My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

371K 24.8K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 69

987 92 8
By DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

"Wow, Senda, asensado ka na yata." Wika ng tindera sa huling tindahan na nirasyunan namin sa San Antonio. "Magrarasyon ka lang ng Kape at Tsokolate, naka-isports car ka pa." Humalakhak ito, "at sino 'yung drayber mo? Nakisamangot na oh. Sayang, ampogi pa naman, pero mukhang suplado."

Nilingon ko si Luis. Tahimik ito sa loob ng kotse niyang pula at nakatingin sa unahan ng sasakyan. Ni hindi man lang ito lumilingon sa amin sa harapan ng tindahan. Kanina pa ito nakasimangot. Ang totoo, nakasimangot na ito simula pa sa pagsakay namin sa karitong balsa niya kanina upang kunin ang sasakyan niyang nakagarahe sa bahay ng katiwala niya sa San Gabriel. Hindi rin ako nito kinakausap simula nang ibinigay ko sa kanya ang listahan ng mga tindahan na pupuntahan namin.

"Napagod ka 'no," pabalik na kami sa San Gabriel. "Sabi ko naman sa 'yo hindi ka na dapat sumama."

"Hindi ako pagod!" Pabigla ito at medyo malakas kaya medyo nagulat ako, "paano naman ako mapapagod eh hindi naman ako naglakad at nakaupo lang naman ako rito!" Pabalang ito at hindi man lang ako nililingon kahit saglit.

"Oh eh bakit parang galit na galit ka sa 'kin?" malumanay naman ang pagkakasabi ko noon, "kung susumpungan mo lang ako ng ganyan eh bakit mo pa ako sinamahan? Nakukunsensya tuloy ako na isinama pa kita. Pasensya na sa abala, kailangan ko lang talag—"

"Huwag kang makunsensya dahil hindi ka naman nakakaabala sa 'kin!" Medyo pagalit pa rin ang pagkakasabi noon.

"Eh bakit nga galit na galit ka 'kin? Ano bang kasalanan ko sa 'yo?"

"Wala kang nagawang mali!" hindi pa rin nagbabago ang pabalang na timbre ng boses nito.

"Kung ganu'n naman pala, eh bakit ka ganyan?"

Hindi na ito sumagot. Kunot-noong nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho hanggang sa makarating ulit kami sa paradahan ng katiwala nito sa San Gabriel.

Hindi na rin lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami ng bahay lulan ng kariton.

"Tutulungan na kitang ibaba ang mga gagamitin natin sa pagtatanim sa likod," sabi ko; hawak ko na ang tangkay ng asarol.

"Huwag na," medyo kalmado na ang boses nito at mukha, "ako na lang, mabibigat 'yan." May kinuha siyang malaking bag na itim mula sa karitong balsa at isinukbit iyon sa balikat niya, "bukas ko na lang ibaba ang mga 'yan, masyado nang mataas ang sikat ng araw para magtanim. Kailangan pati nating basain muna ang lupa kung hindi uulan."

*****

Kapansin pansin ang pananamlay nito habang tinutulungan nito akong maghanda ng tanghalian namin. Sumasagot naman ito ng mahinahon at maayos kapag may itinatanong ako, pero naging matipid ito sa pananalita, kahit hanggang sa mahimpil na namin ang aming pinagkainan.

"Galit ka ba sa 'kin?" malumanay na pagsiyasat ko nang nilapitan ko ito sa may bintana ng salas. Nakatingin ito sa labas na tila may malalim na iniisip.

Umiling lang ito sa halip na sumagot. Naninibago ako. Nasanay na kasi siguro ako sa makulit at palatawang personalidad niya nitong nakakaraan.

Hindi ako komportable sa asal niya kaya marahan akong humakbang palayo sa kanya patungo sa aking silid upang magpalit ng damit.

"Senda," bago ko pa man mabuksan ng pintuan ng aking silid. "anong ginagawa mo araw-araw pagkatapos mong magrasyon at mananghalian." Mapayapa na ang mukha nito at nakatingin na ito sa akin.

Humarap na ako rito at mas lumapit, "sa ordinaryong araw, pagkarasyon ko at sumisikat ang araw, o kapag alam kong hindi naman uulan, nagbibilad muna ako sariwang kape o naghihimay ng mga buto ng kakaw. Kapag umuulan naman, nadito lang ako sa loob at naghahanap ng ibang mapagkakaabalahan tulad ng pagsusulsi, paggagantsilyo, paglilinis ng bahay, pagbabasa at marami pang iba. Hindi ako nawawalan ng gagawin dahil mababaliw ako kung magkataon dahil mag-isa lang naman lagi."

Muli itong tumanaw sa labas, "ito rin ang kabuhayan ng mga nakagisnan mong mga magulang, tama?" bago muling bumaling sa akin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Tumango ako, "pero ako lang ang napasahan ng kaalaman dahil hindi naman interesado ang kuya ko. Batang siyudad 'yun eh."

"Pero kung ikaw ang tatanungin, anong gusto mong gawin na makapagpapasaya sa 'yo?"

Napatingin na rin tuloy ako sa labas ng bintana kaya magkatabi na kaming nakatutok ang paningin doon.

"Sa totoo lang, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko kaya mababaw rin ang mga pangarap ko. Sa sobrang babaw, nahihiya na rin akong sabihin kung minsan. Kasi noong huling ibinahagi ko 'yun sa kuya ko, pinagtawanan lang niya ako."

"Ano nga 'yung pangarap mo?"

"Ayoko nga. Baka pagtawanan mo rin ako."

"Ok," bumaling na ito sa akin kaya humarap na rin naman ako sa kanya, "pangako, hindi kita pagtatawanan."

Suminghap muna ako ng bulto-bultong hininga, "gusto kong maging kapitana ng isang barangay. 'Yung tipo bang astig na laging may kasamang mga konsehal at baranggay tanod para pumagitna sa mga nagkakagulo, nag-aaway, nagbubuntalan, maging 'yung mga nagsasabunutan?"

Nahuli kong animo'y nabilaukan si Luis sa sariling laway. Halatang pinigilan nito ang hindi inaasahang pagtawa, "h-ha?"

Hinampas ko ito sa braso, "loko ka sabi mo hindi ka tatawa, nangako kang hindi mo ako pagtatawanan pero huling-huli kita, napigilan mo lang."

Sa wakas, muli nang gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha, "hindi ah, kita mo ngang seryoso naman ko," pero iniipit naman nito ang kanyang bibig upang pigilan ang pagbugso ng tunay na nararamdaman.

Piningot ko nang bahagya ang isang tenga nito. "Sige pagtawanan mo pa 'ko para hindi na kita kakausapin kahit kailan. Hmp."

Hindi na nito pinigilan ang sarili. Pinakawalan na nito ang ihit nitong pagtawa. "Mas bagay ka pala sa Edenus dahil halos araw-araw may nagbabangayan ro'n kahit na sa kaliit-liitang bagay."

"Bakit? May bara-baranggay 'din ba do'n?"

"Oo meron." Nang napakalma na nito ang sarili sa katatawa, "sa katunayan, labindalawa ang baranggay do'n. Ang mga nilalang na nasa iisang lahi, dapat nasa iisang pook lang para maayos at hindi halo-halo. Kung may nahahalo man dahil sa pag-aasawa ng iba sa hindi naman nila kauri ay kakaunti lamang 'yun kaya pinapipili na lang sila kung aling baranggay ang permanente nilang titirahan kahit na hindi sila orihinal na taga roon. Ano kaya kung sa Edenus ka na lang tumira, para magkaroon ng kapitana ang lahi ng mga Lambana sa bago nilang lupain?"

Natigilan ako, "bagong lupain? Hindi ba wala namang lupain ang mga Lambana sa Edenus dahil mga dayo lamang sila mula sa Mashuria?"

"A-ah..." napanganga si Luis na tila ba nadulas lang siya sa nasabi niya, "m-meron na. Binigyan na sila ni Lucio ng sarili nilang purok. Nando'n na silang lahat, para mag-umpisa ng mas maayos na buhay sa permanente nilang tirahan na matatawag nilang sariling teritoryo."

Sadyang ipakita ko sa kanya ang pagsimangot ko, "ano 'yun, suhol?"

"Suhol? Anong suhol?"

"Suhol ng amo mo para huminto ang pag-aaklas ng mga Lambana? Ano 'yun, kapalit ng mga napaslang ng amo mong ubod ng sama? Tinangap na lang ba nina Patruska ang nangyari kapalit ng kapirasong espasyo sa kahariang hindi naman sila nabibilang?"

Wari'y hindi makahagilap ng tamang kasagutan si Luis dahil kahit na umaakma itong magsasalita ay hindi na nito naitutuloy pa ang kung ano man ang dapat sana niyang sasabihin.

"Imposibleng tanggapin pa ako ng mga Lambana sa Edenus, kaya lalong mas imposible na maging kapitana ako ng kanilang bagong purok. Sa akin nila isinisisi ang mga nangyari. Nangyari raw sa kanila 'yun dahil sa mga sinabi ko kay Lucio noong araw na naroroon ka rin, naaalala mo pa naman siguro 'yun 'di ba? May nasabi raw ako na ikinagalit nito kaya sila ang napagbalingan. Sabihin mo nga sa akin dahil narinig mo rin naman ang naging pag-uusap namin, ano ba ang sinabi ko na ikinagalit ng amo mo, sukat na pumaslang siya sa karumaldumal na paraan?"

Muling lumamlam mukha nito ngunit hindi naman namutawi sa bibig nito ang kasagutang hinihintay ko.

"Wala man lang ba siyang nabanggit sa 'yo na dahilan kung bakit siya nagalit sa 'kin?"

Napapapikit muna ito at ilang beses na huminga ng malalim, "kahit naman sabihin ko sa 'yo ang totoo hindi mo rin naman paniniwalaan."

"Bakit naman hindi ko paniniwalaan kung makapagbibigay ka naman sa akin ng matibay na ebidensya?"

"Pagdating kasi kay Lucio, sarado na ang isipan mo. Kaya pag sinabi ko sa 'yo ang katotohanan na hindi galit sa 'yo si Lucio, at hindi nagalit kailanman sa 'yo si Lucio kahit na noong sinugod mo siya sa palasyo; at walang kinalaman si Lucio sa mga nangyari, kaya wala ka ring kasalanan sa mga nangyari, hindi mo rin naman ako paniniwalaan 'di ba? Kaya sa halip siguro na ipagpilitan ko sa 'yo na wala ngang kinalaman si Lucio sa trahedyang naganap, maniwala ka man lang sana na walang karapatan ang pangkat nina Patruska na ibaling sa 'yo ang sisi sa mga pangyayaring wala ka namang kinalaman."

"Pero ako ang pinagbibintangan nil—"

"O 'di ngayon kahit papa'no—" pagsingit nito, "alam mo na ang pakiramdam ng mapagbintangan at ituro sa lahat ng mga kasalanang hindi mo naman ginawa, ginagawa, at walang planong gawin? Masakit 'di ba?" kapansin-pansin ang panliligid ng mga luha nito na pilit nitong pinipigilan, "masakit na malungkot na nakakainis at nakakagalit, pero kahit anong galit mo hindi mo sila maaaring basta na lamang kakantiin dahil lalong lalala lamang ang sitwasiyon at mas higit na sasama ang tingin nila sa 'yo. 'Yung parang minsan, sa labis-labis na bigat ng kinikimkim mong sama ng loob, lalo't wala ka namang ibang makakaramay bukod sa sarili mo, parang umaabot ka na rin sa puntong hinihiling mo na sana mamatay ka na lang para matapos na ang paghihirap na nararamdaman mo. Pero paano kung hindi ka naman mamatay-matay dahil hindi mo rin kayang patayin ang sarili mo? Anong gagawin mo?"

Sa halip na siya ang tumuloy sa pag-iyak ay ako na ang napaluha dahil gano'n na gano'n an pakiramdam ko ilang araw lang ang nakakalipas. Tagos na tagos sa puso ko ang bawat salitang binibitiwan niya.

"P-pero kung hindi si Lucio ang may gawa no'n katulad ng sinabi mo." Halos hindi ko mabigkas ang mga salita dahil hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi, "eh sino ang may gawa no'n."

"Isang demonyong nagpapanggap na anghel dahil 'yun 'din ang nag-utos kay Sixto na dukutin ka, at kay David na patayin ka at pugutan ng ulo upang sukdulang galitin si Lucio na lagpas pa sa pinakamalalaim na bahagi ng impiyerno."

"S-si ate Marietta?"

Tila naasar si Luis nang mabanggit ko ang pangalan ng hipag ko.

"Nakukuha mo pa talagang tawaging 'ate' ang impaktang 'yon?" nanginginig na naman ito sa galit, "sa dami ng atraso no'n sa 'yo, sa pagkulam at pagbarang niya sa kuya mo para manatili kayong magkalayo sa isa't isa, at sa pagtrato niya sa 'yo na parang isa ka lamang sa kanyang mga utusan at kagamitan, at ngayon mas malala pa dahil gusto ka na rin niyang ipapatay? Ate mo pa rin ba ang hayup na 'yon?"

"Pero, Luis. Paano mo nalamang ang lahat ng mga 'yan? Paano mo nalaman ang pagtrato ni ate Marietta sa akin at sa ginawa niya kay kuya? Paano mo nalaman na siya ang gustong magpapatay sa akin? Bakit niya ako gustong ipapatay? Anong kasalanan ko sa kanya?"

"Hindi mo kailangang magkaroon ng kasalanan upang gawan ka ng masama ng mga taong salat sa bait at walang kunsensya, Senda." Mas malumanay na ang pagsasalita nito. "Sa tingin mo, bakit may mga inosente at mabubuting tao ang napapahamak? Eh kasi, may masasama at makasariling nilalang na walang pakialam kung may nagawa ka man sa kanilang masama o wala. Dahil para sa kanila, 'yung sarili lang nila ang mahalaga at 'yun lang ang iniisip nila."

"Pero, bakit nagkagano'n si ate Marietta?"

"Hindi siya nagkaganyan ngayon na para bang hindi s'ya gano'n sa simula pa lang. Bakit? Noong bigla na lang ba itong ipakilala ng kapatid mo bilang mapapangasawa n'ya, hindi ka man lang nakakita ng mga senyales na may mali sa kanya sa simula pa lang? Sabihin mo nga sa 'kin, paanong napapayag ni Marietta ang kapatid mo na pakasalan siya at punlaan ng supling sa sinapupunan sa loob lamang ng isang linggong pangkakakilala?"

Pilit kong hinalukay ang aking alaala, "b-bukod sa parang ayaw niya sa akin, w-wala naman akong ibang nakitang senyales."

"Wala kang nakita dahil mabait ka, at hindi ka nag-iisip ng masama at naghihinala man lamang sa iyong kapwa. Ngunit ikaw na mismo ngayon ang nakakakitang hindi sapat ang kabutihan mo sa kanya upang hindi ka nito pagtangkaan ng masama."

Umiling ako, "Hindi ko pa rin maintindihan, Luis. Napakaraming katanungan dito sa utak ko. Hindi kasi ako naniniwalang walang malalim na pinanggagalingan ang mga ikinikilos na ito ni ate Marietta."

"Hindi kailangan ng malalim na dahilan upang maging mapanakit ang isang nilalang. Kasakiman nga lang, sapat na. Ngunit naitanong mo man lang ba sa iyong sarili kung bakit ayaw n'ya sa 'yo noon pa man?"

"Naitanong ko rin, pero hindi ko mahanapan ng kasagutan kaya hindi ko na lang masyadong iniisip. Bakit ikaw, may alam ka ba?"

"Oo. Dahil ikaw ang sagabal sa ambisyon niyang maging inang reyna ng supling niyang reyna, na nakatakdang mamuno ng bagong Elysio na naaayon sa matandang propesiyang pinaniniwalaan ng mga mamayan ng Edenus at Mashuria."

"Ako? Pero bakit ako? Ano naman ang kinalaman ko sa ganyang kalaking bagay?"

Bigla itong tumiklop at umiwas ng tingin. "Malalaman mo rin ang sagot sa lahat ng mga katanungan mo sa takdang panahon. M-may mga bagay na hindi ko pa puwedeng sabihin sa 'yo dahil napakagulo pa ng sitwasyon at hindi mo rin maiintindihan pa sa ngayon." Muli nito akong binalingan ng tingin, "pero ito lang ang tatandaan mo sa ngayon, Senda. Mamatay muna ako bago niya mahipo man lang ang dulo ng iyong mga daliri, at ako mismo ang tatapos at ang magbibitbit kay Marietta sa Balong Walang Hanggan oras na pagtangkaan ka niyang muli sa kahit na anong paraan."

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 121K 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Vill...
157K 3.3K 21
Blood Stained Angel She has the face of an angel, but she's cold like a devil. She may seem innocent, but she's not. She had witnessed and grasps all...
284K 3.8K 44
Disclaimer: This is the unedited version. The printed version is/will be 60% edited and revised. **The Life Of A Secret Agent II** Retired Mafia Em...
284K 5.7K 33
"There's no other woman I want to be with but just Courtney. I love her even after it hurts, even if it always hurts." Courtney Raven Weinlord met Ki...