My Prince of Tennis

By dancingskyblue

165K 4K 1.5K

You have a crush on someone who doesn't exist in real world until one day you met him.. A story of a girl who... More

Prologue
Chapter 1: The Meeting
Chapter 2: Seigaku Academy
Chapter 3: The Freshman Three
Chapter 4: Love Triangle?
Chapter 5: Meet The Regulars
Chapter 6: The Bestfriend
Chapter 7: Tyler Cortez
Chapter 8: True Color
Chapter 9: Race's Feelings
Chapter 10: Jealousy Kills: The Jealous Tyler
Chapter 10: Jealousy Kills: The Jealous Race
Chapter 11: Ryoma Stuffed Toy
Chapter 12: Maid Latte Mission: Failed or Accomplished?
Chapter 13: The Reason Behind It
Chapter 14: Cosplay Cutie
Chapter 15: Meeting of the Two
Chapter 16: Your Secret Admirer
Chapter 17: Letters from your Secret Admirer
Chapter 18: Are you a rival or not?
Chapter 19: Seigaku Band and The Girl in Bed
Chapter 20: Part of the Girl in Bed
Chapter 21: Lash is Now a Cupid, maybe?
Chapter 22: Third Person
Chapter 23: Family
Chapter 24: Seigaku vs. St. Rudolph with Migs Birthday Party
Chapter 25: The Comeback
Chapter 26: Rivalry
Extra Chapter: Latte Magic Mellow Mellowing
Extra Chapter: Zann, Mallorie, and Tyrone
Extra Chapter: You're really sly, Mallorie. Tyrone, you idiot!
Chapter 27: Cursed Racket
Chapter 28: Inside the Haunted House
Chapter 29: Midori and Race's Confrontation
Chapter 30: Missing Picture
Chapter 31: Last Game
Chapter 33: Her Birthday
Chapter 34: Kare no Tanjoubi
Chapter 35: Departure and Arrival
Epilogue
Author's Note

Chapter 32: Day With Him

2K 46 12
By dancingskyblue

Chapter 32: Day With Him

 

Scarlett's POV

"Scarlett. Wag kang kabahan okay? Kaya mo yan. Just be yourself." Kanina ko pa yan sinasabi sa harap ng salamin. Kanina pa ako nakabihis. Sabi niya susunduin niya daw ako.

Kinuwento ko kay Ate ung about dito tas ayun kilig na kilig. Siya pa nga nag-ayos sakin eh. Lalagyan daw niya akong make-up kaya lang sabi ko ayoko. Binraid na lang niya ako saka nilagyan ng clip. Siguro naman okay na to? Lalabas lang naman kami eh. Wala namang sinabing date 'to diba? But I consider this as a date. Ano kayang meron at bigla na lang nag-aaya si Race?

November na nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Malapit na birthday ni Ate.

*peep peep*

"Scarlett! Anjan na ata ung sundo mo." Ayos lang naman kay Mama na lumabas ako basta magpapaalam.

"Opo!" Scarlett, wag kang kabahan. Hoooh. "Ma, alis na po ako." Saka ako kumiss sa cheeks ni Mama. "Ate." Tinanguan ko lang si Ate tas nginitian niya ako at naggoodluck sign. "Race."

"Let's go?" Tumayo na siya at lumabas na kami.

Naglalakad lang kami. Pero mas gusto ko 'to. Wala saming nagsasalita. Ang ganda talaga ng cherry blossoms. *u* Medyo may agwat samin. Nakakahiya naman kung isisiksik ko ung sarili ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Tinitignan ko lang ung mga cherry blossoms.

Nakarating kami sa mall. Tanghali na din kaya nagpasya kaming kumain na. Tinanong niya lang ung order ko tas siya na ung bumili. Libre niya syempre!!

"Okay lang ba sayo to?" Eto na pala siya. "Ubos na kasi ung gusto mo eh."

"Hehe. Ayos lang. Upo ka na." Magkaharap kami pero nag-iiwasan naman ng tingin. Ang weird naman namin. Hiyang hiya kami sa isa't isa. Or.. ako lang?

Natapos kaming kumain ng ganun lang. Tanong tanong lang minsan. Pero hindi pa din kami tumatayo. Kaya.. ako na lang magsasalita.

"Race." Napatingin naman siya nung tinawag ko siya. "Bakit mo pala ako inimbitahan?" Nakakapagtaka naman kasi kung biglaan.

"Gusto lang kitang makasama." Shiz. Isang salita lang niya eh kilig na kilig ako!!!! Pero bakit ako? Si Yana? Saka bakit gusto niya akong makasama? Matagal pa naman ung bakasyon eh.

"Ahh." Yun na lang ung sinabi ko saka tumingin sa mga tao eh. Pero ang boring nilang tignan!

"San mo gustong pumunta?"

"Eh? Mmm..ikaw ba? San mo gusto?"

"Gusto mo sa mag-arcade?" Nakakahiya naman. Hindi ako magaling sa ganun eh.

"Sige, okay lang."

Nagpunta na kami sa arcade. Puro.. mga couples? Hindi naman valentine ah! Napatingin ako sa toy catcher. Favorite ko yan eh.

"Magpapapalit lang akong token ah?" Tumango lang ako sa kanya. Pakuha kaya ako kay Race ng toy? Ayoko! Wala naman akong hiya pag ginawa ko yun! Eh kung magpapansin kaya ako? Ano ba tong mga naiisip ko. "Ano gusto mong laruin?" Andito na pala siya.

"Basketball!"

"Sure ka?" Nagtataka niyang tanong? Dun lang kasi ako nakakapoints eh.

"Oo naman! Sayo ba, okay lang?"

"Sige." Insert smirk here! Sheez. He just smirked! Ano namang ibig sabihin non?? "Pag nanalo ako, ikuha mo ko ng toy sa toy catcher." Eh? Hindi nga ako marunong!

"Pero pano pag natalo kita?" Feeling ko naman matatalo ko siya.

"Ano ba gusto mong prize?" Pwede ikaw? Aish! Lantod mo Scarlett!

"Gusto ko din ng toy eh. Kuha mo na lang din ako." Ayan! Papansin effect ko yan! Panigurado namang mahahalata niya dahil matalino siya. Wahahahaha. Galing ko talaga!

"Hindi nga ako marunong eh." Nanlaki lang ung mata ko sa sinabi niya. Hindi siya marunong! Eh pano ako magpapakuha sa kanya?! Wala na. Palpak na plano ko. Huhu. "Gusto mo ba niyan? Haha." Ohmaygash!~ Tumawa siya!! "Sorry. Hindi kasi ako marunong eh. Haha." Medyo nagugulo pa ung buhok niya kasi parang kinakamot niya ung batok niya kasi nahihiya siya!!

"Haha. Sige, ayos lang. Iba na lang. Hmm." Pero sayang talaga. Pero ayos lang yan! Iba na lang! Isip ka lang Scarlett. "Ah~! Dance central tayo pag ako nanalo. Wag kang aangal! Haha." Feeling ko ang close namin kung magsalita ako. Pero oks lang, kami lang namang dalawa magkasama eh.

"Hmm.." Pinag-isipan pa! Pumayag ka na dali! "Sige!" Ayos! Nginitian pa niya ako! Malapit na akong mamatay sa kilig~

Nagsimula na kaming maglaro Sabay kami. Gusto ko siyang makasama sa Dance Central kaya kailangan kong manalo. Gambatte! Pareho kaming umabot ng level 2. Mas mataas ung score niya sakin pero kaya ko pang habulin yun.

Yessssss! May sunod sunod siya hindi nai-shoot na bola. Ako na ba panalo? Wahahahaha. Excited na akong magDance Central! Yehey!

Okay. Dapat kasi don't jump into conclusion Scarlett! Kasalanan mo yan! Masyado kasi akong masaya. Ayan tuloy, hindi ko napansin ung mga bola at talo pa ako. :3 Aish. Gusto kong magdance central kasama si Race eh. Huhu. Kasalanan mo to eh! Aish.

"I won. My toy, please?" Grabe. Parang hindi si Race tong kasama ko ngayon! Nagpout ako at pumunta na kami sa harap ng toy catcher.

"Ano ba gusto mo?" Nakita ko namang nahihirapan siyang pumili. Pambabae kasi eh.

"Yun na lang." Nagulat ako kasi pink ung tinuro niya! Bakla ba siya? Joke lang ung tanong na yon. Si Race Evins magiging bakla? Hindi. Hindi eh.

Sinimulan ko ng kunin ung tinuro niya.

Bakit ang hirap?! Sabi ko naman kasi hindi ako marunong nito eh. Halaaaaa~ Pero kailangan kong makuha yun. Si Race ang nagbayad ng token na to. Nakakasiyam na ako. Pero hindi ko talaga makuha! Naiiyak na tuloy ako.

"Punta muna ako dun ah? Eto ung mga token." Binigay niya sakin ung madami pang token. "Mukha kasi hindi ka makaconcentrate eh. Dun muna ako."

"Sige. Promise, pagbalik mo nakuha ko na ung gusto mo!" Nginitian lang niya ako saka umalis siya. Nagpromise ako.. Kaya ko ba? Kailangan kong pagsikapan! Pag13 na token na to. Baka maubos ko tong tokens. Haluuh.

"Miss, tapos ka na ba?" May babaeng lumapit sakin.

"Ahh, hindi pa po eh."

"Pwede bang kami muna? Isang subok lang." Napatingin ako sa kasama niya. Boyfriend niya siguro. "Okay lang ba?"

"Sige po." Binigyan ko sila ng way. Ung lalaki ung kumha. Sa isang try pa lang niya eh nakakuha na siya. Tuwang tuwa ung babae.

"Thanks beb!" Hinug pa niya ung guy. "Thanks din sayo." Ngumiti na lang ako sa kanya. Turn ko na.

"Please.. magpakuha ka naman oh." Mukha na akong baliw kasi kinakausap ko ung toy na gusto ni Race. Pero sana makisama naman siya.

Pero ayaw niya talagang makisama. Pang23 na token ko na to. Ayaw pa ding makuha. Ung pang14 na token eh muntik na kaya lang bumagsak! Nakakainis nga eh. Sayang talaga yun. Hindi ko alam kung ilang minutes na ako dito pero di pa din bumabalik si Race. Wala naman siya malapit sakin. Pero sabi niya andito lang daw siya sa loob ng Tom's World.

Wag ko na ngang isipin yun. Ipagpapatuloy ko na lang ung pagkuha ng toy. Pang24 na to. Sana naman makuha na.

Siguro napagod na din ako. Wala na kasi akong gana eh. Pero para kay Race to. Kaya lang pagod na talaga ako kaya pinidot ko na lang bigla..... Nakuha! Nakuha ko nga!!! Yey! Ang saya saya! Asan na kaya si Race?!!!!! Grabe sana kanina ko pa ginawa yun. Ang saya saya talaga!~ Race! Yoohooo. Muntik na akong magsisigaw sa sobrang saya. Hinanap ko na si Race. Asan ka Race?~

"Scarlett." Hay! Nagulat naman ako kasi biglang may tumawag sa likod ko. Si Race pala.

"Nakuha ko na! Eto oh!" Saka ko pinakita sa kanya ung toy na gusto niya. Nakita ko namang nagform ng smile ung labi niya. Ang ganda ng ngiti niya. "Sorry kung ang dami kong naubos na token. Haha." Hinihingal pa ako nung sinabi ko yan.

"Hindi. Ayos lang yon. Salamat dito ah?" He... patted my head. Napahawak ako sa buhok kong ginulo niya. Nakatingin lang siya dun sa toy habang nakangiti. Ang saya saya niya. Pero mas masaya ako kasi napasaya ko siya.

"San naman tayo?"

"Meryenda muna tayo. Mukhang napagod ka eh." Tama ka jan. Nakakapagod nga. Pero sulit naman kasi nakita ko ung napakaganda mong ngiti.

Dun kami nagmeryenda sa Master Siomai. Pareho kaming Japanese siomai ung binili. I mean nilibre niya pala ulit ako. Binilan niya ng paper bag ung toy na nakuha ko. Ang pangit naman kasing tignan kung hawak hawak niya yun habang naglalakad kami. Pink pa naman ung kulay nun. Haha.

"San mo pa gustong pumunta?" Tapos na pala siyang kumain. Iniinom niya ngayon ung sago niya.

"Hmm. San ba? Haha."

"Gusto mong magpicture?" Eh? Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Tapos na din akong kumain kaya kinuha ko ung juice ko at ininom. Nakangiti lang siya sakin. "Okay lang sayo?" Bakit parang ang dalas ng ngumiti ngayon?

"O-oo naman. Haha. Ayos lang." Naalalako tuloy ung picture namin. Haaayy. Sana makita ko yun.

"Sige. Tek.." Nilabas niya ung cellphone niya saka kinalikot yun. "Dito na lang?" Cute ng background namin ah? Master Siomai. Haha. Pero remembrance din to

"Haha. Sige!" Punwesto ako sa tabi niya saka kami nagpicture.

"Haha. Salamat."

"Ano.. pwede bang papasa niyan?" Pwede kayang yun na lang ang ipalit ko sa nawawalang picture namin?

"Etong picture natin? Sige. Open mo ung bluetooth mo." In-open ko na ung bluettoth ko saka ipinasa niya.

"Salamat."

"Wala yun. So, san na tayo?"  San na nga ba? Medyo hapon na din. Uuwi na kami? "Gusto mo ng umuwi?" Nababasa ba niya nasa isip ko?

"Ayos lang sakin kung gusto mo ng umuwi o magstay pa tayo dito."

"Lakad lakad na lang tayo." And I know what that mean. Pauwi na din kami pero babagalan namin kasi maglalakad kami.

Ang sabi niya pumunta muna kaming park. De ayun, umupo kami sa swing. Magkatabi lang kami habang nagsswing ng mahina.

"Sorry kung naboring ka." Boring? Ako nabored? Hindi naman eh. "First time kasi eh. Kaya hindi ko alam ung gagawin ko. Sorry. Haha."


"Ano ba yang sinasabi mo? Hahaha. Hindi kaya. Ang saya nga eh. Masaya ako kasi inaya mo ako. Bakit nga ba kasi?" Dapat sabihin niya first date namin to. Haha!

"Katulad nga ng sinabi ko, gusto kitang makasama." Ohkay. Hindi ako galit ah?! Hindi ko kasi alam sasabihin ko eh. "Salamat nga pala sa pagkuha mo kay Carly."

"Carly? Sino yun?" Pagkuha? Kinuha ko si Carly?

"Baduy ba? Pinangalan ko kasi yun sa toy na kinuha mo kanina." Ohh. Ung cute na pinik na toy. So cute ako? Hahahaha. "Scarlett. Carly."

"Ahh. Hindi naman. Cute nga eh." Pinupuri ko ba ung idea niya o ung sarili ko? Both?

"Yeah."

 

 


Katahimikan alert again. Alam ko ayoko ng matahimik kasi nabobore ako. Sobra. Pero ngayon, hindi. Siguro dahil kasama ko si Race. Kasama ko ang crush ko. :">

"Tara na." Tumayo na siya mula sa swing. "Baka pagalitan ako ni Tita pag di kita inuwing maaga." Napatingin ako sa relo ko. 5:30 na pala. Tumayo na din ako.

"Aray!"

"Ayos ka lang?" Tanong niya habang nakahawak sakin. Pagtayo ko kasi eh nabunggo ako nung swing. Gumagalaw pa pala. "Okay ka lang?" Ang lapit niya sakin. Feeling ko nagbblush ako kaya lumayo ako ng konti sa kanya.

"Haha. Ayos lang ako. Tara na." Nauna na akong maglakad sa kanya. Hoooh. Nakakakaba yon.

Nandito na naman kami sa tapat ng cherry blossoms. Ang ganda ganda talaga. *u*

"Ang ganda ng sakura noh?" Napalingon ako sa kanya at nakita ko naman na nakatingin siya sa taas. Sa sakura.

"Oo nga. Sobra." Napangiti na lang ako. Gustong gusto ko kasi ang sakura. Ang cherry blossoms. Lalo na ung kulay niya.

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

"Race, gusto mong pumasok?"

