My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

373K 25K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 118

745 72 10
By DyslexicParanoia

Lucio's P.O.V.

"Panginoon!" yumuko sa akin si Gaspar ngunit  sinenyasan ko itong tumunghay na dahil mas kailangan ko ang tulong niyang abutin ang lampin ni Katrina kaysa sa nakakasawa nang pormalidad na wala namang naitutulong sa sitwasyon ko ngayon. Matapos kong marinig ang kuwento ng mga sanggol na ipinapatay ni Lambino ay hindi ko na magawang ipagkatiwala pa ang pag-aalaga kay Katrina sa kahit kanino.

"Anong kailangan mo?" habang iniyuyugyog ko ang nag-aalburuto kong anak.

"M-may ibabalita lamang po kami." Kasama rin kasi nito si Melchor, Baltazar, at David.

"Ano nga?!"

"Narinig ko po sa usap-usapan ng mga Lambana na ipinagkakalat daw po ni Lambino at Marietta na ikaw ang pumatay kay Edwino. At dahil dito nga ito namatay, ilang buwan na ang nakalilipas, ay paniwalang-paniwala ang maraming Engkanto mula sa ibang kaharian na ikaw nga ang nagpahirap dito sa kulungan hanggang sa mamatay! At dahil doon ay—"

Sinamaan ko na ito ng tingin dahil naiinis na ako sa daming pasakale, "ano nga?!" pabulyaw na ito.

"Pitong bagong kaharian na ng mga Elemento ang nagdeklara ng digmaan laban sa Edenus!"

Anak ng Put—

"At hindi pa po iyon ang pinakamasaklap—" nakangibit ito sa akin.

Tiningnan ko na lamang ito ng masama.

"Ang Reyna Senda..."

Bigla akong naging interesado dahil ngayon pa lamang ulit ako magkakaroon ng balita tungkol rito. Labing isang buwan na rin ang lumpas simula ng huli ko itong nakita sa Santa Fe. "bakit? anong nangyari kay Senda?"

"Marami-rami na rin po ang nakakita sa kanya na kasa-kasama na ito ni Marietta. Ibang-iba na raw po ito ngayon. Sa loob lamang ng ilang buwan ay may alam na ito sa pakikipagdigma.  Malakas, matapang, marahas...malupit."

Sandali akong natulala dahil hindi ko maidugsong ang Sendang nakilala ko, sa Sendang ikinukuwento sa akin ngayon ni Gaspar.

"May mga naksaksi rin po na kasama ito sa mga nanghahamit at nanggugulo sa mga teritoryo niyo." Sabi naman ni Baltazar,  "Panginoon...a-ano pong nangyayari sa kanya?  Bakit po siya nagkagano'n?"

Hindi ko rin alam, ngunit aalamin ko.

"Pero may kaibigan po tayong engkanto na nakakita rin po sa kanya sa San Isidro (1)," pagsabat naman ni Melchor, "na parang doon na raw po ito nakatira. Binabantayan nga raw po nila ito dahil alam nilang hindi kayo makakapunta roon dahil hinarangan na din ito ni Marietta simula ng angkinin niya ito limang taon na ang nakalilipas."

Tumango ako. "Mabuti naman kung gayon. Magpapadala ako ng mensahe upang hindi nila pagsawaan ng pagbabantay kay Senda. Bibigyan ko silang lahat ng gantimpala."

****

"Sa amin mo na lamang muna iwanan ang mahal na Prinsesa Panginoon," Ani Patruska, "ang batang ito ang aming tagapagligtas balang araw kaya makakaasa ka na pag-iingatan namin siya rito." Duda pa rin ako bilang ama, ngunit wala akong masyadong pagpipilian.  Kailangan kong mapanalunan ang kabi-kabilang digmaang hindi ko naman sinimulan.

"Siguraduhin mo lang, dahil oras na magasgasan kahit ang pinakadulo ng daliri ng anak ko, ikaw ang mananagot sa akin."  Pagbabanta ko.

"Huwag po kayong mag-alala, Panginoon. Itataya ko po ang buhay ko para sa kanya."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Kami rin po." Sabay-sabay na sambit ng hindi mabilang na mga babaeng Lambana sa paligid.

"Kami rin po."  Sabi naman ng mga kalalakihan.

"Hindi po kami mandirigma kaya nais po naming makatulong sa inyo sa ganitong paraan." Sabi ng isa sa mga kababaihan.

"Upang matutukan niyo ang mga bagay na kailangan niyong asikasuhin na para rin naman sa aming kaligtasan at kapakanan."  Sabi naman isa sa mga kalalakihan.

