My Guardian Devil

Av DyslexicParanoia

371K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... Mer

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 137

806 93 19
Av DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

Napakaagap ng anak ko, dahil sa mismong araw rin daw ng paglabas ko sa Edenus ay ipinagbawal na rin nito ang pagpapasok sa akin sa mga karaniwang lagusan.  Hindi rin makapasok doon si kuya Popoy dahil mukhang kasama rin ito sa mga listahan ng mga nilalang na hindi pinahihintulutang makapasok sa loob.

"Alfonso, m-mahal na Reyna. A-anong ginagawa nito rito?" Tinig iyon ni Patruska. Kalalabas lamang nito sa pinakahuling lagusan na tinangka naming pasukan ni kuya Popoy. May bitbit itong itong lukbutan ng damit kaya pihadong pauwi ito ngayon sa Mashuria.

"Kailangan naming makapasok sa loob," sabi ko rito, "maaari mo ba kaming matulungan?"

"N-naku...h-hindi ko alam. M-may malaking pagdiriwang kasing magaganap mamaya sa palasyo kaya ipasasara na ang lahat ng mga lagusan anumang oras ngayon. Kaya nga heto't ngayon na ako lumabas bago ako abutin ng pagsasara. May kumpurmiso kasi ako sa mga kaibigan ko sa atin sa Mashuria."

"Anong pagdiriwang ba ang magaganap diyan?" tanong dito ni kuya Popoy, "At bakit uuwi ka kaysa ang makisaya?"

Sumimangot ito, "sa totoo niyan, ako na ang kahulihulihang lumabas sa mga kalahi natin.  Nauna nang umalis ang iba dahil hindi nila nais makisaya sa loob. Nayayamot kasi sila sa pagdayo ng mga taga Greteria rito na kay tataas nang ilong.  Hindi namamansin na akala mo'y kung mga sino. Para kasi sa amin, ikaw ang Reyna namin dito," sumulyap ito sa akin, "at hindi si Asherah. Ikakasal na sila ng Panginoong Lucio sa makalawa, at wala kaming balak dumalo. Mukhang wala naman siyang pakialam dahil hindi na nga niya alintana na wala nang natitirang mga lambana sa loob ng kanyang kaharian. Lahat kami ay nag-alsa balutan na dahil sa mga Greterian."

Nagkatinginan kami ni kuya Alfonso. Mukhang wala na talagang makapipigil sa kasalang magaganap, pero hindi naman iyon ang mas inaalala ko ngayon, kundi si Katrina.

"Reyna Senda?" Napatingin kaming tatlo sa bagong nilalang na lumabas sa lagusan. Si David ito. "Reyna Senda, ikaw nga!" Lumapit ito sa akin. "Ano pong ginagawa ninyo rito sa labas? Halina kayo sa loob!" 

Akmang papasok na kami nang biglang bumulaga sa lagusan si Katrina. Biglang sumimangot ito sa pagkakitang-pagkakita  pa lamang nito sa amin. "Anong karapatan mong papasukin ang kung sino-sino rito?" Masungit na wika nito kay David. "At ikaw?" pagbaling nito kay Patruska, "saan ka pupunta? Bakit nagsisialisan kayo? Dahil ba sa babaeng 'to?" itinuro ako nito, "hinihikayat ba niya kayo na talikuran ang aking ama?! At ikaw naman!" Dinuro ako nito, "hindi pa hilom ang mga putok mo sa mukha ang lakas ng loob mong makabalik-balik dito! Ganyan ba talaga kakapal ang mukha m—"

Nagulat ako nang sinampal ito ni kuya Popoy. "Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang iyong ina dahil hindi mo alam ang lahat ng pagsasakripisyong ginawa niya para sa 'yo!"

"Para sa 'kin?" Sagot nito kay Alfonso, "at kailan pa siya may isinakripisyo para sa akin? Hindi nga man lamang niyan ako nadalaw ni miminsan. Sakripisyo...sakripisyo! Kami lamang ni Ama ang nagsasakripisyo sa lahat ng kamalasang dala ng babaeng 'yan!"

"Hindi totoo 'yan mahal na Prinsesa." Pagsabat ni Patruska. "Parati kang dinadalaw ng iyong ina simula pa sa iyong pagkabata. Itinataon lamang talaga niya na natutulog ka—"

"Wala akong pakialam!" Bulyaw nito kay Patrusta, "at wala akong pakialam sa 'yo!" Muli ako nitong dinuro kaya tinampal ni kuya Popoy ang kamay nito.

