Full of Secrets

By kalilalily

35.2K 309 36

Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this scho... More

Prologue
CH 1
CH 2
CH 3
CH 4
CH 5
CH 6
CH 7
CH 8
CH 9
CH 10
CH 11
CH 12
CH 13
CH 14
CH 15
CH 16
CH 17
CH 18
CH 19
CH 20
CH 21
CH 22
CH 23
CH 24
CH 25
CH 26
CH 27
CH 28
CH 29
CH 30
CH 32
CH 33
CH 34
CH 35

CH 31

680 3 2
By kalilalily

[Kash's POV:]


Hindi ko pa rin maalis sa paningin ko ang initan sa pagitan ng mga manlalaro, lalo na si Asher na hindi na nito natitiis ang inis at konti nalang ay mananapak na. Maraming mga tanong ang pumapasok sa utak ko dahil sa nangyayari ngayon, una palang talaga ng laban nila Asher alam na alam ko na may mangyayari talaga. 


At doon nga ako hindi nagkamali, pinagmasdan ko lang sila.


"Bakit?"


Hindi ko maiwasan ang itanong ko sa sarili ko ang tanong na 'yon.


Sa mga kilos palang nila malalakas na sila sa ano mang uri ng laban, dahil saan sila nakakuha ng lakas ng loob para kalabanin ang mga D6 na ito. Asher already gave his best to defeat them but still they can't be defeated.


Habang pinapanood ko ang laro isang lalaki ang umagaw ng atensyon ko, pinapanood niya ang mga magkakalaban dito ngayon na seryosong naglalaro at kahit naka tayo lang siya ay hindi maalis sakanya ang atensyon ng ibang babae.


"I didn't expect that he would be here." I whispered on Freya after seeing a familiar face.


"Sa anong paraan?" Tanong pa niya pero napa-iling din ako knowing that I don't know why he's here right now. "Don't tell me he wanted something?" 


"Something, ano naman?" His faces says it all after what happened to Amara and Kleckz.


Kleckz is Amara's ex-boyfriend.


Their relationship back then was pure.


"Kash," Tumingin ako kay Killian ng tawagin niya ang pangalan ko.


"Bakit?" Tanong ko pa rito, I still don't know what to say right now.


"Kilala mo ba sila?"


That question. Parang na-stuck ako sa tanong na 'yon sa akin ni Killian, kung kilala ko nga ba sila. I looked down as fast as I can pero mabuti nalang ay natanggal ang tingin ko rito ng maagaw nila ang aming atensyon muli.


"Fuck, hindi ba titigilan nung Kleckz na 'yon si Amara?" I heard Jeremiah besides us.


"Mabuti sigurong kuhanin niyo muna si Asher?" Hindi ko alam bakit umalis sa tabi ko si Asher.


"Bakit?" Ezekiel had the nerves to ask me that.


"Huwag na pala," Agad akong umiling dito.


Pinanood ko na kuhanin ni Third si Kleckz sa harapan nila Amara. Hindi ko maalis ang tingin ko rito, he didn't change. Hindi nagbago ang lalaki na ito, cold pa rin ang kaniyang dating until now.


"Third..."


I don't know why I called him out of nowhere, narinig niya ata ang pagtawag ko sakanya kaya bahagya siyang tumingin sa akin.


I bit my lip at that moment at umiwas ng tingin. After what happened, I tried my best to talk to Asher na magpahinga na muna siya since kanina pa siya naglalaro and wala pa siyang pahinga since first quarter.


"Hindi ka pa talaga magpapahinga?" I asked habang pinupunasan ang kaniyang pawis.


"I can't, I'm the captain, I need to win this." His looks says it all, he's literally frustrated right now.


"But Asher, pagod ka na, take some rest muna." Ani ko sakanya and trying my best to calm him down.


"I can't Kash, I want to, pero inaasahan nila ako dito and I can't lose."


I let out a sigh that moment, I understand him since he's the captain ball of basketball kaya hindi siya pwedeng umalis sa gitna ng laro lalo na at isang panalo nalang nila Kleckz ay panalo sila sa unang laban and talo sila Asher.


I have known Asher and nakita ko sakanya na pinaka-ayaw niya sa lahat ang natatalo siya. Hindi siya makakapayag na matatalo siya in anything, he always wants to win. Kailanman hindi ko nakitang nagpatalo si Asher.


"Asher, with or without you, you can win this." 


"Kash, I don't want to lose here, and,"


"Tell me the reason why you don't want to lose?"


His looks, his stare at me. I feel pity, like Asher wanted to cry so bad right now on how he feels. But, I just can't comfort him, not here, not in front of them baka lalong lumala ang away sa pagitan nila.


"I'm scared na baka by chance they will think that I'm weak."


"Asher," How can he think about that?


"And I don't want to lose in front of you, ayokong matalo sa harapan mo kaya as much as I can lumalaban ako because I want to win not for the school but also for you."


Umiwas ako ng tingin sa sinabi nito. I do like him.


Pero parang hindi pa ito ang tamang oras para aminin ang nararamdaman na meron ako sakanya ngayon na parang nag-iiba na ang ihip ng hangin. Since lumalabas kami ng school ay parang lumalala nang lumalala ang pangyayari ng hindi ko namamalayan.


"Win or lose, I'm proud of you." 


I used to hold his hand so he could relaxed for a minute of time. He gave me a small smile that moment before his coach called him.


"I need to go, Kash, I'm sorry kung hindi ako nakikinig. I need to do this, I want to win for you. This game is dedicated for you."


"I'll be watching you,"


Hindi ko inaasahan ang pag-halik niya sa noo ko sa oras na 'yon. Nanlalaki ang mata ko, like hindi ko alam bakit biglaan para akong nabigla sa kaniyang ginawa. It was the very first time na ginawa niya sa akin ang ganon!


"Wait, what just happened?"


I can't process everything that happened that time. Bumalik kami sa upuan namin ni Freya after din mawala nilang dalawa ni Zachariah kanina. Ngayon ay sumama pa muna si Amara sa amin dahil sa pangyayari.


"Patay na patay pa rin ata sayo si Third?" Natatawang tanong sa akin ni Amara, habang sinusulyapan yung kanina kong tinignan na lalaki.


"Tsh, huwag mo na siya idamay dito." Sagot ko nalang sakanya, dahil paniguradong uumpisahan nanaman ni Amara ang asarin ako kay Third.


"Oh, bakit ayaw mo? Oo nga, bakit nga ba binasted mo 'yon?" Tanong niya muli sa akin at napaisip naman ako dahil doon.


I remember those time na Third used to confess everyday but I kept rejecting his feelings towards me. I just can't fall in love with him.


Hindi ko rin alam bakit ko binasted noon si Third, mas nauna ko pa siyang nakilala kaysa kay Asher. Gwapo siya at malakas din ang dating, kaso sobrang yabang na akala niya lahat ay takot sakanya. Nakasuot pa siya ng piercing ngayon at nakatali ang buhok habang naka-headband din.


"Hindi ko nga rin alam at anong katarantaduhan ang pumasok sa ulo ko noon at nagawa kong bastedin ang lalaki na 'yon." Sagot ko kay Amara. "No, I need to do that for the sake of us."


