The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 42: Thank you

424K 13.8K 14.1K
By iDangs


Nate's POV

Minsan talaga medyo naniniwala na ako kapag sinasabi nila sa akin na may tama raw ako sa ulo. Siguro nga may turnilyo ako sa ulo na maluwag o ang mas malala, baka natanggal na.

Napalunok na lang ako nang mapag-isip-isip ko lahat ng mga pinagsasabi ko sa harap ng magulang ni Tamara. Nakakabanas naman! Bakit ba kasi delayed minsan ang utak ko sa pagproseso ng mga bagay? Parang ang bobo ko. Tsk.

Tama nga sila. Hindi pwedeng makuha ng isang tao ang lahat sa buhay. Kaya siguro medyo mahina ang utak ko kasi kung magiging matalino ako, sobrang perfect ko na. Unfair naman sa iba.


"Tay, ano po – "


Natigil sa pagsasalita si Tamara nang tumawa ng malakas ang tatay niya. Para na ngang hindi siya makahinga sa ginagawa niya. Ang nanay naman niya ay tumatawa na rin pero hindi kasing grabe ng tawa ng tatay niya.

Nagkapalitan kaming lima ng tingin. "Uhh, bakit tumatawa sila?" bulong sa akin ni Hailey.


"Hindi ko alam. Tumawa na lang din tayo," sagot ko sa kaniya at nakitawa sa magulang ni Tamara.


May pagkauto-uto rin naman ang apat na 'to kaya sinunod nga ang payo ko na tumawa. Nang tumigil na ang tatay ni Tamara ay tumigil na rin kami.


"Ano nga ulit pangalan mo, hijo?" tanong niya sa akin.

"Nate po."

"Nate," tatango tango niyang sabi at humarap kay Tamara. "Gusto ko ang kaibigan mong 'to."

"Para siyang tatay mo, Tamara. Joker," dagdag pa ng nanay niya.


Hay. Buti naman at hindi rin pala sila nakaligtas sa charms ko.

Ikwinento nila Piper at Hailey sa kanila ang dahilan kung bakit suspended kami. Hindi sila natuwa pero hindi rin naman sila nagalit. Pinagsabihan nila kami na sa susunod, huwag nang sumabak sa gulo.

Ang astig lang ng magulang niya. Kung anu-ano na rin ang ikwinento nila sa amin. Gusto pa ng tatay niya na sa kanila kumain kahit nakakahiya raw ang ulam nila, na hindi naman talaga nakakahiya kasi naaamoy ko 'yong luto ng nanay niya at gustong gusto kong makikain, pero tumanggi kami kasi gagabihin kami. Suspended na nga, gabi pa umuwi. Lagot kami lalo kapag gano'n.


***

"You're what?" tanong ni Tita Yannie.


Napatigil sa pag-aayos ng pinagkainan namin sila Mama at napatigil sa pagkwekwentuhan sila Papa. Binalot kami ng sobrang katahimikan at naririnig ko na ang mga kuliglig. Sinabi ni Warren na suspended kaming apat pagkatapos namin magsikain.


"Suspended po kami ng tatlong araw," ulit ni Warren sa sinabi niya.


Napalunok ako nang bumalik silang lahat sa mga upuan nila kanina. Napatingin ako sa tatlong kasama ko. Nakayuko si Hailey habang hindi naman makatingin sa mga magulang namin si Pipes. Si Warren naman ay napalunok samantalang ako ay parang maiihi na sa kaba.


"Teka lang. Teka lang. Tama ba dinig ko? Suspended kayo? Suspended talaga kayo?" tanong ni Tita Ayu.

"Opo, Tita. Tatlong araw po at kailangan namin magcommunity service ng isang araw. Bukod po 'yon," sagot ni Warren.

"Bro, isa isa lang naman. Bakit mo pinagsabay-sabay baka lalong magalit mga 'yan?" bulong ko sa kaniya.

"Ayos na 'yon. Para isang bagsakan lang ang sermon."

"Nate, Warren, mamaya na kayo magbulungan," utos ni Tito Xander kaya napaayos ako ng upo.


Halata sa mga mommy at mama namin ang pagkadismaya sa nangyari. Tinanong kami ni Tito Ken kung ano ang nangyari kaya kwinento namin lahat ng nangyar. Mula simula hanggang dulo. Walang mintis. Dirediretsyo.


