My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

374K 25.1K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

EPILOGO

1K 99 40
By DyslexicParanoia

Butas-butas na ang dalawang hektarya ng lupaing hindi naman kanya, dahil sa higit pa sa dalawang daang kataong inupahan niyang maghukay, ngunit hindi pa rin nito makita kung ano ang hinahanap niya.

"Hindi po kaya maling mapa ang ibinigay sa inyo noong asawa ng inyong apo?" pang-aabala sa kanya ng isa sa kanyang mga alipores na Maligno. "Nasuyod na po natin ang buong lugar, pero wala po talaga eh."

Ang totoo'y mas malala pa ro'n ang hinala niya, dahil sa palagay niya'y sinadya talaga ni Lucio na ipanakaw kay Jordanna ang maling mapa. Galit na galit na ginusamot nito ang mapang hawak-hawak, at saglit pay umalingaw-ngaw na ang paghiyaw nito nang dahil sa matinding poot at pagkasiphayong nararamdaman.

"Itigil niyo na ang paghuhukay." Malumanay nitong utos sa mga utusan matapos nitong mapakalma ang sarili. "Nagsasayang lamang tayo ng oras dito."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Maya-maya pa'y pumasok ito sa kanyang tolda. At sa kanyang pag-iisa ay hinawakan niya ang dalawang palawit ng kuwintas na kanyang suot-suot: Ang Carbonado ni Lucio, at ang mahiwagang bato ni Maria ng Kagubatang ninakaw niya sa apong si Jasper, ngunit hindi niya magawang makuntento na nasa kanya na ang mga ito. May kulang pa, dahil wala pa sa kanya ang bagay na makapagbibigay sa kanya ng mas higit na kapangyarihan upang masakop ang pinakamimithing kaharian ng Elysio, at ang buong mundo.

"Kailangan kong makuha ang mga korona ng kapangyarihan!" Bulong niya sa sarili. "Akin ang mga korona ng kapangyarihan!" Kalakip nito ang sumpang hinding-hindi siya titigil hangga't 'di niya nakukuha ang mga ito. "Akin lang!"

Abala pa ito sa pagmumuni-muni ng kanyang mga susunod na hakbang laban sa lahat ng mga sagabal sa kanyang mga pangarap nang may biglang tumikhim sa kanyang bandang likuran. Nilingon nito ang tumikhim na iyon at doon nga'y may nakatayong isang napakaganda at napakaliwanag na nilalang na kamukhang-kamukha ng depiksyon ng mga tao sa Birheng Maria na ina ni HESUS. Mukha itong diyosa ng kagandahan. Kung mga ordinaryong tao ang makakakita rito, marahil ay iisipin na ng mga ito na nakakakita sila ng mapaghimalang aparisyon, ngunit hindi si Marietta, sapagkat alam na alam niya kung sino ito.

"Lucif-" Bulong ni Marietta sa sarili. "Helel..."

Nakipagtitigan sa kanya ang nilalang na may napakaamong mukha.

"Siguro naman'y alam mo kung ano ang sadya ko rito?" Napakabini ng tinig nito, sinabayan pa ng kaaya-ayang samyo ng prinsensya nito na simbango ng sariwang Rosas. "Anong maibibigay mo sa akin kapalit ng hinihingi mong habang-buhay na kalakasan at kabataan?"

"A-ano ba ang nais mo? Kahit ano, ibibigay ko. Kahit ang espiritu ko."

Sa umpisa'y ngumisi muna si Helel, bago ito unti-unting humalakhak. "Espiritu mo? Bakit? Meron ka ba no'n?"

"Hindi ba't 'yun 'din ang tinanggap mong alay mula kay Lucio?"

"Hindi mo ba alam na mga binyagan lamang ang may espiritu? Binyagan si Lucio kaya mayro'n itong naialay sa akin. Ikaw ba? Paano mo iaalay sa akin ang isang bagay na wala ka?"

Napabuntong-hininga si Marietta, "kung gayo'y ano bang maaari kong ialay ko sa 'yo?"

"Serbisyo."

"Anong klaseng serbisyo."

"Lahat ng ipag-uutos ko sa 'yo, at habang sinusunod mo ako, mananatili kang bata at buhay na maaaring lumagpas pa sa isangdaan at dalawampung taon (1)."

"Kahit ano, gagawin ko, para sa kahilingan ko."

"Magaling." Sabay bunot nito sa isang balumbon at kwil na may matilos na dulo. "Heto, pirmahan mo gamit ang iyong dugo."

