Full of Secrets

By kalilalily

35.2K 309 36

Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this scho... More

Prologue
CH 1
CH 2
CH 3
CH 4
CH 5
CH 6
CH 8
CH 9
CH 10
CH 11
CH 12
CH 13
CH 14
CH 15
CH 16
CH 17
CH 18
CH 19
CH 20
CH 21
CH 22
CH 23
CH 24
CH 25
CH 26
CH 27
CH 28
CH 29
CH 30
CH 31
CH 32
CH 33
CH 34
CH 35

CH 7

1K 3 1
By kalilalily

[Kash's POV:]


Dumating ang kinabukasan at ganon nga ang pangyayari. Maingay na ang labas kagising namin dahil sa excitement ng mga student. Nandito na kami lahat sa campus at naghahanda sa mga pa-games nila. Hindi ko makita ang anim na lalaki kung saan sila ngayon naka-upo. Hindi naman by section ang pag-upo dito, kahit saan ay pwede ka umupo kaya nahiwalay kami sa anim.


"Uy three-legged race daw ang unang game." Satsat ni Amara, halatang gusto maglaro pero si Amara, maglalaro?


Ayun yung laro na nakatali ang paa niyo ng ka-partner mo ang isang paa mo at isa niyang paa ay magkatali. Naging aligaga ang lahat humanap ng mga ka-partner sa oras na 'yon at ako naman ay walang balak na sumali sa laro.


"Hoy, sali tayo sa laro!" Halos mapatalon ako sa biglaan na sigaw ni Zayden at kung saan saan nalang sumusulpot!


"Ayoko." Mabilis na sagot sakanya ni Amara. 


Kakarating lang ng anim na lalaki na ito sa aming pwesto at ayun nga ang unang binungad sa amin. Hindi kasi namin tipo ang laro na ganito kaya wala kami balak sumali sa laro, lalo na at tinatamad kami sa panahon.


"Dali na! Ngayon lang ako mag paparticipate sa laro eh!" Pumilit ni Zayden sakanya at patuloy na umiiling si Zayden dito.


"Wow ha? Eh, sa basketball hindi ka ba nag paparticipate?" Amara asked.


"Iba 'yon! I mean program ganon, dali na kasi." Pumilit pa nito at natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.


"Ayoko nga kasi!" Sigaw pa ni Amara dito. "Hindi ko naman hilig yung ganitong laro."


"Bakit ba kasi ayaw mo?" Halata na kay Zayden ang pagkairita niya.


"Kasi ayoko nga." Paguulit pa ni Amara, halos nasa kanilang dalawa ang paningin namin.


"Amara Kala please, kahit ngayon lang" Pagmamakaawa pa ni Zayden, halos matawa nalang ako sa kaniyang expression.


"Ibang laro nalang tayo sumali."


Hindi ko na sila pinakinggan pa at nilipat ko ang mata ko kay Asher na nakatitig na sa akin ngayon. Kumunot ang noo ko bakit titig na titig siya sa akin, na para bang ngayon lang niya ako nakita. 


Iniisip ko nga kung saan sila nanggaling anim at bakit ngayon lang namin sila nakita. Pagdating namin kanina sa classroom, ay wala sila hanggang sa sabay sabay kaming nagsi-puntahan sa field ay wala pa rin sila at ngayon ay bigla bigla nalang sila manggugulat anim.


"Bakit?" Wala sa sarili ay natanong ko.


"Gusto mo sumali?" Biglaang tanong niya na halos ikinatigil ko, dahil niyaya niya ako?


"Ikaw ba gusto mo?" I asked him.


"Ikaw tinatanong ko." Kibit balikat nito sa akin.


"Hindi ako sigurado." Sagot ko sakanya.


"Bakit naman?" He asked pa.


"Sa ngayon nalang ulit ako maglaro ng mga ganyan." Katulad nila Amara hindi ko kinalakihan ang maglaro ng mga ganito.


"Edi laruin mo ulit pero ngayon kasama mo na ako." 


Tumigil ang tingin ko sakanya ng sabihin niya sa akin 'yon. Mahirap gumalaw sa mundong hindi mo alam sino ang tunay at hindi.


"Paano kapag hindi tayo nanalo?" Tanong ko sakanya at tinawanan niya lang ang tanong ko.


"Manalo man or matalo ang importante masaya ka at nalaro mo ulit ito."


"Hindi ka magagalit?" Sunod ko pa na tanong sakanya.


"Bakit naman ako magagalit?"


"Dahil natalo tayo."


"Panalo ka naman sakin."


I got stucked to that. Sinagot niya ba talaga sa akin 'yon? Hindi ko alam kung may mga nakarinig sa kaniyang sinabi pero iilan sa mga nasa harap namin ay napatingin sa amin.


"Asher..."


"Tara na."


He didn't let me finish my words when he grabbed my arm that fast. Hindi ko na nagawa ang tumutol pa dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay that time.


"Dre, sasali kami sa games." Kakaway kaway niya pang sabi sa mga kaibigan niya.


"Buti pa si Kash, Amara... Sila sasali, ako na gusto ayaw mo naman." Bukambibig ni Zayden dito.


"Edi sana si Kash ang tinanong mo, lakas talaga ng saltik mo." Iritadong sabi sakanya ni Amara at umalis sa tabi nito.


"Lakas naman ng topak mo."


Parang mga batang nag-aaway sila Zayden at Amara, looking at both of them parang hindi ko ma-explain ang mamamagitan sakanila if ever dumating sila sa point na 'yon.


Nang makapunta na kami sa harap halos sa amin nakatutok ang paningin ng mga student, marami ang nagbubulungan, marami rin ang hindi makapaniwala. Napayuko na lamang ako dahil sa hiya na bumalot sa katawan ko, sino ba kasing hindi mahihiya? Kasama ko lang naman ang isang Asher Mathew na miyembro ng D6 na kinababaliwan ng mga student di'ba?


Kumuha si Asher ng tali at halos mapaupo ako ng itali niya iyon sa paa ko, at sa hindi inaasahan ay nag-untugan kami doon! 


"Aray." Singhal ko dahil tumama noo ko sa ulo niya.


"Bakit ba kasi uupo ka pa? Ako nalang dapat uupo." Angil niya sa akin while holding his head na na-untog.


"Eh, kasi itatali mo sa paa ko." Hawak hawak ko ang aking noo, mukhang mag-aaway pa kami.


"Oh, eh ano naman ngayon?"


"May kiliti ako." Nahihiya kong sambit sakanya, sinabi ko 'yon sa mahinang boses kaya imbis na hindi na siya mag-react nagawa pang tawanan ang sinabi ko!


"Ano?" Natatawang sambit niya pa sa akin, sinabi ko na tapos tatanungin niya ako kung ano ulit.


"May kiliti ako sa paa." Ulit ko nalang sa sinabi ko at tinarayan na lamang siya.


"Ang alam ko sa talampakan 'yon, Kash."


"Oo pero diyan banda may kiliti rin ako." Paliwanag ko pa rito, malakas ang kiliti ko sa buong katawan ko.


"Nakakatawa ka." Sabi niya habang ngumingisi-ngisi pa at napanguso naman ako dahil doon.


Nang matapos itali ni Asher ay agad rin itong tumayo, tinignan niya pa muna ako mula paa hanggang ulo. Ano ba kasing meron? Bakit lagi niyoko tinitignan ng ganyan? 


