Breaking the Bad Boy (Publish...

Per blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... Més

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 16: Tell me your secret

597K 18.8K 3.1K
Per blue_maiden



Angel's point of view.

(Now Playing: Hold me tight - BTS)

"Tell me," nanlaki agad ang mata ko ng marinig ko siya. Sa boses pa lang niya kilala ko na siya. Naglakad siya papalapit sakin at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Posible bang narinig niya kami? "What does it mean?" Tumayo siya sa harapan ko habang ako hindi makagalaw. Narinig niya nga kami. Ano nang gagawin ko? Anong sasabihin ko? Napahawak na ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"What are you talking about?" I said pretending that I don't know anything.

"I'm not stupid. I've heard my brother." Magsasalita pa sana siya pero bigla na lang sumigit si Kiro.

"Since when did you become a nosy person, huh?" He said sounding irritated. "Leave us alone, it's not your business."

Nakita kong sinara ni Skie yong dalawa niyang kamay. I know he's pissed off and for some reason it's scares me. "Shut up Kiro. I'm not talking to you." He said while looking at my laptop. Humarap ulit siya sakin at tinignan na naman niya ako diretso sa mata ko. "Why would you love me? Tell me."

I don't know what to say. It feels like I'm running out of air, I can't breath. I'm not ready for this, I don't want him to know about us, for now or maybe never. I'm not part of his life anymore, right? He's someone else now, not the Skie I know.

"It's nothing." I answered. "Don't mind that." I turned my back at him trying escape this but he grabbed my hand.

"No, you'll not gonna get away from me with just like that. I'm not stupid! I know it has something to do with me. What is it?!"

What would I say? I don't really know. I know I could escape this, I can make up an excuse but Kiro stopped me from saying anything. "Come on, just say it Trix. Malaman man niya ang totoo, wala nang magbabago. He broke up with you before the accident. You two are already over before he got that damn amnesia, so the truth will not matter anymore. Just say it."

Pareho ulit kaming napatingin sa screen ng laptop ko, kay Kiro. I can't believe he's gonna say it but I've just realized that he's right. The truth wouldn't matter anymore. It's over for us even before. Malaman man niya ang totoo, wala naman magbabago eh. Ayaw na niya sakin. Wala na kami. Bakit nga ba tinatago ko pa sakanya ang totoo?

"Wait, what are you talking about, Kiro?!" Litong lito na si Skie. Tinignan niya si Kiro pagkatapos bumalik ang tingin niya sakin. Hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. "What is he talking about? How come I broke up with you if we're not even together?"

Tumayo ako at hinarap ko siya. It's time for him to know. Whatever happens, after this I know I'll be free. Free from my past. The past that's always haunting me. Maybe that's the last piece I need for me to completely move-on with him.

"Can you fvcking explain what does that mean?! I can't understand what the hell is going on."

Pinikit ko ang mata ko at huminga ako ng malalim. It's about time.

"Skie, I'm your ex-girlfriend."

Natahimik kami pero maya maya bigla na lang tumawa si Skie. "You're kidding! This is not true, this can't be true!"

"Skie, I'm saying the truth."

"No, you two are playing with me, what a joke but you know what, it's not funny." Tumalikod siya pero nagsalita na naman si Kiro.

"You shouldn't have ask if you'll not going to believe her. You're really stupid, you know? Bur yeah, what can you do? You have amnesia. There's an album under Trix's bed, get it and you'll see."

Bumalik siya at tinignan niya ako at si Kiro. Hindi siya nagsalita pero naglakad siya papunta sa kama at para hanapin 'yong album ko sa ilalim ng kama ko. Binuksan niya 'yon at nanlaki agad ang mata niya sa mga nakita niya. Nandon lahat ng picture namin mula high school hanggang araw na nakipag break siya sakin sa resto.

"May selective amnesia ka at ang tanging alaala lang na nakalimutan mo ay ang tungkol sakin, satin. One week bago 'yong car accident mo, nakipag break ka sakin sa paborito nating resto sa New York. Hindi ko alam kung bakit kaya sobrang nasaktan ako. Nung nangyari 'yong aksidente, pumunta agad ako sa hospital para kamustahin ka, alalang alala ako sayo non pero hindi mo na ako maalala, sa lahat ng tao, ako lang ang nakalimutan mo, Skie. Sobrang nasaktan ako. That's why I've decided not to enter your life again. Para saan pa? Wala na tayo, tinapos mo na din ang lahat satin." Kahit anong pigil ko hindi ko na napigilan na maiyak sa harap niya. "I thought maybe that's how we should end. I thought maybe it's really meant to happen. That's our fate."

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Hinihintay ko 'yong sasabihin ni Skie pero walang lumalabas sa bibig niya. Nakita kong sinara niya ulit yong dalawa niyang kamay. Nakayuko lang siya sakin kaya hindi ko makita 'yong mukha niya.

"Skie, I'm sorry.."

Tinginan niya ako pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Ang alam ko lang puno siya ng galit. "Alam ba 'to nila Mom at Dad?"

"Skie--"

"Just answer me!" Sigaw niya at hindi ko maiwasan na matakot sakanya. "Alam ba nila 'to?!"

"Oo, pero--" hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko kasi tumakbo na siya palabas ng kwarto ko dala dala ang almbum. Tinignan ko si Kiro.

"Sundan mo na siya." He said.

Dumiretso siya sa garden kung nasan si Tito Charles at Tita Serina. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Mukhang galit siya sa parents niya.

"Is Angel my ex-girlfriend?" Mahina lang 'yong boses niya pero ramdam mo 'yong galit niya. Pinakita niya 'yong album. "Tell me, totoo ba lahat ng nandito sa album na 'to, lahat ng mga sinabi ni Angel?"

Parehong nagulat si Tito Charles at Tita Serina. Tinignan nila ako mula sa likuran ni Skie at tumango na lang ako. Ayoko silang maipit sa problema na ako ang may gawa. Alam kong ginagawa nila ang lahat para kay Skie kaya ayokong magalit si Skie sakanila.

"Totoo lahat ng 'yon." Sagot ni Tito Charles. "Let me explain, Skie."

"I can't believe you hide this to me Dad. Sa lahat ng tao si Anya at kayong dalawa lang ni Mom ang pinagkakatiwalaan ko pero nagawa niyo akong lokohin. Galit na galit kayo kapag nagsisinungaling ako sa inyo pero all this time nag sisinungaling din pala kayo sakin, anong klase kayo?! Kung kailan bumabalik na 'yong loob ko sa inyo, kung kailan parang mabubuo na ulit tayo, malalaman ko 'to? Pinagmukha niyo akong tanga eh!" May mga luha ng pumapatak mula sa mata ni Skie. "Wala akong kaalam alam sa lahat.. well, may amnesia nga pala ako so wala akong naaalala pero dapat sinabi niyo pa din sakin. Just so you know, I have the right to know all of this."

Lumapit ako kay Skie at hinawakan ko ang kamay niya. Tinignan niya ako na punong puno ng galit. "Hindi nila kasalanan ang lahat, ako ang nakiusap sakanila na wag nang sabihin sayo ang lahat. I'm the one to blame here, Skie."

Sa mga tingin niya ngayon sakin parang sobrang tindi na ng galit niya sakin. It hurts me to see him like this. He hated me and I know I deserved it. "Oo ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Alam mo simula ng bumalik ka sa buhay ko, wala ka ng nagawang tama! Ayaw mo na palang pumasok ulit sa buhay ko pero bakit nandito ka?! Bakit ginugulo mo na naman 'yong buhay ko ha?! Akala mo ba babalik pa ulit ako sayo? Hindi na! Ayoko ngang tanggapin na maging girlfriend kita! Dapat hindi ka na bumalik pa eh, masaya na ako sa buhay ko may mahal na akong iba at hindi na kita kailangan kaya sana hindi ka na lang bumalik! Ginulo mo lang 'yong isip ko! Ginulo mo lang ulit 'yong pamilya ko!"

I can't help to cry hard. It hurts me so damn much. I know I'm over him but the words he said is hurting me damn so much.

"Skie kami ang nagpabalik dito kay Angel. We can't even control you anymore at si Angel na lang ang naisip namin ng Dad mo na makakatulong samin kaya kinausap ko siya, kaya siya nandito. Siya lang 'yong nag iisang nagpatino sayo non. She was just trying to help you get better." Sambit ni Tita Serina.

"To get better? Bakit ganon na ba ako patapon sa paningin niyo Mom? Ganon na ba ako kawalang kwenta para pabalikin niyo pa dito 'yong ex-girlfriend ko? Kayo 'yong magulang ko pero kayo pa 'tong walang tiwala sakin." Tumalikod siya samin.

"Where are you going, Skie?" Tanong ni Tito Charles. "Come back here!"

"No, this time hindi na talaga ako makikinig sa inyo. I don't really know what to believe anymore. Aalis na ako sa bahay na 'to!"

Sinubukan siyang habulin ni Tita Serina pero pinigilan siya ni Tito Charles. "Hayaan mo na muna siya Serina. Kilala ko na siya at hindi niya tayo papakinggan kapag galit siya."

"Susundan ko po siya." Paalam ko.

Hindi ko na hinintay 'yong isasagot nila, tumakbo na ako para sundan si Skie. Sumakay agad siya sa sasakyan niya. Good thing may susi ako sa isa sa mga kotse nila Tito. Sinundan ko agad siya at hindi na ako nagulat ng mapunta kami sa bahay nila Anya. Pinarada ko 'yong kotse sa hindi malayo para hindi niya ako makita.

Umiiyak siya at hindi ko maiwasan na masaktan habang nakikita siyang ganito. Alam ko na matapang siya at iiyak lang siya kapag talagang nasasaktan siya. Ganon ko ba siya nasaktan? Naramdam ko na may mga luha na din na tumutulo galing sa mata ko. Kaya siguro ayoko na malaman pa niya ang lahat dahil alam ko na masasaktan lang siya kapag nalaman niya na halos lahat kami nag lihim sakanya. Tama siya eh, dapat hindi na ulit ako pumasok sa buhay niya kung pinili ko din naman na umalis two years ago. Ang tanga tanga ko. Gusto ko siyang tulungan pero mas lalo ko lang pinalala 'yong sitwasyon.

I hate myself.

I wish I didn't come back. I wish I can turn back time, maybe this wouldn't be so hard.

Bumukas ang gate at sumalubong agad sakanya si Anya. Niyakap agad siya ni Skie habang umiiyak siya. May kung anong kumirot sa puso ko. We used to be like that. Kakatok siya sa bahay namin at iiyak siya sa mga balikat ko. Mahirap palang makita siyang ginagawa yong mga mga bagay na ginagawa namin.. sa iba.

Nakaharap sakin si Anya at nagulat ako ng magtama ang mata namin. Alam kong nakikita niya ako dahil hindi niya inaalis sakin ang masama niyang tingin. Pinaandar ko na lang 'yong kotse at umalis na agad ako.

Nag drive ako palayo at kung saan ako pupunta, hindi ko alam. Ayoko pang umuwi sa bahay nila. Ayokong makita ako nila Tito Charles na umiiyak, ayokong malaman nila Mom at Dad na umiiyak na naman ako dahil kay Skoe dahil panigurado kakamuhian na nila si Skie.

Nag drive lang ako at kung hindi pa dahil sa mga signs, hindi ko malalaman na nasa MOA na pala ako. Ang tagal na din nung huling nakapunta ako dito. Dumiretso ako sa seaside para makita ko 'yong dagat.

Naglakad lakad ako hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta. Ang daming tao kaya pumunta na lang ako dulo ng seaside sa bandang ferris wheel. Walang masyadong tao dito. Alam ko na umiiyak pa din ako at ayokong madaming tao ang makakita sakin. Umupo ako sa gilid paharap sa dagat.

Hinayaan ko na yong sarili ko na umiyak. Nilagay ko sa tuhod ko 'yong ulo ko. Wala na akong pakialam pa kahit may umupo pa sa tabi ko. Naiiyak na talaga ako. Ang sakit lang ng mga nangyari ngayon.

Pag angat ko ng ulo ko, may nakita akong panyo sa harapan ko. Tinignan ko agad kung sino 'yong nag abot sakin non. "Caleb? Anong ginagawa mo dito?"

"Pupuntahan sana kita sa bahay nila Skie kaso bago ako mag park nakita ko 'yong Montero ni Skie palabas tapos nakita kita kaya sinundan kita hanggang dito. Natatakot kasi ako baka maligaw ka."

Napangiti ako pero hindi pa din non napigilan ang pag-iyak ko.

Pinunansan niya 'yong mga luha sa mata ko gamit 'yong panyo niya pero umiwas agad ako. "Caleb, kaya ko na 'yong sarili ko. Sorry kung nakita mo pa akong umiiyak."

"Alam mo okay lang naman paminsan minsan na sabihin mo na hindi ka okay. Minsan mas nakakagaan 'yon ng loob, kapag linabas mo 'yong totoo mong nararamdaman. I know you're not okay. Wag mong sabihin na tears of joy yan?"

I smiled at his words. Para na siguro akong baliw na umiiyak habang nakangiti.

"Maganda ka pa din kahit mukha ka ng baliw ngayon." Pagbibiro pa niya. Pinunasan ko 'yong mga luha sa mata ko. "Kung gusto mo akong gawing sandalan, okay lang. Kung kaya mo akong pagkatiwalaan ng problema mo, sabihin mo lang sakin para kahit papaano matulungan kita. Hindi ako sanay na nakikita kang ganito."

Tinignan ko siya at tinignan niya din ako. Maybe I could cry on him. I really want to ease this pain coz' honestly it's starting to kill me now.

Sinandal ko 'yong ulo ko sa balikat niya. "Thank you.. Caleb."

Continua llegint

You'll Also Like

1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
322K 13.3K 13
Would online relationship work between a college student and a mysterious stranger? Pre-quel story of Jake Clarence Montes
1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...