"Talaga palang napakabastos mo." Kalmadong wika rito ni kuya Popoy. Ako nama'y nagpipigil ng aking emosyon. "Narito ang iyong ina upang iligtas ka sa tiyak na kapahamakan ngunit ito lamang pala ang mapapala niya? Wala kang modo. Manang-mana ka sa—ito ba ang pagpapasahan niyo ng korona?" pagbaling ni kuya Popoy sa akin, "mas mainam pa nga yatang makuha na lamang ni Marietta ang lahat dahil sa sang-sang ng pag-uugali nitong anak mo. Halika na nga!" Hinatak na ako nito, "hayaan mong mamatay kung nais niyang magpakamatay sa kamay ni Asherah!"

"Kuya 'wag naman ganyan," Binawi ko ang pagkakahawak sa akin ni kuya Popoy, "Kailangan tayo ng anak ko." tuluyan na akong napaiyak. Anak..." pagbaling ko kay Katrina, "mag-iingat ka kay Asherah, anak, hindi siya tulad ng inaakala m—"

"Ah, lumabas din ang totoo.  Gusto mo na namang idiskaril ang kaligayahan ng ama ko. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? Bakit ba sa tuwing dumarating ka ay dinidilubyo mo si Ama? Huli ka na sa pagkakataong ito dahil masayang-masaya na si Ama. Sa wakas ay natagpuan na rin niya ang tamang babae para sa kanya. 'Yung hindi siya iiwan. 'Yung hindi siya paghihintayin nang pagkatagal-tagal para lamang sa wala. 'Yung hindi siya paasahin sa mga pangakong hindi natutupad. Siya rin ang pinapangarap kong maging Ina. Sayang nga lamang at ngayon ko lamang siya nakilala. Dapat talaga ay noon pa para hindi na namin kailangang pagdaanan ang kalungkutang dulot mo sa amin. Sana talaga, totoong namatay ka na la—" muli itong sinampal ni kuya Popoy.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Bastos ka! Kung si Asherah na ang pinipili mong maging ina, sige! Pero huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Rosalia dahil ako mismo ang babasag diyan sa bunganga mong kasingsangsang na ng pag-uugali mo! Si Asherah ang gusto mo kaysa sa tunay mong inang tunay na nagmamahal sa 'yo? Sige! Iyon na nga ang ina mo simula ngayon. Pero ito ang tatandaan mo, dahil nasisiguro kong pagsisisihan mo ito kung patuloy ka magpapakabulag sa iyong poot. Kapag naramdaman mo na ang punyal na bigla na lamang itatarak ng Asherang 'yan sa iyong dibdib, nawa'y magkaroon ka pa ng kahit gagarampot na oras para humingi ng tawad sa ina mo. Gusto mong magpakamatay? Sige, magpakamatay ka." Muli akong hinatak ni kuya, "halika na Rosalia...Patruska. Umiwi na tayo sa 'tin!"

"Kuya hindi natin maaaring pabayaan ang anak ko." Pagmamakaawa ko rito. "Kuya..." tuluyan na akong napagahulhol habang kinakaladkad ako ni kuya Popoy papalayo sa anak kong nakatanaw pa rin sa amin. "Katrina!"  Sigaw ko rito, "mag-iingat ka anak ko! Mahal na mahal kita. Maniwala ka ma't sa hindi...mahal na mahal kita."

***

Nadatnan ko ang hindi mabilang na mga lambanang umuwi sa Mashuria, galing sa Edenus. Nasa harapan ang mga ito ng palasyo at wari'y hinihintay ang pagdating ko.

"Anong nangyayari dito?  Bakit narito kayo lahat?"

"Narito po kami dahil natatakot na po kami sa Edenus." Wika ng isa.

"Bakit, ano bang nangyayari sa Edenus?" pagsabat ni kuya Popoy.

"Hindi po namin alam kung paano nakakapasok ang mga Greterian, pero parami na po sila nang parami sa loob sa pagdaan ng mga buwan." Sabi naman ng isa pa. "Kinukuha na po ng iba ang aming lupain dahil doon na raw po sila pinatitira ng Panginoong Lucio at Katrina.

"Kami na po ang nagkusang umalis," sabi naman ng isa, "dahil nawiwirduhan na po kami sa mga nangyayari. May nga naglalakad doon na parang nawawala sa sarili, nakatulala lang na parang nahihipnotismo sukdulang ibigay na nila sa mga Greterian ang kanilang mga ari-arian at lupain."

