It's the Man Hater ; La Seríe...

By Schye_Wy

86 12 0

" I am Evaree, Chievaree Saruischians, I'm the only child of the family Saruischians where we few Saruischian... More

Disclaimer
úno.
dos.
tres.
kwatro.
cinco.
Information
syéte.
otsó
nuébe
dyéz
ònse

saís.

8 1 0
By Schye_Wy

Kotse. Nagising ako sa loob ng kotse, Katabi ko pala si Ino. Nagulat ako nung na realized kong nakatulog pala ako sa balikat ni Ino. Saktong huminto ang kotse sa mansyon kaya't agad akong umupo ng maayos. Nang huminto ito ay agad na lumabas si Kuya Jeron. Nakita ko naman ang pag galaw ni Ino at saka akmang lalabas na ng kotse.

"W-Wait, Ino!" Mahinang sigaw ko, huminto naman ito at saka tumingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko kase unti-unti na naman kumakalat ang lamig ng presensya niya.

"Ano?" Tanong nya, hindi ko agad ito sinagot at tinignan ang bawat parte ng kotse.

Nakita ko ang lunch na ibibigay ko sana sa kaniya kanina at yung pagkain na ibinigay sa akin ni Morozov.

"Ah... S-Sayo na lang ito oh." I said at inabot ko sa kaniya yung Strawberry cake at Dutchmill. Napansin ko na hindi niya iyon kinuha kaya, pilit ko iyong ibinigay sa kaniya. Napansin ko na medyo tinitigan niya yung Dutchmill kaya naman agad kong tinanggal yung mini note na sulat ni Morozov.

Nung ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay sa ibang bagay na siya nakatuon. Hinanap ko kung ano ang tinitignan niya kaso bigla naman siyang nag salita kaya napatingin na lang muli ako sa kaniya.

"Hindi ako mahilig sa matamis." Walang emosyong saad nito, ibibigay na niya sana muli sa akin ang pagkain pero biglang bumukas ang pinto at bumungad si Kuya Jeron.

"Ah Chiev– Ms. Saruischians, hindi po ba kayo papasok?" Tanong nito nag mapansin na nasa loob pa rin si Ino, tumango ako bilang sagot at kinuha ang mga gamit ko bago lumabas. Sumunod naman si Ino na lumabas ng kotse.

"Ah– Miss!" Sigaw nya nung nag simula na akong maglakad papalayo.

"Throw it or eat it. Ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo d'yan. I also don't eat sweet foods." Baling ko sa kaniya at ngumiti. Nakita kong kumunot ang noo niya kaya't lalo akong napangiti. Tumalikod na lang ako at nagsimula nang umalis.

Nung makapasok ako ay kinausap ko si Kuya Jeron, pilit ko kaseng inaalala ang nangyari kanina. Hindi ko alam pero di ko gaanong maalala kung ano ang nangyari.

"Kuya... What exactly happened?" Tanong ko at inilahad niya ang mga impormasyon na alam niya at nasaksihan niya.

Kinabukasan. Gumising ako nang maaga at nag prepare na ng pagkain, as usual 2 breakfast and lunch ang prinepare ko. Hindi ko pa rin gaanong maalala ang nangyari kahapon. Ang alam ko lang ay mag aalas-singko na kahapon at medyo madilim ang kalangitan, bumaba na ako ng Chrímata at naglakad palabas ng University. Saktong nag lalakad ako at... May lalaking nakatingin sa akin ng masama, tumakbo ako patungong parking lot at may nabunggong isang lalaki. Pilit niya akong pinapakalma, narinig ko namang sumigaw si Kuya Jeron bago ako mawalan ng malay. Base sa kuwento ni Kuya Jeron ay nakita niya ako na mangiyak-ngiyak kasama si Ino at nung makalapit siya ay nawalan ako ng malay.

