My Guardian Devil

Door DyslexicParanoia

370K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... Meer

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 96

777 73 5
Door DyslexicParanoia

Lucio's P.O.V.

Marami raw diumanong bantay sa sikretong lagusan, ngunit tatatlo lamang ang aking naka-engkwentro na pawang napakadaling lansihin at baliin ng mga leeg. Bagaman mas maganda nga na kakaunti lamang ang kailangan kong patayin upang makapasok ay hindi ko rin naman iwinawaksi sa aking isipan na maaaring isa itong patibong. Hindi naman siguro ako masisisi ni Alfonso kung bakit wala rin akong tiwala sa kanya, dahil tulad ng kasalukuyan niyang amo na si Marietta ay wala naman talaga akong pinagkakatiwalaan ni isa.

"Silipin mo nga ang mahal na haring Edwino sa loob?" wika ng isa sa dalawang guwardiya sa kasama niya. Nakabantay mga ito sa mismong pintuan ng silid kung saan nakaratay ang matandang hari.

"Nasilip ko na kanina, bakit kailangan ko pang silipin ulit?" tila naiirita ang isang iyon. "Ba't 'di ikaw ang sumilip kung gusto mo?"

"Tsk. Ikaw ang pinasisilip ko dahil 'di ko kaya ang amoy." Sagot nito sa kasama, "sigurado ba silang buhay pa si Haring Edwino? Amoy naaagnas na eh. Bakit ba ayaw pa nilang ipalibing? Tutal, nakaluklok na anak niya 'di ba?"

"Shhh, 'wag ka nang maingay." Pagsaway ng isa, "baka may makarinig sa 'yo. Alam mo namang napakaraming sipsip at sumbungero sa kahariang ito. Buhay pa siya. Humihinga pa at naimumulat pa nito ang kanyang mga mata. Nangangamoy siya dahil sa dami na rin ng  sariwa at nagnanaknak na sugat na pinaglalabasan ng sari-saring insekto sa buong katawan niya kaya kahit na ilang beses siyang nilalanggasan sa isang araw, namamaho pa rin siya."

"Parang pinapahirapan na lang nila ang mahal na hari sa sitwasyon niya. Kundangang mahina lamang talaga ang sikmura ko kaya hindi ko ito kayang silipin, pero naaawa na talaga ako."

Napansin kong lumilinga-linga ang kausap nito, "heto atin-atin lang ha?" bulong nito sa kasama, "ang sabi ng isa sa mga nag-aalaga, narinig daw niya na parang may hinihingi raw na impormasyon si haring Lambino sa kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakukuha at 'yun ang dahilan kung bakit sinisiguro nitong mananatiling buhay ang kanyang ama sa pag-asang sa paglalao'y makukuha rin niya ang impormasyong iyon."

"Ano naman kayang klaseng impormasyon 'yun?" napalakas ang pagkakatanong nito.

"Shhhh... hinaan mo nga sabi ang boses mo...parang lukasyon daw ng isang mapa."

"Mapa? Para sa mapa lang pahihirapan na niya ang kanyang ama? Gaano naman kaya kahalaga ang mapang 'yun?"

"Napakahalaga. Dahil 'yun daw ang mapang makapagtuturo kung saan ibinaon ni Haring Edwino ang mga korona ng dating hari at reyna ng Elysio."

"Para sa mga korona lang? 'Di ba may iba't iba naman siyang korona? Aanhin naman niya ang mga koronang iyon?"

"Ang sabi nila, hindi raw ordinaryong mga korona 'yun, lalo na 'yung korona ng Reyna, dahil mayro'n daw itong kakaibang kapangyarihang naibibigay sa kung sino man ang nagsusuot. Nais raw makuha iyon ni Lambino at Marietta sa plano nilang pagsakop sa Edenus."

"Sasakupin nila ang Edenus?!" Napalakas ulit ang boses nito.

"Shhh...'wag kang maingay sabi."

"Nababaliw na ba sila? Papa'no naman nila masasakop ang Edenus eh tripleng mas malaki at mas malakas ang kaharian na 'yun kumpara sa atin? At saka, si Lucio ang hari doon. Papa'no naman nila tatalunin ang isang hari at magiting na mandirigmang hindi namamatay."

"Ewan ko sa kanila. Pero kung ako ang tatanungin mo. Doon ko gustong tumira. Napakaganda raw kasi doon at masagana. Wala raw nagugutom doon at kapag may handaan daw doon sa palasyo, ang lahat ay maaaring pumunta at makisalo, hindi tulad dito na kung sino lang ang may katungkulan 'yun lang ang maaaring tumungtong man lang ng palasyo. Naroon na rin kasi ngayon ang dati kong nobya at binigyan na raw ni Lucio ng sariling teritoryo ang mga Lambana doon kaya nasa maayos na sila. Naiinggit nga ako dahil may malaking benepisyo din daw doon kapag masipag ka, lalo na kung nagsisilbi ka sa palasyo. Kaya kahit ordinaryong manggagawa, o tulad nating mga guwardiya lang ay may kakayanang magpatayo ng magagandang bahay at bumuo ng pamilyang masagana. Hindi tulad dito, 'yung mga nasa itaas lang ang masagana, pero ang mga ordinaryong mamamayan, kahit nagsisikap at masisipag naman, isang kahig at isang tuka pa rin."

"Papa'no naman kaya tayo makakapunta ro'n? Di ba istrikto raw 'yung si Lucio at masama ang ugali?"

"Suntok sa buwan nga," nanlulumong wika nito, "pero libre naman ang mangarap hindi ba? Pero isipin mong mabuti, posible ngang istrikto si Lucio pero kung totoong masama nga ang ugali niya, bakit parang padami nang padami ang mga Engkantong nais manirahan sa kanyang nasasakupan? Kung masama nga siya, bakit masagana ang pamumuhay doon? Di mo ba naiiisip man lang na parang hindi nagtutugma sa mga tsismis tungkol kay Lucio at ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan sa Edenus? At saka, sino ba ang nagpapakalat ng tsismis na masama nga ang ugali niya, na kesyo malupit daw ito, maitim ang budhi at walang puso, 'di ba itong mga opisyales din lamang natin na wala na rin namang nagagawang maganda para sa atin dito, bagkus ay ginigipit pa tayo upang manatili tayong maralita at umaasa sa kanilang limos at awa sa kabila ng halos pagpapakamatay na natin sa pagtatrabaho para sa kanila?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Oo nga 'no? Ano kaya ang pakiramdam ng mamuhay ng maginhawa, ano? Sana, maranasan din natin ang makapagbakasyon man lamang sa Edenus. Ang sabi nila, mas maganda raw doon kaysa sa Biringan.  Sa Biringan daw ay napakaraming magagandang mansiyon na yari sa ginto, habang sa Edenus naman daw ay tila isang napakalawak na paraisong hitik sa mga punong hindi nawawalan ng bunga, makukulay na bulaklak, luntiang mga lupain, malinaw na karagatan, lawa, sapa at kung ano-ano pa."

"Hay...mukhang dito na yata tayo mamamatay sa hirap ng buhay. Tulad ngayon," hinaplos nito ang kanyang tiyan, "gutom na gutom na ako, kagabi pa tayo nakatayo rito ni wala man lang libreng inumin. Doon daw sa Edenus, kapag guwardiya ka sa palasyo, libre ang umagahan, tanghalian, miryenda at hapunan. May malaking hayin din daw roon araw-araw para sa lahat ng mga naglilingkod sa palasyo."

"Meron akong kapirasong tinapay dito," dumukot ito sa bulsa at binuksan ang panyong pinagbabalutan ng tinapay. "Tinitipid ko para hindi ako gutumin dahil hanggang mamaya pa tayo rito. Halika, hati tayo." Napanganga ako dahil sa pinaghalong habag at gulat. Kakapiraso kasi ang tinapay na iyon tila hindi pa sapat upang mapuno ang bibig sa isang subuan.

"Salamat, kaibigan." dinampot nito ang kalahating piraso. "Tulad ng sinabi ko, libre naman ang mangarap kaya harayain na lamang natin na isa itong napakasarap na lechon! Kunwari, guwardya tayo sa kaharian ni Lucio at kumakain tayo ng masasarap na—"

Sinadya kong magpakita na rito mula sa pinagkukublihan ko. Napaiktad ito sa gulat maging ang kasama nito. Magkasabay nilang itinutok sa aking ang kanilang mga sibat, bagaman halata kong nanginginig ang kanilang mga tuhod sa takot.

"I-ikaw si haring Lucio, hindi ba?" Tanong sa akin ng unang guwardiya. "H-huwag po kayong lalapit."

"B-bawal po kayo rito." Wika naman ng ikalawa.

"Mabuti naman at kilala niyo ako, at alam kong bawal ako rito." Nakangising wika ko sa mga ito, "at ako na ang nagsasabi sa inyo na papasok ako riyan sa silid na binabantayan niyo sa ayaw niyo man at sa gusto. Kung pipigilan niyo ako, alam niyo na siguro kung ano ang mangyayari sa inyo." Lalong nangatal ang tuhod ng dalawa, "ngunit nais ko kayong bigyan ng pagkakataong makapagdesisyon sa inyong sarili. Lalabanan niyo ba ako, o sasamahan niyo ako."

"H-ho?" halos magkasabay na wika ng dalawa.

"Kung lalabanan niyo ako, pasenysahan tayo pero kailangan ko kayong patayin," pinalagitik ko ang magkabila kong kamao kaya lalong na-intimida ang dalawa, "kung sasamahan niyo naman ako kung saan ko nais pumunta rito sa kaharian niyo, bibigyan ko rin kayo ng pagkakataong mamili kung nais niyong manatili rito o ang sumama sa akin papunta sa Edenus."

Nanlaki ang mga mata ng dalawa at saglit pang nagkatinginan. "I-isasama niyo po kami sa inyong kaharian?"

"Oo."

"Papayagan niyo rin po kaming tumira sa kaharian niyo?"

Tumango ako.

