My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

371K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 105

742 67 4
By DyslexicParanoia

Lucio's P.O.V.

Nakabalik na kami sa Palasyo. Kapansin-pansin naman ang pagkabalisa ni Senda habang hinihintay ang nga espesyal na putaheng inihanda ng mga maharlikang taga luto. Ilang ulit niyang nabanggit sa akin na natatakot na siyang kumain sa palasyo, hindi para sa kanya, kundi sa kanyang dinadala.  Ngunit ayaw rin naman niyang gumamit ng taga-tikim dahil hindi raw kaya ng kanyang kunsensyang may mapapahamak nang dahil lamang sa pagtikim ng pagkaing para sa kanya.

Ilang beses kong sinabi sa kanya na huwag mag-aalala, ngunit lalo itong nagagalit sa akin dahil lalo raw siyang nag-aalala sa tuwing sinasabi ko iyon.  Ayaw raw niyang may malalason, at ayaw raw niyang may mamamatay sa kanyang harapan, lalo na kung gumaganap lamang ang mga ito sa kanilang tungkulin.

Maya-maya pa ay isa-isa nang inihayin sa amin ng mga maharlikang tagaluto ang hindi lamang yata sampung putaheng kanilang inihanda, at nang sila'y nakahilera na sa aming harapan ay saka lamang ako nagsalita. Palihim ko pa rin namang sinusulyapan si Reodica na sa wari ko ay mas umaliwalas ang mukha, bagaman hindi nito maikukubli sa akin ang palihim na pagngisi.

"Maraming salamat sa inyong inihanda para sa mahal na Reyna." Pagbati ko sa mga  ito. Nilingon ko rin naman saglit si Senda na tila hindi makagalaw sa tronong nasa aking kaliwa; hindi nito maitago ang labis na pag-aalala.

Bumaba ako sa trono upang lapitan ang hayin. Hinagod ko ito ng tingin at namangha ako sa kahusayan at sining ng pagkakahanda sa bawat isang putahe.

"Batid kong kayong lahat ang nagtutulog-tulong na lutin ang lahat ng ito," sabi ko sa mga ito. "Ngunit kayo rin bang lahat ang nakatoka sa paglalagay ng ganitong kagagarbong disenyo?"

"Panginoon, tama po kayo na kaming lahat ang nagtulong-tulong upang ihanda ang lahat ng ito," magalang na sagot sa akin ni Belen, "ngunit ang paglalagay ng palamuti at adorno sa mga ito ay dunong na nakatoka kay Reodica dahil sa natural na husay nito sa paglalapat ng sining sa bawat putahe."

Inasahan kong iyon ang isasagot ni Belen dahil sa pansamantala kong pamamalagi ro'n ay napag-alaman ko rin na si Reodica nga ang pinakamahusay na maituturing sa larangan ng paglalagay ng kulay at buhay sa kanilang mga inihahayin.

Tumango ako bilang pagpapatay-malisya. "Magaling." Bago ako pumihit upang bumalik sa aking trono.

"Dahil diyan," matapos kong maupo nang kumportable, "Reodica, tulad ni Himena ay nais kitang bigyan ng mas mataas na antas bilang pagkilala sa iyong kakayahan at pagsisikap."

Napansin ko sa gilid ng aking kaliwang mata ang wari'y nagimbal na reaksyon ni Senda.  Gayun din naman ang reaksyon ni Reodica, bagaman ang huli ay natuwa sa parangal na kanyang natanggap. Nag-uupisa na itong magbunyi at tumanggap ng pagbati mula sa kanyang mga kasamahan.  Tulad ng dati ay pinabayaan ko lamang muna itong magdiwang pansamantala bago ko ina-anunsyo ang eksaktong posisyon na ibibigay ko sa kanya.

"Reodica," pagtawag ko rito. Nasasabik itong maglakad at yumukod sa hatapan ko. "Simula sa araw na ito ay inaatasan kita..." unti-unti nang gumuguhit ang ngiti sa kanyang mga labi, "bilang opisyal," napakagat pa ito sa labi, "na taga-tikim ng lahat ng pagkaing nakahayin at ihahayin para sa mahal na Reyna." Ako na ngayon ang unti-unting ngumingisi habang si Reodica naman ay nag-astang bangkay na sa labis na pagkagimbal at pamumutla. "Maaari ka nang mag-umpisa ngayon."

