Ella
One week na ang lumipas simula ng aminin ko sa sarili ko na inlove na ako kay Atom pero di ko parin maintindihan kung paano ako na inlove sa kanya ng ganun ka bilis..
I mean mayabang sya. mainitin ang ulo maikli ang pasensya immature manyak lahat lahat na pero kahit ganun sweet naman sya attentive caring at higit sa lahat lovable..
Hay nako Ella tigilan mo na yang pag iisip mo sige ka mababaliw ka nyan! pero kasi hndi ko talaga mapigilan na mag isip ang isipin si Atom..
"Bes! kanina ka pa tulala okay ka lang?" napatingin ako kay Mara nandito kami ngayon sa isang upuan sa campus
"Bes, naranasan mo na bang mag ka gusto sa isang tao pero hindi mo alam kung paano ka nag ka gusto sa kanya?" tanong ko baka kasi matulungan nya ako
"Hmmm Oo naranasan ko na pero alam ko naman kasing hindi ko sya makukuha kaya tinigilan ko nalang.." sabi nya habang nakatingin sa mga nag so-soccer parang bigla din syang nalungkot
"Sorry bes napaalala ko pa ata sayo.." sabi ko saka ko tinapik yung balikat nya alam ko kasing may gusto sya kay Atom bat ba kasi sa kanya pa ako nag tanong
"Okay lang yun. bakit mo pala na tanong?"
"Ahhh. kasi may kaibigan ako tapos na inlove sya sa isang tao ng sobrang bilis pero yung guy di naman mabait actually masama nga ugali nun pero at the same time sweet din naman kaya ayun nagulat na lang sya sa inlove na sya dun." nag imbento nalang ako nahihiya kasi ako kay Mara
"AHhh ikaw ba yan?"
"Oo-" bigla akong natigilan saka napapahiyang tumingin sa kanya
"Nakakatawa ka bes mag dedeny ka pa sa akin eh kilalang kilala kita teka bakit ka nga pala nag tatanong ng tungkol dyan? yung sinasabi mo bang lalaki si Atom ba yun?"
"Hmm nahihiya kasi ako sa sayo alam ko naman kasing may gusto sa kanya.."
"Ano kaba crush ko lang naman yun kaya wag kang mahiya alam ko naman kasi na ikaw ang love nun saka wag kang mag alala hindi naman sya yung sinasabi ko sa kwento ko."
"Talaga? Bes di ko na alam gagawin ko eh naguguluhan na ako sa nararamdaman ko kay Atom.."
"Bakit? ano bang nararamdaman mo sa kanya?"
"Dati galit na galit ako sa kanya dahil sa mga pinagagawa nya sa akin ang sama kasi ng ugali nya diba pero bakit ganun ang bilis ko naman na inlove sa kanya ng hindi ko namamalayan.."
"Alam mo bes ganun talaga ang love di mo alam kung kelan darating ni hindi mo nga mamalayan na tinamaan ka na pala eh.."
"Yun nga! bigla ko nalang narealize pero huli na nag malaman ko.." shit naman kasi kung kelan magulo pa yung mga pangyayari ni hindi ko pa nga nakakausap si Yanna kung ano yung totoo tapos ganito na pa yung nangyari!
"Hay nako bes ang masasabi ko lang sayo wag mong pigilan kasi kapag pinigilan mo yan ikaw lang mahihirapan.."
"Alam ko naman yun.." di ko na alam kung anong tama at mali kung ano ang dapat at hindi dapat ang alam ko lang inlove na ako sa gagong Atom na yun ang saklap lang!
