My Guardian Devil

Bởi DyslexicParanoia

373K 25K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... Xem Thêm

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 67

1.1K 84 18
Bởi DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

"Ano ba 'yan, Senda..." bulong ko sa sarili ko, "pa'no mo ngayon paalisin 'yan?"

Sinisilip ko si Luis sa bakuran habang nagluluto ako ng hahapunanin namin sa kusina. Inutusan ko kasi itong magsibak ng kahoy, magtabas ng mga damo sa palibot, magbilad ng mga mga kape at buto ng kakaw na siya rin mismo ang pinagpitas at pinaghimay ko. Siya na rin ang pinag-igib ng tubig sa poso na kailangan pa niyang lakarin sa kabilang kalye, lahat na ng maisipan kong mabibigat at nakakapagod na trabaho, iniutos ko na sa kanya, paranang sa gayu'y siya na ang kusang sa magreklamo at umuwi dahil sa sobrang pagod. Ang kaso mo'y napakatibay ng resistensiya nito, napakalakas ng pangangatawan at ang bilis magtrabaho. Ni hindi ito nagrereklamo, sa halip, ay siya pa mismo ang nagtatanong ng mga susunod na gusto kong ipagawa sa kanya.

"Pambihira..." bulto-bultong binuhat nito ang mga sinibak niyang kahoy, at maayos na ipinatas nito ang mga iyon sa kubol. "Wala yatang kapaguran ang taong 'to. Teka nga–" binawasan ko ang panggatong sa niluluto kong sinaing na tulingan sa palayok, hanggang sa tanging maliliit na siga na lamang ang natitira. Nang masiguro kong sapat na ang natitirang siga para manatiling mainit ang uulamin namin nang hindi nasusunog, saka lamang ako lumabas para kumustahin ito. "Malapit nang dumilim, hindi ka pa ba pagod?" Hindi ko maiwasan mapatingin sa nangingintab sa pawis niyang katawan. Hinubad kasi nito ang suot na kamiseta at polo bago ito nag-umpisang magtrabaho.

"Mas gutom ako kaysa pagod." Nakabungisngis na wika nito, "ang bango ng niluluto mo ah, ano ba 'yun?"

"Sinaing na tulingan kaulam ng mainit na sinaing at kamatis."

"Naku, paborito ka 'yan! Anong oras ba tayo maghahapunan?"

"Ha? Ano kamo? Hapunan? Bakit? Kasama ba sa usapan natin ang hapunan?" biro ko.

Humalakhak ito, "Gano'n ba? Tsk. Sayang naman, akala ko makakalibre na ako. Eh ang makiligo, puwede bang makiligo sa batalan?"

"Makiligo? Aanhin kong pinuno mo nga ang mga drum ko tapos ikaw rin naman pala ang uubos?"

"Eh 'di iigiban ko na lang ulit."

"O tapos pagpapawisan ka rin ulit dahil sa pag-igib, tapos makikiligo ka ulit?" Humalakhak na ako para malaman nito na nagbibiro lang ako.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Ikaw talaga." Anito, "akala ko pauuwiin mo akong gutom at naglilimahid. Buti kahit uuwi akong gutom, presko naman."

"Sira. Hindi ka na mabiro. Siyempre pakakainin din kita para ikaw na rin ang maghuhugas lahat ng pinagkainan."

"Ah teka muna. Lilinawin ko na ang kasunduan natin kung ganyan na ang usapan. Kapag pinaghugas mo pa ako ng pinggan, kailangan dito mo na rin ako patutulugin."

"At saan ka naman tutulog dito eh pang-isahan lang ang papag ko."

"May banig ka naman siguro, 'di ba? Eh 'di sa sahig."

"Sa sahig ba kamo? Magtitiis ka sa sahig ko eh kalambot-lambot at kalaki-laki ng kama mo doon sa bahay mo? Umuwi ka na lang, hindi ka naman takot maglakad sa dilim 'di ba?"

Kumamot ito, "eh ang totoo niyan kunwari lang akong hindi takot sa dilim, pero takot talaga ako sa dilim."

"'Yan naman ang kagaguhan, Luis. Taga Edenus ka, tirahan ng mga Aswang, Engkanto, Maligno pati na ng mga Demonyo at sari-saring halimaw, tapos takot ka sa dilim?"

"Takot ako sa multo. Walang multo sa Edenus." Nakabungisngis ito kaya alam kong hindi ito seryoso.

Tinampal ko ito sa braso, "Sinong niloko mo. Baliw ka talaga. Maligo ka na nga para makakain na tayo! Kunin mo na lang 'yung natuyong tuwalya ko sa sampayan."

"Ha? Tuwalya mo ba 'yun?"

Ano na naman kaya ang pakulo nito? "Bakit, anong sa tingin mo?"

"Akala ko kasi pang-iwang sa pwet ng kabayo." Sabay hagalpak ng tawa.

"Che! Buwisit ka!"

*****

"Hay ang sarap ng kain ko, Whew!" Hindi na ito nahiyang dumighay nang malakas.

"Sinaing na tulingan lang 'yan, sarap na sarap ka na?" Natatawang wika ko, "eh 'di hamak namang masasarap ang pagkain sa palasyo ng amo mo at sa bahay mo. Pero alam mo, naiinggit ako sa mga pananim mo, kaya nga namili ako ng mga buto at ugat ng iba't ibang mga pananim sa kabilang ibayo kahapon. Uumpisahan ko na ngang dukalin at gawin taniman ng mga gulay itong malaking bahagi ng likod-bahay ko."

"Talaga? Tutulungan kita."

"Naku ha. Umuwi ka na at magpahinga 'no. At saka, baka hinahanap ka na ng hinayupak mong amo. Mamaya niyan mapagalitan ka pa dahil sa 'kin. Kaya ko na 'yun. Ang dami mo nang nagawang mabibigat dito, tama na 'yun. Malaking tulong na sa 'kin 'yun."

"Ah hindi." Anito, habang tumatayo na upang hakutin ang pinagkainan namin sa batyang may tubig sa kusina. "Uuwi lang ako saglit para kumuha ng mga preskong damit, pati na rin ng mga asarol at iba pang mga kagamitan para sa gagawin nating proyekto. Tutulungan kita. Magdadala na rin ako ng mahahabang patpat na puwedeng pagapangan ng mga sitaw. Pati na rin ng mga pataba sa lupa para sigaradong maganda at malulusog ang tubo."

"Ha? Parang sobra-sobra na yata 'yan." Tinulungan ko ito sa paghuhugas ng pinggan, "nakakahiya na masyado 'yan. Baka hindi ko na makayanang gantihan ang mga ginagawa mo para sa akin."

"Hindi mo kailangang gantihan ang tulong ko sa 'yo. Gusto ko 'tong ginagawa ko kaya pabayaan mo na ako na tulungan ka. Tutal, pakakainin mo rin naman siguro ulit ako kapag namunga na ang mga pananim natin, 'di ba? Eh 'di 'yun na lang ang kapalit."

"Hay, ewan ko sa 'yo Luis. Nawiwirduhan ako sa 'yo. Mas di hamak na mas marami kang mas kapakipakinabang na maaaring gawin sa Edenus, tapos narito ka at nagsasayang ng oras para tulungan ang isang patay-gutom na hampas-lupang ulila."

Bigla itong tumahimik, bagaman tuloy-tuloy pa rin ito sa pagkilos; sa pagtutuyo ng mga pinggang nabanlawan.

"Hoy." Siniko ko ito, "ba't natahmik ka riyan? May nasabi ba akong masama?" Nakaramdam ako ng pag-aalala.

Tinapos muna nito ang ginagawa bago ako nito hinarap. Seryoso akong tinitigan nito. "May nakalimutan kang idadagdag..." bigla itong bumungisngis. "Nakalimutan mo ang titulong, ang pinakamagandang manananggal sa balat ng lupa!" Saka ito humalakhak.

Sinuntok ko ito sa braso, "Alam mo ikaw? Mukhang anghel ka lang pero ugaling halimaw!" Humalakhak ako, "Langya ka, akala ko seryoso ka na."

"Eto seryoso na ako." Pilit itong sumisimangot pero hindi pa rin nito mapigilan ang pagtawa.

"Para kang sira. Makapunta na nga lang sa batalan. Maliligo muna ako. Amoy ulam ako. May itinira ka pa namang tubig sa drum 'di ba?"

"Naku, inubos ko na yata." Tumatawa pa rin ito kaya alam kung nagbibiro pa rin ito.

"Langya ka talaga." Nagtungo na ako sa aking silid upang kumuha ng bagong damit at tuwalya. Kumuha na rin ako ng bagong sepilyo at dentipriko (1) para sa kanya. "O heto." Iniabot ko ang mga iyon sa kanya sa paglabas ko sa silid, "magsepilyo ka na. Ang baho ng hininga mo, amoy tulingan, kadiri!" Pangangantiyaw ko.

Nasamid ito sa pagtawa dahil iniabot ko ang mga iyon habang umiinom ito ng tubig.

"Eh ikaw," balik nito sa akin, "maligo ka na rin. Amoy tulingan din 'yang kilikili mo. Ang baho!"

Palabas na ako at lahat patungong batalan ay napahagalpak pa ako ng tawa. "Bastos kang hinayupak ka! Nakikiamoy ka na nga lang nagrereklamo ka pa!"

Nasa labas na ako ay naririnig ko pa ang ihit nitong pagtawa na tila ba malalagutan na ito ng hininga.

****

"Senda!" Sabay katok nito habang nagsusuklay ako sa loob ng aking silid.

"Bakit?" Tugon ko.

"Senda!" Sinundan muli ito ng pagkatok.

"Bakit sabi?"

"Senda!" Muli itong kumatok.

Nainis na ako kaya pinagbuksan ko na ito ng pinto sabay bulyaw, "bakit sabi!"

"Senda!" Sabay kinatok nito ang noo ko. Saka ito umupo sa sopang kawayan at pigil-tiyang humagalpak ng tawa.

Napatawa ako kahit na gusto kong mainis at magsungit sa kabuwisitan. Ang kulit. Parang bata. Hindi ko tuloy masuklay nang maayos ang buhok ko. Sa pag-aalalang kakatukin ulit ako ay doon na ako naupo sa salas upang ipagpatuloy ang pagsusuklay ko.

"Anong tatak ng katol ang tinira mo, Luis, ha? Grabe ka! Sa sobrang dami ng ginawa mo dapat humihilik ka na ngayon ah. Ba't gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog. Namamahay siguro ako. Kailangan siguro, dito muna ako tumira ng mga sampung araw bago ako masanay. Hindi ka pa rin naman inaantok 'di ba, magkuwentuhan muna tayo rito."

"Ang sabihin mo, hindi ka sanay matulog sa sahig o kahit sa papag. Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabi ko sa 'yo, umuwi ka na lang dahil mas 'di hamak namang masarap matulog sa kutson."

"Masarap palang matulog sa kutson, ba't 'di ka bumili ng kutson?"

"Eh saan ba ako bibili ng kutson dito at paano? Wala namang nagrarasyon dito, 'di tulad ng isang tao riyan, may barko at iba't ibang sasakyan, at maraming puwedeng utusan!"

"Dapat meron ka rin ditong pridyider."

"Bulag ka ba? 'Di mo ba nakikitang gasera lang itong ilaw natin ngayon. Wala pang kuneksyon ng kuryente rito."

Sandali itong natahimik, tila may malalim na iniisip.

"Ano bang nagustuhan mo rito sa San Gabriel? Hindi ka ba nasasabik sa buhay mo sa siyudad?"

"Kung minsan, nami-miss ko ang manirahan sa Maynila. Pero minsan lang 'yun dahil mas marami akong ayaw sa buhay sa siyudad. Una, ayoko sa ingay. Pangalawa, ayoko sa pulusyon. Ikatlo, ayoko sa sobrang matao dahil marami ring krimen at kaguluhan. Ikaapat, ayoko ng sobrang bilis at komplikadong buhay na hindi mo na halos napapansin ang natural na ganda ng mundo. At ikalima, wala namang akong matutuluyan 'don dahil hindi kami magkasundo ng kuya ko. Itong lupang ito lang ang meron ako kaya sabihin na nating hindi nga madali ang mamuhay ng mag-isa rito, o kahit na kung may kasama, wala naman akong ibang mapagpipilian kay ayos na rin 'to. Hindi naman ako nagugutom dahil mayro'n naman akong maliit na pinagkakakitaan."

Muli itong tumahimik.

"Eh ikaw." Pagbasag ko sa pananahimik nito, "alam mo nang hindi masyadong kumportable dito sa kubo ko at wala ka namang mapapala sa pakikipagkaibigan mo sa akin. Napakaginhawa na ng buhay mo doon sa Edenus, pero bakit nandito ka?"

Nilingon ako nito at tinitigan, "balewala ang kahit anong bagay, ginhawa man, yaman, katanyagan at kapangyarihan sa mundo kapag hindi ka masaya."

"Bakit, hindi ka ba masaya?"

Nagbuntong-hininga muna ito bago umiling ng marahan, "pero masayang-masaya ako kapag kasama kita. Kaya kung nasaan ka, ang gusto ko, nando'n din ako."

[ITUTULOY]

Footnote:

(1) Dentipriko - Toothpaste in English. 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

397K 6.7K 25
WARNING! THIS STORY ISN'T COMPLETE ANYMORE AND ALREADY PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. THE ENDING WAS DELETED... _______________________________________...
3.7M 64.4K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
390K 9.5K 67
You will never know if the person you first met is your true love or just a way to see your one true to love in the end. Note before reading: ginawa...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION