My Guardian Devil

Od DyslexicParanoia

369K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... Viac

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 85

858 69 12
Od DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang papaliko na kami sa kalye kung saan nakatira ang kuya ko. Tila biglang bumigat ang aking pakiramdam, marahil ay dahil naalala ko pa kung paano ko nilisan ang lugar na ito na walang tiyak na pupuntahan.

"Lampasan mo ang gusali." Ani Lucio kay David, "Do'n tayo pumarada sa malayo-layo." Sumunod naman si David.  "Dito na muna kayo.  Ako na lang muna ang bababa." Matapos naming makaparada sa tabing kalye. Nagsuot ito ng capsunglasses at fake na bigote.

Hinawakan ko ito sa kaliwang braso, "Puwede ba akong sumama?"

Sandali itong nag-isip, "babalikan na lang kita rito.  Kailangan ko lang munang masiguro na ligtas ka sa lugar na ito dahil alam ni Marietta at ng iyong Ama ang lugar na ito at may mga tauhan silang gumagala-gala rito."

"S-sige," sagot ko, "pero mag-iingat ka."

Ngumisi ito sa akin, "sila ang mag-iingat sa akin."  Sabay baba nito nito ng suot niyang sunglasses sa dulo ng kanyang matangos na ilong upang kumindat sa akin.

Napangiti ako bagaman hindi naman niya maiaalis sa akin ang mag-alala.  Pasikreto siyang pumuslit. Pilinga-linga rin ito sa paligid sa pagkababang-pagkababa pa lamang nito hanggang sa mawala na ito sa aming paningin.

"Huwag kang mag-alala, Mahal na Reyna," sabi sa akin ni David. "Ganyan lang talaga siya kapag alam niyang madalas na tambayan ng mga taga kabilang kampo ang isang lugar. Babalik din 'yun aga—o, nariyan na pala oh pero teka—"

Agad kong nilingon kung saang direksiyon ito bumaba kanina at nakita ko si Luis na humahangos pabalik.

Nagmamadaling tinapik nito ang puwitan ng sasakyan bilang hudyat kay David na paandarin na ang sasakyan.

"Abante!"  Sa pagpasok nito sa loob, "bilis!"

Sa aking muling paglingon ay no'n ko lang lubos na naunawaan kung bakit ito nagmamadali.  May higit sa sampung lalake—o nilalang sa katawang-tao, ang tumatakbo nang mas mabilis pa sa pagtakbo ng isang ordinaryong tao.

"Iligaw mo!" Utos ni Luis kay David.

"Opo."

Halos umangat ang puwitan ko sa upuan sa mabilis at pasiray-siray na pagmamaneho ni David, ngunit sa kabila noo'y natatanaw pa rin namin ang mga humahabol sa amin.

"Ano ang mga 'yun?" tanong ko sa alinman sa kanilang tatlo, "bakit ang bibilis nilang tumakbo?"

"M-mga kalahi ko sila M-mahal na Reyna." Sagot ni David habang abala sa pagmamaneho. "Mga Tikbalang."

"Saan natin sila ililigaw, Luis?"

Sa halip na sagutin ako nito ay tinapik nito si David, "idiretso mo sa Sta. Ana. Sa junkyard ni Lupin."

"P-po? E-eh...." dirediretso lamang ito sa pagmamaneho. "Di po ba banned ako do'n? Galit sa mga Tikbalang 'yun eh."

"Eksakto." Si Luis.

"Papatayin din ako no'n, Boss! At galit din sa 'yo 'yun 'di ba dahil patay na patay sa 'yo 'yung asawa niyang sirena?"

Napasulyap saglit sa akin si Luis, "Tsk. Basta! Ako na ang bahala pagdating natin do'n."

"H-ho?"

"Bilisan mo!" Mas lumapit na kasi ang mga humahabol sa amin.

"O-opo." Itinodo na nito ang pagtungtong selinyador.

****

"B-Boss, mukhang sarado ang gate oh!" patuloy pa ring umaandar ng matulin ang sasakyan.

"Banggain mo!" Utos ni Luis.

"B-Babanggain. B-Boss, baka nakakalimutan mo na X3 (1) itong SUV mo!"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Wala akong pakialam. Banggain mo sabi eh!"

Ayoko nang tingnan habang palapit na kami sa gate, at dahil ayoko ring makita ang mga malignong humahabol sa amin na isang dipa na lang ang layo sa amin ay bahagyang ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.  Sumisigaw na si Marikit at David dahil sila ang nasa unahan, habang ako nama'y nananatiling tahimik ngunit hindi na halos makahinga.  Ilang metro na lamang ang layo namin sa gate nang unti-unti itong bumukas na tiyempong-tiyempo naman sa dapat sana'y amin nang pagbangga roon. Napanganga ang lalaking nagbukas ng gate nang bigla na lang kaming bumulusok papasok sa loob ng Junkyard, at sa biglaang pagpreno ni David sa gitna ng hawang bahagi ay siya namang halos sabay-sabay na pagsasalampakan ng mga humahabol sa amin sa bandang likuran at bubungan ng sinasakyan naming SUV.

