Lucio's P.O.V
"Magandang araw sa 'yo." Pagbati sa akin ni Marikit bilang si Arsenio. Natiyempuhan ako nitong maghahatid ng pananghalian sa silid ni Senda. Ito pa man din ang huling araw ng paghahatid ko dahil kinabukasan na ang pagdating ng dalawang permanenteng kusinero na hahalili sa akin at kay Himena. "Kukumustahin ko lamang sana ang mahal na Reyna. Isang linggo ko na kasi siyang hindi nakikita at nasasabik na akong makakuwentuhan siya. Ako nga pala si Marikit, ako ang kanyang personal na tagapaglingkod."
"Ah, pasensya ka na binibini." Sinisipat nito ang aking mukha na tila may nakikita itong pagkakakilanlan sa likod ng akong balatkayo,kaya mas minabuti ko nang huwag tumungin dito nang diretso. "Mahigpit kasi ang ipinagbilin sa akin ng mahal na hari na walang maaaring makapasok sa kanyang silid nang walang pahintulot mula sa kanya."
"Ah ganun ba?" nanlulumo ito. "Alam mo ba kung kailan ko muling madadalaw ang mahal na Reyna?"
"Naku hindi ko—"
"Hay naku Arsenio!" Bulyaw sa akin ng babaeng papalapit na sa amin. Si Reodica ito, "binabayaran ka ba rito para makuwentuhan sa malalandi?"
Napasulyap ako kay Marikit. Magkasalubong na ang mga kilay nito.
"At ikaw naman," pagbaling nito kay Marikit, "may nobyo ka na nilalandi mo pa itong si Arsenio." Inirapan ito nito habang nakahalukipkip.
"S-sige na Arsenio," sabi sa akin ni Marikit. Halatang ayaw nitong pansinin si Reodica, "pumasok ka na sa loob. Baka nagugutom na ang mahal na Reyna."
Tumango ako at agad na pumasok. Sa pagpasok ko ay agad kong ikinandado ang pinto, at habang ikinakandado ko ito ay sinadya ko na ring pakinggan at pinakiramdaman ang dalawang babaeng nasa labas.
"Hay naku, ang mga ambisyosang malalalandi nga naman, pakalat-kalat kung saan may lalaki." Tila pagpaparinig ni Reodica kay Marikit.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan, Reodica?"
"Balita ko, ikakasal ka na raw. Alam na ba ni David ang sikreto mo sa mga taga-rito sa Edenus?"
Sandaling nagkaroon ng katahimikan na agad namang sinundan ng nangungutyang paghalakhak ni Reodica.
"Alam ba niya," dugtong nito, "na ginamit mo lamang siya para makalaya ka sa kulungan? At hindi pa natatapos doon, hindi ba? Dahil alam mong siya ang drayber ng hari eh sinamantala mo naman 'yun upang magkaroon ka ng oportunidad na magtrabaho dito sa loob ng Palasyo."
Hinihintay ko ang sagot ni Marikit, ngunit wala akong narinig mula rito, sa halip ay ang malakas na pagtawa pa rin ni Reodica ang umalingawngaw sa kahabaan ng pasilyo.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.
"Ano Marikit? Hindi ka makasagot? Hindi ka rin makatanggi? Eh kasi, totoo. At paano mo ako pasisinungalingan gayung hindi lang ako ang nakaranig nang sinabi mo sa mga dati nating kasamahan noong pinuntahan ka namin sa piitan? Kinakantiyawan ka nila sa pagkakaroon ng manliligaw na kabayo ay...tikbalang pala dahil alam mong kahihiyan para sa mga Puting Engkanto ang magkaroon ng manliligaw na Maligno kaya ano ngang sabi mo ulit? 'Hindi ko naman siya gusto, pero kailangan ko ang tulong niya. Sasagutin ko siya para makalaya ako.' At 'yun nga ang unang plano mo, pero dahil isa kang dakilang ambisyosa, sinamantala mo na rin ang pagkakataon upang mapalapit ka sa Hari na binigyan ka naman agad ng napakataas na posisyon bilang tagapagsilbi ng Reyna. O, akala ko ba hihiwalayan mo na si David kapag nakuha mo na ang gusto mo, tapos mababalitaan namin, ikakasal na kayo? Hah! Alam mo bang tampulan ka ng tukso ng mga dati nating kasamahan? Alam mo ang sabi nila? Napakamanggagamit mo talaga. Wala kang isang salita. Wala kang delikadesa. Alam mo, talagang hindi kami puwede ni David dahil hindi siya matatanggap ng mga magulang ko kaya huwag mong iisipin na ginagawa ko ito para maagaw ko siyang muli sa 'yo. Ang sa akin lang magpakatotoo ka. Aminin mong ginagamit mo lang siya para makaangat ka. Kung hindi mo kaya eh maawa ka sa naman sa ginagamit mo. Huwag mo siyang paasahin sa hindi naman totoo."