"Ginawa niyo 'yon?"

"Yes. They just defended me po kaya po sana huwag niyo silang pagalitan."

"Pero ginawa nila 'yon dahil sa 'yon ang gusto nilang gawin, Pipes."


Napatikom na lang si Piper at hindi na nagbalak pang sumagot.


"Nakipagsabunutan ka, anak?" tanong ni Tito Josh kay Hailey. Tumango naman siya kaya napangiti si Tito Josh. "You make – "

"Huwag mo ng ituloy kung ano man ang balak mong sabihin," banta ni Tita Sab kaya napatigil si Tito Josh.


Napabuntong hininga si Mama, "Sinabi niyo palang na gusto niyong magdinner together, alam na namin na may problema. Monday night kasi ngayon. Halata rin sa mukha niyong dalawang lalaki na napaaway kayo. Hindi ko lang inexpect na pati ang mga babae ay kasama sa away niyo. I'm so disappointed. Akala ko pa naman magtatapos kayong lahat na malilinis ang records."


"No wifi. No gadgets. No allowance. Grounded. I need you to give me back your weekly allowance, Piper," utos ni Tita Ayu.

"But – "

"No but's."


Tumango naman ang mga mommies namin at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapalunok. Kakayanin ko ba ang tatlong araw na 'yon? Baka mabaliw ako.

Hinihingi na rin ni Mama 'yong binigay niyang baon sa akin at ganoon din ang ginagawa nila Tita Sab at Tita Yannie.


"Teka lang, Ayu. I think that's too much," kontra ni Tito Ken. Opo, Tito Ken! Go, Tito Ken!

"Oo nga," dagdag pa ni Tito Xander at tumingin kay Tita Yannie. "Ma, kawawa naman si Warren kapag na-grounded."

"No, Da. They have to pay for the consequences of their action. Nakipag-away sila. Hindi maganda 'yon."

"Pero nakipag-away din kayo sa amin noong nasa ganyang edad tayo," depensa ni Tito Josh sa amin.


Oo nga naman! Nakipag-away nga pala sila dati. Hindi ko makakalimutan 'yon. Ilang beses nila nakwento sa amin 'yong pangyayaring 'yon. Si Mama pa nga ang nagsimula ng pakikipagbugbugan noon eh. Wala naman akong natatandaan na nagrounded sila noon. Aba, unfair 'yon!


"Magkaiba naman 'yon, Josh. Nakipag-away kami noon for a reason."

"Ganoon din sila, Zoe. Nakipag-away sila dahil may dahilan."

"Magkaiba 'yon."

"Hindi magkaiba 'yon, Sab. Parehas lang 'yon."

"Hindi 'yon parehas, Ken. Noong nakipag-away kami sa inyo, dahil 'yon sa dinedepensahan lang namin ang mga girls."

"Still sounds the same to me. Dinedepensahan lang nila ang kaibigan nila."

"Dinepensahan namin ang girls noon gamit ang pakikipagbugbugan kasi binully niyo physically ang ibang babae. May binuhusan ng juice, if I'm not mistaken. This time may nabully ba physically?"

"Sinong may alam? Doon din naman ang bagsak no'n. Inunahan lang nila."

"Paano kung wala naman pala talaga silang balak makipagbugbugan? Na they started it?"


Palipat lipat na kami ng tingin sa mga magulang namin. Para silang nagdedebate. May comments bawat sides. Nawala 'yong takot at kaba ko dahil sa pagtatalo nila. Gusto ko sana silang tawanan ngayon kaya lang baka lalo akong malagot.


"I told you may ganitong mangyayari," bulong ni Hailey sa amin kaya nagpigil kami ng tawa.


Umubo si Papa dahilan para mapatahimik kaming lahat. Yumuko ako at nagsalita ng mahina, "Sinabi ko rin sa inyo na oras magsalita si Papa, taob silang pito. Partida, hindi pa 'yan nagsasalita ha."


"Maingay na masyado."

"Ice -- "


Itinaas ni Papa ang daliri niya kaya napatigil sa pagsasalita si Tito Josh.