"Uunahin natin itong nakatali nating paa na ihakbang bago ang isa, gets?" Paliwanag niya sa akin habang hindi pa nagsisimula.


"Oo." Walang ganang sagot ko rito. "What?"


Ayan nanaman siya sa mga titig niyang tingin sa akin. Kanina kapa Asher, mag-aassume ako na may ibig sabihin na ang mga sinasabi mo pati ang mga titig mo sa akin. 


Asher huwag muna sana, masasaktan lang natin ang isa't isa...


Huwag sa mundong kinagagalawan natin...


"Are you ready?" Salita nung emcee at naghiyawan ang mga student doon, pero sa lakas ng boses ni Amara sakanya ang narinig ko.


"GO KASH!! ASHER, KAYA NIYO 'YAN!!" Napakalakas na sigaw ni Amara dahilan para matawa kaming dalawa. Akalain mo ba naman na nandito kami malayo sakanila tapos sakanya pa ang boses ang aking maririnig, sa dami ng student na naghihiyawan dito.


"Ang ingay ng kaibigan mo 'no?" Natatawang tanong sa akin ni Asher at natawa naman ako dahil doon.


"Sinabi mo pa." Tatawa tawang sabi ko rito.


"On three!!" Salita nung emcee ulit at nagbilang na ito. "Three!!" Medyo mabagal siya nagsasalita pa stop stop siya. "Two!! Oneee!! Go!!"


Nagsimula kaming maglakad ni Asher, aaminin ko mahirap ito dahil ang inaasahan ko ay parang madali lang siya nung una pero ngayon ay parang mahirap. Oh, dahil hindi ako sanay sa kasama ko?


"GO KASH LOUISSE!!" Sigaw nila Amara at Freya habang pumapalakpak pa.


"ASHER BILIS!" Sila Zayden halata sa boses nila na natataranta sila. Talagang sinusundan pa nila kami with their matching cheer.


"Shit! Natataranta rin ako dahil sakanila." Bulalas sa akin ni Asher.


"Oo nga." Ako rin, talagang nakakataranta ang ganito.


"Sa dami ng student dito bakit boses pa nila naririnig ko, naririndi ako."


"Ikaw lang ba?" Natatawa kong tanong sakanya dahil grabe kung sumigaw ang mga kaibigan namin kami ang naglalaro pero parang sila ang kinakabahan sa amin dalawa.


Napatingin ako sa likod apat nalang ang natitira halos nauubos na dahil nangatumba na ang ibang player. Gulat ako napatingin sa side na kapantay lang namin! We both teamed up dahil parehas kaming competitive pala.


Pero sa huli hindi kami nagpatalo, kami ang nanalo. Kakaiba ang naramdaman ko ng manalo kami, grabing ngiti ang napakita ko sakanya na ikinangiti niya rin. Tinanggal ni Asher ang tali namin sa paa ng matapos ang laro bumakat roon ang tali pero binalewala ko nalang 'yon, hindi ko inaasahan na mananalo kami pero sino ba naman kasing hindi mananalo.


Isang Asher Mathew lang naman kasama ko. Yung mga student na nag-umpisa ng magkuhanan ng picture namin dalawa at nang mapansin ni Asher 'yon tinakpan ba naman ang pagmumukha ko!


"Hoy, congrats!" Sigaw ni Amara sa amin nung bumalik kami sa pwesto. Pinuntahan ko naman ang dalawa kong kaibigan samantalang si Asher ay dumeretso sa mga kaibigan niya.


Makikita mo ang saya sa kaniyang mga mata, hindi ko alam kung ako ba ang dahilan ng mga ngiti na. Bahagya akong napangiti sa biglaan na naisip ko sa mga oras na 'yon.


"Talagang hindi papatalo Kash ah?" Pang-aasar sa akin ni Freya at kinurot ko ng mahina yung kamay niya.


"Bakit nga ba hindi kayo sumali?" Tanong ko sakanila, alam ko naman na gusto nila sumali pero paniguradong may pumipigil sakanila non.


"Di ako sanay sa ganyan Kash, ayoko, baka matumba ako." Sagot sa akin ni Amara.


Naiintindihan ko si Amara sadyang ayaw niya lang mapahiya sa mga student dito kahit na niyayaya siya ni Zayden, mas iniisip niya ang sarili niya kung mapapahiya ba siya or hinde.


"Eh, ikaw Frey?" Baling ko kay Freya, gusto ni Freya ang laro na ito. Bata palang ito na talaga ang lagi niyang nilalaro kataka taka naman bakit hindi siya sumali.


"Gusto ko kaso sino kasama ko?" Napaisip nga ako, sino nga ba ang kasama niya.


"Bakit, hindi mo ba niyaya si Zachariah?" Tanong naman ni Amara sakanya, sabay sulyap kaming tatlo dito na busy nakikipagwentuhan sa mga kaibigan niya.


"Ayun? Maglalaro? Kung sa room nga niyaya kong maglaro ng bato-bato-pick ayaw pa, ito pa kayang game na ito?" Naka-cross arm ang kaniyang kamay na may kasamang tawa tawa.


"Malay mo hinihintay ka niyang yayain mo siya." Sagot ko sakanya.


"Ano ako Kash? Manliligaw? Ulol, mamatay muna siya bago ko siya yayayain." Malutong pa ang kaniyang mura sa akin.


"Baka ikaw ang ulol Frey? Patay na nga, yayayain mo pang maglaro, paano 'yon ikaw nasa lupa siya nasa langit tapos nag babato-bato-pick kayo? Sira kaba?" Si Amara halos matawa ako sa sinasabi niya.


"Teka nga! Bakit ba pinagtutulungan niyo ako ha?" Angil nito sa amin.


"Pinagtutulungan? Duh, tinatama ko lang sinasabi mo!" Sigaw sakanya ni Amara, kahit talaga saan hindi mahinaan ni Amara ang kanyang boses.


"Nasa malayo na nga kami! Hanggang dito ay rinig ko pa rin ang boses mo Amara!" Nahinto kami tatlo sa paguusap ng biglang sumingit si Zayden na para bang naiinis na sa boses ni Amara.


"Tatlo kaming nag-uusap dito, tapos boses ko pa talaga narinig mo! Ganun na ba kaganda boses ko para mapansin mo Zayden?" At heto nanaman ata ang bangayan ng dalawa.


"Kadiri ka Amara, mahiya ka nga sa mga taong nasa paligid." 


"Bakit ako mahihiya? Kung ito na ang tunay na ako? Walang pake sa mga taong nandito." Napasapo nalang ako sa aking noo.


"Pero sa akin may pake ka?" Nakikinig lang kami sa dalawa.


"May sinabi ako?" Tanong ni Amara dito.


"Tinatanong ko lang." He patiently said.


"Ang ingay niyo naman parehas! Pinsan niyo ba yung mga unggoy?" Sigaw ko sakanilang dalawa, dahil naiirita ako ng sobra sa boses nilang dalawa.


"Gago ka ah!" Sabay pa talagang sabi nila halos mapa-atras ako sa aking kinatatayuan ng murahin nila ako.


"Naks, sabay pa dre." Pang-aasar pa ni Jeremiah sakanya, kaya mas lalong nainis si Zayden.


Ang init init tapos tirik na tirik ang araw, ganito pa ang masasaksihan ko. Konti nalang ako sa dalawang ito, halos sumasakit na ang tenga ko dahil sa bangayan ng dalawa na walang tigil.


"Manahimik na nga kayo sakit niyo sa ulo." Si Asher na iinom palang ng tubig.


"Bring me daw ang next game." Sabat naman ni Ezekiel habang nagtatalo silang dalawa.


Nakaka-excite naman nitong bring me na ito, hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin nilang bagay. Lahat ng student ay nagtipon-tipon, dito mo makikita kung gaano karaming student ang nandito ngayon. Hindi nawala ang anim sa aming mga tabi.


"For sure sasali na kayo diyan?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan na parehas pa silang naka-cross arm ngayon.


"As if may choice kami? Malamang open sa lahat ng student 'yan." Sagot sa akin ni Freya na ikinatawa ko.


Dali dali kaming nagkumpulan sa gitna ng campus. Kita mo sa mga mukha nilang lahat ang excitement, grabe rin kasi ang price. Five thousand ang price if ever. Muling naging maingay ang crowd, dahil na rin sa excited sila maglaro at ang masaya doon ay paniguradong lahat ay matataranta sa pagkuha ng mga bagay na sasabihin ng emcee.


Masaya sa eskwelahan na ito mas sasaya siguro kapag walang mga bully at feeling reyna at hari sa eskwelahan na ito. 


But no, kailanman hindi sasaya ang eskwelahan na ito. Malayo ito sa kasiyahan na inaasam ng lahat, dahil lahat ng nandito ay puno ng katatakutan. Walang tigil na kasinungalingan, kailanman hindi ka magkakaroon ng kakampi dito.


Simula una, puno na ako ng sakit sa buhay. Hanggang dito dinala ko ang sakit, kahit na sa likod ng mga pangyayari ang meron sa PortWood hindi mo aakalain na kaya pa pala nilang sumaya ng ganito. Lalo na at maraming traydor at lahat ay magkakaaway sa eskwelahan na ito. For us, walang kasiyahan dito.


Bumalik ako sa reyalidad kung saan ay nasa laro ang aking isip. Bawat ng sulok ng eskwelahan na ito ay kakaiba, hindi mo alam ano ang mangyayari sa isang segundo. Simula palang naman, pero hindi ko alam bakit wala pang nagsisimula sa laro. 


Larong, gusto kong salihan...


"Bring me shoes, na Air Jordan!" Sigaw ng emcee, lahat kami napatingin sa mga sapatos namin sa kasamaang palad ang suot namin ay Nike.


May Air Jordan kami sa dorm pero hindi naman 'yon ang sinuot namin since hindi siya babagay sa outfit na suot namin.


"Dre, itakbo mo!" Napatingin ako sa sigaw na 'yon, dali dali hinubad ni Jeremiah ang suot niyang sapatos, doon ko rin napansin na naka Air Jordan siya na sapatos!


"Dali, Jeremiah!" Sigaw ni Killian sakanya.


"Tangina sandali mahirap hubarin!" Ramdam at tagos sa akin ang taranta niyang boses.


Nang sa wakas nahubad niya ang sapatos ay dali dali itinakbo 'yon ni Killian sa harap! Mas natawa ako ng makitang, yung magkapares ang kaniyang dinala, kaya ngayon ay walang suot suot na sapatos si Jeremiah, kung hindi socks niya lang.


"And we got a winner!" Sigaw nung emcee ngiting ngiti naman si Killian sa harap dahil siya lang ang nakapagdala ng sapatos na 'yon.


"Tangina ang tagal naman, yung sapatos ko." Inis na sabat ni Jeremiah hindi na makapaghintay dahil wala siyang suot na sapatos ngayon.


"Sige, Air Jordan pa." Bungisngis ni Zayden, dahilan para maasar si Jeremiah.


"Gago, diko naman alam na masasali pala sa palaro yung sapatos ko." Inis na sabat ulit ni Jeremiah.


"Magdusa ka." Sabay sabay nilang sabi sa kawawang Jeremiah.


Nagtuloy tuloy ang palaro ng bring me, minsan wala kaming nadadala, minsan ay meron naman. Nagtutulong tulong kaming siyam sa mga bagay na sinasabi ng emcee. Madalas si Killian at Ezekiel ang nagtatakbo nito sa harap.


Marami nagsasabi na ngayon lang daw nagparticipate ang D6 sa ganitong uri ng program, kaya karamihan sa nga student ay naninibago sa kanila. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay nakikipag cooperate sila sa ganitong uri ng program.


"Bring me pinakamagandang babae!" Sigaw ng emcee sa hindi inaasahan mabilis dinakma ni Asher ang kamay ko at tinakbo sa harapan!


Hindi ko alam bakit pati sa ganito ako ang dadalhin niya sa harap! Nakakahiya... Pagkasabi palang ng emcee na 'yon ay walang sinayang na oras si Asher para dakmain ang kamay ko! Nandito na kami ngayon sa harap at halos marami rin babae ang nandito for sure ay dala dala sila ng mga boyfriend nila. Magaganda rin sila pero mas maganda pa rin ako sakanila. 


Pati mga kaibigan ko na si Freya at Amara ay hindi inaasahan katulad ko na hindi makapaniwala ay dinala rin nila Zayden at Zachariah sa harapan. Maraming mga lalaki ang nagdala ng magagandang babae sa harapan.


"Bakit siya ang dinala mo?" Tanong ng emcee kay Asher.


"Sino ba ang inaasahan mo na dadalhin ko rito?" Halos mapanganga ako sa sinagot ni Asher! Walang galang na lalaki.


"Siya na ba ang pinaka magandang babae sayo?" Napatingin ako kaunti sa emcee sabay kagat sa aking labi.


"Dadalhin ko ba siya dito kung hindi?"


Lintik kang lalaki ka! Halos mapapikit nalang ako dahil ako ang nahihiya sa kaniyang sinasagot. Naririnig ko ang tawa ng mga kaibigan ko at kaibigan niya sa malayo. He looks so serious right now, parang wala siya sa mood for joke time.


"Sa dami ng babaeng maganda dito hindi kaba nahirapan pumili?" Buntong hiningang tanong ng emcee sakanya, siguro pati siya ay nabastusan sa way na pagsagot ni Asher dito.


"Nasa isa lang naman paningin ko, at isang babae lang naman ang maganda para sa akin. Bakit ako mahihirapan doon? Kung nasa kanya lang ang paningin ko." 


Sagot nito, natikom ang bibig ko sa mga oras na 'yon.


Para akong nanlambot sa sinagot ni Asher, simple lang 'yong sagot niya pero that makes me smile. Maraming babae ang nagtilian dahil sa sinagot niya, napatingin naman ako sa kamay niya na hanggang ngayon ay hawak hawak niya pa rin ang aking kamay. Mukhang walang balak na bitawan ang aking kamay.


Posible ba sa gitna na ng laro may mabuong pagmamahalan?


[Zayden's POV:]


Playtime, that was my hobby all the time...


I am born and raised to fight for my life...


In no time, it was just us who can save our life...


Our dangerous life...


I am known as a Daring man, the one and only Daring man in PortWood. Entering the school is lots of regrets. Huwag niyo na subukan pumasok sa PortWood dahil lahat ng estyudante dito ay kilala ko na at alam ko na ang mga galaw, lahat ay puro kasinungalingan dito. Isa lang naman ang inaasam ng lahat dito kung hindi ang katotohanan, or larong gusto nila malaro.


PortWood is death of all.


