Full of Secrets

By kalilalily

35.2K 309 36

Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this scho... More

Prologue
CH 1
CH 2
CH 4
CH 5
CH 6
CH 7
CH 8
CH 9
CH 10
CH 11
CH 12
CH 13
CH 14
CH 15
CH 16
CH 17
CH 18
CH 19
CH 20
CH 21
CH 22
CH 23
CH 24
CH 25
CH 26
CH 27
CH 28
CH 29
CH 30
CH 31
CH 32
CH 33
CH 34
CH 35

CH 3

1.5K 18 0
By kalilalily

[Amara's POV:]


Mukha akong tanga na pinagmamasdan ang paligid, ang saya nila. Yung mga ibon na mabilisang nagliliparan, yung mga dahon na dahan dahan nahuhulog. I was just staring at the sky, asking for something.


"What are you doing here?" Halos mabuhos ko ang juice na iniinom ko sa pagmumukha ko ng biglang may magsalita sa likod ko! 


Bakit ba kasi sila nanggugulat?! Magugulatin pa naman ako... Nakakainis, ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang ginugulat ako.


Dahan dahan naman ako tumingin sa likod ko para tignan kung sino ang nanggulat sa akin at sa hindi inaasahan ay si Zayden pa ang bumungad sa aking harapan. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Nakasuot pa siya ng jersey ngayon. 


So, it means basketball player siya?


He was just looking at me while holding the ball of the basketball, I didn't know that I can met a man like this in this school. A mestizo man, wearing his jersey, a very tall man like he is a six-footer tall. I bet, he is a mixed one, bow-shaped lips that got me because it was totally red. Almond eyes, that amber color eye of him explain it, thick eyebrows and wow, his jawline. 


He is sweating because of the training or what. Pinagmasdan ko muna ang buong pagkatao niya, parang ang dating niya ay ang jija-judge ko ang pagkatao niya hanggang sa kaniyang looban dahil sa aking tingin. Kung paano siya pumorma at kung ano ang dating niya sa mga mata ko, ay masasabi kong kakaiba ang lalaki na ito. 


"Anong ginagawa mo rito?" Paguulit niya sa tanong niya sa akin, but this time tinagalog niya na ito, buti naman dahil ayoko mapasabak sa englishan sa lalaking ito.


"Naglilibot, may angal?" Deretsong tanong ko sakanya at ngumisi lang siya dahil sa inasta ko. "Ano ba kasing name mo?"


"Zayden Henderson."


He introduces his name.


"Amara Gonzales."


"Anong ginagawa mo rito?" Muling tanong niya sa akin.


"Huh, may atraso ka kaya sakin." Lumaki bahagya ang aking mata dahil sa sinabi nito. Hindi nalang ako umimik, pero siyempre ayoko ang nagpapatalo!


"Ano? Anong atraso ko naman sayo?" Mataray na tanong ko rito, tumataas taas pa ang aking kilay.


"Topic niyo ako ng mga kaibigan mo kanina." Nasamid ako ng bahagya, ang lakas din pala ng tama neto. 


So, ano ang gusto niya ipalabas?


"Tanga ka ba? Sabing pinapakilala kita sakanila, huwag kang assuming ha." Kahit ang totoo ay siya naman ang pinaguusapan namin, I just want them to meet him or either whatever.


"Watch your mouth, woman." Grabe, ganito pala ang mga lalaki sa school na ito?


"Ano ba ang pake mo?" Inirapan ko nalang ito at narinig ng bahagya ang kaniyang tawa.


"Ang ingay mo!" Nagawa pa niya talaga akong sigawan? And, as far I remember hindi naman malakas ang boses ko kapag kinakausap siya or hindi naman ako madaldal ngayon. Pero nagawa pa akong sabihan na maingay?


"Kailangan sumigaw?!" Sigaw ko pabalik sakanya, hindi ako nagpatalo.


"Napakaingay mo, Amara!" Patuloy akong umiinom ng juice rito habang siya ay naiirita sa akin.


"Bakit ba?!" Tanong ko sakanya, may problema ba ito sa akin? "Naglilibot lang ako dito, tapos bigla mo akong kakausapin, and then sisigawan, tapos ngayon sasabihan mo akong maingay, tanga ka ba?!"


"Eh, sa gusto kitang kausapin, may magagawa ka ba?" Natawa ako sandali doon, I licked my tongue inside for what he said and looked away for a second.


"Pwede ka naman makipagusap sa akin ng hindi sumisigaw, Zed!" Hindi ko alam bakit yung second name ang sinabi niya pero it suits naman sakanya eh. And ganda nga ng name na Sawyer eh.


