Behind the Spotlight (COMPLET...

Por GoddesssXLove

95.9K 3.3K 491

Living under the spotlight is never easy. Your world become other people's world. With all the busy schedules... Más

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2: Flashback Chapter
CHAPTER 3: Flashback Chapter
CHAPTER 4: Flashback Chapter
CHAPTER 5: Flashback Chapter
CHAPTER 6: Flashback Chapter
CHAPTER 7: Flashback Chapter
CHAPTER 8: Last Flashback Chapter
CHAPTER 9: Back to Reality
CHAPTER 10: Normal Day
CHAPTER 11: XO
CHAPTER 12: Something New
CHAPTER 13: The Neighbor
CHAPTER 14: Joy and Sweetness
CHAPTER 15: Speculations All Over
CHAPTER 16: Weird Feelings
CHAPTER 17: Awkward
CHAPTER 18: His Kindness - Challenge
CHAPTER 19: An Act of Kindness
CHAPTER 20: Getting to Know Him
CHAPTER 21: Kilig - What An Awkward Situation
CHAPTER 22: The FJ or Former Jowa
CHAPTER 23: Meet the Cerezos
CHAPTER 24: Is This Love?
CHAPTER 25: His Act
CHAPTER 26: The Heart Want What It Wants
CHAPTER 27: I Care
CHAPTER 28: Sweetest Song
CHAPTER 29: Dilemma
CHAPTER 30: Ferries Wheel
CHAPTER 31: Seloso
CHAPTER 32: Scream For Me
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 1)
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 2)
CHAPTER 34: Bring Me To Life
CHAPTER 35: To The Rescue
CHAPTER 36: Here I Am - Fight
CHAPTER 37: He Found Love
CHAPTER 38: Broken Hearted Girl
CHAPTER 39: Haunted
CHAPTER 40: Truth
CHAPTER 42: Paano Ba Ang Magmahal
CHAPTER 43: Played Love
CHAPTER 44: All is Well
CHAPTER 45: Crazy In Love
CHAPTER 46: Decisions
CHAPTER 47: Missing You
CHAPTER 48: Biggest Heart break
CHAPTER 49: Emotions
CHAPTER 50: Someone's Always Saying Goodbye - Finale
EPILOGUE
ABANGAN - NEW STORY

CHAPTER 41: Burdens

1.3K 56 6
Por GoddesssXLove

CHAPTER 41

Jasmuel's P.O.V.

Recitation on a rainy afternoon. Ang lamig-lamig. Hindi pa masyadong steady utak ko sa mga nangyari nitong nakaraang linggo. Kahit pa matagal na rin ang nangyari, sariwa pa rin sa akin yoon.

Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan. Hindi ako sanay na hindi ko sila kinakausap. Hindi buo ang mga araw ko. Ang lamig ng trato namin sa isa't-isa. Marahil pare-pareho kaming may mga kasalanan. Pero mas higit ang kasalanan na nagawa ko sa kanila.

Hindi na rin ako nagkaroon magpaliwanag kay Melissa. Ang labas, ang sama kong tao. Ang sama kong kaibigan. Pero wala na rin akong magawa dahil nangyari na.

Ilang araw na rin akong sabaw sa mga klase ko. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. Pero ni isa sa mga itinuturo sa amin ay wala. Labas-masok lang sa tenga ko. Natatabunan lahat ng pag-aalala ko pati na rin ng takot. Pasalamat ko na lang talaga at hindi lumabas sa media ang nangyari. Baka patay na ang career ko ngayon.

"Mr. Castelle!!" Bulyaw ng propesor ko kaya agad akong napatayo.

"Yes po." Tuwid na tayo kong sabi.

"Kanina pa kita tinatawag but you keep on daydreaming! Ano bang problema?? Kung hindi mo kayang pumasok sa klase ko, umabsent ka. Kung kaya mo, matuto kang makinig at maging estudyante." Sermon nito sa akin.

Napayuko na lang ako sa pagkakapahiya niya sa akin.

"Answer my question or else you'll get a five." She threw her question that I politely answer.

"Very good." She said.

"Thank you, ma'am."

"Next time siguraduhin mong nasa klase ang pag-iisip mo." Huling sabi nito at saka bumaling na sa iba ko pang kaklase.

Natapos ang klase at kasama kong naglalakad sina Jamie at Seb patungo sa cafeteria. Madami nang tao at puno ang mga lamesa. Hindi nababawasan ng tao dahil kasabayan nga naman ng lunch break ng lahat ng mga estudyante.

"Jas uuwi lang muna kami ni Seb kasi nagtext 'tong nanay ko pinapauwi na ako." Biglang sabi ni Jamie sa akin.

"Ha? Eh 'di ba may klase pa tayo pagkatapos nito?"

"Wala eh. Sabihin mo na lang sa prof natin kapag hinanap ako. Lagot ako dito kay nanay pag hindi ako umuwi eh." Nag-aalala na sabi niya.

"Iba kasi nanay nito magalit pag 'di mo sinunod." Singit naman ni Seb.

"Ganu'n ba? Oh sige-sige. Ako nang bahala." Sabi ko na lang sa kanila.

"Salamat Jas ha. Pasensya na kung hindi ka namin masamahan kumain."

"Ayos lang. Sige na at baka matampal ka ng nanay mo." Sabi ko at umalis na silang dalawa.

Naiwan akong mag-isa na nakatayo at nililibot ang paningin. Nadako ang paningin sa lamesa kung saan nakatingin din sa akin si Melissa kasama ang boyfriend niya na kumakain. Nakangisi itong nakatingin sa akin pero nang akmang ngingiti na ako sa kanya at bigla itong umirap at humarap sa boyfriend niya.

Bumalik na lang ulit ako sa paghahanap ng bakanteng lamesa pero wala talaga akong makita. Umalis na lang ako at naghanap ng hindi masyadong pinupuntahang lugar dito sa campus na 'to at doon na lang ako kakain.

Mataimtim kong ninanamnam ang biscuit na bitbit ko pagpasok kanina habang nagpapakabingi ako sa pinapakinggan kong kanta.

"Woooooh.. Wag na wag mong sasabihin. Na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan moooo..."

Dama-dama! Close eyes pa ako sa pagkanta! Pagdilat ko, may kasama na pala ako na isang medyo bagets na lalake. Napatanggal agad ako ng earphone at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"Nako, sorry. Ang ingay ko ba?"

Umiling ito. "Not really. I actually enjoyed your singing."

Tinignan ko at cute naman pala ito. Sa itsura ng katawan nito, mukhang freshman ito. Nakav-neck shirt at plaid polo. Very freshie. But he look well-breed. Mukhang mayaman.

"Chao, by the way." Nilahad niya ang kamay sa akin. I gladly accepted it at nakipagshake hands.

"Jas."

"Who doesn't know you? I know you." Sabi nito.

"Ay, ganu'n ba." Palihim akong napangiti.

"What brought you here? Mukhang damang-dama mo ang kinakanta mo ah." Tanong niya.

"Gusto ko lang 'yung kanta. Bawat kanta na kinakanta ko, lahat naman dinadama ko."

"Well, if that's what you said. I won't brag in your thoughts." Walang nagawa niyang sabi at tumayo.

"I have to go. Nice meeting you."

"Okay, ingat! Nice meeting you too!" Masigla kong sabi at saka siya umalis.

Hala. Pati ibang tao nakakaramdam sa pinoproblema ko? Galeng.

After attending my following class alone, I decided na dumiretso na lang ng uwi. Bukas pa naman ang meeting ko kaya makakapagpahinga ako ngayon.

Tahimik lang akong nakikinig ng music sa phone ko habang naglalakad papunta sa sasakyan. Seeing every students goes to their own cars, 'yung iba nagsisi-uwian na din. Eventually, I stopped.

Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan tama nga ako sa nakita ko, si Jacob. Masaya siyang kausap ang mga kaklase nito sa isang banda ng malawak na parking lot na ito. It's like the first time I saw him in forever. Or masyado lang akong O.A. sa forever.

And he seems, happy. Glooming and in love.

As I look at him, I remember the face he has when I saw him with his girl. Ang saya niya. Ang saya nila. So far, my most heartbreaking moment. Pero habang tinitignan ko siya ngayon, gusto ko siyang lapitan at yakapin at ilabas lahat ng hinanakit ko. Pero hindi ko magawa. Baka wala na siyang panahon pa makinig sa akin. Baka wala na siyang oras na samahan ako sa mga oras na kailangan ko siya. Marahil hindi na lahat katulad pa ng dati.

Ramdam kong patulo na ang mga luha ko kaya nagmadali na akong lumapit sa kotse at pumasok sa loob.

"Kuya kila nanay po muna tayo."


Jacob's P.O.V.

I saw Jas' car moved out of the parking. And I even saw him looking at me kaya lang I can't go to him because I'm talking to my friends. Kahit pa malayo ko siyang nakita, I feel he has burdens. He has problems.

"Come on guys, she's not yet my girldfriend!" I exclaims. Ang kulit kasi nitong mga kaibigan ko.

Kwentuhan hanggang sa makarating kami sa room namin.

"Seryoso pare?? Ang bagal mo naman!" Kantyaw ng isa kong kaibigan.

"Kung ako sa'yo pare, pilitin mo na! Ang tagal mo ding walang girlfriend. At panigurado ako marami ka nang naipon d'yan!" Naghiyawan ang mga kasama ko sa hinirit nitong isa ko pang kaklase.

"You guys are crazy! Kung anu-ano iniisip niyo!" Sabi ko at nakisakay na lang sa tawanan nila.

Natigil lang ang tawanan namin nang dumating na ang professor namin at nagsimula nang magturo.

But the topic left me hanging. Bakit nga ba hindi ko pa girlfriend si Abi? We are okay naman. We are in good terms naman. Our relationship became closer than before. She sleeps to my condo, I go to her house. We're almost a couple but yet, I still don't have the guts to court her.

I think something's bugging me. There is.


Jasmuel's P.O.V.

Pa-gabi na nang dumating kami ng bahay. Hindi na ako nagpahintay kay Mang Ben dahil dito na lang ako papasundo bukas papunta ng shoot. Kinuha ko mga damit sa loob ng van dahil dito ko balak magpagabi.

Sa bahay ay busy si nanay sa pagluluto ng hapunan habang katabi kong nanunuod ng TV si bunso. Si tatay at ate naman pareho pang manggaling sa kani-kanilang mga trabaho.

Habang busy sa panonood itong kapatid ko ay tahimik naman akong nagba-browse ng pictures sa phone ko. Nagpapakabitter ako sa pagtingin ng mga pictures namin ni Jacob. Mga stolen niya sa phone ko.

Para na nga kasi kaming magdyowa. Tas nawala lang ako saglit, may babae na. Eh kasi lintik naman na mga lalake talaga 'yan, pa-fall. Pahulog tas pag nahulog na, hahayaan lumagapak sa babagsak at hindi man lang sasaluhin. Ang galing!

"Kuya sino 'yang kasama mo sa picture? Si Kuya Jacob ba 'yan?"

Mabilis ko agad na nilock ang phone ko nang sumulpot ang tanong nitong kapatid ko. Aba, akala ko nanunuod 'to. Sa akin pala nakatutok.

"S-sino??" Maang-maangan kong tanong.

"'Yung lalaki na kasama mo sa picture. 'Yung ka-ganito mo.." At inisa-isa niya ang mga posing namin ni Jacob. Kalokong bata!

"Ah ginagaya mo ako ha!" Bigla ko na lang siyang kiniliti sa tagiliran hanggang sa matawa na lang siya ng matawa sa sobrang kiliti.

"Hoy hoy hoy ano nanaman 'yan Jericho at niloloko mo nanaman kuya mo." Dumating si nanay galing sa kusina at sumali sa aming dalawa. Napatigil kami sa kulitan namin at tumakbo si Jericho sa tabi ni nanay.

"Si kuya kasi!"

"Ano?!"

"Ayaw kasing sabihin kung sino 'yung kasama niya sa picture." Sumbong niya kay nanay at si nanay naman napangiti na lang.

"Sige na Jasmuel sino ba 'yan patingin nga."

Walang nagawa kong inabot kay nana yang phone ko at tinignan nilang dalawa ang picture.

"'Yan 'yun 'nay!"

"Ito ba? Sino ba itong lalakeng ito Jasmuel? Ano ba siya sa buhay mo?" Intriga si nanay! Akala mo naman hindi pa niya nakasama si Jacob noon.

"Ano 'nay, chismosang kapitbahay lang? .... Si Jacob ho 'yan. 'Yung kapitbahay ko sa condo."

Tinignan pang maigi ni nanay ang picture at bumaling ulit ng tingin sa akin.

"Kapitbahay? Ganito ba magpicture ang magkapitbahay lang?" Sabay pakita niya sakin ng picture.