Kung ayun lang naman ang nangyari kahapon ay mabuting nabangga ko si Ino. Sabi ko nga isa akong Man Hater, I have experience things before na hinding hindi ko nanaising mangyari muli. Except sa iniwan ako ng tatay ko nung 5 years old ako sa mansion ng mag isa, there is something na nagyari pa sa akin bago lumala ang pagiging Man Hater ko. I hate to think about what happened that day at ang naging situation ko nung time na yon. Nang dahil doon, nagsimula yung traumatic experience ko at lumala iyon. I almost didn't try to have interactions in any men, even my grandlolo. Na overcome ko lang yun nung tulungan ako ni Kuya Jeron laban sa mga bullies na kaklase ko. Though di ko totally na aalala kung anong nangyari nung time na yun since Kuya Jeron promise to my grandparents to not open that situation sa akin, baka kase ano pa ang mangyari.

Anyways, naghanda na ako nang gamit ko at saka lumabas na nang mansion. Narinig ko na rin kase ang busina ni Kuya Jeron hudyat na hinihintay na niya ako. Matapos kong makapasok sa loob ng kotse ay marahan ko munang inaayos ang mga gamit ko ganon na din ang buhok.

Habang umaandar ang kotse may pilit akong inaalala sa mga nangyari kahapon. Pero kahit anong isip ko ay wala akong maalala sumakit lang ang utak ko kakaisip. Sa sobrang lalim ng iniisip ko at di ko namalayan na huminto na pala ang kotse sa parking lot. Agad akong bumaba at nag paalam na kay Kuya Jeron.

Unang araw pa lang ng klase kahapon ay malala na ang nangyari sa akin. Hindi ko na lang muli inisip yun nang makita ang pamilyar na pigura ng Isang tao na nag lalakad galing cafeteria. Si Ino, tumutulong siya na mag buhat ng pastries galing sa TVL building. Habang ginagawa niya iyon ay napansin kong madaming nakapaligid na kababaihan ang marahan siyang tinitignan at pinagmamasdan. Napabuntong hininga na lang ako at gumawi sa daan patungong Chrímata habang nag lalakad ay napasigaw ako nang may umakbay sa akin, lalo akong nanghina at pilit na kinakalma ang sarili nang makita ko ang itsura nito.

Sumakit ang sentido ko at biglang may bumalik na memorya, kahawig n'ya yung lalaking nakatingin ng masama sa akin kahapon! Lalapitan na sana ako nung lalaki nag biglang...

"Miss, Okay ka lang– Evaree?!" Saad nung lalaking mahaba ang buhok na nakaharap sa akin Ngayon habang inaabot ang braso ko upang itayo ako. Nang ayusin nya ang basa niyang buhok ay ngumiti sya ng pilit.

Si Morozov.

Pilit pa rin nya ako pinapakalma, nung akma niya hahagudin ang likod ko upang pakalmahin ay malakas ko iyong tinapik na dahilan para himasin niya ito.

"E-Eva... Sorry na, natakot ba kita? 'Wag ka kasing magkakape sa umaga." Nag aalalang tanong at panunumbat niya habang nag papacute pa. Kinuha ko ang gamit ko at nagtungo sa floor namin. Nakita ko naman na sumusunod yung Morozov sa akin kaya bago pa kami makaakyat sa 3rd floor ay kinuestyon ko siya tungkol kahapon. Gusto ko kaseng makumpirma kung siya 'yon.

"What? Why?" Tanong niya nang huminto ako at tinitigan siya.

"Was that you? Yesterday. The guy who stared at me as if you'll kill me?" Bakas sa boses ko ang galit nang sabihin iyon kay Morozov, nagbago naman ang emosyon niya at napalitan iyon nang pagtataka. Biglang sumeryoso ang ekspresyon niya nang magsalita s'ya.

"Ah... Of course, No. Bakit naman kita titignan ng masa...ma– sh*t! F*ck that Leinart!" Sabunot sa buhok niyang saad, hindi ko alam pero nung narinig ko lang na may minura siyang tao feeling ko ay di na nya kailangan mag paliwanag...

"L-Look, Eva." He took a big air and let it out before saying his explanation.

"It...It wasn't for you. It was for that f*cktard, Leinart. Gag* sya, he's mocking me that– he's gonna do something I wouldn't like. Karibal ko siya for some different brands but yet 'di s'ya nag papatalo. He's willing to destroy everything para makuha ang gusto n'ya." He explains, nakatingala na yung ulo n'ya. He's facing the ceiling while his two hand holding his nape. After that he look at the other side avoiding my gaze. Bumuntong hiniga pa siya at magsasalita sana muli nang nakita kong pababa si Jazyelle.

