Lovelife? Ano 'Yun? ✔

By AegyoDayDreamer

31.3M 569K 57.9K

Journal ng babaeng walang lovelife... More

1: NLSB
2: Wala akong pake!
3: Boring
4: Nakakaturete!
5: Goal
6: Nag-aral o Naglandi?
7: Thank you!
8: First Section
9: First Day-ulit
10: Sitting Arrangement
11: Chismosa
12: Sheesh! Quiet!
13: Bad trip
14: Surprise Quiz
15: 3 Minutes
16: Friend?
17: Lunch Together
18: P.E.
19: Sorry
20: Long Quiz
21: Election Week
22: Flyers
23: Wrong Name
24: Secret!
25: Election Day
26: First Kiss
27: Breaking News
28: Missing You
29: Mel!!!
30: Ayoko na!
31: Bestfriend!!!
32: Santa Mel
33: Dear God
34: No Title
35: Paalam Na
36: Hi!
37: Wala lang
38: Hindi pa ako ready
39: Sorry at Suhol
40: Nanliligaw
41: Heartfelt
42: TAYO
43: Sign
44: 500
45: Yecats Sevetse
46: Notifications
47: Cute
48: End of the School?
49: Close
50: The Interview
51: G-Tec
52: The Friendly Ghost
53: Badminton
54: Weird
55: Nearsighted
56: Date
57: Record Breaking
58: Death Anniversary
59: 7B's
60: Suntukan
61: Band-aid
62: New Friend
63: PDB
64: Boy Friends
65: Red Alert
66: Bad Influence
67: Taguan
68: Unfriend
69: Alibi
70: Karma
71: It's Over
72: Anak ng Pasig!
73: Tomboy
74: Kiliti
75: Long Day
76: Abnormal
77: Moses
78: Kaaway
79: BFQ?
80: Red and Blue Corner
81: Boy's Talk
82: Ara's Best Friends
83: Count Me In
85: Aftershock
86: Barkada Ko
87: Kaibigan VS Ka-Ibigan
88: Date???
89: Muling Ibalik
90: I Love You...
91: 50 Facts About Deane
92: Heart
93: Group Study
94: Time Check
95: Alam Mo Ba...
96: Journal Ko!
97: Poker Face
98: Walang Halong Malisya
99: Sembreak
100: Sticky Notes
101: Sticky Guy
102: Madamot
103: Deep Inside
104: Isnabera
105: Questions & Answers
106: Since Last Year
107: Liam Torres
108: Sumpa
109: Tore
110: King Of Depression
111: Good Morning!
112: Safe
113: Dahil...
114: Little Secret
115: Piece Of Advice
116: Six Months
117: Celebration
118: Walang Makakapigil
119: Kusang Loob
120: Ikaw? Ako? Kami.
121: Stace
122: Hindi Sinasadya
123: Mga Balita
124: Deal
125: Bitag
126: Dalaw
127: Girl's Talk
128: Hindi Na Ako
129: Newest Addition
130: Stupid
131: Lovelife?
132: Iyak Na
133: Maagang Regalo
134: Trip Lang
135: Noche Buena!
136: Parusa
137: New Year's Resolution
138: INTENSE 'TO! PROMISE!
139: Ghost Writer
140: Suplado
141: Jam-packed!
142: Recess Date
143: Japan
144: Saling-pusa
145: Hindi Na
146: Huli Na 'To
147: Love
148: Foundation Week - Day 1
149: Foundation Week - Day 2
150: Foundation Week - Day 3
151: Foundation Week - Day 4
152: Foundation Week - Last Day
153: Lihim by Ymagesa
154: Buwan Ng Mga Puso
155: Bitter
156: Proposal
157: Apple Of The Eye
158: Nakaka...
159: Emergency
160: Prom Night
161: Nagtitipid
162: School Retreat - Day 1
163: School Retreat - Day 2
164: School Retreat - Last Day
165: Graduation
166: Despedida
167: A Letter To Deane Carrasco
168: Notes To Yecats
169: Reunion
170: Last Entry

84: Unang Kilig Show

170K 3.3K 343
By AegyoDayDreamer


Kumpleto na ang cast para sa aming palabas. Heto ang mga roles namin for today.

KASPER – Leading man (pero 'di niya alam)

ARA – Leading girl (pero 'di niya rin alam)

DEANE – Kontrabida (kunwari)

MINA & ROSE – Supporting role (in short, mga taga-sulsol)

AKO – Confidant (ng leading man)

LAHAT NG ESTUDYANTE – Audience


ACT. 1: Bago magsimula ang klase, nakipagkita sa amin si Deane. Nag-prisinta siyang tulungang bitbitin ang mga gamit namin. Gaya ng nasa plano, tumanggi ako, si Mina at si Rose kaya gamit lang ni Ara ang binitbit niya.

Pagdating namin sa classroom, tamang-tama na nasa pwesto na niya si Kasper. Una niya akong nakita pero agad siyang umiwas ng tingin. Pero napansin niya rin ang pagdikit ni Deane kay Ara at laking pagtataka nito.

DEANE: Grabe, ganito ba kabigat binubuhat mo araw-araw?

ARA: Oo. Pasensya ka na ah.

DEANE: Okay lang.

ARA: Salamat, Deane.

DEANE: Kita na lang tayo ulit mamayang recess. (Saka siya nagpaalam sa amin)

Pag-alis ni Deane, on cue naman sina Mina at Rose sa pasimple ang panunukso at sadyang nilakasan talaga nila para marinig ni Kasper.

MINA: Haba ng hair, Ara babes!

ARA: Huh? Pinagsasabi mo?

ROSE: Pahatid-hatid kunwari. Pabuhat-buhat ng gamit. Dyan nagsimula 'yan eh!

ARA: Hoy, magsitigil nga kayo! Mapagbigay-malisya!

Palihim namana akong napangiti nang mapansin ko ang epekto ng eksena kay Kasper. Yumuko siya at kunwari ay nagtulug-tulugan. Nagtinginan kami nina Mina at Rose dahil sa magandang simula ng aming palabas.


ACT. 2: First recess. Pina-intense pa namin ang karakter ni Deane sa palabas. Kunwari, mayroon siyang music na gustong ipakinig sa amin. As usual, tumanggi ako, si Mina at Rose na makinig kaya si Ara lang ang nakinig.

Nagtabi silang dalawa, gumamit ng iisang headset and boom! Nakita ulit ni Kasper ang eksena. Halata ang padabog niyang lakad palayo sa amin.


ACT. 3: Lunch break. Kapag hindi pa tumalab ang pagpormang gagawin ni Deane kay Ara, ewan ko na lang talaga!

DEANE: Anong gusto mong kainin? Sagot ko na!

ARA: Ha? Bakit?

DEANE: Kailangan bang may dahilan para ilibre ka? Kayo ba? (Tanong niya sa amin)

MINA & ROSE: We're good! (May obvious na mapang-asar na ngiti. Kunwari ay kinikilig)

AKO: (Nakigaya na rin sa ginagawa nila) May baon ako.

DEANE: Okay! Tara na, Ara! (Inabot ang kamay ni Ara at sadya pa talagang dumaan sa harap ni Kasper)

This time, hindi na talaga maipinta ang mukha ni Kasper nang makita niyang magkaholding-hands sina Deane at Ara. Hindi na nga ito kumain at nag-walkout na lang bigla.

MINA: Oh my gosh! Ang galing ni Deane umarte! Kung hindi ko pa alam 'to, iisipin kong pinopormahan na niya talaga si Ara!

ROSE: Pero the best 'yung reaction ni Kasper! Hahaha! Stacey, anong masasabi mo?

AKO: Um... susundan ko na ba si Kasper?

MINA: Ay oo nga pala! Go!

ROSE: Galingan mo ah! Good luck!


ACT. 4: Sinundan ko si Kasper. Sa likod ng school building siya nagpunta at nadatnan ko siyang nagwawala. May hawak siyang stick at pinagsasaksak ang lupa. Medyo nakakatakot ah!

AKO: Ka—Kasper...

KASPER: Stacey? Anong ginagawa mo rito? 'Di ba kasama mo sila?

Nang mapansin ni Kasper na nakatingin ako sa stick na hawak niya, agad niya itong itinapon.

KASPER: Hindi ka dapat nandito. Kapag nakita na naman nila tayong magkasama, aasarin na naman nila tayo.

AKO: Ano naman?

KASPER: Okay lang sa 'yo?

AKO: Hindi okay sa akin. Pero hindi rin naman ako apektado. Hindi naman kasi totoo.