Maski ako ay nagulat sa picture dahil sweet na sweet kaming dalawa. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang dikit na dikit kaming dalawa na nagse-selfie.

Kinuha ko na agad ang cellphone kay nanay at tinakpan ng unan.

"Nag-uusap lang ho kami nu'n..."

"Nag-uusap... halika na nga dito bunso at samahan mo na lang ako ayusin 'tong hapunan natin para pagdating ng tatay at ate mo kakain na lang sila." Umalis ang dalawa at nagtungo sa kusina.

Naalala ko tuloy nu'ng kinunan namin 'yung picture na 'yon, kakatapos lang namin maligo sa ulan sa rooftop. Bigla na lang kasi niya akong inaya noon tas ayun, naligo na rin ako. Sa banyo pa nga niya ako nagbanlaw tapos pinagtapis niya lang ako ng tuwalya niya para makapunta ako sa unit ko at magbihis.

Sa kama na rin niya ako nakatulog. Jowa levels na nga! Nyeta!

Ilang oras din ay dumating na din si tatay at ate. Lagi pala silang sabay umuuwi bilang magkalapit lang ang mga trabaho nila. Nagulat sila nang pagpasok sa bahay dahil ako agad ang bumungad sa kanila.

"Bakit napabisita ang isa ko pang dalaginding dito sa bahay..." Bungad ni tatay kaya lumapit ako at nagmano't yumakap.

"Alam ko na kung bakit." Si ate na ang sumagot saka ko siya hinigpitan ng yakap.

"Halika na at kumain na muna tayo. Kanina pa kayo hinihintay niyan at gutom na rin 'yan."

Matapos naming pagsaluhan ang niluto ni nanay ay naiwan kaming apat dito sa sala maliban kay bunso na maaga natutulog.

"Sige na anak, makikinig kami." Sabi ni nanay.

Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ako tuluyang magkwento. "Alam na ng lahat ang sikreto ko." Sa unang pangungusap ko pa lang ay sabay-sabay na silang napatingin sa akin.

"Nangyari lahat noong alumni night. Tanggap ko na ma-boo ako ng tao dahil sa nalaman nila. Pero ang masakit lang, nilayuan ako ng mga kaibigan ko dahil sa nalaman nila. Ang tagal ko nang kinikimkim 'to. Wala akong matakbuhan." Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Lumapit si nanay at hinagod ang likod ko. "Anak, pagsubok lamang 'yan. Malalampasan at malalampasam mo rin 'yan. Ikaw pa?"

"Hindi ho kaya nangyayari ito dahil tapos na ako. Tapos na si Jas Castelle sa buhay ko."

"Anak, kahit kalian hindi matatapos si Jas Castelle dahil buong buhay na itong nakatatak sa pagkatao mo." Sabi ni tatay.

"Ang akin lang anak, bigyan mo muna ng panahon ang mga kaibigan mo na mag-isip. Panahon lang anak. Magiging maayos din ang lahat." Yinakap ako ng mga magulang ko at sa yakap ko na 'yon, kahit papaano ay naibsan ang sakit at bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Sige na anak at matutulog na kami ng tatay mo. Maaga pa kami bukas." Sabi ni nanay.

"Hindi ka pa ba matutulog, anak?" Tanong ni tatay.

"Hindi pa ho dahil alam ko may hindi pa sinasabi ito." Sabat ni ate at tumabi naman sa akin.

"Oh sige huwag masyadong magpupuyat at maaga din kayo bukas." Huling paalala ni nanay bago sila umakyat ni nanay.

Nang masigurado ni ate na wala na ang dalawa ay saka niya ako kinausap.

"'Yang puso mo may problema. Ramdam ko. Ganyan na ganyan ako eh. Kwento mo." Dire-diretso sabi ni ate kaya napatingin ako sa kanya.

"Makikinig ako."

Iniangat ko sa sofa ang mga paa ko at yinakap. Tumingin sa kawalan at umiyak na lamang ng wala sa sarili.

"Ate alam mo 'yung feeling na nasa bingit ka na ng pagmamahal sa tao, dahil sa mga pinapakita niya, pinaparamdam niya. Tapos sa ilang iglap lang, may iba na siya." Umiiyak kong sabi.

"Sabi na eh." Narinig kong sambit niya. "My dearest sissums, kahit kailan hindi naman naging masama ang pagmamahal. 'Di ba nga, ang sarap sarap sa pakiramdam ng may minamahal 'di ba. Na may bumubuo ng araw mo. Na may insipirasyon ka. Mas lalo pa nga kung nararamdaman mo na maibabalik niya ang nararamdaman mo na 'yon."

Mas lumapit pa siya sa akin at inakbayan ako ng mahigpit. "Pero parte pa rin nito ang masaktan. Pero pasasaan pa't lilipas din 'yan. Kung para sa'yo, sa'yo. Kung hindi, hindi. Ganu'n lang kadali."

"Ganu'n kadali sabihin pero napakahirap isabuhay."

"Tama. Kaya kung ako sa'yo, huwag kang magmukmok. Ipakita mo sa kanya na you can be better without him. Kagaya ng ginawa mo nang na-heartbroken ka kay Miguel. 'Di ba?"

Nanlaki ang mata ko sa binanggit ni ate.

"Kapatid mo ko, alam ko 'yan lahat. Kahit hindi ka magsabi sakin, knows kita. Kaya ka nga Jas Castelle dahil sa kanya 'di ba?"

"Pero hindi lang dahil sa kanya."

"Pero isa siya sa mga dahilan, 'di ba?"

No choice na akong napatango.

"See? Wala naman masama kung sasabihin mo sakin eh. Maliit lang na bagay 'tong nagagawa kong pakikinig sa'yo sa mga bagay na naibibigay mo sa akin at sa pamilya naitn."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat, ate."

"No problem, my sissum."

***

I just finished a photoshoot for a magazine cover and the storycon of my movie with Keith. First big screen team up movie namin. Pagdating ng condo ay nahiga na lang ako sa sofa at nagpalit ng pajamas ko.

Nakaidlip ata ako at pagdilat ko ay ten in the evening na. Wala naman ako sched bukas dahil walang prof daw at no showbiz commitment kaya laptop lang ako.

Laptop ako until one in the morning. I'm trying to blog post pero hindi ko alam kung pa'no sisimulan. At hindi pa din ako inaantok kaya sinara ko ang laptop, lumabas ng unit at nagtungo sa rooftop.

Dito, tahimik. Mahangin at malamig. Bawat dampi ng hangin sa balat ko ay malamig. Umupo ako sa isa sa mga benches at nagmuni-muni.

Medyo masasakit sa puso itong mga pinagdaanan ko nitong mga nagdaang araw. Bugbog na bugbog. Nasaan ba si Jacob kung kailan kailangan ko siya? Eh kaso, isa siya sa dahilan ng bugbog kong puso.

I spent siguro almost an hour just sitting and thinking about myself and my future. Madami na din siguro ang naipon ko. Maybe I should get my family a house now. Para magkakasama na kami. Tutal, wala naman na ata akong dahilan para pa magstay sa condo na 'to.

Tumayo na ako sa kinatatayuan ko ngunit agad kong natanaw na sa kabilang banda ng rooftop ay may lalakeng nakaupo. Mukhang nag-iisip ng malalim. At base sa suot nito, si Jacob iyon.

May naguudyok sakin na lapitan siya, may nagsasabi naman sa akin na huwag na. At para saan pa? Baka tungkol sa girlfriend niya pa ang problema niya't humingi pa ng payo sakin.

Sinunod ko ang sarili ko kaya pumasok na ako sa loob at bumaba na ng unit. Habang naglalakad ay tumunog ang elevator. Ilang sandali pa ay may sumusunod nang yapak sa likuran ko.

Binuksan ko ang unit ko at paharap akong sinara ito. At iyon si Jacob, nasa tapat ng unit niya, blangkong nakatingin sa akin. 'Yung tingin niyang nagtatanong. Nalulungkot na mga mata. Pero bakit?

Tinignan ko lang din siya ng blangko at marahan na sinara ang pinto. Sumandal sa pinto at inaasahang kakatukin niya ako pero hindi nangyari.

Doon, pumatak nanaman ang mga luha ko. Wala na nga siguro talaga akong parte pa sa buhay niya. Natatanging kapitbahay na lang.

_____

Chao's character is just a special appearance.

A heavy heart chapter.

Seguir leyendo

También te gustarán

102K 1.3K 13
Cyrd discover a new found love when he met his step-brother, a new journey to see what love is.
84.7K 4.2K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
11.6K 551 34
Find out how and why would a soccer player yet school's heartthrob choose a smart commoner over those sexy and hot girls around him.
10.2K 548 35
"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet...