HIGHSCHOOL: SECRETARY

بواسطة AnelSenyorito

13.4K 504 294

Dahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento... المزيد

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 8

706 20 18
بواسطة AnelSenyorito

“Bakit mo ginawa yun .“ Mahina kong sabi.

Agad naman siyang sumagot.

“Hindi ko hahayaang may gagawin siya sa girlfriend ko gelo, pasensya na.“ Mahina niyang sabi.

Biglang lumaki ang aking mga mata sa narinig.

“Kung ganun, lovers pala kayong dalawa? Ibig sabihin nakiki third wheel ako sa inyo?“ Sabi ko.

Natawa naman siya at sumagot.

“Pwedeng oo, pwede ring hindi. Sekreto pa kasi ang relasyon namin dahil napakaganda ng babaeng yun, muse nga diba, at ang daming nanliligaw sa babaeng yun, pero sabi niya ay ang strict daw ng mama niya. Pag nalamang sumabak na siya sa ganitong relasyon ay malamang pagagalitan yun, kaya naintindihan ko.“ Sabi niya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya, kaya pala ang dali lang uminit ng ulo niya noong binast*s ng lalaking yun si charity.

Ilang segundong pag hihintay ay napansin naming wala nang zombie ang dumadaan patakbo, kaya agad na kaming bumaba. Tiningnan ko ang kanan samantalang si sarge sa kabila.

“Cleared!“ Sabi ko.

“Same here gelo, oras na para humanap ng safe room sa first floor.“ Sabi niya.

“Hindi ba natin babalikan si charity?“ Tanong ko.

Umiling lang siya at sumagot.

“Wag na, safe na siya doon. Baka makagat pa ehh. Dapat ako lang.“ Sabi niya.

Bigla akong napalingon sa sinabi niya pero pinigilan niya ang ulo kong humarap sa kanya, kaya natawa nalang ako at dito nga ay tiningnan namin ang unang room, may mga zombie sa loob. Kaya nilock namin ang pinto para hindi makalabas.

Ganun rin sa 2nd room, 3rd, 4th room. Kaya sa pangkalimang room ay dito na kami nakapasok dahil walang niisang tao, pero bukas naman ang pinto.

“Mukhang safe dito.“ Mahina kong sabi.

“Oo nga, tingnan mo nga ang cr.“ Sabi niya.

Agad ko namang pinuntahan, at dito nga ay sa pag bukas ko ng pinto, tumambad sa harap ko ang dalawang babaeng nakàhub0't hûb4d habang nag hahalikan.

Biglang lumaki ang mga mata ko tsaka ko sinara pabalik ang pinto.

“AAAHHHH!!..“. sigaw nung babae.

“H-hoy! Wag kang sisigaw! Baka marinig ka ng zombie!“ Sagot ko habang nakatingin kay sarge.

“Bast0s!!“ Kunting sabi nung babae.

Agad namang natawa si sarge at dali daling nilock ang pinto sa labas dahil sa sigaw na yun.

“Hahaha! Nag loving-loving ba gelo?“ Natatawa niyang sabi.

Tumango ako habang nahihiya.

“HAHAHA! Bakit ba puro nalang nag loving-loving ang mga studyante ngayon ha!?“ Sabi ni sarge at nagsalita pa.

“Lahat nalang yata ng studyanteng buhay pa ay nag loving-loving sa mga oras na to!“ dagdag niya.

Namula mula ang magkabila kong pesnge dahil nakita ko ang apat na naglalakihang bundok sa harap nila.

Pagkatapos nun ay agad na lumabas ang dalawang babae sa loob ng cr na nakabihis uniform na, at kitang kita sa mukha nila ang pagkahiya, kahit ako ay nahihiya rin.

Kaya agad namang nagsalita si Benedict.

“Napaka careless nyo namang dalawa.“ Sabi ni sarge at nagsalita pa.