****

Paano nga ba mapapahinto ang mga digmaang hindi nagmula sa 'yo? Hindi mo pinlano, at hindi mo rin naman ginusto.  Sa biglang paglobo ng mga bagong kalaban ko'y hindi ko na rin halos mabigyan ng kahit isang araw na pahinga ang aking mandirigma. Araw-araw, may gulo. Oras-oras may pagkabahala. Minu-minuto ay may mga bagong suliranin.

Sa isang pagkakataong halos humalik na ako sa lupa sa labis na kapaguran dahil sa walang katapusang pakikipagbuno sa aking mga kalaban ay bigla kong naalala ang mga huling pangungusap ni Edwin bago ito tuluyang nalagutan ng hininga.

Salamat, Lucio, sa pagkakataong maging kaibigan mo bago ako ako lumisan. Bilang kapalit sa iyong kabutihang-loob ay nais kong ihabilin ang kaalamang hindi ko pa nasasabi sa aking suwail na anak, kaya ang akala nito'y kakailanganin pa niyang makipagkaisa kay Marietta upang magkabisa ang mga korona ng kapangyarihan. Isa lamang ang paraan upang makapamuhay ka ng tahimik at ang manalo sa mga digmaan nang walang dumadanak ang dugo. 'Yun ay kung mahahawakan mo at mapapasunod maging ang iyong mga kaaway. Isa lamang ang paraan upang mangyari iyon. Hanapin mo ang korona ng iyong mga magulang. Kung wala kang katuwang na kaisa mo ng isip, puso at kaluluwa na maaring magsuot ng korona ng iyong ina, tunawin mo ang mga ito, pag-isahin, at siya mong iputong sa iyong ulo, at umasa kang ang lahat ay mapapasunod mo.  Hindi magiging madali  ang paghahanap mo rito, ngunit 'di hamak na mas madali ito kumpara sa kapagurang mararanasan mo sa walang katapusang digmaan. Makinig ka sa akin, Lucio, at huwag matigas ang ulo. Ito ang aking sikreto ukol sa mga korona at ang huling habilin para sa iyo. 

***

Ngunit sadya nga sigurong matigas ang ulo ko dahil hindi ko sinunod ang nais ni Edwino.  Wala akong panahon para hanapin ang mga korona dahil mas naging okupado ako sa mag-isang pagpapalaki sa aking anak. At habang tumatagal ang mga digmaan ay tila tumitigas na rin ang puso kong wala na yatang pakiramdam dahil sa tuluyang paglayo sa akin ni ng mahal kong Senda.  Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga karanasan at karunungang natamo ko sa buong buhay ko ay hindi ko naisa-isip na kung minsan ay isa lang...madalas ay sapat na ang isang beses lang na pagkakamali upang tuluyan nang magbago ang takbo ng natitira pa sa buhay mo.

Ang mga araw ay naging linggo, ang mga linggo'y naging buwan, ang mga buwan ay naging mga taon. Lumalaki si Katrina na parating hinahanap ang kanyang ina hangang sa tuluyan na itong nagsawa at napoot sa babaeng nagluwal sa kanya. Ngunit ano ba ang sasabihin ko rito kung ako mismo ay hindi ko ito makita.  Siguro nga'y mas mahirap talagang hanapin ang isang nilalang na sadyang pinagtataguan ka, kaya umaasa na lamang ako sa mga nilalang na nag-uulat sa akin na wala rin namang maibahaging mas malalim na detalye bukod sa nakita raw nila si Senda sa malayo.

May ibang nag-uulat sa akin na ibang-iba na raw ito ay hindi na nila makilala.  Animo'y lalaki na raw itong kumilos at makipagdigma.

May iba naman ang nagsasabi ng kabaligtaran.  Ibang-iba na raw ito dahil lalo raw itong gumanda at lalong nagmukhang Reyna at mabining kumilos.  

May ibang mga engkanto na ikinukumpara pa ito sa nasirang Reyna ng Nagadmalan at Mashuria na si Czarina dahil habang tumatagal daw ay nagkakahawig na raw ang dalawa; partikular na sa pagkilos at paggalaw.

Meron namang nagasasbi na parang hindi ito nagbago.  Tila hindi raw ito tumatanda na tulad ko. Sanay pa rin daw ito sa payak na pamumuhay katulad noong mga panahon na una ko itong nakilala.

May iba namang nakakita na inuutus-utusan at inaapi-api lamang ito ni Marietta.

Iba't-ibang bersyon ng babaeng minsan kong minahal ang nakakarating sa akin kaya dumating na ako sa puntong hindi ko na alam kung sino sa kanila ang paniniwalaan ko.

"Ama, mag-asawa ka na kaya ulit para hindi ka na nalulungkot diyan! Nakatulala ka na naman! Minsan ka na nga lang umuwi rito sa palasyo, nagda-drama-drama ka pa." pabirong panunukso sa akin ni Katrina. Mag-lalabing-limang taon na rin ito ngayon, kaya maglalabing-limang taon na rin akong namumuhay nang may kinikimkim na matinding kalungkutan at pangungulila. "Hindi ka na nababalikan ni Rosenda!" 'Yun ang tawag nito sa kanyang ina kahit na parati kong sinasabi na tawagin itong Ina. Hindi ko rin naman ito masisi kaya nagsawa na rin ako sa kasasaway. Hindi ko na saklaw kung bakit wala itong nararamdamang kahit kaunting amor sa kanyang ina kahit na hindi naman ako nagkulang na kuwentuhan ito ng mga magagandang katangian nito. "Baka nga nag-asawa na rin ng iba ang malanding 'yun! Malay mo may mga anak na rin 'yun sa iba kaya kahit ako hindi na niya naalala!"

Sinimangutan at agad ko itong sinaway, "kanino mo natutunan ang ganyang klase ng pananalita, ha? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan ang iyong ina?!"

Pinamaywangan lamang ako nito, "sa akin ka pa ba magagalit, Ama. Wala ako ina! Kung meron man, hindi ko siya kilala bukod sa pangalan niya. Kung wala siyang pakialam sa atin, eh bakit kailangan pa natin itong isipin? Sampalin mo pa ulit ako kung gusto mo. Mas mamatamisin ko na nasampal ako kaysa ang kimkimin ko ang nararamdan ko sa walang kuwenta kong ina. Wala akong pakialam kung mahal mo siya at kung siya lang ang kaya mong mahalin, pero kung ako ang iyong tatanungin, hindi siya karapatdapat sa 'yo. Bakit ba kasi ayaw mong humanap ng kapalit eh napakarami namang mga prinsesa at mga reyna mula sa ibang kaharian ang umaasa na mapansin mo. Masyado mo namang pinalalaki ang ulo ng Rosendang 'yon na para bang napakaganda niya at wala siyang katulad. Pweh—"

"Katrina!" Pinanditalatan ko na ito ng mata.

Sumimagot ito, "Oo na, oo na...ako na ang maldita. Pero malaki na ako para paluin mo pa!" Tumalikod na ito sa akin, "Pa'no ka na kapag nagkanobyo na ako?" muli itong humarap sa akin at bumungisngis, "mag-isa ka na naman? Mag-asawa ka na kasi ulit para makapag-asawa na rin ako!" Humalakhak ito.

Binato ko ito ng hawak kong balumbon, "anong asa-asawa? Labing-limang taon ka pa lang! Tumigil ka Katrina kundi'y tatamaan ka sa akin. Sino ba ang natuturo ng mga kalandiang iyan sa 'yo, si Patruska?"

Dumila ito sa akin, "ah basta, magnonobyo na ako. At ang pipiliin kong nobyo ay 'yung mas makisig at mas matipuno pa kaysa sa 'yo. Tapos, magpapakasal na kami at magkakaroon ng maraming-maraming anak!" Babatuhin ko pa sana ulit ito ngunit kumaripas na ito ng takbo.


***

Senda's P.O.V.

"Magpahinga ka naman." Paalala sa akin ni Matias habang nag-eensayo ako ng paghawak ng sibat sa hardin ng Palasyo ng Nagadmalan. Mahigit labing-limang taon na rin akong pasikretong nag-eensayo ro'n na lingid sa kaalaman ni ate Marietta. Dito ako pumupunta kapag gusto kong magtago dahil walang taga-labas ang nakakapasok roon bukod sa aming tatlo nina kuya Popoy, at Matias. "Pati ang tiya mo ay sumusuko na sa 'yo. Hayun at lupaypay na raw sa pagod sa kanyang silid."  

Ang tinutukoy nito ay si tiya Hasmina, ang nakababatang kapatid na aking tunay na inang si Czarina na siyang humaliling Reyna na kaharian ng Nagadmalan.  Napakabait nito sa akin, at napakatiyaga nitong maka-sparring ko sa pag-eensayo, bagaman may pagkakataon din namang tulad nito na hindi na nito kinakaya ang pagpupursigi kong maabot man lamang kahit ang kalahati ng husay ng kanyang kapatid sa pakikipagdigma.

"Sinasamantala ko lamang ang pagkakataon." Isinauli ko na ang sibat sa lalagyanan nito, bago ako lumupagi sa damuhan sa tabi ni Matias. "Alam mo namang hindi maaaring malaman ni Ate Marietta na nag-eensayo ako. Ang kilala niya ay ang lampang si Senda na napakahilig niyang gawing utusan at tsimay."

"Paano ka nakatakas?"

"Pinatulog ko." Humagikhik ako, "gamit ang sarili niyang gayuma. Pero hanggang walong oras lang ang bisa no'n kaya kailangan ko nang bumalik sa pagiging isang dakilang lampang alalay niya."

