

"Tss. Hindi kasi sabihin agad eh." sabi ko sa sarili ko.

"Ano yun? May sinasabi ka ba?" tanong niya sakin.

"Sigurado ka ba na straight ka? Eh mas maingay ka pa kesa sakin eh." sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

"Ganito lang talaga ako. Energetic saka lively." nakangiti niyang sagot sakin.

"Saka gwapo." bulong ko.

"Ano yun? Gwapo?" nakangisi niyang tanong sakin.

Nag-blush naman ako sa narinig ko. Narinig niya pala yun.

"Bungol! Kapal ng mukha mo!" defensive ko namang sabi sa kanya habang sumasakay dun sa passenger seat sa likod.

"Oy! Dito ka sa shotgun seat." sabi niya.

"Ayoko." sabi ko.

"Dito ka na." pagpupumilit niya.

"Walang basagan ng trip, remember?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Sige na nga. Mukhang hindi rin naman kita mapipilit eh." sabi niya tapos sumakay na siya sa loob at nag-drive.

After 25 minutes ay nakarating kami sa covered court ng isang subdivision. Agad niyang pinatay ang makina ng kotse niya at lumabas ng sasakyan.

"Tss. Ano kayang meron dito? Sinama pa ako nitong Koopa na ito?" tanong ko sa sarili ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lapitan niya yung mga lalaking mukhang kanina pa shoot ng shoot ng bola sa basket.

Nag-apiran sila at shoulder bumps pa. Tss. Ano bang gagawin ko dito? Makikipaglaro ako sa kanila? No way, Jose! Ayokong pagpawisan ng mala-Ilog Pasig 'no?

Nagulat ako ng biglang hubarin ni Koopa, oo Koopa na itatawag ko sa kanya, yung polo shirt niya! Shete mil naman oh! Ang sexy niya sa sando lang!

Bakit parang lalong uminit dito sa loob? Mabuksan nga muna itong bintana.

Nakita kong nagsimula na silang maglaro. Hindi pa nakaka-5 minutes ay naka-points agad yung team ni Koopa.

"Magaling pala maglaro itong Koopa na 'to. Akala ko nagyayabang lang siya nung sinabi niya yun kanina sa introduction" sabi ko sa sarili ko. Wala akong makausap eh.

At dahil nga wala akong makausap ay na-bore ako. Wala akong paki kung puro sexy boys ang naglalaro sa court na iyon. Inaantok na ako at matutulog muna ako. Medyo isinara ko na yung bintana para walang mangyaring masama sa sasakyan kahit tulog ako.

Inilapat ko yung likod ko sa sandalan at humanap ng kumportableng pwesto. Paidlip na sana ako nang may biglang kumatok sa bintana.

"Ano?" tanong ko kay Koopa with matching iritang-iritang expression.

"Nabo-bore ka ba dyan? Dun ka kaya sa loob ng court?" concerned niyang tanong.

"Ayoko. Tama nang sumama ako sa'yo dito. At saka, diba sabi ko, walang pakialamanan ng trip?" pagsusungit ko sa kanya. Syempre, sungit sungitan para hindi niya mapansin na natutunaw na ako sa pagtitig niya pa lang sakin.

"Okay." yun lang at bumalik na siya sa mga kalaro niya.

Pabalik na sana ako sa pagtulog ng bigla namang mag-vibrate cellphone ko.

"Seriously?!" sabi ko tapos inirapan ko yung cellphone ko. O diba, baliw ako?

Pagdampot ko ng cellphone ko ay tinignan ko kung sino ang nagtext. Si Diane, High School bestfriend ko.

[Yo, D!] bungad ko.

[San u? Dba dpat nkauwi k n?] reply niya in almost a minute's time.

The puck! Ginagamit niya na naman yung deadly weapon niya against me!

[Why in the hell are you texting like that?!] tanong ko sa kanya.

[Just to annoy you! :)] reply niya.

[Well, stop it right now because you've already done a good job.] reply ko.

[I just did. So, asan ka nga kasi ngayon eh?] tanong niya.

Tumingin ako sa paligid, walang street signs.

[Wait ha?] reply ko tapos lumabas ako ng kotse.

Naglakad ako papuntang court kung saan nagpapahinga sina Koopa mula sa paglalaro.

"Ah, Koo- este, Karl?" bungad ko, ang saya kasi ng tawanan nila at hindi nila ako napansin.

Tumigil naman sila sa tawanan nila at lumingon sakin si Karl, he even had that worried look on his face.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya sakin.

Napayuko ako dahil nakita kong lahat sila ay nakatingin sakin tapos saka ako umiling.

"Sino siya, p're? Pinsan mo? Ang cute niya namang bata!" narinig kong sabi ni Jason ata pangalan nung lalaking yun.