Walang pag-aalinlangan kinuha ni Marietta ang balumbon at kwil at agad na itinarak ang matilos na dulo nito sa kanyang kaliwang palad upang paduguin ito.

Medyo nanginginig namang iniamba ni Marietta ang kuwil sa bahagi na kailangan niyang lagdaan matapos niyang isawsaw sa sariling dugo ang rito.

Natawa si Helel, "hindi mo man lamang ba babasahin ang kontrata bago ka pumirma?"

Umiling si Marietta, "h-hindi na. May tiwala ako sa 'yo." Saka ito mabilis na lumagda upang maisauli na nito ang kuwil ni Satanas, pati na ang balumbon.

"Handa ka na ba sa sampung utos ko na kailangan mong sundin?"

Tumango si Marietta. "A-ano-ano ba ang mga ipag-uutos mo?"

"Kumuha ka ng sulatan at sarili mong panulat upang maitala mo ang lahat ng aking sasabihin."

Agad namang kumilos si Marietta upang tumalima sa dikta ni Satanas.

"Palakasin mo ang iyong impluwensya sa lupa at ito ang nais kong ibahagi mo sa mga tao, lalong-lalo na sa mga binyagan" ani Satanas, "UNANG UTOS, maaari niyong sambahin ang kahit ano o sino mapuwera kay YHWH. Hikayatin mo silang idolohin ang mga pamosong tao't iba pang mga nilalang sa langit at lupa, at pakaasamin ang mga material at makamundong mga bagay upang pag-alayan ng kanilang buong buhay, kalakasan, at panahon. Sa gayong paraan ay malalayo ang puso at atension nila kay YHWH nang hindi nila napapansin. At sa ganoong paraan ay makukuha ko ang kanilang mga kaluluwa nang hindi nila alintana."

"IKALAWANG UTOS, hikayatin mo ang mga tao na umukit at gumawa ng mga rebulto ng kahit sino o ano-anong nakikita upang ilagak sa mga simbahan at bawat tahanan, mga malalaking estatwa ng kung sino-sino at ano-ano sa dambana, diyos-diyosan sa mga altar, anting-anting at mga medaliong isinusuot upang kapitan, dasalan, hawakan, sambahin, at luhuran ng mga tao sa halip na ang di nakikitang si YHWH, upang mas lumakas ang kapit nila sa material na relikiya ng kanilang relihiyon, sa halip na sa espiritual na ipananamplataya. Kumbinsihin mo, lalong-lalo na ang mga Kristiyano, na magtayo ng mga templong nakapangalan sa ibang mga iniidolo at pinamamarisan nilang nilalang na tinatawag nilang mga patron. Kunsintihin mo ang kanilang mga maling paniniwala at katigasan ng ulo upang hindi sila makapagbago hanggang sa punto ng kanilang kamatayan. Sa ganoong paraan ay makukuha ko ang kanilang mga kaluluwa nang hindi nila namamalayan.

"IKATLONG UTOS, maaari niyong sambitin at alipustain ang pangalan ni YHWH sa mga walang kakuwenta-kuwenta at kapararakang bagay. Mas malalang kalapastanganan sa ESPIRITU ng KANYANG pangalan sa mga pagtutungayaw (2) ay mas maganda. Sa gayung paraan ay makakasanayan na ng mga tao ang idikit ang KANYANG pangalan sa pang-araw-araw nilang pagtungayaw (2) nang walang pag-aalinlangan. Nang sa gayu'y siguradong mapapasaakin na ang kanilang mga kaluluwa nang hindi nila namamalayan dahil sa kasalanang walang kapatawaran (3).

"IKAAPAT NA UTOS, hindi niyo na kailangang alalahanin ang araw ng pahinga at pagsamba kay YHWH tuwing ikapitong araw ng isang linggo, upang magamit niyo na lamang ang oras na ito sa mga bagay na gusto niyong gawin. Ipakita mo sa mga tao na masarap ang maglibang kaysa ang sumimba at magtika, ang kumita ng pera at magpayaman kaysa ang magpahinga, at gumawa ng kahit anong salat sa kabanalan. Upang nang sa gayon ay manatiling maaligamgam ang pananampalataya ng mga binyagan hanggang sa araw ng kanilang kamatayan. Kung magkagayo'y siguradong isusuka sila ng YHWH kaya't siguradong mapapasaakin na rin ang kanilang mga kaluluwa (4)!"