Tinignan ko pa siya muli at ayon nagtama ang mata namin, yung masayang Third kanina ay parang nakakita ngayon ng multo! Bakit? Matagal na rin simula nung huli namin pagkikita, ayun yung araw na binasted ko siya at simula noon nalaman ko nalang na umalis siya ng bansa at nagstay sa Switzerland.


Kumaway siya sa akin at nginitian ko naman ito, buti nalang talaga ay hindi nakita 'yon ni Asher. It's not the same way like before, we're super close back then not until feelings got involved that destroys us.


"Ano sa tingin mo ginagawa niya dito?" Tanong muli ni Amara sa akin dahil nakita niya ang pagkaway ni Third sa akin.


"Kita mong nananahimik na yung tao, pati ba naman ikaw ay pag-iisipan mo ng kung ano-ano." Sagot ko rito at binangga nanaman ako sa balikat.


"Feeling ko kaya bumalik yan," Putol niya sa sasabihin niya at tinignan ako ng nangaasar na tingin.


"Ano sige?" Hamon ko sa sasabihin niya sa akin.


"Malay mo manligaw muli, joke lang!" Pagkasabi niya noon ay agad kong inamba ang kamao ko sa harap niya kaya mabilis niya rin binawi.


"Amara, matagal na ang nakalipas. Bakit parang sa ating dalawa ikaw ang hindi maka-move on sa pass ha?" I backfired.


Narinig ko ang tawa at agree ni Freya on what I said. Amara's eye literally widened after hearing what I backfired on her.


"What?" Nag-kibit balikat pa ako sandali.


"Sabihin mong hindi?" Hamon ko sakanya agad naman niya ako pinandilatan ng mata.


"Joke nga lang di'ba?" Natawa ako sa kaniyang expression.


"Whatever, hayaan mo na si Third kita mong nananahimik na siya eh. Kaya manahimik na rin tayo, okay?" Gusto ko na tapusin ang pag-uusap namin ni Amara patungkol kay Third dahil ayoko na siyang madamay pa muli dahil sa akin.


"Sa tingin mo nagbago na siya?" 


Tanong niya sa akin at deretsong nakatingin kay Third na ngayon ay pinagmamasdan ang laro. That time I saw him smirked a little and I can't help but smirk too.He didn't change, hindi nagbago ang kaniyang ugali.


"Hindi ko alam, siya tanungin mo bakit ako?" Irap na sabi ko rito.


"Dahil ikaw ang niligawan niya." Gusto ko sapukin si Amara dahil walang preno ang kaniyang bibig kung magsalita.


"Alam mo, Amara, manahimik ka na at tigilan mo na si Third dahil naiinis na boyfriend mo." Ani ni Freya dito at napalingon lahat kay Zayden, just like Asher he looks frustrated right now.


"Sa tingin mo saan nag-aaral si Third?" 


Napabuntong hininga ako ng malakas dahil sa mga tinatanong ni Amara talagang hindi niya tinitigilan si Third at mukhang may galit pa ang babaeng ito kay Third. Napangiti nalang ako ng peke kay Freya dahil ayaw tumigil ni Amara kakatanong sa akin.


"Aba, hindi ko alam." Walang gana kong sagot sakanya, konti-konti na rin ako nawawalan ng gana makinig sakanya.


"Hays hayaan mo na nga." 


At mabuti nalang tumigil na rin siya dahil kung hindi lalayasan ko na ito sa oras na magtanong muli siya sa akin about kay Third. Akala ko nga tapos na pero hindi ko inaasahan na bubuntong hininga pa siya kaya napapikit kami ng sabay ni Freya.


"Tatlo ang nag-balikan ha, Tristan, Third, Blaze, ang tanong sino sa tatlo ang magwawagi sa puso ng isang Kash Louisse?"


"Amara,"


I don't like that kind of question. Isa sa mga katanungan na yan ang iniiwasan ko dahil parang hindi ako komportable sa question na 'yon.


"Isama mo pa si Asher." Dinamay pa ni Freya si Asher.


"Damn, three man from the past, 1 from the present. which can be called past versus present. Tristan, the bestfriend from the past. Third, the childhood friend from past. Blaze, childhood past. And lastly, Asher, the enemy from present."


Bahagya ko hinampas si Amara dahil nakuha niya pa talaga ang inisin ako in the middle of the night! Jusko! Walang katigil-tigil ang babae na ito.


Sa saglit na pananahimik namin tatlo lalo kaming nabored kaya wala kaming nagawa ni Amara and Freya kung hindi ang pag-usapan nanaman namin dalawa ang nakaraan namin ni Third. Napaka-sigla niya ngayon na para bang walang nangyari sakanila ni Kleckz kanina.


Hindi ko pa rin matatanggap na sinigawan ako ni Kleckz in the middle of the crowd. Sa mga kwento ni Amara ng nakaraan namin. Hindi ko maiwasan na titigan siya, grabe ang pinagbago niya. Hindi ko alam kung pati ugali ay nagbago na, pero sa pinapakita niya ngayon mukhang nagbago na siya.


"Grabe ang laki ng mundo dito ko pa talaga makikita si Kleckz." Naiinis na sabi ni Amara sa akin habang nakabusangot.


Nabigla nga rin ako dahil nasa Los Angeles siya at doon tumira simula nung naghiwalay sila ni Amara tapos makikita namin na nandito siya sa Pilipinas at mismong sa sports fest pa talaga namin makikita yung mga lalaking pinasaya rin kami saglit.


"Pero ang pinagtataka ko anong ginagawa niya dito? Sa nakikita ko ngayon Kash parang may gusto siya sa mga D6 eh, grabe kung magalit siya kay Zayden." Sunod pa na sabi niya sa akin.


"Kilala mo naman si Kleckz, Amara. Matakaw sa gulo yan, walang gulong pinapalampas si Kleckz, remember?" Pagpapaalala ko sakanya.


"Ayun nga din iniisip ko Kash, dati wala siyang pake sa mga gang gang na yan wala as in siyang pake pero bakit bigla nalang nagbago ang lahat? Simula nung naghiwalay kami wala ako ibang nakuhang impormasyon sakanya kung hindi ang palagi siyang nasa gulo."


"Hindi natin masisisi ang mga lalaki Amara, kung doon sila sumasaya hayaan nalang natin sila sumaya." Dagdag ni Freya dito and I nodded at her.


"Naguguluhan na ako sa nangyayari Kash. Walang ibang ginawa noon si Kleckz sa akin kung hindi ang iligtas ako sa kapahamakan, samantalang ako wala ako nagawa sakanya."


Now, it feels like she got guilty after what happened to him and Kleckz. I saw her guilt on her face. I can't blame her. At first it was Kleckz choice, he chose to save Amara every, every single day or time. 


A man named Kleckz is not easy to defeat nor once, never ever. 


Only one man or one immortal gang can defeat him. 


Look how powerful Kleckz is.


"Bakit, don't tell me nagiguilty ka na for what he done to save you?" Freya and I asked her that makes her quiet.


"I feel guilty, like my love for him back then was not enough." 


"Mahal mo pa ba?"