“Buti at walang nakapasok sa room habang nasa loob kayo ng cr.“ Dagdag pa niya.

Bigla namang sumagot yung boyish na babae.

“Actually, puno ito ng mga zombie, kaya nga kami nag tago sa cr diba? Kaya nagulat talaga ako noong may nag bukas ng pinto sa cr.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Paano ninyo nagawang pumunta dito? tsaka nasaan na ang mga ka-klase naming infected?“ Tanong niya.

Huminga ng malalim si Benedict at sinabi ang nangyare kanina, pagkatapos ng pag uusap na yun ay na kumbinsi naman namin silang dito na muna kaming lahat pansamantala, kaya dali dali naming pinuntahan sila charity at ang anim na babaeng kasama niya doon sa second floor, tsaka namin pinababa sila justine doon sa taas.

Pagkatapos namin lumipat ay tsaka lang namin pinagplanuhan ang susunod naming gagawin.

At dahil may na dagdag na anim ay na dagdagan rin kami ng dalawang grupo, pero pansamantala lang sila dahil hindi sila sasama samin, napakahirap daw ng plano naming hanapin yung ugat ng lahat ng ito (si alisa).

“Ang susunod nating gagawin ay dapat may isang grupo ang pupunta sa canteen, dahil nandoon ang mga de latang pagkain at mga noddles.“ Sabi ni pres.

“Sinong grupo ang willing pumunta doon?“ Tanong ni justine.

“Kami nalang.“ Sabi ng isa pang sargent at arms namin na si Michael.

“Sge, paano nyo naman gagawin yun?“ Tanong ni pres.

Napailing si micheal at sumagot.

“Ewan, napakahirap naman nito dahil kailangan pa namin pumunta sa kabilang building.“ Sagot niya.

“Yup, kaya ba ninyo ang misyon?“ Sabi ni pres.

Tumango lang si micheal at ang dalawa naming kaklase na kasama niya.

“Sge, ikaw na ang bahala mic.“ Sabi niya.

Ngumiti lang si micheal at dito nga ay sinimulan na nila ang misyon nila.

*MICHEAL's POV*

Agad na kaming lumabas sa room since safe na ang daan, pero sa gitna ng paaralan kung saan may napakalaking space dahil doon kami mag li-linya pag nag flag ceremony ay may mga zombieng nagpalakad lakad.

“Paano tayo makakatawid dyan? Im sure na pag nakita nila tayo ay agad yang tatakbo palapit satin.“ Sabi ni drake.

Agad kaming pumasok ulit sa room na ipinagtaka nila at nag hanap ako ng posibleng pamalo pag nakalapit na samin ang mga zombie.

Ilang segundo lang ay wala akong mahanap kundi walis kaya yun nalang ang kinuha namin, bawat isa sa aming tatlo ay may hawak na walis.

At dito nga ay sinimulan na namin ang misyon, lumabas kami habang tumatakbo at hinahabol naman kami ng mga zombie nang narinig nila ang ingay ng yapak namin. Yung iba ay sinalubong pa kami.

“Bilis!! Bilisan ninyong tumakbo!!“ Sabi ko.

The more na maraming zombie ang makakakita samin ay the more na dadami ang humahabol, dahil umu0ng*l kasi sila kaya marinig talaga ng iba.

Habang tumatakbo kami ay paiba iba kami ng direksyon dahil sa mga zombieng sumasalubong samin, hanggang sa nakarating na nga kami sa kabilang building pero ang problema naman namin ngayon ay yung mga zombie sa harap ng mga room, nakikita nila kami kaya imbes na didiretso kami sa canteen ay hindi namin magawa.

Sa kaliwa ay may zombieng papalapit, sa kanan ay ganun rin, kaya wala kaming pagpipilian kundi harapin ang zombie sa harap at papasok kami sa room kung saan ang mga zombie sa harap ay naka harang.

Wala kasi kaming ibang choice, di pwedeng babalik kami dahil may maraming zombie sa likod. In short, na trap kami.

“Kyaaahhh!!“ Sigaw ko sabay palo nung walis sa ulo, pero parang hindi naman effective kaya binitawan ko ang walis tsaka ko sinapak sa ulo ang zombie dahilan para matumba.

Pero hindi lang naman isa ang zombie, kaya agad akong lumingon sa dalawa kong kasama at dito nga ay pinag tutulungan nilang itulak ang mga zombie sa pamamagitan ng walis, kaya dali dali ko silang nilapitan tsaka ko pinag sasapak sa ulo ang mga nasa harap nila para matumba.

“BILIS!! BUKSAN NYO NA ANG PINTO!!“ Sigaw ko at hinarap ko ang mga zombie na isa isang lumalapit sakin.

“Pero sarge! May zombie rin sa loob!“ Sagot ni drake.

“Wala na tayong oras!! Bilis naaa!! Makakalapit na ang isang daang makmak na zombie!!“ Sigaw ko dahil nagsimula na akong kabahan, palapit na ng palapit ang mga zombie sakin.

Nang makabangon na ulit ang una kong sinapak ay agad siyang sumugod sakin pero sinapak ko lang ulit para matumba tsaka ako tumingin sa kanilang dalawa, pero pag tingin ko ay nakatitig lang sila sa loob. Kaya agad kong nilapitan tsaka ko binuksan ang pinto, at dito nga ay nakalapit na samin ang mga zombie sa kaliwa at kanan.

Agad kaming pumasok sa loob, at bago pa ako tuluyang makapasok ay nahawakan ako ng mga zombie at sumabit sa kamay nila ang damit ko dahilan para hindi masara ang pinto, kasabay ng pag lapit pa ng ibang mga zombie sa loob.

Agad kong hinubad ang damit ko tsaka ko hinarangan ang pinto dahil hindi masara, makaharang yung mga kamay nila.

“Sargeee!! Tulongg!!“ Sigaw ng isa sa kasamahan ko, at dito nga ay pinag tutulungan nilang itulak ang apat na zombie na nasa loob gamit ang upuan.

“Kaya nyo na yan!!“ Sabi ko dahil hindi ko magawang umalis sa likod ng pinto dahil pinipigilan ko silang makapasok.

“Sargee!! Hindi talaga namin kaya!!“ Sigaw ni drake habang pinag tutulak nila ang mga zombie palayo gamit ang upuan.

Medyo nawawalan na ako ng lakas, dahil bukod sa napakaraming mga zombie ang nasa labas ay sumisigaw rin ang dalawa kong kasama, dahilan para magsi-tulakan pa ang mga zombie na pumasok sa loob.

“Pwede ba! Tumahimik kayo at tumigil na kayo sa kakatulak!“ Sigaw ko at nag bigay ng paraan para matalo nila ang mga zombie sa loob.

“Ipalo nyo yang upuan sa ulo para mawalan ng malay! Mag isip naman kayo!“ Sigaw ko sa inis at dito nga ay unti unti nang nabuksan ang pinto dahil wala na akong lakas.

Agad naman nilang pinag papalo ang mga zombie sa ulo pero hindi ito natutumba, kaya medyo umiinit na ang ulo ko.

“Lakasan nyo!! Paano nyo mapatumba yan kung para kayong babae kung umasta!“ Sigaw ko pa at dito nga ay nabuksan na nga ng kaunti ang pintuan tsaka may mga ulo at katawan na ng mga zombie ang nakapasok sa loob, maliban sa katawan nila.

Pilit nila akong inaabot, kaya pilit ko ring tinulak ang pinto habang unti unting umiiwas sa mga kamay nila, hanggang sa sumigaw ng napakalakas si drake at dito nga ay hinampas niya ng napakalakas ang isang zombie sa ulo dahilan ng pagkabasag nito.