Atom
kakatapos lang ng practice namin sa basketball at fresh na fresh na din ako ma itext nga muna si Ella para sabay na kaming kumain at umuwi
"Nagugutom na ako tara kain tayo." Rico
"Oo nga nakakapagod ang init pa gusto ko ng zagu." Mico
"Dun tayo kumain! dali tara na!" hinila kami ni Yuan sa siang resto dito sa loob ng campus taena kaya pala dito nya gusto nandito si Zia kasama si Luigi at nag aaral habang kumakain
"Kaya pala dito gusto huh nandito pala.." hinampas ko sya sa braso
"Hindi ko nga alam na andito sila eh gusto ko lang dito kumain." palusot pa ni Yuan habang nakaupo kami sa tapat ni Zia at Luigi
"Gagu kami pa ba lolokohin mo!" Rico
"Kung ako sayo sasabihin ko na kay Zia na gusto ko sya." Mico
"Wala naman akong feelings sa kanya eh we're just playing.." Sabi ni Yuan habang hindi mapuknat yung tingin sa mag jowa nung mapatingin sa amin si Luigi agad nya kaming binati si Zia naman mukang nagulat nung makita kami lalo na si Yuan
"Kanina pa ba kayo nandyan?" sabi ni Luigi
'Di naman pres. kakadating lang namin galing practice eh." sabi ko sa ka ngumiti si Zia naman kay Yuan nakatingin ganun din naman si Yuan
"Ang sipag nyo naman nag aaral na naman kayo." Sabi ni Rico
"Nako tinutulungan ko lang tong si Zia kasi hindi nya pa natatapos yung print ad nila.." sabi ni Luigi
"Ah ganun ba Oo nga mahirap kasi yang sa print ad kami nga kanin lang natapos.," sabi ni Mico habang si Yuan di na mapinta yung mukha
"Order na ako nagugutom na ako eh." tumayo si Yuan para bumili ng food habang sila Zia naman nag aral na ulit
tinext ko si Ella kung kumain na sya nag text naman sya na tapos na daw sya kaya sabi ko sabay nalang kami umuwi pag dating ni Yuan ang daming pag kain kaya di na kami bumili
"Tol ano to libre?" Rico
"Wow dapat pala lagi ka badtrip eh para lagi kang nanlilibre." Mico
"Ayos to ah.." sabi ko habang panay ang kain namin pero si Yuan di parin na kain nakatingin lang sa mga genius sa tapat namin
"Pare, kumain kana hayaan mo na yan bumawi ka nalang.." sabi ko saka ko binigay yung isang plate sa kanya kaya kumain na sya at hindi na ulit tumingin kela Zia
kumain nalang kami ng maayos kasi gutom na gutom na talaga kami..
Ella
hinihintay ko si Atom dito sa may parking lot sabi kasi nya malapit na daw sya eh patingin tingin ako sa paligid pero natigilan ako ng makita ko si Kuya Jim ..
"Kamusta kana Ella.." sabi nya
"Okay naman ako ikaw?" shit naiilang ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya..
"Eto miss na miss na kita di ko nga alam kung paano ako nakaksurvive ng hindi kita kasama eh.." ang lungkot ng mukha nya halatang hirap na hirap na sya
"Kuya jim.." gusto ko syang lapitan para yakapin pero di ko magawa
"Ella mahal mo pa ba ako? ako kasi mahal na mahal kita.."
"Kuya jim.." wala akong masabi sa kanya di ko alam kung paano ko sasabihin na mahal pa sya pero mahal ko na din si Atom alam ko kasi masasaktan sya
"Ella sana bumalik kana sa akin.." lumapit sya saka ako niyakap biglang na miss ko yung yakap nya kaya yumakap din ako sa kanya
"Kuya Jim baka may makakita sa atin.." sabi ko kasi prof sya student ako baka mamaya ma chismis pa kami.
hinila nya ako sa isang tagong lugar saka ako hinalikan.. na gulat ako pero hindi na ako nakatanggi ang tagal na rin ng huli kong maramdaman ko ang mga labi ni Kuya Jim..
Atom
tinatawagan ko si Ella pero di sya nasagot papunta na ako sa parking lot dun ko kasi sabing mag kita kami naiinis na ako kasi di nya sinasagot kaya tinigilan ko na nandun na rin naman siguro sya
nag lalakad na ako ng bigla tumunog yung phone ko baka si Ella na to kaya sinagot ko
"Hello? papunta na ako nandyan ka na ba?"
"Tommy.." natigilan ako dahil dun isang tao lang tumatawag sa akin ng ganun parang huminto yung mundo ko.. pero kailangan kong makasiguro..
"Ella.." ang tagal nyang sumagot pero nag hintay pa rin ako kinakabahan ako pero na eexcite din ako
"Pwede ba tayong mag kita?" di ko alam kung anong gagawin ko kaya bigla akong napasagot ng
"Sure saan?" sinabi nya yung lugar tumakbo agad ako sa kotse ko para puntahan sya.. sa wakas makikita ko na din sya wala akong ibang naiisip kundi ang makita ulit sya..
My Ella..
--------------------
Happy April fools day! XDDDD