Hindi ko maiwasan kung hindi ang itanong kay Amara 'yon, even though grabi ang pinagdaanan nilang dalawa and more I know in myself na kahit hindi sabihin ni Amara minahal niya ng sobra pa sa sobra si Kleckz. Amara just can't say something about love, tinatago niya lahat kapag pagdating sa love.


"Amara, huwag mo na balikan ang nakaraan niyo ni Kleckz, nandiyan na si Zayden." Napalingon ako kay Freya sa kaniyang tanong dito. 


Halos hindi na namin na-focus ang pangyayari kung bakit ganito na ang nangyayari ngayon. Hindi ko na rin alam kung saan kami lulugar, parang palala nang palala ang sitwasyon namin tatlo.


"Bakit? Mahal mo pa rin ba siya?"


"Hindi sa ganon, pero nagiguilty ako sa sarili ko. Wala ako ginawa sakanya, ni hindi ako nakabawi sa lahat ng ginawa niya sa akin."


I became quiet, nakagat ko nalang ang aking labi sa oras na 'yon. Damn it, bakit kasi biglaan nalang sila nagpakita, at ngayon pa talaga? Why not, at least magsabi man sila sa amin or inform us para hindi kami nabibigla.


"Amara hayaan mo na, ang importante masaya siya ngayon, masaya ka na rin kalimutan mo na ang nakaraan niyo. Hayaan mo na siya na maging masaya para sa sarili niya."


Natahimik kaming tatlo sa oras na 'yon. We tried to focus ourselves sa laro, everytim I saw Asher na naiinis na dahil sa laro and mukhang may chance naman sila na mananalo sila this quarter kaya hindi ko inalis ang tingin dito.


"Kash-"


"Amara,"


Hindi namin namalayan tatlo na naglakad papunta si Kleckz sa pwesto namin while they were busy playing. Amara wa sabout to asked me something ng mabigla nalang kaming tatlo sa boses ni Kleckz.


"Kleckz, anong ginagawa mo rito?" Umiwas na kami ng paningin ni Freya at that time.


"Can we talk?" Kahit hindi ko makita, I knew na nanliit ang tingin ni Amara dito.


"We already talked Kleckz." I bit my lip, I know how hurt this can be for Kleckz.


"Like, a serious talked. Gusto ko lang malinawan sa lahat,"


"Kleckz,"


"I'm begging you."


Oh my gosh. Hindi ko aakalain na hahantong sa ganito ang lahat! Wala na nagawa si Amara at hindi na siya sumagot dahil mukhang hindi titigil si Kleckz hangga't hindi niya nakukuha ang kaniyang gusto.


Kung tatanungin man ako, sobrang hirap ng pinagdaanan ni Kleckz kay Amara. I witnessed hoe much Kleckz love Amara in the past, dahila siguro bakit hindi niya ito magawang iwan.


"Kash, Freya, iwan ko muna kayo." Baling ng kaibigan ko sa amin. Freya and I nodded at her.


"Kleckz." Aalis na sana sila ng tawagin ni Freya si Kleckz. "Don't hurt her."


Tumango si Kleckz dito at umalis silang dalawa. Pinapanood ko lang ang dalawa na naglalakad palayo sa amin, Kleckz wanted to say everything, lahat ng tinipon niya noon sana mabigyan na siya ng pagkakataon na masabi lahat lahat.


Wala pa sa gitna ng laro ng mapansin ng lahat na agad din nag pa-sub si Zayden para sundan ang girlfriend nito, He was just standing there na para ba ay pinapakinggan ni Zayden ang pag-uusap ni Amara and Kleckz.


Fuck this, sana wala ng dumagdag pa dito.


Ano kayang meron bakit mainit ang dugo nila Kleckz sa anim hindi naman dahil sa nagseselos sila pero mababaw lang na dahilan sakanila ang ganon. Paniguradong may malalim na dahilan bakit ganito ang action nila.


"I think, magkakaroon ng problem nito." Bumulong pa si Freya sa akin.


"Okay naman kayo ni Zachariah 'no?" I asked her, napansin ko kasi na nagpaalam si Zachariah dito na maglalaro siya ng basketball.


"Oo naman, okay kami sa set-up namin na mag-kaibigan 'no." I just licked my tongue inside my mouth that time.


"Wala ba siyang naramdaman after all?" Hindi kasi pala-kwento si Freya.


Natahimik ng hindi inaasahan kaming dalawa sa oras na 'yon. I looked at my friend dahil for sure may naganap sakanila dahil makakasagot naman ito kaagad sa tanong ko kung wala pero hindi siya nakasagot sa akin kaagad at natahimik ito.


"Freya, I told you, it's fine. Imposible na walang confession na naganap."


"He did confessed but I rejected it, gusto ko kaibigan lang kami."


"Bakit?" I want to know the reason if siya pa rin ba bakit Zachariah got rejected.


"Wala akong tiwala sa nararamdaman niya."


Hindi ko naman masisisi ang mga kaibigan ko kung bakit ganito ang nararamdaman nila since all of us got trauma and pain sa past kaya siguro nagiging careful na sila this time. Lumipas ang oras hindi ko maiwasan ang itapat ang tingin ko kay Kleckz. Like, anytime he wanted to cry badly.


Naging masama rin ako kay Kleckz dati pero may rason bakit ko ginawa 'yon, una palang alam ko na kasi na sasaktan ni Kleckz si Amara. Si Amara naman basta kapag pogi ang manliligaw niya go na siya agad kaya ayon, naging sila ni Kleckz, pero hindi nga ako nagkamali na Kleckz is like that, tama ang hinala ko pero there is no cheating happened to them.


After their breakup doon bumawi ng husto si Kleckz kahit wala na sila, nabanat ng husto ang katawan niya sa mga kaaway ni Amara dati. Tumira siya sa Los Angeles para manahimik sa mundo niyang sobrang gulo. 


But now, bakit siya nandito?


Is it because may mga kaaway nanaman si Amara?


Ilang oras pa ang lumipas at nag tie ang laban, nakabalik na rin si Amara na hindi alam ang sasabihin after what they talked about. Nilabas ko pa ang cellphone ko para maglaro saglit doon. Dahil dito namin hihintayin ang anim, katulad ko ay naglalaro din sila sa mga cellphone nila, ilang minuto pa ang lumipas pero nagtataka ako bakit hindi pa sila bumabalik.


Nang sulyapan ko sila ay kausap na nila ng seryoso ang mga kalaban, chill lang ang mga kalaban nila habang ang D6 ay halos gusto na sapakin ang mga iyon. Hindi lang magawa dahil sa madami silang kakampi at ang mga ka-team ng D6 ay nandito sa tabi namin.


"Teka, ano meron?" Mikki asked ng mapansin ang tinginan between D6 and the Lexus.


Yeah, Lexus is here maybe...


"Tara puntahan na natin, baka anong mangyari." Sabat ko sa dalawa kong kaibigan at tinanguan pa ako.


"Gusto ko talaga malaman ang pakay nila eh." Si Freya.


Habang naglalakad kami ay agad na rin umalis ang mga grupo na iyon at agad kaming nilingon ng anim. Nag-dadalawang isip pa ako kung i-congratulate ko ba ang mga ito or hindi, but I still did congratulate them.


"Anong nangyari?" Tanong ko kay Asher. 


