CHAPTER 7:
-xxx-
Eksatong 8:30 ay nandito na kami sa studio kung saan sila iinterviewhin ng isang sikat na entertainment dito sa Pilipinas. Ang CBNN Entertainment.
Dahil kailangan pa nilang mag make-up at maghanda ay pumasok muna kami sa isang dressing room. Naunang maglakad ang Hori7on at sunod naman si Managernim, shempre panghuli ako na may bitbit na dalawang malaking bag. Mga extrang damit at gamit ng members. Kahit mabigat keri naman dahil ito ang aking trabaho.
Gusto nga akong tulungan ni Kim kanina eh pero pinigilan ko lang siya kasi nga trabaho ko ito at isa pa ayaw ko may maling ibig sabihin ang iba. Baka sabihing ikinawawa ko mga idols nila at ma bash pa ako sa soc med.
Isa-isa umupo sila sa mga upuan para make-upan. Ako naman ay inilapag ang gamit nila sa isang sofa at umupo. Iniwan kami ni Managernim dahil may aasikasuhin daw muna.
"Excuse me po, PA ka ng Hori7on?"tanong sa akin ng isang staff.
Umupo naman ako ng maayos. "Opo."hiyang tugon ko.
"May free coffee po doon at breakfast, baka po hindi pa naka kain mga alaga niyo."saad niya.
"Sige po, salamat."saad ko.
Umalis naman na siya dahil may aasikasuhin pa ulit siya. Tamang-tama ay wala pang mga kain sila kaya naman tumayo ako para dumeretso sa kung saan nakahelira ang mga pagkain.
Binilang ko muna ito bago buhatin ngunit napakamot naman ako sa ulo kasi nakalimutan ko hindi ko pala ito madala lahat. Kaya napag desisyonan ko na unahin muna ang breakfast bago ang coffee. Nabitbit ko naman ito lahat.
Una ko binigyan si Jeromy dahil siya ang malapit.
"Breakfast ka muna."mahinang tugon ko.
"Salamat, Ate."ngiting tugon niya.
Sunod ko namang binigyan si Reyster dahil katabi lang nito.
"Breakfast."tipid na sa saad ko.
"Thank you."tugon niya.
Sunod naman si Vinci at Winston dahil magkaharap lang naman sila ng upuan.
"Breakfast muna kayo."saad ko bago binigay.
"Thank you!"maligalig nilang saad sa akin.
Si Kim naman ang sunod ko na nilapitan. Tinapik ko muna braso niya,
"Kain ka muna, baka kasi mamaya bigla kang mahimatay."biro ko sa kaniya.
"Okay lang basta saluhin mo ako."banat niya.
"Sira ka talaga."hampas ko sa kaniya at umalis na.
Napa-iling naman ako sa kalokohan ni Kim. Ito na ang panghuli. Inayos ko muna ang sarili ko at umubo pa talaga ako para malaman ko okay ba boses ko. Inamoy ko din ang bibig ko, baka kasi bad breath.
"Kyler."mahinang tawag ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin. Nanatili pa rin siyang naka pikit kahit inaayosan ang buhok niya.
"Kyler."ulit ko.
Ngunit hindi niya talaga ako pinansin. "Breakfast ka muna."saad ko.
Inilapag ko ang bento box pero nakapikit pa rin. Bumuga namana ko ng hangin. Nadismaya naman ako sa inasal niya. Okay lang baka ano lang, inaantok pa.
Bumalik naman ako sa nakahelira ng pagkain at kumuha naman ako ng coffee at inisa-isa itong ibigay sa kanila. Dahil dalawa nalang ang bibigyan ko ay inuna ko na muna si Kim bigyan ng bitbit ko na coffee.
"Oh, kape para naman hindi ka mabulunan."abot ko sa kaniya.
Kinuha naman niya ito. "Ang sarap pala pagsilbihan, 'no?"asar niya sa akin.
"Ayaw mo? Sige akin na, kuha ka nalang doon."turo ko sa nakahelirang pagkain.
"Binigay mo na, kukunin mo pa?"pang-aasar niya ulit.
"Bahala ka."ngusong saad ko.
Tinalikuran ko na siya pero rinig ko pa rin ang mahinang tawa niya. Tinignan ko naman ang last coffee na hawak ko at si Kyler. Alam ko na. May na-isip ako baka kasi wala siya sa mood. Inilapag ko muna ang coffee na hawak ko hinalungkat ang shoulder bag ko. Nakita ko na!
Mabilis ko naman sinulatan ang coffee niya. Tadaa! Isang "Kaya mo 'yan, fighting!" at smiley face ang isnulat ko. Binalik naman sa bag ko ang marker at masaya naman akong binitbit ang coffee papunta sa upuan niya.
Nakapikit pa rin siya. Nakatitig lang ako sa kaniya. Tapos na kasi siyang ayusan ng make-up artist na anka assign sa kaniya. Ang gwapo niya! Dahan-dahan ko naman inilapag ang coffee niya. Ayoko siyang disturbuhin baka kasi nagpahinga lang. Naka ngiti naman akong umalis sa harapan niya at bumalik sa sofa kung saan ako nang galing kanina.
"Nakakapagod pala."bulong ko sa sarili ko habang naka-inat.
Napatayo naman ako kasi biglang tinawag na ang Hori7on dahil magsta-start na daw sila. Tumayo na din ako kasi gusto kung makinood. Pwede naman kaming manood pero sa likod lang ng camera. Gusto ko lang ma-witness kung paano nila sagutin ang mga interview, chance ko na din 'to bago ipalabas sa TV.
Naka-upo na sila sa isang mahabang upuan at nilalagyan ng lapel ang bawat suot nila. Nandito din si Managernim at isa siya sa naglalagay ng lapel sa mga members.
"Okay. Start na tayo in 3, 2, 1. Action!"sigaw ng director.
Tumahimik muna ang mga tao sa paligid at namangha naman ako kasi first time ko maka kita ng isang setting na ganito. Ang lalaki ng mga camera at madaming naglalakihang ilaw.
"Magandang Umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Karen Dedabila, your host for today. May supresa pala kami sa inyo, alam niya ba kung ano o sino? Shempre hindi pa kasi hindi pa namin pinakilala."bigla naman siyang tumawa.
"Please us welcome Hori7on!"pakilala niya.
Itinutok naman sa kanila ang camera. "Hana, Dul, Set. Annyeonghaseyo! We are HORI7ON!"pagpapakilala nilang lahat.
"DIba, ang gwa-gwapo ng mga batang ito. Kung hindi lang ako tanders, naku!"saad ng host.
Napatango naman ako bilang sang-ayon. Tama naman kasi. Kahit sina Marcus at Jeromy na ang babata pa ay talagang hindi mo mahahalata.
"It's such an honor po to be here."saad ni Vinci.
"Reyster, are you with us pa ba?"biro ng host.
Tumawa naman sila. "Ay, opo. Sorry po inaantok pa po kasi ako."nahihiyang saad ni Reyster.
Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Halata naman."biro ulit ng host.
"Jeromy, ang laki mo ng bata ka hindi halata sa edad mo."tugon ng host.
"Ay hindi po."nahihiyang saad ni Jeromy.
Napatango naman ako kasi totoo naman, bigla kasi siyang tumangkad.
"Winston, pumuti ka ng lalo."puri ng host.
"Saktong ligo lang po."biro naman ni Winston.
"Marcus, nabalitaan namin ang dali mo napag-aralan ang Korean language."saad ng host.
"Hindi naman po kasi mahirap."confident na saad ni Marcus.
Napa-"oh" naman ang ibang members. "Pwede mo ba kaming pakitaan ng isang Korean diyan?"saad ng host.
"Naneun gwiyeobgo jalsaeng-gyeossda."saad niya. (I am cute and handsome.)
"Wow, pati accent nila kuhang-kuha mo."tugon ng host.
"Ikaw naman Kyler, ano feeling pinagkaguluhan ng mga koreano? Nabalita ko kasi pinagkaguluhan ka doon sa Korea."dagdag ng host.
"Hindi naman po sa pinagkakaguluhan, pero nakaka overwhelmed lang po ang mga korean fans."saad ni Kyler.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti. "Sino naman kasing hindi pagkaguluhan kung ganito ba naman ang mukha."biro ng host.
"Ikaw Kim, naranasan niyo na magperform sa stages ng Korea. May nagustuhan ka ba doon?"pang-aasar ng host.
Nabigla naman ako ng tumingin sa akin si Kim at ngumiti. Luh! Ano 'yun?
"Wala po."mabilis na sagot ni Kim.
Hindi ko naman natapos panuorin sila sa labas dahil tinawag na ako ni Managernim para ayusin mga gamit nila sa dressing room dahil maya-maya pagkatapos nito ay may photoshoot naman sila.
Ang busy pala talaga ng schedule mo pag isa kang sikat eh. Isa-isa ko naman iniligpit ang pinagkainan nila kasi hindi nila na-iligpit kanina. Habang nagliligpit ako ay nakita ko ang coffee na binigay ko kay Kyler. Walang laman! Kinuha ko naman ang cellphone ko at nag selfie. Remebrance na 'to.
Mabilis naman akong natapos sa pagliligpit at isa-isa na ring angsipasok ang mga Hori7on dahil natapos na pala ang kanilang interview.
"Kapagod!"saad ni Jeromy.
"What's our sched ba, Ms. PA?"tanong sa kain ni Vinci.
"May photoshoot pa po kayo ngayon, Sir."magalang sa saad ko.
"Just drop the Sir. 'Wag muna kaming tawagin ng ganun."saad ni Kim sa likuran.
Nagsitanguan naman ang iba pwera kay Kyler na nakasimangot.
"Sige. Then don't call me Ms. PA, it's too formal kasi. Just call me Amara or Mara."ngiting tugon ko.
Tumango naman sila. "Kakain na ba?"tanong ni Winston sa akin.
Napatawa naman ako. "Kakatapos mo lang kumain, Kuya Winston."si Marcus naman ang sumagot.
Napalingon naman kami sa pintuan dahil tinawag na kami ni Managernim kasi aalis na kami. Nagpaalam naman kami sa mga staff, cameraman at sa host. Nagrequest magpa-picture ang host kaya naman ay nandoon sila sa isang gilid.
Tinawag naman kaming dalwa ni Managernin para daw sa picture. Tumangi naman ako sa una pero pinilit pa rin talaga ako ni Managernin kaya sumunod nalang ako. Mas naging okay ang mood ko kasi nasa gilid ko si Kyler. Uwe! Kakilig!
Natapos naman ang picture taking aya dumeretso naman kami sa van ng Hori7on at doon din ako sasakay kaso sa unahan lang ako uupo hindi katabi nila. Malaki naman ang van.
-xxx-
(REYSTER ON MULTIMEDIA)