HIGHSCHOOL: SECRETARY

By AnelSenyorito

13.4K 504 294

Dahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 18

400 20 10
By AnelSenyorito

Naawa kami sa babae dahil nagiging zombie na nga siya, tanging pag iyak nalang ang magagawa nung kaibigan niya habang napaluhod sa sahig.

Wala akong imik sa nakita, pati sila pres ay walang masabi at tanging tingin lang ang kaya naming gawin.

Nilapitan ni charity yung babae na umiiyak at hinimas himas ang likod.

“Ganun talaga ang buhay, anytime ay pwedeng bawiin ng dyos ang hiniram nating buhay. Kung hindi ka mapipiligro, ang piligro na mismo ang lalapit sayo, hindi natin matatakasan si kamat*yan.“ Sabi niya.

Hindi sumagot yung babae at humagulhol lang ito ng iyak, kaya binaba ni Patrick ang kurtina para hindi niya makita ang kaibigan niya.

*BENEDICT's POV*

Ilang minuto na rin ang lumipas at nanahimik na ang mga zombie, pati ang mga lakas namin ay bumalik na sa dati.

Nakaupo lang kaming lahat sa sahig, si micheal naman ay naglalaro ng mobile legends pero naka mute ang volume.

Tiningnan ko ang mga zombie gamit ang bintana pero nasa harap parin sila at tumitingin sa labas.

I wonder kung kailan sila mag lakad lakad para lumayo man lang ng kunti.

Habang hinihintay namin silang makalayo para makalabas kami dito ay biglang nakita ng aking mga mata si alisa na may dalang cube at may laman itong parang plema, at kung hindi ako nagkakamali ay palapit sila ng palapit samin. Saang room kaya siya nagtatago ngayon?

Kaya agad kong binaba ang kurtina tsaka ako nagtago, pero nagmamasid ako at sinundan ko ng tingin si alisa.

Nang makalapit na siya sa room kung saan kami nag tatago ay aakmang dadaan siya sa room namin nang bigla siyang huminto at nagsalita.

“Nakakaamoy rin ako ng buhay benedict, kaya wag kanang mag tago dyan. Hindi naman kita aanuhin haha.“ Natatawa niyang sabi at dito nga ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Pero ang nakakainis nga'lang ay nagsalita siya, kaya yung mga zombie ay nagsilapitan sa bintana, imbes na hinintay naming lumayo ay mas lumapit pa.

Napailing nalang ako, atleast may idea na kami kung saan siya nag tatago.

“Sana all immune sa mga zombie.“ Mahina kong sabi at agad na akong bumalik sa sahig para maupo.

*KENNETH 's POV*

Habang nakatayo kami dito sa rooftop ay nakatingin lang sakin yung lalaki habang pinag aralan ko ang mga cause ng pagiging zombies ng mga studyante.

“Sigurado kabang yan ang dahilan kung bakit sila nagiging zombie?“ Tanong niya.

Tumango lang ako at sumagot.

“Kay alisa at sa guard oo, dahil mga half-bies naman sila, pero sa mga zombies na nakikita natin ngayon ay hindi.“ Sabi ko at nagsalita pa.

“I mean, itong nasa harap natin ay may tatlong mikrobyo. At ito ay ang mga virus, bacteria, at parasites. Pag tiningnan mo sa microscope ang mga ito ay nag papat*yan sila.“ Sabi ko at nag salita pa.

“Ang mga Half-bies ay mga hybrid na zombie, sila ang uri ng mga host na nahawa na ngunit nananatili parin ang kanilang kamalayan, i wonder kung paano nila nalabanan ang parasites sa utak. Tsaka dapat yung virus ay sinira na ang mga organs nila eh, at mga bacteria naman ay dapat nasira na nila ang katawan.“ Sabi ko.

Agad namang nagsalita yung lalaki.

“Diba may nabanggit kang amino acid kanina habang nakatingin ka jan sa parang plema? Baka dahil dun.“ Sabi niya.

Tumango naman ako, dahil walang duda. Dahil nga ito sa amino acid na ginawa ni alisa. Automatic na kasing mag po-produce ng protina ang katawan niya at dahil dun ay ma he-healthy ang organs niya at may lalaban sa mga bacteria, virus, at parasites, kaya nako-kontrol pa niya ang sarili niya.

At dahil pat*y na si alisa at ang guard ay hindi na na-aamoy ng mga zombie ang katawan nila, ang galing diba? Pero paano naman magiging healthy ang katawan nila e pat*y na nga sila? Ibig sabihin hindi na gumagana ang mga organ kasi hindi na tumitibok ang puso nila. Tsaka paano pa gagana ang utak kung hindi na tumitibok ang puso? Grabe talaga, ang interesting nito. Paano na ko-kontrol ng parasites ang utak ng tao kung hindi na ito gumagana?

Imbes na matakot ay mas nagiging masaya pa nga ako, i wonder kung ilan ang makukuha kong impormasyon sa araw na to.

“Wala na ba talagang ibang paraan para bumalik sila sa katinuan?“ Tanong nung lalaki.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Wala na, pat*y na ang mga yan. Kung gusto mong matigil na ito ay dapat pat*yin na silang lahat para hindi na makaka-kagat pa at hindi na kakalat ang mga infections sa ibang katawan ng makagat. Sa ganung paraan lang mapipigilan ang pag kalat ng mga microbe.“ Sagot ko dahil tama naman ako, kung hindi nila papat*yin ang mga zombieng yan ay kakalat lang sa buong mundo ang microbe pag nakalabas sila sa skwelahan.

“Ganun ba, grabe naman pala.“ Sabi niya.

Ngumiti lang ako at kumuha ako ng injection tsaka ko nilagyan yun nitong hawak hawak kong kukay green na parang plema.

“Oo grabe talaga.“ Sabi ko tsaka ako lumapit sa kanya at tinurok ko yung kulay green sa katawan niya.

Nabigla naman siya sa ginawa ko at aakmang magsasalita nang bigla siyang natumba at gumiling giling na parang OUD.

Pinanood ko lang siya habang naka set na yung timer ng relo ko.

“3.12 seconds. Hays, failed nanaman.“ Sabi ko at ngumiti kasabay ng pagtayo niya at umung*l dahil nagiging zombie na siya.

*LEA's POV.*

Nang tumahan na yung babae ay dito na kami nag plano ulit, tiningnan ko yung babaeng zombie pero wala na siya sa labas. Di ko alam kung saan siya nag lakad-lakad.

“Tanghalian na, saan tayo kukuha ng mga pagkain?“ Tanong ni jessa.

Napailing lang ako dahil di ko alam kung saan kami kukuha ng mga pagkain, kaya nagsalita si pres.

“Siguro—” sabi niya at bigla kaming napatingin sa labas dahil may nagsalita sa taas gamit ang loud speaker.

Nang makita namin ang isang helicopter ay dito na lumaki ang aming mga mata.

*ATTENTION STUDENTS! KUNG MAY BUHAY PA SA INYO AY NAKIKI-USAP KAMI NA UMAKYAT KAYO SA ROOFTOP NG MGA BUILDING KUNG SAAN KAYO NAGTATAGO, DAHIL E RE-RESCUE NAMIN KAYO!*

Nang marinig ni pres ang mga katagang yun ay aakmang lalabas sana siya pero biglang nagsilapitan ang mga zombie sa gitna ng paaralan kung saan mag li-linya kaming lahat para sa flag ceremony.

“H-hindi!! Sino ang nag sumbong!!“ Sabi niya sa galit na tuno.

Agad ko siyang nilapitan at aakmang hahawakan pero bigla niya akong tinulak.

“HINDII!!“ sigaw pa niya.