"IKALIMANG UTOS, hikayatin mo ang mga tao na balewalain at suwayin ang kanilang mga magulang lalo't kung sagabal lamang ang mga ito sa kanilang mga pangarap, sariling kagustuhan at kalayaan. Nang sa gayon ay mas dadami ang masasamang tao na walang pakundangan sa kapwa hanggang sa oras ng kanilang kamatayan. Sa ganoong paraan ay makukuha ko ang kanilang mga kaluluwa ng walang kahirap-hirap!"

"IKAANIM NA UTOS, pumatay kayo ng kapwa-tao hangga't gusto niyo. Mas mainam kung ang mga ito'y yaong hindi pa nakatatanggap ng kaligtasan, yaong nabubuhay sa kadiliman, at kasalanan. Mas lalong mahusay na patayin bilang pag-aalay ang mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang upang hindi na madagdagan pa ang populasyon ng mga taong posibleng magpabinyag at magtamo ng kaligtasan. Sa gayung paraan ay mapapalawig natin ang pagkaantala ng pagbabalik ng KRISTO (5), upang makapaghari ako sa mundong ito nang mas mahaba pang panahon. Ngunit dahil nakabase ang KANYANG pagbabalik sa dami ng mga martir na handang mamatay para sa KANYA, iwasan mong kumitil ng mga lehitimong Kristiyano habang sila'y nasa liwanag. Ibulid mo muna ang mga ito sa mga walang kapatawarang kasalanan at pasuway sa DIYOS bago mo sila kitlin, nang sa gayo'y mapapasaakin pa rin ang kanilang mga kaluluwa."

"IKAPITONG UTOS, impluwensyahan mo ang mga tao upang maging normal na lamang para sa kanila ang pakikiapid at pakikipagtalik sa mga hindi naman nila asawa. Gamitin mo ang iyong impluwensiya upang normalisahin ang seksuwal na imoralidad, upang ibulid ang mga tao sa Idolatriya nang hindi nila namamalayan (6). Hikayatin mo sila na mas masarap ang bawal. Mas kapanapanabik ang mangabit, at mangalunya; ang makisiping sa kapwa lalake at babae. Ang makisiping sa asawa ng iba. Ang makisiping sa mga anghel, hayup at iba pang nilalang. Nang sa gayon ay malilibang sila sa paggawa ng mga bagay na masarap ngunit kasuklam-suklam kay YHWH hanggang sa araw ng kanilang kamatayan. Nang sa gayon ay akin na rin ang kanilang mga kaluluwa nang hindi nila nababatid.

"IKAWALONG UTOS, turuan mo ang mga tao nang iba't-ibang pamamaraan ng pagnakaw at panlalamang sa kapwa-tao. Sabihin mo sa kanilang hindi naman masamang bumawas lamang ng kaunti, ang mangupit, ang mangurakot, ang manggantso, at manloko ng tao nang dahil sa pera at kayamanan, nang sa gayon ay hindi sila mangingiming gumawa ng mga ganoong bagay hanggang sa araw ng kanilang kamatayan; upang akin na rin ang kanilang mga kaluluwa sa bandang huli.

"IKASIYAM NA UTOS, kumbinsihin mo ang mga tao na wala namang masama sa pagsisinungaling at paninirang-puri sa kanilang kapwa sa kahit anong dahilan at paraan. Hikayatan mo sila na hindi naman masama ang magkalat ng mga tsismis, mga balita, at mga impormasyong walang katotohanan. Upang nang sa gayon ay mas maraming tao ang mabubulid sa ligalig at pagkalito, upang mas madali natin silang mailalayo sa liwanag at katotohan ni YHWH.

"IKASAMPUNG UTOS, hikayatin mo ang mga tao na wala namang masamang magnasa sa asawa at mga ari-arian ng iba. Impluwensiyahan mo sila upang maging normal lamang para sa kanila ang magnasa at mainggit sa mga pag-aari ng kanilang kapwa. Kaya nais ko ring hikayatin mo ang mga tao na mang-inggit, upang makasanayan nila ang magpahili ng kahit anong makamundong bagay na mayroon sila, nang sa gayo'y maging instrumento natin sila sa paghaltak sa mga tao upang magkasala nang hindi nila namamalayan (7)."

"Habang sinusunod mo ang lahat ng utos na ito, at may naiaalay ka sa akin na anim na sanggol, edad anim na buwan at pababa, tuwing huling araw ng ikasampung buwan ng bawat taon (8), ay mananatili kang bata, malakas, at buhay sa ibabaw ng lupa. Tulad ni Lucio ay wala ring maaaring pumatay sa 'yo maliban sa isa."

"S-sino?"

"Ang lehitimong tagapagmana ng mahiwagang Turmalin (9) na dating pag-aari ng inyong kanunununuang si Arakiel."