"Sige, wag na. Pakisabi na lang kay Tita na salamat at pinahiram ka niya." Kinikilig naman ako sa mga sinasabi niya.

"Sige. Salamat din sa pag-imbita sakin ngayon."

"Wala yun."

"Ingat ka ah?" Para namang pinapaalis ko na siya. Haha. Gusto ko na kasing magtatalon sa kilig eh! "May kailangan ka pa ba?" Pansin ko kasing nakatayo lang siya dun.

"Ahh. Para sayo." Inabot niya sakin ung isang paper bag. Pero hindi eto ung paper bag na lalagyan ni Carly.

"Para san to?" Hindi ko naman kasi birthday.

"Thanks gift. Sige, alis na ko. See you tomorrow."

"Sure. Ingat ka. Thanks ulit." Papasok na sana ako sa loob nung bumalik siya at tinawag ako. "Bakit?"

"Pwedeng makuha number mo?" Then we exchanged numbers.

Haaaaaaaaayyyyyy. Panaginip ba to? Inaya akong makipagdate-- I mean lumabas ni Race. Tas nginingitian niya ako tas tumatawa pa siya at napasaya ko siya~! Pero syempre mas napasaya niya ako. Race~ Heaven na tong nararamdaman ko.

Pagkauwi ko eh umiwas muna ako sa mga tanong ni Ate dahil kailangan ko ng time para kiligin. Tagong tago kasi ung pagkakilig ko kanina dahil kahit na alam ni Race na gusto ko siya eh ayoko namang bulgaran ako kung kiligin. Wa poise yun. Haha. :P

Nahiga ako sa kama ko. Hindi pa ako nagbibihis. Haaayy. Ang saya sa pakiramdam. Hindi ako pagod. Hindi ako nakaramdam ng pagod.

"Ung gift pala ni Race!" Buti naalala ko. Ano kaya laman neto? Binuksan ko ung paper bag saka ko nakita ung toy na andun sa toy catcher. Kamukhang kamukha nung nakuha ko pero hindi ito yun. Kasi may laman ung paper bag niya kanina eh. Sino kumuha nito? Kailan to?

*toot toot*

Nagvibrate ung phone ko. Kinuha ko yun saka tinignan kung sino ung nagtext.

From *09++++++: "Scarlett, ako to. Ako pala kumuha niyan galing sa catcher. Haha. Buti nga nakakuha ako eh. Salamat sa pagsama sakin ngayon. Sana nag-enjoy ka."

 


Siguro kinuha niya to nung umalis siya kanina. Haha. Ang cuuuuuuute mo talaga!~ Saka ko pinisil ung cheeks niya. Hahahaha.

"Ano kayang ipapangalan ko sayo? Racey? Yuck. Ampangit naman. Haha." Gusto ko isunod sa name ni Race kaya lang pambabae dapat.

Magsearch na lang kaya ako? Tama! Hmm... Hm..

Wala naman akong makita eh. Ano ba pwedeng ipangalan ko dito? Wait.. Ang ibig sabihin ng race eh karera. Parang tumatakbo. Run? Ran! Oo! Para kapangalan siya nung nasa Detective Conan. Hihi. Si Ran. Tama! Ang galing galing ko talaga. Wohooo.

Mareply-an pala si Race.

Wala nga pala akong load. Hayst. Pero okay lang yan. See you tomorrow naman eh. Hihi! :"> Hindi talaga ako makapaniwala na nagdate-- I mean lumabas kami. Pero basta!~ Kahit ako lang ang nakakaalam eh first date namin to. November 8. First date namin.

*toot toot*

From Race: "November 8. I will consider this as our first date." 

Tell me. Am I dreaming?! Ran, am I dreaming?! Para namang sasagot si Ran. Aish.

 

End of Chapter 32

Continue Reading

You'll Also Like

192K 4K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
184K 5.2K 42
Book 2 of Gangsters Meet The Mysterious Blonde Girl. Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ—Γ— When they already thought that everything is falling into place, there comes a p...
65.3K 1K 47
Akina Kuran is yukii's big sister is a powerful pueblood like kaname since Akina was born when her parents want to continue the blood line of the ku...