"Eva-girl! Tara na, baka malate ka– Oh! Mat, hurry both of you. 7 minutes na lang time na." Pagyayaya ni Jazyelle at agad naman kami sumunod, sumilip pa muna ako sa baba nang hagdan baka sakaling mapadaan si Ino pero BIGO ako nung hindi ko siya nakita.

Lunch. Kakatapos lang ng UCSP namin, niyaya ko ulit si Jazyelle na bumaba ng second floor. I hope maibigay ko na itong lunch kay Ino. Sinilip ko ang room nila at nakitang wala siya ro'n.

"Eva, kuhanin ko lang yung phone ko sa room. Naiwan ko kase eh." Saad ni Jazy habang kinakapa parin ang bulsa ng palda niya.

"Sige, Jazy, I'm gonna find Savino na rin sa baba baka na andoon siya." Nakangiting sabi ko at sinenyasan n'ya ako na kukuhanin na nya ang phone na naiwan niya.

Mag isa lang ako dito sa may hagdan at unti-unting bumababa. Hindi ko alam pero ang sakit sa damdamin nang makita ko si Ino habang kausap ang babaeng nakita ko kahapon na nag hihintay sa kaniya. Nakangiti ito kay Ino at panay ang tawa. Maliit na ngiti naman ang ibinigay ni Ino dito. Babalik na sana ako sa floor namin nang makita kong nasa harapan ko na si Morozov dahilan para matigil ako sa pag hakbang sa hagdan.

"Eva, bakit di ka pa bumababa?" Tanong ni Morozov. Hindi ko siya pinansin at saka iniwas ang buong katawan ko upang umakyat pataas bago pa man kami maging magka pantay ng tinatapakang hagdan ay niabot ko sa kaniya yung lunch na ibibigay ko sana kay Ino.

"Wha–?" Hindi na niya nasundan pa ang sasabihin nang biglang dumating si Jazy.

"Oh, Eva? Naibigay mo na ba yung–" Napahinto siya ng maging magkapantay kami ni Morozov ng tinatapakang hagdan. Nakatingin siya sa lunch box na hawak nito. Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na lang ng floor namin.

"Girl, Hindi mo nanaman ba siya nakita?" Curious na tanong niya, I nod as respond. I lied to Jazy. Kahit 'di niya pa nakikita si Ino or nakikilala ito.

Umupo na si Morozov sa upuan niya at humarap sa amin. Nakangiti nanaman siya ng nakakaloko. Nakakainis talaga kapag nakikita ko ang mukha niya. Mapagkakamalan mong bading dahil sa galaw niya o kaya naka gamit. Panay ang ngiti wala namang magandang nangyayari.

Di ko na lang pinansin pa iyon at sinimulan ang lunch ko. As expected, naubos ni Morozov ang lunch dapat ni Ino, he even said na he'll pay for it sa kinsenas since sahod niya. I didn't bother to say anything pag nagsasalita siya o kinakausap ako. Habang si Jazy naman ay panay bawal kay Morozov dahil sa kulit nito. Pampalipas oras daw ay naisipan nilang maglaro ngayon ng 'Marshmallow Game' sila lang dalawa ang maingay sa room, habang nagbabangayan silang dalawa ay napansin ko naman na ang sama ng tingin nung ibang babaeng kaklase namin kay Jazy.

Biglang tumahimik ang buong kwarto ng biglang may pumasok na Isang lalaki at Isang teacher. Hindi ko na sana papansinin pa iyon pero biglang pumintig ang ugat sa sintido ko ng makita ang bagong kaklase namin.

Nakita kong nakatingin na ito sa akin at nakangisi. Inirapan ko naman ito at saka siya tinignan ng masama, mas lalong lumawak ang ngiti niya dahil doon kaya naman pinilit ko na lang makipaglaban sa titig niya.

Bakit siya narito? I thought he's in Korea.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1M 55K 35
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
71.3K 2.8K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
4M 87.2K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
73.8K 11.4K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