Full of Secrets

By kalilalily

35.3K 309 36

Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this scho... More

Prologue
CH 1
CH 2
CH 3
CH 4
CH 5
CH 6
CH 7
CH 8
CH 9
CH 10
CH 11
CH 12
CH 13
CH 15
CH 16
CH 17
CH 18
CH 19
CH 20
CH 21
CH 22
CH 23
CH 24
CH 25
CH 26
CH 27
CH 28
CH 29
CH 30
CH 31
CH 32
CH 33
CH 34
CH 35
CH 36

CH 14

635 5 0
By kalilalily

[Amara's POV:]


Dumating ang kinabukasan, at umaga na ngayon pagkagising na pagkagising namin tatlo ay mabilis kaming nag-ayos ng sarili, buti nalang at hindi na malungkot si Kash ngayon. Siguro ay kinausap siya ni Leimuel kaninang madaling araw, kasi naramdaman ko siyang bumangon at may kinausap sa cellphone niya. Hinayaan ko nalang 'yon at bumalik ako sa pagkatulog ko...


"Okay kana ba, Kash?" Tanong sakanya ni Freya at agad naman ako lumingon para tignan ang kanyang itsura.


"Don't worry, okay na ako Frey." There was a smile on her face na.


"Buti nalang, oh eh teka." Pagpigil nito sa usapan namin at tinuon nalang namin dito ang sarili dahil mukhang may balak itong sabihin sa amin.


"Bakit?" Tanong namin dalawa kay Freya.


"Sila Ivy? Kailangan pa ba natin sila patulan?"


She asked out of nowhere. Kung ako tatanungin ang mga katulad nila ay hindi namin ka-level. Magiging kawawa lang sila kapag kinalaban at tinuloy pa nila ang plano nila sa amin.


"Hindi ko rin maintindihan ang magkapatid na 'yon." Natatawang sagot ko kay Freya sabay upo sa aking kama.


"Wala pa talaga silang alam." She answered to me pa.


"Malalaman din siguro nila soon, marami pa nga ang ayaw maniwala. Pero, wala tayong magagawa nasa sakanila nalang 'yan on how they will survive this school year with three devils inside."


"So, ano na ang balak natin?" Napatingin kaming dalawa kay Kash sa mga oras na 'yon.


"Edi ibigay natin kung anong gusto nila."


"Bago pa natin mabibigay ang gusto nila ay paniguradong nag-aagawa buhay na sila sa kagagawan natin." Singit ko rito.


"Tignan nalang natin kung hanggang saan ang kaya nila." Sunod pa na sabi ni Kash dito.


"Mukhang takaw gulo talaga ang mga Alrdige family." Walang ganang sabi ni Freya habang inaayos ang kaniyang buhok. "Kung gusto nila ng away, simulan na nila hindi yung hahanap pa sila ng kakampi."


"Frey, hindi tayo lumalaban ng walang laban alam mo 'yan. Eh, kahapon mukhang kaya naman nila kaya hayaan mo na, kung gusto nila ng war edi go." Sagot ko sakanya dahil halata naman kahapon na gusto nila ng gulo kaya binigay namin ang gulo na gusto nila.


"Amara." Pagtawag niya sa aking pangalan. "Mukhang tayo ang kinikilala nilang salot sa PortWood. What if tayo ang pag-tulungan nilang lahat?" Tanong niya sa amin ng hindi namin inaasahan.


"Frey, just chill mapapagod din sila." Tanging sagot ko nalang sakanya.


"Frey, Amara is right hayaan mo silang mapagod. Kung gusto nilang kalabanin tayo edi lumaban tayo, pinaka-ayaw natin ang tinatawag tayong loser, alam mo yan." Sabat na ni Kash sa usapan namin tatlo. "And kung tayo nga ang kinikilala nilang salot sa PortWood, mas okay na 'yon at least katatakutan nila tayo at mukhang naangatan natin ang mga D6."


"May magagawa pa ba ako?" At sa huli wala na siyang nagawa parehas na kasi kami ng sinabi ni Kash at ang tanging magagawa niya nalang ay makisama sa amin, dahil para naman na ito sa kaligtasan namin tatlo.


"Whatever, let's go." Sabi ko nalang sabay kuha ng bag ko sa kama at cellphone na full charge. 


Mabuti nga at na-charge ko kanina cellphone ko nung lumabas si Kash at mabuti ay nagising ako dahil kung hindi wala akong phone na madadala sa classroom. Pagkalabas na pagkalabas namin ng dorm ay marami na rin ang mga student na nagsisilabasan sa kanilang mga dorm, ang iba naman ay nag-rereview at ang iba ay wala lang dere-deretso lang naglalakad sa hallway.


Tinignan ko pa saglit ang dorm ng anim na lalaki umaasang may isa sakanila ang lalabas dito, muli akong umasa doon hanggang sa pumasok kami sa elevator ay walang lumabas na kahit isa man sakanila. Pagkababa namin ng building ay hindi maiwasan ng iba ang maglaro muna saglit sa field at ang iba naman ay nagbabasa ng mga libro marami na rin ang mga student na nagkakalat sa campus papunta sa kanilang room. 


07:01 palang ng umaga halos ganitong oras ay marami ng student ang pumapasok.


Tuloy tuloy lang kami nila Kash at Freya naglalakad sa hallway, kahit marami ang pinagbubulungan kami ay hinahayaan na lamang namin ito. Masaya kaming naglalakad walang iniintindi kung hindi ang magandang kinabukasan namin.


Nang makarating kami sa room, bumungad sa amin ang sampong mga lalaki na nakapalibot sa upuan namin. Nakatitig ito sa amin na para bang ano man oras ay susugurin kami.


Talagang hindi napapagod si Ishani sa ganito, patuloy siya sa kaniyang plano kahit sa huli ay mapapahiya lang ito.


Umagang umaga hindi papaawat sila Ishani.


Wala sila Ishani dito tanging mga lalaking hindi namin kaklasi ang nasa room, sa kanilang side ay nandoon ang mga kaklase namin na nagbubulungan at parang alam talaga nila na magkakaroon ng away. Halatang si Ishani ang may kagagawan nito dahil sila lang naman ang kaaway namin sa eskwelahan na ito.


"Hoy! Gago dito kayo! May mag-aaway!" Naririnig ko ang sigaw sa hallway.


"Walang tatawag ng teacher ah!"


"Gagi, ayan na yung girl boss!"


Sigawan ng mga student na chismoso at chismosa, nandoon na sila sa mga bintana nakasilip sa pwedeng mangyari. Napapikit nalang talaga ako ng mata ng tumama nga ang hinala ko na kaibigan ito nila Ishani and wait, Girl Boss? Ayun ba ang name ng group nila? 


Okay, no comment nalang ako diyan, ayoko ijudge baka madepress lahat ng Girl Boss na sinasabi ng mga student dito.


"Uupo ba kayo?" Tanong nung lalaki sa amin, hindi naman kagwapuhan.


"Tutal wala naman ang D6, baka pwede na sa amin muna kayo ngayon?" Sabat pa nung isang lalaking mukhang kriminal. Hindi ko talaga maiwasan ang man-judge ngayon lalo pa naman at wala ako sa mood.


"Ano kaya ang ginawa niyo sa D6, bakit maya maya ay nakabuntot sila sainyo? Ginayuma niyo ba?" Tatawa tawang tanong nung isa pang lalaki may hawak itong raketa.


"Oh, Amara bakit natahimik ka?" Paawa effect nung lalaking unang nagsalita, ampanget! Halos mandiri ako sa mukha niya, mukhang hindi nga naligo ngayong umaga eh. "Naduwag ka ba?" Natawa nalang ako dahil sa sunod niyang tanong sa akin.


"Ako ba ang naduwag or yung mga kaibigan niyong babae?" Tanong ko sakanya, kita ko ang pag-iba ng aura ng kaniyang mukha, alam kong gusto na akong patulan ng lalaking ito.


"Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko lalo na ang girlfriend ko." Natawa kami halos ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi niya, hindi ko inaasahan yun ah.


"Nagkabalikan pala kayo?" Natatawang tanong ko sakanya at nakitawa muli ang mga kaibigan ko, last time I check hiwalay daw sila tapos ngayon nagkabalikan. 


Tinitigan ko siya from head to toe that time. Hindi ko maiwasan ang matawa ng palihim dahil hindi ko inaasahan na ganito pala ang taste ni Ishani sa isang lalaki.


"Pake mo?"


"Ay, pakihanap din ng pake ko." Deretsong sabi ko sakanya at tinarayan siya dahilan para lalo siyang mainis.


"Alam mo, ang yabang mo." Naiinis na sabat niya sa akin, siya na nga ang nauna siya pa ang may ganang unang mapikon sa amin dalawa.


"Pikon kana niyan?" I asked him while I was having fun teasing him, mabilis pala siya magalit sa maliit lang na bagay.


"Manahimik ka nga!" Biglang sigaw niya sa akin, pinapakalma na siya ng isa niyang kaibigan habang kaming tatlo naman ay nakatingin lang sakanya.


"Oh my, pikon na siya... Scary..." Pamimikon ko muli sakanya sarap niya palang pikunin dahil hindi mo ma-explain ang itsura niya ngayon. Galit na galit na siya at ang maganda sakanya ay mabilis siyang mapikon.


Agad siyang tumayo at mabilis na dinakma ang dalawa kong kamay at hinarap sakanya, galit na galit. Pikon! Habang ako naman ay kalmado lang na nakatingin sakanya kahit ang mga kaibigan ko ay hindi naging alerto sa biglaang pagdakma niya sa akin. Ewan ko ba, bakit hindi ako makaramdam ng takot sa lalaking ito, well hindi naman kasi isang tulad niya ang dapat kong katakutan. 


Baka ako pa ang katakutan ng lalaking ito...


"Huwag mo akong galitin, Amara. Pasalamat ka maganda ka, dahil hindi ako nananakit ng magandang babae, pero girlfriend ko na ang nagsabi kaya wala kang magagawa." Madiin na sabi niya sa aking mukha.


"Bakit hindi mo pa ako sapakin?" Nanghahamon na tanong ko sakanya pero sa hindi inaasahan ang kaibigan niya ang sumapak sa akin! 


Agad akong napahawak sa pisngi ko, pero wala akong nararamdamang sakit. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na hindi pa rin nagbabago ang mga itsura nila, nakatingin ng deretso sa mga lalaking nasa harapan namin ngayon. 


Hinarap ko ang lalaking sumapak sa akin, sigang siga ang dating natin choy ah? Buti nalang at walang dugo ang dumaloy sa bibig ko dahil sa pananapak na ginawa nung lalaki sa akin.


"Wow, hindi ko inaasahan ang sapak na 'yon sa isang katulad mo ha." Mahinahon ko lang na sabi rito, hindi pinapahalata na gusto ko siyang sapakin pabalik. Dahil pinaka-ayoko ang sinapak ako at hindi ko man lang nagawang sapakin ito pabalik.


"Masakit ba?" Kunwaring naaawang tanong niya sa akin habang nangaasar pa ang boses niya.


"Mukha bang masakit?" Tanong ko pabalik sakanya at nginitian na lamang siya.


"Bakit parang naiiyak kana?"


"Hindi ito iyak, naiiyak ako sa saya dahil ang panget ng sapak mo sa akin." Pagkasabi na pagkasabi ko na 'yon ay narinig ko ang bungisngis ng mga kaibigan ko at ibang tawa ng mga student na nanonood ngayon dito.


"Ano?"


"Hindi ko inaasahan 'yon." Baling ko pa sakanya while he was just staring at me. "Alam mo ba ang kapalit ng pagkakasapak mo sa akin?"


"Amara, huwag mo na ituloy baka dito matapos ang buhay niya." Parinig ng kaibigan ko na si Kash at umupo sa upuan. "Maawa ka naman sakanila, baka sa huling sapak mo hindi na comatose ang mabibigay mo kung hindi impyerno."


"Kash, hindi ako natatakot sa salita mo."


"I don't need you to be scared of my words, but be scared of my actions."


Mabilis na sagot ng kaibigan ko rito dahilan para mapatingin ang iba rito at kumunot ang kanilang mga noo.


"Maghintay ka Kash Louisse, ikaw ang isusunod ko katapos ng kaibigan mo na si Amara Kala."


Napangisi ako sa kaniyang sinabi at tumingin sakanya na nakatingin pa rin sa kaibigan ko. I looked at the boyfriend of Ishani na nanonood lang sa likod, mukhang naduwag na nga siya.


"Pero ito siguro hindi mo inaasahan."


"Fuck!! Tangina, tulungan niyo ako! Gago ka Amara!" Halos mamilipit siya sa sakit, ng sipain ko ang maselang parte niya, malakas na malakas kaya natawa sila Kash doon. "Pasensya na ha? Hindi ko sadya, hayaan mo sa susunod na sapakin mo ako, hindi kana makakagawa ng anak pa." Deretsong sabi ko sakanya at hinarap ang lalaking unang nagsalita. "Naduwag ka pre?"


"Humanda ka sa akin, pasalamat ka hindi kami prepared." Nagtaka naman ako bigla sa sinabi niya pero peke lang 'yon para kunwari nagulat nalang ako sa sinabi niyang iyon, galing ko talaga sa pamemeke.


"Gago ka ba? Hindi prepared? Nagsama ka ng tropa mo para sugurin kami tapos sasabihin mo hindi kayo prepared? Eh, baka kami ang hindi prepared talaga?" Imbis ako ang magsalita ay sumabat na ang kaibigan ko na si Kash dahil doon, nandoon na rin ang init niya dahil sa sinabi nung lalaki. Tama nga naman ang kaibigan ko sila na nga nageffort na puntahan kami dito tapos sasabihin nilang hindi sila prepared.


"Manahimik ka!" Sigaw niya sa kaibigan ko at sabay duro pa sakanaya habang ako ay nasa harapan nila, hindi ko nakikita ang aura ngayon ng kaibigan ko pero sa malamang ay nambibwisit na rin ang mga tingin nito.


"Huwag mo nga siyang duruin, puputulin ko daliri mo." Hampas ko sa kamay niya na nakaturo pa sa kaibigan ko.


"Subukan niyo pa ang bumalik, makakatikim kayo ng totoong laban." Mukhang nawalan ng gana si Freya sa oras na 'yon at tinalikuran kami.


"Ngayon ko lang sasabihin ito." Lumapit ako sakanya at nilagay ang bibig ko malapit sa tenga niya. "Huwag ako, huwag kami."


Naiwan silang tulala doon, ilang minuto ang tinagal nilang pagkakatulala sa amin at kung hindi pa sila hilahin nila Raine paniguradong madadatnan sila ng guro namin. Hindi na sila nakapagsalita ng mahila na ito nila Raine habang ako ay deretsong deretso nakatingin sa mga mata niya hanggang sa siya na ang nailang dito.


"Ang angas mo, Amara." Puri ng kaklase kong lalaki sa likod, nginitian ko na lamang siya dahil lalo lang ako nawala sa mood.


Dumating ang teacher namin sa unang subject, wala pa rin ang mga anim. Bigla akong kinutuban bakit wala sila? Ano na kayang nangyari sa mga 'yon? Kahit text man lang ni Zayden wala akong natanggap. Kahit tawag ay hindi niya magawa, si Kash hindi ko alam kung nakakausap niya pa ba si Asher or hindi na eh.


Lumingon ako sa labas ng may maaninag akong lalaking nakatingin sa akin. Deretsong deretso siyang nakatingin sa akin, hindi ito ang Lexus kung hindi ang isa pang grupo na hindi namin kilala nila Kash. 


Ano ang pakay mo sa akin?


Sa akin nga ba?


Sa amin?


Sa D6?


or ang mga estudyante?


Hinayaan ko na lamang ito at at hindi pinahalata na napapansin ko ito maya maya pa ay kinalabit ako ni Kash at inabot ang isang papel na galing kay Freya.


Binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat. 

He's watching you


Tinignan ko pa si Freya at nginuso ang lalaking nakita ko. Mukhang hindi lang ako ang nakakahalata sakanya kung hindi ang mga kaibigan ko na rin. Nagsulat ako pabalik sa papek at pinasa pabalik kay Freya.


Do you know them? or him?


Papalit palit lang ng tingin si Kash sa amin pero hinayaan niya na lang 'yon.


Siya ang naalala ko nang minsan kaming harangin ni Zachariah ng mga lalaking iyan sa cafeteria.


Hinarang? What do you mean? 



Habang sinusulat ko 'yon hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa sinabi niya sa akin, wala naman nabanggit si Freya sa amin na naharang ito dahil kami rin naman ni Zayden ay binantayan sa court. Pero ang mga humarang na 'yon ay kilala ko, ang pinagtataka ko bakit ang galing nilang pasukin ang eskwelahan na ito.


May daan ba sa eskwelahan na ito?


Napatanong ako sa aking sarili hanggang sa kalabitin ako at ibalik ang papel sa akin.


Kilala niya ako, kilala niya tayo pati sila Zuri.


Doon nanlaki ng literal ang mata ko dahil sa sinulat niya, hindi ko magawang maisulat ang sasabihin ko at natulala ako sa pangalan ni Zuri.


"What the hell? Paano?" Bulalas ko na sakanya habang si Kash naman ay hindi maintindihan ang pinaguusapan namin dalawa ni Freya, kinalabit pa nito ako pero binalewala ko ito dahil gusto ko malaman ang nalalaman ng kaibigan ko.


"Our parents, kilala niya...nila."


"Does he knows what happened back then?"


"Maybe..."


Nangilabot ako sa sinabi ni Freya, paano nilang nakilala ang mga magulang namin? Matagal na simula ng hindi na nagparamdam ang mga magulang namin, masaya na sila ngayon at bakit ginugulo pa rin nila ang mga magulang namin? At bakit kami dinadamay? Alam kong may mali na rin kaming ginawa pero hininto na namin 'yon dahil para na rin ito sa kaligtasan namin tatlo.


Nananahimik na kami at ayaw na muli madamay sa gulo pero ngayon nadamay nanaman muli kami. Puro discussion ang naganap hindi namin tatlo naituon ang atensyon namin sa klase, napuno kami ng hinala kung sino ang lalaking iyon at sino ang totoong pakay nila. Kung kami, ang D6 or ang mga magulang namin. 


Napakagat nalang ako sa daliri ko sa mga oras na 'yon, naglakas loob na ako para tignan ang lalaking nakamasid sa akin pero sa kasamaan palad ay wala na ito ngayon. Naiwan akong tulala kung saan ko ito napansin, pinoproseso ko sa utak ko ang hindi ko alam na dahilan pero gusto ko masagot ng kahit na sino.


Naikwento din samin ni Freya na kilala nung lalaking iyon ang mga D6, ano na ang nangyayari? Kung kilala niya ang D6 paano niya rin nakilala ang magulang namin? Hindi konektado ang pamilya ko sa pamilya ng anim, imposible ang iniisip ko pero hindi. Hindi ko sila pwedeng paghinalaan may tiwala ako kay Zayden at nangako siya sa akin kapag maayos na ang lahat kami naman ang tutulungan nila.


Papunta na kami sa Canteen ngayon at sa kamalas malasan ay nakasalubong pa namin ang Girl Boss kuno. Mataray ang mga tingin nila sa amin, akalain mo nga naman hindi nagtanda itong babaeng inumpog ko sa locker hanggang ngayon ay maarte pa rin ang dating.


"Ohh, I didn't expect the three of you here." Salita ni Ishani naka-cross arm pa habang si Ivy ay nakapamewang. Napairap nalang ako sakanila dahil nakakasuya ang mga pagmumukha nila.


"Ate, bakit parang hindi natakot yang tatlo sa boyfriend mo." Salita pa ni Ivy sa ate niyang mukhang clown ngayon. 


"Ewan ko, baka tinatago lang nila na natakot sila sa boyfriend ko at sa mga kaibigan natin." Dahil sa sinabi niya natawa kaming tatlo sa kanya, hindi niya ata alam na naestatwa ang bf niya kanina doon sa classroom.


"Anong tinatawa tawa niyo ha?" Tanong sa amin nung babae.


"Natawa kasi ako sa sinabi ni Ishani." Tatawa tawa kong sabi sakanya, umayos ako ng tayo at inayos pa ang uniform ko. "Natakot?" Humalakhak ako ng tawa nang tanungin ko ito. "Sure ka ba Ishani? Bakit nandoon ka ba nung oras na nag-aaway kami ng bf mo? And how sure you are that I'm scared to your ugly boyfriend?"


"Bakit? Lahat ng kinausap ng boyfriend ko natakot, for sure pati kayo natakot hindi niyo lang pinapahalata." She smiled at us, sarcastically.


"What a loser..." Salita ni Kash at tinapunan ito ng tingin ni Ishani. "Sad to say, ang boyfriend mo ang naestatwa kay Amara kanina, although nasapak si Amara pero nung lumaban ang kaibigan ko hindi na makagalaw ang boyfriend mo. Can you tell me who is scared between Amara and your fucking ugly boyfriend?" Dere deretsong sabat ng babaeng ito! Walang tigil ang bibig! Kapag si Kash talaga ang nagsalita walang tigil ang bibig.


"What the hell did you call to my boyfriend?!"


"Fucking ugly boyfriend?" Ulit ni Kash at nairita si Ishani doon, puno na siya ng galit sa kaibigan ko.


"Bagay kaya sila Kash, look how ugly Ishani is and her ugly boyfriend. They look good together hayaan na natin sila. Maybe they are insecure to you, why? Because you have Asher Mathew Alford heart." Sabat ni Freya wala ring tigil ang bibig.


Iritang irita na si Ishani at ang kapatid netong babae na si Ivy, tinignan ko ito mata sa mata. You think you can drag me down? 


"Aminin niyo na kasi na natakot ko, binabaliktad niyo lang ang sitwasyon para hindi kayo mapahiya." Sambit pa nung Megan, magaling na pala siya.