Kilala ako ng lahat dito bilang pagiging babaero ko, I guess. But they doesn't know how do I loved a girl, ever since I focused on my life. Hindi na pumasok sa isip ko ang magmahal muli ng bago dahil wala rin naman patutunguhan ang ganito, imposibleng magkaroon ng pagmamahal sa PortWood.


Dahil ang pagmamahal na kailangan nila ay pagmamahal sa sarili para mailigtas mo ang sarili mo hanggang matapos ang school year. Matagal na kami dito sa PortWood kaya kami ang kinilala nilang malalakas dahil ilang years ang na-survive namin sa kabila ng pakikipagsabak sa kanilang laro.


Pero ngayon, naging mahirap sa akin ang taon na ito dahil sa punong puno ng tanong ang isip ko bakit hindi pa nagsisimula ang laro.


"Zayden..." Tinawag ako ng daddy ko while packing my luggage, babalik na ako sa eskwelahan kung saan nila or kami kinulong. "Prioritize yourself."


"I know."


"I know you." Tumitig siya sa akin at alam ko nanaman ang kaniyang sasabihin sa akin.


"Dad, huli na 'yon. Hindi na mauulit ang ganon." Pahayag ko sakanya. "Ilang taon din ang lumipas, tinigil ko na ang ginagawa namin hindi ba?" 


Ever since, I committed that. Nawala ang tiwala nila sa akin anim, dahil kilala ang PortWood kung hindi kulungan ng mga high profile na tao. Lahat ng mga student dito ay naglalaban laban ang mga kayamanan at kapangyarihan at kami ang nangunguna sa lahat. 


"Bagong school year, last school year niyo na, baka magkaroon kapa ng girlfriend."


Gusto ko yung matatalinong babae, karamihan sakanila ay na-drop out dahil sa akin, bumaba ang mga grades nila dahil sa panlalanding ginawa ko sakanila. Hindi lang yaman at kapangyarihan ang kailangan mo dito, kung hindi talino. I admit it I'm just having fun playing them.


Kailangan mo ng talino at matinik na pag-iisip para maka-survive. Once you got failing grade that's the only way you can escape the school but, remember once you got out they will always chase you and kill you.


Kaya, either you continue surviving and finish the school or failed the school and get killed...


You choose...


Walang nakakaalam sa pagiging babaero ko kung hindi ang mga nilandi ko lang dati na ngayon ay wala na sa eskwelahan na ito, wala na sa mundo. Minsan lang maging binata, kaya sulitin na ang mga ganito pero huwag niyo gayahin ang ginagawa ko. Huwag na huwag niyo ako gayahin. Huwag kayong mananakit ng babae, especially boys, huwag niyong sasaktan ang mga babae.


Dito sa eskwelahan na ito uso ang ganitong laro ang paglaruan ang mga damdamin nila para makakalap ng impormasyon.


"Imposibleng magkakagusto ngayon." I dropped that word.


I prioritize my family over a girl, that's my goal.


"Huwag lang sana namin malaman in the ahead of month na may ililigtas ka nanaman na babae at ilalabas sa eskwelahan."


That's the reason behind bakit nawala ang tiwala nila sa amin dahil sa may nilabas kaming importanteng babae dati sa eskwelahan at buhay pa sila ngayon. Pinatago namin sila at nilaban nila ang kanilang buhay to survive, until now wala kaming balita sakanila basta ang alam namin ay buhay sila.


Gusto ko magbago dati pa lang, dahil sa pagiging babaero ko pero hindi ko maiwasan siguro ang mapa-isip ng kung ano ano. Siguro, hindi ko matigil ang ganon dahil hindi ko pa nakikita or nakikilala yung babaeng makakatapat ko.


"I'm sorry." 


Ayun ang bawal kong gawin sa pangalawang pagkakataon, ang magligtas muli ng babaeng minahal ko ng sobra.


"May transferee nanaman." Karating namin sa school, ayun agad ang binungad ni Asher sa amin. "A girl like merida."


"Ngayon nalang may pumukaw sa atensyon mo ha?" Tanong ko rito, naka-upo kami ngayon sa mga sasakyan namin.


"She's something, something gusto ko pag-tripan." Kumunot ang mga noo namin sa kaniyang sinabi. "I just saw her face that fast. Hindi ko siya ganon naaninag kasi busy siya sa kaniyang ginagawa pero yung buhok niya, ngayon lang ako nakakita ng ganon na buhok kaya agad mo itong mapapansin."


"May kaibigan ba?" Napalingon ako kay Ezekiel sa kaniyang tinanong at may ngisi pa sa kaniyang mukha.


"Tatlo sila. Pero mukhang, lower grade sa atin." 


"Sayang." I comment.


"Walang sayang, Zayden. Nasa isang paaralan tayong ginagalawan." He answered.


Buong gabi, bulalas ni Asher ang babaeng merida na kaniyang sinasabi. Sa dinner, sinubukan namin silang hanapin pero hindi namin sila nahanap. Nang matapos ang pagkain namin ay pumunta kami sa likod ng eskwelahan.


"Matagal niyo na kaming nilalabanan at sinusundan, bakit hindi pa tayo magpatayan dito?" 


Unang araw pa lang nakapatay na kami... Naghalo halo ang lahat sa isang iglap, maraming bago sa eskwelahan na ito. Parang ang binubuo namin na dapat ay mabubuo na namin ay biglang nag-kulang kulang at nagkaroon ng butas sa isang iglap.


"I don't understand." Bulalas ko sa kwarto habang pinupunasan namin ang mga dugo namin sa aming katawan, ilang oras nalang ay simula na ng pasok.


"Bakit parang may nadagdag?" 


"Sino sila, mga nakatago sa dilim?" Tanong pa ni Jeremiah, marami kaming nakapansin non.


I promised to myself that this year will not be my end. Poprotektahan ko ang sarili ko sa lahat at mawawalan ako ng pake sa mundong kinagagalawan ko. Dahil 'yon naman ang tunay na ako.


"Who's this..." Sa isang iglap, isang babae ang kumuha ng atensyon ko.


A strange girl who got my attention... Light skin girl, her eyes got my sight, looking at her rare eye color, gray. You can't describe her because of her figure like she was a mix of all nationalities. Long-layered hair and I know that color, a balayage color. She's type of girl that is suspicious, she doesn't care about what's going on right now. Round lips and reddish lips, pointed nose, hooded eyes, thin eyebrows and damn I sense her charisma.


Akala ko ay hanggang doon nalang, kapasok namin sa unang araw siya ang kumuha ng atensyon ko at napako ang paningin ko sakanya. Kung gaano siya kakaiba sa lahat. That was the first time too, na makilala namin ang sinasabi ni Asher.


"Amara Kala Gonzales."


Amara is a beautiful name, parang ngayon ko lang naririnig ang pangalan na Amara. Amara Kala, napakagandang babae panigurado iniingatan ka ng maayos ng mga magulang mo. 


"Guess, half?" Sa court ay ganon ang ginawa namin dalawa.


"Of course duh." Mataray na sabi niya sa akin. "Fil-Am."


"Oh, really," Pero alam kong hindi lang siya basta Fil-Am. "5'7 huh?"


"Yeah, 6'1 huh." Panggagaya niya sa akin makes me smile.


"Uy! Pumapag-ibig." Napatingin kaming dalawa sa mga kasama namin na inaasar na kami.


"Shut up. Kaibigan ko lang."


"Shet, friendzone." Alam ko naman na biro biro lang ang mga sinasabi ni Amara.


"Oo nga pala, si Asher nalang ang wala ha?" Paghahanap ng mga kasamahan namin sa aming kaibigan.


"Hindi niyo ba tinext?" Tanong ko pa sakanila at umiling sa akin.


"Tawagin ko na." Presinta pa ni Jeremiah dito.


"So, Amara, anong pumasok sa isip mo bakit kayo pumasok sa eskwelahan na hindi niyo kilala?" She just smiled at me and gave a little smirk.


"Wala lang, ang interesting kasi."


Interesting... Hindi nila alam, buhay na ang kapalit.


Hindi ko alam pero sabi ko sa sarili ko na hindi ko na kakausapin ang babaeng ito, pero sa tuwing nakakasalubong ko siya, hindi maiwasan ng bibig ko ang magsalita.


Gusto ko siya makilala ng lubusan pa, gusto kong makilala ang isa niyang side na hindi niya pinapakita.


"Sa tingin mo ba trip pa rin ni Asher yung kaibigan ko?" Bulong niya sa akin, nanonood kami dahil naging question and answer ang bring me na ito. 


"Hindi ko masabi, pero may tumatakbo sa isip ko ngayon." Yung mga sagot ng kaibigan ko sa emcee ay kakaiba ang dating, parang hindi siya yung kaibigan ko.


"Oo nga, bakit mo ba ako dinala rito?" She curiously asked me.


Napatingin naman ako sakanya dahil hindi kami same height. I stared at her at that moment, hindi ko masagot ang kaniyang tanong sa akin na para bang may pumipigil sa aking bibig para sagutin siya.


"Nananahimik ako doon tapos bigla mo akong hahatakin." Pag-irap niya pa sa akin.


"Sabi kasi ng emcee magdala ng magandang babae."


"Ewan ko sayo, tignan mo yung dalawa." Pinoint niya pa si Kash and Amara na nagkekwentuhan ngayon. "Trip pa ba ang ganyan?"


"Sa nakikita ko hindi na. Inlove na kaibigan ko sa kaibigan niyo."


Pinapanood ko silang dalawa. Kilala ko ang galaw ng kaibigan ko simula sa una palang. Alam ko kapag may nagugustuhan ito pero ang kilos ni Asher ngayon ay hindi ko na masabi pa dahil hindi siya ganito dati.


"Zayden?" Emcee called me. "Oh, wow, I didn't know na may dadalhin ka palang babae dito, hindi ka ba nahirapan since marami kang kilala na babaeng maganda."


Napansin ko ang pag-irap ni Amara dito dahil mukhang inaasar siya ng emcee. Naka-cross arm pa siya, at mukhang naiirita na siya. Kilala talaga ako ng emcee.


"No, siya pinakamagandang babae para sa paningin ko."


"Anong paningin meron 'yan?" Bahagyang nanigkit ang mata ko sa tanong ng emcee sa akin.


Agad kong hinawakan ang wrist ni Amara dahil may binabalak siya na pagsugod dito. Kahit ako ay hindi ko nagustuhan ang kaniyang sinabi kay Amara, paniguradong si Amara ay mas lalong hindi nagustuhan ang sagot nito.


"Paningin na ako lang ang makakaintindi, dahil sa isang minuto kapag hindi mo inayos ang ginagawa mo baka mawala ang paningin mo."


Natahimik ang emcee dahil sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pagkurot ni Amara sa tagiliran ko at that time pero hindi ko 'yon pinansin. Ako ang nainis sa ginagawa ng emcee na ito na para bang hindi niya kilala ang kaniyang binabangga.


"Bakit mo ginawa 'yon? Mukhang natakot yung emcee sayo." Pahayag ni Amara sa akin ng pabalik kami sa pwesto namin.


"Hindi ko gusto yung sinabi niya. Nilait ka ba naman, siyempre hindi ako makakapayag doon."


"Oh, ganon ba? Eh, ako? Trip mo pa rin ba?" Halos mabilaukan ako sa tinanong niya.


"Ha?" Mabilis ko itong tinignan.


"Trip mo ba ako?" Paguulit niya sa kaniyang tanong.


"Bakit mo natatanong 'yan?" Halos hindi ko pa masabi ang salita ko.


"Kasi..." Pambibitin niya pa.


"Kasi ano?" 


"Can we talk in private?" Lumiit sandali ang mata ko ng seryosong sabihin ni Amara sa akin 'yon.


"Pero, may program pa rito." Sagot ko sakanya.


"Right, let's talk tonight nalang." May nararamdaman akong kakaiba.


"Just wait me in the garden." Doon nalang, lugar kung saan wala masiyadong tao.


" I will."


Umalis sa tabi ko si Amara na may ngiti sa kaniyang mukha at tumabi sa kaniyang mga kaibigan na nasa gilid lang din naman namin. Habang nagpapatuloy-tuloy ang program ay hindi ko maiwasan ang tumingin sakanya. 


She's something, something na parang babaguhin niya ang ako.


Parang gusto ko nalang kainin lahat ng sinabi ko na hindi ko siya magugustuhan. Pero parang patungo na ako sa phase na 'yon. Hindi ko siya maiwasan at maiwanan, ang imposible ng ganito. Akala ko payapa lang ang magiging buhay ko just like before, but I was wrong may darating at darating pala.


Akala ko kagaya lang ng nakaraan na taon na wala akong pake sa babae at sa mga tao pero ngayon, nag-iba lahat. Nag-iba ang paningin ko.


Nakarating kami sa aming mga pwesto. Napansin ko na naging kakaiba ang ihip ng hangin dahil sa pangyayari. Maya maya ay tumabi na ako sa kaibigan ko na si Asher, tumigil na rin kami sa pagsali sa laro dahil halos pagod na rin.


Habang nasa malayo sila Amara ay kinuha ko na ang chance para makausap ang kaibigan ko, doon ay tinapik ko ang balikat niya dahilan para lumingon siya sa akin. "Ano? trip mo pa siya?"


"Dre, what are you saying?" Kunot noong tanong niya sa akin at natawa ako ng bahagya doon.


"Hindi ba sabi mo dati pagtitripan mo lang siya?" I pertained to Kash, right now.


"Sinabi ko dati 'yon pero hindi ko ginawa, bakit ko naman pagtitripan ang babaeng ito?" Tumitig ako ng bahagya sakanya.


"Asher..." I spoked his name.


"I know, hindi pwede, pero hindi ko siya gusto." 


Imposible ang kaniyang sinasabi sa akin. "Kilala kita."


"Hindi pa ganon 'yon sa iniisip mo Zayden, wala pa doon." Pag-uulit niya pa sa akin.


Maraming nag-habilin sa amin, na huwag ituloy ang nararamdaman namin. Ang mga kaibigan namin ay laging pinapaalalahan ang salita na 'yon. Pero siguro nga ay, imposibleng mangyari ang ganon sa amin. Hindi maaari.


Hangga't maaari sana ay matigil at mapigilan namin ang aming mga nararamdaman.


"Dre, bakit hindi kapa sigurado?" Tanong ko sakanya.


"Gusto mo atang nasaktan siya kapag nalaman niya ang pamilya na meron ako or tayo." Pahayag niya sa akin. "Iba tayo sa lahat, mahihirapan siya."


"Maiintindihan naman siguro nila Kash ang pamilya na meron tayo." 


Pero baka totoo nga ang sinasabi sa akin ni Asher, hindi madaling matanggap ang pamilya namin. Maraming nangyari in the past na hindi kailangan malaman nila Amara. At that time, hindi ko nanaman maiwasan ang tumingin kay Amara, I saw her smile.


"Bigyan mo muna ako ng oras para ayusin lahat, gusto ko ng matapos ito Zayden." Mahinang sambit niya sa akin.


"Tama ka, napakagulo ng pamilya natin." Ngayon nalang ulit kami nakapag-usap about sa pamilya na meron kami.


"Ayoko dumating sa point na iiwan ako ni Kash sa oras na malaman niya ang buhay na meron ako." Narinig ko ang pag-lick ng kaniyang dila sa loob ng mouth niya.


"Kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan." Ani ko sakanya at tumingin siya sa akin.


"Hindi lahat dre, bakit ikaw? Iniwan ka rin naman ni Tyra."


Natahimik ako bigla sa binanggit na pangalan ni Asher, that girl... Napansin ko rin ang sandaliang tingin ng mga iba namin na kaibigan upon Asher saying that name out of nowhere.


Unang babaeng minahal ko ng sobra sobra, babaeng hindi ko iniwan at sinundan ko hanggang sa London pero wala akong napala sa pag-sunod ko sakanya dahil hindi niya ako binalikan. Iniwan niya ako at nagsimula ng bagong buhay mag-isa. Akala ko sa mga oras na 'yon, siya na ang huling babaeng mamahalin ko.


But, I was wrong...


Hindi naging ganon ang buhay namin ng pasukin nila ang eskwelahan na ito ng walang ka-alam alam. Dito ko siya natagpuan sa eskwelahan na ito at dito rin nagtapos dalawa.


Simula nung malaman ni Tyra ang mga ginagawa ko, ginawa ng pamilya namin. Nagbago siya, iniwan niya ako dahil doon. Siya yung babaeng hindi ko pinagsisihan na minahal ko at ipinaglaban ko, kaya siguro ako nagkaganito dahil sa hindi ko natanggap ang huli namin na pagsasama.


[Flashback]


"Miss, nahulog niyo panyo niyo." 


"Ay, oo nga sa akin 'yan. Thank you ha." Inabot ko ang panyo sakanya ng mahulog niya ito sa hallway. 


"Tyra, halika na! Late na tayo."


Sumigaw ang kaibigan nito at doon ko nalaman ang kaniyang pangalan. Napangiti ako ng maaninag ko ang kaniyang mukha, para bang may ibang sumanib sa akin ng magtagpo ang mga mata namin.


"What are you doing here?" Kumunot ang mata ko ng may makita akong isang babae sa loob ng auditorium while I am singing.


"Ang ganda pala ng boses mo." Lumabas siya sa dilim at si Tyra ang nilabas nito. 


"Sino kasama mo?" Tanong ko sakanya ng binaba ko na ang gitara na aking hawak.


"Ako lang, yung mga kaibigan ko kasi ayun naglilibot pero ako gusto ko kasi tahimik pero hindi ko inaasahan na mapupunta ako dito dahil alam kong tahimik dito pero nagkamali ako." Nakangiting sabi niya sa akin.


"Kung tahimik lang pala ang hinahanap mo sana sa library ka nalang."


"Tahimik at walang tao." She corrected. "Zayden, right?" 


"Oo, kanino mo nalaman?" I asked her.


"Bukambibig kana." 


Napaupo kaming dalawa sa upuan dito at tumingin sa harapan na akala mo naman ay may palabas sa aming harapan.


"Alam mo ba ang pinasok mo?" Wala, ay bigla kong natanong sakanya.


"Hindi ko rin alam, pero mukhang okay naman yung school sa akin. Ewan, pero bakit hindi ko maintindihan bakit dito kami pinasok." Walang ganang sagot niya sa akin.


"Mauuna na ako." Tumayo ako kaagad, dahil ayoko na abutin kami ng dilim dito lalo na at may magaganap na gulo.


Hindi siya sumagot at sumunod lang sa akin pero nagkakamali ako. May araw palang bigla na nagkaroon ng gulo, naging mataranta ang lahat ng student na nasa labas ng may nagsi-labasan na mga nakadamit na itim biglaan.


"What's going on?" Her voice were cracking upon asking me.


"Tyra, you need to trust me." Pinandilatan ko siya ng mata sa mga oras na 'yon."


"Zayden, anong nangyayari? My friends..." Wala siyang ka-alam alam sa eskwelahan na ito.


"Trust me or you'll die right now." Umpisa na ng laro.


"What?" Nanginginig ang boses niya.


"May mga nakapasok nanaman na hindi malaman laman ng head. Eto ang nilalaro ng lahat kada taon, trust us or you'll die."


"I want to live..." Tumango ako sakanya at dinakma ang kamay nito.


I am always prepared ever since. Bata palang ako, tinuruan na ako paano laruin ang baril kaya ngayon nahasa ko kung paano ito paglaruan. 


"This game is the one you need to survive," Inuwi ko siya sa kaniyang dorm na may dugo dugo sa kaniyang damit.


"Gusto ko ng umalis Zayden, hindi ko alam na ganito pala dito. I want to go home." I bit my lip, she was shaking.


"That's the problem here. Once na pumasok ka isusugal mo na ang buhay mo dito. End the school year is needed, you must survive every minute." I explained to her the mechanics on how to play in this school.


I know how frustating is when you always need to fight. Kada taon nalang nangyayari ang ganito, sakanya ko na-realize na kaya ko palang mag-ligtas ng babaeng mamahalin ko rin pala.


"The first thing you need to do is protect yourself, don't distract your self from love." My hobby was teaching her how to play a gun and how to play the game.


"Distract, why? I got distract by you." Tumingin ako sakanya habang inaayos ang kaniyang pwesto para bumaril.


"You choose, choose me and you'll survive or choose yourself and die. That's the only way you can survive here."


I got her by that. Pero mukhang ginawang pagsubok sa amin ang bagong rules. Hindi ka makakalabas ng eskwelahan hangga't hindi ka graduate ng grade ten. Nasa grade eight palang kami at mukhang marami pa kaming kailangan palagpasin.


Akala ko kaya niya, akala ko naging malakas siya katulad ko pero not all the time hindi siya ganon kalakas katulad sa akin. She got hit, comatose for over a month, isang malaking laro ang nangyari sa eskwelahan at napuruhan siya ng sobra. 


"Paano ka?" Tanong niya sa akin when I show her how to escape. Tinulungan namin sila makatakas sa eskwelahan na ito dahil ayaw namin na dito sila mamamatay.


"Kaya ko, Tyra." I smiled at her. Kailangan kong kayanin ang ganito at patuloy na lumaban para magkita muli kami sa labas ng eskwelahan.


"Zay, are you sure about this? Asher, Jeremiah, sure ba kayo malaking consequences ang haharapin ninyo once na nalaman nila ang ginawa niyo sa amin."


The rules are set. Bawal kang tumulong...


"Tyra, look at me." Namumuo na ang mga luha sa mata ko. "The day you came to my life was the best thing that happens to me. I want you to survive, magkikita pa tayo sa labas, okay? Promise me that."


"Being with you was the best thing that happens to me, Zay. I love you and thank you for always saving me from danger," That kiss.


Isang halik ang binigay niya sa akin, na para bang ayaw na akong pakawalan ng mga halik niya.


"Go!" Sigaw namin bago pa sila mahuli.


