These Three Jerks

By SweetAdmirer

1.8M 47.4K 9.9K

Clumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Phil... More

These Three Jerks ♥
Prologue
I. The First Jerk
II. Ang Anghel
III. Hotdog ni Pogi
IV. Ang Saging
V. Ehersisyo
VI. Meet Coffee
VII. Haba ng Hair
VIII. Ang Social Studies
IX. Her First Day
X. Doraemon
XI. Impregnated
XII. The Third
XIII. Suplado
XOXO. Halloween Special
XIV. Ano Kami Barbie?
XV. Hotdog, Saging, at Patola
XVI. Storm Signal
XVII. Three Jerks Reunited
XVIII. Singular and Plural
XIX. Tooth Brush
XX. Hapagkainan
XXII. Humble
XXIII. Jeepney
XXIV. Specimen
XXV. Beast Mode
XXVI. George's Insanity
XXVII. The Stains
XXVIII. Strawberry Jam
XXIX. The Resolution
XXX. Breeding

XXI. Biology

23.4K 907 144
By SweetAdmirer

21. Biology

Isang kotse lang ang ginamit nila Domeng papuntang school. Si Miguel at Paeng ay nasa back seat habang ako naman ay nandito sa shotgun seat daw ang tawag. Medyo natakot pa nga ako dahil akala ko ay nagbibiro lang si Domeng. Hay naku, paano na lang kung may bumaril sa akin gamit ang shotgun? Hays, sayang naman ang buhay ko.

Nakarating kami sa school ng mas maaga sa inaasahan namin. Kagaya ng dati, maraming kumukuha ng litrato sa mga kasama ko. Well, hindi ko rin pansin na marami rin palang pinagkakautangan si Miguel. Marami talagang utang itong mga lalaking 'to!

"Take care, good luck to your classes," sabi ni Domeng gamit ang mahinahon niyang boses. Ngumiti naman ako sa kanya at sinabing, "Good luck rin sa klase mo!" masaya kong sabi bago ako inakbayan ni Paeng. Hays, ang bigat talaga ng kamay ng lalaking 'to.

"Tumataba 'yang kamay mo, ang bigat na niya," sabi ko kay Paeng. Masyado atang nagmamadali si Domeng dahil hindi na siya nangulit. Kasabay ko ngayon si George at Miguel sa paglalakad. Buti na lang talaga ay hindi maulan ngayon. As usual, maraming nakatingin sa amin. Kakaiba talaga kasi 'yung modus ng mga kasama ko, mangungutang tapos hindi babayaran.

"Nakakain ka ba ng maayos kanina?" tanong sa akin ni George habang nakapahinga ang malalapad niyang braso sa balikat ko. Nasa tabi ko si Miguel at tahimik lang siya. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa likod ng batok niya. Siguro, kaya nakataas ang kamay niya dahil basang basa na ang kili-kili niya. Hays, ang aga namang waterfalls niyan.

"Oo naman, masarap 'yung hotdog, itlog at saging niyo e. Busog na busog nga ako. Ang sasarap niyong magkakapatid." Sabi ko at namilog na naman ang mata ni Geroge. Napatingin rin si Miguel sa kapatid ko.

"Masarap kami?" tanong niya. Napa-huh naman ako sa isip ko. Duh, baliw na naman itong si George.

"Syempre 'yung pagkain na niluto niyo! Ano ka ba Geroge! Gutom ka na agad? Hindi ko naman kayo makakakain e! Tss, baliw!" sermon ko at bumulong si George pero narinig ko pa rin.

"Ikaw ang baliw.." sambit niya. Napatawa na lang ako. Sus, parang bata na may pabulong bulong pang nalalaman.

"Uhm, Nica. Una na ko, mas malayo 'yung building ko sa inyo ni Miguel. Ingat kayong dalawa," hindi niya na ako pinagsalita dahil tumakbo na rin siya. Hays, mga takot malate.

Hinawakan ko ang braso ni Miguel.

"Ikaw na lang ang natira sa kanila, saan ba 'yung room natin ulit?" kaklase ko si Miguel. Pero hindi ko talaga makabisado kung saan 'yung mga rooms ko. May paiba iba pa kasi ng room at ang mga estudyante ang lumilipat ng room at hindi mga professor. Bakit hindi na lang kasi ang room 'yung lumilipat para hindi kami mapagod kakalakad?