"Ay, wala kami kailangan baliktarin na kwento lahat ay totoo. Sabagay, bakit nga ba kayo maniniwala sa amin kung kasinungalingan ang lagi niyong naririnig dito." Ani ko sakanya.


"Whatever."


"Hear me out, huwag na kayo mandamay ng iba. Kung kayo ang may galit sa amin, kayo ang kumalaban sa amin hindi yung maghahanap kayo ng kakampi just to hurt us na kaya naman namin baliktarin ang mangyayari." 


"Talagang ang lakas ng loob mo na takutin ang anak ng mga Alridge." Napangisi ako sa kaniyang sinabi.


"Bakit, takot ka na ba? Na baka hindi mo inaasahan sa isang iglap ikaw na ang susunod ko." Madiin na salita ko sakanya and gave her a stare.


"As if you can."


Nagkibit balikat nalang ako rito at inalis ang tingin sakanya at doon ko nakita ang kaniyang kapatid sa likod.


"Ivy, how does it feel na nagkagusto nga si Asher kay Kash? Sinabihan mo lang ng bagay sila and now, patay na patay na si Asher kay Kash, how does it feel na yung crush mo iba ang gusto at walang pake sayo?" Nakakainis na tanong ko sakanya at sumama lalo ang tingin niya sa akin, tinaasan ko lamang ito ng kilay.


Hindi na namin hinintay na magsalita sila dahil nagugutom na kami, binangga ko pa ang balikat ni Ishani at maarteng dumaan sa gitna nila. Naiwan silang tulala doon kagaya ng boyfriend ni Ishani at mga kaibigan niya.


Gaya pa rin ng Dati, bulong bulungan ang mga students dito. Hindi nalamang namin pinansin iyon at pinatapos ang araw na ito, puro discuss at walang katapusan na discussion.


Isang tunong ng tubig ang bumulaga sa harap namin dahil nauuna si Kash sa paglalakad. Malamig na malamig na tubig ang bumuhos sa amin paglabas namin ng classroom, naiwan kaming nakatayo doon at basang basa! Napakalamig siguro ilang yelo ang nilagay nila dito dahil sobra talaga ang lamig. Nagsimula ng manlambot ang katawan ko dahil sa lamig, napatingin ako kay Kash siya ang may mahinang resistensya sa amin!


"Kash? Ayos ka lang?" Agaw pansin na salita ni Freya at tinitignan si Kash.


"Oo ayos lang ako, ka-kailangan ko na magpalit ng damit." Uutal utal niyang sagot kay Freya, mabilis lagnatin ang babaeng ito!


Akmang hahakbang na sana si Kash ng may humatak sa buhok niya pagkatapos ang buhok ko rin ay hinatak! Ang grupo nila Ishani...


Nanigkit ang mata ko ng masaksihan kung paano nila pagtulungan ang aking kaibigan. Talagang inuubos nila Ishani ang pasensya namin magkakaibigan.


Bigla nalang din may humila sa aking buhok at napapikit ako dahil sa sobrang hawak niya sa aking buhok. Halatang gigil na gigil si Ivy sa akin habang sinasabunutan ako ng wala sa oras.


"Aray!" Rinig kong sigaw ni Kash, hindi ito makalaban dulot na rin ng lamig na nabuhos sakanya.


"Bitawan mo ako!" Sigaw ko kay Ivy, si Ishani ang may hawak sa buhok ni Kash samantalang si Freya ay tatlong babae ang nagkapalibot sakanya. At si Megan ang nananabunot rito.


"Ishani, aray tama na!" Sigaw pa ni Kash unti unti ko ng nararamdaman ang pagkahina ng boses niya, alam kong napansin rin 'yon ni Freya.


Tinignan ko pa si Freya at nag-tanguan kami, hindi ko hahayaan na saktan nila ang kaibigan ko na si Kash... Ishani, ako ang makakabangga mo oras na umaray pa ang kaibigan kong si Kash. Patalikod kong dinakma ang kamay ni Ivy at mabilis na hinatak dahilan para bumaliktad ito at bumagsak sa sahig at nauna ang likod niya. 


Saktong pagkabagsak niya ay dumating ang mga kaibigan nila lalaki at sa hindi inaasahan sinapak ako ng bf ni Ishani. Susuntukin sana ulit ng boyfriend ni Ishani nang mabilis ko itong nahawakan, agad kong kinuha ang batok niya at mabilis inumpog ang mukha sa bakal na tabi namin.


Marami ang nagulat sa pangyayari na 'yon, at ako ngayon ay parang balewala nalang sa akin kung sino ang saktan ko. Talagang pinuno at sinagad nila kami dahilan para gawin namin ito sakanila. 


"P're!" Rinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ng boyfriend ni Ishani when they saw blood flowing on the floor, at hirap na makatayo.


"Fuck you, Amara!" Nagawa niya pa ang sigawan ako at kaunting umatras.


"Isa lang 'yon, huwag kang duwag! Isang hampas lang 'yon, naging mahina ka na! Nasaan ang tapang at yabang mo ngayon? Kalabanin mo ako ng patas!" Nanggigigil na sabi ko sakanya at gusto pa dagdagan ang ginawa ko rito.


"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!"


He was about to step ng sapakin ko siya muli, punong puno ako ng galit ngayon.


"One more step, you will meet your destination." 


Pagbabanta ko sa mga kaibigan niyang lalaki. Nagaalanganin pa sila kung susugod pa ba sila or hindi na, hindi na makatayo ang boyfriend ni Ishani dahil sa pananapak ko.


Napuno ng takot ang mga student lalo na ang magkapatid na Alridge, tinignan ko si Ivy na ngayon ay hirap makatayo. Tinutulungan siyang makatayo ng mga kaibigan nila pero hindi niya ito kaya.


"Kash!" Sigaw ni Freya napatingin ako sa kaibigan ko na ngayon ay hinang hina na. 


"O-okay lang ako..." Sagot pa ng kaibigan ko.


Upon looking at my friend, naaawa ako sa kaniyang kalagayan.


She may be weak outside but don't underestimate her weakness, her weakness can kill a lot...


She's dangerous as hell...


We all, dangerous as hell.


Wala ako ibang maramdaman kung hindi galit sa grupo ni Ishani at awa sa kaibigan ko. Hindi natin dapat nararanasan ito, maganda ang buhay natin dati dahil lang sa isang pangyayari nawala ang magandang buhay at napuno ito ng galit... 


Galit sa mga taong pinagkatiwalaan namin...


Inis kong tinignan ang grupo ni Ishani, kinuyom ko ang mga kamao ko. Gustong gusto ko silang bawian ng buhay ngayon! Kinakalma ko ang aking sarili dahil sa oras na hindi ko nakalma ang sarili ko baka hindi lang isa ang mapatay ko kung hindi lahat sila.


"Tandaan niyo ito, Ishani. Sa oras na lagnatin ang kaibigan ko, huwag na kayong magpapakita sa akin. Lalo ka na Ishani! Subukan mong magpakita sa harapan ko, hindi ako magdadalawang isip na bawian ka ng buhay. At ikaw Ivy, sisiguraduhin ko na mababali muna ang mga buto mo sa akin bago kita dalhin sa hukay." 


Okay na sana ang kanina, palalampasin ko pa ang ginawa nila sa amin kaninang umaga pero ang ngayon ay sobra na.


"This was all your fault!" Megan shouted.


"This wasn't our fault! Kung wala kayong kinatatakutan pwes! Katakutan niyo kami!" Malalakas at ang titigas ng sigaw ko sakanya.


"Huwag niyo rin ubusin ang pasensya ko, dahil sa oras talaga na may mangyari sa kaibigan ko. Pasensyahan nalang tayo, wala akong pake kung anak kayo ng mga Alrdige, basta alam ko anak ako ng mga Melia. Divine Freya Morris Melia, tandaan niyo ang pangalan na yan. Walang awa sa taong hindi naman kailangan kaawaan, siya rin ang patungo niyo sa hukay." 


Seryosong sabi ni Freya sakanila habang hawak hawak ang balikat ni Kash. Tumingin ako mula sa malayo, like I was aking for a help.


"Huwag niyo na rin ako hintayin na magalit pa, dahil kapag ako nagsalita wala akong sinasayang na oras. Agad agad ko itong gagawin, kung tingin niyo sa akin anghel, pwes nagkakamali kayo. You just mess with the wrong girl..." 


Kahit hirap magsalita si Kash, kinaya niya itong sabihin. Kahit halata na hirap ito kinaya niya pa rin at nakakatakot ang bawat salita niya. Puro takot ang mararamdaman mo kay Kash kapag narinig mo ang boses niyang hindi mo pa naririnig.


Iniwan namin silang tulala doon at bumalik sa aming dorm. Inalalayan namin ang kaiigan namin pabalik sa dorm at pinagpahinga.


"Asher..." Bulong ni Kash habang nakapikit ito at nakahiga sa kama niya..


Napatingin ako kay Freya ng marinig namin ang pangalan ni Asher in no time.


Asher is the one she needed now, not Vann...


[Freya's POV:]


"Bwisit." Nasa banyo ako ngayon at sinasabunutan ang sarili ko dahil sa hindi namin inaasahan na pangyayari.


Hinilamusan ko pa ang mukha at pinakakiskis ang kamay ko dahil punong puno ito ng dugo. I wasn't expecting myself na magagawa kong paduguin ang ulo ni Megan ng wala sa oras.


To: Zach Koda


Zach, can we talk for a minute?


Text ko kay Zach, gusto ko siyang makausap dahil na sa nangyayari sa amin ngayon. Tinetext rin namin si Asher sa cellphone ni Kash pero umasa lang kami ni Amara na magrereply si Asher. Gaya na rin ni Zayden hindi siya nagrereply at sumasagot sa tawag ni Amara sakanya.


Kailangan kong makausap talaga si Zach, two days na silang hindi pumapasok. Minsan ay inaabangan ko sila sa balcony hanggang mag-gabi pero ganon pa rin kahit anino ni Zach hindi ko makita.


Ano nga ba ang tunay na nangyari?


Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sakanya at sa mga kaibigan niya may nangyari na bang masama sakanila. Alam kong may tinatago si Zach na hindi sinasabi sa aming tatlo. Ayun ang gusto kong malaman ngayon kung sino ang bumangga sa amin nung araw na nasa cafeteria kami habang nag-aaral. Paniguradong kilala ko ang mga 'yon dahil kilala nila ang pangalan ko, mas lalo na si Zach paniguradong kilala niya 'yon.


Hindi gulo ang pinasok namin dito sa eskwelahan, hindi rin pag-aaral ang pinasok namin dito kung hindi grupo... Grupo ng mga Vrix.


Sila ang hinahanap namin dito sa eskwelahan na ito. Sana matulungan kami ng mga D6 mahanap ang grupo na 'yon, kaya namin sila kailangan. Makipag-cooperate ka sana sa amin dahil sa oras na mahanap namin ang mga 'yon kayo naman na ang tutulungan namin tatlo.


"Freya, may gamot ka ba diyan?" Tanong sa akin ni Amara. Umaapoy na sa init si Kash ngayon, ang taas na ng lagnat niya.


Oo, sa amin tatlo siya ang may mahina na katawan, sakitin si Kash. Isa rin sa kinaiinisan namin sakanya ay ayaw niyang kumain ng gulay! Kahit carrots or repolyo ayaw! 


"Teka  subukan ko pumunta sa clinic hihingi ako ng gamot." Sabi ko kay Amara at tinanguan naman ako nito.


"Okay sige, mag-ingat ka ha?"


"Oo, bantayan mo muna si Kash." Sagot ko pa sakanya, naiinis ako ng sobra kayla Ishani. Kung pwede nga lang ay gusto ko na silang patumbahin kanina eh, kaso naawa ako.


"Bilisan mo, dahil bibili rin ako ng pagkain natin." Muli nitong sinabi sa akin pero agad na akong tumutol sa sinabi niya.


"Ako na lang ang bibili." Presinta ko na para isahan nalang na lakad niyan.


"Ha? Sigurado ka?" Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin dahil sa sinagot ko dito.


"Oo, huwag ka mag-alala sa akin. Kaya ko naman." Kesa ang iwanan pa namin ang kaibigan namin dito.


"Oh sige, ingat ka Frey."


Tinahak ko ang pintuan at lumabas ako roon, marami rami na rin ang mga student na naglalabasan ng kanilang mga dorm paniguradong kakain na sila. Nang makapasok ako sa elevator ay biglaang nag vibrate ang phone ko.


Nagtaka naman ako sa oras na 'yon bakit biglaan na tumawag ang aking ate. Mabuti nalang ay ako lang mag-isa sa elevator kaya naman agad agad ko itong sinagot.


[Ate?] Agad na bungad ko sakanya ng sagutin ko ang tawag nito.


[How are you?] She asked me pa the reason for me to bit my lip.


[I'm fine, ate. Ikaw kamusta kana?] I don't know kung sasabihin ko pa ang tungkol kay Kash at sa nangyayari sa amin dito.


[Ate is fine, Frey.] Napangiti naman ako sa kaniyang sagot.


[What's with the call?] Tanong ko sakanya dahil alam ko naman na tatawag lang ito sa akin kapag may importante siyang sasabihin lalo pa naman at busy siya sa mga ginagawa niya.


[Leimuel just called me earlier, hindi raw sinasagot ni Kash ang tawag niya.] Nang sabihin niya 'yon ay natikom ko ang aking bibig at naalala ang kalagayan ng kaibigan ko ngayon.


[Ate...] Pag-stop ko sa aking sasabihin, dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba lalo pa naman at kapag sinabi ko na ang kalagayan ngayon ni Kash baka biglaan siyang sumugod dito.


[What happened Divine?!] At doon na nagtaas ng boses ang ate ko, kilala talaga ako nito sa boses ko palang alam niya ng may hindi na magandang nangyari.


[Can you please stop shouting?] Sinabi ko sakanya in a low voice dahil baka bigla akong pagalitan at hindi na tumigil kakasigaw sa phone. [It's something unexpected.]


[What happened to you? To Kash?] Tanong niya sa akin dahilan para laruin ko ang kuko sa aking daliri.


[Kash is sick.] Mahinang sagot ko sakanya kagaya ng inaasahan ko sisigaw at sisisgaw talaga ito.


[Ano?!] Hindi makapaniwalang tanong sa akin.


[Yes ate, papunta ako ngayon sa clinic para kumuha ng gamot and bumili ng food namin.] Sabi ko pa sakanya at narinig ko ang buntong hininga nito.


[Paano siya nagkasakit?]


[Binuhusan lang naman kami ng malamig na tubig dito sa school...] Sagot ko sakanya.


Napatingin naman ang mga student sa akin ng sabihin ko 'yon. At inis ko naman sila binigyan ng naiiritang tingin dahil alam ko naman na pati sila ginusto ang nangyari sa amin, nakikipag-plastikan pa na akala mo naman ay concern.


