My Guardian Devil

De DyslexicParanoia

371K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... Mai multe

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 112

712 83 14
De DyslexicParanoia


Senda's P.O.V.

"Ate Rosing, bakit ang tahimik mo?" pagpansin sa akin ni Intoy habang nakatanaw ako sa dagat sa tabi ng bangka ni Tata Pepe.

"Wala naman," pagtatakip ko, "nagagandahan lamang ako sa karagatan."

"Akala ko nalulungkot ka na naman. Sige 'te Rosing, tutulungan ko lang si Lolo sa pagtatahi ng lambat. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka ha?" nag-uumpisa na itong maglakad papalayo, "binilin ka kasi ni Lola sa akin bago siya umalis upang mamaraka. Samahan daw kita kapag nais mong maglakad-lakad."

Miss na miss ko na si Luis, at nag-aalala na rin ako kung saan na kaya ito napadpad. Alam na kaya nito na wala na ako sa aming Sangktuwaryo? Ano kayang iisipin at gagawin niya kapag hindi niya ako nadatnan doon? Lalo kaya itong magagalit sa akin sa ginawa kong pag-alis? Mauunawaan kaya niya kung sasabihin ko ang totoo na bukod sa parang masisiraan na akong ulo sa tatlong buwang pag-iisa at pagmumukmok ay natatakot din akong manganak mag-isa; hindi para sa aking sarili, kundi para sa aming anak. Hindi ako natatakot mamatay sa panganganak kung alam kong may mapag-iiwanan ako ng aking sanggol; ang ikinatatakot ko ay ang mamatay ako sa pagluwal sa kanya na wala man lamang kakalinga at mag-aaruga sa kanya upang mabuhay. Ngunit makapangatwiran man ako ay mas malamang na magagalit pa rin si Luis. Baka nga hindi na ako mapatawad nito dahil dala-dala ko ang anak niya na batid kong napakahalaga para sa kaharian ng Edenus—at ng Elysio, hindi pa man ito naipapanganak. At nang dahil dito ay natatakot din ako kay Luis. Natatakot ako na tuluyan na nito akong itakwil, palayasin at palitan ng mas masunurin at kapakipakianabang na makakatuwang.

Kay dami ng gumugulo sa aking isipan ngayon na hindi ko naman maibahagi sa kahit kanino. Kaya nga siguro kahit may kasama na ako ngayon, pakiramdam ko'y nag-iisa pa rin ako. Pagkapanganak ko at kung hindi na ako tatanggapin ni Luis, saan naman kaya ako pupunta? Wala na ang bahay ko sa San Gabriel at wala na rin sina kuya sa dati naming tinitirahan sa Maynila; saan kaya? Sino kaya ang maaari kong lapitan?

Kung hindi ako mamatay sa panganganak, ano pa ba ang puwede kong paggamitan ng natitira ko pang buhay? Paano ko ba gagawing mas makabuluhan ito? Tanggapin man akong muli ni Luis o hindi, nais ko siyang tulungan sa kahit anong paaran. Ano ba ang maaari kong gawin para sa kanya na ako lang ang maaaring gumawa? Paano ko ba siya matutulungan sa paraang hindi ko siya maaabala o maririndi?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Hindi ko akalain na makakaluha pa rin pala ako matapos ang halos araw-araw kong pag-iyak sa Sangktuwaryo. Nalulungkot ako na tila katapusan na nag mundo dahil sa posibilidad na ito na ang katapusan ng pagsasama namin ni Luis. At natapos ito nang hindi man lang ako nakaganti ng kabutihang ipinakita niya sa pag-aaruga at pagkupkop sa akin kahit na may ibang mga babae naman ang mas karapatdapat niyang pinag-ukulan ng panahon.

"Ikaw si Rosing, tama?" pamilyar na tinig iyon mula sa aking likuran. Si Matias. Saglit pa'y lumupagi na rin ito sa buhanginan; sa aking tabi. "Ako nga pala si Matias." Inilahad nito ang kanyang kamay.

Kahit wala akong ganang makipaghuntahan kahit kanino ay nakipagkamay naman ako rito upang hindi naman ito mapahiya.