Ganon nalang ang takot ko ng sumeryoso siya bakit anong mali sa sinabi ko? Tinawag ko lang naman siyang Zed? Name niya naman 'yon, I mean hindi siya totally name pero para na rin paikliin ang kaniyang name. I raised my eyebrows to asked, bakit siya nanahimik bigla? Don't tell me he doesn't want to call him, Zed?


"Ano? Bakit hindi ka makapag-salita, Zed?" Natatawa kong tanong sakanya, pilit na iniinis siya. Gusto ko siyang makitang mainis eh, hindi ko alam bakit.


"Isa pang Zed mo, gagawin kitang angry birds." Seryosong sambit niya sa akin na kinainis ko, dahil, did he just call me a angry bird?


"What?!" Tanong ko rito, sa dinami dami ba naman talaga, angry bird pa?


"Sabi ko, isa pang Zed, hindi ako magdadalawang isip na gawin kang angry birds." Hamon niya sa akin, talagang palaban ang kaniyang dating, hindi nagpapatalo.


"Sa ganda kong ito? Angry birds?!" Bakit, ibon pa? I mean, maganda ang ibon pero why angry birds!


"Oo." I coughed for a minute.


"Iba, huwag angry birds!" Pagmamaktol ko sakanya.


"Unggoy gusto mo?" Natigil ako roon, did he just compare me to a monkey?


"Gago ka ba?" Mura ko rito.


"Kanina ka pa ah! Una tanga, ngayon gago! Ano next?" He used hand gestures like naiinis na siya sa akin.


"Tarantado." Malutong na mura ko sakanya makes him stop and stay quiet for now expecting me to curse like hell to him.


"You're crazy." Ngumisi ako ng sandali sa tanging nasabi niya and flipped my hair.


"Crazy for you."


He stopped. I smiled when I saw him stopped for a while. Mukhang hindi niya inaasahan ang sagot ko na iyon sa kanya kaya lalo lang akong ngumiti sa harapan niya habang kinakagat na ang straw ng aking juice.


"Kikiligin na ako diyan, Amara?" Dahan dahan na tanong niya sa akin pero kita ko nga sa mukha niya na hindi siya kinilig.


"May sinabi ba akong kiligin ka? Bakit kinilig ka ba?" Matapang na tanong ko sakanya.


"Hindi kita type."


Ako ang natigil doon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilibot ang tingin. Something mysterious here, hindi siya yung normal na eskwelahan for me, kakaiba ang mga student dito. Hindi mo sila basta basta makikilala kung masasabi mo ba na high profile sila or ano.


"Ang sakit mo magsalita ah!" Sigaw ko nalang sakanya after wandering my look. "I mean, expected na 'yon, but not that serious."


"Dahil gusto kita."


"Ano? Pakiulit nga sinabi mo." Pilit ko sa sinabi niya at ang lakas pa ng loob kong yugyugin ang kamay niya.


"Dahil gusto kita." Pag-uulit niya sa akin, hindi agad ako naka-recover sa sinabi niya, para akong na-estatwa sa kinakatayuan ko.


"Talaga, hay nako! Sabi na eh, makukuha ka ng ganda ko!" Mayabang na sabi ko rito habang inaayos ang sarili ko. "Hello! Baka Amara ang nasa harap mo 'no?" Sunod kong sabi sakanya sabay flip ng hair, dahil bet ko, bakit ba.


"Zayden Sawyer Henderson."


He introduce his name to me. He lend his hand over mine and I accepted it with full of happiness and love. 


So, he had a second name? Sawyer.


"Amara Kala Gonzales."


"Amara..." Pag-uulit niya sa aking pangalan.


"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko rito dahil kung wala na handa na ako lumisan sa harapan niya at i-chismis ang pag-uusap namin. "Pero yung totoo, gusto mo ako?"


"Oo nga, may angal ka ba doon?" Lalo lang lumaki ang ngiti ko sa kaniyang sagot.


"Hoy, ang bilis mo naman!" Bahagya ko siyang hinampas, nagarte-artehan pa ako.


"Gusto kitang i-tape." Sunod niyang sabi na ikinabagsak ng katawan ko. Kumunot ang noo ko at napakagat nalang sa labi sa aking bibig.


"Tape, what the?" Mabilisang tanong ko rito kasabay ng pagiba ng aking expression.


So, all this time pala. Joke, joke lang ang sinabi niyang gusto niya ako? Natawa ako sa sarili ko kung bakit nga ba ako naniwala kaagad sa sinabi niya, eh. Eh, kakakilala palang naman namin tapos gusto niya na ako? Well, okay lang 'no, hindi ako kawalan.


"Napakaingay mo kasi!" Panunumbat niya pa sa akin. Eh, siya nga ang maingay sa amin dalawa dahil kanina pa siya sumisigaw.