[What?! Alam ba ni Leimuel yan? Alam ba ni Leimuel na may sakit si Kash?] Sunod sunod nitong tanong sa akin, hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga sinabi niya.


[Don't tell ate, you know Leimuel.] Sabi ko pa rito at paniguradong alam na nito ang ibig kong sabihin.


[Pinagtutulungan ba kayo diyan?] Deretso lang ako naglalakad.


[Oo, kami na nga ang binansagan na demonyo sa PortWood.] Natatawang sagot ko rito. [Kami nga rin daw sumira sa PortWood, as if naman, kami lang tatlo ang nagsasanib pwersa. Kahit nga teacher, galit sa amin.] Kwento ko sakanya.


[Ano? Bakit naman?] Ewan, pero natawa nalang ako.


[As if may pake ako kung anong sabihin nila sa amin, konti nalang din naman aalis na rin kami dito.] Inis na sabi ko halos sipain ko na lahat ng nasa harapan ko. [Anyways, huwag na huwag mo sasabihin kay Leimuel ang nangyari kay Kash.]


[But Divine...]


[Ate, gusto mo atang napahamak pa kami lalo nila Kash kapag sumugod dito si Leimuel.] Putol ko sa sinasabi niya dahil ipipilit nanaman nito ang gusto niyang mangyari.


[Hindi yun ang ibig kong sabihin.] Pilit niyang iniiba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, alam naman talaga niya ang ugali na meron si Leimuel eh.


[Kilala mo si Leimuel ate, pag dating kay Kash lahat sasaktan niya oras na makita niyang nanghihina ito. Hayaan niyo na muna kami nila Amara, ate.]


[Hindi ko talaga sasabihin?] Ulit na tanong niya sa akin, kilala ko si ate nag-aalala rin siya sa kalagayan ngayon ni Kash.


[Ate? Please? And may isa pa kaming problema.]


Naglalakad ako ngayon papunta sa clinic habang kausap ang ate ko, ngayon ko nalang ulit narinig ang boses niya simula ng magaral ako dito. Kaya sinusulit ko na ang oras na ito kausap siya dahil matagal nanaman ang susunod na mag-uusap kami panigurado.


[Ano 'yon?]


[Yung singsing.]


[Alam ko na 'yon.] Sagot niya kaya agad naman akong nagtaka, sino nagsabi sakanya?


[How?] Tanong ko rito as far I know wala kaming sinabihan about sa singsing na 'yon.


[Leimuel told me, humingi ng tulong si Amara sakanya last night. Ayun ang ginagawan ng paraan ngayon ni Leimuel kung nakanino ang singsing na iyon.]


[Marami ang mga taong labas na nakakapasok sa eskwelahan na ito ate, kung hindi niyo alam. Hindi kaya isa sakanila?] Bigay ko ng hint sakanya, baka dito ay tumama naman ang iniisip ko. Pero ang pinagtataka ko talaga bakit or paano 'yon nakuha lalo na at hindi kilala ang singsing na iyon dito sa bansa or nang mga iba pang tao.


[Alam ko, alam namin lahat nila Leimuel.]


Nanahimik kaming parehas ni ate ng makapasok ako sa clinic, hindi pa rin namin binababa ang call.


[Paracetamol.] Sabi ko sa nurse, agad naman itong tumango at naglakad para kumuha ng gamot.


[Ito po.] Bigay niya sa akin, isang pack na ang binigay niya sa akin.

[Thank you.] Pasasalamat ko sakanya binalik ko ang sarili ko sa telepono. [Ate.]


[Yes?] Agad na sagot saakin ng tawagin ko ang pangalan nito.


[Simpson ate.]


[What's with the Simpson?] Takang tanong niya sa akin.


[Bantayan niyo ang pamilya na yan, may alam sila.] I drop the word I wanted to say.


[How?]


[Basta ate, kutob ko may alam sila.]


[Divine.] Banggit pa nito sa pangalan ko dahil ayan nanaman ang ugali na meron ako.


[Just do it, ate.] Muling sabi ko sakanya at sabay kami nagbitaw hininga nito, marami na akong kutob sa anim marami akong kutob na iniisip ko nalang minsan ay nababaliw na ako sa impormasyon na gusto ko ng makuha...


[Fine!] Sigaw niya pa sa akin.


[Thank you, I'll hang up na.] Naglalakad na ako ngayon papunta sa cafeteria.


[Ingat ka Divine, nandito lang si ate. Always free si ate if you need help, okay?] 


[I know, ate... Take Care.] I miss her.


[I love you, Divine.] Napangiti ako sa kaniyang sinabi.


[I love you too, ate Divina.] Nagsmile pa ako bahagyan ng patayin niya na ang call, pinasok ko na sa bulsa ng short ko ang cellphone at nagderetso nalang sa paglalakad.


Binigay ko ang apilido na 'yon, dahil malakas talaga ang kutob ko na kilala nila ang pamilyang Vrix. Hindi sila mahilig magbigay ng mga clue about sa Vrix at hindi ko naman pwedeng biglain na tanungin si Zachariah kung kilala niya 'yon. Dahil baka maghinala na siya pag tinanong ko pero malakas talaga ang kutob ko na miyembro sila o naging miyembro sila dati ng grupong Vrix.


Ang pamilya nila Asher at ng mga D6 ay kilalang kilala, nangunguna rin ang mga pamilya nila sa most richest family, paniguradong kilala talaga nila iyon. Dahil ang Vrix ang nangunguna sa pinaka-mayaman na pamilya.


Habang naglalakad ako sa field kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko pero binalewala ko na muna iyon at inisip nalang ang kaibigan ko. Nahagip ng paningin ko ang grupo nila Ishani, hindi ko nalamang ito pinansin at dumeretso sa counter.


"Tatlong set B, take out."


"Just wait there for your order ma'am." Sabi sakin at tinuro na maupo daw muna ako doon.


Sinunod ko 'yon at naupo ako, pa-simple kong tinitignan sila Ishani hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inaalis ang masasamang tingin sa akin. Masama ang mga tingin nila pero mga nakangisi.


Limang minuto ang lumipas hindi pa rin naseserve ang order ko, maya maya lang ay may humila ng upuan sa tabi ko at naupo ang isang lalaki.


"Omg sino siya?"


Kumunot ang noo ko ng maramdaman ko na may umupo sa aking tabi. Hindi ko pa tinataas ang ulo ko dahil may binabasa ako sa phone. Upon hearing those whisper ng mga student ay nagtataka akong tumingin sa aking harapan.


Rinig na rinig ang tili ng mga babae, halos huminto ang paghinga at ng paligid ko ng malaman kung sino ang lalaking 'yon!


"What the fuck?" 


Ryle???


"Surprise?" Natatawang tanong niya sa akin habang ang kamay niya ay nasa harap ng chest niya para magmukhang isusurprise niya ako.


"What the hell are you doing here?!" Tanong ko agad sakanya.


"Ang ganda ng pag-welcome mo sakin Divine Freya, ang ganda sa totoo lang nakakatouch siya promise." Nadidismaya niyang sabi sa akin.


"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Ulit na tanong ko sakanya at sabay sapo sa noo ko, agad ko naman tinignan ang mga student na nakatingin na sa amin ngayon.


"Ayan talaga ang una mong tatanungin sa akin kung anong ginagawa ko dito? Hindi ba pwedeng i-welcome mo naman ako?" Nag-request pa.


