My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

373K 25.1K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 68

1K 84 20
By DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

'Napaidlip man lang ba si Luis?' 'Yun ang malaking katanungan ko nang magising ako bandang ala sais ng umaga at wala na ito sa bahay. Alas dos na ng gabi nang magpaalam ako sa kanya upang matulog kahit na gusto pa niyang makipagkuwentuhan dahil hindi ko na maibuka ang mga mata ko sa sobrang antok.

Napanganga ako nang mapansin kong maayos nang naligpit nito ang banig na hinigaan niya kagabi, at maayos na ring nakatiklop ang kumot sa ibabaw ng unan na ipinahiram ko sa kaya. At ang nakakagulat sa lahat—na siyang nakapagpangiti sa akin sa ganitong kaaga—ay 'yung mayroon na itong nalutong mainit na kape sa takure, bagaman nakasalang na lamang ito sa maliit na bungkos ng sigang tinanggalan ng panggatong. Napailing din ako sa pagkamangha nang sa paglingon ko sa ibabaw ng lamesa ay may nakalagay na rin doong isang plato ng kamoteng mukhang mainit-init pa.

"Hay naku Senda." Wika ko sa sarili ko habang tumitigis ako ng mainit na kapeng barako sa tasa,"ano kayang ikinatuwa ng DIYOS sa 'yo at binigyan ka ng ubod ng matipunong kaibigan na sobrang bait sa 'yo?" Tumingala ako, "salamat po sa nagpakape sa akin ngayong umaga, PANGINOON!"

Umupo ako sa may lamesa para tikman ang isa sa mga nilagang kamote. Akmang isusubo ko na ang tinalupan ko nang may bigla akong maalala, "teka-" tiningnan ko ang kamote, "eh saan naman kaya niya nakuha 'to, wala naman akong kamote sa paminggalan ko ah?" Pero sa sobrang bango ng usok na nagmumula sa kamote, itinuloy ko na rin ang pakagat dito.

"Hhhmmm. ang sarap naman ng kamoteng 'to." muli kong sinipat ang kinagatan kong bahagi, "kamote ba talaga 'to, bakit ang sarap naman masyado? PANGINOONG HESUS!" Habang sarap na sarap ako sa pagpapak ng kamote, "salamat po sa kamote, kain po tayo. Salamat din po sa bago kong kaibigan. Ang laking bagay po na hindi ko na kailangang magsibak ng kahoy ng ilang araw, o magtabas ng mga ligaw na damo sa bakuran ko ng ilang linggo, at mag-igib ng tubig hanggang bukas—" hindi ko na nabigkas ang sumunod na salita dahil napaiyak na ako. "Akala ko po talaga galit KAYO sa akin dahil sa mga kagagahan ko. Salamat po binigyan NIYO ako ng bagong pag-asa at ganang mabuhay. Akala ko po, nakalimutan NIYO na ako." Tuluyan na akong humagulhol.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Senda?" Biglang sumulpot ang ulo ni Luis sa may bintana. Medyo nagulat ako, pero agad ko namang inayos ang sarili ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako. "Pabukas naman ng pinto, may dala-dala lang ako."

Binuksan ko ang pinto at ang agad kong napansin ang bitbit nitong isang malaking kaing na saging na saba. "Saan nanggaling 'yan?" ibinaba nito ito sa tabi ng paminggalan, "'Wag mong sabihin na galing pang Edenus 'yan?"

"Ah hindi, ipinapitas ko lang ito sa mga tagapangalaga ng sagingan ko sa Santa Monica, o—" nang mapansin nito sa ibabaw ng lamesa ang balat ng kamoteng kinain ko, "nagustuhan mo ba 'yung kamote?" kumuha rin ito, tinalupan at inumpisahang kainin. "ang sarap 'no? Galing naman ito sa lupa ko dito sa San Gabriel. Doon sa tabi ng pinamumulutan mo ng uyo dati? Sayang nga lang at kakaunti ang nakuha ko. Nagmamadali kasi ako dahil gusto kong maluto ito para sa 'yo bago ka magising at bago ako umuwi. Pumunta ka lang do'n kapag gusto mong manguha kahit pa walang paalam. Sinabihan ko na ang mga tagapangasiwa ko ro'n na may permiso kang pumaro'n. Pangako, hindi na kita sisitahin." Tumawa ito. Naalala niya siguro 'yung sinita niya ako sa pangunguha ng uyo sa niyugan niya.

Gusto ko na namang maiyak. Napaka-alalahanin naman ng lalakeng 'to. Pero para hindi ako maiyak sa harapan n'ya, kaswal na tinanong ko na lang ito ng, "nakauwi ka na ba?"

"Oo."

Namilog ang mga mata ko, "Sa Edenus?"

"Oo, bakit? May iba pa ba akong uuwian?" Binungisngisan ako nito.

"Ang bilis mo naman! At saka, akala ko mga damit at gamit sa pagtatanim lang ang dadalhin mo rito, pero heto ka, ang dala-dala mo eh isang kaing na saba."

"May susunod pa nga rito eh, nagpababa ako ng niyog doon naman sa niyugan ko. Maya-maya lang siguro, magdadala na rito ng mga buko at niyog ang ang katiwala ko ro'n. Nakuha ko na rin ang mga damit ko at 'yung mga gamit sa pagtatanim, naiwan ko lang doon sa kariton sa labas."

"Kariton?" Humangos ako sa may pintuan upang silipin kung mayroon ngang kariton sa harapan ng tarangkahan. Meron nga, at meron ding pumapasa'n ditong kalabaw. "Eh kanino namang karitong balsa at kalabaw 'to?"

"Akin."

"Sa 'yo?"

"Oo. Pinapaalagaan ko lang sa mga tauhan ko sa niyugan ko. Bakit?"

"Grabe ka naman, Luis. Wala pang ala siete ang dami mo nang nagawa, samantalang ako, heto, tamad-tamaran pa."

"Ano ka ba? Wala ka namang kailangang gawin kaya ayos lang na magpahinga ka lang d'yan. Ako na ang bahala sa 'yo, aking mahal na reyna.". Yumukod ito sa akin.

"Mahal na reyna ka d'yan? Meron bang reynang yagit?"

"Eh sa malakas ang kutob ko na magiging reyna ka rin balang araw."

Bahagya kong naibuga ang kapeng hinihigop ko, "napaka-ambisyoso naman niyang kutob mo. Eh pa'no namang mangyayari 'yon, aber?"

"Malay mo, magkatuluyan kayo ng hari ng Edenus. Di ba may gusto sa 'yo 'yun?"

Padabog na inilapag ko sa lamesa ang tasang hawak ko, "Si Lucio na naman ba ang tinutukoy mo?" pinamaymwangan ko ito.

"Oo, wala namang ibang hari ang Edenus kundi siya, 'di ba?"

Bigla akong nakaramdam ng pagka-inis, "ikaw Luis, para ka ring si David eh. Parehas kayong malabong kausap at magulo ang pagkatao. Hindi ko maintindihan sa inyo kung mga kaibigan ko ba kayo o mga kabuwisitan. Ang ganda na ng gising ko eh, may pakape na, may pakamote pa. Ayos na sana eh, tapos dadalihan mo ako ng mga banat na nakakasira ng araw? Akala ko ba kakampi kita?"

"Oo naman. Bakit mo naman nasabing hindi?"

"Alam mong pangalan pa lang ng Lucio na 'yan, nasisira na ang araw ko eh, tapos kay aga-aga, babanggitin mo pa? Nang-iinis ka na naman ba?"

"Sinasabi ko lang naman ang posibilidad na maaaring na maging reyna ka rin balang araw. Malay mo naman kung magustuhan mo rin siya kapag nagkakilala na kayo nang mas malalim. Hindi naman kita iniinis kaya 'wag ka ngang magalit agad d'yan. Ang sa akin lang, bilog ang mundo at hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari sa kinabukasan. Malay mo, madiskubre mo na mabait naman pala si Lucio at hindi naman pala totoo ang lahat ng masasamang ibinibintang sa kanya."

Parang bumigat ang ulo ko at tila nabingi na rin ang magkabilang tenga ko sa sobrang inis kaya hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi niya tungkol sa demonyong Lucio na 'yun. Pero siguro, mas lamang ang lungkot kaysa sa inis. Nalilito kasi ako sa ikinikilos ni Luis. May pagkakataon kasi na parang siya ang may gusto sa akin, at hindi ko naman maitatangging parang nagkakagusto na rin ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Lahat na lang yata ng katangiang pinapangarap ng isang babae sa isang lalake ay nasa kanya na. Tapos, kapag medyo nabubuo ko na sa utak ko 'yung posibilidad na maging kami, biglang-bigla naman niyang irereto sa akin ang amo niya.

Pangalawang beses na 'tong nangyari. Naalala ko, ganito rin ang pakiramdam ko noong inanyayahan niya ako sa pribadong bahay niya sa Edenus. Ganito rin siya. May pagkakataon na nagpapakita siya ng interes sa akin; para ngang binobola-bola pa niya ako ng matatamis na salita na kahit sino yatang babae ay mahuhulog agad. Na para bang mayroon siyang pagtingin sa akin, tapos biglang isisingit naman niya ang amo niya upang ipares sa akin. Alam mo ba 'yung pakiramdam na may humawak sa kamay mo upang halik-halikan ito, tapos kung kailan nahuhulog ka na sa kanya, biglang-bigla ka naman niyang bibitiwan upang ipasa sa iba?

Naguguluhan ako. Pinagugulo ni Luis ang isipan ko. Di kaya, sinusuyo lamang niya ako para mailapit niya ako sa amo niya? Hindi kaya napag-utusan lang siya?

'Hay naku Senda, umayos ka!' sabi ko sa aking isipan, 'Malaki ang posibilidad na ginagawa lamang niya ang pagtulong at pagsisilbi sa 'yo dahil 'yun an iniutos ng demonyong amo niya sa kanya. Kaya ikaw Senda! Lagi mong tatandaan simula sa araw na 'to, huwag na huwag mong hahayaan na mahulog ka kay Luis dahil siguradong masasaktan ka lang dahil mas malamang na ginagawa lamang niya ang lahat ng ito bilang pagtupad sa obligasyon at mga ipinag-uutos sa kanya ni Lucio.'

"O, bakit ang tahimik mo?"

"Ha?" Inalog-alog ko ang ulo ko, "ah w-wala, medyo parang inaantok pa kasi ako. A-anong oras ba tayo magsisimulang magdukal sa likod?"

"Kahit anong oras na gusto mo, may nakaplano ka bang ibang gagawin ngayon?"

"Ah eh, magrarasyon lang sana ng mga kape at tsokolate sa mga tindahan dito sa baryo hanggang doon sa kanto ng San Antonio."

"Oh 'di magrasyon muna tayo, sasamahan kita. Pero medyo malayo na ang kanto ng San Antonio mula dito ah, ano bang sinasakyan mo, umaarkila ka ba ng balsa?"

"Ha?" Umiwas na ako ng tingin sa kanya at nagpanggap na abala sa paghahada ng dalawang bayong na bibitbitin ko, gayung kagabi ko pa talaga naayos ang mga iyon. "Huwag ka nang sumama, ako na lang. Ikaw na rin ang may sabi na malayo na ang hangganan ng rarasyunan ko. Eh nilalakad ko lang naman 'yun, baka mapagod ka lang."

"Ano?!" Gulat na gulat ito, "nilalakad mo lang ang San Antonio tapos may bitbit ka pang mabigat?"

"O-oo. Hindi naman ganun kalayo para sa 'kin 'yun dahil diyan lang naman 'yun sa kabilang baranggay, 'tsaka sanay na 'ko. Dalawang beses sa isang linggo ko nga ginagawa 'to eh, kayang-kaya ko na 'to. Kung tutuusin nga madali na lang ang rota ko kumpara sa dati. Dati kasi, nilalakad ko rin mula rito, papunta sa San Pedro, San Agustin, at San Joaquin. Ang kaso mo, dahil mas malapit sila sa bayan kumpara dito sa San Gabriel at San Antonio, ang karamihan sa kanila doon na lang bumibili bayan kahit na mas mahal dahil malaki na ang patong sa presyo."

Hindi ito sumagot kaya sinulyapan ko ito. Nakatitig ito sa akin at bakas sa mukha nito ang panlulumo.

"O, bakit ganyan ka makatingin?"

"Magkano ba ang kinikita mo d'yan para magpakahirap ka ng ganyan?"

"Kaunti lang 'din siyempre, pero sapat na para sa mga simpleng pangangailangan ko.

Muli ko itong sinulyapan nang hindi na naman ito sumagot. Nakakunot ang noo nito sa akin.

"O, para saan naman 'yang pagsimangot mo? hintayin mo na lang ako rito kung gusto mo, o 'di kaya eh umuwi ka muna at maglibang sa inyo. Bago magtanghalian siguro naman nakabalik na ako rito."

"At anong oras tayo magtatanim? Eh dapat nga ngayong umaga natin gawin 'yun dahil napakainit na mamayang tanghali."

"Eh 'di, bukas na lang natin gawin. Umuwi ka na lang muna."

Pangatlong beses na itong tumahimik.

"O, bakit?" Natawa ako nang sa muling pagsulyap ko ay gusamot na gusamot na ang mukha nito.

"Huwag ka nang umalis." Tila nayayamot na wika nito, "ako na lang ang papakyaw ng paninda mo. Magkano ba lahat 'yan?"

"Ano? Hindi mo na puwedeng bilhin 'to dahil bayad na ang mga ito noong kabilang linggo pa dahil advance silang magbayad. Irarasyon ko lang ito dahil hinihintay na nila ito ngayon."

Lalong hindi na maipinta ang mukha nito. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Senda, bakit ka nagpapakahirap ng ganito?" nakapamaywang ito.

Binungisngisan ko ito sabay sabing, "Mabuhay! Welcome po sa mundo ng maralitang Pilipino. It's more fun in the Philippines, tuloy po kayo Sir, and please enjoy your stay!"

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
390K 9.5K 67
You will never know if the person you first met is your true love or just a way to see your one true to love in the end. Note before reading: ginawa...
992K 28.4K 61
Wala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.
13.2K 704 42
"I am cursed. I'm seeing things, I shouldn't see. I can see incidents that a human shouldn't know. I can see darkness... I can see death." ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ...