HIGHSCHOOL: SECRETARY

By AnelSenyorito

13.3K 503 294

Dahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 17

395 17 10
By AnelSenyorito

Habang pinagtutulak nila ang mga zombie palayo ay agad kong tinaas ang upuan tsaka ko pinukpok sa mga ulo nila.

Ginaya rin nila ako at pinagpupukpok namin ang mga ulo ng zombie hanggang sa mahiga silang lahat sa sahig.

Napahinga ako ng maluwag, napaupo ako sa sahig at aakmang magpapahinga ng biglang sumigaw si oliver.

“AAAAHHH!! TULONNGGG!! AAAHH!!“ sigaw niyang sabi.

Agad kaming napatingin sa kanya at dito nga ay nakita namin siyang may napakadaming mga kamay ang nakahawak sa kanyang mukha at katawan.

“Ahhh!! Tulong!! Baka makagat ako!!“ Sigaw niya.

Dahil dun ay dali dali naming kinuha ang mga kamay ng mga zombie at nilayo sa kanya.

“Ano ba yan! Akala ko ano na!“ Sabi ko.

Agad namang lumapit si micheal sa pintuan at tumulong sa pag tutulak ng pinto para masara at hindi makapasok ang mga zombie.

Samantalang ako, gelo, at si justine at iba pa naming kasama ay pilit naming nilabas ang mga kamay nung mga zombie para masara ang pinto.

Ilang segundo lang ay nailabas na nga namin ang mga kamay nung mga zombie at dito na nasara nila Micheal ang pintuan.

Napabugtong hininga ako at lahat kami ay napaupo sa sahig dahil sa pagod.

“Hays natapos rin.“ Sabi ni oliver habang hingal na hingal.

Lahat yata kami ay hinihingal at napapagod,  habang nagpapahinga kami ay rinig na rinig namin ang mga zombie sa labas na umuung*l at pilit na pumasok sa loob.

Wala kaming ginawa o hindi kami kumilos, nagpapahinga lang talaga kami dahil kailangan naming hindi gumawa ng ingay para unti unti silang magsi-alisan.

*LEA's POV*

Habang nasa loob kami ng room ay napakalinaw ng paligid, parang lahat yata ng zombie ay sumunod nila Benedict.

“Kamusta na kaya sila?“ Sabi ni charity.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Okay lang ang mga yun, sila pa.“ Sabi ko, dahil alam kong nag aalala siya kay benedict. Syempre mag jowa sila eh.

“Tawagan nyo kaya ang celpon ng isa sa kanila doon?“ Sabi ni charity.

Umiling lang si pres at sumagot.

“Wag, makakagawa lang tayo ng ingay. Alam mo namang napakadami nung mga zombieng humabol sa kanila.“ Sagot niya.

May punto rin naman siya.

“So, ano na ang plano?“ Tanong ko.

Napaisip naman si pres at dito nga ay nagpaalam ang isa sa babaeng kasamahan namin na gumamit ng cr.

Nginitian lang namin siya, actually hindi na niya kailangan pang magpaalam.

Agad namang nagtungo sa cr ang babaeng yun kaya bumalik na kami sa pag iisip kung ano ang susunod naming plano.

“Kailangan muna natin silang papuntahin dito.“ Sabi ni jessa.

“Paano natin gagawin?“ Sagot ko.

Umiling lang siya at nagsalita.

“Ewan, basta yun na muna ang pag tuonan natin ng pansin.“ Sabi niya.

Siguro mas maganda nga kung magsama sama kaming lahat.

“Ganun ba, sge. Tulungan mo kaming mag isip kung paano yun gagawin.“ Sabi ko.

Ngumiti lang siya at ilang minutong pag bi-brain storming ay agad na may naisip na idea si patrick.

“what if lalabas rin—”

Naputol ang pag sasalita niya dahil sumigaw yung babaeng umihi sa cr.

“Aaahh!“ Sigaw niya at dali daling lumabas sa cr na ipinagtaka namin.

“Bakit!?“ Biglang tanong ni pres.

Habang tumatakbo ang babae papunta samin ay napansin naming may isang daga rin ang lumabas at humabol sa kanya.

Nang makita namin yun ay dali dali kaming napatalon papunta sa mga upuan para hindi kami maabot nung daga.

“Pat*yin nyo!“ Sigaw ni charity.

Agad namang kumuha ng upuan si Patrick tsaka niya pinag pu-pukpok ang ulo ng daga para hindi na gumalaw pa ulit.

“Okay ka lang?“ Sabi ni charity.

Tumango lang yung babae habang nanginginig.

“Hindi ka naman siguro nakagat diba?“ Tanong ni patrick.

Umuling lang yung babae at sumagot.

“Hindi naman, napansin ko lang siya na tumakbo kaya napasigaw ako at dali daling lumabas.“ Sagot niya.

Ngumiti lang kami at dito nga ay tumingin ako ulit kay patrick at nagsalita.

“Ano ulit yung planong naisip mo?“ Tanong ko.

Napahawak siya sa ulo at sumagot.

“Wala na, nakalimutan ko na.“ Sabi niya.

Sinimangutan ko lang si patrick at dito nga ay nag iisip nanaman kami ulit habang yung babaeng nag cr kanina ay lumapit sa kaibigan niya at niyakap.

“Siguro mas maganda kung doon nalang muna sila, at tayo naman ay tingnan natin ang ibang room, pabor satin eh. Walang zombie sa daan.“ Sabi ko.

Sumang ayon naman si pres, kaya dahan dahan kaming umalis sa pinakaunang room at lumipat kami sa kabila.

“E check nyo muna ang cr, baka may tao, zombie, o hayop.“ Sabi ni pres.

Chi-neck naman namin at pag bukas ni patrick sa cr ay may isang babaeng zombie ang na trap, kaya sinapak niya sa ulo para matumba.

Chi-neck pa namin ang mga gilid-gilid baka may dagang zombie.

Nang ma cleared na namin ay tsaka lang kami napahinga ng maluwag at nilock ang pinto.

“Maghanap kayo ng mga pwede nating magamit.“ Sabi ni pres.

Tiningnan na namin ang mga sulok-sulok, pati ang mga bag na nandito ay binuksan na din namin pero wala kaming nakitang kahit ano na pwedeng magamit.

“Saan ba kasi nag tatago yang si alisa.“ Pagmuni muni pa ni jessa habang hinalukay ang mga bag.

“Wag kang mag alala, mahahanap rin natin ang babaeng yun.“ Sagot ni pres.

Ewan ko ba pero parang silang lahat ay gusto nang umalis sa skwelahan maliban kay pres, i wonder kung ano ba talaga ang sadya niya kung bakit ayaw niyang isa-publiko ang nangyayare dito sa skwelahan namin.

Tsaka hindi ako makakapaniwala na walang niisang nakaisip na tumawag ng pulis sa dami pa ng mga survivors.

Hindi ko nalang yan sila ininda at dito nga ay napaupo ako sa pagod, pati sila ay nagpahinga rin.

Tiningnan ko ang babaeng nag cr kanina at napansin kong nanghihina yata siya habang niyayakap ng kaibigan niya, kaya nilapitan ko para makasigurado.

“Okay ka lang?“ Tanong ko.

Tumingin naman siya sakin at sa pag tingin niya sakin ay agad na lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga mata niyang pinapaligiran na ng malalaking eyebags.

“Hala! Hoy! Okay kalang ba talaga!?“ Gulat kong sabi.

Nang marinig nila pres ang boses ko ay agad naman silang nagsilapitan at dito na nila nakita ang napakalaking eyebags nung babae.

“Anong nangyare sa kanya?“ Tanong ni pres.

“Ewan, di ko rin alam.“ Sagot ko.

Tiningnan lang namin yung babae at base sa labi niya ay parang na da-dry na ito kaya nagtaka talaga ako.

“Nauuhaw ka ba?“ Tanong ko.

Tumango naman siya kaya naghanap kami ng tubig, chineck namin ulit ang mga bag at dito nga ay nakahanap kami ng tubig.

“Ito inumin mo.“ Sabi ko.

Agad naman niya itong kinuha at aakmang iinumin pero bigla siyang nagsalita.

“Nawala na ang uhaw ko.“ Sabi niya.

Nakakapagtataka talaga, kaya kinuha ko ang tubig at aakmang ilalagay sa upuan nang bigla nanaman siyang nagsalita.

“Nauuhaw ako.“ Sabi niya.

Medyo nagtataka na ako sa kanya, kaya binigay ko ulit ang tubig pero nang makita niya ang tubig ay hindi niya kinuha sa kamay ko.

“Nawala na ang uhaw ko.“ Sabi niya.

Parang pinag ti-tripan lang kami kaya nagsalita si patrick.

“Ano ba talaga? Nauuhaw kaba o hindi?“ Sabi niya.

Sumagot naman yung babae.

“Nauuhaw ako, pero ayokong uminom ng tubig.“ Sabi niya.

Nang marinig namin yun ay agad na lumaki ang aming mga mata.

“Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot siya ulit.

“Nauuhaw ako, pero ayoko ng tubig.“ Sabi niya.

Nagsimula na kaming kabahan, kaya tiningnan nila patrick ang mga binti nung babae at dito namin nakita ang maliit na kagat na nasa binti.

“Nakagat kaba nung daga?“ Tanong ni patrick.

Tumango lang yung babae at dito na kami napaatras.

“Bakit ngayon mo lang sinabi!?“ Sigaw na sabi ni Patrick.

Sumagot naman yung babae.

“Natatakot ako, na baka iwanan ninyo akong mag isa.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Wag ka mag alala, na ko-kontrol ko pa naman ang sarili ko.“ Sabi niya.

Well halata naman na nako-kontrol pa niya ang sarili niya dahil maayos pa naman siyang nakipag usap.

“Pero nakagat ka.“ Sabi ni pres.

Nakita naming naiiyak na yung babae pero pinigilan lang niyang hindi tumulo ang luha niya.

“Oo, pero hindi naman ibig sabihin nun ay magiging zombie na ako diba? Kasi nakita naman nating lahat kung ano ang nangyare sa science teacher natin na si maam harvey kung ilang segundo lang siya nagtagal bago nagiging zombie.“ Sabi niya.

Well, may punto naman siya. Kaso nagsalita si pres.

“Zombie kasi ang kumagat sa kanya, at sa leeg pa kung saan nandoon ang ugat niya. Kaya siya namat*y agad, pero daga kasi ang naka-kagat sayo. It takes minutes or hours lang yata bago ka tuluyang maging zombie. Yan ang pagkakaintindi ko sa sinasabi ni alisa noon.“ Sabi niya.

Oo nga naman, si alisa nga ilang oras pa bago nabuhay sa hospital at umabot pa ng ilang araw bago nagiging half-bies.

Ganun rin yung guard na babae.

“Please, pakiusap. Wag ninyo akong iwan, natatakot ako.“ Sabi niya at dito nga ay hindi na niya kayang pigilan ang pag patak ng kanyang mga luha tsaka siya humagulhol ng iyak.

Nang makita yun ng kaibigan niya ay agad siyang niyakap ulit nito, kaya naawa nalang rin kami.

“S-sge, pero hindi ka pwedeng lumapit samin. baka kasi lumala pa ng lumala ang infected sa katawan mo at nakagat mo kami bigla ng hindi sinasadya.“ Sabi ni pres.

Tumango lang yung babae at dito na natapos ang usapan namin, may kasama na kaming infected. Pero nasa tamang pag iisip pa naman siya.

“So, ano na nag plano?“ Tanong ko.

Sumagot naman si Patrick.