"Hindi lamang po mga Lambana ang umalis, may may umalis na rin pong mga puting duwende at iba pang mga engkanto't maligno upang doon na lamang manirahan sa lupa. Mga aswang na lamang po ang nanatiling matibay roon dahil mukhang ilag po sa kanila ang mga Greterian. Pakiramdam po namin ay unti-inti nang sinasakop ng Gereteria ang Edenus nang hindi namamalayan ng Panginoong Lucio at Prinsesa Katrina. Wala po kaming masumbungan. Para po kasing pareho silang sunod-sunuran na lamang kay prinsesa Asherah at sa ama nitong si Merlino."

Nasa kalagitaan pa ng pagsasalita ang mga nasusumbong nag may isang mandirigmang engkanto mula sa pangkat ni kuya Popoy ang lumapit sa kanya. May ibinilong ito rito.

"May problema ba, kuya?" nang muli nang umalis ang nilalang na bumulong sa kanya.

"Natunton na raw nila kung saan ikinulong ni Marietta ang lahat ng engkantong kaalyado namin ni Jasper. Kailangan din daw ako ni Manuel . Nag-aalala raw ito sa panganay ni Jasper dahil umaali-aligid na naman daw si Marietta rito upang kunin 'yung bata. Kaya mo bang sumugod sa Edenus nang mag-isa?"

"Oo naman. Bakit? Narito ka ba nang mabawi ko ang kahariang ito?" Nakabungisngis na pang-aasar ko rito.

Napatawa ito, "ang yabang mo na  ah, iba ka na talaga! Gusto 'yan. Pero hahayaan lamang kitang pumaro'n nang mag-isa kung mangangako ka sa akin na hindi ka basta-basta paaapi sa anak mo. Huwag mong kunsintihin ang masama niyang pag-uugali. Ipakita mo sa kanya na ikaw ang anak ng matapang at magiting na Czarina, ang matibay at makapagyarihang Reyna ng Mashuria, at ikaw ang ina niya. Kung kailangan mo siyang paluin at saktan, gawin mo, para matuto ng tamang asal."

"Opo, itay." Natatawang biro ko rito.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon.  Pagkatapos kong mapag-aaralan ang tungkol sa mga Greterian sa loob lamang ng isang buong maghapon ay ipinahanda ko na ang higit sa sampung-libong kabalyerong Mashurian, upang samahan ako bumalik Edenus bago sumikat ang araw kinabukasan.  Hindi ko pa rin alam kung paano kami makapapasok sa loob ngunit sa tingin ko'y mas madali nang gumawa nang paraan kapag naroon na kami.

"Kahit maliit na siwang lang, sapat na para makapasok kami sa loob sa anyong mga alitaptap." Sabi sa akin ni Caspiano, ang heneral ng aking hukbong kabalyero. 

"Sana may lumabas." Wika ng isa sa mga kabalyero sa bandang likuran ko.

"May awa ang DIYOS."  Bulong ko.

***

Lucio's P.O.V.

"Boss, anong ginagawa mo rito?" biglang tanong ni David habang nakatayo ako sa gitna ng parang.

Bigla akong natauhan, "paano ako napunta rito?"

Kakamot-kamot si David, "sinundan ko lamang po kayo rito dahil nakita ko kayong naglalakad nang nakatulala papunta rito. Kanina pa nga po kayo nakatayo riyan."

"Ha?" Kinapa ko ang sarili ko, "ang huli kong naaalala ay—"wala rin halos akong maalala kung saan ako nanggaling.

"—ay?"

Inalog ko ang ulo ko.

"Naku Boss, mukhang totoo nga ang sinabi ni Alfonso kamakalawa. Parang nagagayuma kayo ni Prinsesa Asherah."

Napakunot-noo ako,  "Paano mo nakausap si Alfonso?"

"Nariyan po sila sa labas ng lagusan, kasama niya po ang mahal na Reyna Senda, kamakalawa. Naroon din po si Patruska dahil pauwi na raw po ito sa Mashuria. Nais po sana nilang pumasok rito ngunit hinarangan po sila ni Prinsesa Katrina."

"S-si Katrina, alam mo ba kung nasaan si Katrina?" 

Umiling ito. Hindi ko maintindihan kung bakit tila may katagalan ko na itong hindi nakikita.

"K-kailangan ko siyang makausap."

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa palasyo. Sumusunod naman sa akin si David. At habang papalapit ako sa hardin ay unti-unti akong napapakunot sa napakagarbong hayin na tila may magaganap roong pagdiriwang.

