My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

371K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 115

831 83 26
By DyslexicParanoia

Lucio's P.O.V.

"Putang ina, sino 'yon?!" nang matanaw kong hinawakan ng di ko kilalang lalaki ang mukha ni Senda habang nakasakay ang mga ito sa bangka.  Animo'y baliw na nagwawala ako sa kubyerta ng aking Yate habang nakatanaw ako sa malayo.

Ito na ang nakagawian kong gawin nang mag-isa araw-araw; ang abangan si Senda sa aplaya upang kahit paano'y masilayan ko ito kahit sa malayo. Ngunit hindi ito ang nais kong makita. Hindi ko halos mapigilan ang galit ko bagaman pinag-iingatan kong hindi mapagdiskitahang wasakin ang sinasakyan ko kahit na isa ito sa naiisip kong pagbuntunan ng aking galit.

"Tsk. Tsk..." nagmumula ito sa aking likuran.

Nagulat ako nang makita ko roon ang isa sa mga nilalang na kinaiinisan ko sa lahat. Ang totoo'y ito talaga ang pinakainaasaran ko sa lahat ng kanyang mga kauri dahil pinakanakakainis itong kausap. Kung ang ibang mga anghel ay pormal, banal, at magalang, ang isang ito ay maihahalintulad mo sa lasenggong sabog; sala sa hulog,  kaya nanatiling malaking misteryo sa akin kung bakit hindi pa ito nasisipa sa langit.

Napapikit ako sa inis sa pagkakitang-pagkakita ko pa lamang dito, dahil tiyak na pipikunin na naman ako nito, tulad nang lagi nitong ginagawa sa tuwing magpapakita ito sa akin.

"Puwede ba, Raziel?!" nakatalikod na singhal ko rito, "lubayan mo ako!" nasa anyo ito ng maitim na babaeng kulot ang buhok. Paiba-iba kasi ito ng hitsura tuwing nagpapakita at nalalaman ko lamang na siya ang nasa malapit dahil sa kakaiba nitong aroma. Ito ay may samyo ng pinaghalong amoy ng hangin sa tag-ulan, pluma at lumang pergamino o aklat na naninilaw na sa kalumaan. 

"Hindi." 

Nilingon ko ito at nakitang nakabungisngis ito sa nakakainis na paraan.

"Anong hindi?!"

"Ang tanong mo kasi eh puwede ba kitang lubayan? Ang sagot ko ay hindi!" Sabay higa sa sahig ng kubyerta at saka nagpagulong-gulong doon na parang tanga. "Hooop....hoooppp," sa bawat paggulong nito nang pakanan at pakaliwa.

"Tumayo ka nga riyan kundi'y sisipain kita!" pagbabanta ko rito.

Biglang bumangon ito nang paupo at nginisian ako, "sige sipain mo ako, laksan mo, ha?" muli itong humiga at nagpagulong-gulong na animo'y sinto-sinto.

Akmang sisipain ko nga ito nang bigla nitong pinayanig ang yate. Napalupagi ako sa sahig ng kubyerta. Muli sana akong tatayo nang muling pinagalaw nito ang yate upang kumiling nang pakanan at pakalawa. Ang resulta, dalawa na kami ngayong nagpapagulong-gulong nang pabalik-balik. Yamot na yamot ako ngunit wala akong magawa dahil sa tuwing tumatayo ako ay natutumba rin akong muli.

"Utang na loob, tumigil ka na! Aaahhh." Hindi ko alam kung ilang beses na akong napauntog sa magkabilang barandilya. Ngunit sa halip na pakinggan ako'y humahalkhak pa ito na tila nahihibang na. 

Tanginang siraulo talaga!

"Lalala...lalala..." pakanta-kanta pa ang baliw.

Huminto lamang ito nang hindi na ako nagrereklamo. Tumayo ito at iniabot ang kanyang kamay upang tulungan akong makatayo. Ngunit nang hindi ko ito tinanggap ay hinawakan ako nito sa kuwelyo at saka ako nito itinapon nang malayo sa dagat.

"Aaaahhhhhh!" sa lakas nito ay mahigit kalahating milya ang pinatakan ko. Lumubog ako saglit sa tubig, at sa paglutang ko'y natanaw ko itong ihit na sa katatawa habang pigil-pigil nito ang kanyang tiyan. Wala akong magawa kundi ang lumangoy ng pabalik sa yate.  Nang nasa gilid na ako ay pinagmamasdan muna ako nito sa mula sa itaas ngunit hindi pa man din ako nakakaakyat ay mabilis na pumunta ito sa timon at pinaandar ang yate papalayo sa baybayin ng Santa Fe. "Putang ina!" hinataw ko ang tubig sa sobrang inis, ngunit napilitan din naman akong lumangoy upang habulin ito hanggang sa huminto ito sa gitna ng Santa Fe at Isla ng Semirara.