Nilingon ko si Senda dahil naramdaman kong nakatingin pa rin ito sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay tila nagtatalong ngiti at pagkamangha ang mababakas sa mukha nito.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Katulad nang inaasaan ko hindi magawang sundin ni Reodica ang inuutos kong tikman ang bawat putaheng kanilang inihanda. Paano ba nito susundin gayun alam niya—at saksi ako nang hinaluan niya ng mas maraming pinulbos na Payong-Ahas ang ang bawat isang putaheng nakahayin.

"Reodica, halika na!" Pagyaya sa kanya ni Belen, "tikman mo na ito para makakain na ang mahal na Reyna!"

Sa halip nasumunod ay umiling ito at unti-unti nang nagbabadya sa pag-iyak.

"Ako na lamang po muna ang titikim..."akmang titinidurin na ni Didimo ang napili niyang putahe nang binato ko ito ng aking sapatos. Agad naman nitong nabitawan ang tinidor at napaatras.

Hindi ko na naitago ang tunay kong nararamdaman, "ang babaeng ito lamang," itinuro ko si Reodica, "ang maaaring tumikim at kumain ng mga putaheng iyan."

Agad na nabalot ng pagtataka ang bawat isang tagaluto nang tuluyan nang humagulhol sa kinatatayuan si Reodica.

"Anong iniiyak-iyak mo!" Bulyaw ko rito. "Ha?!"

Bigla itong lumuhod sa may paanan ko, "patawad po, Panginoon!" Ngunit sa halip na maawa ay sinipa ko ito. Agad namang tumalsik ito sa harapan mismo ng hayin.

"Ilang linggo mo nang nilalagyan ng lason ang mga pagkain ng mahal na Reyna at pagkatapos ngayon ang gusto mo ay patatawarin kita? Bakit? Bakit kita patatawarin?!" Napasinghap ang ibang mga tagaluto sa labis na pagkagimbal. Nagkakatinginan ang mga ito na wari'y hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "At ngayon mismo, bawat isang putaheng iyan na pinaghirapang lutuin ng mga kasamahan mo at binudburan mo ng mas maraming Payong-Ahas para makasiguro kang mapapatay mo na ang aking kabiyak. Punyeta ka dahil nagtagumpay ka man o hindi ay walang kapatawaran ang ginawa mo!  Walang puwang sa mga katulad mo ang  kahariang ito. Ngayon, kung hindi mo kakainin ang alinman sa mga pagkaing nakahain, ikaw ang ipakakain ko sa mga demonyo ni Beliyya'al (1)!" Hindi pa rin ito kumibo na tila hindi pa nito masukat kung alin ang masa malala sa:  ang mamatay sa pagkalason o ang kainin nang buhay ng mga halimaw ni Beliyya'al.

Tinanaw ko na ang mga nakaabang na kawal at sinenyasan ang mga itong dakpin si Reodica upang ipatapon sa piitan ng mga halimaw ni Beliyya'al sa Balong Walang Hanggan. Kilala ang piitang iyon bilang kulungan ng matinding pagpapahirap dahil ang mga demonyo roon ay tanyag sa pirapirasong pagkain ng katawan ng mga nilalang habang buhay pa ang mga ito, sapagkat nasisiyahan ang mga ito kapag nakikita nilang nasasaktan pa ang kanilang kinakain.

"H-huwag mahal ko." Pabulong na pagpigil sa akin ni Senda.  "Huwag naman gano'n kalupit." Batid kong narinig pa rin ito ni Reodica at ng mga tagaluto dahil napatingin ang mga ito kay Senda. "Sa kahit ano pa mang kaparusahan ang nasa isip mo, huwag mo sana siyang tanggalan ng pagkakataong magsisi at magbago."

Nagulat ako nang biglang gumapang si Reodica papunta sa paanan ni Senda. Humahagulhol na humihingi ito ng tawad habang hinahalik-halikan ang mga paa nito.

****

"Patawarin mo sana ako, hindi ko sinasadyang kontrahin ang kagustuhan mo." Umiiyak na sumubsob sa dibdib ko si Senda nang makabalik na kami sa aking silid. "Galit ka ba sa 'kin?"

