My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

370K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 134

792 80 7
By DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

Apat na taon. Apat na taon kong tiniis na muling hindi makita si Luis. Pihadong galit na ito sa akin. Siguro'y iniisip na rin nito na nilapitan ko lamang siya noon upang humingi ng pabor. Hindi ko binalak na gawin ito sa kanya, kaso'y nagkasunod-sunod at nagkapatong-patong naman ang aking mga suliranin sa Mashuria. Hindi lamang ito dahil kay Romina, kundi dahil sa makailang beses na tangkang pagsalakay ni ate Marietta, simula nang binawi ko sa kanya ang aklat ng orasyon, na halos kasabay naman nang pagkakadiskubre niya ng hindi lamang ng pagtatraydor ko sa kanya, kundi pari na rin kung sino talaga ako.

"Ngayong napaalis mo na rito si Romina," ani Durwino, ang pinuno ng mga Lambanang naglingkod sa nasirang ikalawang asawa ni Lambino. Ito na rin ang tumayong tatay-tatayan ng aking tatlong kapatid na babae kahit noong nabubuhay pa ang aming ama, "magiging maayos na rin tayong lahat. Pag-utusan niyo po ako, mahal na Reyna." Yumukod ito sa akin.

"Sapat nang paglilingkod mo sa akin," sagot ko rito, "ang tapat mong pangangalaga sa aking mga kapatid." Sinulyapan ko sina Dalia, Hera, at Thea.  Nakatayo ang mga ito sa likuran ni Durwino, habang nakarap silang lahat sa kinauupuan kong trono.

"Mahal na Reyna!" Humahangos si Gilleo papunta sa akin. Tumabi naman muna sina Durwino at ang aking mga kapatid nang yumukod na ito sa akin.

"Anong ginagawa mo rito, Gilleo?" sabi ko nang may hinahon. "Hindi ba't inutusan kitang matiyagan si Marietta sa lupa?

"'Y-yun na nga po ang ipinunta ko, mahal na Reyna."

"Bakit?  May nangyari ba?"

"Masamang balita. Tila yata nawala na sa tamang katinuan si Marietta sa labis-labis na poot nito sa ginawa niyo ni Alfonso sa kaniya. Nag-aamok na ito ngayon dahil nadiskubre na rin po nito ang ginawa ni Alfonso sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nilusob nito ang mga kampo ng sarili nitong apo na si Jasper. Marahil ay dahil sa matinding pangamba nito na ito na ang susunod na magtatraydor sa kanya.  Sinamantala nito ang pagkakataong wala ito."

Napakunot-noo ako, "sinong wala?"

"Si Jasper po."

"Bakit wala si Jasper, saan ito nagpunta?"

"Ipinakulong raw po ito ni Jordanna kay Lucio."

Napatayo ako sa matinding gulat. "At bakit naman ito ipinakulong ni Jordanna kay Lui—Lucio?"

Umiling ito, "hindi ko po alam."

Muli along napaupo at hinilot ang aking sentido. "W-wala man lang bang humalili kay Jasper sa kanyang hukbo upang mamuno habang wala siya?"

"Ang totoo po niyan. Unti-unti pong bumaba ang moral ng hukbo ni Jasper simula nang nagtungo si Jordanna sa Edenus apat na taon na ang nakalilipas. Parati raw po kasi itong naglalasing at nawalan na ng ganang pamunuan ang kaniyang lehiyon. Mukhang unti-unti itong sinamantala ni Marietta upang makuha nito ang loob at katapatan ng halos lahat ng taga-sunod ni Jasper. Wala na nga po itong natitirang tapat na kakampi sa kanyang konseho kundi si Alfonso at Alondra."

Muli akong napatayo, "kailangan kong pumunta sa Edenus. Kailangan kong makausap si Jordanna."

"Wala na po sa Edenus si Jordanna."

"A-ano? Eh nasaan na ito?"

"Pinauwi na raw po ito ni Lucio sa lupa."

"Kung gayon ay pupuntahan ko siya sa Lupa." Sabi ko.

"Gusto naming sumama sa 'yo." Sabi ni Dalia.  Tumango naman sa tinuran nito si Hera at Thea.

"Sige. Kung gayo'y tayo na!"

****

Nagulat ako nang hindi pa man din kami nakakapasok sa apartment ko upang pagplanuhan ko ang paghahanap kay Jordanna ay natanaw ko na itong papalapit sa amin; kasama na nito si Jasper.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Jasper, Jordanna!" Pagsalubong ko sa kanila. "Alam n'yo na ba ang nangyayari?"