"Ah eh..." tila natataranta ang dalawa sa labis na galak. "S-sige po. Sasamahan po namin kayo kahit saan niyo gustong pumunta. S-salamat po." Wari'y naiiyak-iyak na ito. "M-maraming salamat po, Panginoong Lucio."

Magkasabay na yumukod ang dalawa sa akin.

***

Pinapasok ako ng dalawang guwardiya ngunit nanatili naman sila sa labas ng silid upang patuloy na magbantay. Hindi nagsinungaling ang mga ito patungkol sa haring binabantayan nila sapagkat animo'y naaagnas na bangkay na nga ang umaalingasaw na amoy na nagmumula sa katawan nito. Nakaratay ito at hindi makagalaw. Tadtad ng sugat ang buong katawan nito, pati na ang mukha. Napakaraming insekto rin ang lumilipad-lipad, bagaman mayro'n ding mga patay na sa sahig at sa palibot ng kama. 

Mulat ang mga mata ni Edwino sa pagpasok ko kaya agad na bumakas ang takot sa mukha nito nang makita nito ako sa kanyang bandang paanan.

"Tsk. Anong nangyari sa 'yo?" kaswual na tanong ko rito.

Napakunot-noo ako nang bigla itong tumangis. "T-tulungan mo ako," pilit nitong iniaangat ang kanyang kanang kamay upang abutin ako, "p-patayin mo na ako, L-Lucio. P-parang awa mo na. H-hirap na hirap na ako. T-tulungan mo ako. G-gusto ko nang mamatay."

Hindi ko kailanman naging kasundo si Edwino, ngunit nakaramdam pa rin ako ng kurot sa aking puso dahil nauunawaan ko ang pakiramdam ng isang nilalang na nag-aasam ng kamatayang hindi naman dumatal-datal.

"Alam mo ba kung sino ang gumawa sa 'yo nito?"

"S-si De-Delfin."

"Paano kang nakakasigurong si Impong Delfin nga ang may kagagawan nito sa 'yo?"

"Napatay ko nang hindi s-sinasadya a-ang a-asawa't mga anak niya. K-kaya s-siya lang ang m-maaaring ma-poot sa akin ng g-ganitong k-katindi."

"Kung sasabihin ko ba sa 'yo na hindi si Impong Delfin ang gumawa nito sa 'yo kundi ang sarili mong anak at ang kanyang mambabarang manugang na hilaw, maniniwala ka ba?"

Sandali itong natahimik at maya-maya pay umungol ito na tila nagbabadya na sa pagtangis. Hindi na nito kinailangang magsalita, batid kong nauunawaan naman agad nito ang posibilidad ng kanyang maling akala.

"Nanaisin mo bang magkasalang muli kay Impong Delfin kung mabibitay siya nang dahil lamang sa maling bintang ng iyong anak?"

Marahang umiling ito; tuluyan na ring umaagos ang mga luha nito.

"Wala akong planong saktan ka, Edwino, dahil hindi ko ugaling pumatay ng katunggaling walang kakayanang maipagtanggol ang kanyang sarili. Naparito lamang ako upang ipaalam sa 'yo ang katotohanan, at upang sabihin na rin na ililigtas ko si Impong Delfin mula sa kamay ng istupido mong anak na unti-unti nang winawasak ang kahariang iyong itinayo at pinangalagaan sa loob ng maraming taon. Nais ko ring sabihin sa 'yo ang katotohanan na wala akong balak sakupin ang Mashuria, 'di tulad ng kasinungalingang ibinubulong ni Marietta sa inyong lahat. Wala akong pakialam kung mabubuo pang muli ang Elysio o hindi, ang nais ko lamang ay katahimikan para sa aking nasasakupan. Nasasa'yo na kung paniniwalaan mo ako o hindi, pero matagal na tayong magkakilala, hindi ba?  Hindi ako nag-aastang mabuti kailanman, ngunit maayos akong kausap at alam na alam mo ang katotohanang wala naman talaga akong pakialam sa nasasakupan niyo kung hindi niyo naman ako pinakikialaman. Ayoko ng gulo. Ayoko rin ng digmaan. Ngunit batid kong alam mo rin namang hindi ko ugaling umatras sa kahit anong laban." Sandali akong tumahimik upang pagmasdan ang patuloy na pag-agos ng mga luha nito. "Maiwan na kita," nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa pintuang pinasukan ko kanina, "wala akong balak na magtagal pa rit—"

"T-tulungan mo ako, L-Lucio." Pagmamakaawa nito. "H-hindi ko na kayang manatili pa rito." Muli itong tumangis, "k-kung h-hindi mo ako maililigtas. K-kung h-hindi mo ako maisasama k-kahit bilang isang alipin l-lamang sa iyong kaharian. P-patayin mo na lamang ako, p-pakiusap. P-parang awa mo na, g-gusto ko nang mamatay..."

[ITUTULOY]

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

493K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
4.3M 120K 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Vill...
374K 8.2K 56
What if one day may magsabi sa'yong hindi mo tatay ang tatay mo at ang tunay mong tatay is a freaking billionaire. Anong irereact mo? Matutuwa ka ba...