"Loko ka ah! Paasa ka! Pero ayos lang, hindi naman kita magugutuhan, duh!" Maarteng sigaw ko sakanya. Pero kahit papaano ang mahalaga ay kinilig ako ng mabilisan.


"Paasa? Sa paanong paraan?" Inosenteng tanong niya sa akin at natawa ako sa kaloob looban pero di ko pinakita iyon.


"Palibhasa hindi mo alam yung word na paasa dahil maraming nagkakagusto sayo!" Sigaw ko pa sakanya.


"Oh, tapos?" I raised my right eyebrows because of that.


"Edi tapos, tangina ang hirap mo kausapin." Naiinis na sagot ko rito. Parang nasira na tuloy yung araw ko sakanya.


"Don't say badwords, hindi mo bagay." Umirap ako rito at tinawanan ang kaniyang sinabi makes him confuse.


"Bakit ba?" Tanong ko rito, pati ba sa pagmumura ko ay kaiinisan nila?


"Hindi mo nga kasi bagay!" Sigaw niya pa sa akin.


"Pag naging akin ka, doon na ako iiwas sa mga badwords." Deretsong sabi ko sakanya, kita ko kasi sa mukha niya na parang hindi niya gusto yung palamura.


"Asa ka na magugustuhan kita."


"Hard to get. Bahala ka nga diyan!" Choosy niya pa!


Mukhang hindi naman magkakamabutihan ang paguusap namin kaya inubos ko muna ang iniinom ko at dumeretso sa basurahan para itapon ang basura. I once looked at him who is seriously looking at me for what I am doing right now. I waved at him, the time I turned myself, I knew it. He would.


"Wait!" He shouted, makes me smirk while I'm facing the back.


Lumingon ako sakanya ng seryoso. "Ano?"


"Tulungan mo ako." Nanliit ang mata ko at nagtaka sa kaniyang sinabi.


"Tulungan saan?" Bahagyang napaside ang ulo ko, iniisip kung ano ang kaniyang sasabihin.


"Sa kaibigan mo."


My eyebrows once move up in confusion or in shock. I bit my lip, I bit my tongue, I swallowed my saliva, my heart kept beating fast even though I don't know what he wants from me. It was like something prick me, knowing that he wanted my help for my friend.


I let out a heavy sigh and walked towards him, so that he could say what he wanted to say to me. Mukha na akong nawalan ng gana after all.


"Amara?" Tawag niya pa sa pangalan ko ng magulo ang isip ko dahil sa sinabi niya.


"Ano 'yon?" Tanging tanong ko sakanya.


"Tulungan mo ako sa kaibigan mo." Paguulit niya pa.


"Kanino?" I asked.


"Kay Kash."


Napa letter o nalang ang bibig ko after I heard my friends name. And I was right. Pero napapaisip ako, bakit, anong gusto niya sa kaibigan ko?


"Napano si Kash?" I tried to act normal like it doesn't affected me.


Hindi ko naman siya gusto...


How come? Saan niya nakukuha ang lakas ng loob na ako mismo na kaibigan ni Kash ay doon pa niya hihingan ng tulong? Wow! Well, it doesn't hurt me naman.


"Basta tulungan mo ako." Parang kasalanan ko pa na marami akong tanong sakanya.


"Gusto mo ba siya?" Deretsuhan na tanong ko rito makes him shock.


"Si Kash?" Paninigurado niya pa with his eyebrows up.


"Oo." Sagot ko rito and he laughed so hard makes me too confuse naman.


Nanigkit ang mga kilay ko dahil nagtataka ako kung bakit tumatawa ito. Some of the students are looking at us, dahil sa lakas niyang tumawa and I want to cover his mouth na, dahil sa lakas niyang tumawa na akala niya kaming dalawa lang ang nakakarinig ng kaniyang tawa.


"Ako? Magugustuhan si Kash? Hindi ko siya gusto." Tatawa tawa niyang sabi sa akin and he laughed hardly again.


"Bakit kita tutulungan sakanya?" I changed the topic, nagsasawa na ako sa kaniyang tawa.


"Trip siya ni Asher."


"What?!" Doon ako ginanahan when I heard that. Nagawa kong hawakan ang kaniyang kamay because of that.


"Siya ata yung tinutukoy ni Asher kahapon, siya yung babaeng maya't maya binabanggit ni Asher." Tumango tango ako rito while he was discussing something.


"Tapos? Anong gagawin ko?" I asked him. Para naman alam ko kung ano ang gagawin ko sa kaibigan ko!


"Gusto ko lang malaman, kung gusto ba ni Asher si Kash or trip niya lang. Kawawa si Kash kapag nahulog siya kay Asher." I laughed. Seriously?