Napatawa ng malakas si Matias, "natutuwa ako na hindi ka pa rin niya nahahalata. Siyanga pala. Nakita ko ang mag-ama mo.  Si Lucio sa malayo lang, alam mo namang galit sa akin 'yun. Saglit akong pinapasok ni Lolo Delfin sa Edenus pero aksidenteng nahuli kami ni Katrina kaya napilitan si Lolo na ipakilala ako bilang kanyang apo at walang masamang pakay."

Naramdaman ko ang biglang paglukso ng aking puso, "kumusta na sila?"

"Napakaganda ng anak mo. Matangkad pa sa 'yo kaya dalagang-dalaga na ang hitsura." Nakabungisngis ito. "Siya na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang-buhay ko. Pangalawa ka na lang." Tumawa ito.

Sinimangutan ko ito dahil parang may malisya ang pagngiti nito, "loko ka Matias, bata pa ang anak ko ha?"

Ngumuso ito, "bakit? Masama bang humanga? Paghanga lang naman dahil alam ko naman ang lugar ko." Yumuko ito, "isang dukhang mortal lamang na walang karapatan sa kahit ano."

Tinabig ko ito, "sus, nag-drama ka pa diyan." Tinawanan ko na ito, "hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin. Hindi natin pinag-uusapan ang estado rito. Sinasabi ko lang naman na kahit  sa mata ng mga tao ay napakabata pa ng anak ko dahil wala pa itong desi-otso."

"Bakit? Puwede ko naman siyang hintayin." Nakayuko pa rin ito.

Hinampas ko na ito ngunit nakangiti naman ako, "Matias, seriyoso ka ba?"

Hindi na ito umimik kaya para na rin nito itong sinagot.

"Ilang taon ka na ba, Matias?"  Matagal ko na itong nais itanong sa kanya ngunit parati ko naman itong nakakaligtaan. "Napansin ko nga kahit hinahabol-habol ka ng mga babae—mapa-tao man o hindi, wala kang pang ipinakilalang napupusuan sa amin ni minsan."

"Ilang taon lang ang tanda mo sa akin, alam ko!" Nakangising sumulyap ito sa akin, "pero para sabihin ko sa iyo, malaking bulas lang ako at banat sa pag-eensayo at sa mabibigat na trabaho pero desi-nuebe papuntang bente lang ako noong magkakilala tayo." Muli itong yumuko.

"Ah."

"Huwag kang mag-alala, humahanga lang ako. Wala akong masamang balak. Para namang papatol din ang gano'ng kaganda sa isang Albularyong marungis." Hindi pa rin ito tumutunghay kaya sa kabila ng sinasabi niya ay nararamdaman ko na medyo sumasama na ang loob nito. "Makakaasa ka na wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan. Pangako ko 'yan sa 'yo."

Tatapikin ko sanang muli ito upang sabihin na hindi naman ako tumututol sakaling magustuhan din siya ng anak ko balang araw sapagkat mabuti naman itong lalaki at tao, nang biglang sumulpot si kuya Popoy. Hingal na hingal ito na wari'y may tinatakbuhan.

"O, anong nangyari sa 'yo?" tanong ko.

"May problema tayo." Anito.

"Ano?" tanong dito ni Matias.

"Hindi pa alam ni Lambino na ikaw, ngunit alam na nito ngayon na buhay si Rosalia at nagsimula na ito sa paghahanap. H-hindi ko alam kung alam na rin ni Marietta, bagaman alam kong malabong sabihin niya ito dahil hindi na sila magkasundo ngayon. Kailangan muna nating bumaba, makiramdam at umiwas na makaagaw ng kahit anong pansin. Kailangan mo na ring gumawa ng paraan upang makadistansya ka nang kaunti kay Marietta. Sabihin mong nais mo lamang mamuhay ng tahimik sa kanyang teritoryo sa San Isidro (1) dahil isa iyon sa mga lugar na hindi maaaring pasukin ni Lambino. Alam naman ni Marietta na iyon ang inuuwian mo sa nakakalipas na labinlimang-taon kaya mas malamang na hindi naman ito magdududa. Iwasan na rin natin ang pagpunta rito upang hindi natin maidamay si Hasmina. Lalo't wala na si Edwino upang protektahan ang kahariang ito laban sa kanyang anak."

[ITUTULOY]

Footnote

(1) San Isidro - The same sitio San Isidro in the Prologue of Katropa Book 1: Ang Pag-ibig ng Aswang


Continue Reading

You'll Also Like

284K 5.7K 33
"There's no other woman I want to be with but just Courtney. I love her even after it hurts, even if it always hurts." Courtney Raven Weinlord met Ki...
367K 27.4K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
232K 5.6K 60
[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error...
284K 3.8K 44
Disclaimer: This is the unedited version. The printed version is/will be 60% edited and revised. **The Life Of A Secret Agent II** Retired Mafia Em...