Galit pa rin siya hanggang ngayon at nakakuyom pa rin ang mga kamao niya. Natatakot ako na hawakan ang kaniyang kamay dahil baka ano ang magawa niya ng hindi inaasahan. At that moment, I just watched Lexus walked away pero their looks and stare is different.


Parang may gusto silang sabihin na hindi ko masabi rito. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari ngayon, they looked chill like nothing had happened.


"Maduga ang laban, panalo sana kami kaso masiyadong maduga." Inis na sagot niya sa akin, kitang kita ko sa mga mata niya na naiinis talaga siya.


"I mean anong nangyari bakit humantong sa ganito?"


"Una palang binalaan na kami ni coach sa mga ugali nila, habang tumatagal may pinaparating talaga sila sa amin." Aniya.


"Anong ibig mong sabihin?" I chose to stay quiet, I can't break this.


"Gusto nila maghiganti sa pamilya namin, sa amin." 


Freya and Amara hot their attention after what they heard from Asher. For sure ayun naman ang pakay nila all the time. Hindi ko kayang sabihin sakanila na I know them, I know every member of that gang.


I just want to know. 


What is the real reason why they appear again.


"Bakit?" I asked again.


"Ewan ko, hindi na kami nakapagpahinga maya't maya ay may mga kaaway na nakapalibot."


You can sense how angry he was. Bahagya nga akong natakot dahil sa galit niya, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko sakanya this time.


"Asher, calm down." I give everything just to make him calm, but it's not effective at all.


"How? Kung patuloy pa rin nila kami iniinis kahit naman na tapos na ang laban." Inis na sabi niya sa akin at napatingin ako sa mga kaibigan niya sa oras na 'yon.


"Asher, huminahon ka. Ito tubig oh, huwag ka na matigas ang ulo at matatalo niyo rin ang mga yan." Ani ko na sakanya.


"Sana nga Kash, sana nga dahil hindi sila ganon kadali kung kalabanin."


Hindi ako naka-imik na para bang hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniyang sinabi. Mahirap siya na hindi ko masabi, because I am lying. I know how undefeatable Lexus is, fuck, pero hindi ko alam dahil parehas naman sila na mahirap kalabanin.


"I trust you." It's a lie.


That was a lie, it was hard.


Knowing Tristan, Kleckz, and Third. Ayoko magsama-sama ang tatlo na 'yan pagdating sa gulo dahil walang awa sila katulad nalang din ni Blaze, mga nagmana 'yon kay Blaze. 


Hindi na ito sumagot sa sinabi ko at ininom na ang tubig na binigay ko sakanya, sabay sabay kaming pumunta sa oval para sa laban nila Killian. Pagdating namin doon ay marami na ang mga manonood, marami na rin ang nagsisigawan.


"Buti naman at hindi sila ang makakalaban natin, kung sila pa ang kalaban ay ewan ko nalang talaga, baka masapak ko na kahit may laban." Inis pa rin na sabi ni Ezekiel.


Tinignan ko ang kalaban nila at iba ang mga jersey, kulay white na ang kanilang suot ngayon, habang ang kanina na kinalaban nila Asher ay kulay pula ayon ang kulay ng jersey ng school nila habang kami ay itim, sila third naman ay violet.


Mahihina lang ang kalaban dahil maya't maya ay puro goal sila Killian, hindi ko na mabilang kung ilan na ang mga na-goal nila. Hindi ko maitatanggi na magaling sila sobra sa larong ito, kahit sa baskteball ay magaling.


"Kash, mag-cr lang ako." Sabat ni Freya sa gilid ko.


"Samahan na kita." Sabi ko sakanya alam ko naman na tatanggi siya dahil sa sprain sa paa ko.


"Hindi na, diyan lang naman ako magtake ng bathroom at ipahinga mo na yung paa mo."


Since, may upuan dito kaya naka-upo ako ng maayos. Asher was just beside me na pinapanood ang laro ng kaniyang mga kaibigan. Jeremiah, Killiand and Zachariah ay pumasok sa laro ngayon sa football, ngayon lang nagkaroon ng time na magpahinga si Asher.


"Pero, Freya gusto ko sumama." Pagmamaktol ko sakanya, hindi naman na ganon kasakit ang paa ko kaya pwede naman pero si Freya ito eh.


"Kash, ano ka ba? Sabing huwag na, para naman akong bata kung ganon, kaya ko okay?" Baling niya sa akin at napasimangot ako rito.


"Eh, kung isama mo nalang si Amara?"


Hindi ko alam bakit atat na atat akong sumama kay Freya, parang may gusto ako na hindi ko alam kaya gusto ko ito samahan. Nakikinig lang si Asher sa tabi namin habang kami ay natatalo na dito.


"Kash naman flirting or dating ang ipinunta nila dito ni Zayden." Pagbibiro niya pa sa akin, hindi ko nagawang tumawa dahil gusto ko siya samahan.


"Para may kasama ka lang." 


"Ano ka ba? Kaya ko, okay?" Pag-uulit niya pa at napasimangot nalang ako.


"Basta bilisan mo ha?" Pagsusuko ko, wala naman na ako gumawa kung hindi ang sumuko dahil hindi ko naman mapipilit si Freya minsan.


"Oo babalik ako within five minutes." I nodded at her.


"Okay sige, bilisan mo ha?"


Tinignan ko pa siya nang makaalis siya sa tabi ko, binalik ko ang tingin sa laro hindi ko makausap si Asher dahil balak niya atang pumasok sa laro at kinakausap niya na ngayon yung coach ng football. Habang nanonood ako ay nagvibrate ang phone ko, tinignan ko ang message.


Si coach pala ang nag-message sa akin, agad ko ito tinignan para mabasa kung ano ang sinabi niya.


From: Coach (Volleyball)


Kash, remind ko lang na morning ang laro bukas if ever na maglaro kayong tatlo tell me agad, time ng laro kasi is 9-10, thank you!


To: Coach (Volleyball)


Coach, ask ko po muna sila Amara, reply ko po mamaya yung sagot namin.


Pagkasend noon ay isang message nanaman ang nag-pop sa cellphone ko. Nadagdag ang inis ko sa aking nakita.


From: Coach (Tennis)


Santiago, can you play the three of you tomorrow?


To: Coach (Tennis)


Coach, what time po ang laro?


Nang pagkasend noon ay nagpop na ang reply ni coach kanina. Bakit sa akin sila nagtetext pwede naman sa mga kaibigan ko, nalilito tuloy ako.


"Kash," Habang hinihintay ko ang reply sa akin ay tumingala ako nang tawagin ako ni Asher.


"Bakit?" I asked him.


"Maglalaro ako." Sandaling kumunot ang noo ko sa aking narinig mula sakanya.


"Huh?" Naguguluhan ako lalo na at wala pang kalahating oras siyang nakakapagpahinga. "Wala ka pa pahinga ah?"


"Ayos lang, nandiyan ka naman, pahinga kita."


"Asher,"


"What do you think?" Nagawa ko nalang tawagin ang kaniyang pangalan.


"Pwedeng mamaya nalang? Pahinga ka muna sa akin?" Nakaramdam ako ng bait ko dahil he needs rest for fuck sake!


