Pure Seduction

By queztra

310K 5.3K 223

Two different people, two different world, in a one story. Will they fight for what their hearts truly feel... More

Pure Seduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 19

5.6K 130 7
By queztra

Paramdam kayo. Thank you.

* *

Chapter 19

"Congratulations, Mrs. De Vara! You're one and a half month pregnant!"

Nagsigawan sila Ashley at Uriel nang marinig ang sinabi ni Dra. Samonte. Dalawang linggo na simula noong umalis si Van at kinabukasan non ay napansin na ako nila Ashley. Akala ko nga ay masama lang ang pakiramdam ko kaya ako nahihilo at nasusuka, it turns out that... I'm pregnant!

"Sharp shooter si Papi!"

"Gago! Sana ikaw sharp shooter din kay mystery girl!" Pambabara ni Ashley. Natawa naman ako ng magbago ang mukha ni Uriel. My OB cleared her throat and took our attention again.

"Pero hindi pa magiging madali ang lahat. Malapit ang stage na ito sa disgrasya - the most common is miscarriage and I suggest you to have your mind, body and everything in rest. Bawal ang stress and eat healthy foods. Tandaan mo, iha, hindi na lang ikaw ang iisipin mo. May bata na sa sinapupunan mo." Napangiti ako habang maluha-luha pa.

My friends were the one who talked to Dra. Samonte at lumabas naman ako ng kwarto para matawagan si Van. I know that he's probably busy but I just want to try. For the past two weeks, madalang siyang mag-text o sumagot sa mga tawag ko and I have no choice but to just pray and pray for their safety.

"The number you have dialed..."

I rolled my eyes. Gusto ko sanang mainis dahil magandang balita ito at hindi lang kaartehan ko, gusto ko sanang magalit kasi hindi niya ako tinatawagan o sinasagot man lang sa text pero hindi ko magawa. He has his job there. I can't interfere. Hindi ako dapat makiagaw ng oras sa trabaho niya.

"Girl, sabi ni Doctora kailangan mo daw mag ingat ha! Bawal stress! Atsaka tinanong ko na kung pwede pa ba ang sex and yesterday! Pwede pa girl pero yung safe position lang daw at yung hindi ka masyadong maaalog--Ay kaloka! Bakit ganyan ang mukha mo?"

Mas lalo akong napanguso sa sinabi ni Uriel. Bago ako sa ganito, gusto ko sanang kasama ko naman ang tatay ng anak ko habang pinagdaraanan ko ito pero hindi pwede dahil busy siya. Kinuha ko ang phone ko at tinext ang mga magulang ni Van. Sa kanila ko na lang muna ibabalita - makakakuha pa ako ng tips kay Allison at kay Mommy.

"Pupunta lang ako sa mga De Vara. Sila muna ang unang makakaalam kasi ayaw pang sumagot ni Van." Hinaplos ko ang tiyan ko. Nahagip naman ng mga mata ko ang pagirap ni Ashley.

"Hindi na naman sumasagot? Inuuna na naman yong trabaho niya? Palaging hindi ka priority? E paano na lang kung may nangyaring masama sayo? Sana kada araw isang text o call man lang pero wala!" Hindi ko na lang siya pinansin. Gusto ko talagang umupo o humiga muna. Medyo sumasama na kasi ang timpla namin at baka mag-inarte ako. Nasabi pa naman ni Doctora ang tungkol sa pregnancy hormones.

Inihatid nila ako sa Mansion. Nag-hintay pa ako ng ilang oras dahil busy din sila sa trabaho. Gusto ko ngang sabihin na urgent ito pero pinangunahan naman ako ng hiya.

"Iha! I missed you!" Napangiti ako at nag-beso sa kanila bago umupo. "Where's your husband, Zara? Ang tagal ng hindi nagpaparamdam niyang asawa mo sa amin." I did not answer them. Maging ako rin ay walang alam sa kung ano na ang nangyayari sa kanya o kung buhay pa ba siya. Kinuha ko ang resulta sa bag ko at ibinigay sa kanila.

"I'm one and a half month pregnant po, Mommy, Daddy." Nalaglag ang panga nila. Dad stood and when he came back, he's holding a black envelope. Ibinigay niya ito sa akin habang nakangiti. "Ano po ito?" I asked.

"A couple of months ago, Selina called Van to inform him that he has a part on his grandmother's last will and testament." I opened the enveloped and saw the copy. Namuo ang mga luha sa mata ko. "Kasama doon na bago makuha ni Van ang mga mamanahin niya, maging ang kompanya, ay kailangan niya munang magkaasawa at magkaanak."

I bit my lip. Tinabihan ako ng mommy ni Van at siya ang nag patuloy. "I second the motion. Syempre ay gusto kong may mag-mana at magtuloy-tuloy ang mga pinaghirapan namin but I learned my lesson. Whatever is it that doesn't make my children happy, I wouldn't push through, kaya ang sabi ko ay susubukan kong maibigay pa rin ang kompanya sa kanya kahit walang asawa o anak."

Kinuha niya ang kopya sa kamay ko. May pirma iyon ni Van. "But he gave us you and your baby." Napariin ang kagat ko sa labi ko. I feel betrayed. He never said this to me. Ang natatandaan ko lang ay gusto niya akong gamitin para may maipakilala siya sa mga magulang niya. Tita Selina caressed my cheeks.

"He loves you. I'm sure he really do. I've never seen my son looked at someone with so much love in the eyes. Sa'yo lang, Zara. Ikaw lang." Gumapang ang mga kamay ko papunta sa tiyan ko.

Tama si Tita. He loves me. I'm sure of that. Ramdam ko tuwing tinititigan niya ako. I can feel it! I can feel it whenever he's calling my name, whenever we're making love, whenever he's kissing me in my forehead, whenever he's saying he loves me just to calm my nerves... Ramdam kong mahal niya ako!

Pero bakit naninikip ang dibdib ko?

Napatayo ako at mabilis na nag-lakad palabas. Hindi ko na pinansin ang tawag nila sa akin at mabilis na kinuha ang cellphone ko. My hands were shaking as I entered my car and started driving. I dialed Van Austin's number again. Kailangan niyang umuwi. I need to talk to him. I understand him. Naiintindihan ko siya pero gusto kong marinig mula sa mga labi niyang mahal niya ako!

"The number you have dialed is not available..."

Napahikbi ako ng malakas at itinigil ang kotse sa gilid. Sinunod kong idial ang numero ni Tyrone pero ilang segundo pa at ganoon din ang sumagot sa akin, same as with the others. Napatakip ako ng bibig ko. Hindi ko na alam ang iisipin. Ang kagustuhan ko bang malaman na mahal niya ako? O ang kaligtasan nila ngayon?

It feels like my heart was stabbed. I once said to myself that I will always understand him. Kahit anong mangyari, iintindihin ko. But being in the actual situation, hindi ko na alam ang gagawin. Nalipat ang tingin ko sa mga kotseng gumagalaw. Can I move? Can I move away from here?

My phone rang.

It was Van.

Nagtalo ang utak at puso ko kung sasagutin ko ba. It's funny how awhile ago I was so eager to talk to him pero ngayong siya na ang tumatawag, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mukha ko. I cleared my throat before answering his call.

"Zara!" Pinigilan kong mapaiyak muli. God fucking damn it! Alam ko! Alam kong mahal niya ako dahil naramdaman ko iyon! Ipinadama niya iyon sa akin! I know! He loves me, too! I can't be too emotional! This is just because of my pregnancy hormones! Wala ito... mahal niya ako.

"Zara! Pa-uwi na kami!" I gathered all my strength and tears. Dapat ay maging masaya ako, kaso bakit parang gusto kong takbuhan ito?

"M-meet me at your penthouse right after the chopper landed." Tumahimik sa kabilang linya. "I-I love you."

When I arrived at his penthouse, I set my timer. I'll give him 30 hours, maghihintay ako. I trust him. Kung naiba siguro ang pagkakataon, magagalit ako, maiinis ako. Pero hindi. Dahil sa puntong ito, I realized that I already gave everything that I have to him. I can't afford losing him lalo na't may anak na kami. I want to give our baby the happy family that I never had.