"Nagawa mo ba 'yung assignments natin last week?" tanong sa akin ni Miguel. Napaurong naman ako at napahawak bigla sa mukha niya.

"Anong subject may assignment?" tanong ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya sa tanong ko.

"Bakit hindi mo alam?" tanong niya sa akin.

"Dahil hindi ko alam," sagot ko.

"Bakit hindi mo nga alam na may assignment tayo?" tanong niya ulit sa akin.

"Ang kulit mo naman Miggy! Hindi ko nga kasi alam!" sagot ko. Nakakainis naman, e. Kaya nga ako nagtatanong dahil hindi ko talaga alam. Pero kung may assignment man, patay ako nito.

"May assignment sa Bio. First subject natin to be exact. Pinapasagutan 'yung worksheet sa libro. Madali lang naman 'yun, encircle the letter lang." sagot niya sa akin. Pinaghahampas ko naman siya at malapit na akong maiyak.

"Anong oras na?" tanong ko at pinakita niya sa akin ang relo niya. "Miguel, huhu! Hindi ko alam na may assignment at hindi rin ako marunong magbasa sa ganyang relo!"kulang na lang ay mapasabunot siya sa buhok niya dahil sa pagkatulala niya sa sinabi ko. Paano ba kasi binabasa 'yung mga kamay ng relo? Hindi naman nababasa 'yung kamay e, mata kaya 'yung pinambabasa.

"8:45 na," sagot niya sa akin. Hala, 9 o'clock 'yung klase namin sa Bio sa pagkakatanda ko."Nasaan ba 'yung libro mo?" tanong niya sa akin. Napatulala ako sa kanya ng mga ilang segundo bago ko naisip kung saan naming nilagay ni George ang mga libro at ibang gamit ko.

"Nasa locker room," sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa locker room ng building namin, "Wala dito sa building natin. Nakikishare ako sa locker ni George!" narinig ko ang pagsasabi niya ng fvck. Hala, ayan na naman 'yung salitang 'yan.

Wala kaming inaksayang oras at tumakbo kaming dalawa papunta sa building ni George. "Bakit hindi mo kasi ginagawa 'yung mga assignments mo, Niknik" Pambihira naman oh, nagiging makakalimutin ka na."pagsesermon ni Miguel sa amin habang hinahabol ko ang hininga ko. Ay gyud, mamatay ata ako sa sobrang hingal.

"Hindi ko nga kasi alam, tsaka kasalanan ni George 'to! Pinaiwan niya sa akin 'yung mga libro ko sa locker niya, mabibigatan daw kasi ako." Sabi ko.

Sa sobrang bilis ng takbo namin ay halos pagpawisan ang noo ko. Pinaglihi ata sa kabayo si Miguel dahil sa bilis niyang tumakbo. Pero parang hindi naman siya hiningal kagaya ng kabayo? Diba kasi ang kabayo parang hinihingal kapag tapos na ang karera, pero itong si Miguel ay hindi. Therefore, I conclude. Pinaglihi siya sa kotse.

"Nasaan 'yung susi?" tanong niya sa akin. Nakatunganga ako sa kanya. Duh, syempre na kay George ang susi. Ako ba may-ari ng locker na 'yan? Mukhang nabasa niya 'yung nasa isip ko at napafacepalm na lang siya.

"Paano natin mahahanap 'yung room ni George?" tanong niya sa akin. Napaglinga linga ako sa paligid para magtanong tanong na lang kami ng biglang may pumasok na ideya sa isip ko.

"Itanong mo diyan sa babae sa may hagdan." Sabi ko sa kanya.

"Baka hindi niya alam." Sagot sa akin ni Miguel.

"Pustahan, alam niya 'yan oh. Bente bente tayo?" sagot ko at napailing na lang siya habang lumalakad papalapit sa babae. Paniguradong alam ng babaeng 'yan kung nasaan si Paeng, duh, marami kaya silang utang sa mga babae dito. Dapat kasi ay marunong silang magbayad.