KASPER: (Biglang napasalampak sa lupa) Sorry sa ginawa ko kahapon, Stacey. Akala ko lang kasi na kapag nalaman mo na may ganung issue, magagalit ka sa akin. Sorry talaga.

AKO: (Lumapit na ako sa kanya) Okay lang. (At huminga muna ng malalim para masabi ko ang susunod kong linya) May paraan naman para mapatunayan natin sa lahat na mali ang inaakala nila tungkol sa atin.

KASPER: Anong ibig mong sabihin?

AKO: Si Ara. Wala ka ba talagang balak magtapat sa kanya?

KASPER: (Biglang nabugnot ulit ang itsura at ginulo pa ang sariling buhok) 'Yun nga eh! Alam mo namang ang tagal ko nang gustong umamin, 'di ba? Hindi lang ako makahanap ng tyempo! Tapos ngayon si Deane pa... (Saka tumingin sa akin) Bakit nga ba pinapayagan mo si Deane na gawin 'yun sa Ara ko?

AKO: Bakit ako? Hindi ba dapat ikaw ang may dapat gawin para sa 'Ara mo'? At anong tyempo pa ba kailangan mo? Sige ka! Kapag pinatagal mo pa, baka maagaw na talaga siya mula sa 'yo.

Natahimik si Kasper. Nag-isip sandali. At nang muli niyang iangat ang ulo niya, nakita kong nag-aapoy na sa determinasyon ang kanyang mga mata. Naks!

Pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at...

KASPER: Tara, Stacey!


ACT. 5: Teka! Hindi ko napaghandaan ang eksenang ito!

Hindi ko in-expect na magkahawak-kamay kaming maglalakad ni Kasper papuntang cafeteria! Nang makita nga kami nina Eliseo, kinantyawan kami agad ng mga ito pero hindi lang sila pinansin ni Kasper. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa malapitan na ulit namin ang pwesto nina Deane, Ara, Mina at Rose.

Naabutan pa nga naming sweet pa rin si Deane kay Ara, pero nang makita niya kaming papalapit ni Kasper, nag-iba bigla ang reaksyon nila.

KASPER: Hoy pards? Anong sa tingin mo ginagawa mo?

DEANE: (Hindi nakasagot. Napatingin siya sa kamay namin ni Kasper na magkahawak pa rin)

KASPER: Ngayon, alam mo na kung anong pakiramdam?

Nawala na sa karakter niya si Deane at iniwan na si Ara. Paglapit niya sa amin, pinaghiwalay niya kami ni Kasper.

Hindi na rin kasama ito sa na-imagine naming eksena nina Mina at Rose. Tinignan ko nga sila para manghingi ng advice pero sa titig pa lang nila sa akin, parang sinasabi nilang 'go with the flow'na lang muna ako. Bukod doon, nasa amin na rin kasi ang atensyon ng lahat ng tao ngayon.

Seryosong nagtitigan sina Deane at Kasper sa isa't isa. Parang anytime, mauuwi na sa sapakan ito pero...

KASPER: Walang namamagitan sa amin ni Stacey dahil magkaibigan lang kami! Hinipan ko lang ang mata niya doon sa picture na nakita niyong naka-post online! (Ipinagsigawan niya sa lahat ng tao sa paligid) At isang babae lang ang gusto ko...

Noong time na 'yun, dumagundong na ang puso ko. Mamatay-matay na rin sa kilig sina Mina at Rose at lahat na ay nagtilian nang lumapit na si Kasper sa babaeng tinutukoy niya. Aaminin ko. Sa unang pagkakataon, pati ako ay kinilig na rin.

KASPER: Ara...

Inabot ni Kasper ang kamay ni Ara at halatang nagulat at nag-kulay pula naman ang mukha nito. At grabe! Pati ako ay pigil-hininga na rin sa mangyayaring pagtatapat pero laking pagkadismaya ng lahat nang mapagpasyahan nilang mag-usap ng pribado. Ayaw lang mag-share ng moment!


ACT. 6: Nakapagtapat na rin sa wakas si Kasper kay Ara at mabilis na kumalat ang balita na magliligawan na ang dalawa.

'Yung tungkol sa issue sa amin at 'yung picture, tuluyan na ring na-klaro at maibabaon na sa limot.

Nalaman din nina Kasper at Ara na pinlano namin ito para sa kanila. Syempre, binulyawan nila kami pareho pero ang mahalaga, naayos ang lahat at happy ending ang palabas!





But wait... TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]