Tumango ang dalawa; napapasulyap ang mga ito sa aking tatlong kapatid.

"Ah, s'yanga pala." sabi ko sa dalawang bagong dating, "ipinakikilala ko nga pala sa inyo ang aking mga kapatid sa aking amang lambana, si Hera, Thea at Dalia. Mga kapatid..." pagbaling ko naman sa tatlo kong kapatid, "sila ang aking mga kaibigan, ito si Jordanna at si Jasp—"

"Kilala namin sila, Senda." Pagsabat ni Dalia. "Sila mismo ang mag-asawang ipinahahanap ng pinunong Durwino sa amin." Mas lumapit ang mga ito kay Jasper at Jordanna, "halos ikatlong bahagi kasi ng aming kaharian, sumama upang maglingkod sa 'yo, pero nang dahil din dito, nadamay sila sa kaguluhan at naging bihag ng mga dumakip sa kanila."

"May alam po ba kayo kung saan nila dinala ang mga dinukot na mga lambana?" tanong ni Jordanna.

"Oo," Sagot ni Dalia, "pero wala sa amin ang makalapit do'n. Kung sino man ang nagpasimuno ng pagbihag na ito, tiyak na pinag-isipan at pinagplanuhan itong mabuti bago ito isinagawa."

"Saan ba ang lugar na ito?" pagsingit ni Jasper.

"Sa isla ng kapa'akai (1)." Ani Hera, "Isa itong tago at maliit na islang napalilibutan ng mga asin at mga halamang-ugat na pangontra sa mga tulad namin."

"Kailangan namin ang tulong mo, Jasper." Pasingit ni Thea. "Wala sa mga lambana at iba pang mga engkanto ang maaaring pumaro'n nang hindi nabibihag."

"Maging ang mga aswang, hindi rin makapaparo'n." Sabi naman ni Dalia.

"Tanging mga tao lamang, mga purong anghel mula sa langit, mga purong demonyong nakadestino sa himpapawid at mga engkantong may lahing tao lamang ang maaaring makaparo'n nang may pag-asang makalabas-masok, makalapit at makatakas." Ani Hera.

"Tayong tatlo." Wika ko kay Jasper at Jordanna. "Tayo lang ang maaring makatulong sa kanila ngayon. Hindi naman tayo maaaring manggambala sa mga purong tao para isali sa kaguluhang ito. Mahigpit na ipinagbabawal ito sa kaharian ng mabubuting engkanto."

***

Sumama ako kay Jasper at Jordanna matapos magpaalam ng aking mga kapatid; bagaman binilinan ko ang mga ito na pabantayan kami sa pangkat nina Durwino. Hatinggabi na nang may namataan kaming isang pook sa isang liblib na baryo na tila may nasusunog. Dahil doo'y napagdesisyunan ni Jasper na medyo babaan ang paglipad upang makita namin sa malapitan kung anong nangyayari.

"Kampo ito ni Lucio." Bulong ni Jasper sa aming dalawa ni Jordanna. Nakakubli kami sa mga dahon ng pinagbabaan naming matandang puno.

Pinagmamasdan namin ang pagpapatayan ng mga nilalang. Ang pagdanak ng dugo at ang pagtatalsikan ng mga pugot na ulo at pirapirasong parte ng mga katawan. Walang habas na pagtatagaan at pagpapatayan ang dalawang kampo; na halos magsindami pa, dahil magsindami rin ang namamatay sa magkabilang panig.

Ilang saglit pa'y dumagundong na ang mga yabag ng isang lupon ng iba't ibang nilalang mula sa kabilang direksyon. "Si Lucio." Bulong ko kay Jordanna. Si Luis pala at ang lupon nito ang mga bagong dating.

Kapansin-pansin na mayro'n din itong mga pakpak na singputi at sinlaki ng kay Jasper. Kasama nito ang isang tropa ng mga nilalang, na sa tantiya ko, hindi lamang dalawang daan. Walang pasubaling nakilahok ang mga ito sa kaguluhan, hanggang sa nalipol din naman nina Luis ang mga kalaban ng kanilang grupo, maliban sa dalawang impaktong sugatan.

"Mapatay mo man kami, wala ka na ring magagawa, Lucio!" Sambit ng isa sa dalawang sugatan. "Katapusan mo na, tulad ng hunghang na si Jasper."

"Nasaan ang kuwintas mong 'Carbonado', Lucio?" tila nangungutyang wika ng isa pa sa mga sugatan. "Diyata't may nakakuha na rin nito sa 'yo kaya't tinubuan ka na rin ngayon ng mga pakpak!"

Hindi nagsalita si Luis. Sa halip ay sinenyasan nito ang isa sa kanyang mga kasamahan upang walang pakundangang pugutan ng ulo ang dalawang impaktong nangungutya sa kanya.

"Hindi kaya ang kuwintas na 'Carbonado' ang tunay na pakay ni Lola Marietta sa loob ng kastilyo ni Lucio?" bulong ni Jordanna kay Jasper. Hindi ito sumagot. Nakatanaw pa rin ito sa mga nangyayari. Bakas sa mukha nito ang malalim na iniisip.

"Anong tungkol kay Marietta?" Pagsabat ko.

Nagkatinginan ang dalawa, wari'y nagdadalawang-isip.

"S'ya ang may pakana ng lahat ng ito." Nanlulumong sagot ni Jasper sa akin. "Tinraydor n'ya ako, binitbit ang aking hukbo. At ngayon naman, pinababagsak na rin n'ya si Lucio."

"Pero bakit naman gagawin ni Marietta 'yun?" Pagpapatay-malisya ko, upang malaman ko ang kanyang iniisip. Napapasulyap naman ako kay Jordanna na tila nagtataka kung bakit gano'n ang naging tanong ko.

"Hindi ko pa alam sa ngayon." Habang matalim na nakatitig si Jasper sa tropa nina Luis na naglalakad na papalapit sa direksyon ng aming kinaroro'nan. "Pero malalaman ko rin 'yun. Isinusumpa ko, malalaman ko rin ang puno't dulo ng lahat ng ito." Nagngangalit ang mga panga nito.

***

Pasikreto naming sinundan ang grupo nina Luis. Tinungo nila ang isang liblib na baryong isa sa kanilang mga teritoryo. Maayos pa naman ang lugar na 'yun, kaya do'n na rin huminto ang mga ito upang makapagpahinga. Sinubaybayan namin ang kanilang mga ikinikilos upang makasagap kami ng nalalaman nito sa mga nangyayari.

"Mga kilalang hukbo at kakampi ni Jasper ang lumilipol sa ating mga kasamahan." Sabi ng isang aswang kay Luis; nagpapahinga ang mga ito sa loob ng isang kubo. Nakasilip naman kaming tatlo sa siwang ng bintanang yari sa sawali. "Pero malakas ang kutob kong hindi si Jasper ang namumuno at nag-uutos sa mga ito."

"Dahil kung si Jasper nga ang nag-utos sa kanila," Pagsabat ng isang maligno, "bakit gano'n na lang ang naging pananalita ng mga huli nating napatay? Bakit nila sasabihing hunghang si Jasper, at panahon na ng katapusan n'yong dalawa?"

"Malinaw na may iba tayong kaaway, Panginoong Lucio." Sabat naman ng isa pa. Apat kasi silang naroro'n sa kubo, kasama si Luis. "Malinaw na kahit na kilalang mga kakampi ni Jasper ang umaatake sa ating panig, hindi na ito ang namumuno sa mga ito. Iba na ang nag-uutos sa mga ito."

"Alam ko." Malumanay na sagot ni Luis.

"Alam n'yo?" Sabay-sabay na wika ng tatlo.

"At alam ko rin na halos kalahati sa aking hukbo, kumampi na rin sa kanya. "

Nagkatinginan ang tatlong kasama ni Luis. "Sa kanya?"

"At alam ko rin na ang isa sa inyong tatlo...nagtraydor na rin sa akin.."

Hindi pa man nakasasagot ang kahit sino sa tatlo, hinugot ni Luis ang palakol mula sa sukbitan ng isa sa mga ito, at saka nito walang pag-aalinlangang iwinasiwas ito sa leeg ng mismong may-ari ng palakol. Tumalsik ang ulo nito sa bintanang aming kinaroro'nan, dahilan para bumukas ang bintana at makita nila kaming tatlo sa labas.

"Shit!" Bulong ni Jordanna. Nakatitig kasi sa amin si Luis. Bagaman tahimik lang naman kami ni Jasper sa magkabilang tabi ni Jordanna.

Akmang dudukot na ng sandata ang dalawang kasamahan ni Luis para sugurin kami nang pinigilan n'ya ang mga ito. Mas lumapit ito sa may bintana. Winasak ang sawaling takip nito at saka ito dumungaw sa amin. Tinitigan n'ya nang matalim si Jasper; pero nginisian din n'ya ito. Hinapyawan din muna nito ng suplyap si Jordanna, bago napako ang mga mata nito sa akin.

***

"Hindi kami nagtungo rito bilang mga kaaway, Lucio." Sabi ko, "matapos kaming papasukin ni Luis sa loob ng kubo. "Hindi ko alam kung alam mo na pero—"

"Alam ko na." Pagputol nito sa aking pagsasalita, "alam ko na ang lahat. Ito lang namang pipitsuging ito ang walang alam sa mundo." Dinuro nito si Jasper; nakangisi ito na tila nang-aasar. "Palibhasa'y, bobong bagito."

"H'wag mo akong dinuduro-durong Demonyo ka!" Bulyaw ni Jasper, akmang susugurin nito si Lucio, pero napigilan ko naman ito. "Bakit? Kasalanan ko ba kung hukluban ka na't mas bata ako sa 'yo?"

"'Yan, 'yan ang problema sa 'yo, Jasper! Masyado kang pikunin at isip-bata. Mas inuuna mo lagi ang init ng ulo mo. Palibhasa, bagito kaya mabilis mataranta. Hindi ka tuloy makapag-isip nang maayos. Mahina ang pakiramdam mo't pang-amoy. Akalain mong hindi mo naramdaman kung sino ang mga nagtatraydor sa 'yo?"

"Bakit ikaw? Alam mo?!" Nakaangil si Jasper.

"Alam ko na bago ka pa naipanganak sa mundong ito, Jasper!" Bulyaw nito kay Jasper. "Sino pa ba sa tingin n'yo ang mas higit na nakakikila kay Marietta bukod sa 'kin?"

"Pero bakit hindi mo si—"

"Pero bakit hindi ko sinabi sa 'yo? Bakit? Kakampi ba kita? Ano bang pakialam ko sa inyong dalawa ni Marietta kung magpatayan man kayo?! Mas mabuti nga 'yon para mawala kayong pareho sa landas ko! Parehas lang naman tingin ko sa inyo, mga walang silbi, walang kwent—"

Sinugod ni Jasper si Lucio. Nagpambuno ang dalawa. Nagsimula na silang magsuntukan at magbrasuhan, hanggang sa nagiba na ang mismong kubo na aming kinalalagayan.

'Yumakap ako kay Jordanna matapos kong mapagod sa kasisigaw sa pag-awat sa dalawa. Wala rin naman kasi kaming magagawa dahil sa sobrang lakas at laki ng mga ito. Wala nagawa ang mga nakapalibot na kasamahan ni Luis, kundi ang panoorin ang dalawang pinunong nag-aaway sa ibabaw ng lupa, maging sa gitna ng himpapawid.

"Jazz, Lucio! Tama na 'yan!" Sigaw ni Jordanna. Nagdurugo na ang mukha ng dalawa,

May mga aswang at malignong sumubok makialam, pero dahil hindi rin nila makayanan ang lakas ng dalawa, nagsipagtalsikan at nasaktan lang ang mga ito.

"Lucio, parang awa mo na, itigil n'yo na 'yan!" Sigaw ko. Pero tila wala naririnig ang dalawa.

Ilang kubo pa ang nasira at nasunog nang dahil sa pag-aaway ng dalawa. Wala na namang iba pa ang naglakas-loob na awatin ang mga ito, bukod sa mga naunang nagtangka.

"Tama na Jazz, please?" Pakiusap ni Jordanna matapos ang magkasabay nilang paghandusay sa lupa. Yumakap na si Jordanna kay Jasper; niyakap ko naman si Luis.

"Lalo tayong walang patutunguhan kung mag-aaway kayong dalawa." Malumanay na wika ko kay Luis.

"Hindi pa tayo tapos, demonyo ka!" Sigaw ni Jasper kay Luis; may halo itong panduduro.

Nginisian lang ito ni Luis. "Pasalamat ka, marunong akong umatras sa laban." Mas kalmado na ito. "Lalo na kung alam kong wala namang binatbat ang aking kalaban. Nagsasayang lang ako ng pagod sa 'yo, alam ko namang wala ka ring magagawa sa 'kin!"