Kung kaya ko pang ayusin, aayusin ko. Kung pwede pang gamutin, gagamutin ko. Gusto ko lang malaman kung talaga bang mahal niya ako. My tears started pouring again. I've never been so weak before, but everytime I'm with him nawawala ako sa sarili ko. I know it sounds so cliché, but one thing I've learned is that you can never call someone or something like that not unless you've been in their shoes.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Umaga na. I gazed at my timer, 5 hours left. Nakailang missed calls na din sila Ashley at Uriel, even Tita and Tito, and him. Tumitig ako sa kisame. This is the longest thirty hours of my life. At kada galaw ng orasan ko, para akong pinipiga. I brushed the tear that escaped my left eye. I never thought I could love someone too much. Hindi ko na makita ang sarili kong mag-isa.

Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa malakas na pag-bukas ng pinto. There I saw Van's concerned face and I almost break down infront of him. Gusto ko na lang matapos itong sakit at magpahinga. Binitawan niya ang mga gamit niya sa sahig at nag-lakad palapit sa akin. I smiled and raised my hand to stop him from walking. Habang patayo ako ay parang inilalapit ko ang sarili ko sa kapahamakan, sa pedestal.

"Zara..." I closed my eyes. Hearing my name from him once brought happiness to me. Dapat masaya ako, dapat lumapit ako sa kanya at sabihin ang kalagayan ko but instead of doing those, I opened my eyes and smiled faintly again.

"I heard about your grandma's last will and testament..." He pinched the bridge of his nose at muli, ay piniga ang puso ko. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya, too careful that I might annoy him because of my childish act. I breathe heavily.

"Okay lang, okay lang naman, Van..." Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko. Titig na titig siya sa akin at parang hirap na hirap.

"Pero mahal mo ba ako? Mahal mo ba talaga ako, Van Austin?"

I gave back the same intensity his eyes were giving me. I'm hopeful that he would say he loves me dahil iyon ang nararamdaman ko. Umiwas siya ng tingin at ginulo ang buhok niya. His simple acts are breaking my heart and I don't know why. Para siyang kutsilyong nakatarak ng malalim sa puso ko at bawat galaw, nasisira ako, nawawarak ako.

"Sagutin mo naman ako. Please, answer me honestly. Do you love me? Mahal mo ba ako dahil mahal mo ako o mahal mo ako dahil kailangan mo ako--"

"No. I'm sorry, but no." I flinched with his words. Ang kutsilyong nakatarak sa aking ay parang tinanggal pero tuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. "I'm sorry, Zara. I don't love you." Hindi ko na napigilang mapahikbi ng malakas. He looked up, nakaigting ang panga at mabibigat ang hininga.

I intertwined my fingers and put it near my mouth. It is true that when you feel how to be inlove, everything will go out of your hand. Mabagal akong lumuhod sa harap niya. I can forgive him, I can forget what he had said. Kaya kong kalimutan ang lahat sabihin niya lang na ako pa rin. Sabihin niya lang na ako lang. I can put everything aside marinig ko lang sa bibig niyang mahal niya ako.

"Please, Van... I-if it's not too much to ask, please don't b-break my heart. Please say that you love me like how I love you. Please."

My tummy started aching. Nanlabo lalo ang mga mata ko at hindi na ako makahinga ng maluwag. I know, I know that he loves me! I felt it! Naramdaman ko iyon at hindi ako pwedeng magkamali! Kayang-kaya kong ipaglaban ang natitirang pag-asa sa puso ko... ganoon ko siya kamahal.

My world crashed when he turned his back on me and started walking out. Napapikit ako nang mariin at tuluyang napaupo sa sahig. Walang lumalabas na tinig mula sa bibig ko. As much as I want to cry my heart out, hindi ko magawa. The pain is too much to handle. Napanganga na lang ako habang patuloy na lumuluha.

Thirty hours... In just a span of thirty hours, I lost half of my heart.

I groaned when I felt my aching tummy. Hinawakan ko ito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang dinudugo ako. Mas lalo akong napahagulgol.

"Baby..."

Nandilim ang paningin ko.

Thirty hours... In just a span of thirty hours, I lost everything.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
171K 3.7K 30
Savannah Santillan. Rich girl. Neglected by her parents. Tumakas siya sa bahay niala at napadpad sa isang probinsya. Nag panggap na mahirap at walang...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
59.2K 1.8K 11
A short story romance novel