"Ako muna. Kapag tapos ko, saka kayo magsipagsalita," seryosong sabi niya at wala namang kumontra. "Lahat tama pero lahat din mali. Josh, Ken, Xander, tama kayo na ginawa na natin 'to noon. Tayo pa ang magkakaaway. Pero nangyari 'yon dahil kasalanan ko at may nasaktan o napahiya ako physically. Ladies, tama rin kayo sa pagdedepensa sa sarili niyo at sa pagdidisiplina sa mga bata. Kaya lang hindi ba parang masyado nga naman ang parusang gusto niyo? Kids, tama kayo na protektahan ang kaibigan niyo at ipaglaban ang sa tingin niyo ay tama. Pero ilagay niyo sa lugar at huwag ng paabutin sa pisikilan ang bagay na madadaan naman sa matinong usapan.

"Kung para sa parusa, uulitin ko, grabe ang sinuggest niyo ladies. Hindi ba pwedeng pagaananin man lang 'yan? May parusa na sila sa eswelahan at dapat nga na bilang magulang, disiplinahin din natin sila pero 'yong tama lang. Ano sa tingin mo, Zoe? Anong dapat nating gawin kay Nate?"


Kung bilib at bilib lang naman, bilib talaga ako kay Papa kasi nagagawa niyang ayusin ang gulo. Kaya lang mas bilib ako kay Mama kasi nasa kanya pa rin ang huling salita.

Lahat kami ay napatingin kay Mama. Napabuntong hininga siya at saka alo tiningnan sandali at ibinalik ang tingin sa iba.


"Tama si Ice. Sige, hindi ko na kukinin ang allowance mo, Nate. Ang gadgets, hindi ko na rin icoconfiscate. Pwera sa xbox mo. Pwede kang lumabas pero may curfew. 6pm ang pinakalate. For three weeks. Pero.. oras na maulit 'tong nangyari, asahan mo na doble pa sa dapat ay unang parusa sa 'yo ang gagawin ko."

"Opo, Mama."

"Kayo," nilingon niya ang iba pang magulang. "nasa sa inyo na rinnang desisyon kung ano ang gusto niyong gawin sa mga anak niyo. Basta para kay Nate, ito ang tingin kong ayos sa kaniya."


Sa bandang huli ay naging iisa rin ang desisyon ng mga magulang namin.

Hindi na rin kami kumontra. Like what they said, we should take responsibility for the mess we'vd made. We deserve this punishment after all.


***

Warren's POV


"And.. we're done," anunsyo ni Hailey sabay sara ng laptop niya. "Congrats, guys."

"Wow. We really did it. Within a day, we managed to finish this happiness project."

"May silbi pa rin ang suspension na ipinataw sa atin."

"Now, we can do whatever we want to do. It's still early pa naman."


Sumigaw si Nate habang hawak hawak ang isang dvd, "Movie time!" Nagsalang siya ng horror movie at umupo sa sahig pagkatapos. Katabi niya si Hailey sa kaliwa niya samantalang si Piper naman ang nasa kanan niya at katabi ni Piper si Hunter sa gilid niya. Nakaupo naman si Tamara sa solo na upuan sa dulo ni Hailey at ako ay humiga sa sofa nila at pumikit.

Sayang ang sofa kung hindi magagamit.

Nagsalita ng mahina si Hailey pero dahil sa katapat ko lang siya ay narinig ko ang sinabi niya, "Matutulog, huh. You're still scared."

Pagdilat ko ay nakatalikod siya sa akin pero alam ko na ako ang sinasabihan niya, "Sino nagsabing takot ako?"


"Idedeny pa ba? Alam na alam ko na, 'no. Bata palang tayo takot ka na sa multo at sa mga horror films."

"Hindi naman. Tingnan mo, kaya kong panoorin 'to "

"Sige na lang," natatawa niyang sagot.


Pakiramdam ko hinahamon talaga ako nito eh. Kaya kahit antok na antok ako hindi ako natulog para lang mapanood 'to.

Nasa kalagitnaan palang ng movie ay napapakapit na ako sa upuan ko. Kapag may mga nakakagulat ay napapamura ako. Tawa naman ng tawa si Hailey na nasa unahan ko.

Nang may biglang lumitaw na multo sa salamin, hindi ko na naman napigilan mapamura, "Tangina naman. Magsesepilyo na lang kasi napakaOA pa kung makayuko. Kaya nagugulat eh."


"Chill, Warren. Normal na 'yon sa mga movies. Walang bago. Expected na. Hindi na nakakagulat."

"Anong hindi. Nakakagulat pa rin. Ayon nga ang purpose no'n eh. Ang manggulat."

"Duwag ka lang talaga."

"Hindi nga – "


Napahinto ako sa pagsasalita nang humarap sa akin si Nate at nakakunot ang noo. Ano na naman ginawa ko?


"Umamin ka na lang kasi na nakakatakot ka. Nakakadistract ka sa panunood."

"Yabang nito. Akala mo siya matapang. Hindi ka lang naman natatakot palibahasa nakagitna ka sa kanilang apat."


Napatawa si Piper at Hailey sa sinabi ko at sumang-ayon. Kung titingnan naman kasi talaga, siya 'yong nasa pinakagitna.


"Yabang pa, ha, pero kung makagitgit sa mga katabi kala mo hindi na nausuhan ng space," dagdag pa ni Tamara kaya mas natawa 'yong dalawa.

"You're both scared naman kaya huwag na kayong mag-away," panggagatong pa ni Piper.

"Agree. Duwag kayong dalawa. Case closed. Huwag na kayong magsalita ulit. Manood na lang tayo."


Pinagtulungan na nila kaming tatlo kaya wala na rin kaming nasabi ni Nate. Hindi naman kami mananalo sa mga babaeng 'to. Mapapahaba lang namin ang argument pero ang bagsak no'n, sila pa rin ang panalo.

Tama rin naman ang desisyon ko na huwag na lang kumontra. Palibhasa sa tingin ko tama sila. Duwag na kung duwag pero hayop. Nakakatakot 'tong isinalang ni Nate, eh.


"Shit. Damn this movie. It's scary," bulong ko nang magulat na naman ako.

Napailing si Hailey at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig at pinaayos ako nang upo saka umupo sa tabi ko.


"Kung inadmit mo lang noong simula palang na takot ka, edi simula pa lang din tinabihan na kita para mabawasan 'yong takot mo. Pinapairal pa kasi ang ego. Takot naman ayaw pang aminin."


Sa halip na sumagot, hindi na lang ako nagsalita. Tama naman kasi siya. Bakit ko pa dedepensahan ang sarili ko kung alam ko naman na mali na ako?


***

Hunter's POV


"Walang work?" tanong sa akin ni Piper. "Kaninang hapon ka pa nandito."


Nakaupo kami sa may damuhan sa bakuran ng Nerd. Pagkatapos namin manood ng nakaantok at nakakabagot na movie, bigla na lang nag-aya 'yong mga isip batang mga 'to na lumabas para kunyari magpipicnic. Daming alam.


"Parang sinasabi mo indirectly na umalis na ako dito."


Sinamaan niya ako ng tingin at saka nang-irap, "I'm just asking."


"Day off ko ngayon."

"Hey, I'm just wondering.. 'di ba sabi mo na you ran away from home? Do you live alone? Or you're living kasama ng iba mong relatives?"


Tiningnan ko lang siya at hindi pinansin. Mukha namang hindi siya na-offend sa hindi ko pagsagot sa tanong niya. Maingay ang isang 'to at matanong. Pero alam niya kung kailan tatahimik at magsasalita. Kaya rin niyang magtago ng sikreto ng ibang tao na para bang sa kaniya 'yong sikretong 'yon.

Medyo malaki na rin naman ang utang na loob ko sa kaniya kaya wala sigurong masama kung may malaman pa siyang ibang bagay tungkol sa akin.


"Mag-isa lang ako."


Kahit hindi ko siya tinitingnan, naramdaman ko 'yong mabilis na pagtingin niya sa akin na parang nagulat siya at nagsalita ako.

Cute.


"Oh. Then you know mga gawaing bahay?"

"Hindi."

"What? Then who cleans your house? Who makes your food? Or washes the dishes and the laundry?"

"Nagnakaw ako sa account ng magulang ko para bayaran 'yong tuition fee ko."

"Ha?"

"Bayad na ako sa fee ko sa school. Nagtratrabaho ako para naman sa pagkain at pangsarili kong gamit."

"Wow."


Napangisi ako sa naging reaksyon niya. Malamang masamang tao na ang tingin sa akin nito o katumbas ng gano'n. Nagnakaw ako sa magulang ko at ang akala niya, nagtratrabaho ako para makapag-aral at magsipag. Ngayon siguro alam na niya na nagtratrabaho ako para sa pangsarili kong kapakanan.


"Now I get it. You're working para may payment ka sa rent. Para makabili ka ng foods mo and since you don't know how to cook, para na rin kumain sa kainan kung saan man. Of course you're paying din for electricity and water tapos para rin sa laundry since you don't know how to do that. At that young age ang independent mo na. Siguro karamihan ng kasing age mo wouldn't survive in that kind of situation knowing na nanggaling ka pa sa well-off na family. It's obvious naman."


What? Seryoso ba siya? Hindi ba siya mandidiri man lang o magagalit sa akin?


"Nagnakaw ako ng pera sa magulang ko," pag-uulit ko pa dahil baka hindi niya narinig ang parting 'yon.

"Ginawa mo lang naman 'yon kasi you want to continue your study. You could steal larger amount pero mukhang hindi mo naman ginawa kasi you're working para sa needs mo. Nagnakaw ka lang kasi kailangan mo."

"Sinasabi mo ba na tama ang magnakaw?"


Umiling siya at saka ako inirapan. "It's just that kita sa 'yo ang want mo para makapag-aral. Education is important for you and that's admirable."

Nginitian niya ako at parang may kumiliti sa akin dahil sa ginawa niya, "Knowing you, alam ko naman na papalitan mo kung ano man ang kinuha mo. It's not pagnanakaw. Siguro it's more like panghihiram."

Unbelievable.


"Okay na, Pipes!"


Napatingin kami sa papalapit sa amin. 'Yong maluwag ang turnilyo.


"Nagpaalam na ko. Nakila Hailey lang naman daw tayo kaya wala munang curfew."

"Nice," sagot ni Piper sa kaniya at nakipag-apir.


Saglit lang at nagdatingnan na rin 'yong iba dala 'yong mga pagkain at may gitara pa.

Nagkwekwentuhan sila at kumakain naman ako. Nang mapansin kong walang gumagamit ng gitara ay kinuha ko 'yon. Dinaladala tapos hindi naman pala gagamitin. Sayang.

Nang nag-strum ako ng intro ng isang kanta bilang humarap sa akin si Piper.


"That's a nice song. I don't know the lyrics though. Kabisado mo?"


Nginisian ko lang siya at nagpatuloy, ♫ Been thinking about all the days you were right by my side. Been thinking about how you never left me behind. And all of the things that you said to help me ease my mind. So I'll be there when you call. Pick you up when you fall. And if you ever get lonely, I'll be there in a heartbeat.


"Wow. You have a very calm voice."

"Pasali naman kami!"


Lumapit sa amin 'yong bestfriend ni Piper at sumunod naman ang iba. Tumigil na ako sa pagkanta pero hindi sa pag-strum.


"Warren, madalas mo 'tong tugtugin 'di ba? Sample!" sigaw pa niya.


Napailing 'yong basketball player pero kinuha ang isa pang gitara at sinabayan ako sa pagtugtog at saka siya kumanta, ♫ Been travelling this road for so long. We're still going strong 'cause without you here I'd be nothing. Nothing at all. Even when times are bad you believed in me and now I'm standing tall. And I just wanna thank you for sticking through it all.


***

Nate's POV


♫ This song is for you. For everything we've been through. It's been so long overdue.. I just wanna say thank you. ♫


Pagkatapos na pagkatapos kumanta ni Warren, nakita ko ang pagsulyap niya kay Piper at kay Hailey. Samantalang ito namang si Guevarra, kung hindi lang siguro maganda ang anggulo ko ngayon, baka hindi ko nakita 'yong ginawa niyang pagsabay sa thank you ni Warren at sumulyap pa kay Pipes.

Halimaw mga 'to.

Ano ngayon kami ni Tamara dito? Props? Dagdag audience impact? Bwisit 'tong mga 'to.


***

Song title: Thank you by Jason Chen


Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
13.7M 479K 42
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...