Tinitigan ko ng masama si Jason tapos nakita kong parang nagitla siya.

"Tanga p're! Kaklase natin yan!" biglang singit ni Karl.

Lahat ng mga kasama namin dun ay nagulat. Napasinghap pa nga sila eh tapos bigla silang nagtawanan.

"Urur p're! 13 years old, college na?! Utuin mo lelang mo!" sabi ni Jason.

"Gastug! Hindi nga! Kaklase nga natin siya!" sabi pa ni Koopa.

"Paano? Accelerated ba siya? Wow! Ang talino niya naman kung ganun!" amazed na amazed na sabi ni Jason.

"Tama na nga p're! Basta kaklase natin siya. Busy ka kasi kay Michelle eh, hindi ka naman pinapansin." sabi ni Koopa.

"Eh paano ba naman kasi p're? Ang sexy nun! Chicks na chicks!" mahanging sabi ni Jason.

Napailing na lang ako sa ugali ni Jason. Kung ganito pala ugali ng mga kaibigan ni Koopa, mas mabuti sigurong layuan ko na siya.

"Ano ba yun Allen? May problema ba?" bigla niyang tanong sakin.

"Ahhm, itatanong ko lang kung nasaan tayo?" tanong ko.

"Nasa Quezon City." kalmado niyang sagot.

Ita-type ko na sana yung sinabi niya nang bigla kong ma-realize na nasa Quezon City na nga kami.

"What?! Quezon City?! Ang layo naman pala nito!" pag-aasik ko.

Ang layo naman talaga kasi! Baka mahirapan ako maghanap ng sasakyan pauwi nito.

[D, nasa QC ako.] text ko kay Diane tapos bumalik na ako sa kotse ni Koopa.

"Hey! Bakit? May problema ba?" tanong sakin ni Koopa bago ako pumasok sa kotse niya.

"Wala. Basta pagkatapos niyong maglaro, ihatid mo ako sa sakayan ah?" sabi ko sa kanya.

"Huh? Kakain pa tayo after ng game eh." sabi niya sakin.

"What? Hindi pa ba sapat na sumama ako sa lunch mo kanina at sa game mo ngayon? Baka akala mo magkaibigan na tayo? Nakulitan lang ako sa'yo kaya sumama ako. Ngayon kung hindi mo ako ihahatid before 5, uuwi na lang akong mag-isa." sabi ko sa kanya, reasoning myself out. Over na kasi eh. Ano ba tingin niya sakin? Errand boy niya? Tss. Kangitngit!

"Okay, okay, Sige, ihahatid kita." sabi niya pero may tono ng lungkot sa boses niya.

[Allen, baby. Such luck! Nasa QC lang din ako. Let's meet up?] biglang text ni Diane.

[Yeah! That would be good! Saan?] tanong ko sa kanya.

[Sa may SM Manila. Bet mo ba?] tanong niya.

[Are you freaking kidding me? Nasa QC tayo tapos gusto mong makipagkita sa SM Manila? Tss. >_>] reply ko sa kanya.

[Sige na, FT kasi ako dito sa QC eh kaya wala pa akong alam na hotspot dito. Please?] pagmamakaawa niya, for sure naka-puppy face pa ito habang nagtetext.

[Whatev. Pasalamat ka may ride ako papunta dun, kundi nakow, nganga ang drama mo dun Hahaha. :)))] reply ko.

[Sama mo talaga! Pero who's with you? A friend I know? O baka naman boyfriend na yang dala mo? :)))] pagbibiro niya.

[Sana nga boyfriend ko siya eh. Ang gwapo niya lang kaya! Hahaha. :)))] reply ko.

[Lundeeh! Pakita mo sakin ha? Let me see that!] sabi niya.

[No can do. Magpapahatid lang ako sa kanya noh?] reply ko.

[Aww. Sayang naman! Anyways, 4:30 pa ang tapos ng interview ko. So, let's meet up at 6?] tanong niya.

[Kahit anong oras pa yan, basta ikaw! :))] reply ko.

[Aww. Sweet! Love yah! See you later! :)] reply niya.

[Love you, too! See yah! :*] reply ko tapos inilagay ko sa bulsa yung cellphone ko.

Hays, such a tiring day. First day pa lang pero may mga makukulit na akong kakilala. May mahangin pa, lakas maka-Industrial Fan! Hahaha. Bale na, makakapag-relax naman ako once na magkita na kami ni Diane. Namiss ko din yung bruhildang yun noh? After kasi nung grad namin nung HS, hindi na kami nagkita. Sa text at saka sa internet na lang kami nakakapag-usap.

Magkikita na ulit kami ni D! Yey! :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

What do you think? Share me your thoughts and drop some comments.

Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
Rain.Boys By Adamant

Teen Fiction

399K 13.6K 56
[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sa...
174K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...