"Okay, Kash,"


Hanggang sa tumabi na siya sa akin. Napapikit ako ng marinig ko ang notification na paniguradong nag-reply na si coach sa akin.


From: Coach (Volleyball)


Noted.


From: Coach (Volleyball)


Nakalimutan ko Kash, okay na ba yung paa mo?


From: Coach (Volleyball)


Okay lang kung hindi ka muna mag play bukas.


To: Coach (Volleyball)


No Coach, I can play na po. Hindi na po siya masakit.


From: Coach (Tennis)


Afternoon pa siya Santiago around 2-3 pm.


To: Coach (Tennis)


Okay coach, I got it na po.


From: Coach (Volleyball)


Okay that's good, I'll wait for your answer later, okay?


To: Coach (Volleyball)


Yes coach.


Binaba ko na ang cellphone ko ng mapagtanto ko na wala pa rin ang kaibigan kong si Freya. Nilibot ko muna ang paningin ko pero ni anino nito hindi ko makita, agad akong napatayo dahil doon. Kahit kakaalis niya pa lang kani kanina lang hindi ako makampante sa pwesto ko ngayon. Gusto ko burahin ang nasa isip ko pero ayaw sadyang may naiisip akong hindi maganda.


Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ang mga mata ko nagstop ito sa isang tao na hindi ko malaman-laman kung babae ba ito or lalaki. Nasa malayo ito kaya hindi ko talaga maaninag hanggang sa marami na ako nararamdaman na may konti konti ng gumagalaw sa bawat sulok. 


It just gave me a small wave of her two fingers that turn into three until I realized what it means.


Fucking no way, how does they know about that?


A simple conversation with Leym. 


Two fingers 'you are safe' 


Three fingers 'gangs is out there' 


Four fingers 'trouble is on your way' 


Lastly when he or she wave their hands 'get out, run fast as you can and hide, or you'll die'.


I don't know who that is, but I gave it a nod and a simple thank you for the sign. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaalam noon or kaming tatlo nila Freya, but for sure dapat alam lahat ng mga gang yon. It gives sign in your gang.


"Amara si Freya nawawala." Balik ko sa kaibigan ko na busy naglalaro ng Minecraft sa cellphone niya.


Agad siyang napatigil sa aking sinabi ng hindi inaasahan. Kaya agad siyang tumayo at hinarap ako. Hindi naman ako sigurado sa sinabi ko sadyang hindi lang ako mapakali dahil wala pa ang kaibigan ko ngayon kaya ayun na ang sinabi ko.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa akin nagsisimula na siyang kabahan dahil sa sinabi ko kagaya na rin ni Zayden at Ezekiel ngayon.


"Sabi niya mag-cr lang siya pero hanggang ngayon hindi pa siya dumadating." Sagot ko sakanya.


"Try to call her."


Ginawa ko ang sinabi sa akin ni Ezekiel, pero halos mainis na ako dahil hindi niya sinasagot! Nagriring lang ang cellphone niya! Fuck, sabi na nga ba at may kutob ako kaya gusto ko ang sumama sakanya dahil hindi ako mapakali!


"Nag-riring lang eh." Natataranta ko ng sabi sakanila.


"Ano ba kasi sabi niya sayo?" Kahit si Amara ay nagsimula na rin siyang mataranta.


"Sabi niya mag-cr lang siya Amara, pero hanggang ngayon ay wala pa siya!" I couldn't help but to scream na.


Sigaw ko na sakanya nagkaroon ng time out ang laro at pumunta na rin si Asher sa pwesto namin ganon nalang din ang pagiging kabado nila lalo na si Zachariah na inilibot na ng inilibot ang paningin nito.


"What happened to you?" Asher asked when he saw me na hindi ako mapakali sa pwesto ko.


"Baka naman nandiyan lang siya?" Tanong muli ni Amara sa akin, hindi niya magets na kanina pa hindi bumabalik ang kaibigan namin.


Hindi ko magawang sagutin si Asher dahil sinusubukan ko nang sinusubukan ang pag-call namin sakanya pero nagriring lang ang kaniyang phone.


"Hindi! Sabi niya ay mag cr lang siya, sabi ko sasamahan ko na pero tumanggi siya. Bakit hanggang ngayon ay wala siya!?" Sigaw ko na dahil kung ano ano na pumapasok sa isip ko ngayon.


Wala na akong pake kung tinitignan ako ng ibang mga student dito pero hindi ko sila pinapansin.


"Tara, hanapin natin." Sabi agad ni Zachariah akmang tatakbo na ako ng may pumigil sa suhestyon ni Zachariah.


"Pero ang laro?" Nagtatakang tanong ni Jeremiah dito, oo nga! Hindi pa tapos ang laro nila.


"Fuck! Mas importante si Freya, wala akong pake sa laro! Kaya tara na!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Zachariah.


Hindi na namin sinayang ang oras at agad na kami tumakbo at hinayaan na lamang ang laro kahit sumisigaw na ang coach nila at pinapabalik sila. Hindi na rin 'yon pinansin ng anim at patuloy sa pagtatakbo.


Ilang cr na ang nabubuksan namin pero walang Freya ang tumatambad sa harap namin.


Sigaw na rin kami ng sigaw sa pangalan ni Freya pero ni boses niya ay wala kaming marinig, pindot na ako ng pindot sa cellphone ko natataranta na ako kagaya ni Amara na hindi na rin alam ang gagawin. Nanlalambot ang tuhod ko sa tuwing magbubukas kami ng cr at walang Freya ang nagpapakita.


Isang lalaki ang makakasalubong namin at tinanong ko siya na kinagulat ni Amara habang ang iba na sumama sa amin ay pinagpatuloy ang paghahanap. "Hey." Sambit ko sakanya tinapunan niya lang ako ng walang emosyon na itsura.


"Hey, how are you?" 


Fuck, his cold voice!


Yeah, he didn't change at all.


"I'm fine, I'm in a rush. right now." 


Damn! I can't speak straight to him!


"Go ahead, no one stopping you from what you are doing." 


I was too stunned to speak or either I can't even reply on what he said to me, nag iba ka na talaga. Naiwan akong tulala sa harap niya at hindi alam ang gagawin.


"Um," Para akong nasaktan sa binagsak niya na salita sa akin.


Aalis na sana siya ng pigilan ko ang kamay niya at iharap siya sa akin. I need him for the sake of my friend. Baka kasi napansin niya si Freya lalo na at kilala niya ito.


"I'm finding my friend, did you see her?"


"Who?" Ang cold talaga ng voice niya.


"Freya."


"I saw her on that bathroom, and I think she is still there inside."


"Thank you..." 


My cracked voice after thanking him for the first time. It was so awkward to have a small conversation with him that time. Nakagat ko nalang ang labi ko pero what I did is what's the best for us.


"Anytime, Ali." 


Ali...


He smiled a little, but it still shows that he is still in pain...


He still used to call me, Ali.


I'm sorry, Third...


At ganon nga nandoon ang kaibigan namin, mas lalo rin ako naguluhan dahil sa kung ano ano ang tinatanong niya sa mga anim.


Tribes?


Nanahimik ang anim at hindi alam ang isasagot kay Freya, nabigla rin sila dahil agad agad silang sinisi ng kaibigan ko hindi rin nagtagal at hinayaan nalang iyon ni Freya.


"Kash, can we talk?" Tanong ni Asher sa akin habang inaayos ang mga gamit namin dahil tapos na ang laban sa unang araw.


Alam ko na pag-uusapan namin dito ang lalaking nakausap ko kanina, kita ko palang sa mga tingin ni Asher paniguradong marami ng tanong ang pumapasok sa utak niya nung mga oras na 'yon.


"Go on. Asher." Pagpapatuloy ko sa gusto niyang sabihin sa akin.


"Do you know the man you talk earlier?" Hindi nga ako nagkamali siya ang paguusapan namin ngayon.


"I know him." Sagot ko sakanya at tumango tango pa siya. "Are you jealous?"


"Am I?"


"Don't be."


"Why?"


"Just don't, you don't need to be jealous Asher." 


Ito nanaman tayo. I always reminding him to stop being jealous, yes, I'm single and marami ang pwedeng makipag-flirt sa akin. But the fact that I'm single in outside but inside I'm taken.


"Marami akong naisip kanina alam mo ba 'yon?"


"As I said you don't need to be jealous."


Mahirap sa amin dalawa ang walang label since I rejected him for almost five times pero hindi pa rin siya tumitigil kaya naiintindihan ko ang kaniyang nararamdamann.


"Kash maganda ka at hindi ako sigurado kung ako ba ang para sayo, the man earlier Kash. Wala akong laban, sobrang gwapo na babagay sayo. Hindi na ako magtataka kung ex-boyfriend mo 'yon, pero Kash huwag mo sana ako saktan." 


Hindi ko kayo sinasaktan.


Hindi. 


Never ko magagawa ang saktan kayo.


Pero, pero kahit wala akong ginagawa, nasasaktan ko kayo.


Hindi ko kayang manakit ng damdamin ng isang tao, but right now, I need to do this. I need to hurt a lot of people I don't want to break people's trust on me. I need to be strong, and I chose this life, pinili ko ito, pinili ko ang saktan kayo kasi ito lang ang tanging paraan. Paraan para mabuhay ako at sumaya.


Wala naman ako ibang sinaktan kung hindi ang sarili ko.


"He's not my ex-boyfriend or what Asher and please don't compare yourself to him. Ibang iba ang pagkatao niyo sa isa't isa." 


Sobrang iba ang pagkatao niyo. Gusto ko sabihin ang tunay ko nararamdaman sakanya pero parang ayaw pa ng isip ko ngayon, parang may pumipigil sa akin kahit gusto na siya ng puso ko.


"Natatakot ako." 


Nanginginig na sabi niya sa akin at hinarap siya.


"Asher don't, labanan mo yan."


"Mahirap Kash dahil hindi ka naman sa akin, natatakot ako baka maagaw ka sa akin, sayo ako lumiligaya ayoko nang mawala ka dahil mawawala rin yung kasiyahan ko, Kash." 


Inalis ko ang tingin ko sakanya I don't want him to cry infront of me. Ayoko siyang makitang umiiyak ngayon lalo na at may mga tao pa dito baka ano na lang ang sabihin nila sa akin.


"I'm scared to lose myself for losing you."


"Is that the reason why you are scared?"


"Marami pa Kash, pero isa yan sa sobrang kinakatakutan ko ang mawala ka." Mahinang sabi niya sa akin.


"Asher, I want you to be honest this time."


Siguro kapag nalaman ko ang gusto ko marinig sakanya, I will confessed.


"What's that? Always, I had been honest to you."


"Kilala mo ba ang tinutukoy nilang Kie? Na sinasabi ni Freya na napatay niyo?" Even though wala pang pruweba na talagang napatay nila.


"That's the thing, I killed so many innocent people younger and older than us."


Shit.


Paano kaya ito?


Hindi ko alam pero may tanong talaga sa akin ang gusto ko masagot ngayon mismo. Hinayaan ko nalang lahat lahat at dumeretso na sa mga bus namin para sa isang dinner.


Dumating ang dinner at nandito kami ngayon lahat players sa isang restaurant dito na naisipan ng head na mag dinner kami tutal ginabi kami sa laro. Naalala ko pa kanina na inabangan ako nung lalaki na humarang sa akin pero nilagpasan ko lang siya, ayoko ng may masaktan pang lalaki dahil hindi ko kaya. 


Nakatingin pa si Asher nang mga sandaling iyon ayoko na siyang masaktan pa ng sobra ng dahil lang sa akin.


Hiwalay ang lamesa namin sa anim kaya tabi-tabi kami magkakaibigan dito at ako nanaman ang nakita nila.


"Kash, wala ka bang balak kausapin siya?" 


Nag-aalalang tanong sa akin ni Freya dahil sobrang gulo na ng utak ko. Kapag kinausap ko 'yon may isang masasaktan kapag hindi ko naman kinausap yon siya naman ang masasaktan.


Fuck.


Bakit ngayon araw pa? 


Bakit ngayon ka pa muling nagpakita? 


Nahihirapan ako sainyong dalawa, sobra. 


Naiiyak ako dahil hindi ko naman kaya manakit ng damdamin ng tao. Hindi ko gusto ang manakit pero kahit wala ako ginagawa ay may nasasaktan ng dahil lang sa akin!


"Hindi ko alam Freya. May masasaktan sa kanila." Sagot ko sakanya, tinignan ko si Asher na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya.


"Kash, talagang may masasaktan dahil minahal ka nilang dalawa. Try mong kausapin siya ipaliwanag mo lahat, dahil sure akong ikaw ang binalikan niya dito."


Hindi ko maiwasan na mag-overthink sa sinabi ni Freya. She had a point though.


Bakit ako binalikan ni Third? 


Hindi ko naman siya minahal, ako ang minahal niya. Kahit anong oras pwede umalis si Third ng bansa, he has his own plane, he can drive anything. Pwede siya magpadrive kahit anong oras kahit marunong naman siya. maraming pera si Third kaya lahat ng gusto niya gawin magagawa niya sa isang segundo.


"Hindi naman naging kami Freya bakit niya ako babalikan?" Ayan ang gusto ko masagot ngayon, kung bakit siya umuwi?


"Dahil minahal ka niya, kahit sinaktan mo siya ng sobra sobra, wala siyang magagawa dahil mahal na mahal ka niya hanggang ngayon."


Wala silang alam sa katotohanan.


Katotohanan na nangyari sa amin ni Third in the last past years.


"Anong ibig mong sabihin? Mahal niya pa rin ako?" Kunot noong tanong ko rito while Amara was just listening to us.


"Mahirap Kash, paniguradong mahal ka pa niya nakikita ko sa mga mata niya."


"Freya, hindi ko kayang saktan silang dalawa, hindi ko kaya Frey."


"Paniguradong may isa talagang masasaktan Kash at kailangan mong tanggapin 'yon." Tama siya, but hindi sa oras na ito. 


Not now.


"Freya tulungan mo ako. Matagal na nung huli kaming magkita bakit ngayon pa? Bakit ngayon na masaya na ako kay Asher?"


"Masaya ka nga ba kay Asher or wala ka lang choice?"


I got stucked on what she asked! Halos mabulunan ako sa aking narinig na tanong sakanya damn, what just happened?


"I do love him na,"


Totoo na itong nararamdaman ko sakanya, nahulog nga ako sa lalaking nag-ngangalan na Asher Mathew.


"Anyways, Kash I can't answer your question." She smiled a little. "Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo Kash, sinaktan mo siya noon at kaya mo rin siyang saktan ngayon kung ayaw mong masaktan si Asher."


"Freya, gulong gulo na yung isip ko binasted ko na siya pero bakit hanggang ngayon gumugulo pa rin siya sa buhay ko?"


"Dahil hindi naman ganon kadali alisin ang pagkakagusto mo sa tao kung minahal mo siya ng sobra, Kash, hindi ganon kadali at hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya kahit na matagal na nung muli kayong nagkita. Hindi mawawala trust me, dahil naranasan ko rin yan."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Freya sa akin, tinignan ko ang pagkain ko na hindi ko pa rin nakakalahati habang ang iba kong kateam ay tapos na at nakikipagdaldalan na. Muli kong tinignan si Asher na masayang masaya ngayon, ngayon ko lang din siya nakitang sumaya nakikipagdaldalan sa mga kateam niya dahil sa pagiging seryoso niya dati.


I almost forgot yung message sa akin nila coach hindi pa ako nakakapagreply ng mga sagot namin sakanila.


"Amara, Freya." Tawag ko sa dalawa kong kaibigan at agad rin nila akong nilingon.


"Hmm? Ano 'yon?" Tanong sa akin ni Amara.


"Nagtext si coach ng volleyball if maglalaro tayo bukas around nine daw, ano g kayo?" Tanong ko sa dalawa.


"Eh yung paa mo okay na ba?" Alalang tanong ni Freya sa akin na naka benda ngayon.


"Ayos naman na hindi naman na ganon kasakit eh." Sagot ko sakanya.


"So, kaya mong makapaglaro bukas?" Tanong ni Amara sa akin at tumango naman ako sakanya.


"Sige, kami rin maglalaro bukas." Sagot nilang dalawa sa akin, nilabas ko ang cellphone ko para sabihan sila coach.


Hindi sila kasama dito sa restaurant sa ibang restaurant sila tinreat ng head namin. Agad ko na rin tinet ang mga coach namin baka makalimutan ko ang i-update sila.


To: Coach (Volleyball)


Coach, maglalaro po kami bukas tatlo, kaya ko pong maglaro.


To: Coach (Tennis)


Coach maglalaro kami bukas.


Hindi ko na hinintay pa ang reply nila at agad kong binalik sa bag ang cellphone ko mabuti naman at medyo nawala na sa utak ko si Third kaya nakakain na ako ng maayos. Nang matapos akong kumain at pagkatapos kung punasan ang bibig ko ay nagpaalam pa ako sakanila na mag use ako ng bathroom for mouthwash.


Agad na ako tumayo at hinanap ang bathroom nila asa dulo lang pala, pagkapasok ko doon agad akong dumeretso sa sink at nagmumog and naghilamos na rin ng mukha. I look pale right now.


"Fuck, Third, bakit?"


Parang gusto ko umiyak ngayon dito sa bathroom. I didn't love you, I can't.


Hindi rin ako nagtagal sa bathroom lumabas ako at tumalikod para isara ang pinto nang pagkaharap ko habang inaayos ang panyo na ginamit ko nagsimula ako maglakad habang nakatingin sa panyo. 


Nang matupi ko na 'yon masaya akong babalik na may ngiti sa mga kaibigan ko ng pagtaas ko ng ulo ko ganon nalang kabilis mawala ang mga ngiti sa mukha ko at napalitan 'yon nang pagkatulala at nginig na rin.


"T-third..." 


Halos mautal ako at nahihirapan na sabi ko sa kanyang pangalan dahil hindi ko inaasahan na nandito siya sa restaurant namin na puro PortWood Players lang ang nandito.


Hindi ko rin magawang lingunin si Asher dahil natatakot ako sakanya, nanahimik din ang kaninang maingay na mga players dito at paniguradong nasa amin dalawa ang atensyon ng lahat! Sila Amara na hindi na alam ang gagawin, si Freya na gustong kalabitin si Third kaso hindi magawa.


"I need to talk to you." Malamig na sabi nito sa akin.


"Third..." Bigkas ko sa pangalan niya hindi ko alam ang sasabihin ko. "How did you-"


Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang paglapit nito sa akin sabay hawak sa pulsuhan ng kamay ko, tinignan ko ang mga mata niya at hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa akin kagaya ng dati pero paniguradong may halong sakit na ngayon ito.


"Third, saan tayo pupunta?"


"In private, so that we can talk."


Nang hinila niya ang kamay ko agad din siyang nagstop at ako ay nasa likod niya! Naka jersey pa rin siya ngayon hindi ko alam ang dahilan bakit nakastop siya ngayon hawak hawak pa rin ang palapulsuhan ng kamay ko, pilit akong tumitingkad pero ang tangkad niya pa rin.


Sinulyap ko si Amara na binulong sa akin ang pangalan ni Asher. Nakagat ko na ang labi ko sa kaba because they are now facing one another. Nagtagpo ulit ang kanilang landas!


"Where are you taking her?" Boses ni Asher ang narinig ko nandoon ang pagiging seryoso niya.


"We just need to talk." Seryosong sagot rin ni Third sakanya at napasapo naman ako sa noo ko.


"About what?"


"It's none of your business, so get the hell out of our sight."


That's his attitude at all.


"And if I don't?"


"Prepare your life."


"Third, stop." 


Pigil ko na sakanya at tama nga ako hindi pa rin nagbabago ang ugali niya ganon na ganon pa rin talaga ang ugali na meron siya. Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko at lumapit kay Asher at hinarap ito, hinawakan ko pa ang kamay niya at tinitigan niya ako. 


Huwag kang masaktan please, nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan na ulit siya. Lalo lang ako nainis kay Third dahil sa biglaang pagsulpot niya sa lugar namin.


"Asher mag-uusap lang kami you don't need to worry." I almost whisper it to him I don't want to see him hurt in front of me, in front of us.


"Kash, I will let you do this but please don't hurt me."


"I will not hurt you, trust me." 


He's so scared that I will hurt him.


Doesn't he know that I don't like hurting feelings.


Nginitian ko pa siya at muling tinignan si Third at sinenyas na sundan niya ako at ganon nga ang ginawa niya. Naglalakad na kami palabas ng restaurant hindi ko rin alam saan ako dinadala ng mga paa ko, patuloy kami sa paglalakad at siya ay sumusunod lang sa akin. I stopped when I heard him sniff a little, I look at him with his pain eyes.


"Third, why are you doing this?" I confront him to know why the hell he is doing this.


"Ali, I'm still in pain, my feelings for you never change."


"Third, we have not been together, why are you still hurting yourself until now?" I asked na.


"Because I loved you so much that I no longer thought of myself, Ali, until now you are still the one, I loved, no one has replaced you." 


Bawat salita na binabagsak niya ay may diin. He was just staring at me like any minute he would literally let go of his tears.