"Hindi ko siya pinapaasa. Mahal ko na di David."
"O 'di inamin mo rin? Mahal mo na ngayon, ang ibig sabihin, hindi mo talaga mahal dati. Binilog mo lang ang ulo niya at tinukso upang maging sunudsunuran sa 'yo para makuha mo ang mga gusto mo. Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niya ang buong katotohanan? Pakakasalan ka pa rin kaya niya?"
"Ano ba ang pakay mo, Reodica? Kung alam mong hindi rin kayo magkakabalikan dahil hindi mo siya kayang ipagtanggol sa mga magulang at mga kakilala mo, bakit kailangan mo kaming guluhin? Ano bang gusto mong mangyari?"
"Ang gusto ko, magdusa ka hanggang sa magpakamatay ka na lang. Ulila ka na naman 'di ba? Bakit kailangang ikaw ang umasenso gayung wala namang umaasa sa 'yo? Bakit kailangang ang manggagamit na katulad mo ang nabibigyan ng oportunidad na umangat sa buhay? At alam mo pa ang isa? Gusto ko si David, at dahil hindi kami puwede, hindi rin dapat kayo puwede dahil pareho tayong puting Engkanto, kaya kung hindi siya babalik sa akin, hindi rin siya maaaring mapunta sa 'yo!"
"Talaga palang baluktot ang—"
"Hindi pa ako tapos magsalita, puta! Oo puta ka! At 'yan ang tunay na madilim na sikretong sigurado akong hindi mo pa nasasabi kay David kaya sa tingin niya ay karapatdapat kang pakasalan. Alam ba niya na dati kang Kalunya ni haring Lambino? At hindi ka lamang basta-basta isang Kalunya dahil nag-ambisyon ka ring maging Reyna ng Mashuria, kaya nga kahit anong kabastusan ang ginagawa sa 'yo dati sa kama ng hari, tuwang-tuwa ka pa ring gawin. Alam din ba ni Reyna Senda 'yan? At paano siya nakakasiguro na hindi mo siya tinatraydor at ginagamit para paglalao'y maging Kalunya ka rin ni haring Lucio? O ang mas matindi...ang palitan siya bilang Reyna ng Edenus?"
"Ikinakahiya ko ang aking nakaraan, oo, pero hindi ibig sabihin noon ay ganyan pa rin ako ngayon. Hindi ako umalis bilang basahan sa Mashuria upang maging basahang muli sa kahit saan. Maniwala ka man at sa hindi, mahal ko si David at siya na ang gusto kong makatuwang habangbuhay. Wala akong iniisip na ganyang plano sa mahal na Reyna at sa Panginoon Lucio. Marumi lang talaga ang pag-iisip mo hanggang ngayon dahil natural na masama ang pag-uugali mo at ayaw mong magbago."
"Ako, masama ang ugali? Eh ikaw, akala mo kung sino kang hindi makabasag-pinggan eh puta ka naman. Hindi kaya ikaw ang lumalason sa Reyna para ikaw na ang susunod na maging Reyna?"
"L-lumalason sa Reyna? Sinong lumalason sa Reyna?"
"Di ba ikaw?"humalakhak ito, "Ikaw ang unti-unting lumalason sa mahal na Reyna."
"H-hindi kita maintindihan."
Muling tumawa si Reodica, "may masamang balita ako sa 'yo Marikit, sa palagay ko, makukulong ka ulit. At hindi ka lang makukulong kundi ipabibitay ka rin sigurado ni Haring Lucio. Paano kaya kung ipagkalat kong ikaw ang unti-unting lumalason sa Reyna bilang pagsunod mo bilang dakilang kabit ng kanyang Amang hari? At dahil doon, paiimbestigahan ka ni haring Lucio, at dahil din doon malalaman din niya kung sino ka. Kabit...kabit...kabit...ng mortal niyang kaaway kaya marahil ay hindi na siya magtatanong pa kung bakit gusto mong patayin ang kanyang asawa!"
"Sinungaling ka!" Umiiyak na si Marikit.
"Tama ka, sinungaling ako, pero dahil sa nakaraan mo, wala ka nang lusot, Marikit. Ito na ang katapusan mo kaya ihanda mo nang mawala ang lahat-lahat sa 'yo!"
