Full of Secrets

By kalilalily

35.2K 309 36

Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this scho... More

Prologue
CH 1
CH 2
CH 3
CH 4
CH 5
CH 6
CH 7
CH 8
CH 9
CH 10
CH 11
CH 12
CH 13
CH 14
CH 15
CH 16
CH 17
CH 18
CH 19
CH 20
CH 21
CH 22
CH 23
CH 24
CH 25
CH 26
CH 28
CH 29
CH 30
CH 31
CH 32
CH 33
CH 34
CH 35

CH 27

583 9 1
By kalilalily

[Freya's POV:]


"Ayos ka lang?" Nagtatali ako ng sapatos ng may kumausap sa likod ko.


"Hm?" I raised my eyebrow since kagat kagat ko ang aking pantali sa buhok.


"Ayos ka lang?" He asked again and I nodded slight.


"Oo, papahinga muna ako." Baling ko sakanya at kumuha ng panyo para punasan ang likod ko.


"Ako na,"


"Huh?" Napamaang ako ng magpresinta siya sa akin.


"Ako na maglagay sa likod mo, para maayos." Napalunok ako ng bahagya kung tama ba ang narinig ko rito.


"Bakit?" Hindi ko alam bakit napatanong ako sakanya kung bakit nga ba.


"Gusto ko lang, baka kasi hindi mo rin malagay ng maayos." Pahayag niya pa at medyo napamaang ako rito.


"Gagi, kaya ko naman." Tatawa tawa kong sabi sakanya pero he just gave me a smile at kinuha ang towel ko. "Come on, talikod ka na."


"Sure ka talaga?" Paninigurado ko pa sakanya at napansin ko ang tingin ng kaibigan ko sa akin, bahagyang nang-aasar.


"Nasa akin na ang panyo," He chuckled a moment. "Is it okay?"


"Ang alin?" I asked, bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong.


"Itaas ko damit mo for second?"


I nodded slight kasi paano niya malalagay ang panyo sa likod ko kung hindi niya itataas ang aking damit hindi ba?


Hindi ko alam ano ang irereact ko dahil first time mangyari sa amin ni Zachariah ang ganito kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Halos ilibot ko ang paningin ko ng maramdaman ko ang kaniyang kamay na pumatong sa aking likod.


"All good." Finally, finally nakahinga ako ng maluwag. "Basang basa na damit mo ah?"


"Ah, patapos naman na yung practice kaya hindi na ako magpapalit."


Dahil wala na akong damit! Halos nagamit ko na ang extra ko sa pagod namin mag-practice at pinagpawisan kami ng sobra.


"Wait mo ako dito, kuhanin ko lang damit ko." Hahabulin ko pa sana siya pero ang bilis niya tumakbo.


Terrence?


Sa second floor dito sa gym ay may nakita akong pamilyar na lalaki kaya bahagya akong napatingin dito. Hindi ko alam pero namumukhaan ko ang kaniyang postura, bahagya akong napalunok dahil biglang bumilis ang tibok ng aking puso.


"Terrence," 


Hindi ko alam pero nagawa kong banggitin ang kaniyang pangalan. He looks so real...


Bakit? Amara keep seeing Kelvin, and I keep seeing Terrence... But why?


"Freya," Akmang pupuntahan ko ito ng mabilis makabalik si Zachariah.


Hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang damit nito sa akin. Nag-alanganin pa ako na kuhanin 'yon pero deretso lang ang tingin niya sa akin at mukhang desidido talaga siya na ibigay ang kaniyang damit sa akin.


"Sure ka dito? I mean, isang oras nalang naman natitira ng practice namin." Ani ko sakanya pero nataranta ako ng ilaylay niya ito. "Ako na."


Kinuha ko ang damit niya dahil nararamdaman ko na posibleng isuot niya sa akin ang damit na 'yon, ang dami talaga nilang damit na dala pero ngayon siya ang walang suot na damit.


"Wait, dito ka maghuhubad?" Takang tanong niya sa akin.


I was about to pull my shirt ng pigilan niya ang kamay ko at napababa ako ng tuluyan sa tingin niya. Nilibot nito ang tingin and we just realized na maraming student ngayon sa gym since nanonood sila and marami rin lalaki.


"Why not? Naghubad naman na ako nung monday ah? I still wear sports bra don't worry." Pakalma ko rito.


"No, sa bathroom ka na magpalit." He seriously said without looking away.


"But Zach,"


"Baka makasapak ako ng wala sa oras, Freya."


Napatitig ako sa kaniyang mata sa kaniyang sinagot sa akin, hindi ko inaasahan ang sinabi nito sa akin. Like, for real? Sinabi niya ba talaga sa akin 'yon?


"Tara," Umiling siya at kinuha ang kamay ko ng hindi pa ako nagsasalita.


Puro ako lunok at hindi ma-process sa isip ko ngayon ang kaniyang sinabi. Nang makarating kami sa bathroom ay doon niya ako pinapasok para magpalit ako ng damit. Hanggang sa cubicle ay tumatakbo ang sinabi sa akin ni Zachariah.


"Shit." 


Eto na ba ang hinihintay ko?


"Zach," Tawag ko rito ng makapagpalit ako ng damit. "Hindi ka magsusuot ng damit, baka lagnatin ka?" 


Tanong ko rito dahil pawis na pawis ang kaniyang katawan. I tried my best na hindi tumitig sa magandang katawan nito.


"Hindi na, last shirt ko naman na yan." I was about to walked after what I heard, did I hear it right?


"What?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Last shirt mo 'to? Tapos binigay mo pa sa akin? Aba, tatanggalin ko na!" Ani ko sakanya pero tumawa lang siya.


"Hindi na, Freya, mas kakailanganin mo yan kesa ako." He softly said.


"But, why?" I asked but he just gave me a smile.


"Mas mabuting ako ang magkaroon ng lagnat kesa ikaw."


Hindi na ako nakasagot sa kaniyang sinabi ng mauna na siyang maglakad sa akin. Para akong natinikan sa oras na 'yon. Nang magsimula ang practice namin ay nanonood lang sila sa amin na naglalaro ng volleyball.


Until now, ay hindi pa bumabalik ang kaibigan namin na si Amara kaya hindi ko alam ang isasagot sa coach namin kasi hinahanap niya si Amara. Hanggang sa matapos ang practice namin ay hindi bumalik si Amara.


Palapit ako kay Zachariah na bitbit na ang bag ko at pumapalpak pa siya. Someone called me mula sa malayo kaya napatingin ako ng may sumigaw sa pangalan ko.


Aki...


"Freya!" He shouted, nauna na si Kash kasama si Asher at naiwan kaming dalawa ni Zachariah dito sa gym.


"What are you doing here?" Naka-suot din siya ng jersey niya ngayon at malaki ang ngiti.


"Wala naman, napadaan lang kami sa school niyo kaya naisipan namin na bisitahin ka." He casually said and bahagya akong tumingin kay Zach.


"Zach, kaibigan ko pala from other school." Binaling ni Aki ang tingin kay Zach na may konting pang-aasar ang kaniyang tingin.


"Hi, I'm Zach, Zachariah." Alanganin at nadadalawang isip pa si Zachariah na ilahad ang kamay nito kay Aki, parang duda siya.


"Aki." He casually said and they both shake hands.


"So, kalaban namin ang school niyo niyan?" Zach asked.


"Yes, as per as I know."


"Goodluck,"


"Thank you-"


"Goodluck defeating us." Binangga ko sandali ang balikat ni Zach ng sabihin niya mismo kay Aki 'yon.


"Aki, huwag ka maniwala diyan." Sinamaan ko ng tingin si Zachariah and he just let out a heavy sigh.


"Boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Aki, para akong natinikan sa kaniyang tanong!


"Huh?" Halos mautal ako sa hindi inaasahan na tanong galing sakanya. "Saan mo naman nakuha yan?" I asked him while Zachariah was listening to us.


"Hindi ka mabiro, anyways hindi ko nakikita sila Amara?" Tanong niya pa sa akin at nakagat ko bahagya ang labi ko.


"Dre!" I heard Killian's voice.


"Um, si Amara hindi ko alam kung nasaan but si Kash kakaalis lang niya." Baling ko rito at tumango siya at nakarating si Killian sa lugar namin.


"Sino siya? Hindi familiar yung mukha sa akin, PortWood ba siya?" Narinig ko ang bulong ni Killian sa kaibigan.


"Hindi, kalaban daw natin sa laro." Zach answered and Killian nodded.


"I guess, goodluck Freya." Tumango ako kay Aki at pinanood siyang maglakad palayo.


Nang humarap na ako sa dalawang magkaibigan ay deretsong-deretso ang tingin nila sa akin habang naka-akbay pa si Killian kay Zachariah ngayon.


"What?" Tanong ko na sa dalawa, mukhang may gusto siyang tanungin.


"Naka-pasok na ba 'yon dito?" Killian asked and I shrugged my head. "His voice is familiar."


"Paano?" Kunot noong tanong ko sakanya.


"Parang naka-usap ko na siya, pamilyar talaga yung boses niya sa akin."


"Isipin mo muna baka mamali ka ng hinala diyan." Tumatawang sabi ko rito at kinuha ang gamit ko kay Zachariah.


Iniwan namin si Killian doon dahil maglalaan pa siya ng oras para mag-practice. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan na makonsensya dahil topless si Zach ngayon and ang lamig na ng panahon!


"Wala ka ba ikekwento?" He asked, dahilan para mapatingin ako rito.


"Oo nga pala, buti pinaalala mo, bakit hindi ko nakikita sila Ishani?" Wala akong nakikitang Ishani ngayon na gumugulo sa amin.


"Hindi ko rin alam, since last na gulo ay hindi na sila nagparamdam pa." Kibit balikat nito sa akin, dahilan para bumagal ang lakad namin.


Nang makarating na kami sa dorm namin ay agad na rin ako nagpaalam kay Zachariah lalo na at pagod na ang katawan ko. Papasok na sana ako ng hawakan niya ang aking kamay dahilan para tignan ko ang kaniyang hawak bago tumingin dito.


"Bakit?" Tanong ko rito dahil deretsong-deretso lang ang tingin niya sa akin.


"We're good naman kung ano tayo hindi ba?"


"Huh?" Nabigla ako sa kaniyang tanong, I didn't expect that word from him.


"Wala, magpahinga ka na Freya at kung may chance bukas ay mag-usap tayong dalawa." Sabat sa akin ni Zachariah habang may ngiti sa kaniyang mukha ngayon.


Bahagya akong napa-isip sa posibleng maging katanungan or maaari namin pag-usapan.


Ano ba kasi talaga tayo?


"Zach,"


"Freya masaya ako sa kung ano meron sa atin ngayon, ikaw rin di'ba?" Natawag ko nalang ang kaniyang pangalan sa oras na 'yon at natulala, ayon pa ang tanong niya sa akin na ikinadurog ng puso ko sobra.


"Oo naman," I smiled at hinawakan ang kaniyang kamay sandali. "Masaya ako Zach." 


Masaya nga ba ako?


Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko pero ayos lang naman kami.


"Mabuti na 'yon Freya, sige na magpahinga ka na at pagod na rin ako." Nakangiting sabi niya sa akin.


Tinanguan ko pa siya at pinilit ang sarili na ngitian siya pabalik kahit mahirap ang ngumiti sa harap niya ngayon. Hindi ko alam bakit nagkaganito ako sayo Zach, umalis siya sa harap ko umasa ako na hihintayin niya muna ako makapasok sa dorm ko bago siya umalis pero hindi nangyari 'yon. 


Umasa ako sa sarili kong pagiisip, siya ang hinintay kong makapasok sa dorm niya, ngumiti pa ako nang makapasok siya sa dorm niya at tumungo ang dorm namin.


"Bakit ko ba tinatanong ang sarili ko kung ano nga ba kami?" Napatanong ako sa sarili ko dahil wala pa ang mga kaibigan ko. "Fuck, hindi ito pwede."


Napa-upo ako sa kama ko para akong nahihirapan huminga ngayon sa naging conversation namin ni Zachariah, parang ang sakit niyang mahalin.


Gusto ko na ba siya?


"Bakit, bakit ganito ang epekto mo sa akin?" I kept asking myself after what happened.


Yung mga pinapakita mo na motibo sa akin Zachariah gusto ko maliwanagan lahat sa akin 'yon kung may meaning ba ang mga ginagawa mo sa akin or sadyang ganon ka lang talaga. I shrugged my head for a moment bago dumeretso sa banyo, tinanggal ko ang damit nito na suot-suot ko, iniisip kung ibabalik ko pa ba.


Shit.


Magiging masaya ba ako kapag pinili ko siya?


Wala naman sign na magugustuhan niya ako, siguro.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, iba ka na Divine Freya. I don't know who you are right now, this is not you!


Hindi ako ganito kahina dahil sa lalaki, what's happening to me right now?


"Terrence, you would understand me naman di'ba?" I asked out of nowhere.


Lumabas ako sa bathroom para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko kaya ang ganito parang hindi ko kaya kung ano ang meron sa amin ni Zachariah. I did inhale and exhale for a moment, ilan beses ko rin tinapik tapik ang aking pisngi to cheer myself up.


"Kaya ko naman di'ba?"


I kept asking myself over and over kung kaya ko ba. Kaya ko naman ata.


"Gusto ko na ba siya?"


Para kong kinakausap ang sarili ko kung gusto ko na ba si Zachariah, pero bakit, sa paanong paraan?


"Terrence," Natawag ko ang pangalan nito ng lumitaw siya sa paningin ko kahit alam kong hallucination lang ang lahat.


"Freya." He called my name, his voice will always be my favorite. "Wala ka naman ibang mahal kung hindi ako."


"Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sakanya, Terrence?" I asked.


"Gusto mo lang siya gamitin."


"Pero,"


"Freya, hindi mo naman talaga siya mahal. May gusto ka lang sakanya." His words was like true to me.


Mas gugustuhin kong paniwalaan siya kesa ang paniwalaan ang mga salita ni Zachariah sa akin.


Dumating ang wednesday ng gabi, nakikita ko sa mga kaibigan ko na masaya sila ngayon. Habang ako, hindi ko maiwasan na bumalik sa nakaraan ko. Patuloy akong hinihila kung saan ako nabibilang, my past always chase me.


He always chase me.


"Alam kong nandiyan ka lang, pero hayaan mo muna ako maging masaya kagaya ng pag-bigay ko ng saya sayo. Hinayaan kitang iwanan ako kahit hindi ko kaya para lang sumaya ka, sana, this time hayaan mo naman ako sumaya kahit papaano." Sa gitna ng pag-tingin ko ng bituin sa taas ay hindi ko inaasahan na may magsasalita sa likod ko.


"Nandito ka lang pala."


It was Zachariah, hindi ko inaasahan na mahahanap niya ako sa ganito kalaking eskwelahan.


"Paano mo ako nahanap dito?" Lumingon ako rito ng makita siyang nakapamulsa.


"Natandaan ko kasi na mas gusto mo ang tahimik kaya ito ang una kong naisip at tama nga ako." He knows what I wanted.


Kasama ng mga kaibigan ko ngayon ang mga kaibigan niya. Zayden was with Amara, and Asher with Kash. Hindi ko naman maisip na papasok sa isip ko na hahapin ako ni Zachariah.


"Nahulog ka na ba sa babae?" Unanong tanong ko rito habang tinitignan namin ang baba, naramdaman ko ang tingin niya sa akin.


"Oo,"


Tama ang hinala ko, imposibleng hindi pa sila nahulog. Paniguradong may una ang lahat, parehas kami may una kaming minahal bago kami magkakilala.


"Alam mo, ang saya ko sa mga kaibigan ko." Naalala ko ang mga kaibigan ko, ang ngiti sa kanilang mga mukha ay ayos na sa akin.


"Ako rin, akala ko talaga nung una ay trip lang nila pero nagkamali ako mahuhulog at mahuhulog sila sa mga kaibigan mo." Sagot niya sa akin without looking at me.


"Ikaw?" I asked again, I felt his look now. "Wala ka pa ba nagugustuhan?"


"Right now? Hindi pa ako sigurado, parang hindi ko pa nakikita ang sarili ko na magmahal ulit." Bahagya siyang ngumiti ng sagutin niya ako.


"Bakit naman?" Hindi ko maiwasan na tanong dito.


"Once na nahulog ako, gagawin ko lahat kahit kamatayan ko pa ay isusugal ko ang buhay ko sa babae na 'yon."


Grabe pala siya magmahal, hindi ko aakalain na ang isang tulad niya ay handang isakripisyo ang kaniyang buhay para sa babaeng mahal niya.


"Alam mo, ang swerte ng babaeng mamahalin mo." Nakatayo lang kaming dalawa at pinapanood ang mga nasa baba.


Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero nakatingin lang siya sa akin.


"Ikaw?" Maya-maya tanong niya sa akin at kumunot ang noo ko rito.


"Anong ako?"


"Wala ka pa ba nagugustuhan ngayon?" He asked slowly.


"I still don't know, how badly I wanted to meet other people lagi ako binabalik sa nakaraan ko."


Sobrang sakit sa akin ang mag-move forward because of my past.


"Bakit? Hindi ka pa ba nakakapag-move on?"


Natahimik ako sa tinanong niya sa akin, kahit papaano ay napangiti niya ako. Hindi ko alam bakit ako napangiti sa tanong na 'yon kahit ang hirap para sa akin ang harapan at sagutin ang tanong niya.


"Hindi ko masabi kung naka-move on na ba ako, lalo na at matagal ko ng sinubukan ang kalimutan siya."


"Ngayon?"


"Zach," Tawag ko rito. "Palagi ko siyang nakikita sa illusions ko."


Pag-amin ko rito, guminhawa ang pakiramdam ko ng masabi ko ang bagay na 'yon. Parang ayoko sarilihin ang katotohanan na nagpapakita si Terrence sa aking illusions. Sobrang hirap dahil kahit saan ako tumingin, mukha niya ang nakikita ko.


"Titigil lang yan kapag may iba ka ng mahal, subukan mong mag-paalam sakanya na magmamahal ka ulit baka sakaling tigilan kana niya." Ani pa nito.


"Sobrang hirap, bawat sulok mukha niya ang nakikita ko."


"Gusto mo na ba siya kalimutan?"


Natahimik ako muli sa tinanong niya sa akin, maayos lang ang pag-uusap namin ni Zachariah at kampante ako na hindi ako maluluha ngayon gabi.


"Oo," Gustong gusto ko na makalimutan si Terrence at piliin ko naman na muna ang sarili ko ngayon.


"Gamitin mo ako."


"What?" I didn't expect that from him, bahagya akong napa-atras pero agad niyang kinuha ang kamay ko dahil baka any time ay mahulog ako.


"Gamitin mo ako para makalimutan siya, gamitin mo ako hangga't wala ka pa nagugustuhan."


"What are you saying? Bakit mo sinasabi ang ganyan Zachariah?" I asked.


"Hindi ko rin alam pero willing ako mag-pagamit sayo."


Desidido ang kaniyang sagot sa akin kaya natulala ako at hindi makapaniwala. Konti nalang ata ay hindi ako makahinga, akala ko yung mga salita niya dati ay 'yon na 'yon pero hindi may hihigit pa pala doon.


"Zach, why?"


"Mahalaga ka sa akin at gusto kita tulungan."


"Tutulungan mo ako sa paraan na mag-papagamit ka?"


"Oo,"


He didn't hesitate to answer that.


"I," I closed my eyes, hindi alam ang sasabihin sakanya.


"Willing ako Freya, sabi ko naman sayo lahat gagawin ko para sayo hindi ba?"


"But,"


"Freya, gusto kita."


That answer it all.


Ayun lang ang hinihintay ko sa lahat, ang pag-amin niya, ang salita na 'yon ang pinaka-hihintay ko at ngayon ay narinig ko na rito.


I've been waiting that since then, reason bakit lagi ko tinatanong kung ano nga ba kami ni Zachariah.


"Gustuhin mo man ako or hindi, okay lang sa akin basta ako, ikaw ang gusto ko. Suklian mo man ang pagmamahal ko or hindi, ayos lang sa akin."


Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya ngayon. Hindi ako makapaniwala.


"I, I don't know..." Nasabi ko nalang but he just smiled.


"Gusto kita kaya hahayaan kita na gamitin mo ako makalimutan mo lang ang ex-boyfriend mo. Wala sa akin kung hindi mo ako magustuhan okay na ako na gusto kita."


"Paano mo nasasabi ang ganyan sa akin Zachariah?" Saan siya kumukuha ng lakas na sabihin sa akin lahat ng salitang 'yon.


"Kasi mahalaga ka sa akin at ayoko, ayokong mawala ka pa sa akin."


Dahil hindi ko alam ang gagawin, gusto ko maiba ang naganap. Napabalik ako sa dorm namin habang nakasunod lang sa akin si Zachariah, wala ng nagsalita pa sa amin after that. Puro ako lunok and now I am facing him to say goodbye.


Maaga pa naman at paniguradong mamaya pa ang balik ng mga kaibigan ko.


"Um," Unang salita ko while he was staring at me. Fuck. Bakit ba kasi siya umamin?


"Ngayon alam mo na gusto kita, I won't pressure you about love Freya. Kung ano tayo ngayon ay enjoyin natin."


"Um, see you bukas?" Ayun nalang ang nasabi ko and he smiled at me "Bye!"


He suddenly smiled bago ako napapasok sa dorm ko ng mabilisan. Agad akong sumandal sa pintuan at tinakpan ang bibig ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na umamin na si Zachariah.


He likes me...


Ayun ang naging dahilan bakit nakatulog ako ng maaga at hindi ko na nadatnan ang pagdating ng mga kaibigan ko. Four palang ng umaga ay gumising na ako at mahimbing pa rin ang tulog ng mga kaibigan ko.


His words, umeecho ang mga salita ni Zachariah sa akin.


Nakatulala lang ako sa kisame buong oras hanggang sa tuluyan na nga tumunog ang mga alarm namin at niisa sakanila ay walang nagising. Mukhang gabi na sila nakauwi sa dorm namin kaya hindi sila nagising sa kanilang alarm.


Another day, makikita ko nanaman si Zachariah, shit.


Tumayo na ako sa kama ko para gisingin na ang mga kaibigan ko na masarap pa rin ang mga tulog. Halos nakadapa sila sa kanilang mga kama kaya ako ay inuna kong gisingin ang mahirap gisingin at 'yon ay si Amara.