"Ngunit sino naman ito?"

Ngumisi si Satanas, "kung sino sa mga kadugo mo ang susugat sa iyo nang hindi gumagaling. Kaya mag-iingat kang masugatan ng sinumang nagmumula sa lahi ni Arakiel, dahil isa sa kanila ang maaaring tumapos sa 'yo."

Tumango si Marietta habang binibilot na nito ang papel na kanyang sinulatan. "Maraming salamat, makakaasa ka na maipatutupad ko ang iyong mga kautusan para sa pabor na aking hinihingi."

***

"Humanda kayo sa 'kin," bulong ni Marietta sa sarili habang nakatanaw sa Café MilagRosa mula sa kabilang kalye,"iisa-isahin ko kayo at hindi ako titigil hangga't hindi ako nagtatagumpay."

Nakatutok pa ang mga mata ni Marietta kay Lucio at Jasper nang may isang batang humaltak sa kanyang damit. "Ale, ale, palimos po."

Iritableng tiningnan nito ang bata, sabay palis ng maruruming kamay nitong nakahawak sa laylayan ng kanyang mamahaling blusa. "Gusto mong magkapera?" nakangising tanong nito sa bata.

Tumango naman ang batang gusgusin.

"Bibigyan kita ng pera sa isang kundisyon."

"A-ano pong kundisyon?"

"Nais kong dalhin mo ang bag na ito sa loob ng kapihang iyon." Itinuro nito ang kapihan ni Senda sa kabilang kalye.

"A-ano po ang laman ng bag na ito?"

Pinandilatan nito ng mata ang bata, "wala nang maraming tanong-tanong. Basta't gawin mo na lang! Bibigyan kita ng pera kapag nagawa mo na."

Napaigik ang bata nang binuhat na nito ang bag dahil may kabigatan ito; sa kabila noo'y sumunod naman ito. Ngunit dahil hirap na hirap ang bata sa pagbibit noon ay naging napakabagal ng paglalakad nito kaya halos mahagip na ito ng mga sasakyang dumaraan na binubusinahan na ito. Nakaramdam naman si Marietta ng matinding pagkainis nang matanaw niyang napansin na ni Lucio ang payat na batang halos hindi na magkausad sa pagbitbit sa mabigat na pasanin; kaya't ibingay na muna nito ang karga-kargang bata kay Senda upang lapitan ang batang tumatawid sa gitna ng kalye.

"Ano ba itong bitbit mo?" tanong ni Lucio sa bata.

"Hindi ko po alam, ipinadadala lang po ito sa akin ng babaeng 'yun oh!" Itinuro nito si Marietta.

Sinundan ng tingin ni Lucio ang itinuturo ng bata, at nang makita nito na si Marietta ito ay agad nitong hinablot ang bag sa bata, ibinato iyon sa direksyon ni Marietta at saka mabilis na hinatak at binuhat ang bata papunta sa kapihan.

"Anong-" salubong ni Jasper sa tumatakbong si Lucio.

"Dumapa kayo!" Anunsyo Lucio sa lahat ng tao sa kapihan. Niyakap at tinakpan naman nito Senda at Daniel sa kanilang pagdapa. Wala pa man ding sampung segundo ay sumabog na ang laman ng bag sa paanan mismo ni Marietta. Ilang dumadaang tao, kotse at jeep ang nahagip ng napakalakas na pagsabog na iyon.

Hindi umabot sa kapihan ang pinsala ngunit maraming tao ang humandusay na sugatan at patay na sa magkabilang kalye.

"Si Marietta." Bulong ni Lucio kay Jasper.

Kahit mga nakadapa pa'y sabay nilang sinipat ang kinaroroonan ni Marietta at nagkatinginan sila matapos nila itong makitang nakatayo pa rin doon na tila walang pinsalanang nangyari rito. Napapaligiran ito ng mga nakahandusay na tao, sira-sirang mga karatula, at hiwa-hiwalay na piyesa ng mga sasakyan sa palibot.

Magkasabay na tumatayo si Lucio at Jasper nang umalingawngaw ang malademonyong paghalakhak ni Marietta; unti-unti itong naglalaho.

"Bilangin niyo na ang mga araw niyo..." ang naiiwang tinig nito'y umaalingawngaw na tila isang malamig na hanging matalim na nanonoot sa tenga ng lahat ng mga nilalang na hindi purong-tao sa kapihan. "Sapagkat ito na simula ng pamamayagpag ko. Ito na ang umpisa ng inyong-"

[KATAPUSAN]

Footnotes:

(1) Genesis 6:3 - nang nilimitahan ng DIYOS ang buhay ng isang ordnaryong tao dahil sa pakikipaniig at pagkakasala ng mga ito kasama ang mga Angel.