Mabilis pa sa isang minuo na natapos ang pakikipag-usap ni Miguel sa babae. Para ngang mangangain ng buhay 'yung babae pagkatingin sa akin. Hays, bakit ba ganito ang mga babae dito sa school namin? Nako, huwag nila ako dinadamay sa mga kagaguhang pinaggagawa nila Domeng. Marunong naman akong magbayad ng utang 'no!

"Stay right here, kuhanin ko lang 'yung susi." Pagpapaalam niya sa akin. Um-oo na lang ako sa kanya. Nakita kong umakyat siya ng hagdanan at ako naman ay naiwang mag-isa sa harap ng mga lockers. Buti na lang ay may mahabang bakal na upuan, umupo ako dito at hinintay ang pagbabalik ni Miguel.

So tama nga ang hula ko, pinaglihi talaga 'tong si Miguel sa kotse dahil hindi siya napapagod kakatakbo. "Ikaw na rin kaya magsagot ng worksheet ko?" tanong ko sa kanya habang inilalabas niya ang libro sa locker ni George.

"Sa locker ko na lang kaya ikaw makishare para hindi ka nalalayuan? Tutal, kaklase mo naman ako." Sabi sa akin ni Miguel. May kinuha siyang ballpen sa loob ng slacks na suot niya.

"Sige, mamaya. Mag-eevacuate na ako." Sabi ko at tumawa. Tahimik lang si Miguel habang nagsasagot. Napatitig naman ako sa mukha niya. Napakagat ako sa labi ko noong mapagtanto ko na gwapo rin siya kagaya nila George. Ang tangos ng ilong niya na parang ang sarap lapirutin. Ang haba ng pilikmata niya na masarap sabunutan. Mapula ang labi niya na parang masarap. Well, masarap talaga , kulay mansanas e.

"I'm done, pumasok na tayo." Sabi niya sa akin at ibinigay ang libro sa akin.

"Super thank you talaga, anong gusto mo bilang kapalit?" tanong ko sa kanya. Umiling siya sa tanong ko, "Wala kang gusto?"tanong ko ulit.

Sabay kaming naglakad papunta sa building naming, "Wala nga, sapat na 'yung kasama kita." Huminto siya sa paglalakad at kinuha niya ang kamay ko para ikapit sa braso niya, "Sapat na 'yung inalagaan mo ko," ngumiti siya sa akin.

"Hala, hindi ba tayo tatakbo? Male-late tayo,"

"No need to worry, may fifteen minutes naman na allowance."

Nakarating kami sa room dalawa. Pumasok kami ng sabay at parang mga kriminal ang tingin nilang lahat sa aming dalawa. Tahimik kami na umupo ni Miguel sa upuan namin. Walang nagsasalita. Napansin ko rin na wala pa 'yung ibang mga kaklase namin.

"Okay, please pass your assignments to your class beadle." Sabi ng babaeng professor namin. Tahimik naming pinasa ang worksheets namin papunta doon sa class beadle namin sa harap na busy sa pagkokolekta ng mga papel.

"Today, we won't do anything. You are free today but I'll give you the requirement for the next activity," pagpapatuloy niya pa. Kinausap ko si Miguel sa tabi ko.

"Sana buong araw, walang klase 'no?" bulong ko sa kanya. Maiingay ang mga kaklase naming, tuwang tuwa sila sa mini-suspension na naganap sa subject naming na ito.

"Refrain from talking, class!" sigaw niya. Tumahimik ang buong klase, "Your next activity is going to be fun and interesting."Halos mag-ingay na naman ang buong klase dahil sa sinabi ni Ma'am. Ano ba 'yan, puro kasi kami babae sa klase at halos bilang lang sa daliri ko sa kamay ang lalaki. Wait, ilan nga ba sila? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang lalaki. Tapos mga 30+ na babae.

"Ma'am what activity is it?" tanong ng babaeng nasa tabi ni Miguel. Hindi pa ako pamilyar sa mga pangalan ng kaklase ko.

"Since all of you were very excited, our next activity is about seeing a live sperm on the microscope. I want each one of you to bring a sample of live sperm tomorrow morning. Place it on a cooler after you have gathered the said sample, so it won't die. To those who'll bring sample will have an incentives. Okay class, let's call it a day, dismiss." Sabi niya at nanahimik ang mga babae kong kaklase. Saan ako kukuha ng sperm?

Continue Reading

You'll Also Like

628K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.1M 84.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.9M 94.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...