Killing Him [COMPLETED]

By LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED More

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

EIGHT

25.2K 710 13
By LetMeBeThatGirl


EIGHT

"You sure you're okay?" tanong sa akin ni Max habang papasok kami sa classroom. Tumango lang ako. I want a quick check up from the doctor. Napapansin ko kasing hindi normal ang pag-init ng mukha ko. And that abnormal heartbeat, hindi ako non pinapatulog ng mahimbing!

"Hi, Chloris!" bati agad sa akin ng isa kong classmate pagkaupo ko, si Divine. Nilingon ko sya ng walang salita. "Is it true? You're dating Kei Hendricks na raw?" nginitian ako nito ng plastik. Sumasakit na naman ang ulo ko. Nakita kong nakamasid ang iba naming kaklase sa akin.

They're waiting for the confirmation. Of course I would say, "No." nakita kong nagliwanag ang mukha ng ibang babae. Parang nabunutan pa ng tinik ang iba.

"Baka naman niloloko mo kami, ha? Maraming nakakita sa inyo sa town na nagde-date. Don't be shy, Chloris. We all know that Kei is not like the others. He's on a level that no one can surpass. Okay lang din naman sa amin kung aamin ka na habang maaga pa."

Napatiim bagang ako sa kanyang sinabi ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanila. This is about Kei again. Umagang umaga ay ginugulo na naman ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanila. Just what the hell?! Ang gandang pambungad nito sa umaga.

"Inggit naman kayo! Ano naman ngayon kung nagde-date nga sila? Mind your own business!" humarang si Maxine sa harap ko. Tangkang tutulakin pa nya si Divine ng umatras na ito ng kusa.

"Max, let's not make a scene. Hayaan mo na sila." wika ko. Inabot ko ang kamay nya at hinila ito papunta sa akin.

"Pa-demure pa kasi! Nasa loob naman pala ang kulo." pagpaparinig ng isa kong kaklase. Mabuti at dumating na ang teacher namin kaya nagsiayusan nalang sila ng upo sa kanya kanyang silya. I can't believe that with just one guy, kaya akong kausapin ng ganito ng ibang tao.

Nag-quiz kami sa subject na iyon. Mabilis akong natapos dahil na rin sa review'ng review ako. Inabala ko ang sarili ko sa pagre-review nitong weekend. Hindi ko inalintana kung may sakit ba ako o wala. I just want to study. Tahimik na buhay lang naman ang gusto ko. That's all. No Kei Hendricks. No lovelife or whatsoever.

"Nakakainis talaga ang mga babaeng iyon! Kung makapag-protekta naman kay Kei ay akala mo pag-aari nila ito!" singhal sa akin ni Maxine ng mapunta kaming cafeteria. Umorder lang ako ng isang Frappucinno. Sya naman ay Coffee Jelly at Chocolate Crepe. Naupo kami sa bakanteng silya at doon ako nagpatuloy sa pagbabasa sa hawak kong libro.

"Leave them. You should not stoop to their level, Maxine. Hindi tayo pinag-aral dito para makipag-away. Mahal ang binabayad ng magulang natin sa tuition fee sa school na ito dahil inaasahan nilang ihuhulma tayo nito bilang matuwid na tao. If you fight back then that's the end of it."

Sinarado ko ang aking libro at humigop sa aking Java Chip. "No, it's not like that, Chloris! Kung alam mong nasa tama ka ay kailan mong ipaglaban iyon! Bakit ka mananahimik kung alam mong ina-agrabyado ka na ng ibang tao?! Hindi maaari iyon!"

Umiling nalang ako. I don't really want my myself to be involve in a scene kaya sa abot ng aking makakaya ay mahinahon akong nakikipag-usap sa kahit na sino kahit pa hindi ko gusto ang tono ng kanilang pananalita.

People are like that, they accuse you of something you didn't do. Kahit anong paliwanag mo ay sarado na ang isip nila sa idadahilan mong rason. They will always believe what they wanted to believe. In the end, there's no point on talking to them and explaining.

"I get your point, Maxine. But let's not go this far. Ang topic lang naman dito ay si Kei. Gusto ko lang sabihin na hindi naman talaga kami nagde-date which is the truth. Kung papaniwalaan nila iyon ay okay. Kung hindi ay bahala na sila sa buhay nila."

"But you're dating him! That's a fact!" nakakunot ang noo'ng sabi nito sa akin. Napailing ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Getting close to Kei should be a no for me. Iba talaga ang iisipin ng mga tao.

"We're not dating. Stop your illusions, Max." binuklat kong muli ang aking libro. What page am I again? Nakalimutan ko na. Pakiramdam ko ay nabasa ko na ang pahinang ito kanina ngunit hindi ko naman naintindihan ang laman.

"Hayy, Chloris!" kumain nalang si Maxine. Tumahimik din sya pagkaraan ng ilang minuto. Naging busy sa sariling cellphone.

Ang huling naging klase namin ay Archery. Nagpalit kaming lahat ng damit. Nasa locker room kami ng girls ng palibutan ako ng mga kaklase kong babae. This is the last subject. Please! I'm begging! Let me live peacefully!

"Chloris, kung sa tingin mo ay natatakot kami sayo dahil lang sa kinakausap ka ni Kei ay huwag kang masyadong matuwa. Dahil sa oras na mapatunayan naming totoo ang hinala namin na nilalandi mo si Kei ay patay ka talaga sa amin!"

Inayos ko ang loob ng aking locker. Dahan dahan ko itong isinara at tinignan sila isa isa. Si Maxine ay saglit na pumunta sa comfort room kaya mag-isa akong naiwan dito. "Hindi ko maintindihan kung bakit nyo naisip 'yan. If you want Kei then you can have him. Hindi ako sumasama sa pila nyo para makuha si Kei. I have my own life at hindi iyon nakatuon sa isang lalake."

Malakas akong itinulak ni Divine at nabangga ang likod ko sa locker. Napadaing ako sa sakit. Pumasok si Maxine at mabilis nagtakbuhan ang mga babae palabas ng locker room. Napaupo ako sa sakit ng likod ko.

"Chlo! Anong nangyari?!" mabilis ako nitong nilapitan. "Patay sa akin ang mga babaeng iyan!" tatayo na sana sya ng pigilan ko ito.

"Hindi gaanong masakit." tumayo ako at biglang kumirot ang likod ko. Tumama ang nasabit pang susi sa likod ko kanina. Ang parte ng tinamaan na iyon ay sobrang sakit.

"Gosh, Chlo! Tara sa clinic!" inalalayan nya ako pero umiling iling lang ako. Mamaya ay mawawala rin ito.

"It's okay Max. Hindi kailangan ng clinic. Pumasok na tayo sa sunod nating klase." napakagat ito sa kanyang labi. Parang nag-aalangan kung susundin ang sinabi ko o ano. Pero matigas ako at hindi ako nagpapilit sa kanyang magpadala sa clinic.

Hindi ko gaanong pinansin ang sakit. Kung ipapahalata kong sumasakit ag likod ko ay sapilitan akong dadalhin ni Maxine sa clinic and I don't want to skip classes for that. Huling klase na naman ito kaya kakayanin ko muna.

Pagkapasok namin sa sumunod naming klase ay nakita ko na agad si Divine kasama ang ilan pa nyang kaibigan. I don't really talk to them. I want my life to be private hindi katulad nila na bulgar sa buong school ang ginagawa at kung sino ang laging kasalamuha.

I can't figure out their motives. Iyon ba ay dahil kailangan nilang magpa-pansin sa ibang tao? We're all rich here. Hindi kailangan ng lamangan dahil iba iba ang industriya ng business ng aming mga magulang. Pero tingin nila sa sarili nila ay angat sa iba.

"Bitches! Sasapakin ko talaga ang mga ito, eh! Nakakairita." bulong sa akin ni Maxine. Iniba ko nalang ang tingin ko. Ang mga kaklase naming lalake ay nagpa-practice na para mamaya. Ang pagkaka-alala ko ay practical ngayon.

"Class, take your seats." sigaw ng babae naming teacher. Isa isa kaming umupo sa lapag. Ibinalik na ng iba ang pinag-praktisan nilang bow and arrow sa gilid. Ipinaliwanag ng aming teacher kung paano sya magbibigay ng grade sa amin. "We'll do it alphabetically. Let's start with girls."

Nagsitayuan na kaming lahat. Pangalawa ako sa pila dahil ang unahan ko ay si Acosta. Si Maxine naman ay medyo likod. Nginitian ko nalang sya ng lingunin ko ito. Ang mga lalake ay tahimik na nanonood sa amin at nakaupo lang sa lapag.

Natapos si Acosta na ang score ay 87. Naramdaman ko ang kirot ng likod ko ng sinubukan kong i-asinta ang arrow. Ibinaba ko ito saglit at humugot ng malalim na paghinga. "Buenafuerte, start."

Inayos ko ang aking tayo. Unti onti kong inangat ang bow at arrow kasabay ng pag-asinta ko sa gitnang bilog. Naramdaman ko ang labis na sakit sa likod ko kaya mabilis kong nabitawan ang arrow.

Nakita kong sumulat sa hawak nyang papel ang teacher namin. Halos mapaiyak ako sa sakit at malagkit na pinagpapawisan na. Tatlo pang arrow ang pinakawalan ko bago ako natapos. "Your grade is 67. Napakalayo ng mga arrows mo, Buenafuerte. Last meeting ay maganda ang mga asinta mo."

"Sorry, Ma'am. Gagalingan ko nalang po sa susunod." nakita ko ang pagkadismaya ng teacher namin. Kinauwian ay umiyak ako sa comfort room. Ngayon lang ako nakakuha ng ganoon kababang marka sa tanang buhay ko.

"Chloris, are you crying? Buksan mo nga itong pinto." paulit ulit na kinakalabog ni Maxine ang pinto sa labas ng cr pero hindi ko iyon binubuksan. Panay lang ang hikbi ko. Kung kailan malapit nang matapos ang school year ay tsaka pa ako makakakuha ng ganito kababang score?

Ilang oras akong naglagi roon. Hindi ko na rin naririnig ang ingay ni Maxine sa labas. Binuksan ko ang pinto ng cubicle para makapaghilamos ako pero ganoon nalang ang gulat ko ng makita si Kei na nakaupo sa sink ng cr.

Halos manlaki ang mata ko. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko at pumunta agad sa sink para makapag-hilamos. "Where's Maxine? At bakit ka nandito?"

Basag ko sa katahimikan. Anong ginagawa nya rito? And he even saw my face! Nang saglit kong tanawin ang sariling mukha sa salamin ay halos mapamura ako. Sobrang pula ng mata't ilong ko. Nakakahiya!

"Nasa labas, tinitignan kung may paparating na tao." wika nito. Hindi na ako ulit nagsalita. Kinuha ko ang panyo sa loob ng aking bag ng higitin ni Kei ang siko ko. Ikinulong nya ako sa dalawang binti nya at mabilis hinawakan ang mukha ko.

"What are you doing?!" pilit kong inaalis ang paa nyang nakapulupot sa baywang ko. Hindi ko alintana ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko ng dampian nya ng sariling panyo ang mukha ko para punasan ang basa rito.

"Why did you cry, Chloris?" mahinahon nitong tanong. Halos ma-estatwa ako sa sariling kinatatayuan. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Tinagilid ko ng kaunti ang mukha ko para makaiwas sa kahihiyan.

His soft hand is holding my chin. Ang isa ay abala sa pagtanggal ng tubig sa aking mukha. Banayag ang bawat dampi ng kanyang panyo sa mukha ko. That scent from his clothes have the same scent on his handkerchief. Amoy na amoy ko iyon. Halos mapipi ang sarili kong panyo sa aking kamay.

"Hindi mo na problema kung bakit ako umiiyak. Pakawalan mo nga ako." mahina kong sabi. That should be a command pero nag iba ang boses ko at lumambot.

Tumawa lang ito ng mahina. Halos mamula ng husto ang pisngi ko ng marinig iyon. It's my first time hearing Kei's laugh. Hindi ako makapaniwala. Hinayaan ko nalang syang punasan ang mukha ko. I somehow feel good. Parang bigla kong nakalimutan ang iniyakan ko kanina lang.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
My lover By Markshin

General Fiction

6.8M 47.6K 53
Mariella "Ella" Ruiz is the perfect example of an unreachable dream. She has a nice pair of eyes, kissable lips, beautiful body, over flowing sex app...
1.3M 30.3K 38
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspi...