HIGHSCHOOL: SECRETARY

By AnelSenyorito

13.4K 504 294

Dahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 12

524 27 12
By AnelSenyorito

“So, ano na? Ano na ang plano?“ Tanong ni justine.

“May isa akong solusyon na alam.“ Sabi nung weirdo.

“Ano naman yun?“ tanong pa ni pres.

“Simple lang, since naa-attract sila sa tunog ay bakit hindi natin gamitin yun para paalisin silang lahat doon?“ Sabi niya.

“Sge, paano natin gawin?“ Tanong ni gelo.

“Sa pamamagitan ng celpon, itapon mo doon sa likod, malapit sa hagdan tsaka mo tawagan para marinig nila at magsitakbuhan sila palapit doon sa hagdan.“ Sagot nung weirdong lalaki.

Agad naman may pumasok sa utak ko ang sinabi niyang idea.

“Oo nga no! Tapos pag nasa likod na sila ng hagdan ay tsaka lang tayo tatakbo papunta doon sa laboratory!“ Sabi ko.

Tumango lang yung weirdo, kaya agad na kaming natuwa.

“Ang tanong, kaninong celpon ang itatapon natin doon?“ Sabi ni gelo.

Agad naman kaming natahimik.

“H-hindi pwede sakin.“ Sabi ni pres.

“Sakin din, hindi pa'to fully paid.“ Sagot naman ni charity.

Tumingin ako kay gelo at aakmang mag sasalita nang bigla niya akong inunahan.

“Hindi pwede ang celpon ko, may mahalagang impormasyon ang nakalagay sa pdf nito.“ Sabi niya.

Uwas naman ng tingin ang dalawang sarge, kaya parang wala na akong pag pipilian kundi mag volunteer.

“O'sge, ang celpon ko nala—”

Naputol ang pag sasalita ko nang biglang nagsalita yung weirdong lalaki.

“Celpon ko nalang.“ Sabi niya.

Agad naman kaming natuwa.

“S-sge…” kunti kong sabi.

Agad na kinuha si pres ang number niya para tawagan at tsaka sinigurado naming naka full ang volume ng celpon niya.

Nang matapos na ay tsaka na kami nag handa.

“Okay na, ready na ba kayo?“ Tanong ni pres.

Tumango naman kaming lahat at dito nga ay tinapon na ni sarge ang celpon sa likod kung saan may hagdanan paibaba.

“Sge, tawagan mo na.“ Sabi ni gelo.

Agad namang tinawagan ni pres at dito na tumunog ng malakas ang celpon nung weirdo.

*Ay, ay, ay, I'm your little butterfly!*

*Ay, ay, ay, I'm your little butterfly!*

Agad akong napahawak sa bibig at pinigilang matawa.

“Anong klaseng ringtone yan?“ Tanong ni justine.

Nakita ko sila pres na pinipigilang matawa.

At dito na namin nakitang nagsilapitan ang mga zombie papunta sa likod.

“Effective.“ Sabi ni gelo.

Dahil dun ay agad na kaming lumabas ng room at sa pag labas namin ay wala nang niisang zombie pa sa harap kaya malaya na kaming tumakbo papunta sa laboratory.

Pag dating namin sa laboratory room ay tiningnan muna ni Justine ang room bago kami pumasok.

“Walang tao.“ Sabi niya.

Agad namang sumagot yung weirdong lalaki.

“Tsaka kana mag decide kung may tao ba o wala, ang mahalaga ay makakapasok tayong lahat jan sa loob.“ Sabi niya.

At dahil walang tao ay agad na kaming nagsipasukan sa loob tsaka namin ni lock ang pinto.

“Ano na ang plano!? Wala naman si alisa dito!“ Sabi ni gelo.

Hindi iyon sinagot nung weirdo at agad siyang naglakad, kaya sumama kaming lahat sa kung saan man siya patungo.

Habang nag lalakad kami ay agad na nagulat si pres dahil may napakaraming mga daga na buhay.

“Luh, paano to nabuhay ang mga to?“ Takang tanong niya.

Sinagot naman ni justine.

“Anong ibig mong sabihin pres? Buhay naman talaga ang mga yan noong huli naming pasok dito, wala pang zombie noon.“ Sabi niya.

Napailing lang si pres at sumagot.

“Hindi kasi ganun gelo ehh, dapat kasi pat*y ang mga dagang to dahil binili namin yan sa pet shop, pag e-eksperimentohan kasi nila ang katawan ng daga. Bawal mag eksperimento ng buhay dahil baka makagat.“ Sabi ni pres.

“Pero buhay naman yan noong pumasok kami dito.“ Ika pa ni gelo.

Agad namang nagsalita ang weirdo.

“Pat*y na ang mga dagang yan, nabuhay ulit dahil sa toxoplasma gondii. Alam naman natin na ang mga daga ay natatakot sa mga pusa diba.“ Sabi niya at may kinuha sa table.

“Kapag ang utak ng mga daga ay nahawahan ng Toxoplasma  gondii, nawawala ang kanilang takot sa mga pusa, sa madaling salita, ginagawa ng mga parasites ang mga daga sa walang takot na mga zombie.“ dagdag pa niya.

“Kung ganun, may mga zombieng daga na rin?“ Tanong ni pres.

Sumagot naman ang weirdo.

“Oo, meron.“ Sabi niya.

Nang marinig namin yun ay agad na nagsalita si sarge micheal.

“Paano mo naman ma explain ang zombieng pusa?“ Tanong niya.

Nabigla nanaman kami sa sinabi ni sarge.

“Habang naghahanap kami ng mga pagkain ay may nadaanan rin kaming zombieng pusa, kinakain nga niya ang laman nung babaeng nandoon.“ Sabi niya.

Nang marinig namin ang sinabi ni sarge ay parang may naalala ako, di kaya ang tinutukoy ni sarge ay yung babaeng umiiyak sa hagdan dahil nawawala ang kanyang pusa? Tapos nung mahanap na niya ang pusa ay pat*y naman.

Habang iniisip ko yun ay agad na nagsalita ang weirdong lalaki.

“Ito.“ Sabi niya.

Agad kaming napalingon sa kanya at dito namin nakita ang isang kulay green na parang plema na nakalagay sa cube.

“Eww, nakakadiri naman yan.“ Sabi ni charity.

Agad namang nagsalita ang weirdo.

“Yan ang mikrobyo.“ Sabi niya.

“Tapos? Anong meron jan?“ Tanong ni gelo.

Kinuha nung weirdo ang microscope tsaka niya tinapat sa parang plema na kulay green.

“Yan ang mikrobyo, at nanjan ang bacteria, parasites, at virus.“ Sabi niya.

Nang marinig namin yun ay agad kaming nagulat, tsaka tiningnan nila isa isa ang nakakadiring parang plema sa malapitan gamit ang microscope.

“Grabe…” sabi ni gelo at nagsalita pa.

“Para silang bulate na walang balat, parang transparent lang ang katawan nila. Kitang kita ko ang isang bulate na kinakain nung malaking bulate at kitang kita ko sa katawan nung malaking bulate ang kinain niyang bulate rin.“ Sabi ni gelo.

Sa narinig ko ay mas pinili ko nalang na huwag na tingnan, nakakadiri na nga dahil parang plema, may mga bulate pang walang balat.

“Akala ko ba virus, parasites, at bacteria ang may kagagawan ng pagiging zombie ng mga tao? Pero parang nasa iisang lugar lang naman sila nag tipon-tipon.“ Sabi ni gelo.

Sumagot naman ang weirdo.

“Yun na nga, pinag sama sama ko ang tatlo sa isang cube, at yan ang huling eksperimento na ginawa ko noong isang araw bago kumalat ang mga zombie sa paaralan.“ Sabi pa niya.

Well, di ko alam kung anong kinalaman ng pagsama sama ng tatlong yan. Pero ang problemang sumagip sa isip ko ay saan kami papatungo ngayong mag gagabi na.

Tiningnan ko ang oras at alas 5:02pm na, kunti nalang at mawawala na ang araw.

“So, ano na ang gagawin natin ngayon?“ Tanong ni gelo.

Sumagot naman si pres.

“Since si alisa naman ang pakay natin dito at wala pa siya, siguro aalis na muna tayo dito at papasok tayo sa kabilang room. Safety first.“sabi ni pres.

Sumang ayon naman silang lahat ay dito nga ay lumipat kami sa kabilang room kung saan katabi lang ng laboratory.

“Dito muna tayo magpalipas ng gabi.“ Sabi pres.

Tumango lang kami at dito nga ay hinanda na nila ang kakainin namin ngayong gabi, pero yung weirdo ay kinuha pala niya yung parang plema at dito niya pinag aralan sa loob ng room.

Hindi namin siya ginalaw o inisturbo, para kasing jan siya masaya kaya hinayaan na namin.

Lumipas ang mga oras at kumain na kami ng dinner, tiningnan ko sila sarge Benedict at muse na si charity at nag cuddle lang ang dalawa, nakakasanaol talaga.

Pagkatapos nun ay nag kwentuhan kami ng kunti, hanggang sa lumipas pa ang ilang oras at saktong nag alas nuwebe(9) na ng gabi kaya napagdesisyunan na naming matulog.

Kinabukasan…

Nagising ako dahil sa ingay doon sa labas.

“Nggrrr…rrnggrrr…” mga ung*l na narinig ko.

Agad akong nagising at tumingin sa bintana.

Pag tingin ko sa labas ay dito ko nakita ang napakaraming mga zombie sa harap at nakatingin sila dito sa loob ng room.

Nang makita ko yun ay agad akong napatayo at lumaki ang aking mga mata tsaka dito ko ginising sila pres at sarge.

“Gising! Gising pres!“ Sabi ko sa mahina na paraan.

Habang niyugyug ko si pres ay bigla naman siyang nagising at napamulat ng mata.

“Bakit ba lea? Ang aga aga ha.“ Sabi niya.

Agad kong hinawakan ang panga niya tsaka ko hinarap sa bintana.

Nang makita niya ang mga zombieng nagtitinginan samin ay agad na lumaki ang kanyang mga mata at dali dali siyang napatayo.

Ganun rin sila gelo at justine dahil nagising sila habang ginising ko si pres.

“Hala, anong nangyare?“ Sabi ni charity.

Tumingin ako sa kanya at sumagot.

“Ewan, pagkagising ko nanjan na silang lahat eh.“ Sabi ko sa kanila.

“Luhh, paano na tayo makakaalis ngayon?“ Sabi ni justine sabay tingin sa paligid at nagsalita pa.

“Wala pa namang lubid, hindi tayo makakababa sa first floor.“ Dagdag pa niya.

Medyo naninibago kami, tiningnan ko yung weirdo at natutulog lang siya sa lamesa sa harap ng kanyang eksperimento.

“Mas mabuti pang ibaba na muna natin ang kurtina para hindi nila tayo makita, kumain na muna tayo ng umagahan.“ Sabi ni pres.

Agad naman naming binaba ang mga kurtina tsaka sila sarge ay kumuha ng mga de lata at junk foods.

Ginising namin yung weirdo at dito nga ay kumain kaming lahat ng umagahan.

Medyo nakakailang dahil habang kumakain kami ay ang ingay ng mga zombie, kahit kami ay hindi namin magawang mag salita.

Pagkatapos namin kumain, ay napansin kong kumuha si charity ng isang alcohol at ginawang pang hugas ng kamay.

Nang makita yun ng weirdo ay agad siyang napa sigaw na ikinagulat namin.

“Tigil!!..“ sigaw niya sabay lapit.

Agad namang kaming nag titinginan sa kanya at dito nga ay tinigil ni charity ang paghugas ng kamay, tsaka siya tumingin sa weirdo habang nagkakata.

“Bakit?“ Tanong ni charity.

Nang makalapit na ang weirdo ay agad niyang kinuha ang isopropyl alcohol.

“Hiramin ko muna ha?“ Sabi niya.

Tumango lang si charity kaya agad na pumunta yung weirdo sa eksperimento niya na parang plema.

Binuhosan niya ng kunti at tiningnan sa microscope.

“Sabi na eh..“ sabi niya.

Dahil dun ay agad kaming nagtaka.

“Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Natunaw yung mga bacteria.“ Sagot niya.

Dahil dun ay agad namang nagsalita si sarge benedict.

“Malamang, bacteria eh. Kaya mamat*y talaga yan sa alcohol.“ Sagot niya.

“Yup, tama ka.“ Sabi nung weirdo at huminga ng malalim at nag explain.

“Ang mga mikrobyo kasi ay nahahati sa pitong uri, at ito ay ang mga bacteria, archaea, protozoa, algae, fungi, virus, at parasites. Ang bawat uri ay may sariling characteristics.“ Sabi niya.

“Anong point mo?“ Sagot ko.

Ngumiti yung weirdo at sumagot.

“Diba ang kalaban lang natin ay bacteria, virus, at parasites lang. Pag may isopropyl alcohol tayo ay mababawasan ang mga bacteria.“ Sabi niya at lumapit sa bintana tsaka niya binuhusan ang mukha nung zombie.

“Rrggghhh!!“ Sigaw nung zombie pero walang nagbago sa kanya at parang nagalit lang ito dahil nagiging aggressive siya.

“See? Nag rereact sila, pero hindi ibig sabihin nun ay nasasaktan na sila. Nag rereact lang.“ Sabi nung weirdo at nagsalita pa.

“Ang mga katangian kasi sa loob ng isopropyl alcohol ay kilala bilang antimicrobial, ibig sabihin ay pinapatay ng isopropyl alcohol ang mga bakterya o pinipigilan ang kanilang paglaki, pagkalat, at tsaka pinapatay nito ang 99.99% ng mga bacteria sa loob lang ng humigit-kumulang 10-30 segundo.“ pagpaliwanag pa niya.

Dahil dun ay agad namang ngumiti si pres at sumagot.

“Nice, okay na yan. Nag rereact yung zombie kasi sa mukha mo siya nilagyan ng alcohol, pero pag buong katawan na ay para na silang mga isdang buhay na pinirito sa kawa.“ Sagot ni pres.

Natawa naman yung weirdo at sumagot.

“Hindi, ang laki naman ng expectations mo. Nag rereact lang sila kasi yung virus, parasites, at bacteria ay kayang patay*n ng isopropyl alcohol. Pero hindi ibig sabihin nun ay mamamat*y na sila pag binuhusan mo.“ Sabi nung weirdo.

Dahil dun ay agad nanaman kaming nagtaka.

“Ang gulo mo naman, akala ko ba sandata na natin ang isopropyl alcohol?“ Sabi ko.

Ngumiti lang yung weirdo at sumagot.

“Pwede natin yun gawing panakot, pero hindi sila masasaktan o mamamat*y. Kasi ang tatlong mikrobyong yun ay nasa loob ng katawan, wala sa labas. Kaya nga nag rereact sila pero walang nag bago.“ Sagot niya.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.