Di ko siya ma gets, kaya tinanong ko.

“Isa ka siguro sa may pakapana nito no!?“ Sabi ko.

Nabigla naman siya sa sinabi ko.

“H-hindi!“ Sabi niya sabay lapit sakin at hinawakan ang balikat ko.

“Hindi mo kasi naintindihan ehh! Huhuhu!“ Sabi pa niya.

“Kung ganun, ipaintindi mo!“ Sagot ko.

Hindi niya ako sinagot at dito nga ay nagulat nalang ko dahil nasa bintana na sila sarge micheal.

“Buksan ninyo ang pinto!!“ Sigaw ni benedict.

Agad naman naming binuksan ang pinto at dito nga ay aakmang papasukin namin sila sa room pero umayaw si benedict at nagsalita.

“Sumama kayo samin! Pupunta tayo sa taas!“ Sabi niya.

Nang marinig ni pres ang sinabi ni benedict ay agad siyang tumakbo sa pintuan at dito nga ay tinulak niya si benedict palayo sa pintuan tsaka niya sinama si patrick palabas.

Nagulat naman kami sa ginawa niya at dito nga ay bigla siyang pumasok sa loob at sinara niya ulit ang pinto.

“Walang lalabas ni'isa sa inyo.“ Sabi niya.

Nabigla naman kami sa sinabi ni pres, sila gelo, justine at iba pang mga lalaki ay sinubukang buksan ang pinto gamit ang pwersa pero hindi nila nabuksan.

*INUULIT KO, KUNG MAY BUHAY PA SA INYO AY NAKIKI-USAP KAMI NA UMAKYAT KAYO SA ROOFTOP NG MGA BUILDING KUNG SAAN KAYO NAGTATAGO, DAHIL E RE-RESCUE NAMIN KAYO!* Pagsasalita pa nila sa taas.

At dahil nasa labas nga sila sarge ay nasimhot sila ng ibang mga zombieng papalapit palang, kaya wala silang ibang choice kundi ang pumasok muna sa kabilang room, katabi lang ng room na pinapasukan namin.

“Ano bang problema ko pres?“ Sabi ko.

Sumagot naman siya.

“Napansin mo ba kung bakit palaging wala si alisa sa tuwing hinahanap natin siya sa mga room?“ Tanong niya.

Napakamot ako sa noo.

“Hindi, bakit?“ Sagot ko.

Natawa naman siya at sumagot.

“Dahil kasabwat niya ako.“ Sabi niya at dito nga ay ngumiti siya na parang napakasaya niya.

Bigla naman kaming nagulat sa sinabi niya.

“Kaya pala ayaw mong tumawag tayo ng pulis!?“ Sabi ni jessa.

Tumango lang si pres at nagsalita pa.

“Ako rin ang nagsabi kay alisa na nasa rooftop tayo.“ Dagdag pa niya.

Ngayon ay naintindihan ko na, akala ko coincidence lang na pumunta si alisa sa rooftop. Hindi pala.

Tsaka naalala ko rin ang sinabi ni alisa noon na “Hindi kami ang nakahanap sa kanya, kundi siya mismo ang nakahanap samin.“

“Kung ganon, isa ka ring zombie?“ Sabi ko.

Natawa lang siya at sumgot.

“Well, guess what? Hahaha.“ Natatawa niyang sabi.

Dahil dun ay biglang nagalit si jessa at aakmang susugod sa kanya nang biglang may nilabas na injection si pres.

“Sge! Subukan mong lumapit! Ituturok ko sayo to!“ Sabi niya sabay pakita ng injection na may lamang kukay green na parang plema.

Agad namang natigilan si jessa at nagsalita.

“Walang hiya ka!“ Sigaw niya at nag salita pa.

“Mag babayad kayo sa ginawa ninyong kalokohan!“ Dagdag pa ni jessa.

Natawa lang si pres at dito nga dahan dahan siyang lumapit samin.

“Nga'pala, sinadya ko palang ipapunta ang mga lalaki nating kasama doon sa kabilang building para masolo ko kayong lahat, at pinaalam ko rin kay alisa na nasa kabilang building sila. Pero ewan ko lang kung bakit sila nakarating dito.“ Ika pa niya.

I see, scripted lang pala ang lahat.

“Bakit!? Anong gagawin ni alisa sa mga lalaki!?“ Tanong ni charity.

Natawa lang si pres at sumagot.

“Wag kang mag alala, wala naman. Im sure na pinuntahan yun ni alisa pero hindi niya sinaktan dahil nasa loob naman sila ng room.“ Sagot ni pres.

Hindi lang ako umimik at pinag aralan ko ang bawat bitaw ng linya niya at naghahanap rin ako ng pagkakataon para kunin yung injection.

“Bakit ba! Ano ba talaga ang plano ninyo ha!?“ Sabi ni jessa.

Sumagot naman si pres.

“Simple lang, gusto lang namin maging Immortal kaya kayo ang ginawa naming test subject.“ Sabi niya.

Di ko alam kung may isip ba ang dalawang to, pero wala namang permanente sa mundo, lahat ng babago, nawawala, nababasag o naglalaho.

“Imposible yang binabalak ninyo!!“ Sabi ni jessa na medyo pasigaw at nagsalita pa.

“Mga certified scientist nga hindi makagawa, kayo pa kaya na estudyante lang?“ Sabi niya na may halong pang iinis.

Medyo napikon si kathy sa binitawang salita ni jessa.

“Minamaliit mo ba kami ha!?“ Sabi niya at lumapit kay jessa.

Umatras naman si Jessa at nagsalita si charity.

“Walang katuturan, nag aksayang lang kayo ng buhay ng mga tao!“ Sabi niya.

Im sure na napikon na si kathy sa mga oras na to.

“Palibhasa, mga b*b0 kayo! Wala kayong alam kaya walang thrill ang mga buhay ninyo!“ Sabi ni kathy.

Habang nakikinig ako sa pagtatalo nila ay hindi ko talaga mahanapan ng butas si pres.

“Heh! Bakit? Matalino ka ba ha!? Wala ka ngang ambag kay alisa maliban sa pagiging sunod sunuran!!“ Sigaw ni jessa.

Dahil dun ay napikon na talaga si kathy.

“Talaga ba!? Wala akong ambag!?“ Sabi niya at huminga ng malalim tsaka nagsalita.

“Bakit kaya tatlo yung uri ng microbe ang meron sa skwelahan natin ngayon?“ Sabi niya.

Biglang lumaki ang mga mata ko sa narinig, kaya nagsalita na ako dito.

“Anong ibig mong sabihin!?“ Sabi ko at nagsalita pa.

“Diba amino acid lang ang pinagkaka-abalahan ni alisa? Tapos kay kenneth naman ay parasites, bacteria, at virus?“ Sabi ko.

Agad namang natawa si pres at dito nga ay binunyag na niya ang katotohanan.

“Nagkakamali ka, dahil kaming tatlo ang nag tulong tulongan para mabuo lang ang amino acid na yun, at ang totoong pinagka abahalan ni alisa ay ang virus, tapos kay kenneth ang parasites. At sakin ang bacteria.“ Ika pa niya.

Nang marinig ko yun ay isa lang ang pumasok sa isip ko.

“Ibig bang sabihin…” ika ko pa at napatitig kay kathy.

“Oo, tama ang nasa isip mo. Magkasabwat nga kaming tatlo.“ Sabi ni pres.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Continue Reading

You'll Also Like

83.7K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
17.7K 689 187
The stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by y...
1.7K 196 28
What if ipinaglaban ko kami? What if hindi ako naging duwag noon? What if bumalik sya? What if kami parin? Ikaw? Anong what if's mo? WARNING: RATE...
335K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...