Ikasiyam na tala sa aking memorya: Ang tunay na madilim na sikreto ni Marikit ay dati itong Kalunya ni Lambino, at ito ang gagamitin ni Reodica upang ipako si Marikit bilang salarin sa paglason kay Senda. Tsk. Suwerte din talaga itong si Reodica na makatisod ng pinakaperpektong maaaring pagbintangan sa kanyang mga nagawang kasalanan. Pero malas din niya sa bandang huli dahil alam ko na ang katotohanan.
****
"May problema tayo kay Marikit." Sa muling pag-uwi ko sa Sangtuwaryo namin ni Senda. Problema ang iuulat ko pero napapangiti ako dahil habang tumatagal ay dumarami ang makukulay na bagay sa dating payak na kapaligiran. Lalong gumanda at umayos ang aming munting tahanan.
"Anong problema sa kanya?" Okupado naman ito ngayon sa pagluluto ng aming hapunan.
Ikinuwento ko ang buong detalye. Paminsan-minsan itong napapanganga sa pagkagimbal partikular na sa nadiskubre kong dating relasyon nito sa kanyang ama.
"Maaari ngang hindi na niya magiging suliranin ang pagkakakulong o pagkakabitay dahil alam mo na ang totoo." Sabi nito sa akin habang kumakain na kami ng hapunan. "Pero siguradong magkakaproblema sila ni David. Kung kailan nakatakda na ang kanilang kasal, saka naman nagkaganyan. Kailangan nating tulungan ang dalawang iy—" Bigla itong natulala, at pagakatapos ay biglang tumayo upang magtatakbo sa kasilyas.
Sinundan ko ito at nadatnan ko itong nagsusuka. "Imposibleng may lumason sa 'yo dito kaya tama bang ipalagay ko na sa pagkakataong ito ay buntis ka na talaga?" nakabungisngis ako sa kanya nang magkatinginan kami sa salamin.
Natatawa ito kahit naduduwal pa rin ito. "Papanong hindi ako mabubuntis, eh sa tuwing umuuwi ka rito binibinyagan natin ang bawat sulok ng bahay na 'to."
Humahalakhak ako habang hinahaplos ko ang likuran nito sa panaka-naka nitong pagduwal.
"Alam mo?" Sa muli nitong pagtunghay. "Kung tsismosa lang ako, at ako pa rin 'yung dating Senda na hindi ka kilala, puwede kong ipagkalat sa buong kaharian na napakahilig mo talaga sa lebel ng Hari ng Manyak."
"Anong Hari ng Manyak? Ang Hari ng Manyak ay 'yung nang-mamanyak ng iba't iba at kung sino-sinong babae. Eh ikaw lang naman ang minamanyak ko ah." Tatawa-tawa ako.
"Ako nga lang kaya ako lang din ang lahat ng sumasalo sa lahat-lahat ng kinikimkim mong...kamanyakan." Napatawa na ito nang malakas, "kaya nga heto ang resulta ng kahayupan mo dahil mukhang matutuloy na ang pag-iibang anyo ko?"
"Pag-iibang anyo?"
"Oo. Ang pag-iibang hugis ng mga buntis. Ang hugis...tada!" Itinaas nito ang magkabilang kamay, "buuuutete." Sabay tawa ng malakas.
Kiniliti ko ito sa tagiliran. Napaiktad ito at nagtatakbo palabas. Mukhang maghahabulan naman naman kami na isa sa paborito kong paglalambingan namin, lalo na kung saan humahantong ito.
"Luis." Habang nakatihaya itong walang saplot sa sopa. Walang preno ito sa pag-ungol, palibhasa'y alam naming wala namang makakarinig sa amin. "Grabe ka..."
Grabe raw ako pero siya itong patuloy na nagngungudngod sa mukha ko sa gitna ng kanyang makinis at mabibilog na hita. Ipinaririnig ko rin naman sa kanya ang pag-ungol ko pati na ang ingay ng pagpapak ko sa kanyang langit.
"Ang sarap Luis..."
Masarap talaga, dahil wala nag sasarap pa sa pagkababae ng tunay mong minamahal. Sa pagtunghay ko ay lalo niyang ibinuka ang kanyang mga hita. Alam na niya ang susunod. At sa susunod na eksena, ako naman ang babiyahe papunta sa ibang planeta. Ang biyaheng hinding-hindi ko pagsasawaan kahit iisa lamang ang aking sinasakiyan.
"Senda..." Umaangat na naman ang utak at puso ko na tila nais kumawala ng mga ito sa aking katawan. Lalong tumitindi ang pagbabadya sa tuwing iginigiling ni Senda ang kanyang balakang kasabay ng aking pag-ulos. Ang sarap, napakasarap kaya mas lalo ko pang ipinako ang aking katikasan sa kanyang kaibuturan hanggang sa tuluyan nang kumawala ang bawat patak ng kinikimkim naming pagnasasa sa isa't isa.
[ITUTULOY]