(2) Pagtutungayaw (Pagtungayaw) - Pagmumura, cursing or swearing in English

(3) Blasphemy of the Holy Spirit, is an unforgivable sin (Matthew 12:31-32).

(4) Lukewarm faith. Pananampalayang maaligamgam. Hindi malamig, hindi rin mainit. A sin that is enough for a "believer," to lose GOD's acceptance (Revelation 3:15-16)

(5) Revelation 6:11 - mentions a certain "full number," of servants that must be martyred before CHRIST returns. The CHRIST, therefore, will not return until this number or quota of believers is born (in flesh), reborn (in spirit), and die in faith.

(6) Colossians 3:5 - mentions Sexual Immorality, impurity, passion, evil desire, and covetousness as Idolatry. An unforgivable sin if you died in it (Revelation 9:21,17:2, 22:15).

(7) Matthew 18:16 mentions that the people who cause others to sin are far worse than those who have sinned.

(8) Huling araw ng ika-sampung buwan refers to October 31st - the All Hallow's Eve (Halloween) being the evening before Christian holy days of All Hallows' Day (All Saints' Day, November 1st), and All Souls' Day (November 2nd).

(9) Turmalin - Tourmaline. This series refers to a Paraiba type of Tourmaline, a precious stone that has a bright, electric blue color that shines even in dim light.

Editor's Note:

Maraming salamat sa inyong pagsubabay sa nobelang ito. Abangan ang sequel nitong pinamagatang: ALIAS ANGELLIOS-ang huling Aklat (Book 14) ng INTERCONNECTED KATROPA SERIES. Ito ang istorya ng mga anak ni Jasper at Jordanna na sina Daniel, Jeremiah, Ezekiel at Isaiah. Maraming cameo si Lucio at Senda sa story na 'yon kaya, 'wag masyadong malungkot na natapos na natin itong masalimuot ngunit napakaganda nilang love story dahil hindi pa tapos ang laban against the evil villain Marietta-the Devil's new ambitious protégé. Magbe-break lang tayo saglit sa fantastic side ng Katropa series para ma-miss niyo sila ng kaunti, in the meantime, we are going to work on getting the other missing Katropa books available here para makumpleto muna natin lahat ang missing pieces ng Katropa World bago tayo mag-umpisa ng panibagong series. Muli, maraming salamat po sa mga loyal readers ni DP kahit na almost 7 years din kaming inactive and MIA. But we're here, nice to see you again, and it's good to be back!

Acknowledgement:

Kudos to our persevering and staunch content writer Angela Atienza (DyslexicParanoia), who painstakingly wrote this novel by hand when all her writing pieces of equipment stopped working for her at the same time in 2018. She said it must be the Devil himself who tried to stop her from writing this novel. We can safely say by now that the Devil failed to hinder her drive and dedication to finish this novel against all odds, as the messaging of this work highlights the unfathomable patience, mercy, long-suffering, forgiving, and loving nature of the true GOD YHWH, no matter how hopeless the circumstances may seem.

Big thanks also to Jacob DR @RuthlessReality, our Team Leader, who patiently converted all of our dear author's handwritten works to digital form, and the one who made it possible for us to pre-schedule our daily updates.

Warm hugs and immense gratitude to all who have contributed to our Coffee Fund (http://ko-fi.com/DyslexicParanoia). Your support has kept us awake and inspired during the long hours of proofreading and editing A's manuscripts. Your blessings are deeply cherished.

A GLIMPSE OF THE ORIGINAL HANDWRITTEN MANUSCRIPTS by DyslexicParanoia

The original drafts of My Guardian Devil & My Incognito Heart Breaker were written using a couple of thick dot grid fountain-pen friendly journals using DP's grail pen: an Amber Pilot Custom 823 fountain pen, inked with Platinum Carbon Archival Ink.

The snapshots of first drafts along with the Author's vintage Book of Prayers.

All of A's handwritten works, tomes, and journals are uniformly archived in custom-made genuine rustic leather traveler's notebooks in A5 and B6 sizes.

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 1.1K 37
(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng sig...
390K 9.5K 67
You will never know if the person you first met is your true love or just a way to see your one true to love in the end. Note before reading: ginawa...
181K 4.1K 82
[404 Teen Fiction] [COMPLETED&PUBLISHED in English Version] Once upon a time, a mango fell from above. She caught it. He jumped down. Eyes to eyes, t...
11M 203K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...