"Para saan ito?" nang makita ko si Himena.

Wari'y nagulat ito sa aking tanong, "p-pero hindi po ba't kayo po ang nagpahanda ng mga ito sa akin kanina? Ang sabi niyo po sa akin ay para po ito sa kadarating lang na mga panauhin niyo mula sa  kaharian ng Greteria."

Wala akong maalalang iniutos na gayon at wala rin akong inaasahang mga bisita mula sa kaharian ng Greteria. 

"Naku Boss," bulong sa akin ni David, "kung hindi mo maalala ang ganoong kalalaking bagay, mukhang may nangayayari ritong kababalaghang hindi mo alam. Nasa labas nga po kasi ang mahal na Reyna kamakalawa, upang balaan ang Prinsesa Katrina tungkol kay Prinsesa Asherah."

Nilingon ko na ito, "balaan tungkol saan?"

"Balak raw po nitong patayin ang inyong anak, sa utos ng kanyang ama si Merlino na naririto na rin sa loob ng Edenus ngayon. Alam niyo po ba na nagsialisan na ang halos kalahati ng mga mamayan ng Edenus?"

"Ano?"

"Wala na po ang mga Lambana at iba pang mga puting Engkanto at mga Maligno rito sa Edenus."

"Anong wala na, saan sila nagpunta?"

"Ang mga Lambana po ay nagsibalikan na lahat sa Mashuria, ang iba naman po ay naghanap na ng matitirahan sa lupa."

Parang sasabog ang ulo ko dahil paanong makakaalis ang mga iyon nang hindi ko nalalaman?

"Naku Boss," nakatanaw si David sa 'di kalayuan, "nariya na po si—"

"Lucio..." humahalakhak na pagbati sa akin ni Merlino. Naglalakad ito palapit sa amin kasama ng hindi lamang yata lilimampung mandirigmang Greterian. "Nagpahanda ka pa pala para sa amin...nag-abala ka pa."

Maya-maya pa'y pinalilibutan na ako ng mga kasama nito kaya lalong nagsumiksik sa likod ko si David. Nalilito ako sa mga nangyayari. Nag-uumapaw ang utak ko ng hindi mabilang na mga katanungan. Ang kahuli-hulihan kong naalaala ay nang ipinakilala sa akin ni Katrina si Asherah sa Hardin.  Ngunit wala naman akong ipinahihintulot na papasukin si Merlino sa aking teritoryo.

"Hindi na masama para sa ilang buwan mong pagpapakasaya sa kandungan ng aking anak. Maraming salamat sa iyong binhi, dahil nasa sinapupunan na niya ngayon ang magmamana ng napakagandang kahariang ito." 

"Ilang buwan?" napalingon ako kay David, "anong binhi?" bulong ko rito dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi ni Merlino.

"Hindi niyo po ba alam na nagsisiping na kayo ni Asherah?" bulong ni David sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko, "A-ano?" Inalog ko ang ulo ko dahil wala akong matandaan na kahit iisang pagkakataon na sinipingan ko si Asherah.

Pikit-matang lumanghap ng hangin si Merlino. "Hindi na ako nagtataka na Edenus ang ipinangalan mo sa lugar na ito dahil ito na nga yata ang pinakamagandang paraisong nakita ko. Pasensya ka na nga lang at akin na ito ngayon!" Muli itong humalakhak nang malakas.

"Ama!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita koNG kinakaladkad na ito ni Asherah palapit sa kinaroonan ko; may nakatutok na punyal sa leeg nito. "A-Ama..."umiiyak na ito, "Patawad ama, hindi ko alam..."

Humalakhak si Merlino, "huwag kang mag-alala, Katrina. Wala ka naman talagang dapat na malaman at maaalala, tulad ng halos lahat nang nakatira rito, pati na ang kabuuan ng iyong hukbo!" Itinuro nito ang mga nilalang na naglalakad sa palibot na wari'y mga nawawala sa kanilang sarili. Nakatulala; pumaparoo't parito na tila walang alam sa pinanggalingan at patutunguhan. "Tiyak na matutuwa si Marietta sa pagtatagumpay namin sa teritoryong ito."

"Tsss..." ako, "kung si Marietta ang kakuntsaba mo rito, paano ka naman nakakasiguro na hindi niya aagawin ang teritoryong ito sa 'yo?"

Biglang napawi ang ngiti nito dahil napaka imposible namang hindi niya alam ang katrayduran ng kanyang kaalyado.