"Third stop calling me Ali, I have a name."


"Kash," He tried his best to say my name. "Is there really no chance that you will love me?"


"Third, for a hundred times or thousand times, I didn't love you the way I love Asher."


Maybe, maybe Freya was right. There's always one person needed to be hurt, I can't hurt Asher but Third is doing something to hurt himself.


"Is he the man who block our way out?"


"That's him..."


"Paano mo nagawang mahalin siya ng ganon kabilis? Samantalang ako ilang buwan kitang minahal umasa ako na mamahalin mo rin ako, pero wala. Anong pinagkaiba namin Kash, bakit ang bilis mong mahalin siya? Samantalang ako hindi mo kayang mahalin." 


Natulala ako sa sunod sunod na tanong niya sa akin. 


At tama nga naman ang mga sinasabi niya bakit nga ba?


Kaya ngayon gusto ko saktan ang sarili ko. Sabi ko hindi ko pa siya kayang saktan ngayon pero dumating na! At ang tanging way nalang ay saktan siya ng sobra. Wala na siyang magagawa dahil hindi pwede mangyari ang hinihiling niya sa akin.


"Third, hindi pa ako handa noon alam mo yan, hindi pa ako handang magmahal noon kaya nagawa kitang bastedin."


Paliwanag ko sakanya pero hindi pa 'yon ang malalim na dahilan bakit ko siya binasted.


"Pero sana sinabi mo sa akin na handa kana muli! Hindi yung malalaman ko nalang na may mahal ka ng iba!" Pasigaw na sabi niya sa akin.


Hindi niya magawang sumigaw at sigawan ako ng malakas kaya halos pasigaw nalang ang kaniyang mga madidiin na salita.


"Kash ako yung nandito, sinabi mo sana sa akin na handa ka ng magmahal dahil mamahalin muli kita higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo noon. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"


Napahilamos ako sa mukha ko at naiistress na sa sitwasyon namin dalawa. Ilang meter ang layo namin sa isa't isa mabuti nalang at walang tao ngayon dito. 


"Hinintay kita kahit hindi mo sinabi sa akin, hinintay kita ng ilang taon para maging handa sa magiging relasyon natin dalawa, hinintay kita sana alam mo yan."


"Third, hindi kita kayang mahalin..." 


At nasabi ko na muli ang matagal ko ng gusto sabihin sa isang tao at hindi ko aakalain na sakanya ko muli masasabi ang salitang ito. 


I'm so sorry for hurting you so bad.


"Pero siya kaya mong mahalin? Bakit ang unfair mo? Ang dami kong ginawang effort noon hindi pa ba sapat yung mga ginawa ko noon para mahalin mo rin ako?"


"Third hindi, hindi talaga pwede. Hindi kita kayang mahalin, never third. Mahirap third, mahirap sobra."


"Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin ha? Mayaman ako Kash. May sarili na akong pera, marami na akong naipon mula bata pa ako Kash. Kaya kitang buhayin. Tell me, ano yung dahilan bakit hindi mo ako kayang mahalin!?" 


I feel exhausted. 


Sunod sunod na tanong niya 'yon sa akin, parang anytime pwede ako mawalan ng hininga dahil sa mga masasakit na salitang binabato niya sa akin. I understand his feeling but my reason of mine, he will never ever be understand.


"Mayaman ako. Kaya kitang bigyan ng magandang kinabukasan. Kaya kitang pantayan. Kash gumising ka, nandito ako, oh, nandito ako sa harap mo. Nagmamakaawa sayo na mahalin mo naman ako!" 


Nagsimula ng bumagsak ang mga luha sa mata ko dahil sa mga sinisigaw niya sa akin. Napaupo ako sa lupa at sinuklay muna ang buhok ko bago siya tingalain.


"Third, fuck..."


"Tell me Kash! Tell me everything! Sabihin mo lahat ng rason mo bakit hindi mo ako kayang mahalin!"


He started screaming, screaming in pain.


"Third naman." I was holding my hair now.


"Tell me Kash, ano ang dahilan bakit hindi mo ako kaya mahalin, Kash, puta. Ang sakit, ikaw ang dahilan bakit patuloy ko binubuhay ang sarili ko, Kash, ikaw lang minahal ko una at huli."


Those words.


"Kash, please," Halos magmakaawa na rin siya sa akin dahilan for me to look at him.


"Paano kita magagawang mahalin kung ang daddy mo at daddy ko ay magkapatid."


Umiling ako rito, after I say what I want to say na kanina ko pa gusto sabihin sakanya.


"Fuck Third! Pinsan kita! Pinsan kita, Third! Sabihin mo sa akin paano ko magagawang mahalin ka kung kadugo kita! Kung pinsan kita! Mahirap,Third! Dahil kahit kailan hindi ako pumapatol sa kadugo ko lalo na sa pinsan ko!"


"Is that the reason why you can't love me?" 


That time kumalma ang boses niya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang ako umiiyak dito at nakaupo sa lupa. Umupo siya sa harap ko para magpantay kaming dalawa. 


"Kash, tell me is that the reason?"


"Ano pa ba ang gusto mong marinig sa akin? Hindi kita kayang saktan."


"Pero sinaktan mo na ako ng paulit ulit noon hanggang ngayon ay sinasaktan mo pa rin ako, ganon ka ba kamanhid para hindi mo maramdaman ang pagmamahal ko sayo?"


"Hindi mo ba naiintindihan na pinsan kita! Kadugo kita! Kapamilya kita!"


Tumawa siya ng peke bago ako hinarap muli. Nagawa niya pang guluhin ang buhok ko at magsmile pa muna bago magsalita. 


"Ayan pala ang rason bakit hindi mo ako kayang mahalin, kasi pinsan mo ako? Sana bago mo ako sinaktan ng sobra inalam mo muna sana yung katotohanan.."


Hindi ko alam ang gusto niyang iparating sa akin, anong katotohanan ang gusto niyang sabihin sa akin? Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko dahil sa pagsisigawan namin dalawa dito, sobrang bigat na ng pakiramdam niya pati siya ay parang hindi na kaya ang ginagawa kong pananakit sakanya.


"What do you mean Third? Anong katotohanan ang ibig mong sabihin?"


"From childhood until now all you know is that I am your cousin, na anak ako sa labas ni dad right? Pero nung nalaman ko ang katotohanan, I was very happy. Since childhood gusto na kita pero pinigilan ako ni dad dahil pinsan nga kita, but one day they accidentally said the truth."


Para akong kinakabahan ng sobra dahil sa sinasabi niya ngayon hindi pa ako handa sa sasabihin niya ngayon. Natigil ang luha ko sa susunod niya na sasabihin. 


"I am adopted..."


Fuck.


"Adopted ako ni dad hindi ako anak ni dad sa labas ang totoo inampon talaga ako ni daddy, he treated me as his own son even though I'm adopted hindi niya pinaramdam na ampon ako. And I am very thankful to your family for raising me and now I'm doing my very best para makabawi sa tumayong tatay ko. I am adopted Kash."


"Third," I don't know what to say!


"Si Kleckz ang tunay mo na pinsan, hindi ako."


'

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 90 61
"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing n...
84K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
5.7K 102 27
[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in thi...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...