Naging pagsubok sa amin 'yon. Akala namin okay na ng makaalis sila sa eskwelahan pero hindi pala, they chase them over and over. Parang may matang nakabantay sa bawat galaw namin.


"Tyra." Isang liblib na lugar kung saan ko siya kinita.


"Zayden, let's end this. I want peace!" Sigaw niya sa akin.


"I can give you a peace! Just please! Stay with me, don't leave me Tyra." I begged and kneeled down, crying in front of her waiting for her answer that she will stay with me.


"Zayden, I can't. Hindi ko na kaya." Pumikit ako.


"Why?" I asked her.


"Hindi na kita kayang mahalin."


Ang mga salita na binibitawan niya ay ang sakit para sa akin.


"Pero nangako ako sayo Tyra, na kahit anong mangyari hindi kita iiwan at hindi ko hahayaan na mapahamak ka dahil sa pamilya ko."


She knows kung anong pamilya ang meron ako.


"Pero nangyari na!"


I stopped... Ano nanaman ang ginawa ng pamilya ko?


"What do you mean?" I asked her,


"Natanggal si dad sa trabaho, si mommy tinatakot. Dahil 'yan sa pamilya mo! Ayokong mapahamak pa ang pamilya ko dahil sa kagaguhan na ginawa ng pamilya mo! Pamilya niyo!"


"Why didn't you tell me?!" Punong puno ako ng galit sa ginawa ng pamilya ko.


"And what will you do huh? Nothing Zayden! You can do nothing!"


"You don't trust me, don't you?"


"My trust for you is gone, Zayden! Gone!" Ang mga binabato niyang salita sa akin ay napakasakit.


"You had a promise to me Tyra, right?" Paalala ko sakanya.


"I'm sorry, Zayden." Parang ang hirap ng ganito, hindi ko kakayanin.


"Tyra." I called her.


"I will not love a demon, Zayden you know that." Patuloy lang ako sa pag-iling dahil alam kong saan na ito matatapos.


"Magbabago ako Tyra, para sayo. Ipapangako kong matitigil lahat ng ganito."


"Too late, I'm sorry."


After that she didn't wait for my response, she immediately run towards and in just one second, she was hit, she hit by a car passing by. My world stop ng makitang sino ang bumangga sakanya, nakuyom ko ang kamay ko dahil sa galit ko sa mga oras na 'yon.


Nakita ko kung paano dumaloy ang kaniyang dugo sa daan na ikinatigil ng mundo ko at parang wala na akong maramdaman sa mga oras na 'yon.


After she was healed, they flew to London, and I can't live without Tyra. I did everything I can to see her, at yun ay ang sumunod sakanya sa London. Pero hanggang doon nalang pala 'yon.


[End of Flashback]


Nabalik ako sa reyalidad ng maalala ko lahat lahat ng pangyayari simula sa una, sa namagitan sa amin ni Tyra.


"Stop bringing her up, Asher." Mahinang sabi ko kay Asher.


"See? Doon ako natatakot Zayden." Pahayag niya sa akin.


"Pero ginawa ko naman lahat, bakit niya ako iniwan?" Bigla nalang ay natanong ko our of nowhere.


"She need time?"


"Seriously time?" Bahagya akong natawa rito. "Eh, halos mag two years na siyang wala pero ano? Wala pa rin, funny." Tumawa ako ng pilit dahil doon.


"Space maybe?" Paninigurado niya pa.


"I already moved on Asher, trust me." Matagal na akong nag-move on dahil imposible na rin na mabalik namin ang sa amin dalawa ni Tyra.


"Because Amara is on your side right now, right?" Napalunok ako dahil doon makes me to look at Amara for a second.


"What?" Pag-uulit ko rito while looking and staring at her.


"Oh come on, don't tell me you don't like her?" Asher asked.


"Trip ko lang siya, hanggang dun lang." Natawa siya dahil sa sagot ko na ikinataka ko rito.


"We will see Zayden, baka yang trip na sinasabi mo kainin mo bigla. Kagaya ko." Pang-aasar niya sa akin.


"Shut up." Ani ko nalang dito.


Ngisi-ngising umalis si Asher sa tabi ko at tumabi siya kay Kash, masaya si Asher sa oras na makasama niya si Kash. Napakaw ang atensyon ko kay Amara na ngayon ay kausap niya na si Jeremiah. Dahil doon, inis akong sumingit sa paguusap nilang dalawa pero nabigo ako dahil hindi ko alam ang pinaguusapan nila! 


Dumating ang lunch time, sa wakas, dahil gutom na rin ako. Nakaupo na kaming lahat dito sa canteen at nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin, dahil siguro sa wala silang masabi or walang alam na ikwento. Maraming babae pa rin ang nakatingin sa tatlo, ang iba parang pinapatay na ang tatlo at ang iba naman ay nagbubulungan.


Hindi ko akalain sa daming babaeng magaganda dito na gusto kaming makasabay itong tatlong diwata na ito ang hindi naman nireject, ganito talaga ang appearance nila. Kakaiba kasi ang dating nilang tatlo na para bang papangarapin mong makasama at makasabay sila kahit isang segundo lang.


"Excited kana ba sa pageant bukas?" Bigla ay bulalas ni Amara, dahil sa katahimikan namin.


"Hindi." Tipid na sagot ni Kash sakanya at patuloy na kumakain.


"Bakit naman?"


"Hindi ako kinakabahan sa mga ganyan." Confident na sabi niya at bahagya akong napalingon kay Asher.


"Naks naman, baka kaibigan ko yan." Si Freya, we were just listening to them.


"Eh ang Asher? Sabi sabi ay first time mo sumali sa ganito? Excited ka?" Tanong ni Amara kay Asher.


"Medyo." Natawa ako dahil dito.


"Oh, bakit medyo lang?"


"Hindi ako excited sa pageant, excited ako dahil makakapareha ko kaibigan niyo." Confident na sagot ni Asher dahilan para maglingunan kaming lima!


May hindi talaga sinasabi ang kaibigan namin, kakaiba na talaga ang mga salita niya na para bang ngayon nalang namin narinig muli ang kaniyang mga salita.


Masasabi ko na masaya kasama ang tatlong ito, yung ugali namin na seryoso nababago tuwing nakakausap at nakikita namin ang tatlong ito. Nawawala ang pagiging seryoso ko sa oras na kausapin ako ni Amara.


Pero sa kabila non hindi ko pa rin kailangan mabaliktad ang sitwasyon, kailangan hindi kami madala sa mga salita salita nila. Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay nasa gym na kami dahil sa Student Fight Day.


Kada taon ay may ganito, hindi isang beses sa isang taon nagaganap ang ganito mahigit sampo dapat kaya ngayon ay inagahan na nila.


"Talaga bang may ganto?" Tanong sa akin ni Amara, hindi ko alam bakit may ibang dulot sa pakiramdam ko kapag naririnig ko boses niya.


"Oo, once a year ito ginaganap. Pero sa Mapeh meron din ganito." Sagot ko sakanya.


"Paano yung hindi kaya?" Alanganin na tanong niya sa akin.


"Kaya mo man or hindi, sa oras na mabunot pangalan mo patay ka." Explain ko sakanya.


Pero imposible dahil lahat dito kayang lumaban. Hindi ko lang alam sa transferee. Pero until, tinatanong pa rin ako bakit ang aga. Bakit ang aga ng student fight day nangyayari ang ganito dahil sa gitna ng taon pero ngayon wala pang isang buwan ay nagsimula na sila.


"Tinatakot mo ba ako?" Tanong niya pa sa akin.


"Totoo naman kasi, Amara!" Sigaw ko sakanya at hinanap si Killian. "Killian!" Sigaw ko rito mabuti agad naman niya akong nilingon. "Halika dito!"


Agad naman pumunta si Killian sa tabi namin at siya ang kinausap ko para maniwala sa akin si Amara.


"Hindi ba sa oras na mabunot pangalan mo, patay ka?" Tanong ko sakanya.


"Oo, bakit?" Tumingin ako kay Amara dahil tama ang sinabi ko.


"Ito kasing si Amara hindi naniniwala sa akin." Pahayag ko rito.


"May sinabi ba akong hindi ako naniniwala sayo?!" Sigaw niya sa akin. "Sabi ko kung tinatakot mo ba ako? Baliw kaba?"


"Nakakatakot talaga Amara, dahil hindi mo inaasahan na baka lalaki makalaban mo."


Halos mapanganga si Amara sa sinabi sakanya ni Killian. Natikom ko ang bibig ko dahil inunahan ako ni Killian sa gusto ko pa sabihin. 


"Ano?! Teka, hindi ba babae vs babae, tapos lalaki vs lalaki?" Tanong niya pa.


Umiling kami parehas ni Killian at parang nanlumo pa ito sa sinagot namin. "Ayun ang kaibahan ng school natin, wala raw yun sa gender kung marunong ka lumaban, lalaban ka. Bakit sa school niyo wala bang ganito?" Tanong ni Killian sakanya.


Oo nga 'no? Bakit hindi ko nga ba natanong kay Amara kung walang ganitong uri na Day sa school nila, o sadyang sa school lang namin ang meron ganito?


"Wala sa school namin ang ganito. Kaya nga nabigla ako eh." Sagot niya sa amin.


"Patay ka talaga." Pananakot ko pa sakanya at pinandilitan ako nito.


"Eh, paano kung hindi mo talaga kaya?" Tanong niya ulit at natawa kami ni Killian sakanya.


"Bahala ka na doon." Sagot sakanya ni Killian.


Nang sandaling 'yon at hahakbang siya papunta sa labas ay agad namin itong pinigilan dahil alam ko na ang kaniyang binabalak. Lahat ng student ay ganito ang ginagawa kaya nasanay na kami.


"Saan ka pupunta?" Tanong ko pa sakanya and she smiled bitterly.


"Hindi ko kaya lumaban sa ganito, pakisabi na sumakit ulo ko kapag natawag ako." Pagdadahilan niya pa sa amin.


"Aakyatin ka nila sa dorm niyo, wala silang pinapalampas." Sagot ni Killian sakanya.


"Huh, hindi ba mauubos ang araw na ito lalo na maraming student?" Sunod sunod na tanong niya sa amin at halos natatawa nalang kami ni Killian sakanya.


"No, tatapusin at tatapusin nila ito."


"Pero-"


"Wala ng pero pero Amara, kailangan ito sa school natin." Pigil ko sa kanyang sasabihin.


Napanguso siya at bumagsak ang katawan nito mukhang wala na siyang magagawa at tumabi nalang kay Freya na busy makipa-usap ngayon kay Zach. Samantalang si Ezekiel at Jeremiah sila ang nag-uusap at ayun nanaman si Asher na para bang kinukulit nanaman si Kash.


"Paano 'yan?" Natanong sa akin ni Killian.


"Anong paano?" Pinapanood namin ang mga staff na inaayos ang set-up.


"Eh, mukhang hindi kaya lumaban nang mga babaeng 'yan." He was pertaining to the three of them.


"Kaya naman siguro ni Amara, kapag lalaki ang makakalaban niya ako na ang bahala don." Hindi ko na hahayaan mangyari muli this time.


"Si Kash?"


"Wala ka atang tiwala kay Asher?" Tatawa tawa ko pang tanong kay Killian.


"Inlove na talaga kaibigan natin dre, maya't maya kausap si Kash. Samantalang mag-katext naman sila." Halos doon ako mapahinto sa sinabi ni Killian, mag-katext sila?!


"Ano?" Tanong ko rito, ang tagal pa bago ma-process sa isip ko.


"Oh, bakit?" 


"Mag-katext sila?! Kailan?!" Pag-uulit ko rito, hindi pa rin makapaniwala na aabot na sa ganito ang dalawa.


"Zayden, kaibigan ka ba talaga? Gabi gabi nakangiti si Asher sa cellphone niya para ngang baliw eh." Umakbay ito sa akin.


"Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Bakit ngayon lang?" Pagsisi ko pa sakanya.


"Bakit ba? Nakakatawa ka, curious ka dre? Huy, kay Asher na si Kash loko, may Amara ka diyan."


"Yah! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Pagtama ko sakanya.


"Basta ngayon, alam mo na okay? Huwag ka ng makulit loko!" Sigaw niya pa sa akin at niyaya ako papunta sa mga kaibigan namin.


Natigil kami sa paguusap ng magsalita na ang emcee, nagsimula na rin ang program pero bago 'yon, siyempre sisimulan 'yan ng isang prayer. Kahit sa pagdasal ay hindi ko maiwasan na tignan si Amara sa kaniyang pwesto. Kaya naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Ezekiel that time.


"Kahit sa dasal ay lumalandin ka pa rin." He said at sinamaan ko siya ng tingin.


"Tumigil ka nga, panlalandi ba yung tingin?" Tanong ko rito, dahil tinitignan ko lang naman si Amara sa mga oras na ito.


Nang magsimula ang laban ay nasanay na ako sa pangyayari, madugo kalaban ang mga kilalang student dito sa PortWood. Doon na napanood nilang tatlo na lalake vs babae ang magkalaban. Marami ang ginawang rason ni Amara sa akin, pero kahit anong rason 'yan ito ang pinaka-importante sa lahat dito sa PortWood.


Itong activity na ito ang hindi maaaring palagpasin ng lahat dahil magagalit at magagalit si Madam Rotchel. Speaking of madam, nakita ko siya sa isang sulok pero nakuha ako ng kaniyang tingin, she was staring at Kash.


Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa, seryoso ang tingin ni madam kay Kash samantalang si Kash ay kausap ni Asher. Kakaiba ang tingin ni madam sakanya parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.


"Wait lang." Bigla akong nakaramdam ng ihi.


Umalis ako sandali sa pwesto at pumunta sa bathroom. Ginugulo ng isip ko ngayon ang pangyayari kanina kung saan nasaksihan ko ang tingin ni madam kay Kash. Na ngayon palang nangyari ang sitwasyon na 'yon.


"Tyra." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang name na 'yon, Tyra nga ba?


Tinignan ko ang babae na kaniyang tinawag, hindi si Tyra na minahal ko. Ibang Tyra, kapangalan niya lang. Napapikit ako sa mga oras na 'yon, iba pa rin ang dating ng pangalan ni Tyra sa akin napapahinto at napapahinto ako tuwing naririnig ko ang kaniyang pangalan.


"What if, tayo ang magkalaban?"


'

Continue Reading

You'll Also Like

121K 401 5
Ayla Reese Bautista. Isang palaban na babae. Sa likod ng maganda, inosente, at mala-anghel niyang mukha ay ang palaban niyang pagkatao. Pinalaki siya...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
627K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...