"Tama ako hindi ba?" Nginisian ko na ito, "maaaring makuha mo ito ngayon pero kukuhanin din niya sa iyo ito sa mga susunod na araw. Alam mo bang mas may karapatan ito sa trono ko kaysa sa ipinagmamalaki mong binhi ko sa sinapupunan ng iyong anak? Kadugo ko rin si Marietta, nakalimutan mo na ba?"

Bumakas sa mukha nito ang pagkainis, "mga kawal!"  Sigaw nito a kanyang mga kasamahan. "Itali niyo ang mag-amang ito gitna ng ating pagdiriwang upang may mapaglaruan naman tayo!"

"David,"  bulong ko rito, "tumakbo ka na, bilis! Sabihan mo si Alejo!" Sa isang kisapmata'y nagsaanyo itong Tikbalang at walang pagkaantalang kumaripas ng takbo.

***

"Ama anong gagawin natin?"

Magkatalikuran kaming iginapos ng mga kawal ni Merlino sa gitna ng nakapalibot na mga lamesang kinakainan nila. Nangiginig naman sa takot sina Himena dahil sa pangmamaltrato ng mga dayo sa kanila.

"Titikman ko 'yang anak mo mamaya ha?" maangas na wika sa akin ng isa sa matataas na pinuno sa hukbo ni Merlino.

"Ama..." naiiyak na bulong sa akin ni Katrina. "Natatakot ako. Ano kayang gagawin nila sa akin?"

"Shhh...bulong ko rito, "wag kang matakot. Anak ka lamang ba ng kung sino-sino? Anak kita, lakasan mo ang loob mo, Anak ka rin ni Rosalia, tibayan mo ang dibdib mo."

"Patawarin mo ako ama. Pinagsisihan ko na po ang ginawa ko kay ina kamakalawa."

Napakunot-noo ako, "nakita mo rin si Senda kamakalawa? B-bakit, ano bang ginawa mo sa kanya?"

"H-hindi niyo po ba naaalala? B-binubog ko po siya at naroon din po kayo. Nakita niyo po mismo ang kalupitan ko sa kanya."

Napapikit ako, "wala akong naalala anak. Pero ano ka ba naman? Bakit mo naman ginawa 'yun sa iyong ina?!"

"Galit na galit po kasi ako sa kanya, Ama." Sumisinghot-singhot ito, "hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang galit ko. Patawad po."

"Sa kanya ka humingi ng tawad, hindi sa akin."

"Malamang hindi na 'yun babalik dito dahil sa pagtataboy ko sa kanya, lalo na sa mga masasakit na salita na binitawan ko sa kanya. Baka hindi na ko makahingi ng tawad bago ako mamatay."

"Tsk. Anong mamatay? Hindi ka mamatay. Kilala ko ang iyong ina. Hindi ito mapagtanim ng galit. Marami rin akong nasabing masasakit sa kanya noon na hindi ko pa rin naihihingi ng tawad pero nakukuha pa rin niyang balewalain ang mga iyon. 'Yun ang personalidad niya, dahil sa pananampalataya niya. Mabilis siyang magpatawad kahit doon sa mga hindi karapatdapat."

****

Nabalot ng pinaghalong iyakan at halakhakan ang pagdiriwang nang inumpisahan ng paglaruan ng mga tauhan ni Merlino ang lahat ng mga tagasilbi sa palasyo.  Pinaluhod nila ang mga ito upang pagtawanan dahil sa sari-saring kababuyang ginagawa nila sa mga ito. Mayroong binubuhusan ng mga sabaw, tinatapunan ng pagkain, mga babaeng hinihipuan, hinahalikan, mga kalalkihang hinuhubaran habang pilit pinakakin ng mga mumo at tira-tira. Walang mga utang na loob sa mismong mga tagasilbing naghanda ng kanilang pagkain.  Ngayon ko napatunayan na kung ano ang ikinaganda at liwanag ng anyo ng mga Greterian, gano'n naman kadidilim at kapangit ang pag-uugali ng mga ito. Ito rin kasi ang mga uri ng engkantong nagpapahirap sa mga taong nakukursunadahan nila sa lupa. Nanggagahasa at nandurukot ng mga babaeng tao at nagbibigay naman ng sumpa at mga sakit na walang lunas sa mga kalalakihan sa lupa.  Walang ipinagkaiba si Merlino kay Lambino at Marietta. Maganda lamang sa panlabas, ngunit ubod naman ng pangit ang kaloob-looban.