"Anong ibig mong sabihin Zayden?" Pagtanong ko pa rito ng hindi pinapahalata ang gusto ko iparating sa tawa ko.


"Ang sabi ni Asher kagabi, may gusto siya pagtripan na babae ayun ata yung umagaw ng atensyon niya at paniguradong si Kash ang tinutukoy niya kagabi. Mabait ang kaibigan mo, ayoko siyang masaktan dahil sa kaibigan ko. Kaya hangga't maaari gawan natin ng paraan para hindi siya mahulog ng husto kay Asher." I get his point naman. Tinapik ko ang balikat niya.


"Aba, edi kaibigan mo ang may saltik. Pagtripan niya na ang lahat, huwag lang si Kash. Hindi mo kilala ang kaibigan ko, Zayden." Taas taas na kilay na sabi ko rito.


"What?" Hindi niya maintindihan ang gusto ko sabihin dito.


"You don't know her, lagi siyang nasa flirting stage pero ni isa wala siyang jinowa, isa lang ang sineryoso niya sa lahat ng nilandi niya." Pagkwento ko rito at nag-cross arm. Naalala ko tuloy yung lalaki na tinutukoy ko, kamusta na kaya siya?


"So, nagka-boyfriend na si Kash?" Paninigurado na tanong niya sa akin and I nodded.


"Hindi ba niya nabanggit kanina? Or sadyang hindi ka lang nakikinig?" Tanong ko rito dahil alam ko kanina tinanong ang kaibigan ko about doon.


"Ako ba ang hindi nakikinig or ikaw? Tanong sakanya kanina kung may boyfriend ba siya, hindi yung kung may ex ba siya." Bigla naman ako nabigla doon at napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa bigla, nagkamali ba ako?


"Hala weh? Edi kanino tinanong 'yon?" Ano ba talaga?


"Sayo." Deretsong sagot niya na ikinatikom ng bibig ko.


"Ay, sa akin ba? Hala pasensya kana ha." Pangiti-ngiti ako na akala mo ay hindi ako napahiya sakanya.


"So, nagka-boyfriend na ba ang kaibigan mo?" Paguulit niya sa tanong nito kanina at napabuntong hininga nalang ako.


"I told you rin kanina na may isa siyang minahal, ang gulo mo! Sa Ganda ni Kash sa tingin mo wala siyang magiging boyfriend?" Mabilisan na tanong ko rito.


"Sagutin mo nalang kasi tanong ko." Umangal pa.


"Oo nagka-boyfriend siya." Walang ganang sagot ko rito.


"Sila pa ba non?" Napatitig nalang ako sakanya at doon ay natahimik. Hindi ko alam, hindi ko alam bakit ako natahimik sa tanong niya na yon.


Lumunok ako at kinati ng bahagya ang ulo ko. "Wala na, matagal na silang wala... two years na, kaya pwede na siya kay Asher."


"Ayus yan, yung sinabi ko ha? Bantayan mo si Kash, huwag muna siya ma-iinlove kay Asher." Ngumiti ako ng peke rito.


"Hindi mabilis ma-inlove si Kash, don't worry." Pahayag ko sakanya. Nag-iba ang mood ko ng matanong sa akin 'yun. Ayokong naririnig ang nakaraan namin.


"Ikaw?" Tanong niya sa akin at bahagyang binaba ang kaniyang ulo to see me face na nakayuko ng bahagya.


"Anong ako?"


"Mabilis ka bang ma-inlove?" I looked at him for a second.


"Oo, inlove na nga ako sayo eh." I smiled.


"Baliw ka." Yun lang ang kaniyang comment sa aking sinabi.


"Seryoso ako, Zayden." Ewan, pero bahala na si kupido sa amin. Need ko ng inspirasyon ngayon taon, to survive this year also and si Zayden ang nakita kong paraan.


"Masasaktan ka lang sa akin, Amara." Umiling ako rito.


"I don't care. Halata naman, pero anyways kalimutan mo sinabi ko. I just want to expressed my feelings." Because I don't want to cry at night.


"Tara sumama ka sa akin." Biglang yaya niya sa akin na ikinabigla ko talaga. Isasama niya ako? 


"Ha? Saan?" Kunwaring uutal utal na tanong ko rito.


"Panoorin mo ako maglaro ng basketball." Parang lumiwanag ang mata ko sa narinig ko rito. Talaga ba na niyayaya niya ako na panoorin siya?


"Talaga?" Excited na tanong ko sakanya.


"Oo, para may yaya naman ako don." I stopped. I don't know if I will laugh or not, somehow it offended me in some ways. But I don't mind.


Mapapatahimik ka nalang talaga sa kaniyang ugali. Bigla bigla nag-iiba ang kaniyang mood, pero ewan, I find it fun naman na makipagbiruan sakanya.