"Gising." Sandali ko pa siyang niyugyog at kasabay non ay pag-gising ko na rin kay Kash.


"Hm, ano ng oras?" Tanong pa ni Kash sa akin habang nakapikit pa ang kanilang mga mata.


"It's five in the morning Kash." I answered.


"Hm, give me five minutes." She keeps yawning and yawning and started to stretch her arms.


"No more five minutes, get up." Bahagya kong hinila ang mga kamay nila kasi ang five minutes pa 'yon ay magiging isang oras.


"I'm sleepy." Bulong pa ni Amara at nasapo ko ang noo ko.


"Gut up, now." Pagpupumilit ko pa sakanila at muling niyugyog si Amara na bumalik ulit sa pagkakahiga akmang matutulog muli.


Mabuti nalang ay hindi na sila bumalik sa pagkatulog pero kita mo sa kanilang mukha na ayaw na nila gumising ng ganito kaaga. Until now, hindi ko alam ang gagawin ko parang hindi ko kayang harapin si Zachariah after ng nangyari sa amin kagabi.


Sariwang sariwa pa rin ang mga salita na kaniyang binuga sa akin kaya hindi ko maiwasan na mailang mamaya kung sakaling kausapin niya ako. Pero sana ay huwag at kayanin ko.


Sa kalagitnaan ng pag-aayos namin ay nagtataka kaming tumingin sa pintuan ng may sunod sunod at malakas na katok ang bumungad sa umaga namin. Kumunot ang noo kong tinitignan ang mga kaibigan ko kung sino 'yon.


"Sino 'yon?" Tanong ko pa at nagkibit-balikat lang silang dalawa sa akin.


"Tignan mo nga, Kash." Baling pa ni Amara sa kaibigan na nagsusuot ng sapatos.


"Wait,"


Bumaling si Kash sa pintuan para tignan kung sino ang kumatok na 'yon, dumeretso pa si Amara sa bathroom para sandaling basain ang buhok nito para hindi gumulo ang pagkaka-ipit niya.


"Si Ara?" 


Narinig ko ang boses ni Zayden na sumulpot ang pagmumukha sa pintuan ng buksan ito. Nakangiti pa siya kaya kunot noo kong tinignan ang lalaking ito, dahil five thirty palang ng umaga ay nasa dorm na namin sila!


"Ara! Ara! Nasaan ka?! Huy baka nakidnap na yun! Ara!" 


"Zayden, dre umagang umaga bunganga mo! Kanina kapa sa dorm natin ah. Hanggang ngayon  ba maingay ka pa rin kahit hindi mo dorm?" Inis na tanong sakanya ni Asher, halata sa mukha ni Asher na naririndi siya sa boses ng kaibigan.


"Baka nakidnap na kasi dre." Napapikit ako sa oras na 'yon and naramdaman ko ang tingin ni Kash sa akin na hindi makapaniwala.


"Ang oa mo masiyado." Ani ni Kash dito at iniwan ang pintuan para ituloy ang pagsuot ng sapatos.


"Kanina pa kayo, pinagtutulu-"


"Ang ingay mo unggoy! Ayun saging sa lamesa kumain ka, umagang umaga naiirita ako sa boses mo!" Malakas na sigaw ni Amara na lumabas sa banyo habang nagtatali ulit ng buhok.


"Ara! Buhay ka pa pala?" Nakangiting tanong niya sa kaibigan ko, papalit-palit ang tingin namin sa dalawa ngayon.


"Tangina, Zayden!" Napayuko nalang si Amara sa oras na 'yon at ako ay hindi alam ang gagawin.


"Sorry na."


Mabilis lang ang naging oras. Thursday na ngayon at hanggang sabado ang napag-usapan namin na practice ng lahat ng players ng PortWood. Ang mga student na hindi nakasali sa mga sports ay pinagawa ng mga head ng maraming banners at iba pa. Ngayon rin ang araw na mag-susukatan kami ng mga jersey.


"Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin." Nakatulog na kasi ako ng maaga kagabi at hindi na sila nadatnan dumating sa dorm ko.


"Ano 'yon?" They asked.


"Lumabas na si Aki." Tipid na ngiti ko sa mga kaibigan ko at natigil ang pag-inom ni Kash ng tubig.


"What?" Amara couldn't believe on what she heard.


It was the same. Ganon din ang aking reaction ng makita ko si Aki kahapon, bakit, bakit isa-isa na naglalabasan ang mga kaibigan ko. Ayoko lang ipahalata sa dalawa kahapon na si Killian dna Zachariah ang reaction ko na hindi makapaniwala na nakita ko si Aki.


"Ako rin, hindi ako makapaniwala na nakita ko siya kahapon." Bulong ko pa habang hinihintay namin ang ibang players na dumating.


"Seryoso na ba? Bakit? Bakit biglaan naman ata?" Kash asked with so much confusion on her looks.


"Hindi ko alam, pero si Killian para nga kilala niya si Aki." Baling ko sakanila at seryoso lang silang nakikinig sa akin.


"What do you mean?" They both asked and I let out a heavy breath.


"They, fuck, tinatanong ni Killian if nakapasok naba si Aki sa school natin dahil pamilyar daw ang boses nito kay Killian."


Kwento ko sakanila, kinwento ko ang mabilis na pangyayari. Napapa-isip nga ako ngayon, bakit, paano. Ano ang ginagawa ni Aki, at anong school ang kaniyang pinasukan? Bakit, bakit din ang dali sakanya pasukin ang PortWood.


"Kayong tatlo! Aba, kumilos na kayo, ano hinihintay niyo pasko?"


Narinig ko ang boses ng coach namin at sandaling kumunot ang noo ko sa kaniyang binato sa amin. Kanina ayaw niya pa kami ipagsimula ng practice dahil hindi pa kumpleto ngayon naman siya pa may ganang magalit sa amin dahil nag-uusap kami.


Kanina pa lang kababa namin sa building nakasalubong na namin itong coach namin na terror sa tennis at kumulo na ang dugo ko ng makita ko ang kaniyang pagmumukha. Hindi ko alam bakit kaming tatlo ang pinag-iinitan niya palagi, kahit naman maattitude rin ang iba niyang players. 


Lagi niya nakikita sa amin ang mga mali namin, kagaya nalang kahapon ng hindi nasalo ni Kash ang bola ay parang rapper ito kung magalit sa kaibigan ko. Na para bang, ang daming bolang namiss ni Kash, eh samantalang kahapon niya lang ito hindi natira I mean isang beses palang talaga.


"Here we go again." I let out a heavy sigh dahil pinapakalma ko ang sarili ko sa attitude na meron siya.


"Hay umagang umaga, naiinis na ako." Ani pa ni Amara at ngumiti ako ng pilit to cheer her up.


"Konti nalang talaga sa akin si coach, pero kay Kaileen ang bait bait." Sabat ni Kash.


Ayun nga rin napapansin ko pagdating sa grupo ni Kaileen ay ang bait ni coach pero sa amin akala mo ang laki ng nagawa namin na kasalanan sakanya. Pero siguro, dahil sa matagal na siya nagtuturo and coach ng tennis kaya siguro naging kaclose niya sila Kaileen.


Pero, mali pa rin ang patakaran niya lalo na at hindi patas ang turing niya sa kaniyang players, meron at mayroon siyang favorites na players.


"Sorry coach." Paumanhin namin sakanya kahit labag sa kalooban namin humingi ng pasensya sakanya.


"Oops!" Pumunta ako sa bag ko kung saan nakalagay para kuhanin ang raketa ko doon pero sa kasamaan ay sinipa ni Kaileen 'yon.


Napakagat nalang ako ng dila sa loob ng aking bibig dahil konti nalang talaga ang pasensya ko. Hindi ko pinansin ang ginawa ni Kaileen at inabot pa rin 'yon. Kinuha ko ang raketa namin tatlo at tumayo, narinig ko pa ang kanilang tawa ng naglakad ako palayo.


"Tangina, ang sarap ihampas itong raketa kay Kaileen."


"Bakit, ininis ka nanaman?" Tumatawang tanong ni Amara sa akin at inirapan ko lang siya.


From a far, I saw him again and again.


I saw Terrence.


Fuck, hanggang kailan mo ako guguluhin?


Tumahimik ako sa oras na 'yon at binigay nalang ang raketa sa mga kaibigan ko. Hindi ako maka-focus sa sarili ko dahil ginugulo ako ni Terrence, ayoko mag-iskandalo rito baka mamaya isipin nila na kinakausap ko ang aking sarili.


"Santiago and Morris, maglaban muna kayo." 


I keep looking at him over and over, trying to figure kung illusions pa ba ang nakikita ko ar tao na talaga. He was just standing there, watching me.


"Morris!" My coach keep shouting like she was calling for someone.


But, hindi ko maalis ang tingin ko kay Terrence na nasa malayo. Maniniwala ako kapag nag-blink siya. I waited that, I was about to give up dahil sa hindi siya kumukurap pero in just one second he did blink.


"Ter- ouch!"


"What the?" Narinig ko ang singhal ni Kash ng may tumama na bola sa aking ulo.


Pupuntahan ko sana si Terrence pero sa hindi inaasahan ay may tumama na bola sa aking ulo. At ang sakit non kaya hindi ko maiwasan na tignan ang may kagagawan, nang ibalik ko ang tingin sa pwesto ni Terrence kanina. He was gone.


"No." Bulong ko and tried to find him again.


"Freya." Tawag na ni Amara at Kash sa akin ng akmang aalis ako. "What's wrong?"


They look so concerned. He was here.


Bakit?


"He's here..." 


Pare-parehas namin nararanasan ang pagpapakita ng mga mahal namin sa buhay ng simula ng magkaroon kami ng gusto. Pero, ang pinagtataka ko ang pagpapakita ni Vann kay Kash.


"Terrence?" Bulong nilang tanong sa akin and I nodded. "No, bakit? Bakit sila nagpapakita?"


Ayun ang tanong na hindi ko masagot. Hindi ko alam ano ang dahilan bakit patuloy sila nagpapakita sa amin. Bakit hindi nila kami maiwan, patuloy silang nagpapakita sa amin.


"Ano ba! Kanina pa namin kayo tinatawag, Santiago and Morris! Lalo ka na Morris!" Nabigla ako ng harapin kami ng coach namin at taasan ng boses.


"Coach," Amara was about to speak up.


"Ikaw ba si Santiago at Morris?" Tanong pabalik ng coach namin dito.


"W-what?" Amara exclaimed, she didn't expect that.



"Hindi kita kinakausap kaya manahimik ka." Nanigkit ang mata ko rito. "You're not even Santiago nor Morris, kaya huwag kang bastos."


"I'm Gonzales coach, is there a problem?"


"That's right you're Gonzales. That means I'm not talking to you.." Iritadong sagot nito kay Amara, rinig ko pa ang bungisngis ni Kaileen dito.


"Pero tama ba coach pagtaasan niyo kami ng boses? Unprofessional po 'yon." Malumanay na sabi ni Kash dito pero may dating ang kaniyang tono.


"She's right, huwag niyo sirain ang pagiging professional coach niyo dahil lang sa naiinis kayo sa amin." Alam kong siya ang nambato ng bola sa akin ng tennis.


"Aba bastos ka ha,"


"Oops, recorded it." May nalabas na phone si Amara ng akmang sasampalin ako ni coach sa sinabat ko.


"Delete it." Ani ni coach dito, hindi ko alam nasaan yung mabait na coach ng tennis.


"No," Nang-aasar na sabi ni Amara at binulsa ang phone.


"Delete it, Gonzales!" She continued yelling kaya napunta ang atensyon sa amin.


"I said no, coach."


"Don't lose my patience, you'll see what I can do ng hindi ako napapagalitan ni madam."


Now, it makes sense.


Siguro hindi lang siya coach dito, may iba pa siyang ginagawa sa eskwelahan na ito.


"And don't lose my respect too." 


Ngiting sabi ni Amara at inirapan ito. Hindi niya na muli pinansin si Amara sa oras na 'yon at pinipilit na pakalmahin ang sarili lalo na at maraming tao ang nandito ngayon at marami ang makakarinig.


Pumwesto kami ng akala mo walang nangyari pero sa kasamaan ay hindi pa tapos si Kaileen.


"How rude you are Freya, can't you talk to a nice way? Hm?" She asked at binaba sandali ang raketa ko at baka mahampas ko sakanya.


"Oh darling I'm always rude, problem with my attitude, Kaileen?"


I asked back and she still managed to smile kahit naiinis siya sa ugali ko at sa sinagot ko sakanya. Sandali niya pa tinignan si coach na hindi alam ang gagawin ngayon, mukhang hindi nito inaasahan ang pangyayari.


"Coach," Talaga bang tatawagin niya ang coach namin, para ano? Mgsumbong? "Look how disrespectful Freya is, hindi ko tatanggapin na may players akong bastos."


"Do you always have to complain about my behavior to coach? Why? You can't handle how rude I am?"


"I can handle it, if you don't know."


Bahagya akong natawa doon at si Kash and Freya ay busy sa paglalaro nila. Hinayaan ko 'yon at hinarap si Kaileen dahil hindi ko naman kailangan ng katulong sa isang katulad ni Kaileen, kaya ko siyang pabagsakin in a minute kung wala lang si coach.


"Really?"


I exclaimed pa, that makes look me shocked sa kaniyang sinagot sa akin pero tumawa lang ako ng bahagya.


 "Are you sure about your answer? But, it seems like you're wrong about it."


"What do you mean?" She asked at nagkibit-balikat pa ako sandali.


"Ginawa mo nga lang kanina e," Pahayag ko pa sakanya.


"What?"


"Sinumbong mo nga ako kay coach na wala akong respeto at rude ako sa paningin mo, so in that case masasabi natin na hindi mo kaya mahandle ang ugali ko."


Natahimik siya sandali sa aking sinabi. Nagkunwari akong nagiiisip sa sasabihin ko pa habang nakalagay ang point finger ko sa bibig.


"Sabihin na natin na salitang sumbungera?"


"Salitang sumbungera, ako ba 'yon or kayo?"


"Are you out of your mind?" Natatawang tanong ko sakanya, obviously kung meron man sumbungera dito siya na 'yon, iibahin niya pa talaga ang usapan.


"Back to the topic, I don't want to mention the D6 here. Baka kasi biglang dumating." Parinig niya pa sa akin at tumawa lang ako. "As I said, I can handle your attitude. What about it?"


"Cause you said earlier that you can handle my attitude. And it turns out you can't, darling." I smiled. "Try to understand what you are saying or either your answer to me, got it?"


"Stop, the both of you!" Sigaw ni coach sa amin, hindi na nakasagot pa si Kaileen dahil sa sinabi ko naiwan siyang tulala at galit dahil parang hindi niya gets ang sinabi ko.


"Morris, I heard everything! 10 laps, now!" Bahagya akong napa-ubo sa narinig ko rito.


"What the hell?" Inis na sigaw ni Kash dito. "Are you even serious? Rinig na rinig nga ang pag-uusap nila dito, dapat nga pati si Kaileen."


"Do you have a complain, miss Santiago or baka pati ikaw gusto mong tumakbo?"


"You-"


"Kash, stop, wala tayong laban dahil may favoritism dito." 


Akmang may sasabihin pa si coach nang lagpasan ko siya at tignan ng deretsong deretso sa mata niya. Tinali ko ang sintas ko ng maayos at sinimulan ang pagtakbo sa campus, wala naman ako magagawa at baka ano pa ipagawa ni coach kapag nagreklamo pa ako.


Habang tumatakbo ako hindi maalis ng paningin ko kay Zach, na ngayon ay naghahabulan sa oval. Nakita niya rin ako na tumatakbo at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka rito, binigyan niya ako ng nagtatakang tingin at nagkibit-balikat nalang ako at inalis sakanya ang tingin.


Pero, hindi ko inaasahan na pupunta si Zachariah sa pwesto ko para sumabay sa pagtakbo ko.


"Bakit ka nandito?" Tanong niya pa sa akin, sumasabay sa aking pag-takbo.


"Wala lang, gusto kita samahan."


"Tsk, may laro ka, iniwan mo?"


"Laro lang 'yon, nandito gusto ko."


I faced him. Patuloy lang kami tumatakbo habang si Jeremiah and Killian ay busy sa paglalaro s oval. Akala ko magiging awkward sa amin dalawa pero hindi pala, hindi pala magiging awkward.


"Teka, bakit ikaw-"


Shit.


Napaderetso ang tayo ko ng may tumama na bola sa akin, sobrang sakit noon kaya parang nahilo ako ng wala sa oras. Naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko at mamaya ay nanghina ang katawa ko dahilan para tumumba ako dahil sa pagkahilo ko.


Naramdaman ko naman ang mabilisan na pagkahawak ni Zach sa akin and I tried to managed myself pero sobrang sakit ang pagkatama ng bato sa aking ulo!


"Freya, Ramdam ko ang pagyugyog sa akin ni Zachariah, bahagya kong dinilat ang mata ko pero blurry vision ang nakikita ko.


"Freya, hey," I heard the voice of Jeremiah that time.


"Tennis ball?" Kunot noong tanong ni Killian dito habang nakapatong ang sarili ko sa mga balikat ni Zachariah.


"Who the fuck?" 


I blinked more than thrice baka sakaling maging okay pero hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit ng pagkatama sa aking ulo! Sino nanaman,


"Freya, ano, anong gaga-" Kita mo sa mukha ni Zachariah na natataranta ito at hindi alam ang gagawin.


"Ayos lang ako, medyo nahihilo ako pero ayos lang ako. Mawawala rin ito.." Pilit kong sagot sakanila, ayoko sabihin na ang sakit ng ulo ko baka maka-istorbo pa ako lalo na at naglalaro sila.


I tried to sit para matanggal na ako sa balikat ni Zachariah that time, naramdaman ko na rin ang pagpunta ng iba nilang team sa pwesto namin and Jeremiah was still finding something.


"Dalhin na kaya kita sa clinic?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Zachariah.


"Hindi na, kaya ko pa. And may isang lap pa akong tatapusin." Sagot ko sakanya at nagtaka naman siya dahil doon.


"What?" Rinig kong tanong nilang tatlo sa akin and I nodded.


Nang makaupo ako ay hinawakan ko pa ang ulo ko at kinapa ang tinamaan ng bola at ang sakit noon! I shrugged my head for a minute.


"Freya, what did you say?" Zach asked again.


"I, I need to finish one lap." Isa nalang naman.


"Ano? Bakit? Bakit ikaw lang mag-isa?"


"Nagkainitan kanina doon sa tennis court, yung mali ang kinampihan. I didn't know may favoritism doon." Nagawa ko pa ang tumawa rito.


"Sino yung coach ng tennis?" Killian asked our of nowhere.


"Anong ibig mong sabihin?" Zach focused on me, he looks so concerned.


"Wala, wala, huwag niyo na intindihin." Sabi ko pa sakanya at inayos ang sarili ko. Hindi ko magawang tignan kung sino ang nakatama sa akin, hinawakan ko pa saglit ang aking ulo para mawala ang hilo ko.


"Hindi ba si Karlia pa rin ang coach always sa tennis?" I heard something from crowd.


"Gago." Jeremiah cursed.


"Freya, just tell us what happened there." Ani ni Jeremiah.


Their looks. Ang mga tingin nila ay nag-aalala. Hawak hawak na ni Killian ang bola ng tennis kahit hindi niya sabihin nakikita ko ang pag-nginig ng kaniyang kamay doon.


"Baka lalong lumala,"


Ayoko sabihin sakanila lalo na at baka lumala ang gulo kapag nalaman nila ang totoo. Ayoko rin na makarating kay Asher and Zayden ang about dito lalo na at puntirya kami ng lahat sa tennis.


"Freya." Zacha held my shoulder, I stared at him.


"I'm okay... I'm okay Zachariah, don't worry." 


I want a rest...


Gusto ko sabihin na pagod na ako sa ginagawa nila sa amin, gusto ko muna ng pahinga.


Binalewala ko ang mga salita na gumugulo sa utak ko. Sinubukan kong tumayo, pero sadyang hindi ko kaya ang tumayo ngayon. Parang ang hirap, sobrang sakit talaga lalo na at mukhang ang lakas ng pwersa ng pagkakabato sa akin ng bola.


"Dre, may away daw dun sa tennis, tara, bilis!" 


Sa narinig ko na 'yon ay agad akong napalingon sa pwesto namin at totoo nga! Nagkukumpulan ang mga student doon! Kahit hindi ko kayang tumayo ay nakayanan ko pero inalalayan pa rin ako ni Zachariah kahit papaano.


"Ano nangyari?" Tanong ni Killian sa kasamahan nito habang papunta kami sa tennis court.


"Ang nasabi ng mga nagke-kwentuhan kanina ay, nagkaroon daw ng parinigan kanina tapos ayon nagkapersonalan na raw hanggang sa nagtirahan na raw ng bola. Kawawa dre yung dalawa doon, halos yung mga tennis team nagsanib-sanib laban sa dalawa.." Sa pagkakakwento palang halata na kaibigan ko ang sinasabi nito.


"Tangina mo Kaileen." Hindi ko alam pero napamura ako.


"Sino yung dalawa?" Tanong ulit ni Killian dito, nakita ko na ang mga mata niya na napupuno na ng galit. Alam kong alam niya na si Kash na ang tinutukoy nito.


"Yung ano, yung, yung magagandang transferee." Hindi nito alam ang sasabihin kung paano niya ipapaliwanag kung sino iyon, nang makita ako ay gulat na gulat siya sa akin. "Puta! Yung kaibigan niyan!" Mura pa nito sabay turo sa akin.


"Puntahan na natin mga kaibigan mo, tatawagin na nila sila Asher." Sabi pa ni Zach sa akin, buti nalang talaga at nawala na ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.


"Huwag na." Akmang aalis na sila ng hawakan ko ang kamay ni Zach.


"Bakit?"


"Baka lalo lumala."


"Pero, iba na 'yon." Pilit niyang pinapaintindi sa akin ang gusto nitong mangyari, pero hindi pwede baka lalo lang talaga lumala ang gulo. "They are already crossing the line."


"Zach-"


"Divine..." 


Seryosong tawag ni Zachariah sa pangalan ko at first name pa talaga. Halata na sa boses niya na hindi na ito makatiis. That was the first time I heard him calling me using my first name.


"Okay, okay." 


Wala na ako iba ginawa kung hindi ang puntahan ang mga kaibigan ko. Sumuko ako dahil wala na ako laban kay Zachariah, lalo na at seryoso ito.


"Excuse, excuse." 


Tabi ko sa mga student na nagkukumpulan roon, nang makalampas ako nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa sahig at takip na takip nila ang mga sarili nila, habang ang mga ka-team namin ay tumatawang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na hindi lumalaban.


Dahil sa nakita ko sa mga kaibigan ko nakita ko ang mga bola na nasa harapan ko at malakas na tinira kay Kaileen na tumama sa pagmumukha niya. Inis na inis akong nakatingin rito kahit hindi naman kinakailangan.


"Freya," Humarang lang si Zachariah sa akmang uulitin ko ulit ang ginawa ko.


"Tumigil kana, Kaileen." Mahinahon pa na sabi ko sakanya at hindi pinansin si Zach.


"What the fuck? Patay ka sa akin!" Sigaw niya sa akin dahil sa sakit na naramdaman niya sa pagtira ko sa mukha nito.


"Go ahead! Ako kalabanin mo, huwag ang mga kaibigan ko! Huwag kang matakot sa akin."


"Oh, look what we have here. The silent one, but has a dangerous skill." Salita nung isang ka-team namin na kampi kay Kaileen, simula una talaga wala kami naging kakampi sa mga ka-team namin pero hinayaan na lamang namin 'yon.


"Tumigil kana, tumigil na kayo." Seryosong sabi ko sakanila.


"And why should I?" Tanong sa akin ni Kaileen talagang hindi nadala sa pagtira ko sa mukha nito eh.


"Kaileen, stop it already!"


Sigaw pa ni Zachariah dito, ngayon nalang ulit siya sumigaw ng ganon.


"Zach, bakit mo ba kinakampihan yan? Ako yung nasaktan oh?" Ani pa ni Kaileen at napa-irap nalang ako.


"Tumigil ka na Kaileen, baka masaktan kita kapag ako napuno sayo."


Nakita ko pa rin Amara na hawak hawak ang kaniyang mata. I rushed to her in no time, halos manlaki ang mata ko ng makitang namamaga ang mata nito. Tinamaan siya sa mata! Si Kash nama ay sa balikat pero kita ang malaking pasa nito.


"Kash needs you, siya ang binugbog." Nanlalaki ang mata kong marinig kay Amara 'yon.


"Gago ka talaga e, 'no!" 


Napa-atras sila sa ginawa kong pagkuha sa raketa ko, hindi ko hahayaan na makakalabas sila dito ng hindi ko naipaghihiganti ang mga kaibigan ko.


"Tumigil ka na!" Gigil na sabi ko rito ng pigilan ako ni Zachariah from attacking her.


"Ayoko!"


"And why not?" 


Gusto ko na talaga siya patumbahin para sana madala na, hindi ko na matiis ang sarili ko at baka ano pa ang magawa ko sakanya. Pero kahit na ganon tinitiis ko pa rin hangga't kaya kong magtiis pero konting konti nalang ako.


"Inis na inis ako sayo, you know that?" Bato nito sa akin.


"As if I care about you."


"That! That! Your fucking attitude! I don't like it!"


"As if I like your fucking attitude too?!" I backfired, pinuno na talaga ako ni Kaileen.


"Because this is me! And you should accept my attitude!" I coughed for what she said, talagang inutusan niya pa ako.


"Is that so? But I'm sorry to tell you this, if you don't like my attitude, I'm sorry I'm born with a rude attitude. No one, or even you cannot change my rude attitude, Kaileen."


"Fuck you!" She did really raised her middle finger on me.


"Asshole."


"Tumigil ka na Kaileen." Masinsinan na sabi ni Zachariah dito without looking away, he was focus staring at me.


Inalis ko ang tingin ko rito at badtrip na kinuha ang katawan ko na hawak ni Zachariah dahil sa pagpigil na ginawa niya sa akin.


"You think, Zachariah likes you?" 


I was about to walked away when Kaileen speak up. Kumunot sandali ang noo ko rito, he just confessed last night, anong ibig sabihin ni Kaileen?


"Freya, do you think Zach likes you? Baka nakakalimutan mo na PortWood ang kinagagalawan mo, umamin man siya or hindi, never ka niya magugustuhan."


"Kaileen." Zach called her, I was just listening to her.


"Bakit hindi mo sabihin ang pinag-usapan niyo ng kuya mo kanina Zach?" 


That makes me turned my posture to Zach, nakakunot na ang noo ko sa sinabi nito.


"What are you saying then?" I asked Kaileen that time, hinawakan ni Zach ang kamay ko sa oras na 'yon.


"I heard everything, Zachariah. Umamin ka last night kay Freya pero ang katotohanan hindi mo talaga siya gusto. I heard it on my own ears, that you don't like her, that you will never ever like her,"


"Stop it Kaileen, stop it already!" Zach yelled. "Don't listen to her."


"Freya hindi ka niya gusto, he just said that because he wants to save his life."


"Kaileen!" 


Fuck life, bakit nga ba kasi ako naniwala kay Zachariah?


Nasa PortWood nga pala ako, kaligtasan ang kailangan mo rito.


Dahil sa hindi ko maintindihan na pangyayari naging mabilisan ang pangyayari. I can't process everything I heard right now.


"Zay...den..." 


Nang marinig ko ang salita ni Kaileen hirap na hirap niya itong sinabi, doon ako napatingin na. Gulat na gulat ako ng makita kong tinaas ni Zayden si Kaileen sa may bakal na nakaharang at naka sandal ito rito habang sakal sakal ni Zayden si Kaileen. "Nahihirapan ako huminga, Zayden."


Ramdam ko ang hirap nitong huminga sa oras na 'yon. Punong puno ng galit si Zayden after what she have done to Amara. I still can't look to Zach, right now.


"I don't care." Ngayon ko lang makitang ganito kagalit si Zayden. At mas lalo kong hindi inasahan ang ginagawa niya ngayon.


"Zy! Stop!" Sigaw ni Amara pinipilit na tumayo.


"Ara! Don't!" Pigil nito sa kaibigan namin sa pilit nitong pagtayo, ngayon ko lang din napansin ang tawagan nila. "Stop right there, Ara, masasaktan kita."


"Zy, baka mapatay mo yan." Alalang sabi ni Amara rito.


"I don't care, she deserved then."


"Zy, tigil na." 


Muling sabi ni Amara baka sakaling mapatigil nito sa Zayden sa ginagawa niya. Zayden just let out a heavy sigh at niluwagan ang pananakal na ginagawa niya kay Kaileen.


"Hangga't nakikita ko ang pasa sa bandang mata mo, hindi ako titigil sa ginagawa ko ngayon Ara." 


Nakakatakot talaga siya ngayon medyo nakalma ko ang sarili ko ng luwagan nito ang pagkakasakal kay Kaileen, sila Asher naman na walang balak pigilan si Zayden sa ginagawa niya.


"Stop na Zy, I'm okay." Zayden won't listen to Amara.


"You're not! Huwag mo ako lokohin Ara."


"Hindi kita niloloko Zy."


"Sobra na siya Ara, alam mo ba 'yon," Pasigaw ang boses nito pero hindi niya hinahayaan na masigawan mismo si Amara sa mukha niya. "Lagi nalang niya kayo sinasaktan. Nakikita ko Ara sa malayo, pero pinapalampas ko, but now, this!? This is too much Ara. Huwag mo pagtakpan ang ginawa niya sayo."


"Zy, stop na babe."


"Okay, I'll stop na babe." 


Parang batang bigla nalang binitawan ni Zayden si Kaileen at malakas itong bumagsak sa sahig, napanganga nalang ako sa ginawa niya at chill lang siya na papunta sa kaibigan ko ngayon na para bang wala siyang ginawa o walang nangyari ngayong oras. 


What the fuck did just happen?


Takang itsura ang napalit sa mukha namin lahat dahil sa mga narinig namin. Sinulyapan pa ng lahat si Zayden na pinagtitripan na ngayon si Amara at ang inosente na ng kanyang mukha ngayon.


"Kash." 


Napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Killian sa kaibigan ko, napatingin naman si Asher at si Kash dito. May gusto itong tanungin pero hindi niya magawa, ngayon na nakatayo na ito kahit hawak hawak nito ang balikat niya na panigurado ay tinamaan ito.


"Nothing." Umiling pa siya.


"What the hell happened to you, Kaileen?!" Napalingon kaming lahat dahil sa sigaw na 'yon.


"Ate."


"Ano nangyari sayo? At bakit hirap kang huminga!?" Hindi makapaniwalang tanong nito.


"Ate, pinagtulungan nila ako." Umiiyak ng sabi nito.


"Liar." Mahinang bulong ko buti at walang nakarinig noon kung hindi si Zachariah lang.


But, I can't help na maalala ang sinabi ni Kaileen.


"Sino?" Sigaw nito at lahat naman ay tumingin sa akin I mean sa amin magkakaibigan , tinuro rin kami ng mga ka-team namin sa tennis.


"Yung tatlo."


"You're such a liar, you fucking bullshit." Maangas na mura dito ni Killian.


"Don't talk to my sister that way, you kriminal." Seryosong sabi rin ni coach kay Killian at tinawag pa talaga na kriminal si Killian.


"So? What do you call to yourseld then, Karlia?"


"What did you do to my sister Kash?" Binaling nalang nito ang tingin kay Kash at hindi sinagot si Killian.


"Coach, Oo I mean Karlia. Before you blame me, blame your sister first." Salita ni Kash dito, nandoon ang pagiging mataray niya. 


"Gago ka e 'no?"


Lumalabas na talaga ang ugali nito.


"Mas gago ka coach, bakit nandito ka ba nung nagsimula ang away? Wala di'ba? And how sure are you na kami nga ang nauna, see walang kasakit-sakit na nararamdaman ang kapatid mo kung hindi ang hirap lang siyang huminga, and us? Look to us! Nagkaroon kami ng pasa dahil sa pagiging inggitera ng kapatid mo, just like you!"


"Kash." Pigil ni Asher dito dahil dere-deretso ang sinasabi niya.


"Kash is right Karlia, dumating kami rito na walang kalaban-laban ang tatlong ito. Anong klaseng coach ka, Karlia." Sabat na rin ni Zayden sa usapan. 


"Huwag kang sumabat Zayden."


"I won't tolerate your sister wrongdoing, I swear, magkakaroon ng labanan between us kapag inulit niya pa. Ako ang sumakal, kulang pa nga 'yon sa ginawa niya sa girlfriend ko."


Girlfriend ko...


Agad akong napatingin kay Amara na ngayon ay hiyang hiya na dahil sa biglaang paglalaglag ni Zayden dito! 


Sila na?


Maraming student ang nabigla, kaya nagsimula na rin silang nagtsismisan dahil sa balita na narinig nila mula kay Zayden.


"Zayden, anong nangyari sayo? Anong ginawa sayo ng babaeng yan, akala ko ba si Ishani pa rin? Bakit sila ang kinakampihan niyo!?" Natawa naman si zayden sa tanong na 'yon. Iniba pa ang topic.


"Wala na tayong connection sa isa't isa alam mo yan Karlia. Ni minsan hindi namin tinanggap bilang kaibigan sila Ishani, kayo! Never namin kayo tinanggap sa buhay namin."


"Zayden, hindi ikaw yan, hindi ikaw yung Zayden na nakilala ko, namin." Bakit biglang naging mabait si Karlia.


"Dahil pekeng Zayden ang nakilala niyo Karlia. Alam mo, napaka-unfair mo, hindi mo bagay maging coach or tawagin na professional coach, hindi dahil sa kapatid mo si Kaileen at alam mong kaaway nito ang tatlo, ay kapatid mo na ang kakampihan mo."


"At sino sa tingin mo ang kakampihan ko sila?! Bakit, mali naman sila lagi ah, sila ang nagsimula!"


"Kilala na namin ang ugali mo, dahil ba sa hindi mo nakuha ang kuya ni Asher, kaya ka nagkakaganyan ka? Ikaw ang nag-iba Karlia."


Grabe, halos hindi na ako makapagsalita sa nilalabas nilang mga salita. May gusto pala si Karlia sa kuya ni Asher, now it makes sense bakit galit na galit siya sa amin.



"You don't know everything Zayden, kaya huwag mo akong pangunahan."


"I may not know everything what happened between you and Asher brother, but this is an advice for you. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong basura lang ang tingin sayo."


"Zayden!" Fuck, straight forward!


"I don't need your opinion, you know me Karlia. I can kill the two of you right here, right now. If something happens bad to my girlfriend, ready yourself." 


Zayden didn't even think twice upon saying and throwing that word.


"Zayden this is not fair! Sinaktan mo ang kapatid ko ngayon!" Napamaang ako sa sinabi ni Karlia.


"Ginawa ko 'yon dahil sinaktan niya ang girlfriend ko!"


"Pero babae siya! I don't know what happened to you Zayden!"


"Ilang beses ko ba sasabihin na pekeng Zayden ang nakilala niyo. I don't care about the gender as long as my girlfriend is involved here, I will hurt him or her."


"You will pay for this Zayden, you will pay Zayden."


"Last word Kaileen, remember this,"


I was just listening to them. Hindi ko kinaya ang batuhan nila ng mga salita, lalo na si Zayden ngayon ko lang siya nakita na parang sumabog after what happened to my friend.


"Don't you dare hurt my girlfriend, Kaileen. Baka itong raketa mo ihampas ko papasok sa ulo mo, huwag kang magsimula Kaileen. Huwag sa harap ko, I will look for you when you hurt my girlfriend again, I will." Huling kataga na binitawan ni Zayden at hindi alinlangan binuhat si Amara at nagsimulang maglakad papunta sa clinic.


I don't know what to say right now. Hindi kami nakapaglaro ng volleyball because of that.


Kumalat na rin sa school ang biglaang pagamin nila Zayden at Amara dito, wala naman nagawa ang mga nagkakagusto kay Amara at Zayden. 


Masaya na ako sa kaibigan ko.


Dito na rin kami sinukatan ng mga gagawa ng jersey number, number 18 ang pinalagay ko rito samantalang si Kash ay 8 habang si Amara ay 13. Alam ko ang 13 ay 'yon yung araw na naging sila ni Zayden or naging official.


Shit.


Hindi ko alam ang gagawin ko.


"Totoo ba na kausap mo kaninang umaga ang kuya mo?" I asked, it keeps bothering me ang sinabi ni Kaileen.


Bakit parang handa na akong harapin ang heartbreak.


Fuck, nahulog nga ako sakanya.


"Zach, please tell me kung nag-usap kayo ng kuya mo kanina." Mahinang sabi ko rito, he just looked down and even breathe out.


"I'm sorry, Freya."


'

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
403 90 21
What happened after August?
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
339K 23.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...