Exodus (Completed)

By MarcDanes

158K 3.5K 320

Genres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story Wit... More

Exodus: Prologue
Exodus 1: Stop Over
Exodus 2: Flyer
Exodus 3: Voice
Exodus 4: The Missing Zoey
Exodus 5: Undefined Sound
Exodus 7: Body Organs
Exodus 8: Blood of Cries
Exodus 9: The Lost Epilogue
Exodus 10: The Secret Passage
Exodus 11: Zoey In The Bottle
Exodus 12: Halo & Apocalypse
Exodus 13: Run
Exodus 14: The Spirit Guardian
Exodus 15: Separation
Exodus 16: Incognito
Exodus 17: Nostalgia
Exodus 18: Dean
Exodus 19: Roommates
Exodus 20: Necklace
Exodus 21: Nightmare
Exodus 22: Cassiopeia's Blessing
Exodus 23: Death
Exodus 24: Favorite Song
Exodus 25: Exodus
Exodus 26: Kai's Plan
Exodus 27: Public Viewing
Exodus 28: Halo
Chapter 29: Is this the Epilogue?
Official Soundtrack

Exodus 6: Peculiar Thought

5.3K 138 4
By MarcDanes

Bakit nga ba ako pumasok ng banyo? 'Yon kasi ang pagdadahilan ko kanina nang tinanong ako ni Ivan kung bakit parang gulat na gulat daw ako. Mas gusto ko na lang sarilihin ang dahilan kung bakit ako nagulat. Kung sasabihin ko naman kay Ivan ang dahilan as if naman na maniniwala siya. Baka isipin pa niya na ginu-goodtime ko pa siya o lumuluwag na ang turnilyo ng aking utak.
 
Ano kaya ang nakita ko kanina sa gilid ng pool na gumagalaw? Kinikilabutan tuloy ako. Ano ba naman kasing klaseng resort ang napuntahan namin ang daming bagay na hindi ko mawari. Kung hindi lang na flat lahat ng tires ng mga sasakyan namin hindi kami mapapadpad sa Villa Exodus Resort na ito.
 
Nasa harapan lang ako ng isang malaking salamin dito sa loob  ng banyo. Nakatitig lamang ako sa aking sariling repleksyon. Nang biglang napabalikwas ako. Parang may naramdaman kasi ako na kumalabit sa aking batok. Nagpalinga-linga ako sa aking kinatitindigan. Siguro isang insekto lamang iyon na biglang dumapo sa aking batok.
 
Naisipan ko na lang buksan ang gripong nasa harapan ko, dito sa may lababo sa tapat ng malaking salamin. Maghihilamos ako para mawala kahit paano ang aking pagkaantok. Parang ayoko na kasi matulog pa ulit sa kama. Parang hindi ako komportable. Iba ang nararamdaman kong presensya sa resort na amin pinuntahan. Hanggang sa bigla akong natigilan sa aking paghihilamos. Nagulat ako nang nakita ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Imbes basa ng tubig ang nakikita kong ipinanghihilamos sa aking mukha, tila isang pulang likido na bumabalot sa kabuuan ng aking mukha ang nakikita ko. Parang dugo!
 
Bigla akong napaatras at dahil sa sobrang gulat ay natumba sa sahig. Medyo naumpog naman ang ulo ko sa pader nang natumba ako. Marahan akong tumayo at sa muling pagharap ko sa salamin ay bigla nawala na ang dugo sa aking mukha. Nakahinga ako nang maluwag. Namamalikmata lamang siguro ako.
 
I felt so strange so much already in this Villa Exodus Resort. However, I just shrugged for what made me shocked a while ago. Parang napaparanoid na ako. Sana mag umaga na para makaalis na kami sa lugar na ito. I don't feel cozy anymore in this weird place. Actually I never feel comfortable and safe since we went inside this place. Feeling ko anytime something peculiar is going to appear or happen.
 
Pagkatapos kong mag hilamos I decided to get outside the comfort room already but when the time I'm going to open the doorknob I suddenly stopped. Ayaw mabuksan pero bakit? Hindi kaya pinagtritripan ako ni Ivan. Siya lang kasi ang nasa kuwarto namin ngayon habang ako naman nandito sa loob ng c.r.
 
Sinubukan kong tawagin ang pangalan ni Ivan sa labas ng c.r pero walang sumasagot. Baka natulog na siya sa kama. Damned it! Paano ako makakalabas nito ng c.r? What to do...? What to do...?
 
Hanggang sa narinig kong kusang bumukas ang gripo sa lababo habang may umaagos na tubig dito. Ngunit nang ipinukol ko na ang aking tingin sa lababo ay laking gulat ng mga mata ko. May babaeng nakatayo sa lababo habang hawak niya ang faucet. Nakayuko ito at natatakpan nang mahaba niyang buhok ang kanyang mukha. Naririnig ko rin na humihikbi ito.
 
Gusto ko na sana sumigaw dahil sa takot pero hindi ko magawa. Parang naparalisa ang buong bibig ko. Hindi ko ito mabuksan. Ang aking mga paa naman ay nararamdaman kong nagsisimulang mamanhid. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Dama ko ang sobrang kabog ng aking dibdib. Pinapamahayan na rin ako ng takot. Hanggang sa hindi ko na naririnig pang may umaagos na tubig sa gripo. Nakasarado na ito. Sinubukan ko nang imulat ang aking mga mata ngunit sa pagbukas ng mga ito ay namilog ang aking tingin. Nakatayo na mismo ang babae sa aking harapan at nagsimula na ulit itong humikbi.
 
"Huhuhuhu... tulungan mo ako... tulungan mo ako..." Humihingi ng tulong sa akin ang babae. Para saan naman? Saka sino ba siya? Sa tingin ko siya rin ang babae na parati kong nauulinigan simula noong nag checked-in na kami dito sa resort.
 
Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko pa rin magawa. Parang paralisado pa rin ito. Nagugulumihan na ako sa nangyayari. Ano ba talaga ang nagaganap ngayon? Sana panaginip na lamang ito at magising na ako. Ayoko na. Natatakot na ako sobra. Nang biglang naulinigan kong bumukas ang pintuan ng c.r sa aking likuran. Sa pagkakabukas ng pintuan ay tila bumalik ako sa normal na estado. Napakurap din ako ng mga mata at sa muling pagmulat nito ay nawala ang babae kanina. Nakahinga ako bigla nang maluwag. Agad na tumakbo ako palabas ng c.r. at isinarado ito nang mabuti.
 
Paglabas ko ng c.r nakita ko si Ivan na nakaupo do'n sa isang sofa habang natutulog. Napansin ko naman na nasa sahig yung sigarilyo na sinindihan niya kanina. May baga pa nga ang dulo nito. Sa tingin ko bigla lang nakatulog si Ivan at hindi niya natapos ang paninigarilyo.  Pinulot ko na lang sa carpet yung sigarilyo at itinapon sa trashcan.
 
Nang natapos kong maitapon sa trashcan yung sigarilyo ni Ivan ay naisipan kong lumapit sa may bintana. Hinawi ko ang venetian blinds at tumingin sa labas. Napabuntong hininga ako. Sa pagbuntong hininga ko ay napansin ko naman na may namuong moist sa salamin ng bintana. Pupunasan ko sana ito ng aking kamay para luminaw ang salamin nang biglang may lumitaw na isang marka ng kamay sa moist ng hininga ko. Bigla kong hinawi pabalik ang puwesto ng venetian blinds kanina at napaatras sa aking kinatitindigan.Napasapo naman ang aking kanang kamay sa dibdib ko sa labis na pagkagulat.
 
Tingin ko unti-unti na akong pinapatay ng resort na ito sa sobrang nerbiyos at gulat. I really so fucking hate already this damned creepy place!
 
Gusto ko na umuwi ng bahay pero alam ko naman na hindi pa puwede. I decided to take a walk na lang sa labas ng kuwarto. I just wanna get rid to this room. Gusto ko na lang muna mag munimuni habang naglalakad sa hallway.
 
Tulog na kaya si Mikaela o 'di kaya sumama rin siya sa bar area ng hotel? I want to see her. I just want to talk to her. I want to open up to her the peculiar thoughts that running on my mind now. Alam ko rin naman na si Mikaela lang ang tanging tao dito na makakaunawa nang nararamdaman ko. Besides she already said to me na naririnig niya rin yung babaeng humihikbi na nagpakita sa akin kanina sa loob ng c.r.

Continue Reading

You'll Also Like

38.9K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
4.2K 209 13
COMPLETED Si Leondale ay isang babaeng mahilig magbasa ng libro ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay nakapulot siya ng libro. Nang buksan niya...
368K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
127K 1.9K 29
Adetram Series Book 1 Long time ago, Humans and Mages live together in harmony. Some of the mages love and married humans which resulted to a conflic...