Kumalas ako rito upang maiangat ko ang kanyang baba upang magkatapat ang aming mukha. "Kabiyak kita at Reyna ka ng kahariang ito, at hindi isang tautauhan lamang. May karapatan at kapangyarihan ka rito nang tulad ng sa akin. Tama ka naman. Masyadong malupit para sa isang napag-utusan lamang ang aking naging husga. Nadala ako ng galit at matinding emosyon, siguro ay dahil na rin sa matinding takot na mawala ka sa akin sakaling nagtagumpay siya. Nawala sa isipan ko na si Lambino at Marietta ang tunay na nais na manakit sa iyo, at itong mga alipores nila ay sumusunod lamang sa utos kapalit ng seguridad para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit patatawarin mo sana ako na kailangan ko pa ring pagbayarin si Reodica sa kanyang pagkakamali. Kailangan ko pa rin siyang parusahan na naaayon sa batas dito dahil hindi biro ang kasalanan niya kahit na sabihin pang napag-utusan lamang ito.  Hindi ko maaaring palayain at pakawalan na lamang ang mapanganib na nilalang na tulad niya. kailangan pa rin niyang makulong at pagdusahan ang kanyang mga pagkakamali."

Tumango naman si Senda, "Naiintindihan ko. Maiba nga tayo. May isa pa tayong problema."

Natawa ako, "isa lang?"

Natawa rin siya, "nagkausap na kami ni Marikit at nagpaalam na ito sa akin at hindi ko ito napigilan."

Napakunot-noo ako, "nagpaalam?  Anong ibig mong sabihin?"

"Masyado tayong naging abala sa problema kay Reodica, at habang nangyayari 'yun, nag-uusap na pala sila ni David tungkol doon sa...alam mo na. Eh nagalit daw sa kanya si David.  Hindi na nga raw nito pinakinggang ang kabuuan ng kanyang paliwanag. Iniatras na raw ni David ang kasal nang hindi man lamang siya inabisuhan. Nasaktan siya. Umiiyak nga ito nang huli kaming mag-usap. Hindi na rin daw niya matatanggap ang pribilehiyong magtrabaho rito sa palasyo dahil batid naman daw niya na si David nga ang tumulong sa kanya."

"Eh nasaan na siya?"

"Hindi naman siya maaaring lumabas ng Edenus ngayon hindi ba? Ang sabi niya mayro'n naman daw siyang nahanap na ibang trabaho at matutuluyan. Hindi na nga lang nito sinabi kung saan dahil 'yun din 'yung araw na kinailangan nating katagpuin ang mga tagaluto, at umalis na siya noong araw ding 'yun. Hay naku, nakakaawa naman si Marikit."

"Kakausapin ko si David."

"Hay naku, 'wag na. Medyo naiinis ako diyan sa drayber mo."

"O, bakit naman?"

"Basta."

Natawa ako, "Anong basta?"

"Naiinis ako sa mga lalaking gano'n."

"Anong gano'n?"

"'Yung makikitid ang isip at eskandaloso. Dahil sa pag-atras niya sa kasal, pinagpipiyestahan tuloy ng mga tsismosa itong si Marikit. Tampulan din ng tukso, biro mo ang tawag na ngayon sa kanya eh: Marikit na sinukuan. Binabastos din ito ng mga tao palibhasa hindi naman nila alam ang buong istorya. 'Yung iba namang nakakaalam, pinaparinggan siya ng kung ano ano na mas malala pa sa ikinuwento mo sa akin na sinabi ni Reodica. Kaya ikaw 'wag kang gano'n ha? Kundi, iiwanan 'din kita diyan at hindi na ako magpapakita sa 'yo kahit kailan."

"O, ba't naman ako nadamay diyan?" niyakap ko ito.

"Gusto kong makausap ng mas masinsinan si Marikit.  Tulungan mo naman akong hanapin siya. Kawawa naman siya, sa'n na kaya napadpad 'yun ngayon?"

"O sige, para sa katahimikan ng kalooban mo, ngayon mismo, magpapadala ako ng isang libong kawal para hanapin siya. 'Wag ka nang masyadong mag-aalala, baka makasama pa 'yan sa—"hinaplos ko ang puson nito, "prinsipe o prinsesa natin eh."

[ITUTULOY]

Footnote

(1) Beliyya'al - Hebrew word meaning wickedness or worthlessness. Translated as Belial or Beliar in Greek. Outside of the Hebrew Bible.  Belial is one of the leaders of the forces of darkness.

Continue Reading

You'll Also Like

284K 3.8K 44
Disclaimer: This is the unedited version. The printed version is/will be 60% edited and revised. **The Life Of A Secret Agent II** Retired Mafia Em...
3.7M 64.3K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
157K 3.3K 21
Blood Stained Angel She has the face of an angel, but she's cold like a devil. She may seem innocent, but she's not. She had witnessed and grasps all...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...