“May posibilidad kayang hindi na siya kakagatin ng mga zombie? (Sabay tingin sa babaeng na lagat ng daga) since infected na ang katawan niya?“ Tanong ni Patrick.

Dahil dun ay parang alam ko na agad ang idea niya.

“Wag mo nang ituloy yang binabalak mo, di kaba naa'awa sa kanya? Takot nga'yan mag isa.“ Sabi ni pres.

Tiningnan lang ni Patrick yung babae at hindi na sumagot.

Magsasalita sana ako pero nagsalita yung babaeng infected.

“G-gusto kong… makatulong.“ Nanghihina niyang sabi.

Sumagot naman si pres.

“Paano kung kakagatin ka parin nila? Kaya mo bang tumakbo ng mabilis since nanghihina kana?“ Sabi ni pres.

Tumango lang yung babae kaya pinatayo siya ng kaibigan niya at dito nga ay halos hindi na siya makalakad at nanginginig na dahil sa kagat na palala ng palala.

Napailing nalang kaming lahat kaya pinapahiga nalang namin yung babae, nakaupo lang kaming lahat sa room at naghihintay na sana may isa sa amin ang makaisip ng paraan kung paano namin mahanap si alisa at paano namin matutulungan sila Benedict doon sa kabilang building.

Lumipas ang ilang minutong paghihintay ay wala talagang niisang nakaisip kung paano namin matutulungan sila Micheal, kaya tumayo ako at aakmang magsasalita nang bigla naming narinig na umung*l yung babaeng na-infected.

“Hhnnggg…. Hhhhggmm…” pag uung*l pa niya habang nakatingin sa kaibigan niya.

“May sasabihin ka?“ Sabi nung kaibigan ng infected.

Sumagot naman yung babae pero sa paung*l na paraan, kaya nagsalita si Patrick.

“Hindi na ba niya kayang magsalita?“ Sabi ni patrick.

Sumagot naman si jessa.

“Parang palala na ng palala ang infected sa katawan niya, mas mabuti pang umalis kana sa kakayakap sa kanya (sabay tingin sa babaeng nakayakap sa infected.) Baka kasi makagat ka niya ng hindi sinasadya.“ Sabi ni jessa.

Walang duda, magiging zombie na talaga ang babaeng yan.

Hindi umalis yung kaibigan niya sa pagkakayakap kaya wala kaming magawa, hanggang sa lumipas ang ilang minutong pagtitingin namin sa babae ay napansin naming tinutulak niya yung kaibigan niya palayo, pero ayaw bumitaw nung babaeng nakayakap.

Walang choice si patrick at pilit niyang kinuha ang babae sa pagkakayakap. Keysa naman ma infected siya.

Nang maalis na ni Patrick yung babae ay tsaka lang gumalaw yung na infected at nanginginig siyang tumayo, kahit hindi na kaya ng kanyang katawan ay tumayo pa rin siya at dito na kami nagulat. Dahil nang maglakad na siya ay kagaya na ng mga zombie.

Nagtungo siya sa pintuan kaya dali daling naglakad si Patrick at binuksan ang pinto, tsaka siya kusang lumabas.

Sinundan naman ng babaeng kaibigan ang babaeng infected na, pero hanggang sa bintana lang siya pwede. Dahil pinigilan ni patrick na lumabas. Tsaka lang sinara ni Patrick ang pintuan kasabay ng pag lingon nung babaeng infected sa babaeng kaibigan niya at dito na nga ay nagsimula nang pumuti ang buong mata nung infected na at binuka niya ang bibig tsaka pilit niyang kagatin yung babaeng kaibigan niya.

Naawa kami sa babae, dahil nagiging zombie na nga siya.

Tanging pag iyak nalang ang magag

awa nung babae habang napaluhod sa sahig.

Wala akong imik sa nakita, pati sila pres ay walang masabi at tanging tingin lang ang kaya naming gawin.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 5.1K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
17.6K 689 185
The stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by y...
14.4K 833 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
315K 21.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...