"Katrina..." Nakangising pagbati ni Asherah sa aking anak. "Hindi mo ba ako babatiin?" hinahaplos nito ang kanyang tiyan. "Magkakaroon ka na ng kapatid, anak ko."

"Hindi kita ina!" Singhal ni Katrina dito.

Nagulat ako nang bigla nitong sinuntok sa mukha si Katrina, ngunit nakakainis rin dahil hindi mawala ang ngiti nito sa mukha, "kung ang ina mo ay nasasagot-sagot mo, ibahin mo ako!" Sinipa rin nito ito sa mukha.

Gustong-gusto kong bigwasan ito kung hindi nga lamang nakatali ang mga kamay ko.

"Sa ayaw mo at sa gusto, kapatid mo itong dinadala ko."

"Pinagsamantalahan mo ang aking Ama, nakakadiri ka! Desperada k—"muli kong narinig ang paglagapak ng suntok sa pisngi ng anak ko.

"O, dumudugo na ang mukha mo, anak." Malambing na wika ni Asherah kay Katrina, "Ikaw naman kasi, wala kang galang sa iyong ina—"naputol ang sasabihin nito dahil dinuraan ito sa mukha ni Katrina.

Pasikreto naman akong napangisi dahil kuhang-kuha talaga ni Katrina ang aking pag-uugali.

"Bastos na bata!" Sinabunutan nito si Katrina at nilamukos ang mukha. Ngunit agad din naman itong sumigaw nang kinagat ni Katrina ang hinliliit nito. napaupo sa lupa si Asherah, hawak ang kanyang kanang kamay. Sa una'y nagtataka ako kung bakit sumirit na ang dugo mula sa kamay ito. Naintindihan ko lamang kung bakit matapos na malakas na ibunuga ni Katrina sa may gilid namin ang natanggal na hinliliit ni Asherah.

"Ama...Ama!" Pag-iyak ni Asherah kay Merlino. Ngunit kapansinpansin ang pagtindi ng ingay at kaguluhan sa kapaligiran kaya hindi ito marinig ng kanyang ama. "Walanghiya kang babae ka!" Bulyaw nito kay Katrina habang tumatayo mula sa pagkakagulong. Kinabahan ako nang dumampot ito ng espada mula sa bewang ng isang Greterian, at agad na iniamba ito kay Katrina, "papatayin kita!" Nataranta ako at nagkakawag dahil wala akong magawa upang pigilan ito. "maldita—!"

Ngunit bago pa man makalapit ito'y nagulat ako nang bigla na lamang may lumusot na sibat na tumusok nang lagpasan sa bandang tiyan nito. Nalaman ko na lamang kung sino ang ang sumaksak dito matapos na lumagpak si Asherah na wala nang buhay sa lupa.

"S-Senda?" puro tilamsik ng dugo ang suot nitong baluti. Noon ko na lamang nadiskubre na ang pagdating pala ng mga mandirigmang kasama nito ang dahilan ng mas tuminding ingay at kaguluhan sa paligid.

"I-ina" Ani Katrina.

"Anak ko." Agad na niyapos ni Senda sa ulo ng anak namin. "Salamat at ligtas ka. Sandali..."naramdaman ko ang pagkakalas nito sa makakapal na lubid na ipinanggapos sa aming mag-ama.

"Senda." Agad ko itong niyakap matapos kong makawala. Ngunit napaigik naman ako nag bigla nito akong sinikmuraan. "Magpapaliwag ak—" ngunit muli ako nitong sinuntok sa tiyan.

"Sa presinto ka na magpaliwanag!" Nakabungisngis naman ito kaya batid kong nagbibiro lamang ito.

Napapangiti si Katrina sa aming dalawa. "P-paano po kayo nakapasok rito, Ina? Sino ang nagpapasok sa inyo?"

"Patawarin mo ako, Katrina, ako ang nagpapasok sa kanila,"  Biglang pagsabat ni Alejo. Lumalapit na ito sa kinaroroonan namin. "Alam kong magagalit ka pero—" hindi na nito natapos ang sasabihin nang mabilis itong nilapitan ng anak ko at hinagkan sa labi. 

[ITUTULOY]

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

232K 5.6K 60
[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error...
493K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
440K 9.5K 25
Paalala: Marami pa pong itong mali lalo na sa grammar sapagkat hindi pa ito na-e-edit. *** Gusto mo bang maglaro? Kahit sino at kahit anong edad, pwe...
3.5K 45 2
Harley don't have any memories from before she was eight. For her, Harley's life started when she opened her eyes and felt the ice cold raindrops on...