"Taga saan ka, Rosing?"

Napabuntong hininga ako dahil nagbabadya na naman ang posibilidad na magsisinungaling ako. Palihim akong nagdasal sa PANGINOON, upang bigyan ako ng tamang sasabihin na hindi ko kailangang magsinungaling.

"S-sa m-Maynila."

Napanganga ito, "Ah, kaya naman pala." Bumungisngis ito.

"Kaya naman pala'y ano?"

"Kaya hindi ka mukhang probinsyana."

Muli akong pasikretong nagdasal na sana'y umalis na lamang si Matias dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko. Ayokong magsalita, wala akong ganang makipagkuwentuhan, at ayokong mapilitang magsinungaling.

"Matias!" Biglang may tumawag rito na isang grupo ng mga kababaihan. "Kanina ka pa namin hinahanap. Naghihintay na sa bahay mo ang mga tauhan ni Reyna Oksana, dala ang rayson ng mga herbal at mga bitamina. Kailangan ka raw nilang makausap.

'Salamat, PANGINOON, ang bait mo talaga. Parati mong dinidinig ang mga panalangin ko!'

"Ah, eh...sige Rosing. Mauna na muna ako." Tumatayo na ito, "sana makapagkuwentuhan naman tayo sa ibang pagkakataon. Maaari ba kitang puntahan kina Nana Auring?"

"Matias!" Muling pagtawang ng mga kababaihan bago ko pa man naibuka ang aking bibig. "Nagmamadali raw sila kaya bilisan mo na!"

'YOU are the best, LORD!"

***

"Ano bang sangkap ng herbal at ng mga bitaminang iyan?" tanong ni Tata Pepe habang inilalatag ni Nana Auring sa lamesa ang mga natanggap niya mula sa kanilang Reyna Oksana.

"Hindi ko rin alam," natatawa si Nana Auring, "Mga tsaa at kapsula ito na si Reyna Oksana mismo ang gumawa kaya walang nakadetalye kung ano ang naririto. Basta't ang alam ko, lumalakas ako sumisigla kapag iniinom ko ang mga ito.

"Pero di po ba 'la, ang sabi niyo sa akin, sumisigla kayo ng tatlo hanggang limang oras pero oras na lumipas na, parang kalos na kalos ka naman at parang magkakasakit? Tapos itong mga kapitbahay natin, parang naha-high at nawawala sa sarili,  may mga kaso pa nga ng mga taong nagtatatakbo sa dalampasigan nang hubo't hubad!"

"Ikaw Auring, tigil-tigilan mo na 'yang pagkain at pag-inom inom ng kung ano-anong hindi mo naman alam ang sangkap. Ba't di ka lamang bumili ng mga nabibili sa botika para makita mo sa labasng kaha kung ano ang mga sangkap? Baka mamaya niyan may nakalalason na pala diyan o di kaya'y may gayuma."

"Gayuma? Eh bakit naman gagayumahin ni Reyna Oksana ang buong barangga—"natigilan muna ito saglit na tila mayro'ng biglang pumasok sa isipan nito. Muli nitong sinipat ang mga botelyang walang tatak.

"O kita mo na?" pangangantiyaw ni Tata Pepe sa asawa, 'di kaya 'yan ang dahilan kung bakit sambang-samba ang mga tao rito sa nagbibigay niyan? Malakas ang kutob ko na may gayuma 'yan, maniwala ka! Mabuti na lang hindi ako mahilig sa tsaa at mga herbal-herbal na 'yan. Ang sama naman ng lasa kaya hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto niyo niyan!"

Napapaisip rin ako sa paksa ng kanilang usupan. Hindi nga kaya may gayuma ang mga iyon? At agad ko ring naalala na isang mangkukulam at mambabarang si ate Marietta. Hindi kaya ito ang isa sa mga taktika niya upang masakop ang mga teritoryong dati ay kay Luis?

Naku, paano ko ba mapaparating kay Luis itong mga natutuklasan ko?