"Ang sama mo, Zayden."


"Baby ka?" Tanong niya sa akin boses nangaasar pa.


"Baby mo." I laughed and punch him softly.


"Kanina ka pa, ah." Pahayag ko rito then both of us laughed.


"Just accept the fact that I'm inlove with you." Dahan dahan at madidiin na sabi ko rito while looking to those eyes of him.


"Just wait me, Amara." He shrugged my hair. "Are you coming?" Naglakad siya at sandaling tumigil to check on me and asked that.


"Yeah, I'm coming." Malanding sabi ko at binalewala niya lang ang aking sinabi. Kahit may ibang nakarinig ay hindi ko nalang pinansin.


I just watch him play over and over with his friends. Napapangiti ako in just a second. Kagaya ng sinabi ng mga kaibigan ko na bumalik ako after dinner ay bumalik nga ako. I looked at Asher, that stare at him to my friend is different, and look at Zayden who's giving me signal all over. I nodded and distracted my friend for some reason, so that he couldn't see the look of Asher. Just like Zayden he did the same thing I did.


[Kash's POV:]


"Zup, Louisse?" Did he just call me by my second name?


The fact that I didn't react on that. It's like something that, it's okay for me to call me that name. Anyways, I smiled at him when he called me. Marami ang napatingin sa pangyayari and I didn't take that seriously.


"Morning... Mathew." Bati ko sakanya, grabe naman ang ngiti na kaniyang binigay.


"Kamusta ang tulog?" Pinuntahan niya ako sa upuan ko, at sila Freya at Amara ay halos hindi makapagsalita kaya sila na ang nag adjust na umalis doon.


Tumabi pa siya sa akin kung saan nakaupo si Amara. Hinayaan ko nalang ang tingin ng iba kong kaklase at nagsimula na ilabas ang isang papel dahil magsusulat ako at ang boring wala pa ang teacher namin.


"Maayos naman, ikaw ba?" I asked him back.


"Hindi eh." Sandaling kumunot ang noo ko, I tried to find my friend to ask for a help.


"Bakit naman?" Tanong ko pa sakanya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.


"Hindi mo ako pinatulog." I looked at him seriously.


"What?!"


"Siguro inisip mo ako buong gabi 'no? Kaya hindi ako nakatulog." Nanigkit ang mga mata ko ng mga oras na 'yon. 


"Ang kapal mo masyado, Mathew." Ayun nalang ang nasabi ko at napabuga ng hangin sa ere.


"Ganon ba ako kapogi para isipin mo mag-damag?" I coughed, faked.


"Ang hangin pa," Jusko, saan niya nakukuha ang ganito? "Naku, bawas bawasan mo ha? Baka masampal kita ng wala sa oras."


"Malakas or mahina?" Talagang tinanong pa ako.


"Huwag mo sirain ang araw ko, Asher." Konti lang ang pasensya na meron ako.


"Sabing Mathew, eh." Nakagat ko ang dila ko sa loob at umiwas ng tingin to calm myself.


I hate this kind of conversation. Hindi ganito ang gusto ko.


"Bahala ka nga sa buhay mo."


"Did you already eat breakfast?" Maya maya ay tanong niya sa akin.


"No." Walang ganang sagot ko sakanya at umiwas ng tingin, so he could sense na ayaw ko siyang kausap.


"Tara sa canteen."


"Anong gagawin natin doon?"


"Kakain... ano bang ginagawa sa canteen, Louisse?" I bit my lip, sa baba ay nakuyom ko na ang aking kamay.


"Busog ako." Gusto ko na siyang tumigil.


"Busog? Eh hindi ka nga kumain ng breakfast." Busy ang mga kaibigan ko makipag-usap sa iba kaya hindi ako makahingi ng tulong sakanila.


"Sanay ako doon, Mathew."


"Edi sanayin mo ang sarili mo na lagi akong magagalit kapag hindi ka kumakain."


"Kumakain ako. Aish, Asher ginagawa mo akong baby eh!"


"Sabay tayo mag-lunch para malaman ko kung kumakain ka talaga." Seryosong sabi niya pa sa akin, ang dami na ang naka tingin!


Hinanap ng mga mata ko sila Amara at Freya na kausap pa rin ang mga kaibigan ni Asher, pero ngayon ay nakatingin na sa amin at mukhang nanunukso.


"Kakain ako, Mathew." I massaged my head, parang sumakit ang ulo ko sakanya.


"No... Sasabay ako sayo." Pilit niya pa at doon ay napakuha ako ng hangin sa ere.


"Bumalik kana sa upuan mo, Mathew. Dadating na ang teacher natin." Pahayag ko na sakanya.


"Dito ako." Pagmamaktol niya pa, parang bata talaga.


"Ha? Eh, kaibigan ko nakaupo diyan."


"Gusto kita katabi gaya ng sa mapeh."


"Ayaw kitang katabi masyado kang maingay, nangaasar at makapal ang mukha." Sunod sunod na sabi ko sakanya.


"Anong magagawa mo kung gusto ko maupo dito?" Inuubos niya talaga ang aking pasensya.


"Alam mo ang kulit mo." Gusto ko nalang lumisan ngayon, kung hindi sa text ay sa personal niya naman ako kinukulit.


"Amara!" Biglang tawag niya kay Amara na ikinataka ko bakit naman niya tatawagin ang kaibigan ko?


"Did you call me Asher?" Nandoon si Amara sa lamesa ni Zayden, nakaupo.


"Yeah."


"Oh, napano ka?" Tanong pa ng kaibigan ko dito.


"Palit muna tayo upuan." Pagkasabi niya non ay agad akong umiling habang nakatalikod ang tingin ni Asher.


"Hoy an-." Hindi na natuloy ni Amara ang sasabihin niya ng takpan ni Zayden ang bibig niya.


"Sige lang dre diyan kana, payag si Amara... diba? Diba Amara?" Tinignan ko si Amara sa tingin na huwag siyang papayag makipag palit ng upuan.


Ilang ulit kong umiling nang umiling para mapansin ng mga kaibigan ko 'yon. Pero nang tignan ako ni Amara she just smile at me, bitterly. 


"Sige lang Asher dito muna ako sa tabi ni Zayden." Pilit ang salita ni Amara ng banggitin niya 'yon.


Halos manlumo ako sa oras na 'yon. Bakit pumayag ang kaibigan ko sa gusto nila? Ano ba ang sense bakit sila pumayag na dito muna maupo si Asher? Lalo tuloy akong hindi makakapag-focus niyan. Mukhang nadagdagan pa ang iisipin ko dahil sa mga kaklase ko.


"See?" Napa-iling nalang ako ulit at nagmukmok sa lamesa.


"Whatever, Asher."


Biglang dumating ang teacher namin sa English si Ma'am Seika at gaya nila Amara ay tinutukso na rin kami! Ang ngiti na binibigay ko sakanila ay pilit lang.


"Bagay talaga kayo Kash at Asher." Hindi ko nalang pinansin ang kanilang sinasabi.


"Talaga po?" Excited pa na tanong ni Asher dito.


"Oo, Asher huwag ka mag-alala bagay kayo, ano Kash nanliligaw na ba sayo?" Halos mabilaukan ako sa tinanong sa akin ni ma'am!


"Po? Hindi po." Tumawa ako ng pilit. "Malakas lang po talaga trip netong si Asher."


"Malakas ang trip? Sayo oo, Louisse."


"Oh, diba po ma'am sabi sayo ang lakas po ng trip ni Asher, makapal din po ang mukha niya." Ang boses ko ngayon ay parang ayaw ko na.


"Aba eh, hindi ko alam na may ganyan palang ugali si Asher." Si Ma'am Seika.


"Ma'am sa babaeng gusto ko lang ipinapakita yung ugali na meron ako." Nagtilian pa sila at ako naman ay hindi na alam ang gagawin.


"Ma'am bagay silang dalawa, Kash and Asher ba naman edi may Kasher na tayo." Sambit pa ni Zayden, halos gusto ko nalang magsuot ng earphones.


"Pag-ibig nga naman." Ani ni ma'am Seika.


"Ma'am huwag po kayo maniwala mga baliw po 'yan." I tried my best to defend.


"Kanina mo pa ako iniinis ah." Dinakma ba naman ni Asher ang kamay ko, kaya napatingin ako sakanya.


"Oh diba po, sabi sainyo eh." Balik tingin ko kay ma'am Seika. Good thing she is the kind of teacher na mabait.


"Ay, ewan ko sainyong dalawa, ang ganda niyo tignan pag ganyan kayo. Teka nga, hindi diyan ang upuan mo Asher di'ba?" Takang tanong ni ma'am sakanya.


"Nakipag-switch po ako kay Amara Gonzales." Sagot ni Mathew sakanya.


"Para?" Napaupo nalang ako dahil mukhang kampi lahat kay Asher ngayon.


"Para inisin po itong babaeng ito." Pagkasabi niya noon ay mabilis ko siyang binatukan. "Aray! Masakit!" Sigaw niya pa sa akin.


"Oh, eh nasaan na si Amara nakaupo? At si Freya?" Hanap niya pa sa iba kong mga kaibigan.


"Andoon po sa mga kaibigan ko." Proud pa na sabi niya.


"Sa dinami daming babaeng tumabi sainyo, silang tatlo ang hindi niyo nireject ah? May something." I just looked down and never look in front again.


"Ma'am sa amin na po 'yon." Pahayag pa ni Zayden dito.


"Zayden, galaw galaw baka unahan ka ni Ezekiel." Sabat ni ma'am habang niloloko ang dalawa.


"What do you mean ma'am?" Takang tanong ni Zayden sakanya.


"Wala, gusto ko lang sabihin na, bagay kayo ni Amara. Katulad ni Asher at Kash."


Tumingin pa ako sakanila at nakita ko ang pandidiri sa mukha ni Amara ng sabihin ma'am Seika 'yon. Marami sa mga kaklase ang nagbuntong hininga at na-apektuhan sa pangyayari. Hindi na ako natutuwa dahil kaming mga bago ang ginawang topic ng teacher ko, gusto ko nalang matapos ang araw na ito.


Halos nawalan sila ng gana dahil sa pangaasar sa amin ni ma'am... I have no time for love right now.


"Hay osya, mag-start na tayo ng klase para hindi na kayo mainggit sa kanila." Tumatawang sabi pa niya.


Gusto ko ituon ang sarili ko sa pakikinig pero ginugulo ako ng lalaking ito! Maya maya ba naman ako kinakausap, halos sikuhin ko na nga ang kaniyang tagiliran dahil hindi niya ako tinatantanan.


"What is literature?"


Agad kong tinaas ang kamay ko at ako nga ang natawag. I smile for a minute ng makitang ngumiti si ma'am Seika sa akin, that time. Napansin ko na nakatingin ang lahat sa akin.


"Literature is a group of works of art made up of words. And most are written, but some are passed on by word of mouth. Literature usually means works of poetry and prose that are especially well written." Sagot ko rito.


"Very Good... Miss Santiago, proud na proud sayo si Asher... Okay Miss Santiago please call one of your classmate." Napangiti ako dahil sa sinabi ni ma'am sa akin, agad kong tinignan ang katabi ko na chill lang sa upuan niya.


"Si Asher Mathew po." Nakangising sabi ko rito.


"Asher, stand up." Utos pa ni ma'am Seika dito.


"Patay ka sakin." Bulong sa akin ni Asher bago siya tumayo. Napangiti ako sa kaniyang binagsak na salita.


"What are the two types of literature?" Napakadali naman ng tanong na 'yon!


"Written and Oral ma'am." Aba magaling rin pala itong lalaki na ito.


"How do you define Written and Oral Mr. Alford?"


"Written literature it includes novels and poetry. Written Literature also has subsections of prose, fiction, myths, novels, and short stories. While the Oral literature includes folklore, ballads, myths and fables."


"Very Good, call one of your classmates." Naghanap pa siya at akala mo naman ang layo ng tatawagin, kaibigan lang din pala.


"Zayden Henderson."


"Zayden, stand up!" Tawag ni ma'am Seika kay Zayden.


"Patay ka sakin mamaya, Louisse." Paguulit pa ni Asher sa akin, akala mo naman matatakot ako. 


"Makinig ka nga." Bulong ko pa sakanya.


"Kash Santiago and Asher Alford answer my question about literature, we know that literature comes from a Latin word, right? So, give me some of the latin words of Literature." Napalingon ako rito.


"Learning, Writing, Grammar."


"Very good Zayden, aba nakakapanibago nag-rerecite kayo ngayon ha. Grabe talaga epekto ng mga babaeng i'an sainyo." At ayun nanaman ang pangaasar ni ma'am.


"Mahirap ng mapahiya ma'am lalo na kapag yung gusto ng tao nandito sa klase." Tatawa tawa pang sagot ni Ezekiel ni ma'am at nakitawa naman ang iilan doon.


Napa-isip ako sa sinabi ni Ezekiel, hanggang sa pag-ibig pala hindi ako na-inform na magiging laro sa pa rin ang pag-ibig eskwelahan na ito. Akala ko lang ay buhay ang magiging laro pero hindi pala, mahirap din pala mag-express ng nararamdaman. Kaya, pati nararamdaman mo ay kailangan itago.


"Zayden, call one or your classmate." Ma'am Seika smiled.


"Si Kala po!" Napangisi ako sa oras na 'yon, after hearing the second name of my friend.


"Amara nga kasi! Kainis ka!" Maktol sakanya ni Amara at inis itong tumayo.


"Ms. Gonzales give me the seven elements of literature."


"Lagot! Di mo niyan alam eh." Si Zayden na inaasar pa si Amara.


"Sira! The seven elements of literature are character, setting, plot, theme, frame, exposition, and ending."