“Ganyan nga!! Magpakalalaki kayo!!“ Sigaw ko pa at dito nga ay naabot na ng isang zombie ang balikat ko.

“Aarrggg!!“ Sigaw ko at napapikit ng mata, inubos ko ang lakas ko sa kakatulak sa pintuan.

Inisa isang pinag hahampas ni drake ang mga zombie samantalang yung isang kaklase namin ay ginawang shield ang dalawang upuan para hindi sila maabot ng zombie.

Ilang Segundo lang ay napatumba na nila ang apat na zombie kaya dali dali nila akong nilapitan at tumulong sila sa kakatulak ng pinto.

“Wag kayong tumulong!! Kunin nyo ang teacher's desk!“ Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Agad naman silang umalis at dali dali nilang kinuha ang teachers desk, pero napakabigat nito dahil sa mga librong nakapatong kaya medyo natagalan silang itulak ang mesa.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ito, tsaka tiningnan ko ang mga kalmot sakin ng mga zombie at namumula na ang katawan ko, kunti nalang at magiging sugat na ang mga kalmot nila sakin.

“Bilis!“ Sigaw ko.

Pilit nilang pinagtutulak ang desk hanggang sa makarating na sa pinto at dito nga ay ginawa naming pang harang ang mesa sa pintuan, at para makasigurado akong hindi nila mabuksan ang pinto ay nilagyan pa namin ng mga upuan para talaga bumigat.

At dito na ako napahinga ng maluwag, napaupo ako sa sahig habang wala nang lakas. Tiningnan ko yung apat na zombie pero kumikilos pa sila.

Kaya naman pilit akong tumayo at kahit wala na akong lakas ay kumuha pa rin ako ng upuan at ginamit ko ang natitira kung lakas para ihampas ang upuan sa mga ulo ng zombie.

At dito nga ay agad akong nahiga sa sahig dahil sa kawalan ng lakas, tsaka napansin ko si drake ay nakatingin lang sakin.

Natapos ang lahat ng walang nakagat saming tatlo.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa, tsaka ako nagsalita.

“Nice one guys!“ Sabi ko at pinikit ko ang mga mata ko para makabawi ako ng lakas.

At kalaunan ay nakatulog ako.

*DRAKE' s POV*

Napaupo nalang ko sa kaba, grabe ang pangyayaring yun. Halos maiihi ako sa takot.

Tumingin ako kay oliver at ganun rin siya, parang parehas kaming dalawa na napipilitang lumaban kahit hindi namin kaya.

Natawa nalang ako dahil hindi ko ini-expect na makayanan namin yun.

Ilang minutong pag papahinga ay agad akong tumayo para magpunta sa cr, di ko na kasi mapigilan ang ihi ko kaya nang makarating na ako sa cr ay agad kong binuksan ang pinto.

Pag bukas ko ng pinto ay agad na lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang pusang kinakain ang tyan nung babaeng Nakahandusay sa sahig na wala nang buhay.

Sa curiosity ko ay agad kong nilapitan ang pusa, at nang makalapit na ako sa kanya ay dito na ako nagulat, dahil kulay puti ang mga mata niya. Kagaya ng mga mata nung zombieng nakaharap namin.

To be Continue...

PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!

SENYORITONG ANEL.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4M 196K 101
✅ "We always long for the forbidden things." 𝐝𝐲𝐬𝐭𝐨𝐩𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐯𝐞𝐥 ↯ ⚔︎ ʙᴏᴏᴋ ᴏɴᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴡᴏ ᴄᴏᴍʙɪɴᴇᴅ ⚔︎ ...
1.7K 196 28
What if ipinaglaban ko kami? What if hindi ako naging duwag noon? What if bumalik sya? What if kami parin? Ikaw? Anong what if's mo? WARNING: RATE...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
FEIGHT (Famous Eight) بواسطة Mac

قصص المراهقين

625K 39.2K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...