****

Kinahapunan ay sinamahan ako ni Intoy na maglakad-lakad sa dalampasigan. Medyo malayo-layo na kami mula sa bahay at nasa tapat na ng malalaking tipak ng bato, nang may isang grupo ng mga kabataang sumalubong kay Intoy upang makipag-apiran at makipagkuwentuhan sa kanya.

"Pasensya ka na ate Rosing." Kumakaway ito sa akin nang dumistansya ako ng kaunti.

"Ok lang Intoy. Makipagkuwentuhan ka lamang muna riyan. Uupo muna ko doon sa may mga batuhan."

"Salamat ate, pero huwag kang masyadong lalayo ha?"

"Oo, doon lang ako sa abot tanaw mo!" itinuturo ko ang malaking bato na planong kong pagpahingahan.

Marahan akong naglakad doon habang patuloy na sinasamyo ang masarap na hanging-dagat. Halos hindi ko na marinig ang tinig ng mga kabataan sa napili kong puwesto upang panoorin ang paglubog ng araw, bagaman abot tanaw ko pa naman ang mga ito.

Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo nang may narinig akong impit na tinig ng isang babae at isang lalakeng nag-uusap sa likod ng isa sa malalaking bato. Lubos na napakahina nito ngunit pilit ko pa rin naman itong pinakinggan at inintindi.

"Hindi mo basta-basta puwedeng sabihin sa mga tao rito kung sino talaga sa Reyna Oksana, 'La." Wika ng boses lalaki na sa wari ko'y kaboses ni Matias. "At kung anong ipinagagawa niya sa akin."

"Matias, apo ano ka ba naman?" tila mangiyak-ngiyak na tinig ng isang nakakatandang babae, "natatakot ako riyan sa ginagawa mo. Bakit kailangan mong kumampi kay Marietta at pumayag na maging kanang kamay ka pa niya rito? Nakakalimutan mo na ba na iyan ang pumatay sa mga magulang mo, hindi si Lucio!"

"Ibaba mo ang boses mo Lola. Baka may makarinig sa atin, lalo akong mapapahamak sa 'yo eh."

"Sorry, Apo. Nag-aalala lang ako."

"La, hindi ko nakakalimutan ang atraso niya sa atin...sa akin. At alam kong hindi si Lucio ang pumatay sa aking mga magulang." sagot ni Matias, "pero hindi ko kayang labanan nang harapan si Marietta. Hindi natin siya kayang talunin kahit magsama-sama pa tayo lahat kaya ito lang ang naiisip kong paraan para makalapit ako sa kanya, alang-alang na rin sa kaligtasan nating lahat. Kailangan ko siyang papaniwalain na gusto kong maghiganti kay Lucio sa pagpaslang nito sa aking mga magulang. Kundangan nga lamang at hindi ako makadikit nang mas malapit sa kanya ngayon dahil hindi na ito nagpapakita kahit kanino. Pero Lola, kilala mo ba 'yung babaeng buntis na nasa bahay ngayon nina Tata Pepe?"

"Babae, sinong babae? Pasensya na apo, napakasakit lagi ng tuhod ko kaya hindi na ako nakakapangapit-bahay."

"May bisita ngayon sina Tata Pepe. Isang napakagandang Babaeng nagdadalantao."

"O, eh ano naman ang tungkol sa babaeng iyon?"

"Sikreto lamang nating dalawa ito, Lola, ha? Mangako ka sana na wala kang pagsasabihan."

"Eh sino ba ang babaeng tinutukoy mo at ano ang kuneksyon nito sa pinag-uusapan natin?"

"Kilala ko ang babaeng iyon."

"O, eh ano naman kung kilala mo? Natitipuhan mo ba?"

Natawa ito, "gustuhin ko man, ngunit sa palagay ko'y mas madadali ang buhay ko sa kamay ni Lucio kung magkataon."

"Eh sino ba kasi 'yun?"

"'Yun si Rosenda Ramirez."

Nagulat ako kaya muntik na akong masamid sa sariling laway ngunit napigilan ko naman ito.

"Ang hipag ni Marietta, at ang nagdadalang-taong asawa naman ni Lucio."

"Ano?! Eh anong ginagawa niya rito?!" Napalakas ang tinig nito.

"Shhh...Lola, babaan mo lang ang boses mo. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito, pero hindi na mahalaga 'yun. Ang mahalaga ay makausap ko ito at mapapayag sa plano namin ni Alfonso para sa atin, sa Mashuria, at pati na rin ang kaharian ng kanyang asawa laban kay Marietta."

"Ano? Pati ba naman si Alfonso ay—"

"Shhhh Lola! Oo. Maglalakas loob ba akong gawin ito kung hindi sa tulong ni Alfonso? Basta't sikreto lamang natin ito,  ha?"

***

"Ate Rosing, natutulala ka na naman diyan." Nanatawang biro sa akin ni Intoy habang naglalakad na kami pabalik sa kubo. "May problema ka ba?"

"H-ha? Naku, wala—-" Iniisip ko pa rin kasi ang mga narinig ko kanina. Parang gusto ko nang ususain kay Matias kung ano 'yung pinaplano nila ni Alfonso na kakailanganin ng tulong ko. Kung makakatulong iyon sa Edenus, tulad ng kanyang nabanggit, parang nasasabik na ako na malaman 'yun. Baka ito na ang pagkakataong pinakahihintay ko upang makatulong kay Luis sa paraang kaya ko na hindi naman makakasagabal sa kanyang sariling mga plano."—napagod lang ako Intoy, huwag mo akong intindihin."

"Pasensya na kung natagalan ang pagkukuwentuhan namin ng mga kaibigan ko."

"Naku, wala 'yun. Hindi naman ako nainip dahil nakapanood ako ng sunset."

"Mabuti naman kung gano'n, pero ate, may sasabihin sana ako sa 'yo. Pero huwag kang magagalit ha?"

"Ano naman 'yun?"

"'Yung isa kasi sa mga kaibigan kong babae ay pinagmamasdan ka kanina.  Ito 'yung kaibigan ko na may kakayahang makakita ng mga ispiritu at iba't ibang mga nilalang."

"O, e ano naman ang ikagagalit ko ro'n?"

"Tinanong niya sa kin kung bakit daw ako may kasamang Engkantada."

Nagulat ako kaya napahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan ito.  Huminto rin naman ito at humarap sa akin, "anong sinabi mo?"

Kakamot-kamot ito, "huwag ka sanang magagalit ate Rosing dahil medyo may pagkawirdo lang talaga ang kaklase kong 'yun. Kalimutan mo na, ate. Malamang namamalikmata na naman iyon."

"Hindi, Intoy, nais kong marinig. Pangako, hindi ako magagalit.  Ano bang nakita sa akin ng kaibigan mo."

"Ang eksaktong sinabi niya sa akin ay, 'bakit may kasama kang fairy?' Bakit kasama mo si Queen Clarion, 'yung mother ni Tinker Bell?" tapos inginuso ka niya. Nakikita raw niya ang makukulay mong pakpak na transluscent, 'yung parang pakpak raw ng paru-paru. Tapos matulis rin daw ang mga tenga mo sa dulo, tapos mas mapula raw ang buhok mo na kulot-kulot. Sabi pa niya ay mayroon ka raw korona at mukhang isa ka raw Reyna o Prinsesang Engkantada sa kabilang mundo. Ewan ko ba do'n, ate. Pinagtatawanan nga namin siya . Wala kang namang pakpak at hindi rin naman matulis ang mga tenga mo."

Napalunok ako at pasimpleng hinawakan ang mga tenga ko. "Ah, baka namamalikmata nga lamang ang kaibigan mo." Halika na, muli ko na itong niyayang maglakad. "Baka hinihintay na tayo ng Lolo at Lola mo."

[ITUTULOY]

Continuă lectura

O să-ți placă și

27.1K 778 58
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
284K 3.8K 44
Disclaimer: This is the unedited version. The printed version is/will be 60% edited and revised. **The Life Of A Secret Agent II** Retired Mafia Em...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
374K 8.2K 56
What if one day may magsabi sa'yong hindi mo tatay ang tatay mo at ang tunay mong tatay is a freaking billionaire. Anong irereact mo? Matutuwa ka ba...