"Aba hoy!" Papalapit na ang tinig na iyon sa aming kinaroroonan. Boses ito ng lalaking nagbukas ng gate. "Mga putang ina ninyo, anong ginagawa niyo rito sa teritoryo ko?!"  Mukhang ang kinakausap nito ay ang mga Tikbalang na nakahandusay sa lupa. "At kayo?!" pinaghahataw nito ang tagiliran ng aming sinasakyan; tumungo ito sa may bintana ni David. Kakamot-kamot si David nang biglang naningkit ang lalake sa pagkakitang-pagkakita pa lamang nito sa kanya; kaya agad na kaming sinipat ng lalake para tingnan kung sino-sino kaming nakasakay kasama ni David, at nang dumapo ang tingin nito kay Luis ay, "ikaw?!"  Umikot it sa may bintana ni Luis sa kanan, "anong ginagawa mo rit—?" hindi pa nito natatapos ang sasabihin nang tumawag sa atensiyon nito ang mga Tikbalang na nagsipanakbuhan na palayo. "Mga putang-ina niyo! Sige magsilayas kayong mga hayup kayo!" Sigaw nito sa mga Tikbalang, "wala talaga kayong dulot sa akin kundi kabuwisitan!"

****

"Ano ba si Lupin?" bulong ko kay Marikit. Nanatili kami sa sasakyan habang dinig na dinig pa rin naming ang pagbulyaw nito kay David at Luis sa labas ng kotse.

"Tao s'ya," ani Marikit, "pero isa itong kilalang magiting na Albularyo na dati ring mangingisda sa Leyte. Maraming mga engkanto, maligno, aswang, pati na rin mangkukulam ang takot sa kanya dahil bihasa siya sa puti at itim na karunungan. Madalas din nitong nakakabangga noon ang Panginoong Lucio, maging ang iyong ama dahil sa mga taga-Edenus at Mashuria na mahilig manggulo sa mundo ng mga tao. Itong junkshop na ang naging negosiyo niya at ng kanyang napangasawang sirena simula nang lumuwas sila dito sa Maynila.

"Bakit siya galit kay David at Luis, pati na sa mga Tikbalang?"

Napatawa si Marikit, "nakakainis mang sabihin pero dahil lang 'yan sa mga babae. Lahat kasi ng nagugustuhan at nililigawan noon ni Lupin noong kanyang kabataan ay naagaw ng mga Tikbalang sa kanya. 'Yung sa Panginoong Lucio naman, ay dahil kay Derena, 'yung napangasawa niyang sirena na medyo matindi ang pagkakagusto sa Panginoon kaya gamuntik na itong hindi nagpakasal kay Lupin."

"Ah..." Muli naming tinanaw ang tatlo at ilang saglit pa'y magkasabay nang bumalik sa sasakyan si David at Luis. "Anong sabi niya?" tanong ko kay Luis, pero sa halip na ito ang sumagot ay si David ang sumabat...

Tatawa-tawa ito, "kailangan daw po naming umalis na bago dumating ang asawa niya."  Sumulyap ito kay Luis na may halong panunukso, "mukha yatang may isang lamang-dagat na hindi pa rin nakaka-move on sa 'yo Boss!" Humagihik ito.

Kunot-noong sinuyapan ko si Luis na tila naman naiilang sa pagtitig ko sa kanya, "naging nobya mo ba 'yun?"

"Naku lagot!" Muling panunukso ni David habang pinaandar na nitong muli ang sasakyan, napansin ko naman agad ang tila pag-angil ni Luis sa kanyang drayber.

****

"Nagseselos ka ba?" nakabungisngis na yumakap sa likuran ko si Luis habang nakatayo ako sa may outdoor poolside ng hotel na aming tinutuluyan. 

"May dahilan ba ako para magselos?" masungit na sagot ko rito.

"Wala."

"Oh wala pala eh, bakit nagtatanong ka pa r'yan, hmp?!" kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Eh bigla ka kasing sumimangot at hindi na nagsalita simula nang manggaling tayo ro'n."

"Eh kasimple-simple lang naman kasi ng tanong ko. Kung naging nobya mo ba ang Derena na 'yun. Oo lang o hindi ang isasagot mo, pero ba't di mo masagot?"

Umiiling-iling na nagbuntong hininga ito, "hindi pa kita kilala no'n, Senda. At napakabata mo pa noong mga panahon na 'yun."

"Oo o hindi lang ang sagot!"  Singhal ko rito.

"Masyadong kumplekado ang sitwasyon noon kaya—!"

Nainis na ako dahil sa napakarami pa nitong pasakale,"Kung ayaw mong sagutin, eh 'di 'wag!" Sabay talikod ko upang magtungo na sa aming Suite. Naramdaman ko ang paghabol nito sa aking likuran.

"Senda, ano ka ba naman? May asawa na 'yung—" habang papalapit na kami sa elevator.

"Ah, so kung wala, iba na ang usapan?" sa pagpasok ko sa elevator car. May tatlong tao na sa loob kaya walang nagawa si Luis kundi ang manahimik hanggang sa makarating kami sa floor ang aming Suite.

Pinigilan nito ang aking braso, "Senda, ano ba?" nasa tapat na kami ng pintuan ng aming kuwarto.

"Oo o hindi?" mariing kong pag-uulit ng aking katanungan.

Hindi masukat ang dami ng bulto ng hanging inihinga nito habang pilit na iniiwasan nito na tingnan ako nang diretso, "oo."

Nagseselos nga siguro ako kaya naiinis ako sa sagot; binuksan ko na pinto para pumasok na sa aming silid, "o 'di inamin mo rin?" sabay kabig ko sa pinto upang pagsarhan ito.

[ITUTULOY]

FOOTNOTE:

(1)  X3 - refers to BMW X3

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
493K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
Blood Stained Angel Od Jodie

Všeobecná beletria

157K 3.3K 21
Blood Stained Angel She has the face of an angel, but she's cold like a devil. She may seem innocent, but she's not. She had witnessed and grasps all...
232K 5.6K 60
[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error...