Tawa pa rin ito nang tawa habang nakahiga ako't hingal na hingal sa sahig ng kubyerta.

"Bangag ka ba?!" Bulyaw ko rito, "mas malala ka pa kay Satanas, buwisit ka!" Gigil na gigil ako, "hindi ko alam kung paano ka naging anghel ng DIYOS." May nahagip akong tabo at ibinato ito sa baliw na anghel. Nasambot nito ang tabo at ipinatong ito sa kanyang ulo. "Ano bang kailangan mo para lumayas ka na, ha?!"

"Bakit ba ganyan lagi ang tanong mo sa amin, ha? Ano namang kakailanganin namin sa 'yo?" nakabungisngis pa rin ito sa paraang mapang-asar.

"Wala akong kailangan sa inyo kaya lumayas ka na, buwiset!" Inagaw ko na ang timon dito upang makabalik kami sa baybayin ng Santa Fe.

"Meron.." pakantang wika niya.

"Wala!" Bulyaw ko habang tumatayo.

"Meron.."

"Wala sabi eh!"

"Meron..." Nagsasasayaw pa ito.

Nasagad na nito ang pasensya ko kaya pumikit na ako at inusal ang orasyong itinuro sa akin ni Satanas upang magtawag ng mga demonyo.  Unti-unting dumilim ang paligid. Maya-maya pa'y lumitaw na ang isang malaking alimpuyo sa tubig kung saan nagsilabasan ang maiitim na usok na nagmumula sa kailaliman.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita kong pinalilibutan na ito ng masasamang ispiritu hanggang sa halos hindi ko na makita ito. Ngunit laking gulat ko nang biglang nahawi ang masasamang ispiritu hanggang sa makita ko na itong nagpapaikot-ikot, hawak-hawak pa rin nito ang tabong ipinangbato ko sa kanya.  Nagmamadaling nagsibalikan ang mga demonyo sa gitna ng alimpuyo hanggang sa muling pumatag at kumalma ang dagat.

Nakangising pumustura ito na tila isang mandirigmang may hawak na tabo. "Tsk." Anito, "akala ko pa naman si Taning na ang ipapadala mo sa 'kin, nagparturo pa naman ako kay Miguel at nagpraktis nang maigi. Hiyaaa...hiyaaa!" Nagpasikat ito ng iba't ibang pustura ng sining sa pagtatanggol (1). "Akala ko pa naman masasampolan ko na siya ng aking super flying manoka kick!"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Inihinto ko na ang yate nang makabalik na kami sa baybayin ng Santa Fe. "Abnoy!"  Bulong ko bago ako sumalpak nang upo sa sahig at sumandal sa barandilya.  Hindi na ako kumibo.

"Hay salamat, napagod din." Anito, sabay upo rin sa sahig at sumandal sa barandilyang nasa tapat ko. Muli nitong inilagay ang tabo sa kanyang ulo. Haist! Sadyang basag ang pula ng bangaw!

Matagal kaming binalot ng katahimikan.

"Ano ba ang puwede kong gawin para lubayan mo na ako?" Nanlalata kong wika.

May dinukot ito sa kanyang bulsa.  Isa itong maliit ngunit makapal na aklat o tomo.  Binuklat nito ito, bago nagsalita, "wala kang gagawin kundi ang makinig. Luciong panot...ah hindi ikaw ito—" bulong nito habang nagbubuklat ng mga pahina.  Mukhang may hinahanap ito, "Luciong bungi— " sumulyap muna sa akin ito at sinipat ang bibig ko, "—hindi rin ikaw 'to. Nasaan na ba ang mga tala ko tungkol sa iyo? Hmmm...Luciong pango! Ah, mukhang hindi rin ikaw ito. Aha!" Huminto na ito sa pagbuklat, "Luciong uhugin—" natatawa ito, "tama, ikaw na ito. Ano bang ang mga isinulat ko rito?" tumikhim ito bago nagsimulang magbasa, "—iyakin, sipunin, kaapi-apihan, binansagang anak ni Lucifer, bugnutin—yada...yada...yada..." wari'y may mga nilaktawan itong basahin sa kanyang listahan, "hayun! Ukol sa pagsasangla mo ng iyong kaluluwa kay Satanas, ito ay walang bisa sapagkat ang lahat ng kaluluwa ng anumang may buhay ay propyedad ng PANGINOON. Alalaong baga, hindi mo maaaring ibenta o isangla ang kahit anong bagay na hindi naman sa 'yo! Samakatuwid, ikaw, Lucio Luisito Vallaluz y Guerrero," saglit akong sinulyapan nito, "ay isa lamang dakilang tatanga-tangang arendador na nakipagsundo sa isang manggagantso." Bumuklat ito ng panibagong pahina, "hindi sapat ang katangahan para mapunta ka sa impiyerno, ngunit kung hindi ka hihingi ng tawad sa may ari ng kaluluwang isinangla mo nang walang permiso—kasabay ng iyong pagbabalik-loob eh, do'n ka pa rin nga mapupunta upang makipag-duweto sa dating mong asawang mambabarang—na nakatakda namang maparusahan ng walang hintong pag-awit sa saliw at liriko ng kanta ni Alicia Keys na 'Girl on fire!'  habang paulit-ulit itong ginagawang pambala sa kanyon ng mga demonyong walang magawa!"

Nabilaukan ako sa mga pinagsasasabi ng baliw na Anghel.

"Sakaling piliin mong tuluyang tumalikod sa DIYOS," patuloy na pagbabasa nito, "Hmmm, ikaw Luciong uhugin ay nakatakdang maparusahan ng walang hintong pag-awit ng kanta ni Chaka Khan na pinamagatang, 'through the fire' habang hinahagpusan ka ng hot sauce bago ka idarang sa hurnong sing-init ng kumukulong putik mula sa bunganga ng bulkang Kīlauea (2)."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Ang mangyayari sa 'yo kapag inabot ka ng kamatayan bago magbalik-loob." 

Napatawa ako, "O eh kailan ba mangyayari 'yan?"

May dinukot itong kwil na kulay puti at nag-umpisang magsulat sa kanyang maliit na aklat. "Huwag kang mag-alala. Mamatay ka rin." Kaswal n wika nito habang abala sa pagsusulat.

"P'ano?"

Bigla itong natigilan, bago ako sinulyapan, "hindi naman tayo close 'di ba? Bakit ko naman sasabihin sa 'yo kung pa'no?" sabay bungisngis.

"Eh ano ba talaga ang ipinunta mo rito?"

"Ano pa eh 'di para ituro sa 'yo ang tamang lyrics!" 

"Lyrics? Lyrics ng ano?"

"Lyrics ng mga kinakantang awitin sa impiyerno. Pakunswelo de bobo ko na sa 'yo para hindi na lumala pa ang panonortyur sa 'yo ng mga demonyong may pinakamalalang kaso ng OCD! Praktisin muna natin 'yung toka sa 'yo." Bigla itong tumayo at ginawang mikropono ang hawak na tabo, "through the fire, to the limit, to the wall," pagsisimula nito sa pagkanta, "—for a chance to be with you, I'd gladly risk it all."  Tinakpan ko na ang magkabila kong tenga pero sa kasawiang-palad ay naririnig ko pa rin ang tinig ito, "—through the fire, through whatever, come what may, for a chance at loving you I'd take it all the way," bumirit pa ito at pumusturang tunay na manganganta, noon ko lamang din napagtantong ang kanyang napiling anyo at tinig ay katulad na katulad ng orihinal na mang-aawit ng kantang kanyang inaawit."—right down to the wire, even through the fire." Animo'y baliw na pinalakpakan pa nito ang kanyang sarili.

Sinto-sinto talaga. Ewan!

"O," nang mapansin nitong tinakpan ko ang mga tenga ko, "wala ka pa sa impiyerno naririndi ka na sa kantang 'yan, pero paano na kung kakantahin mo na 'yan sa panghabang-panahon nang paulit-ulit..."iniikot-ikot nito ang ulo niya, "paulit...ulit...ulit...ulit—" 

Lunatiko talaga. Haist! "Manahimik ka na nga!"  Bulyaw ko rito. "Lagi namang 'yan ang panakot ng PANGINOON mo." Bulong ko.

"Iba ang nanakot sa nagbibigay ng babala."

"Tsss. Babala para saan? Nakakalimutan mo na bang isa akong Nephilim? Nasa sinapupunan pa lang ako, do'n na talaga ko iniadya ng PANGINOON mo. Hustisya, hustisya, nasaan ang hustisya ro'n? Kasalanan ko ba na ganito na akong ipinanganak?"

Ngumanga ito sa akin na may halong  pagngisi, "alam mo ang hirap sa karamihan sa inyong mga tao? Masyado kayong atribido at hindi nag-iingat sa inyong pananalita kaya hindi niyo namamalayang nasusumbatan  niyo na ang DIYOS ng dahil lamang sa ayaw niyong aminin at ariin ang inyong mga kapalpakan at mga kasalanan. Sa halip na umamin at humingi ng tawad, laging ang hanap ay kung ano at sino ang masisisi. Ano itong sinasabi mong— Kasalanan ko ba na ganito na akong ipinanganak? Bakit? Ni isa ba sa aming ipinadala sa 'yo ay tinanong ka kung bakit ganyan kang ipinanganak? At bakit naman itatanong pa namin sa 'yo kung bakit ganyan kang ipinanganak kung maaari naman naming itinanong 'yan sa mismong LUMIKHA na nagpahintulot sa kapanganakan mo? Mas matanda ka pa kay Methuselah (3), Lucio, kaya huwag kang bopols, pwede?! Sa amin ka buwisit na buwisit pero ikaw itong malabong kausap. Narito kami—pabalik-balik, dahil ikaw na nga ito nagsangla sa manggagantso ng isang bagay na hindi mo naman pag-aari ay ikaw pa itong may ganang makipagmatigasan sa tunay na may-ari ng isinangla mo! Ano ba ang mahirap sa, 'patawad po?' Dalawang salita lang 'yun ah. Puwede ngang isa lang, 'patawad.' Ba't 'di mo masabi? para tapos na ang usapan!"

Tumahimik ito habang pinagmamasdan ako ngunit tinawanan ko lamang ito dahil hindi bagay rito ang maging seryoso. Natatawa ako.

"Puwede bang magtanong?" hindi seryosong wika ko.

Sumenyas lamang ito na...puwede naman.

"Bakit niyo ba ako kinukulit? Kailan niyo ba ako lulubayan? Nagsasayangan lang tayo ng oras eh. Hindi rin naman ako nakikinig sa inyo. Kita mo? Ang haba ng sinabi mo, na marahil ay pinag-isipan mo pang mabuti, pero lumabas din lang sa isang tenga ko ang mga pumasok sa kabila. Ganito ba kayo sa lahat ng mga nilikha? Bakit kayo makulit?"

"Bakit?— Sareh naman ho sir," nakangising sagot nito,  "napag-utusan lang. Kailan? —Kapag hindi ka na humihinga. Ganito ba kami sa lahat?— Hindi. Bakit kami makulit? —Gusto mo ba talagang malaman ang totoo?"

Nagkibit-balikat ako. 

"Hindi ka namin kukulitin kung hindi ka nagpabinyag sa simbahan. Nagpabinyag ka dati sa Europa, hindi ba? Kaya para sa tanong mo kung ganito ba kami sa lahat ng tao ang sagot ay hindi, dahil hindi naman lahat ng tao ay nagpabinyag sa simbahan ng PANGINOON. Hindi lahat ng tao ay tinanggap ang tunay na DIYOS kahit miminsan lang sa buhay nila. Kung bakit kami makulit, eh kasi buhay ka pa! Buhay ka pa dahil 'yan ang hiniling mo sa ahas na manggagantso! Nagkataon lang napakahaba na ng buhay mo at nakikita mo kami lagi kaya halos masaulo mo na ang mga pagmumukha namin. Patuloy kang kinukulit ng PANGINOON dahil minsan sa buhay mo ay minahal mo SIYA, at dahil alam naman NIYANG hindi ka likas na masama ay nais NIYANG mapanalunang muli ang pagmamahal na iyon kahit na masyado kang pakipot—"

Saglit itong tumahimik.

"Ngunit!" Bulalas nito, "dapatwa't, subalit, dahil alam kong medyo matagal-tagal pa ang bubunuin namin para makuha ang iyong final answer—mag-praktis muna tayo sakaling gusto mong makipagduweto kay Aretha—" Ninerbiyos ako nang muli itong tumayo at kinuha ang tabo upang gawing mikropono. "Awantutri—this girl is on fire! This girl is on fire!" taas ang isang kamay na sumasayaw-sayaw pa ito. 'She's walking on fire! This girl is on fire!—Looks like a girl, but she's a flame, so bright, she can burn your eyes, better look the other way—'" hindi ko na matiis kaya sinuwag ko na ito hanggang sa kapwa kaming nalaglag sa dagat.

[ITUTULOY]

Footnotes:

(1)  Sining sa pagtatanggol - Martial Arts on self defense.

(2) Kīlauea - name of one of the hottest volcanoes on the big island of Hawaii

(3) Methuselah was a biblical patriarch who had the longest lifespan of all those given in the Bible, having died at the age of 969 years.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
493K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
3.7M 55.6K 61
PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75php. Please do grab a copy guys! Thank y...
157K 3.3K 21
Blood Stained Angel She has the face of an angel, but she's cold like a devil. She may seem innocent, but she's not. She had witnessed and grasps all...