By Your Side

By itsmeicayy

4.3K 77 4

"I won't leave you. I am always here by your side. I will always be your number one fan and supporter." A lov... More

NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
SPECIAL CHAPTER (AMANDA & EUN-HOO)
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66

CHAPTER 46

42 1 0
By itsmeicayy

CHAPTER 46:

-xxx-

Pagka-abot ko sa airport ay dali-dali akong tumakbo papasok. Pinigilan ako ng guard dahil sa suot ko pero pinapasok niya naman ako sa huli.

Pagkapasok ko ay tinignan ko naman ang boarding ngunit hindi ko makita kaya naman iniisa-isa ko tignan ang mga pasahero na naghihintay sa boarding gate. Ngunit hindi ko makita ang hinahanap ko.

Kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta sa clerk at magtanong.

"Excuse me, naka-alis na po ba ang pa-korea na eroplano ngayong hapon?"tanong ko.

"Let me check ma'am."saad nito sa akin.

Hinalungkat naman niya sa computer niya habang ako ay kanina pa kinakabahan sa sasabihin niya.

"I'm sorry ma'am. Naka alis na sila ng 4:35pm ng hapon po."paumanhin ng clerk.

Tinignan ko naman ang orasan na naka sabit sa dingding. 5:18PM. Naglakad naman ako ng wala sa sarili. Kanina pa naka-alis ang sinasakyan nilang eroplano. Umiyak ako sa bandang gilid at nakita naman nila ako habang sila ay hinahabol ang hininga kakatakbo maabutan lang ako.

"They already left."mahinang saad ko at nag-uunahang tumulo ang luha ko.

Niyakap naman ako ni Synthia at hinayaan akong umiyak. Nakatingin naman sa akin ang mga tao at nagtaka kung bakit ako umiiyak habang naka toga.

"Iyan sana ang sasabihin ko sa'yo nan aka-alis na sila. Pero bigla ka nalang tumakbo."saad ni Mama.

"Umuwi na tayo."saad ni Mama sa amin at hinila ako.

Sumunod naman sila. Wala ako sa sarili ko habang kami ay naglalakad. Inalalayan lang ako ni Mama at Synthia.

*****

Dalawang linggo na ang lumipas. After graduation ay wala kaming hinanda na kung ano. Nakahanap na din ako ng trabaho at iyon ay ang ABC Company kung saan ako ay isang Financial Consultant. Ngunit, next month pa ako papasok. Kasama ko pala sa iisang trabaho sina Dave, Zeus, at Trish. Si Synthia naman ay nasa kabilang company lang nagtrabaho bilang Financial Adviser.

Hindi ako pumasok sa company ni Appa dahil sabi ko nga noon gusto ko pumasok sa kompaniya na pinaghirapan ko. Ngayon ay pupunta kami ni Mama sa Korea kasama si Synthia dahil gusto na daw ni Appa na ipakilala uli kami sa Lolo ko. And this time, ipaglalaban daw kami ni Appa. Gusto nya kasing pakasalan si Mama.

Sa loob ng dalawang linggo ay pinutol ko na ang koneksyon ko sa Hori7on. Si Synthia lang ang patuloy na may koneksyon sa kanila dahil boyfriend niya naman si Kim. Oo, nagulat din ako noong malaman ko eh. Mabuti nga hindi sila nabuking.

Other Hori7on know about my ganaps in life dahil iyon kay Synthia except nalang kay Kyler.

"Finally, we're in Korea!"masayang saad ni Synthia sa amin ni Mama.

Natawa naman si Mama sa likuran naming. Kakalapag lang ng eroplano at nandito na kami sa Incheon International Airport. Kami lang tatlo ang pumunta dito dahil si Appa na nandito na at siya ang kukuha sa amin ngayon.

Palabas na kami sa Airport ng makita naming si Appa na kumakaway kaya naman tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya.

"Welcome to Korea."masayang bati niya sa amin.

Kinuha niya naman ang gamit naming at sumunod kami sa kaniya papunta sa sasakyan niya.

"Ang lamig."saad ni Synthia.

"Sino ba naman kasing nagsabi sa'yo mag croptop ka?"biro na tanong ko sa kaniya.

"Shh. OOTD ko 'yan."saad nito sa akin.

Sumakay naman agad kami sa sasakyan ni Appa. Kaming dalawa ni Synthia ang nasa likuran habang si Mama ay katabi ni Appa.

"How was your flight?"tanong ni Appa kay Mama.

"It was okay. Ask them."saad ni Mama.

"How about the two of you?"tanong ni Appa nan aka tingin sa rear mirror.

"Hindi ko inexpect malamig pala dito."saad ni Synthia at niyakap ang sarili.

"Okay lang, Appa siguro tyring lang."sagot ko.

Hinayaan naman kami ni Appa kaya naman nagtingin-tingin naman ako sa labas. Kita dito sa labas ang naglalakihang billboard. Nakita ko naman ang Hori7on dito ngunit kabaliktaran sa gusto ko na mangyari ang makita ko.

Parang news siya kung saan ibinalita ang hiatus na dinaanan nila at tinawag pa silang 'flop group'. Nakita naman ni Appa ang naging reaksyon ko.

"We're struggling, right now. Don't worry makakaraos din kami."saad naman ni Appa.

"Sorry, girl. Hindi ko nasabi sa'yo."saad naman ni Synthia.

Ningitian ko lang sila at Mabuti naman at nakarating kami sa isang malaking bahay na akala mo mansiyon sa laki.

"Ang laki naman nito, Tito!"masayang saad ni Synthia.

"May mga kwarto kayo dito. Isa-isa kayo."saad naman ni Appa.

Bigla namang umangkla si Synthia sa akin. "Tabi na po kami ni Amara."

"Mabuti pa ng makita mo pinagagwa niya. Magpahinga na tayo."saad ni Mama.

Sabay naman kaming pumunta sa kwarto naming ni Synthia. Pagkapasok naming ay namangha kami sa malaking kwarto na mas Malaki pa ata sa size ng bahay namin sa Manila.

"Bar tayo."pag-aaya ni Synthia sa akin.

"Ikaw nalang, magpahinga na ako."saad ko at humiga na.

Ngunit hinila naman ako ni Synthia at pinatayo. Kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo na din.

"Sige nan ga. Paalam muna tayo kila Mama at Appa."saad ko.

Lumabas naman kami at pumunta sa kwarto nila para magpaalam kung saan kami pupunta.

"Uhm. Ma, Appa. Gusto lang sana naming magpaalam..."putol na saad ko.

"Gusto po kasi naming mag bar. Sana naman ay payagan niyo po kami."dugtong ni Synthia.

"Naku! Gabi na at kayo'y matulog na."saad ni Mama.

"No, let them be. Let them enjoy."saad naman ni Appa.

"Do you need bodyguard?"tanong ni Appa sa amin.

"No, Tito. We can handle it naman po at saka I did some research naman po."saad ni Synthia.

"Call me anytime. Here use this."saad ni Appa at binigyan kami ng isang black card.

"I'll handle your mother. Enjoy girls."saad ni Appa bago sinarado ang pintuan nila.

Napa-iling nalang kami kasi rinig na rinig dito ang angal ni Mama ngunit nilalambing naman siya ni Appa.

*****

Nakarating naman kami sa isang bar dito as Korea at Mabuti naman at hindi mahigpit dito dahil pinapasok nila kami agad na para ba na kilala nila kami.

Maingay at amoy alak ang loob ng bar ngunit halata mo sa loob na mayayamang tao at sikat na tao ang nandito.

"Let's party!"sigaw ni Synthia at hinila ako hanggang sa mapadpad kami sa isang table.

"Hi guys!"tawag ni Synthia at lumingon silang lahat.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Lahat ng Hori7on members ay nandito kasama na si Kyler. Napatitig naman ako kay Kyler na mukhang lasing na habang may kasamang isang babae na mukhang Pinay at naghaharutan sila. Hindi siya nakatingin sa akin mukhang hindi niya alam na nandito ako.

"Amara!"saad nilang lahat at napatayo habang napalingon naman si Kyler.

"Don't mention that name again. I don't want to hear that."saad ni Kyler.

Mabilis naman silang lumapit sa akin at niyakap ako isa-isa. Hindi ko mapigilang maluha lalo na sa sinabi ni Kyler na tagos hanggang buto. Sakit naman 'nun.

"I'm sorry sa nangyar—"hindi na sila ako pinatapos.

"We already know the reason. Salamat sa sakripisyo mo."saad ni Vinci.

"Amara, can go take Kyler home. Araw-araw na nandito 'yan. Hindi nan ga naming maka-usap ng matino."malungkot na saad ni Kim.

"Just this one, Ate. Pauwiin mo na siya. May event pa kami bukas. Kailangan namin mag doble-kayod para mabalik kami sa taas."saad ni Jeromy.

Bumuga naman ako ng hangin bago lumapit kay Kyler habang nagkwentuhan sa babae.

-xxx-

Just continue listening sa background music kanina until the airport scene ditoo.

Continue Reading

You'll Also Like

130K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
8.4K 277 6
Short story © 2015 nixelofficial ----- Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents a...
38.6K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
3K 140 41
Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of girl na hindi naniniwala sa pag mamahal...