"Oh, edi welcome, anong ginagawa mo dito?!" Walang modong pag-welcome ko sakanya dahil naiinis talaga ako ngayon.


"Ayusin mo nga Divine Freya." Sigaw niya kaya napatingin lahat ng student sakanya, hinampas ko naman ang balikat niya dahil sa ginawa niyang pagsigaw! "Ano ba?"


"Pwede bang huwag kang sumigaw, Ryle? Welcome to PortWood Academy, ayos kana?"


"Tangina mo, wala kang kwentang mag-welcome. Walang ka excite-excitement hinayupak ka." Naiinis na sabi nito sa akin, parang batang nagtatampo pa talaga.


"Ang arte mo! Winelcome na nga kita eh." Inis na sabi ko sakanya dahil nandiyan nanaman ang pagiging maarte niya, kalalaking tao.


"Kung hindi ko sasabihin, hindi mo ako iwewelcome."


"Pwede ba?! Manahimik ka na?! Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Mag-aaral ka ulit?" Sunod sunod na tanong ko sakanya at hindi pa rin nagbabago ang aura niya may galit pa rin talaga hanggang ngayon.


"Hindi ko na kailangan mag-aral, matalino na ako." Mayabang na sagot niya sa akin.


"Ano connect?!" Pangbabara ko sakanya at nainis lalo siya, tinarayan niya pa ako at narealize ko na para siyang bakla kapag nananaray ng tao.


"Hinayupak ka talaga Divine Freya!"


"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ko ulit sakanya, hindi ko alam ano bang ginagawa niya dito at bakit kailangan pa niyang pumunta dito! Hindi ko naman siya pinatawag or kahit kami nila Amara.


"Liligawan ka." Deretsong sabi niya at mabuti hindi ko nabuga sa pagmumukha niya ang iniinom kong tubig!


"Ano?!" Halos mabulunan ako sa kaniyang sinabi.


"Joke lang! Ang seryoso mo 'no?"


"Ano ba kasi?!" Gusto ko nalang manapak dahil sa inis ko.


"Your ate called me earlier." Maarteng pagkekwento niya pa sa akin, kaya lalo ako nairita... "Bantayan ko daw kayo... Nalaman ko lang na binubully pala kayo dito, why didn't you tell Leimuel?" Isa sa sumunod sa yapak ni ate, lagi nalang nila sinasabi na 'bakit hindi niyo sinabi kay Leimuel?' Gosh halos maiyak ako sa mga sinasabi nila ni ate parang hindi nila kilala si Leimuel!


"Ryle, for heaven's sake alam mo ang ugali ni Leimuel, makakapatay 'yon sa oras na si Kash ang napahamak." Inis na na sagot ko sakanya konti nalang talag ang pasensya ko sa lalaki na ito. Kapag naubos nya ang pasensya ko hindi ko na talaga alam ang mangyayari pa sa amin dalawa nito.


"At kayo rin, sa tingin mo hahayaan ni Leimuel na mapahamak kayong tatlo?"


"Whatever, kumain kana ba?" Pag-iiba ko ng usapan dahil baka kung saan saan topic na kami mapdpad o baka hindi matapos ang paguusap namin dalawa dito sa canteen.


Hanggang ngayon pa rin ay marami pa rin ang tumitingin sa gawi namin ni Ryle, paniguradong nasilaw sila sa kagwapuhan nitong lalaki na ito. Ako ang nanghihinayang dahil sakanya, yung biniyayayaan ka ng magandang mukha pero wala kang jowa? 


Pero alam ko kung sino naman ang gusto nito ayaw niya lang sabihin, torpe na raw kung torpe ayaw niya lang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Tama rin naman si Ryle, parang kami lang ng ex-boyfriend ko, pero si Ryle iba siya, kaya niya pagsabayin ang lovelife at career niya for sure.


Sayang lang talaga at wala siyang lakas umamin sa babae na 'yon, dati ko pang pinipilit na umamin pero mas nauuna daw ang pagiging mahiyain niya. Halos doon talaga ako natawa close na close sila nung babae pero pagdating sa confession ay mahihiya... 


Hindi ko rin sisisihin si Ryle desisyon niya yan paniguradong may ilalaan na time para makaamin siya or kailangan niya muna mag-ipon ng lakas umamin.


"Oo kanina pa, eh ikaw anong ginagawa mo dito?" Barumbadong tanong niya sa akin, napapigil nanaman ako sa inis ko sakanya. Gusto ko siyang sabunutan kaso nasa canteen kami at baka ano ang isipin ng mga student dito.


"Nag-order ng pagkain malamang, anong gusto mong gawin ko dito? Tumambay?" Barumabadong tanong ko pabalik rin sakanya, nag-fake smile siya sa akin at alam ko panigurado na hindi niya nagustuhan yung tinanong ko.


Pag kami talaga dalawa ang pinagsama, paniguradong hindi kami titigil sa pagaaway, sigawan or sakitan. Wala rin kami kwentang magsagutan sa isa't isa, hindi maiiwasan ang pangbabara sa pagitan namin. Pero doon mo talaga marerealize na totoo siya, higit pa siya sa totoong kaibigan para sa akin.


"Hinayupak ka! Nagtanong lang ako, kung ano ano na pinagsabi mo! My gosh! Mamatay ako ng maaga sayo Divine Freya." At ayun hindi mawawala ang papapatawa niya, lagi niya akong pinapatawa sa paraan na pagiging maarte na pananalita niya, magtataray tarayan, bakla baklaan hindi mawawala 'yon sa isang Ryle. 


Ayun ang way niya para mapangiti ka niya ng sobra.


"Kuha ka kutsilyo." Utos ko sakanya at nagtaka naman siya sa sinabi ko.


"At anong gagawin mo sa kutsilyo?" Inosenteng tanong niya sa akin, at sinulyapan ang lagayan ng mga kutsilyo sabay turo doon na para bang pinaparating niya sa akin na hindi ko alam saan nakalagay.


"Itatarak ko sa dibdib mo, para magkatotoo ang sinabi mong mamamatay ka ng maaga dahil sa akin."


"Hindi ka mabiro." Deretsong sabi niya sa akin dahil sa sinagot ko sakanya.


"Kailan pa ako naniwala sa biro?" I asked him.


"Kaugali mo talaga si Divina!"


"Malamang kapatid ko 'yon, mayroon bang kapatid na hindi kaugali?"


"Putangina mo." Malutong na mura niya sa akin, napipikon na.


At doon ko lang naalala ang mga kaibigan ko! Kash! Agad kong kinuha ang cellphone ko at mabilis na nagpipindot doon, nakitingin pa si Ryle sa akin, hinayaan ko nalamang 'yon dahil alam ko naman na chismoso itong lalaki na ito.


To: Amara


Huy nandito pa ako sa canteen :((


Text ko dito, narinig ko ang bungisngis ng lalaking ito at sinamaan ko siya ng tingin na ngayon ay tumatawa na ng tumatawa!


"Ayan, sige kwentuhan pa... Nakalimutan tuloy ang kaibigan." Pagpaparinig niya sa akin.


"Sino ba nagdaldal sakin?" Inis kong tanong sakanya.


"Sino bang hinayaan na makipagdaldalan at kalimutan ang mga kaibigan, ha? Divine Freya?" Barumbado nanaman na tanong pabalik sa akin.


"Sino ba yung alam naman nito ang dahilan ng pinunta ko dito ay pagkain at hindi pakikipagkwentuhan, pero dinaldal ako ng dinaldal at dahil doon nakalimutan ko ang kaibigan ko? At sino rin ba yung may alam naman na ang sitwasyon ko pero mas pinili na makipagdaldalan sa akin at mag-stay ng matagal dito?" Seryoso at tuloy tuloy na tanong ko skanaya, na ngayon ay hindi na makaimik dahil sa mga tanong ko sakanya.


From: Amara


Ayos lang Frey, may nakita naman ako dito na gamot hintayin nalang namin yung pagkain. Pinakain ko na rin ng biscuit si Kash para mainon niya na yung gamot.


Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Amara, buti at nakahanap ito ng gamot doon. Hindi na rin nagsalita pa si Ryle kaya hinayaan ko nalamang iyon, saglit pa akong nagstay dahil hanggang ngayon ay parang inaabangan ako ng grupo nila Ishani. 


Sinulyapan ko si Ryle na seryosong naglalaro sa cellphone niya habang hindi siya nakatingi sa akin ay sinamaan ko ito ng tingin ng hindi niya nalalaman at minumura ko na siya ng minumura sa utak ko. Maya maya pa ay dumating na ang order ko doon ko na rin napagpasyahan na umalis na kung ano man mangyari ngayon ay wala na akong pake dahil nandiyan naman si Ryle.


 Tumayo ako at kinuha ang plastic laman ang mga pagkain, akala ko ay hahayaan lang ako at mag-iistay si Ryle sa canteen pero nagkamali ako agad niyang tinago ang cellphone sa bulsa at tumayo, sumunod sa likod ko.


Tinignan ko siya ng makarating siya sa likod ko. "Sama ako."


"May magagawa pa ba ako?" Totoo naman, wala na ako magagawa kung hindi ang isama siya sa akin. Alangan iwan ko ito rito at baka ano pang gawin panglalandi ng mga students sakanya dito.


"Ang bad mo, Divine Freya."


"Halika na." Sumbat ko pa sakanya at nginitian niya ako, pinasok niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng shorts niya at tinanguan pa ako bago nagtuloy tuloy kaming dalawa sa paglalakad.


Naglalakad kami palabas ng cafeteria at sa di inaasahan may masasamang tao or kulang sa pansin na mga tao ang walang hiyang tumakid sa akin habang deretso akong naglalakad!


"Oops, sorry I didn't mean to do that." Maarteng salita na isa sa kinabwibwisitan naming magkakaibigan pero hindi kami kasimbilis mo mainis Ishani, talagang inuubos mo ang pasensya ko.


Tinignan ko ang pagkain na natapon dahil sa ginawang pagtatakid sa akin ni Ishani, tumayo ako at hinarap siya. Nanghinayang ako sa pagkain na binili ko para sa mga kaibigan ko, sa kaibigan kong may sakit at kailangan niyang makakain ng ngayon! Pero ano ginawa ng loko na ito? Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, huwag niya lang hintayin makita kung paano talaga ako magalit. 


Tinignan ko naman si Ryle na deretsong nakatingin lang sa labas ng cafeteria. Parang walang pake, pero alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Silent but deadly... Bumaba ang tingin ko sa mga paa ni Ishani nakalabas pa rin ang paa niya, dahil doon hindi ko sinayang ang pagkakataon na bumawi sa ginawa niya sa akin.


Tinapakan ko ang paa niya dahilan para sumigaw ito ng malakas narinig kong tumawa ng bahagya si Ryle sa ginawa ko rito, agad na tumayo ang boyfriend niya at ang sumunod na pangyayari ay akmang susuntukin ako nung lalaki ng biglang magsalita si Ryle na kinahinto ng lalaki.


"Kapag nasuntok mo ang babaeng 'yan pare. Magpaalam ka na sa mga kasamahan mo." Seryoso ngunit nakakatakot na sabi ni Ryle sakanya. Nakapamulsa lang si Ryle at chill lang ang dating niya.


"The hell I care, man." Mayabang na sagot ng boyfriend ni Ishani dito at tinapunan lang ng tingin ni Ryle ito.


"Really?" Malayo ang tingin ni Ryle pero nakakatakot ang postura niya.


"Sino ka?" Buong tapang na tanong nung boyfriend ni Ishani.


"You're asking me, really?" 


"Who are you?" Pag-uulit ng lalaki dito.


"Sino ako?" Paguulit din ni Ryle, but this time ay deretso na siyang tumingin sa lalaki. Seryosong seryoso siya yung kaninang Ryle na nangaasar ay nagiba na ang dating ngayon.


"Oo, sino ka?"


"Hi, I'm William Ryle Garcia." 


Pagpapakilala ni Ryle sakanya at nilahad ang kamay, hindi ito tinanggap ng boyfriend ni Ishani, alam kong napahiya si Ryle dahil dito. At sadyang sinusubukan nila si Ryle dahil pinagtawanan lamang ito ng mga kasamahan nila.


"Not interested." Mayabang na sagot nung lalaki habang pinagtatawanan pa rin ang nakalahad na kamay ni Ryle dito.


"Not interested huh. Pero tinanong mo ako kung sino ako, bobo ka ba." 


Palihim akong bumungisngis dahil sa huling word na sinabi ni Ryle dito, tama nga naman si Ryle. Not interested daw pero tinanong kung sino siya, funny right? Hindi ko matago ang tawa ko kaya natawa ako sa gilid ni Ryle para tignan ako ng boyfriend ni Ishani.


"The fuck did you say?" Naiinis na tanong nung lalaki rito at lumapit kay Ryle. Medyo matangkad si Ryle kumbaga doon sa lalaki pero hindi ganon kalaki ang gap ng height nila konting cherifer pa kuya.


"Ang bo-bo mo, kailangan ko pa bang ulitin?" Masunurin si Ryle kaya inulit nito ang sinabi.


"Gago ka ba?" Naiinis na tanong nung boyfriend ni Ishani.


"Ikaw yung nauna, ikaw yung pikon."


"Xai, tama na." Pigil ni Ishani sa boyfriend niya.


So, Xai pala ang name ng boyfriend ni Ishani.


"Bakit ka ba nandito?" Tanging tanong nalang ni Xai sa kaibigan namin na si Ryle.


"Ako ba ang tatanungin mo niyan or dapat ang sarili mo?" Nakakalokong tingin at ngisi ang binibigay ni Ryle dito habang si Ishani ay patuloy na pinapakalma ang boyfriend.


"Ano ba ang gusto mo ha? Ryle, whatever your name is." May tumayo na rin na isang lalaki mukhang susugurin si Ryle ng tapunan niya lang ito ng kaniyang mga tingin.


"Gusto ko?" Tanong pa ni Ryle sa sarili at napaisip. "Buhay mo."


"Who the fuck are you, huh?!" Singhal ng bf ni Ishani dito.


I was bitting my lip upon watching both of them. Isang lalaki na kalmado at walang pakielam pero kitang kita mo kung gaano siya nakakatakot sa paningin ng iba. At isang lalaki na nilalabas na ang nakakatakot niyang sarili pero kahit ako hindi makumbinsi sa kaniyang posturang nakakatakot.


"The next time you'll asked me who am I, be scared." 


Lumapit si Ryle dito at binitawan ang salita na 'yon.


"I don't care, who are you!"


"Your fear!"


'

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
88.6K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
121K 401 5
Ayla Reese Bautista. Isang palaban na babae. Sa likod ng maganda, inosente, at mala-anghel niyang mukha ay ang palaban niyang pagkatao. Pinalaki siya...