Full of Secrets

By kalilalily

35.2K 309 36

Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this scho... More

CH 1
CH 2
CH 3
CH 4
CH 5
CH 6
CH 7
CH 8
CH 9
CH 10
CH 11
CH 12
CH 13
CH 14
CH 15
CH 16
CH 17
CH 18
CH 19
CH 20
CH 21
CH 22
CH 23
CH 24
CH 25
CH 26
CH 27
CH 28
CH 29
CH 30
CH 31
CH 32
CH 33
CH 34
CH 35

Prologue

6.7K 52 2
By kalilalily

Full of Secrets


This is a work of fiction. Names, Characters, places, gangs, and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.


All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.


Warning: Sa istoryang ito marami ang mga characters dito. Marami rin ang mga Gangs expect niyo na maraming mababanggit totally, puro away, patayan, and gulo ang mangyayari... Don't worry may scene din naman na nakakakilig :))


*****


It's like a game, where the game will start, war will happen. There is no end here, end is far, but for us? We don't see an end, ending life is our end... There are no happiness to us, well, happiness? Happiness is killing everyone...


Welcome to our game...


Lie is everywhere, don't trust anybody here...


Sunday Morning...


Nakahanda na ang mga maleta namin, dahil papunta na kami sa dorm. Oo, new student kami, ang alam ko sa school na iyon ay may sariling mga dorm ang mga student. March palang inasikaso na namin ang papers namin para doon na kami papasok.


Pinili rin namin yung dorm na pang anim na tao, dahil hindi kami sanay sa masikip na kwarto. Kinuha ko ang mga ilan sa damit ko puro short at kakaonti lang ang kinuha kong pajama.


Hindi ako sanay sa pajama, para sa akin sobrang init neto sa katawan ko eh. Puro oversize shirt naman ang kinuha ko kakaonti lang rin ang sandong kinuha ko. Kung sando naman ay puro spaghetti ang dinala ko. Pero siyempre undies and bra na sobrang dami.


Hindi ko maisip na iiwan namin ang bahay na ito, dahil dito na kami lumaki ng mga kaibigan ko. Pero dahil para sa school ay kailangan namin itong iwanan.


Wala pa ako masiyadong alam sa school na papasukan namin, pero ang sabi ng karamihan ay maganda raw ang school na iyon.


Nasa gitna ako ng pagmumuni ng tawagin ako ni Amara, ang kaibigan ko. Si Amara mabait ito, pero pag hindi niya nagustuhan pakikitungo mo sakanya, magiging suplada ito.


"Kash! Tapos kana ba?" Sigaw sa akin ni Amara, habang zinizipper ko ang maleta ko.


"Oo! Teka lang!" Balik sigaw ko sakanya.


"Bilisan mo, baka nandiyan na ang sundo natin!" Kagaya ng kaniyang sinabi ay binilisan ko nga ang pag-aayos ko.


"Oo nga!" Muling sigaw ko sakanya.


Siguro naman wala na akong naiwan? Eh tatlong maleta na ang dala ko, ewan ko ba bakit ang daming maleta ang dinala ko?! Aish kainis naman!


Lumabas ako sa kwarto ko at yung dalawang kaibigan ko ay nasa sala na. Natawa ako ng marealize ko na tatlong maleta rin ang dala nila.


"Ang tagal mo ha." Si Freya.


Si Freya, may ugali ito na hindi mo aakalain na magagawa niya. Mabibigla ka nalang sa ugali niya. Mabait naman si Freya, lagi niya kaming inaalala kesa alalahanin niya ang sarili niya.


"Hindi ko maisip na iiwan natin ang bahay na ito." Sagot ko sakanya at nalungkot naman siya doon.


"Oo nga eh... Halos bawat sulok nito ay may laruan akong nakatago." Natatawang pag amin niya sa amin.


"Hayaan niyo na, kapag bakasyon naman pwede tayo bumalik dito." Si Amara, habang pinagmamasdan niya ang buong bahay.


Natigil lang kami ng biglang may bumusina, siguro yun na ang sundo namin.


"Ayan na ata ang sundo natin." Si Freya.


"Ano ba yan, ayoko talaga iwan itong bahay!" Muling sigaw ng aking kaibigan na si Amara, mahirap para sa amin iwan itong bahay.


"Tara na at baka maiwan tayo ng sundo natin, mag-aayos pa tayo sa dorm niyan." Sabat ko rito.


"Sana maganda ang pakikitungo ng mga student sa atin noh?" Si Freya na parang ngayon palang ay kinakabahan na.


"Baka first day palang ay may kaaway ka na Kash." Andon ang pagka-sarkastikong salita ni Amara, habang nakataas pa ang isang kilay nito.


"Hindi na, oo hindi na ako makikipag-away." Sagot ko rito habang nakangiti pa.


"Siguraduhin mo lang dahil kapag nakipag-away ka, ako ang aaway sa kaaway mo." Biglang sagot nito sa akin na ikinatawa namin tatlo.


"Hoy mga loka tara na!" Sigaw sa amin ni Freya.


Puro kasi daldalan, ayan tuloy nakalimutan namin yung sundo namin.


Medyo malayo ang biyahe kahit 30 minutes lang ang biyahe para sa akin malayo na iyon. Pagdating namin sa school bumungad sa amin ang malaking gate na nakalagay pa rito ay...


PORTWOOD ACADEMY...


Papasok kami sa malaking gate at gold pa siya! Pagbukas nito ay halos mapanganga ako sa laki ng school, makikita mo rin ang nagtataasang building na panigurado ay mga dorm ito.


Ang isang building ay katumbas ng fifteen floor! Sinong tanga kaya ang maghahagdanan niyan? Pero panigurado ay may elevator ito.


Maraming mga student ang nagsisipag-datingan, halos hila hila nila ang mga maleta nila. Marami na rin student ang naglilibot, ang iba naman ay naglalaro na ng basketball o iba pa, marami na rin ang naghahabulan.


Nakakamangha ang eskwelahan na ito, paniguradong hindi ako magsisisi na dito kami nag-aral.


"Gosh! Ito na ba ang school natin?" Nasa boses ni Amara ang pagka-excite.


"Ang ganda! Tignan mo may sariling mall sila!" Si Freya na tuwang tuwa dahil for sure, sa mall na ito pag sho-shopping lang ang ipinunta ni Amara.


"Look oh! May garden pa na ang laki!" Namamangha kong turo sakanila, dahil ang laki nga ng garden nila.


"Geez! May eskwelahan pala na ganito kayaman?!" Hindi makapaniwalang tanong sa amin ni Amara.


Tama si Amara saan ka makakakita na eskwelahan na may sariling mall? Naglalakihang building? Tas napakalawak na school?! Ewan ko nalang talaga kung sinong may lakas ang mag ghost hunting dito, sa lawak nito siguro mahihirapan ka talagang tumakbo pagod ka na bago ka pa makapasok sa dorm mo.


"Tignan mo yung student oh! Ang saya saya nila!" Si Freya, muli kaming napalingon sa mga student na masayang naglilibot dito paniguradong kanina pa sila nakarating.


"Hey! Tignan niyo yung basketball court nila." Amara na titig na titig sa basketball court.


"Yung basketball court nga ba o yung naglalaro?" Mapanuksong tanong ko kay Amara, andoon ang ngisi sa kanyang mukha.


Sa ngisi palang ay paniguradong yung naglalaro ang sagot niya sa amin. Napailing nalang ako rito hanggang sa huminto na ang sinasakyan namin na sasakyan sa isang malaking building.


"Ma'am, nandito na po tayo." Aning driver na nakangiti pa sa amin.


"Kuya, thank you po." Sagot namin dito.


"Napakaganda ng eskwelahan na ito ma'am, buti ito ang pinili niyo."


"Oo nga kuya, hindi ako nagsisi na ito ang pinili namin." Si Freya na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa mukha.


"Sana po mag enjoy kayo." I smiled a little and continued looking at the school.


"Yes naman po kuya." Masayang sagot ko rito.


"Maraming salamat po kuya." Pagpapaalam namin tatlo at bumaba sa sasakyan.


Naunang bumaba si Amara, kasunod si Freya ako naman ang huli. Nang pagkababa namin, ayun na ang mga tinginan ng student sa amin. Grabe naman kung tignan nila kami parang may nakita sila na kakaiba sa akin.