"Aba't—"Papasugod na sanang muli si Jasper ngunit napigilan naman agad ito ni Jordanna.

***

Kinabukasan...

"Kailangan mong maipanganak para mawala ang sumpa ng pagiging ina ng isang 'Tudlaan' sa kanya." Sabi ni Luis kay Jasper habang nasa kalagitnaan kami ng isang liblib na kagubatan. Unti-unti na ring naghihilom ang kanilang mga sugat. "Nais n'yang manumbalik ang kanyang dating kaanyuan, bago n'ya ipinanganak si Helga. 'Yun ang pangunahing kailangan n'ya sa 'yo kaya ginawa n'ya ang lahat para ligtas kang maipanganak sa mundo. Kailangan din n'ya ang kapangyarihan, impluwensya at hatak mo bilang isang anak ng 'Tudlaan', upang makabuo ng isang hukbong pinapangarap n'yang pamunuan sa simula pa lang."

"Hindi ko lubos maisip kung bakit nagkaganito si Marietta..." si Jasper ang kinakausap ko.

"Anong nagkaganito?" nakasimangot na pagkontra sa akin ni Luis, "ganyan na si Marietta simula pa sa pagkabata. Mapagpanggap! Ambisyosa! Traydor! Taksil!"

"Pero bakit nga n'ya nagawa it—" ang tinutukoy ko ay ang pag-atake nito sa sariling apo.

"Hanggang ngayon ba Senda hindi mo pa rin alam kung ano ang tunay na ikinamatay ng iyong kapatid na si Arnulfo?" nangunusap ang mga mata nito, dahil kapwa naman naming alam kung ano ang ikinamatay ng kapatid ko. Nagkaisang-isip lamang kami na ilahad ang mga bagay na ito kay Jasper at Jordanna sa ganitong paraan.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Bakit? Anong alam mo sa ikinamatay ni Kuya?" pagpapatay-malisya ko.

"Barang." Sagot ni Luis, "kahit anong gawin ni Helgang pagpapagamot sa kanya, walang nagawa ang mga taong manggagamot dahil ito'y binarang."

Kumurap-kurap ako rito upang bigyan ito nang hudyat na siya na lamang ang magsabi kay Jasper ng lahat ng kailangan nitong malaman tungkol sa mga magulang ng kanyang ina, "pero sino naman ang gagaw—"

"Si Marietta mismo ang bumarang sa kanya hanggang sa mamatay! Ginamit lang naman talaga nito ang kapatid mo para magkaanak. Isang Mambabarang si Marietta." Tiningnan n'ya nang matalim si Jasper, bago n'ya ito muling nginisian. "H'wag mong sabihing hindi mo rin alam?"

***

Dalawang gabi at tatlong araw rin ang aming nilakbay patungo sa Kapa'akai. Habang lumalapit kami sa lugar, unti-unti na ring kumakaunti ang mga nilalang na nakakasunod sa amin. Hindi na rin kasi makayanan ng ibang mga nilalang ang maalat-alat na simoy ng hanging nagmumula sa Kapa'akai; Lalong-lalo na para sa mga nilalang na takot sa asin at lamang-kati, partikular na ang bawang.

Papalapit na kami sa mataas na talampas—kung sa'n matatanaw ang isla ng Kapa'akai sa malayo, nang huminto na rin sa pagsunod sa amin ang pinakamatatatag na nilalang. Mas matindi na kasi ang samyo ng tubig alat at lamang-kati ro'n.

"Mukhang sadyang pinalibutan ni Marietta ng asin at lamang-kati ang buong palibot ng isla." Ani Luis, habang nakatanaw kaming lahat sa isla ng Kapa'akai. "Nakamasid at rumoronda rin ang hindi mabilang na santelmo. Pinagplanuhan talaga ito ni Marietta sa napakahabang panahon."

"Anong gagawin natin?" tanong ni Jasper.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" sagot ni Luis kay Jasper, "di ba't mga kakampi mo ang mga bihag d'yan?"

"Wala ka man lang bang suhestyon?" muling tanong ni Jasper dito.

"At bakit naman ako magbibigay ng suhestyon?" muling sagot nito sa nakababata, "ano bang pakialam ko sa 'yo? Magpasalamat ka nga sinamahan kita hanggang dito. Pumunta ka na ro'n kung gusto mo!" Hinawakan ako nito, "dito na lang kami." Hinatak n'ya ako at iginaya para maupo sa isang malaking bato.

"Tayo na lang ang pumunta ro'n." Bulong ni Jordanna kay Jasper.

"Teka muna!" Bulalas ko. "Ano ba ang pinanaplano ninyong gawin do'n? May naisip na ba kayong paraan para mapalaya ang mga bihag?"

"Bahala na." Sagot ni Jasper; nakatingin ito sa malayo.

"Tsss." Pagsingit ni Luis. "Hinala ko lang noon na may pagkatanga ka. Ngayon kumpirmado na. Totoo pala talagang tanga ka. Tsk! " Pang-aasar nito sa nakababata.

"Anong sinabi mo?!" Susugurin sanang muli ni Jasper si Luis ngunit napigilan naman agad ito ni Jordanna.

"Kung 'di ka ba naman tanga!" Bulyaw ni Luis. "Sa tagal na pinagplanuhan ito ni Marietta, sa palagay mo ba, maiisahan mo s'ya sa plano mong 'bahala na?' Ano 'yun? Bahala na lang kung magtagumpay ka o hindi? Wala ka man lang bang pangalawang paraan kung sakaling pumalpak ang una? Pa'no kung 'yung kapalpakan mo pa ang maging dahilan para tuluyan nang malipol iyong hukbo? Pasens'ya na lang sila kasi tanga ang pinuno nila? Ang hirap sa 'yo, puro ka kahambugan! Estilong bagitong bara-bara. Anong gagawin mo ngayon kung may patibong na naghihintay sa 'yo ro'n? Magpapahuli ka na lang? O, ba't di ka na lang tumalon d'yan sa dagat at ipakain ang sarili mo sa mga laman-dagat para tapos ang problema mo. Kung tutuusin, mas makabubuti pa nga 'yun para manumbalik ang sumpa ni—" biglang napatulala si Lucio; wari'y may biglang pumasok sa isipan nito.

"Sumpa nino?" ni Jasper.

"...ni Marietta..." Nakatingin si Luis sa malayo na tila may malalim na iniisip.

"Hoy! Anong sumpa ba ang tinutukoy m—?!" Bulyaw ni Jasper dito.

Sinenyasan nito si Jasper na manahimik muna upang makapag-isip s'ya.

Makalipas ang sampung minuto, "hoy!" Muling bulyaw ni Jasper kay Luis.

"Sige, pumunta ka na ro'n." Kalmado wika ni Luis kay Jasper. "Nakasisiguro akong hinding-hindi gugustuhin ni Marietta na mapahamak ka. Basta't 'wag na 'wag ka lang magpapahuli sa kanya at magpapabihag."

Saglit itong tumingin kay Jordanna, "pa'no ka naman nakasiguro?" Tanong nito

"Ang kapanganakan mo ang naging dahilan kung bakit nawala ang sumpa ng pagiging 'Ina ng isang Tudlaan sa kanya, pero ang kamatayan mo naman ang magiging sanhi ng pagbabalik ng sumpang ito sa kanya. Nakasisiguro ako na hindi ka n'ya papatayin alang-alang sa kanyang sariling kapakanan, pero maaari ka naman n'yang bihagin para masigurong mananatili kang buhay. Gusto mo bang nabubuhay ka nga ngunit isa namang bilanggo? Kung 'yun ang gusto mo, eh 'di magpahuli ka, pakialam ko ba kung maging bihag ka n'ya. H'wag mo lang sasabihin na hindi kita binalaan."

***

"J-Jazz?" Tinapik ni Jordanna ang kapareha niya. "J-Jazz!" Napalingon kaming lahat sa kanya. Sinundan ko ang kanyang tinatanaw. "What the he—" Napanganga kaming apat sa nakita namin.

Nagdidilim na ang kalangitan. Nagsimula na ang paglitaw ng maiitim na ulap sa bandang itaas ng isla ng Kapa'akai. Nag-umpisa na rin itong kumalat papunta sa lahat ng direksyon mula ro'n. May halo itong mga kulog at kidlat, at may maitim na butas na animo'y puyo sa mismong itaas—sa tapat ng himpapawid ng isla.

"Parating na sila." Mahinang sambit ni Luis.

"Parating na sino? Ano bang nangyayari?" Tanong ko.

"Hindi..." Napapailing si Luis. "Hindi maaari!" Hinahabol nito ang kanyang paghinga. "Hindi maaaring mangyari 'to!" Sinabunutan muna nito ang sariling buhok bago ito humiyaw; nagsisigaw at nagwawala, na tila mayro'n itong matinding ikinagagalit at ipinagpoprotesta.

"Ano bang nangyayari Lucio?" Sinusubukan ko itong pakalmahin, "ano ang hindi p'wedeng mangyari?"

"Ang Diyablo..." Sambit ni Luis. Bahagya na itong kumalma. "At ang iba pang mga nangrebeldeng anghel na may matataas na katungkulan sa kanilang mga teritoryo sa himpapawid (2). Paparating na sila lahat." Napaupo ito sa malaking bato. Yumuko at itinuon ang kanyang mga siko sa ibabaw ng kanyang mga tuhod. Muli nitong hinagod ang kanyang buhok, bago nito muling sinabunutan ang sarili sa gano'ng p'westo. "Hindi ko akalain na maging sila'y papanig na rin kay Marietta! Hindi p'wede 'to." Tiningnan n'ya ang kanyang mga braso. Wari'y may hinahanap ito pagbabago sa kanyang balat. "Kung nasa panig na sila ni Marietta...katapusan ko na rin." Nang-umpisa na itong manginig. "Mga traydor!" Biglang sigaw nito. Nakatingin ito sa maiitim na ulap na malapit nang makarating sa tapat namin. "Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga demonyong nagtraydor din sa Diyos?" halos pabulong na ang mga huling pangungusap nito.

"Ibig sabihin ba nito, sasakupin na nila ang mundo?" tanong ni Jordanna kay Luis. "Katapusan na ba ng mundo?"

Nagbuntong-hininga muna si Luis bago ito tumayo para muling pagmasdan ang kinalalagyan ng puyo sa himpapawid. "Hindi pa...pero ito na ang hudyat sa nalalapit na pag-uumpisa ng katuparan ng propesiya tungkol sa matinding kapighatian (3) ng sangkatauhan sa ibabaw ng lupa. Umpisa na ng nalalapit na pagsapit mga kaguluhan, digmaan, salot at mas pinatinding paghihirap ng bawat tao sa bawat lahi at bansa."

Lalong lumakas ang tunog ng kulog; dumalas na rin ang pagguhit ng kidlat. Kasunod noon ang nakabibinging ingay na maihahalintulad sa tunog ng mga trumpeta at tinig mga demonyong sabay-sabay na nagsasalita, umaangil at naghihiyawan sa bandang itaas. Tiningala namin ang lahat ng direksyon pero wala naman kaming nakita.

"Panginoong Lucio!" Pagtawag ng isang tik-tik na lumilipad sa bandang itaas. May kabuntot itong hindi lamang iisang daang kalahi nito. "Tumungo kayo sa bandang kanluran!" Hiyaw nito; itinuturo ang direksyon ng kanluran. "Alam nila na naririto kayo, magmadali kayo, parating na sil—" Isang pana ang bigla na lamang pumailanlang mula sa kakahuyan. Dumiretso ang pana mula sa ibaba, tumagos papunta sa lalamunan nito, at lagpasan sa ulo nito. Bumagsak ito mula sa himpapawid, gayun din ang mga kasamahan nitong pinagpapana rin ng mga hindi nakikitang nilalang mula sa ibabang bahagi ng kanilang kinaroroonan.

"Tayo na!" Sigaw ni Luis sa amin. Halos kaladkarin ako nito. Sumunod sa akin si Jordanna; at sumunod naman sa kanya si Jasper.

***

"Lucio, sandali..." Napaluhod ako. "H-hindi ko na kaya. Iwanan n'yo na lang ako rito. Iligtas n'yo na ang mga sarili n'yo." Sumabit kasi ang aking binti sa isang natuyong sanga at hindi na maampat ang pagdurugo nito. Sinubukang hawakan ni Luis ang aking sugat dahil sa kakayahan nitong magpagaling, ngunit hindi ito gumana.

"Ako na." Pagboluntaryo ni Jasper. Lumuhod ako sa tabi ko upang ito naman ang sumubok.  Hindi rin ito gumana. "Anong nangyayari?" muli naming naulinigan ang dumadagundong na yabag ng mga humahabol sa amin.

"Bubuhatin na lang kita." Ani Luis. Agad nito akong binuhat sa kanyang mga bisig. "Tayo na!" Dito tayo sa—ahhh!" Napaluhod si Luis. Ilang saglit pa, napaluhod na rin si Jasper.

"A-anong nangyayari sa inyo?" tanong ni Jordanna sa dalawa.

"Lucio!" Tinatapik-tapik ko ang pisngi ni Luis dahil unti-unti na ako nitong ibinababa sa lupa. "Anong nangyayari sa 'yo?"

"Jazz!" Bulalas naman ni Jordanna nang mapahiyaw na si Jasper sa sakit "Anong nangyayari sa inyo?" mangiyak-ngiyak na ito.

Tinapik ni Jasper ang bahagi ng likod niyang kinalalagyan ng kanyang pakpak.

"Pak-pak mo? Masakit ang pak-pak mo?" Tanong ni Jordanna. Tumango naman si Jasper; napapangibit at napapapikit ito sa sakit "Naku...pa'no ba 'to ate Senda? Anong gagawin natin?" Natataranta na ito.

Tuluyan nang tinakluban ng maiitim na ulap ang himpapawid. Sinabayan 'yun ng tunog ng mga kulog at pagguhit ng mga kidlat. Nagpatuloy ang pamimilipit at impit na pagdaing ni Luis at Jasper. Animo'y gabi na ang kapaligiran, na tuluyan naman naging masalimuot dahil sa biglang pagbuhos ng ulan.

"Ahhh!" Magkasabay ang paghiyaw ng dalawang lalaki.

"Hayun sila!" Hiyaw ng isang sarangay sa 'di kalayuan. "Dakpin n'yo sila!" Sigaw nito sa mga kasamang nitong iba't-ibang nilalang.

"Jordanna, tulungan mo si Lola... tumakbo na kayo!" Sigaw ni Jasper kay Jordanna. "Bilis!"

"P-Pero paano kayo?!" Mangiyak-ngiyak ito.

"Kami na ang bahala rito!" Pasigaw na wika ni Luis.

"P-pero..." ako.

"Wala nang pero-pero, bilis na!" Itinulak ni Jasper si Jordanna. Nilapitan ako ni Jordanna. Tinulungan nito akong makatayo upang akayin papalayo.

"'Yung mga babae, habulin n'yo!" Sigaw ng namumunong sarangay. Itinuturo nito ang aming kinaroroonan.

***

"Mahabaging langit!" Bulalas ko.

Napahinto kami sa gitna ng kagubatan para tingalain ang nagdidilim na langit. Tanghali pa lang pero animo'y malalim na ang gabi, dahil sa maiitim na ulap na unti-unti nang tumataklob sa liwanag ng araw.

"Ano kayang nangyayari, ate Senda?" tanong ni Jordanna/

Ilang beses kaming napaiktad at nagtakip ng aming mga tenga't mga mata. Napakalakas kasi ng mga kulog na dumadagundong sa bawat dako; nakapangingilabot din ang pagpilantik ng mga kidlat na animo'y sadyang naghahanap ng gusto nitong tamaan.

Napasigaw kami nang bigla na lamang pinagtatatamaan ng mga kidlat ang mga punong pinakamalapit sa amin. Halos makaladkad ako ni Jordanna, habang nagpapatuloy ang pagtama ng kidlat sa direksyon na binabagtas namin, na tila ba, hinahabol kami nito.

"Dito na muna tayo, ate." Anito.

Inalalayan ako ni Jordanna papasok sa loob ng kwebang aming nadaanan. Pero bago pa man kami makapasok sa loob, bigla na lamang kaming pinuluputan ng malalaking baging—na tila ba may sarili itong buhay. Nagmula ang mga ito sa bandang itaas, na kanina lang, nakakubli pa sa mga halaman at lumot na bumabalot sa may bungad ng kweba.

"Jordanna!" Pilit kong inaabot si Jordanna habang pumupulupot sa akin ang mga baging hanggang sa aking balikat.

"Ate Senda!" Gano'n na  rin ang nagyari sa kanya.

Tuluyan na kaming nadakip ng mga alipin ni Marietta.

[ITUTULOY]

Footnotes:

(1) Kapa'akai is a fictional place in this story, but the word itself means "salt" in Hawaiian language.

(2) Efeso 6:12: Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

 (3)The Great Tribulation period (Mateo 24:21) "Sapagka't kung magkagayo'y magkakaro'n ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man."

Continue Reading

You'll Also Like

311K 23.3K 37
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
4.7K 1.2K 43
COMPLETED || An angel who was looking for her lost wings, that the only one who could help her to find is a man who was lacking decency.
493K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
10.2M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...