"Nice one, baby." Proud pang sabi ni Zayden dahilan para sabunutan ito ni Amara at nag-smile nalang sa mga kaklase namin na nakatingin sakanila.


"Call one of your classmates, Amara."


"Freya, Freya Morris." Agad din naman tumayo si Freya dahil doon.


"Miss Morris give me the four types of literature." I was just watching at them. 


That time, I sense, someone was staring at me. It was Asher all the time, I tried to focus myself. Doon ay nagtama ang tingin namin ni Raine na hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita at halata mo sa kaniyang mukha na naiinis na siya.


"Poetry, fiction, nonfiction, and drama." I smiled, when Freya answered.


"Very good miss Morris, call one of your classmates."


"Zachariah." I looked to the guy she called.


"Bakit ako?" Gulat na tanong sakanya ni Zachariah at si Freya naman ay tumatawang umupo.


Nagtuloy-tuloy ang tawagan namin ng dahil sa akin naka-recite ang mga kaibigan ni Asher Mathew, kataka taka naman na nanahimik ang lalaking ito. I looked at him for a minute, he looks so focus, trying to understand things for what Ms. Seika been teaching us.


"Oh, bakit natahimik ka, Asher?" Bulong ko sakanya.


"Sabi mo makinig ako eh, kaya ayan nakikinig na ako." Labag pa sa kalooban niya ng sabihin niya 'yon at hindi ko maitago sa aking sarili na tawanan ito.


"Ang bait mo 'no?" Pang-aasar ko pa sakanya at tinarayan lang ako!


"Sayo lang ako mabait." We're not sure about that.


"Ha? Bakit sa akin lang?" Tanong ko pa rito.


Akala mo mabait sila, pero dito? Walang mababait, mabait sila pero kriminal ang kalooban nila. 


"Basta." Tipid na sabi niya.


"Bakit nga." Pangungulit ko pa sakanya.


"Makinig kana."


Binaling ko nalang ang sarili ko sa pakikinig dahil inutusan ako ni Asher pero bakit ko naman ito sinunod? Wala rin ako nagawa at binaling ko rin ang sarili ko na makinig sa harapan. Habang nakikinig hindi talaga inaalis ng lalaki na ito na inisin ang bawat segundo ko! Biruin mo ba naman kung ano-ano ang pinagda-drawing niya sa papel na nilabas ko!


Nang matapos ang klase lunchtime na namin ngayon, nauna kaming lumabas pero sa di inaasahan sumabay ang anim sa amin! Napapikit nanaman ako at napabuntong ng hininga dahil simula ng pinagtabi kami sa mga lalaki na ito, hindi na nila kami tinigilan kulitin!


"Ano ba?!" Sigaw bigla ni Amara dahil biglang binunggo ang balikat nito at si Zayden ang may kagagawan non. Talagang tumawa pa nang tumawa dahil nainis niya ang kaibigan ko.


"Napaka-ingay mo!" Sigaw sakanya ni Zayden, halos matawa ako sakanilang dalawa kung sumbatan nito ang kaibigan ko parang siya ay hindi maingay ah.


"Pwede ba? Huwag nga kayong sumabay sa amin, mawawalan kami ng gana kumain eh." Maktol ni Amara dito.


"Kapal mo ha." Napapailing nalang ako sa kanilang bangayan dalawa.


"Sasabay talaga kayo?" Tanong ko rito.


"Oo, sabi ni Asher." Akala ko kasi binibiro lang nila ang sinabing pag-sabay pero hindi ko naman alam na tototohanin pala nila.


"At bakit?" Singit pa ni Amara dito.


"Dahil sa gusto ko Amara, bawal ba?" Tanong sakanya ni Asher.


"Pwede naman." Hindi na makaangal si Amara dahil doon.


Kami naman ni Freya ay hinahayaan nalang namin silang mag-away away. Paminsan minsan pa ay kunwaring binubunggo ako ni Asher para tignan ko lang siya. Para kaming magtotropang naglalakad sa hallway at sa mga paningin ng mga student ay naiinggit sila. Hinayaan ko nalamang iyon at tinuloy tuloy namin ni Freya ang paglalakad habang si Amara ay nakikipagsigawan kay Zayden.


"Hindi naman siguro kami madadamay sa gulo nito?" Tanong ni Freya upon looking to those student who can't stop staring at us.


"What do you mean?" Kumunot ang noo ko when Zachariah answered.


"Wala, we all know how this school goes, right?" I stared at her.


"Then, what does this school is for you?"


"Truth?"


'

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
5.7K 102 27
[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in thi...
1.6K 333 33
Teen fiction story (Stand alone) Unedited Sandra jill Mencalda is a strong girl. Nabuhay lang siya kasama ang kaniyang ina. Lumaking mahirap ngunit...
338K 23.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...