"Good morning, ma'am!" Masayang bati sa amin na ikinagulat namin tatlo!


"Oh my! Geez! Palaka ka!" Sigaw ni Amara dahil siya ang pinaka magugulatin sa aming tatlo!


Tatlong staff ang bumungad sa amin, at nginitian nila kami ng malaki! Yung lalaking nanggulat sa amin ay palihim na tinatawanan si Amara at ng sulyapan ko ang kaibigan ko sabi ko na nga ba ayun na ang pagiging mataray niya. Sa ulo nito paniguradong sinusumpa niya na yung lalaking nanggulat sakanya.


Tinignan ko muna saglit yung lalaking nanggulat sakanya parang bata pa siya... Or maybe he is a working student here, para may extra income, ata lang ha? Kasi kung ako ang tatanungin nasa eighteen years old palang siya, I don't know basta ganon na yon!


"Good morning, rin po!" Tugon namin sakanila, pinilit nalang namin maging masaya sa harap nila, kahit nanggulat pa ang isa sakanila!


"Welcome to PortWood Academy." Masayang sambit nung isa sakanila.


"Thank you po!" Sagot namin tatlo dito.


"Yung mga luggage niyo po ma'am?" Tanong sa amin nung isa sakanila, hindi yung nanggulat sa amin.


"Nandoon po." Turo ko sa likod ng sasakyan na sinakyan namin. Mabilis naman itong ngumiti at yung dalawa sakanila ay tumungo sa sasakyan para kunin ang maleta namin kasama niya yung lalaking nanggulat.


"Sunod lang po kayo sakin, ituturo ko po sa inyo ang patungo sa office." Nakangiting sabi sa amin nung staff at wala sa alinlangan ay sumunod kami. "Doon na rin po ibibigay ang susi, uniform, card at ID niyo po." Sunod na sabi nito.


Hindi rin namin alam ang isasagot rito, tanging ngiti lang ang tugon namin. While walking through the hallway, all I can say is that I want to leave. Like, I entered hell right now. I sense something is not right here, I could sense that this school is burning in hell.


Nang makarating kami sa office isang malaking pintuan ang bumungad sa amin at gold pa talaga ang door knob meron din itong password, napaka private naman ng office na ito well di namin sila masisisi dahil napakayaman ng eskwelahan na ito sa gate palang nila...


"Pasok po kayo ma'am." Sabi sa amin nung staff at pinagbuksan kami ng pinto.


Tinungo namin ang office na iyon at sa hindi katagal ay umikot yung swivel chair na inuupuan nung head siguro dito?


"Welcome to PortWood Academy, Ladies." Sambit sa amin ni Mrs...


Mrs. Rotchel...


"Thank you, ma'am." Alinlangan na tugon ni Amara sakanya.


"Excuse me?" Natatawang tanong nito sa kaibigan ko, anong mali doon? "Ma'am? Oh, my, don't call me ma'am... hmmm, Madam will do..." Maarteng sabi nito, pero mabait pa rin ang dating niya. "PortWood Academy is a popular school for everyone. May mga gulo na hindi niyo aasahan. Pag nagka-gulo walang pumipigil, hinahayaan lang namin ito, why?" Huminto siya sa pagkekwento... Anong gulo naman? "Doon namin makikita kung magaling ba ang estudyante na ito."


"Ano pong klase gulo?" Hindi ko na talaga maiwasan ang magtanong dito.


"Just like I said, it's unexpected na gulo." Sagot nito sa akin, may ganon ba?


"Ay ganon?" Si Freya, mahinang bulong niya sa akin.


"Ako ang head ng school na ito, although parang principal na, pero may mas mataas pa na head sa akin."


"Eh? Sino po?" Tanong ni Amara.


"We don't speak their names..."


"Ano pong ibig niyong sabihin... their madam? So, you mean po marami sila?" Takang tanong ko rito siyempre curiousity is in me.


"You're right, they are not just one... Be careful to those students out there, baka isa sakanila ay makabangga niyo at ang twist ay siya or sila na ang highest head ng school na ito." Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi nito. I bit my lip and continued searching for nothing.


"Is it a boy or a girl po?" Tanong ko rito, mas lalo akong nacurious.


"Both... maraming kababalaghan ang school na ito, don't be scared... D6 and others are always there to protect all students here..." I got curious when I heard something she mentions.


"D6? Sino po sila?" I couldn't help but to ask.


"You'll meet them..."


D6...


Hindi na kami nakapagsalita dahil sa mga nalalaman na namin dito, pero parang exciting ang eskwelahan na ito... Well, I just can't wait to start the classes na.


"Alright ladies, sorry for the story... Naparami ang pagkekwento ko pasensya na." Tatawa-tawa pa niyang sabi kahit wala naman nakakatawa. Kaya napatawa nalang kami ng pilit tatlo.


Marami na ba iyon? Tanong ko pa sa sarili ko. Para sa akin konti palang... Tumayo si Mrs. Rotchel at tumungo sa isang room, naiwan kaming tatlo doon na nakatayo. Mamayang konti pa ay lumabas na ito at dala dala na ang mga uniform namin.


"Ito ang uniform niyo kapag monday to tuesday." Pinakita niya sa amin ang uniform na iyon.


Maganda ang uniform, blouse na fitted konti at may ipapatong na vest tapos palda na may konting iksi at mahabang socks na hanggang baba ng tuhod namin. Puro light brown! Yung blouse lang ang puti, pero yung bandang baba ng sleeve at nung blouse ay may kulay light brown. Papatungan ito ng vest konting white lang talaga ang ang makikita. Pati socks ay light brown!


"Ito naman ay wednesday to thursday." Long sleeve naman ang blouse na iyon, pero fitted rin siya. Tapos nag iba rin yung palda, pero this time kulay light red naman ang palda at checkered siya yung blouse na may halong light red din. Maganda maganda ang mga uniform nila.


"At lastly, ito ang PE uniform niyo." Normal na pe uniform lamang ito pero short siya! Hindi pants! What the?!


"Hindi po siya pants?" Tanong ni Freya sakanya at tumawa naman si Madam.


"Iha, iba ang school natin sa school ng iba. Kaya asahan mo na iibahin namin ang mga damit dito." Nakangiting sagot sakanya nito.


"Ito ang susi ng dorm ninyo, tag isa isa kayo. Here's your ID, and lastly, your card for breakfast, lunch, and dinner." Isa isa itong binigay sa amin. "Dalawa ang canteen namin dito, yung isang katabi ng mga classroom ay canteen iyon para sa breakfast and lunch. Tapos yung canteen naman na katabi ng mga dorm na malaki ay pang dinner iyon." Masayang sambit nito sa amin.


"Ang sosyal naman talaga dito." Hindi pa rin talaga maiwasan ni Amara ang mamangha sa eskwelahan na, but there is this sarcastic voice in her, kagaya na rin namin dalawa. Tapos ang tawag sa amin ay baby ang sweet ha...


"Siyempre pinatayo ito ng mga Vrix." Natigil kami sa kasiyahan ng marinig namin ang pangalan na Vrix. Parang narinig na namin iyon.


"Vrix po?" Tanong ko ulit.


"Oo, ang Vrix nga." Masayang sagot nito sa akin.


Sandaling nagkaroon ng pananahimik. Kaya naisipan na namin nila Amara at Freya na umalis.


"Mauuna na po kami, madam." Sambit ko rito at ngumiti naman Ito sa amin.


"Saglit!" Palabas na sana kami ng pintuan ng pigilan kami nito... "Marami ang kalaban, may mga inggit... Magingat kayo dahil baka hindi na kayo maka-graduate pa, ingatan ang mga taong nakaitim, maaaring kalaban at maaaring kakampi ito... Mag-ingat kayo, sige sige, sana ay mag enjoy kayo."


Pagkatapos noon ay hindi na kami nagalinlangan na umalis at tumungo sa dorm namin.


Vrix...


Alam kong narinig ko na ito, hindi ko lang alam kung saan...


'

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 102 27
[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in thi...
17.1K 943 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
49.6K 465 66
In love, destiny always follows a certain rule to keep everyone intact. Whenever you meet someone, you will immediately assume that that person will...